Sinag July-August 2015

Page 1

BLG.I TOMO BLG.III APR HULYO-AGOSTO, 2015 LATHALA BLG.LATHALA XX TOMO BLG. XX - MAY 2014

S NAG

Opisiyal na Pahayagang Pang-mag-aaral ng Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga sa mga Wikang Filipino

ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANG-MAGAARAL SA WIKANG FILIPINO NG PAMANTASANG ATENEO DE ZAMBOANGA BALITA

LATHALAIN

OPINYON

ISPORTS

Linggo ng Karapatang at Kamalayang Pangmag-aaral, inilunsad

Basa-basa pod: Stupid is Forevermore

Ang IgniTE at ang Rio Tuba Nickel Mining Corp.

Atletang Zamboangueño nakipagtagisan sa SEA Games

pahina 8

pahina 3

pahina 5

pahina 12

Pandaigdigang Araw ng Kabataan, ipinagdiriwang ng AdZU:

UN envoy para sa kabataan, bumisita Kabataang Mindanawon, bumida ni Trisha Ortega

MGA BALAKIN. Inihandog ni Comm. Saavedra kay UN Envoy Ahlendawi ang sipi ng Mga Balakin ng Kabataang Mindanawon KUHA NI: Lea ALESSANDRA LIM

Noong ika-11 ng Agosto ay ginanap ang Paglulunsad ng Mga Balakin ng Kabataang Mindanawon sa Bulwagang Carlos Dominguez Carlos ng Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga. Mas naging memorable ang nasabing pagtitipon sapagkat ito ay dinaluhan mismo ni Ahmad Ahlendawi, ang Sugo para sa Kabataan ng Punong Kalihim ng United Nations. Ito ay dinaluhan din ng iilang kinatawan mula sa United Nations Children’s Fund (UNICEF) at ng Pambansang Komisiyong Pangkabataan (NYC).

Si Fr. Wilfredo Samson, SJ, Kaagapay ng Pangulo para sa Formation ang nagbukas ng nasabing palatuntunan. Nagkaroon din ng mga mensahe ng pagkakaisa na ibinigay nina Margaret Sheehan, Direktor ng Field and Operations ng UNICEF, at ni Christopher Lawrence Arnuco, Tagapangulo at Tagapamahala ng Zamboanga Economic Zone Authority. Ayon kay Sheehan, isang malaking hamon na ikinakaharap ng lipunan ngayon ay ang paghanap ng kasagutan sa kung papaano mahihikayat ang kabataan at kung papaano sila mabibigyan ng boses. Hinikayat ni Sheehan

Php60-M solar panel system, itinakda sa AdZU ni Jessanell P. Sevilla Tumataginting na animnapung milyong pisong proyekto na 320 kilowatt hybrid rooftop photovoltaic off-grid solar power system, ang inilunsad ng Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga. Noong ikadalawampu’t isa ng Mayo, pumasok sa isang kasunduan ang unibersidad kasama ang Orion International, Inc., tanyag sa pagiging kasosyo ang Urban Green Energy ng New York. Ang solar power system na ito ay maituturing bilang pinakamalaki sa buong Visayas at Mindano. Ang proyektong ito ay pinansyal na pinahirawan ng Bank of the Philippine Island (BPI). Inaasahan naman ng pamantasan na ito ay magbibigay daan sa unti-unting pagbaba ng milyunmilyong babayarin para sa kuryente. Gayunpaman, tinukoy ni Fr. Marlito

Ocon, SJ, Kaagapay ng Pangulo para sa Pamamahala, na ang proyektong ito ay isang epektibong paraan upang maging mas environment-friendly ang pamantasan sa pamamagitan ng untiunting paglihis sa paggamit ng nonrenewable energy. Itinakda na pitumpu’t limang porsiyento na kakailanganing elektrisidad ng unibersidad ay susustentuhan ng nabanggit na solar energy system ngayong Agosto. Samantala, ang natitirang dalawampu’t limang porsiyento na kailangang kuryente ay magmumula pa rin sa ZAMCELCO. Ang solar power system ay inaasahang ikakabit sa Salvador Campus sa La Purisima at Kreutz Campus sa Tumaga. •

ang kabataan na magtulungan at maging parte ng inisiyatiba para sa Mindanao. Ibinigyangdiin naman ni Arnuco na hindi dapat maging hadlang ang pagkalimitado sa pagpapakita ng walang takdang alaga sa lipunan. Ang pinakaaabangan na yugto ng programa ay ang pagbibigay ng sipi ng Mga Balakin ng Kabataang Mindanawon ni Earl Saavedra, Kinatawan ng Mindanao sa NYC, kay Ahlendawi. Sa kaniyang maiksing talumpati, hinikayat ni Ahlendawi ang mga kabataan na bayaran ang kanilang utang na serbisiyo para sa lipunan. Dagdag pa niya na, hindi dapat makuntento ang mga kabataan na maghintay o umasa na lamang sa gagawin ng pamahalaan sapagkat ang lahat ay hinahamon na tumulong sa pagsasakatuparan ng mga adhikain at

hangarin. Aniya ay hindi magkakaroon ng kapayapaan at pag-unlad kapag walang interesadong kumilos para dito. Nagtapos naman ang programa sa pamamagitan ng pagtatanghal ng ilang piling mag-aaral mula sa Kolehiyo ng Narsing. Binuo sa loob ng apat na taon, ang Mga Balakin ng Kabataang Mindanawon, ayon kay Saavedra, ay isang conceptual framework kung saan matututunan ng kabataan ang mga programang magpapamalas ng kanilang mga kakayahan at pangarap. Ang aktibidad na ito ay isinagawa alinsunod sa taunang pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kabataan tuwing ika12 ng Agosto. •

Ugnayan ng LGBT sa ekonomiya, inilahad ni Bianca Alyana Zamora

PARA SA EKONOMIYA. May ugnayan ang pagtanggap sa LGBT sa ekonomiya ng bansa ayon kay MV lee Badgett MULA SA: OPISINA NG AVR NG AdZU

