Paano ako maaring magbigay ng mungkahi o maghain ng reklamo saBritish Council?

Page 1

Paano ako maaring magbigay ng mungkahi o maghain ng reklamo sa British Council? Pinapahalagahan namin ang iyong opinyon Ninanais namin na gawing mahusay ang iyong karanasan sa pakikipag-ugnayan sa British Council, kung kaya ang inyong mga komento, mungkahi at mga detalye ng kasiyahan o pagkadismaya ukol sa paglilingkod na inyong naranasan nang kami ay inyong nakaugnayan o sa iyong paggamit ng aming mga produkto o alin man sa aming serbisyo ay gusto naming malaman. Nais din naming marinig kung may isa sa aming kawani ay nakapagbigay sa iyo nang natatanging paglilingkod.

Ang aming gagawin Ang lahat ng aming pinaglilingkuran ay hinaharap namin ng seryoso, walang pagtatangi at kagyat na tinutugunan- maging ano man ang paksa, kaparaanan, o kung saan mang bansa nagmula ang isang reklamo.

Nais naming kilalanin ang pagtanggap ng iyong komento o reklamo sa loob ng tatlong araw at maghanap ng katugunan o lunas sa iyong reklamo sa loob ng sampung araw.

Gagamitin namin ang mga impormasyon mula sa inyong mga komento upang higit na mapagbuti ang aming paglilingkod at mga produkto.


Ano ang sunod na gagawin

Paano gumawa ng komento o reklamo Sa Pilipinas Makipag-ugnayan sa aming Customer Services Officer upang lubos na maipaliwanag ang iyong pananaw o kalagayan at humingi ng katugunan o tulong.

Address : 10th floor Taipan Place F. Ortigas Jr Road Pasig City Telephone :+63 2 555 3000 Fax : +63 2 555 3080 E-mail : amber.punongbayan@britishcouncil.org.ph

Sa labas ng Pilipinas Makipag-ugnayan sa British Council Information Centre. Upang kami ay makatugon sa inyo, mangyaring ibigay ang iyong pangalan, adress, email adress at numero ng telepono. Sa pamamagitan ng email: commentsandcomplaints@britishcouncil.org Sa pamamagitan ng telepono: +44 (0)161 957 7755 (Mon to Fri – 0900 - 1800 BST) / ( Lunes hanggan Biyernes – 0900 – 1800 BST ) Sa pamamagitan ng koreyo: British Council Information Centre Bridgewater House 58 Whitworth Street Manchester UK M1 6BB O kaya’y gamitin ang online form: ONLINE FEEDBACK FORM na matatagpuan sa www.britishcouncil.org.ph


Paano namin haharapin ang iyong komento o reklamo? Seryoso naming hinaharap ang lahat ng mga komento o reklamo. Ipinangangako namin ang patas at walang pagtatanging pagtrato sa iyong komento o reklamo. Hindi mag-iiba ang pakikiharap sa inyo dahil sa kayo ay naghain ng reklamo. Hindi ka makararanas ng diskriminasyon, batay sa iyong edad, kapansanan, lahi, kasarian, relihiyon, paniniwala o oryentasyong sekswal o kahit anu pa mang batayan, mula sa amin. Nais naming kagyat na tumugon sa iyo- maging ano man ang paksa, sa paraan na iyong ginamit sa pakikiugnay sa amin o saan mang bansa kung saan ikaw ay nagbigay ng komento o naghain ng reklamo. Kung kami ay hindi agad makatugon sa unang pakikipag-ugnayan, ninanais naming tugunan ang iyong komento o reklamo sa loob ng sampung araw mula sa aming pagkatanggap nito. Sakaling matatagalan pa rito, ipagbibigay alam namin ito sa iyo sa loob ng sampung araw. Kung magkakaroon ng suliranin, gagawin naming ang lahat ng aming makakaya upang malutas ang mga bagay-bagay nang mabilis at patas. Kami ay: •

magpapaliwanag kung ano ang nangyari at kung bakit ito nangyari

•

hihingi ng paumanhin kung kinakailangan

•

gagawa ng hakbang upang malutas ang sitwasyon, hanggat maaari

Sakaling hindi ka kuntento sa pagtugon na iyong natanggap, maaari mong dalhin ang bagay na ito sa nararapat na Complaints Manager. Bibigyan ka naming ng mga detalye kung paano ito magagawa kapag kami ay tumugon sa iyong reklamo.

Sakaling, sa kabila ng pagsunod nito, ikaw ay nanatiling dismayado, maaari mong dalhin ang iyong reklamo sa isang external body upang mapag-aralan ito. Ang complaints manager ay magbibigay sa iyo ng karagdagang impormasyon ukol dito sa pag tugon niya sa iyong reklamo.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.