1 minute read
₱ 80 SSC fee pinal nang kokolektahin sa bagong taong panuruan
Ipatutupad na ng Mindanao State University — General Santos City (MSU-GSC) Supreme Student Council ang dagdag singil na 30 pesos sa SSC fee ngayong Academic Year 2023-2024 matapos sinang-ayunan ng MSUans ang ginawang pag-amyenda ng Constitution and By-Laws (CBL) noong Hunyo 3.
Aakyat na sa 80 pesos ang dating 50 pesos na SSC fee sa susunod na taong panuruan na alinsunod sa Artikulo 5, Seksyon 8 ng mas pinagtibay at makabagong CBL ng SSC.
Advertisement
Layunin nitong makagawa ng maganda at mas marami pang proyekto at masisigurado ang kalidad ng mga gagawing aktibidades na tiyak makikinabang ang mga iskolar ng bayan.
Depensa ng mga kinatawan ng isinagawang Constitutional Convention (Concon) sa mga estudyanteng kumontra sa taas-singil, kulang at hindi na kaya ng organisasyon na tustusan ang mga iba pang proyekto nito dahil sa pagtaas ng mga bilihin at iba pang gastusin.
Samantala, inilarawan ng isang liderestudyante mula College of Business Administration and Accountancy (BA&A) na si Rey Mandadero Malificiado na ‘mutually beneficial’ ang naturang hakbang dahil kapwa ang SSC at ang mga mag-aaral ang makikinabang.
“As part of the council of one of the student organizations in the university, the approval of 80 pesos SSC, I think is mutually beneficial to both the organization and student body. Greater mobilization, project actualization, and greater engagement, to name a few are things it may bring about,” pahayag ni Rey.
At bilang isang accountancy student, iginiit din niya na malaki ang maitutulong ng ginawang pag-amyenda lalo na ngayong patuloy ang pag-arangkada ng inflation sa buong bansa.
“Tsaka, with the current situation right now due to inflation, a shift from 50 pesos to 80 pesos could cause meaningful impact, so long as transparency and student welfare is the utmost priority,” dagdag pa ni Malificiado.
Scan the QR code to check us out on Facebook!