ARTFOLIO-Final.indd 1
10/12/13 8:32 PM
ARTFOLIO-Final.indd 2
10/12/13 8:32 PM
layog AQUINIAN HERALD
LIFE X DREAM ISSUE
ARTFOLIO-Final.indd 3
10/12/13 8:32 PM
ARTFOLIO-Final.indd 4
10/12/13 8:32 PM
ARTFOLIO-Final.indd 5
10/12/13 8:32 PM
ARTFOLIO-Final.indd 6
10/12/13 8:32 PM
ARTFOLIO-Final.indd 7
10/12/13 8:32 PM
ARTFOLIO-Final.indd 8
10/12/13 8:32 PM
ARTFOLIO-Final.indd 9
10/12/13 8:32 PM
ARTFOLIO-Final.indd 10
10/12/13 8:32 PM
ARTFOLIO-Final.indd 11
10/12/13 8:32 PM
ARTFOLIO-Final.indd 12
10/12/13 8:32 PM
ARTFOLIO-Final.indd 13
10/12/13 8:32 PM
ARTFOLIO-Final.indd 14
10/12/13 8:32 PM
ARTFOLIO-Final.indd 15
10/12/13 8:32 PM
Unsung Heroes Alfred Robert Babasoro
One was killed, Ambo’s his name, eight have fled and left the game. Who’d ever heard about such tales? What sacrifice they have to bear? Unsung were hymns of wars they’ve fought; they’ve risked their lives for what they sought. But in the end nobody knew, they’ve risked their lives for me and you! ‘Quinians they were, of heart and blood; they’re smart and bold, with dreams they’re clad. But ever since they’ve stood our side, for country’s love they had to hide. ‘Traitor there was in Aquinas. He led the fiend, he was Judas! So preys were they; Ambo and friends. He led them to their tragic ends! Ambo was dead, the eight were gone; they all have fled to escape death’s scythe. These poor heroes were never seen. The killers’ eyes, they’re oh so keen! For if they see the poor fellows; they would be dead in the morrow. So eight they were who lost their dreams. But none of us knows what it seems. To take the path least have taken, and lose your life if worst happens.
10 ARTFOLIO-Final.indd 16
But in the end, the question is: Why do they seek to stop the hearts of those who love the country so much? 10/12/13 8:32 PM
ARTFOLIO-Final.indd 17
10/12/13 8:32 PM
ARTFOLIO-Final.indd 18
10/12/13 8:32 PM
ARTFOLIO-Final.indd 19
10/12/13 8:32 PM
ARTFOLIO-Final.indd 20
10/12/13 8:32 PM
ARTFOLIO-Final.indd 21
10/12/13 8:32 PM
ARTFOLIO-Final.indd 22
10/12/13 8:32 PM
Hiling
By Ralph Orense Tandang tanda ko pa ang lahat. Lahat ng nangyari ay sariwa pa sa isip ko. At gustuhin ko mang hilingin na sana hindi na lang nangyari ang lahat, alam kong wala na akong magagawa pa kasi nangyari na. Sana pala hindi ko na lang hiniling na makita ko ulit siya. Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Sana ang hiniling ko na lang, na maibalik ko ang oras; maibalik ko sa dati na naroon pa ang pagkakataon. Ang pagkakataong nasabi ko sa kanya nang mas maaga... “Pabili nga ako ng sampung pisong fishball, sampung pisong squidball at dalawang kwek-kwek,” humugot na ako ng stick sabay abot ng bayad ko sa manong. “Hindi ka naman masyadong gutom niyan Kael?” Napangiti lang ako kay manong, “slight lang.” Hindi naman siguro masamang ilibre ang sarili pagkatapos ng mahabang oras ng trabaho, ‘di ba? Mantakin mo iyon, sampung oras akong nakaupo at nakatutok sa kompyuter. Kinakabahan nga ako eh, baka isang araw, ma-inlove sa akin ang monitor ko dahil lagi akong nakatitig dito. Isa sa mga nakakatanggal ng stress sa akin ang pagkain ng fishball dito sa may parke. Kung pwepwede nga lang na araw-araw akong kumain ng fishball para solve na ang buong araw ko, pero paminsan minsan ko lang naaabutan si manong sa pwesto niya. Madalas kasi gabi na ako umuuwi at ubos na ang mga paninda niya sa ganung oras. Mabuti na lang at ngayong araw na ito, maaga akong nakauwi. Pagkatapos kong kunin lahat ng pagkain ko, umupo ako sa bench ng parke at pinagmasdan ang nasa paligid ko habang nilalasap ko ang pagkain ng fishball. Madaming mga batang naglalaro sa may playground. Laging dinudumog ng mga bata ang playground lalo na ngayong hapon dahil katatapos lang ng pasok nila at may malapit na paaralan dito sa parke. Madami ring mga taong nakapalibot sa nasa harap kong fountain. Kung ang playground ang tambayan ng mga bata, ito naman ang tambayan ng mga magkasintahan. Nakakatuwa silang tignan. Magka-holding hands, nakasandal ang ulo ng babae sa Magkabalikat ng lalaki, masayang nagkwekwentuhan. Napaisip ako, ano kaya ang pakiramdam ng may ka-holding hands?