“LGBT people have the same human rights as everyone else.” Ito ang pambungad na pahayag ni Mary Virginia Lee Badgett sa kaniyang diskurso ukol sa ugnayan ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender) sa ekonomiya ng isang bansa, maging ng buong mundo. Ito ay pinamagatang “The Social and Economic Impact of LGBT Exclusion.” Si Badgett ay propesor ng ekonomiks at tagapangasiwa ng Sentro ng mga Palakad Pangmadla at Pamamahala sa Pamantasan ng Massachusetts-Amherst. Kilala si Badgett sa Estados Unidos bilang isang iginagalang na dalubhasa sa larangan ng labor economics, employment discrimination, economics of sexual orientation at same-sex marriage. Sa isang pagtitipon na idinaos noong ika-19 ng Agosto sa Bulwagang Carlos Dominguez ng Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga, inilahad ng nasabing ekonomista-akademiko ang kaniyang naging pananaliksik ukol sa

direktang epekto ng mga palakad at patakaran na naglalayong makilala ang mga karapatan ng mga LGBT sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa. Bilang introduksiyon sa nasabing paksa, ipinakita ni Badgett ang mga naging resulta ng mga sarbey ukol sa pagtanggap ng lipunang Pilipino sa LGBT. Ayon sa World Values Survey (2010-2014), tanggap ng 73% ng mga Pilipino ang mga LGBT, ngunit ang kabalintunaan, ayon naman sa Pew Research Center Global Views on Morality, 65% ng mga Pilipino ang naniniwala na labag sa moralidad ang LGBT. Inilahad din sa kaniyang naging diskusiyon na ayon sa World Bank Case Study: Cost of LGBT Exclusion, ang hindi pagtanggap sa mga LGBT ay maaaring magdulot ng hindi pagiging produktibo ng mga manggagawang hindi tanggap ang kanilang sekswalidad sa kanilang mga lugar na pinagtatrabahuan. Ipagpatuloy sa pahina 4


BALITA AdZU, pinangunahan ang ika-7 Inter-Ateneo Formators’ Colloquium

2

ni Loren Marie Justo Pinangunahan ng Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga ang ikapitong Inter-Ateneo Formators’ Colloquium noong Hunyo 28 hanggang Hulyo 2, na dinaluhan ng humigit-kumulang limampu’t limang mga kinatawan ng mga paaralang Heswita sa buong Pilipinas. Ang taunang pagtitipon ay naglalayong ibahagi ng bawat pamantasang dumalo ang kani-kaniyang mga karanasan sa mga institusyong kinabibilangan para sa pagpapalago at pagbababuti ng pangedukasiyong estratihiya ng pangkalahatan. Ang nasabing pagtitipon ay upang tumatag na rin ang ugnayan ng mga Paaralang Ateneo sa bansa, at masuri ang mga pagpapahalagang tinataguyod ng Ateneo. Ayon kay Rodel Salgados, propesor mula sa Kagawaran ng Araling Panrelihiyon at isa sa mga nag-organisa sa mga pagpupulong ng colloquium, ang limang tanggapan ng mga formators na lumahok ay ang Campus Ministry, Pangkolehiyong Pamamatnubay at Pagsasangguni (College Guidance and Counseling), Ugnayang Pang-

estudyante (Student Affairs), Kamalayang Panlipunan at Pakikilahok sa Paglilingkod Pampamayanan (SACSI) at Formation Office. Ang mga formators ang siyang tumutulong humubog sa pagkatao ng mga mag-aaral. Nagsimula ang colloquium sa isang buong araw na recollection noong Hunyo 29, at pulong naman ng bawat kumpol at sinundan ng isang plenaryo na dinaluhan ng lahat ng mga kasali sa pangalawang araw, gayun din sa pangatlong araw na binigyang-diin ng isang point of reflection na ibinigay ni Bro. Carl Gaspar. Sa huling araw ay pinangunahan ni Fr. Wilfredo Samson, SJ –ang Kaagapay ng Pangulo ng Pamantasan para sa Formation –ang pagbibigay ng pagbubuod sa mga ginawang aktibidad at pagpupulong sa naturang colloquium. Nagtapos ang pagtitipon sa isang pangwakas na palatuntunin na idiniraos sa Bulwagang Carlos Dominguez. Ngayong taon ay humugpong ang Loyola College of Culion sa Palawan at kabilang sa mga pamantasang kinikilala bilang Heswitang paaralan. •

PANTAS-ARAL. Nagtipon ang mga formators mula sa iba’t ibang pamantasang Ateneo sa Mindanao para sa ilang araw ng pakikipagtalastasan.

HULYO-AGOSTO 2015

11

HULYO-AGOSTO 2015

Linggo ni San Ignacio, idinaos ni Mark Joshua Macaso

Tuwing ika-31 ng Hulyo ay ipinagdidiriwang natin ang pista ni San Ignacio. Bilang pasasalamat at pagbibigay-pugay sa kaniya, idinadaos ng Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga ang Linggo ni San Ignacio. Ang Linggo ni San Ignacio ay taunang selebrasiyon na inihahanda ng Ateneo Campus Ministry bago ang nakatakdang pista ni San Ignacio. Ang tema para sa taong ito ay, “Sent to the Peripheries.” Kahalintulad sa mga nagdaang mga taon, iba’t-ibang mga patimpalak at palatuntunan ang ginanap sa kampus at ito ay ang mga sumusunod: St. Ignatius Art Workshop, St. Ignatius Trivia, St. Ignatius Quiz Bowl, Ignatian Talk: A Day with Iggy, Thematic Prayer Session, at St Ignatius Art Contest Exhibit. Narito ang mga nagsipagwagi sa iba’t ibang patimpalak na isinagawa para sa Linggo ni San Ignacio: St. Ignatius Art Contest (Individual Category): Unang Puwesto: Paolo Vince D. Morden

Pangalawang Puwesto: Deanna Rose D. Bucoy St. Ignatius Art Contest (Group Category): Unang Puwesto: Maria Lilia Azcarraga, Pearly Dawn Formilleza, at Gian Karlo Go Pangalawang Puwesto: Alana Lois Alano, Hazel Rosie Bayaras, at Joshua Nacionales Pangatlong Puwesto: John Venneth Bartolome, Mark Anthony Diaz, at Jumar Hamac

OrSem 2015

St. Ignatius Quiz Bowl: Unang Puwesto: Mary Angel Lhyn Manoy at Maria Beatrice Camins Pangalawang Puwesto: Tiffany Ursula Bolyn Garcia at Kay Maria Lorena Pangatlong Puwesto: Fiona Elise Morales at Alfrancis Alwizar

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2015

Nagtapos naman ang nasabing pagdiriwang noong ika-27 ng Hulyo sa pamamagitan ng isang art exhibit na ginanap sa Gallery of the Peninsula and the Archipelago. •

GRAND IFTAR 2015

Pagbabawal sa mga acquaintance parties na idaraos sa labas ng AdZU, inalis .

SLA ACQUAINTANCE PARTY

ni Amira Solaiman

MULA SA:FACEBOOK ACCOUNT NI Fr. Wilfredo Samson, SJ

Dahil sa bumubuting lagay ng seguridad sa Lungsod ng Zamboanga, inalis ng Tanggapan ng Ugnayang Pang-magaaral (OSA) ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga (AdZU) ang patakarang nagbabawal sa pagdiriwang ng acquiantance parties ng lahat ng organisasiyong pang-akademiko (AO) sa labas ng kampus. Maaalalang nagsimula ang pagbawal sa lahat mga aktibidad na may kaugnayan sa pamantasan na isagawa sa labas ng kampus, o kahit maisagawa lang, noong Setyembre ng 2013 pagkatapos ng Zamboanga Siege. Naging mahigpit ang naging pagbabawal sa mga gawaing dahil na rin sa walang katiyakan sa kaligtasan ng mga lalahok dito. Noong mga panahong iyon, lubhang mapanganib para sa mga mag-aaral ng AdZU ang pagalagala sa kalungsuran. Habang bumabalik na sa normal ang sitwasiyon sa Zamboanga, unti-unti na ring pinapayagan ang mga mag-aaral na idaos kahit na iyong mga aktibidad na inaabot ng gabi datapwat kailangan pa ring idaan at iproseso ang mga ito sa OSA dahil na rin sa mga mangilan-ngilan na banta ng terorismo. Matatandaan na lahat ng Acquaintance Parties noong nakaraang taon ay ginanap sa loob ng kampus maliban sa Kolehiyo ng Narsing

na nakapagdaos ng kanilang palatuntunan sa Astoria Regency dahil huli na raw para sila ay pigilan pa. Ayon kay Stevan Dimaguila, Tagapangasiwa ng Ugnayang Pang-magaaral, walang katiyakang ligtas na nga talaga para sa mga mag-aaral na magdaos ng mga aktibidad katulad ng acquaintance parties sa labas ng kampus. Aniya, “There is no assurance, we are always taking a risk…” “Kahit pa sabihing isa tayong siyudad kung saan walang mga pagbabanta, hindi pa rin masasabing may katiyakan ang kaligtasan ng mga magaaral,” dagdag pa ni Dimaguila. Kung kaya’t mahalagang ihingi ang pahintulot ng mga magulang ng bawat mag-aaral bago maisagawa ang anumang gawain nila. Bilang pag-iingat na rin, tinitiyak ng OSA na may mga pulis sa mga lugar kung saan nais ganapin ang mga pagtitipong gaya ng mga acquaintance parties. Ayon kay Emmanuelle Bantay, pangulo ng El Consejo Atenista, “Andiyan pa rin ang danger, hindi iyan mawawala. Para sa’kin, living in an area like this, kakambal na natin ang danger. Ang magagawa natin is [to] be vigilant; we have to be very responsible because at the end of the day, it is only us who can save ourselves, part siya ng instinct ng tao.”

Ibinahagi rin ni Bantay na inaalam muna mula sa pamahalaang lokal kung ligtas nga bang idaos ang mga acquaintance parties malayo sa kampus ng AdZU sa La Purisima. Pagkatapos ay ang mga dekano ng bawat kolehiyo ang magpapasya sa huli kung ito’y maaari o hindi. Sinabi rin ni Dimaguila na mahalagang ipaalam ng mga tagapayo ng mga naturang AO sa mga dekano ang bawat detalye ng mga pagtitipong ito lalong-lalo na ang pook na pagdadausan

nito. Minsan, ang mga gobernador ng mga AO ay gumagawa rin ng kanilang sariling paraan upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante habang ginaganap ang kanilang kani-kaniyang acquaintance parties.

MAO ACQUAINTANCE PARTY

Malinaw na kahit masasabing maayos na nga ang kalagayang panseguridad ng Zamboanga, ay hindi pa rin maibubura ang posibilidad ng panganib lalo na para sa mga mag-aaral ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga. • PREMIOS MAREJADA 2015

AAO ACQUAINTANCE PARTY

KUHA NINA: RUDMAR VILLANUEVA, NICOLE ONGCHUA, SHEKINAH BENITEZ, SAIRYL GINGOS, PATRICIA APOLINARIO, LEA ALESSANDRA LIM, MARK PHILLIP YCAZA, MOHAMMAD SARAJAN, FATIMA MANDANGAN GUHIT NI: John Gualbert Caces

SITAO ACQUAINTANCE PARTY


BALITA 3

HULYO-AGOSTO 2015

Linggo ng Karapatang at Kamalayang Pang-mag-aaral, inilunsad

10 LATHALAIN

HULYO-AGOSTO 2015

UNSUAN ‘TA MAN?

Duterte sa pagkapangulo,

ganahan ka? ni June Karlo Suan

POST-IT PARA SA PAGBABAGO? Ibinahagi ng mga mag-aaral ang kanilang mga komento ukol sa mga serbisiyo ng pamantasan.

GUHIT NI: JONIE ALABAN KUHA NI: MARK PHILLIP YCAZA

ni Loren Justo “Paano mo ipapaalam sa mga tao ang isang bagay na ikaw mismo eh hindi moa lam? Hindi lang El Consejo Atenista ang challenged sa pagpapaintindi sa kung ano nga ba talaga ang students’ rights. Challenge din ‘to sa student body.” Ito ang winika ni Sitti Chua, kalihim ng Kagawaran ng Pakikilahok Pang-estudiyante ng El Consejo Atenista sa pagbubukas ng Linggo ng Karapatang at Kamalayang Pangmag-aaral (Students’ Rights Awareness Week) noong ika-3 ng Agosto sa tapat ng Bulwagang Sauras. Ipinagdiriwang ito ng Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga sa kauna-unahang pagkakataon. Ang tema para sa taong ito ay “Estudyanteng may alam tagapaglaya ng inang bayan kinabukasan,” at ang linggo ng Agosto 3-7 ay naging saksi sa ilang mga patimpalak tulad ng pagsusulat ng sanaysay, paggawa ng pamansag, at canvass making. Nagkaroon din ng isang pantas-aral ukol sa mga karapatan at kapakanan ng mga estudiyante, na siyang nais bigyang-diin ng naturang pagdiriwang na pinangunahan ng pamahalaang pang-mag-aaral ng AdZU. Upang mas hikayatin ang mga estudiyante na makilahok sa mga nasabing palatuntunan, may inihandang Freedom Wall kung saan maaari nilang isulat ang kanilang mga hinaing ukol sa kanilang mga guro, pag-aaral, sa mag serbisiyo ng pamantasan, sa mga opisiyales, at sa mga pasilidad. Nagkaroon din ng isang eksibit na nagtampok ng mga gawa ng sining na nakapalibot sa mga paksang bullying, mabilis na pagtaas ng

AdZU, ganao ya tambien na Cine Chavacano .

por Pristine Janielle Padua y Jorace Dayrit

Del aca-23 de Junio, ya celebra el ciudad el Dia de Fundacion de Chavacano, y un actividad que ya prepara para comemora con este dia ay el Cine Chavacano, que ya hace na Centro Latino, Paseo del Mar. Tiene dos categoria el competicion, y maga estudiante del Universidad Ateneo de Zamboanga el ya lleva volve con el primer premios de ambos categoria. Para na Animation Category, el cortometraje titulao Tienda de Juguete de Dale Aldrin Lee Maniego el campion. Ya hace si Maniego con este durante su ultimo año como un estudiante de BS New Media and Computer Animation (BSNMCA). Para na Live Action Category, el cortometraje El Muerte del Un Mariposa (The Death of a Butterfly) de Jorzheema M. Hamid, un estudiante de BS Information Technology, el ya gana. Parte de su production team sina Anthony Neil A. Drapiza, Emmanuel C. Buenvenida ,

Khaled T. Majid, y Jehyo B. Baraquia. Maga otro finalista desde AdZU para na Animation Category ay sina Alted Nebrija (Comida Zamboanga), Aljhun Rey Canillo (Movimiento), Anthony Neil A. Drapiza (Terminado Y Hecho), Jerome Peniones (El Niño Pescador), Jorzheema M. Hamid (Cuando Contigo), y Abraham Ysmael Alvarez (Juego de Rol). Para na Live Action Category: Mal Sueño (Nightmare) que escrito y dirigido por Ryan Covarrubias –un fotografo del The BEACON –y Tagu-Taguan (Hide and Seek) de Aljhun Rey Canillo. El ceremonia de premiacion ay ya conduci junto con el Battle of the Bands na Noche de Chavacano. El competicion ay para na todo’l interesao Zamboangueño estudiante cineasta y animador. Este el aca-cuatro año ya celebra el ciudad con el Dia de Fundacion de Chavacano, y acasegundo vez fiesta de Cine Chavacano. •

matrikula, at iba pang problema na kinakaharap ng mga estudiyante ngayon. Nagtapos ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang pagtitipon na siya rin namang sinundan ng isang misa. Nagsimulang ipalaam sa publiko ang mga aktibidades na gaganapin sa naturang pagdiriwang noong huling linggo ng Hulyo. Kaugnay nito, nagkaroon din ng libreng pagprint ng mga t-shirts ukol sa mga karapatan ng bawat mag-aaral. •

Sa taunang pagtitipon ng mga guro at kawani ng AdZU: Mga bagong talagang opisiyales ng pamantasan, ipinakilala nina Merzsam Singkee at Ciara Obillo Kasabay ng ulat ng pangulo ng pamantasan ukol sa mga estado ng paaralan sa nakalipas na taong panuruan, ipinakilala rin niya ang mga bagong talagang mga opisiyales ng pamunuan ng pamantasan. Ito’y ginanap noong ika-3 ng Hulyo sa taunang General Convocation ng Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga na dinaluhan ng lahat ng guro at kawani ng pamantasan mula sa iba’t ibang sangay nito. Simula noong ika-1 ng Abril ay nahati na ang dating Tanggapan ng Kaagapay ng Pangalawang-pangulong Pang-akademiko sa dalawa. Itinalaga sina Maureen Olive Gallardo at Claribel Concepcion para sa mga bagong katungkulang ito. Ang hanay ng trabaho ni Gallardo ay sa pananatili, pag-iibayo at pagtitiyak ng kalidad ng mga gawain sa pamantasan. Bahagi ng trabaho niya ang pagsisipat at pagpapayo sa Tanggapan ng Ugnayang Pang-mag-aaral, mga aspetong patungkol sa kurikulum, at marami pang iba. Habang ang kay Concepcion naman ay nasa hanay ng mga serbisiyong pangmag-aaral na direktang may kinalaman sa mga pananagutan ng mga estudiyante katulad na lamang ng pag-aasikaso sa mga mag-aaral sa kategoriyang academic probation. Kasabay din ng pagtatalaga ng mga nasabing kawani ay ang pagtatalaga ng mga bagong dekano para sa kasalukuyang taong panuruan. Simula noong ika-28 ng

Pebrero ay muling nahati at nahiwalay sa dalawa ang dating Paaralan ng mga Sining at Agham –ang Paaralan ng Malalayang Sining (SLA) at ang Kolehiyo ng Agham at Teknolohiyang Pang-impormasiyon (CSIT). Dahil sa paghihiwalay na ito ay nagkaroon ng pagtatakda ng dalawang bagong dekano na mamamahala sa mga nasabing kolehiyo. Si Robert V. Panaguiton ang naitalagang bagong dekano para sa SLA habang si Rochelleo E. Mariano naman ang naitakdang mamahala sa CSIT. Ang mga nasabing opisyales ay maninilbihan bilang mga dekano simula noong ika-1 ng Abril hanggang ika-31 ng Marso sa taong 2018 o isang tatlong-taong termino. Si Robert V. Panaguiton, ang bagong-hirang na dekano ng SLA ay 19 taon nang propesor sa pamantasan. Siya ay may MA in Teaching Philosophy mula sa Pamantasan ng Ateneo de Manila at PhD in Anthropology mula naman sa Pamantasan ng Xavier-Ateneo de Cagayan. Samantala, si Dekano Rochelleo Mariano ng CSIT ay may MA in Mathematics Education mula sa Pamantasang Pambansa ng Kanlurang Mindanao (WMSU) at PhD in Mathematics mula sa Pamantasang Pambansa ng Mindanao-Suriang Teknolohikal ng Iligan (MSU-IIT). Halos 16 na tao nang naninilbihan bilang guro si Mariano sa Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga. •

Karun nga isa na lang katuig usa ang sunod nga eleksyon, ug di na kahulat ang mga Pilipino nga munaog na si PNoy sa pagka-presidente sa nasud, daghan na sad gatabi kung kinsa ilahang gusto ipuli. Kung maayo ka’g pandungog o kung daghan ka’g jeje friends sa Facebook, pareha nako, ang pangalan nga pirmi nimo madunggan kay ang sa alkalde sa dakbayan sa Davao, si Rodrigo Duterte. Pero unsaon man ang kasikat sa iyahang pangalan nga dili man daw siya mudagan? Mao nang pait ani run kay makaluoy kaayo ang mga tawo nga gusto makatilaw sa iyang “iron fist.” Ingon pa nila, oras na daw nga naa tay gahi nga presidente kay wala daw lami nang mga

humok. Pero unsaon man ta ni? Di man diay siya mudagan. Buot pasabot ba ani dili na matinuod ang 50 Shades of Grey nga pantasya sa iyang mga fans? Unsa diay pulos ana iyang paghimo-himo ug mga vine pati pagbisita sa GGV? Dili ba kay gihimo to niya para makuha ang atensyon ug gugma sa tawo? Pasabta daw ko. Uban pa ana, kung dili man diay siya gusto mudagan, nganong sige man siya’g istorya ug padungog mahitungod sa iyang mga himuon kung “ma-presidente” daw siya? Hangtud padungog na lang ba ta ani? Abi ba kog bagtik siya. Murag wala pa man gyud siya ka huna-huna sa iyang desisyon. Mas makalibog pa siya sakong uyab kay dugay kaayo makabuot kung unsa ba jud, kung naa man galing koy uyab.

Ana pa tong mga babayi sa pikas lamisa mintras gakaon ko, “Bes, tan-awa gud na bes o. Ang Davao daw kay 4th safest city in the world. Bes, kay Duterte na jud ko bes. Naa na jud sa iyaha ang akong boto.”

mukalit ra na’g tukar ug patyon tang tanan kung mapresidente siya. Makab-ot na jud nato ang 0% nga krimen nga pinangandoy sa tanang nasod sa kalibutan. Dili pa ka ana? Kana ra siguro ang pamaagi para mapugngan ang mga pabebe girls.

“Bes, di man siya mudagan.”

siya.”

“Ay joke! Da uy, mudagan unta

Unya ganahan pud ang tawo niya kay ginahatagan niya ug importansya ang pagtuon. Ingon pa siya, “Free Google dapat, di free Facebook para mabawasan ang mga tanga.” Ang tinuod, gusto lang gyud siya magkatawo ang Google Plus nu? Wala ba siya kabalo nga iyang mga tagasunod tua sa Facebook gatrabaho sa Edi Sa Puso Mo <”3? Looy man. Ang kataw-anan pa kay tungod sa Free Facebook nako to nabasa. Aw.

Didto pa lang, makita na gyud ang kasikat ni Mayor Rodrigo Duterte dili lang diri sa Mindanao, kung dili pati sa kalibutan. Lisud pud, unsa pa bang ubang lugar diri sa Pilipinas ang naay in-ana nga titulo? Laliman ka? Pila kaha ang gipatay ni Duterte para maingon-ana na nu? Binuang lang, ayaw ko patya, magdoktor pa ko. Pero kung buot huna-hunaon, ana ra ba siya sa usa sa iyang mga padungogdungog nga patyon daw niya ang mga pulis na kurakot. Maong pagbantay mo kay basig naay pagkagamay ang inyong mga manok karung eleksyon. Basin

Pero sa walay tiaw-tiaw, kitang mga Atenista mga utukan man ta, mao karung padulong nga eleksyon pilion nato ang maayo para sa posisyon. Pero kay Duterte gihapon ko kay nag-Nae Nae siya sa GGV. •

Mula sa ibayong dagat: Si Jaimie Kang ni Amira Solaiman

Si Kang Jung Min, o mas kilala bilang Jaimie Kang, ay isang binibini mula sa ibayong dagat. Siya ay nagmula pa sa bansang Korea at kasalukuyang nasa ikatlong taon ng kanyang kursong BS Office Administration sa Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga. Bukod sa pagiging isang masipag at masikhay na estudyante, si Jaimie ay may hindi pangkaraniwang kuwento. Ito ay isang kuwento ng pagsisikap at pagpapatibay ng lakas ng loob. Ito ay isang kuwento na magbibigay inspirasyon sa lahat ng makababasa nito, hindi lamang sa kaniyang mga kapwa dayuhang mag-aaral kundi para na rin sa mga Pilipinong mag-aaral ng Ateneo. Pakikiayon sa mga Pilipino Matagal nang nanirahan si Jaimie sa Pilipinas, simula pa noong siya ay nasa hayskul. Sa itinagal ng kanyang pananatili rito, ang mga bagay na nagsilbing kakaiba para sa isang Koreanang kagaya niya ay ang kaniyang mga naiangkop para sa kaniyang sarili. Ninais ni Jaimie na mag-aral dito sa Pilipinas dahil gusto niyang matutunan ang wikang Filipino at Ingles. Bukod pa rito, nakita niya sa kanyang pakikisalamuha sa ating mga Pilipino pagiging palakaibigan at maaalalahanin tungo sa mga taong hindi naman natin lubos na kilala. “Filipinos are friendly though they are not familiar with, and also thoughtful..” banggit ni Jaimie.

Sa kabilang dako naman, may mga kahirapan din siyang naranasan habang naninirahan siya dito. Iyon ay walang iba kundi ang paggamit ng Tagalog at Chavacano. “When I arrived in the Philippines, my first difficulty was the language. Especially Zamboangueños’ use of Chavacano and Filipino” Noong una, mahirap para sa kanya ang intindihin ang mga salitang Chavacano, ngunit kalauna’y napagtanto na rin niya ang mga ibig sabihin ng mga salitang ito. Matayog na pangarap Matatayog ang mga pangarap ni Jaimie para sa kaniyang sarili. Pinili ni Jaimie na mag-aral sa Pilipinas sapagkat maraming oportunidad para sa kaniya na matutunan ang iba’t-ibang wika at kulturang nakapaloob sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Masasabi nating bukod-tangi siya dahil sa kaniyang pananaw ukol sa pagiging okupado. Naibahagi pa nga niya na ang dahilan kung bakit niya kinuha ang kursong ito ay “To make my life busy. Because when your occupation [entails] mingling [with other people] in business, it’s obvious that you have a lot [of things]to do. I love being busy...” Mahalagang halimbawa si Jaimie para sa mga estudiyanteng mahilig sa mga ‘mañna habit’. Sana naman, ay matuto tayong pangalagahan ang bawat oras na mayroon tayo upang mas marami pa tayong bagay na magagawa.

Inspirasyon ni Jung Min Napakahalagang makapagtapos na si Jaimie ng pag-aaral dahil nais niyang makapaghanapbuhay at masustentuhan ang kaniyang mga personal na pangangailangan. Ayon kay Jaimie, “It is important for me to get a job to support myself… To stand alone and be independent… Nowadays, if you don’t have a job, you can’t do anything.” Para sa kanila, mahalagang may kasarinlan ang isang tao. Hindi naaayon sa kultura ng mga Koreano ang katamaran at pag-asa sa mga magulang upang masuportahan ang kanilang pangangailan sa pang araw-araw. Para sa kapwa dayuhan Isang mahalagang bagay na nais

ipamahagi ni Jaimie sa mga dayuhang katulad niya na nag-aaral sa isang pamantasang Pilipino: “Just be Filipino [in your ways and actions]! Being a foreigner to survive in a Filipino school, I learned the way they do, how they deal with others, what is their culture. I really tried to understand though I was unlike Filipino.” Sa pagsisikap, maaabot natin ang mga pangarap. Saan ka man nanggaling o ano ang iyong mithiin, kahit ang ibig-sabihin nito ay kailangan mong manirahan sa lugar na hindi mo kinalakhan, ang mahalaga ay tayo ay nagsusumikap upang makamit ang ating mga ninanais. •


4

BALITA

Sa Buwan ng Pambansang Nutrisiyon:

Ang estado ng Batang Zamboangueño nina Therese Margarette Duterte at Mark Joshua Macaso Batid natin na tuwing buwan ng Hulyo ipinagdiriwang ang Buwan ng Pambansang Nutrisiyon. Ngayong taon, sa pamumuno ng Sanggunian ng Pambansang Nutrisiyon o National Nutrition Council (NNC), ang tema ng selebrasiyon ay “Timbang Iwasto sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo.” Ang tema ng taunang pagdiriwang ito ay isang paraan ng pangangampanya na may layuning magbigay-alam sa publiko na mayroong malaking pag-angat sa porsiyento ng mga Pilipinong overweight o obese; at ito ay dapat pangambahan dahil sa kaakibat nitong mga sakit at karamdaman. Subalit, hindi maiiwasang maitanong kung ano nga ba talaga ang tunay na estado ng nutrisiyon ng bawat batang Zamboangueño at hindi lamang ng mga batang obese, na siyang tuon ng tema ngayong taon. Ano nga ba ang mga programang isinasagawa ng pambansang at lokal na pamahalaan ukol sa nutrisiyon ng mga batang mamamayan?

Sa isang panayam kay Virgina Sagrado, tagapangulo Kagawaran ng Nutrisiyon ng Tanggapan ng Kalusugang Panlungsod (CHO), ikinalulugod niyang ipahayag na mayroong pagbaba sa bilang ng malnutrisiyon sa mga batang isa hanggang limang taong gulang. Mahigit 0.6 bahagdan ang ibinaba nito noong taong 2014 kumpara noong taong 2013, habang ang datos naman para sa taong 2015 ay mailalabas pa sa katapusan ng buwan. Aniya, naging epektibo ito sa tulong ng “Suppplementary Feeding,” isang feeding program na siyang isinasagawa ng pamahalaan. Ang pangunahing gawain nito ay ang maglaan ng Php 15-20 kada isang bata para sa pagkain upang maiwasan ang malnutrisiyon. Buwan-buwan ding pinagmamatiyag ang timbang ng mga bata kung na-aayon nga ba ito sa tangkad ng bata sa pamamagitan ng body mass index (BMI).

Iba’t-ibang antas ng gobiyerno ang

Biometrics registration hin COMELEC hinang ah AdZU

siyang namamahala ng mga programang ito. Ang Tanggapan ng Panlungsod na Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (CSWD) ang siyang namamahala sa pagpapakain sa mga batang naninirahan sa mga lansangan. Ang Sentrong Pagpapaunlad Panlipunan (SDC) naman ang namamahala sa mga batang may edad 3-4 at pumapasok sa 295 daycare centers ng Lungsod ng Zamboanga. Habang ang Kagawaran ng Edukasiyon naman ang namamahala sa 200 na mag-aaral ng sampung barangay. Dagdag pa ni Sagrado, pati raw mga magulang ng mga bata, mga kumadrona at volunteer workers ay siyang kaakibat sa pagpapatupad ng proyektong ito.

In dugaing kawasa sin Commission on Elections (COMELEC) Region-9 iban sin Ateneo Task Force, organizational groups bya sin El Consejo Atenista – Department of Student Involvement, Ateneo Center for Leadership and Governance, Social Awareness and Community Service Involvement, United Front for Honest Orderly and Peaceful Elections at Legal Network for Truthful Elections nagtabangtabang para mapa awun in satellite registration ini ha iskul Ateneo de Zamboanga University sin bulan Haziran adlaw 30 (July 30) bakas in muna muna registration sin COMELEC ha AdZU Breubeuf Gymnasium. Mataud tao in myadtu, tao maas mapa bata iskul, mastal iban sin katan mabaya magregister myadtu. Nakapag

Calle San Jose Panigayan por Gabrielle Pareja, BA Comm-I traducido desde el original “A Street of Character”

El maga Zamboangueño sabe si pakilaya de lleno de accion el Calle San Jose Panigayan. Por mayor tiempo ta sirvi como paradahan de jeep, mucho gente ta anda aqui para munta con estos pavolvida na diila caday y qual maga casa. El maga chofer ta espera llena de pasajero diila maga jeep mientras ta deja sila con el maquina de estos funcciuna alboroto. Na otro banda, siguiditos ta grita el maga conductor, “Uno pa! Uno pa!” o “Arunsa-arunsa lang!” Con adredez este sila ta hace para llama atencion del maga gente na alrededor. Maga man-novio ta come callente y ta umia pa siopao –ta mira a uno’y otro ojos dentro del cerca panaderia como dol un ecsena lang na un pelicula romantico.

dihil malagu tabang ini pa in sila way uras nila madtu pa field offices atawa pa dugaing agencies pasal sin malaul na sila ha pag-iskulan nila iban ha mga kamaasan naghuhulas sangsa mag trabahu.

Fuera con el sonor del maquina del maga jeep, el grito del maga ventera y alto voces del maga pasajero, el Calle San Jose Panigayan actualmente un quieto lugar. Bien diferente na cosa sabe el publico, este calle es calle de silencio. Lampas na paradahan del jeep, el Calle San Jose Panigayan ay un largo, estrecho y quieto camino. Poco lang maga establecimiento el puede encontra aqui y alla pero mas quieto este na cosa este debe. El aire fresco y el calor del sol ay engaña contigo camina con este camino. Lejos na alboroto y umo, ay sinti tu calma y tranquilo.

Ha kasulatan sin COMELEC aun 4.3 milyon botante in way nakaboto pasal sin kulang in katadangan nila atawa way biometric records sin mga tao ini. 200,000 in banus sin tao ini daing kunu ha Zambuangan. Pasalan sin ini aun kumulang labi 2,000 in nakapag register sin mga ngan nila para mamuto byaun magdaratung 2016 elections. In 2,000 tao ini kyadihilan pribilehiyo para i-usal in agi sin sarra amun pagiyanun nila Right to Suffrage.

Un camino que ta dale contigo dos diferente sentimiento, el uno, ay sinti tu el cansancia –manda contigo acorda el todo cosa que ya hace tu entero dia, manda contigo sinti el ancias, el ancias para volve ya y descansa. El otro sentimiento tambien amo que ay manda contigo sinti el pacifico tiempo del dia, dol aquel ba ta manda para por un rato para goza el cosa ya pasa este dia.

1.14%

In pag tabang-tabang sin katan ini in nakapag pakusug iban nkapag tabang ha COMELEC para ha pagtupad sin obligasyon nya ha tao. In kyalingkat niya ini pasal sin satellite registration ini maglalaggu in taud sin tao mamuto In Sha Allah in pagtabang tabang ta ini makaparayang sin pagparinta di sadya sin COMELEC iban sin parinta sin Pilipinas. •

mula sa pahina 1 Maaari rin itong makaapekto sa mga gastusin na may kaugnayan sa kalusugan lalo na’t ang LGBT ay isang sektor na hantad sa mga panganib ng HIV, matinding kalungkutan na minsa’y nauuwi sa pagpapatiwakal.

Bilang pangwakas, hinimok ni Badgett ang lahat na mas maging bukas at maunawain sa kalagayan ng mga LGBT sapagkat sila rin ay may kahalintulad na mga karapatang pantao na tinatamasa ng lahat.

