DIYA, KANYAM BUAY LUPA, Aming Buhay LAND is Our Life
Kwento ng mga Matatandang Mangyan-Alangan Guhit ni: June Anthony Galicia
Karapatang-ari © ng Balay-Lakoy Center - TUGDAAN at PAMULAAN Center for Indigenous Peoples’ Education Reserbado ang lahat ng karapatan sa reproduksyon at paggamit sa anumang anyo o paraan maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang-ari. Ginawa ng BALAY-LAKOY Research Center for Mangyan Culture Tugdaan Mangyan Center for Learning and Development Paitan, Naujan Oriental Mindoro c/o Holy Infant Academy, Calapan City Website: www.tugdaan.org Nailimbag sa tulong ng
at ng
PAMULAAN Center for Indigenous Peoples’ Education University of Southeastern Philippines - Mintal Campus Mintal, Davao City Telefax: (6382) 293-1013 Website: www.pamulaan.org
Kwento ng mga Matatandang Mangyan-Alangan Isinulat ng mga Mangyan-Alangan na sina Ma. Dolores Andrinay Ligaya Lintawagin Resurecion Taywan Iginuhit ni June Anthony Galicia, Mangyan-Alangan Salin sa Ingles ni Manuel Sandoval Isinaayos at Disenyo ni Jed Africa
DIYA, Kanyam Buay LUPA, Aming Buhay LAND is Our Life
Kwento ng mga Matatandang Mangyan-Alangan Iginuhit ni June Anthony Galicia
In mga diya in biyaliwan kantam mga kakuyayan usay in buo tiyaboy in kakubatan buo piyagtaboy kantam Kapwan Agalapet.� Ang mga lupain na ating minana mula sa ating mga ninuno at ang lahat ng mga biyaya ng kalikasan ay ipinagkatiwala lamang sa atin ng ating Kapwan Agalapet.
The land we inherited from our ancestors and all its natural resources are merely entrusted to us by Kapwan Agalapet.
In mga Mangyan sa Mindoro “Mangyan””in buo berya sa mangyan in Mindoro. Anda piyalbiyakan sa walo katribo na piyagngitan sa kalumamla bahagi in lalawigan Ang mga katutubo sa Mindoro. “Mangyan” ang pangkalahatang tawag sa katutubo ng Mindoro. Ang mga Mangyan ay nahahati sa walong tribo na matatagpuan sa pulo ng Mindoro.
The Indigenous People of Mindoro. “Mangyan” is the collective term to refer to the indigenous people of Mindoro. The Mangyans are divided into 8 tribes found in the island of Mindoro.
Sano Piyagngitan in Puro Mindoro? In puro in Mindoro piyagngitan sa Timog Kanluran in Luzon usay sa kagwaraan bahagi in Pilipinas. Anda biyagi sa kalumamla lalawigan in Silangan usay Kanlurang Mindoro. Saan Matatagpuan ang pulo ng Mindoro? Ang pulo ng Mindoro ay makikita sa Timog Kanluran ng Luzon at sa gitnang bahagi ng Pilipinas. Ito ay nahahati sa dalawang lalawigan, ang silangan at kanlurang bahagi ng Mindoro.
Where is the island of Mindoro? The island of Mindoro is located in the South West of Luzon and in the middle of the Philippines. It is divided into 2 parts: the province of Occidental Mindoro and Oriental Mindoro.
Pagtao aro in mga Mangyan agbalay atay? In walo katribo in mga Mangyan. In tribung Alangan, Buhid, Bangon, Iraya, Hanunuo, Ratagnon, Tadyawan usay Tao-buid in kantam piyagngitan atay. Sino-sino ang mga katutubong nakatira dito? Ang walong tribu ng mga Mangyan ay ang mga sumusunod: Alangan, Buhid, Bangon, Iraya, Hanunuo, Ratagnon, Tadyawan at Tao-buid.
Who are the 8 tribes? The 8 tribes are the following: Alangan, Buhid, Bangon, Iraya, Hanunuo, Ratagnon, Tadyawan at Tao-buid.
Tanguna pag mga dagon, kami mga Mangyan agbalay kay sa balabaan dagat, agkabuay kaingen, maalnote, agkaanggayan, bunton wano pagkuwaan nakayte, kamay sano waget patubang, usay agkapyaan no gayed. Noong unang panahon, kaming mga Mangyan ay naninirahan sa tabing dagat, namumuhay ng tahimik, payak, masaya, sagana sa likas na yaman, malaya at mapayapa.
Long time ago, some of the Mangyans lived by the sea, living quietly, simply, happily, free and peacefully.
In amat din kanyam, agbalay sa agbaw apo din agidang piyagpangkuwaan in kanyam piyagkabuay batang sa kagubatan. Ang iba din sa amin ay nakatira sa kabundukan na may sapat na pinagkukunan ng aming ikinabubuhay mula sa likas na yaman.
Others lived in the mountains, living off on the land’s abundant natural resources.
Mayaman in kanyam diya sa mga nakayte kataw in uway, balagen, daiket, balingway, tamaraw, beyek. usay amat kay mga liyamo piyagngitan sa kanyam bagbagan. Mayaman ang aming lupa sa likas na yaman tulad ng uway, bagin, pulotpukyutan, tamaraw, baboy damo at iba pang hayop na makikita sa aming kagubatan.
Their land was rich in natural resources like uway, bagin, honey, tamaraw, wild boar, and other animals living in their forest.
Bunton din kami tugda in agpakaaro sa kanyam kabuayan kataw in kamote, bado, kalbasa, pungol, butig, kilawen, gabay usay amatkay. Anda pagbuo batang sa diya. Marami rin kaming tanim na nakapagpadagdag sa aming kabuhayan tulad ng kamote, pipino, kalabasa, ubi, gabi, saging, kalamismis, at iba pa. Ang lahat ng mga ito ay sa lupa nanggaling.
We also have many plants and vegetation that are added to our food and as a source of livelihood like sweet potato, pipino, pumpkins, ubi, gabi, bananas, kalamismis, and others. All of these came from the land.
Kataw anda, lakunaw in kanyam agpaniwala in diya agpanlado daet kataw anda tiyaboy kantam in KAPWAN AGALAPET. No nges maal, kanyam wano alapeten anda usay pakaruen wara sa kanyam mga sukpon angal. Dahil dito, malaki ang aming paniniwala na ang lupa ay banal dahil ito ay ipinagkatiwala sa amin ni KAPWAN AGALAPET. Kung kaya lubos namin itong iniingatan at pinagyayaman para sa aming salit-saling lahi.
Because of this, it is our belief that the land is sacred since it was entrusted to us by KAPWAN AGALAPET. This is the reason why we are protecting, caring for and enriching the land not only for us but also for the next generation.
Sa kataw-tai kalagayan buay, agkapyaan in mga Mangyan usay kamaynakay waget agpanggisudan sa kansiro kasariyan. Sa ganitong kalagayan mapayapang namumuhay ang mga Mangyan at malayang nakikipag-ugnayan sa kanilang kapwa.
This is the typical life of the Mangyans, peacefully relating with others.
Kamay pagkakalbas in arunaw dagon, utay-utay misuroy kanyam diya in mga siganlang batangkay sa amat lugar in Pilipinas usay sa amat bansa. Bumalay sa mga Mangyan in apo malayem piyag kabeet usay piyagremrem sa agbegkes usay agpabelag beet din katawan mga Mangyan usay kansiro ngiitan in sistema usay padalan in buay mga Mangyan. Ngunit habang lumilipas ang maraming taon, unti unting pumasok sa aming lupain ang mga dayuhan na nagmula sa ibat ibang dako ng Pilipinas at sa ibang bansa. Nakipamuhay sa mga Mangyan na may malalim na hangarin, ang pakikipag-ugnayan at pakikipagkaibigan. Nais din nilang malaman ang mga kahinaan ng mga Mangyan at makita ang sistema at pamamaraan ng buhay.
As the years passed, migrants have slowly encroached in our land. These migrants came from different areas within the Philippines and from overseas. They befriended and lived with the Mangyans, but with a hidden agenda. They learned the ways of life of the Mangyans and discovered their weaknesses.
Kataw sa duwayi ugnayan in mga siganlang usay mga Mangyan utay-utay wa piyagpasabangen usai piyagpabelag in mga siganlang in mga katutubo na tabuyen kansiro in karapatan sa agalapet in kansiro diya kakuyayan. Dahil sa ugnayan sa pagitan ng mga dayuhan at mga katutubo,unti-unting hinikayat ng mga dayuhan ang mga katutubo na ibigay sa kanila ang karapatan sa pamamahala ng kanilang lupa.
Because of this, the migrants slowly influenced and convinced the Mangyans to give them rights to their land.
Dahil sa kurang in katawanan, agibuswang remrem usay kabaluyan in mga katutubo, utayutay siro piyagsaeban in mga padalan buay mga siganlang. Dahil sa kakulangan ng kaalaman, kamulatan at kakayahan ng mga katutubo, unti-unting nahawaan sila sa makabagong pamamaraan ng pamumuhay ng mga dayuhan.
Due to the Mangyans’ lack of knowledge, information, awareness and capability, the migrants easily influenced the Mangyans in adapting to their modern way of life.
In kataw tai pagkalagayan manremrem note gayed padalan in mga siganlang wara mipabangen in mga Mangyan wara tiyaboy kansiro in karapatan sa kansiro diya. Sa ganitong pamamaraan nahikayat ng mga dayuhan ang mga Mangyan na ibigay sa kanila ang karapatan sa kanilang lupa.
This is how the migrants were able to wrangle the rights to the land from the Mangyans.
No kaya tiyaboy in mga siganlang in buote piyagkaylangan mga Mangyan sa ibeng-ibeng siro agkabuay kataw in wasay, pisaw, kaldedo, bukar, sardinas, abay, bagoong usay amatkay. Ipinagkaloob ng mga dayuhan ang lahat ng pangangailangan ng mga Mangyan sa pang araw araw nilang pamumuhay tulad ng: palakol, itak, kaldero, bigas, sardinas, bahag, bagoong at iba pa.
The migrants provided for every need of the Mangyans for their daily living like axe, bolo, cooking pots, rice, sardines, clothing , food and many others.
Kadugay wa giyamit in mga siganlang in katawanan siro abelen in diya mga Mangyan in bayad waget anda pag mga nakayte piyagtaboy in mga siganlang. Ginamit ng mga dayuhan ang kapangyarihang nila upang angkinin ang lupa na ang nagsilbing kabayaran lamang para sa lahat ng mga bagay na ipinagkaloob ng mga dayuhan.
The migrants used their power and influence to get their land as payment for all the things that they gave.
Kamay in mga Mangyan piyagsengke piyagpataboy sa agbaw kamay agistukod wa kansiro remrem usai puso in diya kansiro biyaliwan, kamaybawa anggan dugayan igbatay anaweyan siro anda. Itinaboy ng mga dayuhan ang mga Mangyan sa kabundukan. Kahit na sila ay itinaboy, nakatatak pa rin sa kanilang puso at isipan na ang lupang kanilang iniwan ay kailanman ay hindi nila malilimutan.
Then the migrants drove the Mangyans out of their land. Even if the Mangyans were driven away, they could not and have not forgotten the land they have left behind since it is written in their hearts.
In kataw tai aranasan utay-utay agibuswang in mga karemreman Mangyan wara mandaeg in kansiro karapatan sa kubat kakuyayan. Dahil dito ay unti unting namulat ang mga Mangyan na ipaglaban ang kanilang karapatan sa lupa.
This paved the way for the awakening of the Mangyans to fight for their right to the land.
Kamaybawa kami, Mangyan sa agbaw wa, agaway din kanyam aranasan in mga agpalimlimo usay agpanawey sa mga karemreman in mga mabwat mga siganlang wara agpangwat kansiro piyagkaylangan kataw in agpandudo yangaw singgulan usay agkali in diya agbaw mga mangyan (pagmimina). Anda pagkataw tai panawen in agbaba daeten sa bakte baryuan. Kahit kami ay nasa kabundukan na, patuloy naming nararanasan ang mga pagbabanta at pagsasamantala ng mga dambuhalang dayuhan na nagsasagawa ng mga ipinagbabawal na pagtotroso at pagmimina. Ang mga ganitong gawain ay nagdala ng kaguluhan sa aming pamayanan.
Even if we were already in the mountains, we continued to experience the threats and abuse of foreigners in their illegal mining and illegal logging activities. These activities brought problems to our community.
Mana siro apo usai kalakunaw agusap wara pasereken usay pakanen beles in puroblema kansiro agipatubang kansiro buay. Nagkaroon sila ng isang malaking pagpupulong upang suriin at mabigyan ng katugunan ang problemang kanilang kinakaharap sa buhay.
The Mangyans organized a big meeting to analyze and identify a solution to the problem they were facing.
Sa kansiro agpalbagiyan iplaung lumwas anda pag mga butog: Nangkataw wa in kantam buay? Nangkataw wa in kantam kaguribasan, in kantam sukpon-angal? No anda kantam piyagpabayaan agikaaba in agipangwat kantam? Lumabas sa kanilang pagbabahaginan ang mga katanungan: Kung ito ay hahayaang patuloy na mangyari sa atin, paano na ang ating buhay? Paano na ang pangarap ng ating mga anak? Paano na ang kinabukasan ng ating salinlahi?
In their sharing, they asked the following questions: If we will allow this situation to continue, what will happen to our life? What will happen to the dreams of our children? What will happen to the future of our next generation?
In kataw anda pag mga aranasan, mitalo in mga panaynepen kami nga Mangyan in Apo nges ka samahan in agparigen kanyam agpaltagbuan, agbekes usay agpaytulungan in aylaban karapatan wara bumeles sa betek kalagayan in buay, piyagkaylangan usay mga puroblema sa bakte baryuan. Kaya ngani in tribo Mangyan-Alangan buay agpaagem buo panawen, wara arateng in piyagkabeet maalen buay in “Samahan ng Nagkakaisang Mangyan-Alangan (SANAMA)“. Dahil sa ganitong karanasan, sumibol ang aming pangarap na magkaroon ng isang samahan na magpapatatag ng aming ugnayan, pagkakaisa at pagtutulungan para ipaglaban ang aming mga karapatan na tumugon sa tunay na kalagayan ng buhay, sa pangangailangan at sa mga problema sa bawat pamayanan. Kaya ang tribong Mangyan-Alangan ay aktibong nakisangkot sa pag-abot ng mga layunin at hangarin sa buhay ng “Samahan ng Nagkakaisang MangyanAlangan (SANAMA)”.
Due to this experience, it gave birth to our dreams to have a group that will strengthen our relationship, unity and cooperation; and to defend our rights to respond to the real state of our life, the needs and problems of each community. Thus the Mangyan-Alangan tribe is actively cooperating and getting involved in working for the goals and objectives of the “Samahan ng Nagkakaisang Mangyan-Alangan (SANAMA)”.
SINU-SINO ANG MGA MANGYAN
ALANGAN?
Ang mga MANGYAN ALANGAN ay kabilang sa isa sa mga katutubong pamayanan sa Pilipinas - ang Tribong Mangyan. Ang mga katutubong Mangyan ay binubuo ng pitong pangkat: Alangan, Batangan, Buhid, Iraya, Hanunuo, Ratagnon, at Tadyawan. Magkakaiba ang mga pangkat na ito sa larangan ng kanilang wika, mga kaugalian, at tradisyon. Mayroong mga 62,596 katao ang kanilang kasalukuyang populasyon. Matatagpuan ang karamihan sa kanila sa mga bulubundukin ng Oriental at Occidental Mindoro. Bagamat apat na oras lamang ang layo ng Mindoro mula sa Maynila, isa siya sa mga lalawigang hindi pa rin sapat na naaabutan ng mga biyaya ng pag-unlad sa bansa. Ang mga Mangyan Alangan ay kabilang sa mga tribong hilaga na nananahan sa liblib at bulubunduking rehiyon ng isla ng Mindoro. Matatagpuan sila sa mga munisipyo ng Naujan at sa ilang bahagi ng Baco at Victoria, gayundin sa mga bulubundukin ng Kanlurang Mindoro sa loob ng mga bayan ng Mamburao, Sta. Cruz, at Sablayan. Nagtataglay ng mga natatanging kaugaliang kultural ang mga Mangyan Alangan. Karamihan ng mga kababaihang Alangan ay patuloy pa ring nagsusuot ng kanilang katutubong damit na gawa sa balat ng puno at mga baging. Payak ang kanilang pagkain na karaniwang binubuo ng kamote, palay at iba pang mga tanim. Para sa mga Mangyan Alangan, ang lupa ang isa sa kanilang pinakamahalagang kayamanan. Nakaugat dito ang kanilang pinagmulan, kasaysayan, pagkakakilanlan, at kultura. Sa gayon, walang kaparang paggalang ang iginagawad nila sa kanilang lupaing ninuno. Para sa mga Mangyan Alangan, ang lupa ang kabuuan ng buhay. Ito ang pinag-uugatan ng lahat ng aspeto ng kanilang buhay - ekonomiko, pulitikal, kultural, at spiritwal. Ito ang batayan ng kanilang pagkakakilanlan. Sa gayon, ito’y itinuturing nilang banal.
TUGDAAN MANGYAN CENTER FOR LEARNING AND DEVELOPMENT Ang TUGDAAN Mangyan Center for Learning and Development ay isang institusyong pang-edukasyon para sa mga katutubong Mangyan ng Oriental at Occidental Mindoro sa Paitan, Naujan, Oriental Mindoro. Itinatag ito ng mga Mangyan Alangan noong 1989 sa tulong nina Benjamin Abadiano at ng Mission Congregation of the Servants of the Holy Spirit (SSpS). Pangunahing tuon ng institusyon ang pag-oorganisa at pagtuturo sa mga katuwang na komunidad tungo sa kanilang pagtataguyod ng mga pamayanang nakapagsasarili sa pamamagitan ng kanilang kakayahang igiit ang kanilang mga karapatan sa sariling-pamumuno at sariling-pagpapasya. Bilang tugon sa hangarin ng mga Mangyan para sa edukasyong higit na makabuluhan, ang TUGDAAN ay nagtatayang linangin at itaguyod ang isang programamng ayon sa kultura, pangangailangan, at adhikain-sa-buhay ng mga Mangyan. Kabilang sa programa ang : 1) BISLOY TE Early Mangyan Childhood Education; 2) Culture-Based High School Education; 3) BALAY LAKOY Research Center for Mangyan Culture; 4) Environment and Resource Management, and; 5) Sustainability Initiatives. Tunay ngang naging panahon ng mabungang paglilingkod para sa mga Mangyan ng MIndoro ang nagdaang dalawampung taon. Para sa mga pinuno ng komunidad, isa sa kanilang pinakamahalagang tagumpay bilang pamayanan ang TUGDAAN. Patunay ito na pinahahalagahan nila ang TUGDAAN at kinikilala nila ang natatanging papel nito sa kanilang mga buhay at kinabukasan bilang katutubong komunidad.
KWENTONG KATUTUBO SERIES
Kwentong Katutubo Series is a joint project of the PAMULAAN Center for Indigenous Peoples Education and the various indigenous community schools in the country. The series aims to portray and illustrate the indigenous culture and traditions, its values, identity and way of life, inspiring stories about particular persons, as well as the various realities and challenges faced by the indigenous people. It is hoped that through this publication, the wisdom, knowledge, systems and practices of the Indigenous People will be documented and promoted for the coming generation to be respected and valued by the indigenous children and youth and the rest of society.