3 minute read

MSU-GSC programs uphold academic excellence through Levels II and III accreditation

The Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines (AACCUP) visited Mindanao State University-General Santos to conduct Level II and III online accreditation survey visits for nine of its programs, April 10–14.

The MSU-GSC official Facebook page revealed that VMGO, Faculty, Curriculum & Instruction, Support to Students, Research, Extension & Community Involvement, Library, Physical Plant & Facilities, Laboratories, and Administration evaluated the nine programs.

Advertisement

The programs subjected to survey for level II accreditation visit were BS in Accountancy and Master in Public Administration while BS in Information Technology, BS in Biology, BS in Mathematics, Bachelor of Secondary Education, Bachelor of Elementary Education, BA in Filipino, and PhD in Educational Management were assessed for level III.

Moreover, the Quality Assurance and Management Services Office (QuAMSO) supervised the accreditation preparations of the administration, faculty, staff, students, and other stakeholders of the respective programs to consolidate documentary requirements and deliver outputs for the inspection of accreditors.

On April 11 at the Conference Room, Administration Building, there were preliminary evaluation of the submitted documents by the programs before the online survey visit.

The AACCUP Survey team, led by Dr. Erlinda J. Porcincula of Camarines Norte State College, Coordinator of the Level II Survey Team, and Dr. Cecilio L. Manarpaac of Palawan State University, as well as university representatives, deans, and accreditation teams, were introduced during the program on the start of the accreditation team’s week-long survey visit.

Virtual tours, interviews with administrators, staff, students, alumni, collaborators in research and extension, classroom observations and discussions with other stakeholders were conducted to evaluate the programs thoroughly.

The online accreditation survey visit resulted in generally positive feedbacks with a few points for improvement by the programs. College deans have responded and will submit reports of compliance to address some of the findings of the accreditors and demonstrated a commitment to improving standards compliance in the areas under examination as well as the overall effectiveness of their programs.

MSU-GSC continues to uphold excellence in the academe and committed service to all its stakeholders through these accreditation surveys, which will be contributing to learning experience and higher standards of programs and one of these is the said weeklong accreditation.

Pagkakaisa gamit ang literatura sentro sa Buwan ng Panitikan

Hindi nagpatinag sa nakapapasong sinag ng araw ang mga MSUans upang gunitain ang pampinid na palantuntunan para sa isang buwang selebrasyon ng Buwan ng Panitikan na kung saan sentro rito ang pagkakaisa gamit ang literatura na nakatuon sa temang “Kultura ng Pagkakaisa: Pagsisiyasat ng Pagkakaisa sa pamamagitan ng Panitikan,” Abril 26.

Pinangunahan ang taunang selebrasyon ng mga estudyante at guro mula sa Departamento ng Filipino kabilang na ang mga organisasyong Samahan ng mga Mag-aaral sa AB Filipino (SABFIL), SAFE, Supreme Student Council, at College of Social Sciences and Humanities Students’ Organization sa pamamagitan ng mga iba’t ibang patimpalak at programa.

“Malaki ‘yung papel ng panitikan sapagkat nagbibigay siya ng daan upang mamulat tayo sa katotohanan dahil ang bawat gawa kagaya ng tula at awitin ay tagos sa damdamin at kaisipan,” giit pa ni Prop. Love Batoon mula sa Departamento ng Filipino hinggil sa kahalagahan ng selebrasyon ng Buwan ng Panitikan.

Dagdag din niya na ang panitikan ang magsisilbing paraan upang hindi ibaon ang mga tao sa katahimikan dahil ang naturang larangan ay may kalayaan ang mga manunulat na makapagpahayag ng kanilang tunay na nararamdaman.

Pagbuo ng Pangkat

Taon-taon, may konseptong iniisip sa pagpapangkat ang mga nag-organisa sa naturang aktibidad.

Ngayon, ang napili nilang mga pangalan ng bawat pangkat ay hinalaw at kinuha ang tema sa mga karakter ng Mitolohiya na umuusbong sa Pilipinas partikular na sa Mindanao.

Hinati sa walong pangkat ang lahat ng mga mayroong asignaturang Filipino sa ilalim ng mga pangalang Anagolay, Anitun Tabu, Bakunawa, Ibu, Lumabat, Mapulon, Mayari, at Mebuyan.

Kompetisyong Pampinoy

Sa mga nakaraang araw ngayong Abril, nauna nang ibinida ng mga MSUan ang kanilang mga kakayahan at talino sa iba’t ibang paligsahan.

Nasuri sa talas ng utak ang mga naging kalahok sa Panagsurat: Akdang Pampanitikan, Mikagi: Tanghal-Tula, at Kakasa ka ba o Kakabakaba: Tagisan ng Talino.

Nariyan din ang Laro ng Lahi na kung saan naipamalas nila ang pagiging maliksi at pagbuo ng mga estratehiya sa bawat laro.

Ibinida rin ang pagiging malikhain sa mga patimpalak na Mugna: Timpalak sa Paggawa ng FB Frame, at Parada ng Kultura na isinagawa sa pampinid na palatuntunan.

Nagpakitang-gilas din ang bawat pangkat sa kanilang mga boses sa Himig: Timpalak sa

Pagsalin ng Awit na kahit ay maalikabok at tirik ang araw sa Quadrangle, naitawid pa rin nila ang pagtatanghal.

Ginawaran naman sa pampinid na palantuntunan ang mga nagwagi sa nasabing paligsahan kaya hiyawan ang bawat pangkat bilang suporta sa kani-kanilang kalahok.

Samantala, hindi pa rin maiwasan na may insidenteng mawalan ng malay sa gitna ng programa dahil ayon sa ipinalabas na heat index ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), umabot sa 38 degrees Celsius ang init na mararamdaman sa Lungsod ng Heneral Santos.

Kaya naman base sa tala ng First Aid

Organization na nakaantabay sa paligid ng Quadrangle, tatlong MSUan ang nahimatay dahil sa hindi nila nakayanan ang init na kanilang naramdaman. Agad naman nilang nabigyan ng paunang lunas upang gumaling sila.

Sa kabila ng nangyari, matagumpay pa ring naidaos ang naturang programa na siyang patunay na buhay pa rin ang panitikan sa mga kabataang Pilipino.

This article is from: