ugod na Pagba l a ti Mula sa M
Talatandaan ng mga magulang para sa pangangalaga ng bibig: • Siguraduhing nagsisipilyo ang inyong anak tatlong beses isang araw, o tuwing pagkatapos kumain. • Ang pagsisipilyo kasabay ng inyong anak ay isang magandang gawaing magkasama. Gawin itong mas masaya sa pagsisipilyo nang magkasama. • Siguraduhing ang toothpaste ng inyong anak ay may fluoride. • Pinatitibay ng fluoride ang ngipin, at iniiwas ang mga ito sa pagkasira. • Gumamit ng de-munggong rami ng toothpaste.
Natututuhan ng iyong anak sa paaralan ang tamang pangangalaga sa kaniyang ngipin at bibig sa tulong ng Bright Smiles, Bright Futures (BSBF) Oral Health Program ng Colgate. Ang programang ito ay isinasagawa ng Kagawaran ng Edukasyon at ng Philippine Development Association. Labinlimang taon nang tumutulong ang BSBF sa mga bata at pamilya upang pangalagaan ang kanilang bibig at ngipin. Sa buong mundo, nakatutulong ang programa ng BSBF sa 50 milyong bata sa 80 bansa at 30 wika. Sa Pilipinas, nakatulong na ang BSBF sa 10 milyong mag-aaral ng pampublikong paaralan.. Alam niyo bang ang naapektuhan ng pambibig na kalusugan ng inyong anak ay hindi lamang ang kaniyang mga ngipin? Ang mahinang pangagalaga sa bibig at ngipin ay nagiging sanhi mga problemang hahadlang sa mabuting pagkain, pananalita, at paniniwala sa sarili. Bilang magulang, mayroon kang magagawa! Tulungan mo ang iyong anak upang maging malusog at gumaling sa paaralan — siguraduhing napangangalagaan ang kaniyang mga ngipin at gilagid. Simulan na ngayon!
• Ang isang 10ml na toothpaste ay katumbas ng 27 demunggong rami. Kapag ginamit nang tatlong beses isang araw, tatagal ito nang 9 araw. Kailangan mo ng 400 ml na toothpaste kada taon. • Bawasan ang dami ng beses na nagmemerienda ang inyong anak. • Isama ang inyong anak sa dentista dalawang beses isang taon. • Naaapektuhan ng pambibig na kalusugan ang paglago at tiwala sa sarili ng inyong anak. Makatutulong ang dentistang itama ang anumang problema bago pa man ito lumala. • Palitan ang sipilyo ng inyong anak kapag ito’y luma at buhaghag na.
Ang Pambibig na Kalusugan ng Iyong Anak: Anong Dapat Asahan Hanggang 2 taon · Hindi pa kayang magsipilyo ng iyong anak, sipilyuhan siya dalawang beses isang araw. · Magsipilyo pagkatapos ng agahan at bago matulog. · Simulang gumamit ng de-munggong rami ng fluoride kapag kaya nang dumura ng anak. · Dalhin siya sa dentista kapag isang taong gulang na siya. 3-4 Taon · Natututo na dapat ang inyong anak ng tamang pagsisipilyo. · Magtulungan kayo upang siguruhing nagsisipilyo siya nang maayos. · Habang lumalago ang kanyang kakayahang gumalaw, gumagaling sa pagsisipilyo ang bata. · Ikaw muna ang dapat maglinis ng mga gitnang bahagi ng ngipin ng inyong anak gamit ang floss. 5 Taon · Magsisimula nang mawala ang ngiping pansanggol. · Naglalaan ng lugar para sa permanenteng ngipin ang mga ngiping pansanggol. Kapag nabungi nang maaga ang mga ito, maaaring masungki ang permanenteng ngipin. 6 Taon · Tutubo na ang mga bagang pang-anim na taon. · Siguraduhing nasisipilyo ng inyong anak itong mga bagong permanenteng ngipin, sa likod na bahagi ng kaniyang bibig.
Pagsisipilyo nang Magkasama Natututo sa paaralan ang inyong anak tungkol sa pangangalaga ng bibig. Bilang magulang, maitataguyod mo ang pambibig na kalusugan sa inyong tahanan sa pagiging halimbawa ng tamang paraan ng pagsisipilyo.
Patakaran ng BSBF Raffle Upang makasali, dapat ikaw ay isang magulang o tagapangalaga ng isang mag-aaral sa unang baitang ng pampublikong paaralan. Dapat sagutin ng maaaring sumali ang tanong sa brochure ng BSBF para sa magulang. Matatagpuan ang sagot sa mga kaalamang inilagay sa brochure. Dapat isulat ng maaaring sumali ang kanilang pangalan, tirahan, pangalan ng bata sa unang baitang, pangalan ng pampublikong paaralan ng bata, at dibisyon ng naturang paaralan. Ipadala ang raffle coupon sa Colgate-Palmolive Philippines, Inc. “ Bright Smiles, Bright Futures Program” P.O. Box 1340 or 1328 Makati sa o bago ang petsang ika-31 ng Disyembre, 2008. Magsisimula ang promo sa ika-1 ng Oktubre, 2008 at magtatapos nang ika-31 ng Disyembre, 2008. Ang pangongolekta ng mga kasaling coupon ay magtatapos sa ika-15 ng Enero, 2009. Ang pagbunot at pagtatala ay gaganapin sa CPPI Office sa ika-30 ng Enero, 2009 sa pangagasiwa ng isang Tagapangatawan ng DepEd. Ang pagbabalita ng mga nanalo ay sa ika-8 ng Pebrero, 2009. Ang 100 nanalo ay masasabihan sa isang liham at tawag sa telepono. Makukuha ang premyo sa Access Warehouse sa o bago ang petsang ika-31 ng Marso, 2009. Upang makuha ang premyo, ang nanalo ay dapat magpakita ng BSBF Parent Brochure, rehistradong liham, 2 balidong ID na may retrato sa isang tagapangatawan ng Colgate. Ang mga premyo para sa mga mananalo ay ang sumusunod:
1. Ilagay ang sipilyo sa isang anggulo sa tapat ng gilagid. Marahang ikiskis nang pabalikbalik. Ulitin para sa bawat ngipin.
2. Sipilyuhin ang loob na bahagi ng bawat ngipin gamit ang paraang pagkiskis sa unang hakbang.
3. Sipilyuhin ang pangnguyang bahagi ng bawat ngipin.
4. Gamitin ang dulo ng sipilyo upang linisin ang likod ng mga ngipin sa harap ng bibig, sa taas at sa baba.
5. Huwag kalimutang linisin ang iyong dila!
• 15 piraso ng 150 ml Colgate Toothpaste • 12 Colgate na sipilyong pangmatanda • 3 Colgate na sipilyong pambata