2 minute read

Tri-SIKLO ng Labis na Singil

AUBREY MAYE A. ARRIETA

miyendahan ng Ordinansa numero 35, Serye 2022.

Advertisement

Buwelta naman ng mga drayber na kung kaya at ginagawa nila ito ay mahal umano ang gaas at nasa kasagsagan pa tayo ng pandemya. Balido naman itong rason sapagkat bakas ang dagok na idinudulot ng naitatalang implasyon sa bansa. Matatandaang noong Disyembre 2022 ay pumalo sa 8.1% ang inflation rate sa Pilipinas, pinakamataas na naitala magmula Nobyembre 2008. Pawang katanggap-tanggap pa na humihingi ng karagdagang salapi ang mga tsuper noong kasagsagan ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia na nagdulot ng palagiang pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo. Ayon kay Win Gatchalian, nasa 22% ang itinaas ng presyo ng gasolina mula Enero hanggang Mayo ng 2022 – mula P63.58 na nagging P77.71.

Bagaman ay may kabuluhan ang kanilang punto ay mahalagang mapagtanto na walang ispatlayt na pinipili ang sinumang maaapektuhan ng patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa pamilihan. Hamak na ang mga estudyante ay umaasa pa lamang sa kanilang mga magulang upang makapag-aral o kaya naman ang iba ay magkandakuba na sa pagbabalanse ng oras sa pag-aaral at pagtatrabaho. Ngayong hindi na kataasan ang presyo ng langis ay naniningil pa rin ng labis ang karamihan sa mga trasikel driver.

“Magstay na lang ako boarding house kaysa mag-uwi kasi mahal ang pamasahe,” ani ni Francis Severino ng MSU-GSC. Dagdag pa nito na kung noong kakabukas ng opisyal na pisikal klase ay nasa P40 lamang ang pamasahe nito mula Bulaong Terminal papuntang boarding house nito sa Uhaw, Fatima, hindi pa man natatapos ang taong 2022 ay pumalo na sa P50 ang sinisingil ng drayber. Sa mga panahong sumisipa ang kaso ng Covid-19 disease na kung saan tanging tatlong pasahero lamang ang isinasakay sa tricycle ay nasa P40 ang pamasahe, nakapanlulumong isipin na ngayong balik anim muli ang sumasakay sa tricycle ay ganoon pa rin ang pamasahe. Ilan lamang ito sa mga palaisipan na kung saan nasa hangin pa rin ang kasagutan.

Kung mayroon mang magandang naidulot ang isyung ito—ating nakita ang karupukan ng pagpapatupad ng sistema ng MTFRB. Madaming drayber ang pinipilit maging bulag upang hindi makita ang nakasaad sa taripang —madaming drayber na nagbibingi-bingihan mula sa pag-aray ng mga pasaherong may kakarampot na barya lamang. Ang asin na dala ng implasyon ay hindi lamang bumudbod sa sugatang pamumuhay ng mga drayber bagkus sa sugat ng ekonomiya ng bansa at buhay ng bawat mamamayan, lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan.

Panahon na upang putulin ang mga sungay ng mga abusadong drayber nang hindi na makapanamantala pa. Hangga’t patuloy na gumugulong ang kanilang labis na paniningil ay hindi matatapos ang siklo ng pang-aabuso. Harinawa na may pinaplantsang konkretong plano ang lokal na pamahalaan ng Heneral Santos hinggil sa mainit na isyu—kung mayroon man ay dapat hindi malukot ang nakasaad sa nakikitang solusyon sapagkat sa mga nakalipas na taon, hindi nasusunod kung anumang nakasulat sa resolusyon. Presyo ng pamasahe sa traysikel ay dapat makatarungan, sundin ang nakasaad sa taripang naririyan. Traysikel drayber ay dapat na babyahe kahit hindi taasan ang orihinal na pamasahe. Siklo ng hindi makatuwirang paniningil, itigil!

This article is from: