1 minute read
Mentors namayagpag sa kontemporaryo at katutubong
Sayaw
Muling
Advertisement
pinatunayan ng Mentors mula College of Education (CoEd) ang kanilang hindi matatawarang husay at galing hindi lang sa pagtuturo kundi pati na rin sa pagsayaw nang hiranging kampeon sa Contemporary at Lowland Folk Dance contests ng 2022 Mindanao State University-General Santos City (MSUGSC) Intramurals, Nobyembre 22.
Ipinamalas ng mga Mentors ang kanilang pokus, ekspresyon, at sabay-sabay na aksiyon sapat upang maibulsa ang kampeonato sa Dance Competition.
Ang naturang patimpalak ay nahati sa apat na kategorya: Lowland Folk Dance, Contemporary Dance, Hiphop at Retro.
Kaya naman nangibabaw ang saya ni G. Marlito P. Dingcong, mananayaw mula Bachelor of Science in Elementary Education (BEED), matapos iproklama ang sunod-sunod na panalo ng kanilang kolehiyo.
“Overwhelmed, grabe ka kalipay. Abot sa langit na kalipay sa nakuha namo. We took lot of sacrifices; like sleep, gi sakripisyo namo among leisure time, weekends for the practice, talaga and lahat-lahat. No time to study na po just to practice,” saad ni Dingcong.
Samantala, wagi ang College of Engineering sa Retro Dance at Tycoons ng College of Business Administration and Accountancy para sa Hiphop.