17 ARTFOLIO-Final.indd 23
10/12/13 8:32 PM
“Huwag mo nang isipin iyan, ikain mo na lang,” sabi ko sa sarili. Hindi ko naman naging problema ang pagkakaroon ng nobya. Nakakahiya mang aminin pero kabilang ako sa grupo ng mga N-G-S-B. Oo, No-Girlfriend-Since-Birth. Paano ba naman ako magkakaroon ng girlfriend, hindi ako marunong manligaw. At saka isa ako sa mga DAKILANG TORPE. Nagkagusto ako nun sa klasmeyt ko nung first year college. Naging mabuti kaming magkaibigan, hanggang sa mahulog ang loob ko sa kanya nung second year kami, pero hanggang sa grumadweyt na kami’t lahat lahat, ‘di ko pa rin nasasabi na may gusto ako sa kanya. Sinubukan kong sabihin sa kanya nung pagkatapos ng graduation namin ang nararamdaman ko sa kanya. “Congrats sa atin Michael! Graduate na tayo!” niyakap niya ako nang mahigpit. “Oo nga,” isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. “Bakit? ‘Di ka ba masaya?” tanong niya sa akin. “Masaya, masayang masaya... pero nakakalungkot din kasi magkakahiwalay na tayo,” hindi ko na napigilang sumimangot. “Naku naman Kael! Masaya na tayo ngayon eh, huwag mo na akong paiyakin.” Halata kong pinipigilan niya ding umiyak. “Basta, lagi mong tatandaan, huwag ka na ulit sisimangot dahil lalo kang nagmumukhang matanda niyan!” sabay pisil ng mga pisngi ko! “Aray naman! Masakit!” protesta ko. “Hindi lang yan ang aabutin mo sa akin ‘pag patuloy ka pa ring sumimangot!” “Opo, di na po,” nginitian ko na siya. “Stephany! Tara na! Magpaalam ka na at kelangan na nating umalis. Ilang oras din ang byahe natin pauwi,” tawag sa kanya ng mama niya. “O sige, Michael. Text text na lang ha? Bye!” Naglakad na siya palayo pero pinigilan ko siya. “Stephany...” hinawakan ko ang kamay niya. “Ano yun Michael?” Dinadaga na ang dibdib ko... pero kung hindi ko sasabihin sa kanya ngayon, kelan ko pa sasabihin sa kanya?
18 ARTFOLIO-Final.indd 24
10/12/13 8:32 PM
ARTFOLIO-Final.indd 25
10/12/13 8:32 PM
Nagtungo ako sa pwesto ni manong pero nagliligpit na siya. Ubos na siguro ang mga paninda niya. Ibubulsa ko na lang ito at mamaya ipambibili ko na lang ito ng load. Akmang ibubulsa ko na sana ang baryang napulot ko ng napalingon ako sa may fountain. “Subukan ko kaya?” Lumapit ako sa may fountain. “Antanda mo na para sa ganitong mga bagay Michael!” isip-isip ko. “Sayang naman ‘tong sampung piso, limang pirasong squidball din iyan!” “Hindi naman siguro masama kung susubukan ko ‘di ba?” Tumalikod na ako at hawak-hawak ko na ang barya. Napansin kong pinagtitinginan na ako ng mga tao. “Bilisan mo at itapon mo na ‘yang barya!” Ipinikit ko na ang mga mata ko at saka ko itinapon ang barya sa fountain. ”Sana makita ko na siya...” “Michael?” narinig ko ang isang pamilyar na boses ng babae. Bumilis ang tibok ng puso ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. “Michael! Ikaw nga!” May babaeng papalapit sa akin. Hindi ko siya mamukaan, pero nung nakalapit na siya bumalik sa aalala ko ang kanyang pangalan. “Stephany? Ikaw ba iyan?” hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi pa rin siya nagbabago. Chinita pa rin ang mga mata niya, masigla pa rin ang kanyang mga ngiti, at simple pa rin siya kung manamit. Siya si Stephany, ang babaeng una kong minahal. “Kamusta ka na? Tagal na akong walang balita sa iyo!” niyakap niya ako. Hindi ko maitago ang kasiyahan ko nang nakita ko ulit siya. Para bang may munting ilaw na muling nagliwanag sa loob ng puso ko. “Mabuti naman ako, ikaw? Musta ka na? Tagal mong ‘di nagparamdam.” May halong lungkot at tuwa ang nararamdaman ko ngayon. Pagkatapos ng graduation namin, hindi na siya nag-text. Sinusubukan ko siyang tawagan pero out of coverage ang number niya. Masyado namang malayo ang Cebu sa Manila para sundan ko siya. Ilang beses din akong nagme-message sa kanya sa yahoo mail, wala akong natatanggap na reply sa kanya.
20 ARTFOLIO-Final.indd 26
10/12/13 8:32 PM
“Ano ba naman ang sabi ko sa iyo? ‘Di ba ayo’ko na nakikita kitang nakasimangot!” pinisil niya ang mga pisngi ko. “Aray naman!” inawat ko siya sa ginagawa niya. At nasundan iyon ng tawanan. Tawanan naming dalawa na matagal ko nang hindi naririnig. “Tahooo!!!” “Gusto mo ng taho? Ililibre kita!” hinawakan niya ang kamay ko at saka niya ako hinila papunta sa mamang nagtitinda ng taho. Habang bumibili siya ng taho, hindi ko maiwasang titigan siya. Hindi pa rin siya nagbabago. Masayahin pa rin, may pagka child-like, pero nakakatuwa pa rin siya. Alam kong masaya ako ngayon, dahil nakita ko ulit siya. Bigla ko na lang naisip, effective palang mag-wish sa fountain! “Heto oh, para sa iyo!” iniabot niya sa akin ang isang baso ng taho. “Nakaka-miss kumain ng taho!” sarap na sarap siya sa bawat subo niya ng taho. Umupo na ulit kami sa kinauupuan namin kanina, sa tabi ng fountain. “Oo nga… nakaka-miss.. pero…” tinitigan ko lang ang tahong hawak ko, at ibinaling ko ang aking tingin sa kanya. “…mas na-miss kita.” Napahinto siya sa pagkain at tumitig siya sa akin. “Na-miss din kita.” She gave me a faint smile. Madaming mga tanong na tanging siya lang ang makakasagot. Bakit hindi siya sumasagot sa mga text ko? Bakit hindi na siya nagparamdam? Mahal kaya niya ako? Pero isa lang ang lumabas sa aking bibig ng panahon na iyon. “Anong nangyari?” Ang saya sa kanyang mga mukha ay napalitan ng lungkot. “Sorry Michael. Madami akong utang sa iyo. After our graduation, ambilis nang pangyayari. A lot happened.” Ibinaba niya ang pagkain niya at ipinatong ito sa upuan. “Oo nga... Hindi ka na nagparamdam...” “After graduation, hindi sinabi nila mama na naka-book na pala ang flight namin papuntang Canada. Dumeretso na kami sa airport nun at hindi na ako nakapagpaalam sa iyo. Pagkarating na pagkarating ko doon, nag-aral ulit ako. Ipinasok agad ako nila mama sa university at doon ko pinagpatuloy ang pag-aaral ko. Ngayon lang ulit ako nakapagbakasyon dito.” Hinawakan niyang muli ang kamay ko at tinitigan niya ako sa mata. “Masaya ako at nakita kita.”
21 ARTFOLIO-Final.indd 27
10/12/13 8:32 PM
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. May saya din itong nararamdaman. Hindi ako makapaniwalang nakita ko ulit siya, at alam kong masaya siyang nakita niya ulit ako. Ngayong nandito na siya, nandito na ang pagkakataon na masasabi ko na sa kanya ang matagal nang itinatago ng puso ko, na mahal ko siya. “May sasabihin sana ako sa iyo...” kinakabahang hayag ko. “Ano iyon?” Huminga ako nang malalim. “Magsimula ng makilala kita nung college pa tayo, naging mabuti ka nang kaibigan sa akin...” Tinignan ko siya at kita kong nakikinig siya sa sinasabi ko. “... ngunit ‘di ko inaasahan na may magbabago sa nararamdam ko sa iyo...” Muli akong huminga ng malalim. Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba itong ginagawa ko. Pero nandito na ang pagkakataon, papalampasin ko pa ba? Muli ko siyang tinitigan. Tahimik lang siyang nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa aking bibig. Patuloy pa ring dinadaga ang aking dibdib. “Ma... Mahal kita, Steph...” pagkasambit ko ng mga salitang iyon, lalo akong kinabahan. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil may takot sa dibdib ko. Natatakot akong malaman kung anong magiging reaction ni Steph. Pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagsasalita ko. “Sa apat na taon naging magkaibigan tayo, hindi ko na alam kung gaano ko na katagal itinago sa iyo iyon. Ayaw ko lang malaman mo dahil natatakot akong may magbago sa pagiging magkaibigan natin...” Iminulat ko na rin ang mata ko, at nakita kong nakangiti si Steph sa akin. Lumapit siya sa akin. “Gusto mo bang malaman ang isang sekreto?” bulong niya sa akin. Tumango ako. “Sa apat na taong iyon ng pagkakaibigan natin, hindi ka lang naging kaibigan sa akin... minahal pa kita higit pa roon.” Ngiti ang isinagot ko sa sinabi niyang iyon. Hindi ako makapaniwalang minahal niya din ako! Kusa na lang gumalaw ang katawan ko at niyakap ko siya. “Salamat.. Salamat Steph at nagkita tayong muli...” Halos maluha-luha kong sambit sa kanya. “Umiiyak ka ba? Adik eto!” pabiro niyang sabi sa akin. “Michael! Tignan mo iyon oh! Bulalakaw!” Kumalas ako sa pagkakaakap ko sa kanya at tumingala ako sa langit.
22 ARTFOLIO-Final.indd 28
10/12/13 8:32 PM
“Wala naman!” reklamo ko sa kanya. “Ikaw kasi, ambagal mong tumingin! Iyan tuloy, hindi mo na nakita,” tumatawang sagot niya. “Hintayin mo lang at makakakita ka ulit ng bulalakaw.” Ilang sandali pa nga at may nakita kaming bulalakaw. “Nakita mo?” tanong niya sa akin. Tumango ako. “Dali! Wish na tayo!” Tinitigan ko muna si Steph bago ako pumikit. Taimtim siyang humihiling sa mga bituin. Gusto ko sanang malaman kung anong hinihiling niya pero kontento na ako sa kung anong meron sa ngayon. Hinawakan ko ang kamay niya bago ako pumikit at humiling. “Sana... Hindi na matapos ang gabing ito...” Bumitaw na si Stephany sa pagkakahawak niya sa akin. “It’s been fancy meeting you again, Michael. Pero I need to go.” Tumayo na siya. “Saan ka pupunta?” “Baka hinahanap na kasi ako eh.” Aalis na sana siya ng may foreigner na lalaki, nasa kanyang mid- twenties, ang lumapit sa amin. “I’ve been looking for you Steph! You made me so worried!” niyakap niya si Steph nang mahigpit. “You told us that you’re just going to look for something but you’ve been gone for a while. Tita thought something happened to you that’s why I looked for you.” “Sorry Lyndon. I was about to go back but guess what? I met a long-time friend,” tumingin siya sa akin. “Lyndon, meet Michael. Michael, met Lyndon... my fiancé.” Sa pagkakarinig ko noon, biglang may tumusok sa dibdib ko. “So you’re Michael. Nice to meet you dude,” inilahad niya ang kamay niya sa akin. Kinamayan ko naman siya. Nginitian ko lang siya. “She told me a lot of things about you.” “Really?” “Yes. She told me that you were her bestfriend when she was in college. I’m glad I finally met you.” Nakakuyom na ang aking palad sa sobrang galit. Kahit malaking tao pa itong kaharap ko, handang handa na siyang makilala ng mga kamay ko. Pero pinigilan ko ang sarili ko. “Can I ask a question, Michael?” tanong ni Lyndon. “Go ahead.”
23 ARTFOLIO-Final.indd 29
10/12/13 8:33 PM
“Do you know who was Steph’s first love? She wouldn’t tell me. She gave me a hint that she met him when she was in college and since you are her bestfriend, maybe you know him?” “Stop it Lyndon!” Nakita kong namumula na si Stephany. “It’s not like we are going to meet him here, right? And in case we’ll meet him, I promise, I won’t beat him.” Nakatingin lang sa akin si Steph. At nakatingin lang ako sa kanya. Naalala ko ang sinabi niya sa akin kanina. “Gusto mo bang malaman ang isang sekreto? Sa apat na taong iyon ng pagkakaibigan natin, hindi ka lang naging kaibigan sa akin... minahal pa kita higit pa ruon.” Ako. Ako pala ang first love niya. “So? Do you know him?” nakangiting tanong ni Lyndon. “No... I dont know him...” Tumingin ako kay Steph. “She also kept it as a secret even to me.” “Ah... Okay... I’ll find it out eventually,” nakangising sabi niya. “But we need to keep going,” ibinaling niya ang kanyang tingin kay Steph. “Your mom has been waiting in the parking lot for hours now. Nice meeting you again, Michael.” “Bye Michael.” “Bye.” Pinagmasdan ko lang silang umalis. Kasama ng pag-alis nila ay ang pag-asang magkakatuluyan pa kami ni Stephany. Sana hindi na lang niya sinabi. Mas masakit pala na malaman mong mahal ka ng taong mahal mo rin, pero huli na ang lahat. Napaupo ulit ako sa fountain. Tinitigan ko ulit ang mga baryang nasa ilalim ng tubig. Sana pala hindi ko na lang hiniling na makita ko ulit siya. Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Sana ang hiniling ko na lang, na maibalik ko ang oras. Maibalik ko sa dati na naroon pa ang pagkakataon. Ang pagkakataong nasabi ko sa kanya nang mas maaga. Hindi ngayon na huli na ang lahat...
24 ARTFOLIO-Final.indd 30
10/12/13 8:33 PM
My birth My parents My siblings My school My friends My dreams My hobby My death My birth My parents My siblings My school Friends My dreams My hobby My death My birth My parents My siblings My school My friends My hobby My death My birth My parents Siblings School My friends My hobby My death
RegresSion RouTine My birth My parents My siblings My friends My hobby My death My birth My friends My hobby Death My birth My hobby My dreams Death My birth My dreams Parents? My hobby Death My birth My hobby Death My death My hobby My birth
Ace Alba
My birth
25 ARTFOLIO-Final.indd 31
10/12/13 8:33 PM
ARTFOLIO-Final.indd 32
10/12/13 8:33 PM
ARTFOLIO-Final.indd 33
10/12/13 8:33 PM
ARTFOLIO-Final.indd 34
10/12/13 8:33 PM
ARTFOLIO-Final.indd 35
10/12/13 8:33 PM
ARTFOLIO-Final.indd 36
10/12/13 8:33 PM
ARTFOLIO-Final.indd 37
10/12/13 8:33 PM
ARTFOLIO-Final.indd 38
10/12/13 8:33 PM
ARTFOLIO-Final.indd 39
10/12/13 8:33 PM
ARTFOLIO-Final.indd 40
10/12/13 8:33 PM
ARTFOLIO-Final.indd 41
10/12/13 8:33 PM
ARTFOLIO-Final.indd 42
10/12/13 8:33 PM
ARTFOLIO-Final.indd 43
10/12/13 8:33 PM
ARTFOLIO-Final.indd 44
10/12/13 8:33 PM
ARTFOLIO-Final.indd 45
10/12/13 8:33 PM
ARTFOLIO-Final.indd 46
10/12/13 8:33 PM
ARTFOLIO-Final.indd 47
10/12/13 8:33 PM
ARTFOLIO-Final.indd 48
10/12/13 8:33 PM