Karapatang-ari © ng Balay-Lakoy Center - TUGDAAN at PAMULAAN Center for Indigenous Peoples’ Education Reserbado ang lahat ng karapatan sa reproduksyon at paggamit sa anumang anyo o paraan maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang-ari. Ginawa ng BALAY-LAKOY Research Center for Mangyan Culture Tugdaan Mangyan Center for Learning and Development Paitan, Naujan Oriental Mindoro c/o Holy Infant Academy, Calapan City Website: www.tugdaan.org Nailimbag sa tulong ng
at ng
PAMULAAN Center for Indigenous Peoples’ Education University of Southeastern Philippines - Mintal Campus Mintal, Davao City Telefax: (6382) 293-1013 Website: www.pamulaan.org
Kwento ni Pepito Caquipotan, Mangyan Alangan Isinulat ng mga Mangyan-Alangan na sina Ligaya Lintawagin, Dolores Andrinay, Emmanuel Guarde at Resurecion Taywan Iginuhit ni June Anthony Galicia, Mangyan-Alangan Salin sa Ingles ni Manuel Sandoval Isinaayos at Disenyo ni Jed Africa
In Alpagkuyugan Pepito Ang Paglalakbay ni Pepito The Journey of Pepito
Kwento ni Pepito Caquipotan Iginuhit ni June Anthony Galicia
Sa usai agidayang usay apyaang balayan in Barangay Balite, Naujan, ako agbalay. Ako usai kabudang Mangyan-Alangan in agpatuloy sa mga hamon in buay. Pepito Caquipotan in kangay ngaran. Sa isang tahimik, payak at mapayapang pamayanan ng Barangay Balite, Naujan, ako ay nakatira. Ako ay isa sa maraming mga kabataang Mangyan-Alangan na patuloy na nakikibaka sa hamon ng buhay. Pepito Caquipotan ang aking pangalan.
I live in a quiet, simple and peaceful community of Barangay Balite, Naujan. I am one of many Mangyan-Alangan youth who continue to struggle in facing life’s challenges. My name is Pepito Caquipotan.
Ako usai kabudang Mangyan, ako apo din panaynep in arating in kangay biit sa buay. No kataw, ako ngani piyaadar in kangay mga kuyay sa usai ka pampublikong pag-adaran. Tulad ng maraming kabataang Mangyan, ako din ay nangarap na maabot ang aking mithiin sa buhay. Ako ay pinag-aral ng aking mga magulang sa isang pampublikong paaralan.
ILike many young Mangyans, I also dream of achieving all my goals in life. My parents sent me to a public school to get my education.
Sa kangay agadar, bunton ako aranasan na agpabuswang kangay sadiri usai remrem kamayba usay kabudangan Mangyan, mga nakayte in keyen ako amatkay piyagpaniwalaan sa kangay kaistubuan. Sa aking pag-aaral, marami akong bagong karanasan na lubos na nakapagpabago sa aking sarili bilang isang kabataang Mangyan - mga bagay na masasabi kong kakaiba sa kulturang kinalakihan ko.
In school, I faced many new experiences, very much different from the culture and life I grew up with. These new experiences completely changed me.
No agkabuka wa, agipanaw wa ako sa balay kamay yewed ako agisuroy sa pagadaran ako. Tuwing umaga, umaalis ako ng bahay pero hindi sa paaralan tumutuloy.
In the morning, I leave the house but I do not go inside the school to attend my classes.
Bakti anggan sa luwas waget ako kanyam pag-adaran, agtambay sarig in kangay mga pagbelag. Sarig siro ako sa sugalan, agineman, usay agbisyo. “Wara apal kaanggayan waget”, keyen ngani. Madalas na hanggang labas ng paaralan lamang ako, nakatambay sa labas kasama ng aking mga mahal na kabarkada. Kasama nila ako sa sugalan, inuman at bisyo. “Katuwaan lang,” ika nga.
I often stay outside of the school, wasting time with some of my classmates. We play games, gamble, drink alcohol and do other vices. We do this all for fun.
Pagkarateng bayapon, piyagpanaya ako in agluwas kangay mga kaeskwela wara agpalsabayan kami sa aguli kanyam adayunaw balay wara yewed ako pagremreman daetan in kangay mga kuyay. Pagdating ng hapon, hinihintay ko na ang paglabas ng aking mga kamag-aral para makasabay ko sa aking pag-uwi upang hindi ako pagdudahan ng aking mga magulang.
IIn the afternoon, I wait for the end of classes and join my other classmates going home. This way my parents will not have any doubt about where I went and came from during the day.
Anda utay-utay kangay piyagpangwat anggan mipabangen kami sa usa’y usay in kangay mga pagbelag daet. Ito’y paulit-ulit kong ginawa kaya naging malapit ako sa aking mga kabarkada.
This was my routine everyday. Eventually, I became very close to some of my classmates.
Kamay madali siro ako akuwa sa grupo kansiro piyag-pasalian. Sa naagkaro kadagon kanyam agpaysarigan sa kansiro anda mana in agbaba sa kangay sa kadaetenan. Ako ay mipaagem wa kansiro grupo fraternity. Dahil dito madali nila akong nahikayat na sumali sa grupo na kanilang kinaaaniban.. Ako ay naging kasapi ng kanilang “fraternity”. Sa konting panahon kong pakikibarkada sa kanila, ito pala ang maghahatid sa akin sa kapahamakan.
It became very easy for them to convince me to join their group, a fraternity. I became a member of the fraternity. Little did I know that my joining the fraternity would lead me to trouble.
Kaya ngani utay-utay idwa kangay atawanan in kangay kultura kaistubuan, in kataw usay kabetek katutubong Mangyan. Mula nang sumapi ako sa grupo, unti-unti ko nang hindi nakikilala ang aking kulturang kinalalakhan, ang pagiging isang tunay na katutubong Mangyan.
Ever since I joined the fraternity, I have slowly forgotten my life, my culture, and my true identity as a true Mangyan.
Sa kataw tai pagpanawen ako mipaagam sa mga daeten pagpanawen, kataw usay ka ag-adar usay katutubo Mangyan. Sa betek wanote, in agkaydapan usay tiyaboy kwarta kangay mga kuyay, kamaybawa. Ang kadugay anda yewed piyakan alaga, kamaysano waget kangay giyamit sa daeten padalan. Sa aking pagsali, lubos akong naimpluwensyahan ng mga di kanais-nais na gawain. Ang sakripisyo at pera na ibinibigay na aking mga mahal na magulang ay hindi ko nabigyan ng pagpapahalaga, bagkus ginamit ko ang pera sa mga masasamang paraan.
In the fraternity, I was exposed to bad influences and activities. I took for granted the sacrifices of my parents to send me to school to be able to receive education. The money they give me for my schooling I spent for my vices.
Kalo dagin din ako agsiledalan kataw tai kangay kalagayan. Usay kaibeng ako manremrem sa kangay sadiri keyen, in buo kangay piyangwat dapo kabuluan. Tatlong taon din akong nakipagsapalaran sa ganitong sitwasyon. At isang araw ay napagnilayan ko at natanto ko na ang lahat ng maling ginagawa ko ay walang magandang patutunguhan.
For 3 years, I was involved in the fraternity. One day I reflected on my situation and I realized that my misdeeds will not lead me to something good.
Kaya ngani manremrem note gayed ako, keyen. Ag-empet kay ako ag-adar nguna pag-agrateng pasukan. Nagpasya akong pansamantalang huminto pansamantala sa aking pag-aaral
My realization led me to a decision: I will stop temporarily going to school.
Kalbas wa in kalo bulan, bakasyon tanguna, kamay kangay mga pagbelag wakay mga kabudangan Mangyan. Siro kura Lazaro, Rufino, usay Gener. In kami agpaysarigan, ako agbaagi sa kansiro in kangay sa amat pag-adaran kalbas kangay siyabi keyen. Mga belag ako ag-empet wa ag-adar nguna, pagagrating pasukan. Kataw ako agkaryaban kangay mga aranasan.
Bakasyon noon, habang kasama ng aking mga barkadang Mangyan na sina Lazaro, Rufino at Gener, nagbahagi ako sa kanila ng aking karanasan at pasya na pansamantalang tumigil muna sa darating na pasukan sapagkat ako ay lubos na nabahala sa aking mga karanasan.
One day, while I was with my fellow Mangyan friends, Lazaro, Rufino at Gener, I shared with them my situation and my decision.
In ako miplaung wa kangay aranasan, usay beet ako ag empet ag-adar keyen kangay mga pagbelag Mangyan, ayaw kao ag-empet, maalkay-umadar kao sa usay kapag-adar anda maalen yewed kataw sa amat pag-adaran , kami ista ag-adar inawa in Tugdaan.
Hindi sumangayon sa aking pasya ang aking mga mahal na kaibigan. Hinikayat nila ako na lumipat at magpatuloy ng pag-aral sa isang kakaibang paaralan kung saan sila nag-aaral. Ang paaralan na tinutukoy nila ay ang Tugdaan.
My Mangyan friends did not support my decision to stop temporarily going to school. They instead informed me about their special school and tried to convince me to go join them there to continue my schooling. They were referring to Tugdaan, their school.
Ako manremrem sa agbaagi, kangay mga pagbelag, in katawan ako, yewed kangay abaluyan in agsuroy, kanyam sadiri piyagsuroy abay, agkali diya, agiplaung sadiri iplaung usai in agpaysarigan sa buo ag-adar atay ag-adar. Ako labiswa agkalimo anda pag mga piyagpangwat.
Pinag-isipan ko ang mga pagbabahagi ng aking mga kaibigan at ang unang akala ko ay may mga bagay na ginagawa nila doon na baka di ko kayang gampanan tulad ng pagsusuot ng sariling kasuotan, pagbubungkal ng lupa, pagsasalita ng sariling wika at ang pakikisalamuha sa lahat ng mag-aaral. Lubos akong nababahala sa mga bagay na ito.
I thought about what my Mangyan friends told me and I felt that there are some things in that school that I might not be able to do, like wearing our native attire, tilling the land, speaking in Mangyan and relating with all my Mangyan classmates. This bothered me.
Batang kanyam agbaaginan, agremrem ako sa keyen siro pag-adaran kalam siyo in dalan wara mabuswang in kangay bulaleg sa kasitubuhan ako kultura na kangay wanges anaweyan. Napagnilayan at napagisipan kong mabuti ang sinabi nila tungkol sa kanilang paaralan at maaring ito ang magsisilbing daan upang ako ay mamulat sa aking kulturang kinagisnan na minsan kong kinalimutan.
Many times I thought about the new school and the possibility that it might lead me to the right way and back to my roots as a Mangyan which I have somehow forgotten.
Rumateng in ibing pasukan, usai ako sa mga budangte mitigawen, palista kataw agkalimo ako kalam yewed betek ako atay pag-adaran. Dumating na nga ang araw ng pasukan sa bagong paaralan at isa ako sa mga huling nagpalista dahil sa takot at pangamba na baka hindi ako karapat-dapat sa paaralang ito.
The day came when I have to make a decision: to stop or to go to the new school. I was not sure that I deserved this new school. Because of my fears, I was one of the last persons who signed up during enrollment.
In ako misuroy agpanagelgey ako agkalimo usay agkarikoy kataw amat anda pag-adaran yewed kataw sa kangay piyag adaran kamay in buo kangay pagkalimo ay piyalili sa kaanggayan. Sa aking bagong paaralan, nakaramdam ako ng takot at hiya dahil iba ito sa paaralang aking pinanggalingan subalit napalitan ang mga ito ng kasiyahan.
In my new school I initially felt fear and shame. Although it was very different, my fears and feelings of shame were later replaced by happiness.signed up during enrollment.
In kataw sa bayo kangay buay ako labiswa agpabuwaywa sa mga Mangyan agpabuswang kangay sadiri usay remrem. Kaya ngani ako atai wa pag-adaran siyo in dalan o agpabuswang kangay mga remrem, wara arateng ako in kangay panaynipin. Dito nagsimula unti unti ang mga mabuting pagbabago sa aking buhay. Nang dahil sa pagbabago ng aking buhay, lubos akong nagpapasalamat sa mga taong naging dahilan ng aking pagkamulat. Kaya ako ay narito ako sa paaralan na siyang nagsisilbing gabay tungo sa pag-abot ng aking mga pangarap.
It was here in my new school where small positive changes in me and in my life started. Because of the positive changes, I am very grateful to the people who were instrumental in helping me make these changes and made me aware of the changes I need to make. Now I am here in this school which guides me in making my dreams come true.
Parakay, ako si Pepito Caquipotan, tayte mitaligib, miyurog usay mamalamban wakay wara mikang wakay sa agrateng sa agrateng sa buay. Sarig in mga pagbelag agkabiit din maalen ratingin usay agakapyaan buay wara sa kangay. Muli, ako si Pepito Caquipotan, na minsan ay nadapa, bumangon at handang ipagpatuloy ang hamon ng buhay. Kaagapay ang mga kaibigan na naghahangad din ng magandang kinabukasan at mapayapang pamumuhay para sa akin.
Again, I am Pepito Caquipotan. Once I fell, but I picked myself up, stood up and continued to face all the challenges that life has to offer, together with the support of true friends who only wish a good and peaceful future for me.
SINU-SINO ANG MGA MANGYAN
ALANGAN?
Ang mga MANGYAN ALANGAN ay kabilang sa isa sa mga katutubong pamayanan sa Pilipinas - ang Tribong Mangyan. Ang mga katutubong Mangyan ay binubuo ng pitong pangkat: Alangan, Batangan, Buhid, Iraya, Hanunuo, Ratagnon, at Tadyawan. Magkakaiba ang mga pangkat na ito sa larangan ng kanilang wika, mga kaugalian, at tradisyon. Mayroong mga 62,596 katao ang kanilang kasalukuyang populasyon. Matatagpuan ang karamihan sa kanila sa mga bulubundukin ng Oriental at Occidental Mindoro. Bagamat apat na oras lamang ang layo ng Mindoro mula sa Maynila, isa siya sa mga lalawigang hindi pa rin sapat na naaabutan ng mga biyaya ng pag-unlad sa bansa. Ang mga Mangyan Alangan ay kabilang sa mga tribong hilaga na nananahan sa liblib at bulubunduking rehiyon ng isla ng Mindoro. Matatagpuan sila sa mga munisipyo ng Naujan at sa ilang bahagi ng Baco at Victoria, gayundin sa mga bulubundukin ng Kanlurang Mindoro sa loob ng mga bayan ng Mamburao, Sta. Cruz, at Sablayan. Nagtataglay ng mga natatanging kaugaliang kultural ang mga Mangyan Alangan. Karamihan ng mga kababaihang Alangan ay patuloy pa ring nagsusuot ng kanilang katutubong damit na gawa sa balat ng puno at mga baging. Payak ang kanilang pagkain na karaniwang binubuo ng kamote, palay at iba pang mga tanim. Para sa mga Mangyan Alangan, ang lupa ang isa sa kanilang pinakamahalagang kayamanan. Nakaugat dito ang kanilang pinagmulan, kasaysayan, pagkakakilanlan, at kultura. Sa gayon, walang kaparang paggalang ang iginagawad nila sa kanilang lupaing ninuno. Para sa mga Mangyan Alangan, ang lupa ang kabuuan ng buhay. Ito ang pinag-uugatan ng lahat ng aspeto ng kanilang buhay - ekonomiko, pulitikal, kultural, at spiritwal. Ito ang batayan ng kanilang pagkakakilanlan. Sa gayon, ito’y itinuturing nilang banal.
TUGDAAN CENTER FOR LEARNING AND DEVELOPMENT Ang TUGDAAN Center for Learning and Development ay isang institusyong pang-edukasyon para sa mga katutubong Mangyan ng Oriental at Occidental Mindoro sa Paitan, Naujan, Oriental Mindoro. Itinatag ito ng mga Mangyan Alangan noong 1989 sa tulong nina Benjamin Abadiano at ng Mission Congregation of the Servants of the Holy Spirit (SSpS). Pangunahing tuon ng institusyon ang pag-oorganisa at pagtuturo sa mga katuwang na komunidad tungo sa kanilang pagtataguyod ng mga pamayanang nakapagsasarili sa pamamagitan ng kanilang kakayahang igiit ang kanilang mga karapatan sa sariling-pamumuno at sariling-pagpapasya. Bilang tugon sa hangarin ng mga Mangyan para sa edukasyong higit na makabuluhan, ang TUGDAAN ay nagtatayang linangin at itaguyod ang isang programamng ayon sa kultura, pangangailangan, at adhikain-sa-buhay ng mga Mangyan. Kabilang sa programa ang : 1) BISLOY TE Early Mangyan Childhood Education; 2) Culture-Based High School Education; 3) BALAY LAKOY Research Center for Mangyan Culture; 4) Environment and Resource Management, and; 5) Sustainability Initiatives. Tunay ngang naging panahon ng mabungang paglilingkod para sa mga Mangyan ng MIndoro ang nagdaang dalawampung taon. Para sa mga pinuno ng komunidad, isa sa kanilang pinakamahalagang tagumpay bilang pamayanan ang TUGDAAN. Patunay ito na pinahahalagahan nila ang TUGDAAN at kinikilala nila ang natatanging papel nito sa kanilang mga buhay at kinabukasan bilang katutubong komunidad.