1 minute read

MSU-Gensan nasungkit ang 10th Best Adj Award sa Mindanao-wide Flores Debate Cup

Ibinandera ng Mindanao State University – General Santos City Debate Society (MGDS) ang kagalingan nito sa talakan matapos maiuwi ang mga karangalang natamo sa katatapos na Mindanao-wide Flores Debate Cup (FDC) 2023 sa Malaybalay, Bukidnon, Enero 27-29.

nagtapos ang kanilang laban sa FDC.

Advertisement

If you wish to contribute articles to our upcoming portfolios, send your literary piece to bagwis@ msugensan.edu.ph

Mula sa 13 na institusyon na may 50 grupong naglaban-laban, nakuha ni G. Michael Gevero ang “10th Best Adjudicator Award” matapos maging panelist ng open category octofinals, semifinals, at finals.

Nakaabot naman si G. Jefferson Quipit sa open category octofinals bilang punong hurado, at panelist sa semifinals at finals habang nasa panel si G. Rolando L. Baisac Jr. sa semifinals ng kompetisyon.

Hindi naman nagpahuli ang grupo nina Antonio Mantahinay, Angela Kirtana Candole at Leonard Tucjayao nang makapasok sa break rounds at makapagtala ng tatlong panalo dahilan upang maging kwalipikado sa octofinals ngunit sa naturang round

Kaya naman ipinagmamalaki ni G. Quipit, pangulo ng MGDS sa naging performance ng kanyang organisasyon dahil kahit na unang face-to-face na torneyo ito, ipinakita pa rin nila ang kanilang husay sa pakikipagdebate.

“The proper comparative is if there’s a significant difference from our performances during our online debates. I think there is a pressure for us to break or proceed in the finals series because during our online debates we are consistent with breaking. I’m so proud and happy with our contingent because, from almost 50 teams and 13 institutions, we broke 16th,” pahayag pa niya.

Idiniin din niyang sa pamamagitan ng pagsali ng mga ganitong kompetisyon, naipapamalas ng mga kalahok ang mga matitinding labanan sa talakan na mas nagpapaangat sa tunay na kagandahan ng isang debate.

This article is from: