KALINGA

Page 1

Tomo 1, Isyu 1

Hunyo 2017

300 ARAW NG PAGLILINGKOD

Ang panalong ito ay panalo nating lahat.

agama’t baguhan sa larangan, pinatunayan at ginampanan ni Congresswoman Rosanna Ria Vergara ang tungkulin ng isang lingkod bayan tulad ng kanyang ipinangako – isang lingkod bayan na nakakausap, nakikinig, at nalalapitan. Bukas palad na inihandog ni Cong. Vergara ang kanyang serbisyo sa

mga mamamayan ng lalawigan. Sa unang buwan pa lamang ng kayang pagkakaluklok ay nag-ikot na ang mambabatas sa distrito upang alamin ang mga pangangailangan ng iba’t ibang sektor ng lipunan. Sa kanyang pananaliksik ay napagalaman ni Rep. Vergara ang mga isyung kinakaharap ng mga mamamayan.

Mula dito ay gumawa ng mga batas ang kongresista at naghanap sa pamahalaan ng pondo at suporta para sa kabutihan ng kanyang mga pinaglilingkuran. Laging handa si Cong. Vergara na magkaloob ng panahon sa mga proyekto at programang magbibigay benepisyo sa nangangailangan. Katunayan, bukod sa pondong napapakinabangan ng distrito ay naglalaan pa ang kongresista ng laang-salapi mula sa kaniyang sariling bulsa. Tinitiyak din ng kongresista na siya ay lagi pa ring nasa tabi ng kanyang katuwang sa buhay na si Mayor Julius Cesar Jay Vergara, punong lungsod ng Cabanatuan. Magkaiba man ng puwestong napagluklukan, bilang Ina ng Ikatlong Distrito at Ama ng

IMPRASTRAKTURA

EDUKASYON

SOCIAL WELFARE

- Rosanna “Ria” Vergara, mensahe ng bagong halal na kongresista ng ikatlong distrito ng Nueva Ecija matapos ang kanyang proklamasyon sa posisyon.

B

P5

P6

P8

Progreso at Pagbabago, magkatuwang ang dalawa sa pagpapaunlad ng kanilang nasasakupan. Bilang tagapagbalangkas ng mga batas, sinisiguro ni Cong. Vergara na siya’y makatutulong hindi lang sa kanyang nasasakupan kundi para sa lahat ng mamamayang Pilipino. At bilang instrumento ng Maykapal, hangad niya ang kabutihan ng sanlibutan. Sa kanyang unang taon, siya ay buong-pusong naglilingkod at walang sawang nagbibigay sa abot ng kanyang makakaya upang umangat ang buhay ng mga mamamayan. Halina’t tunghayan natin ang unang tatlong daang araw ng panunungkulan ng Boses ng Ikatlong Distrito, si Congresswoman Rosanna Ria Vergara.

AGRIKULTURA

P10


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.