Dagdag pa niya, na ang datos ng kaniyang pag-aaral ay nagpapakita na ang isang bansang mas tanggap ang LGBT ay mas mataas na per capita index. Sa isang paglalarawan buhat sa econometrics finding, ang bawat isang karapatan na naipapakaloob sa LGBT ay katumbas ng +$320 GDP per capita o halos 3% dagdag. “Equality is good for business,” wika pa ni Badgett.

Dumalo sa nasabing aktibidad ang ilang mga kasapi ng mga organisasiyong LGBT sa Lungsod ng Zamboanga, mga guro at mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan at mga kawani ng pamahalaan. Naisakatuparan ang nasabing pagtitipon sa pakikipagtulungan na rin ng Aklatang Jose Bacatan, SJ, United States Agency for International Aid at ng Embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas. •

underweight: 2013

3.14%

2014

2.95%

Ya nace y ya engranda aqui na Zamboanga, yo tambien ya experiencia el andanza na Calle San Jose Panigayan. No hay Zamboangueño que ta pregunta donde el paradahan de jeep para Tugbungan, Tumaga o Putik, siendo el verdadero Zamboangueño sabe este con todo corazon. Maskin cuando, el Calle San Jose Panigayan ay conocido como uno del maga paradahan aqui na ciudad.

El un calle quere decir un camino pero cosa ta hace diferente el un calle na otro amo pakilaya este ya afecta kanaton. Camino lang este? No, mas pa este na camino. El Calle San Jose Panigayan hasta para cuando ay esta na corazon del cada Zamboangueño. Pirmi este manda kanaton acorda pakilaya kita de ancias Masasabi nating mabisa volve, pakilaya de sabroso volve y pakilaya ang ginawang pagtugon ng lokal na maskin donde kita estaba ay volve lang kita siempre. pamahalaan sa isyung pangnutrisyon ng lipunan. Gayunpaman, kinakailangan pa Mucho camino, mucho calle na ring abangan ang paglathala ng mga datos Ciudad de Zamboanga pero poco lang el sa bilang ng mga malnourished upang tiene caracter, el personalidad, el tiene vida como el Calle San Jose Panigayan.

LATHALAIN 9

SONA 2015

at ang pagkilatis sa Daang Matuwid

E

l calle quere decir camino, pero mas mucho pa cosa sobre con este y hinde lang un duro piso donde ta camina el maga gente. Cada calle tiene su propio personalidad, tiene su propio caracter y el Calle San Jose Panigayan mismo ancina. El calle que todo conoce. Calle San Jose Panigayan, un calle de reputacion.

1.30%

2014

HULYO-AGOSTO 2015

Mi Zamboanga

Dos estudiante segundaria ta reclama por causa diila maestro na math que bien estricto y ya dale pa kanila bien largo Base sa datos na ipinamahagi ng y tormento deberes –ta come nuevo cocido Kagawaran ng Nutrisiyon ng CHO, malaki mani que ya compra sila na ventera na canto camino. ang pagbaba sa bilang ng mga batang: El olor del burger, maga cliente ta man pila para na diila order del popular severely underweight: y barato Buy-1-Take-1 Burger –parao y ta limpia sodor na diila pescueso con diila maga paño. 2013 Na otro lao del calle tiene estacion de gasolina. El olor de gasolina y de pan ta llena con el aire para omenta lang con el olor del umo desde’l maga tambucho del maga jeep. Deberasan, el Calle San Jose Panigayan lleno de accion.

hi Fahad O. Alfad In Ateneo de Zamboanga University nakatabang malagu ha pag pahati ha kaybanan iban sin dugaing sin halga sin pag biometrics registration. Piyapahati tuud nila ha mataud kabataan para magregister iban sin tyutup tuud ha pangatayan nila in kahalgaan si pagboto malaingkan di ta sayangun in boto ta.

HULYO-AGOSTO 2015

.

Sa kanyang huling taon bilang pangulo ng bansa, nasaksihan natin ang huling talumpati ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa kanyang mga “boss.” Sa kanyang panghuling State of the Nation Address o SONA, tayo ay magbalik-tanaw at ating kilatisin ang ipinagmamalaki niyang “Daang Matuwid.” Ang Daang Matuwid Hindi natin maitatanggi na maraming pagbabago ang naisagawa ng Administrasiyong Aquino at apat sa mga pagbabagong ito ang masasabi nating pinakamakasaysayan sa lahat. Nangunguna sa mga ito ay ang paglago ng ekonomiya ng bansa. Pumapalo ito sa anim hanggang pitong porsiyento taon-taon, na nagdulot upang manguna ang bansa sa may pinakamasisiglang ekonomiya sa Timog Silangang Asya at pumangalawa sa Tsina sa buong mundo. Tumaas na rin ang bilang ng foreign direct investments sa bansa na nagsasaad na dumarami ang mga dayuhang negosyante na namumuhunan sa Pilipinas na siya namang magdadala ng mga bagong trabaho at oportunidad para sa Pilipino. Ang K to 12 Program ay ibinida rin ni Pnoy na naglalayong mas paunlarin ang sektor ng edukasiyon sa bansa. Ang programang ito ay halatang isang hakbang sa paghahanda ng Pilipinas sa darating na ASEAN Integration na magsisimula sa Disyembre ngayong taon. Ang Pilipinas na lang kasi ang natatanging bansa sa Timog Silangang Asya na may 10-year Basic Education Program. Makasaysayan din ang naging hakbang ni PNoy upang masolusyunan ang problemang pangkapayapaan sa Mindanao. Ang pagbubukas ng negosasiyon sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ang siyang nagbigay-daan upang mabuo ang Bangsamoro Basic Law (BBL) na ngayon ay dinidinig na ng Kongreso. Ito na ang nakikitang pangmatagalang solusyon upang mapaunlad ang Mindanao at maibalik ang kapayaan sa rehiyon.

At panghuli sa kaniyang mga makasaysayang pagbabago

ni John Xyrious Dela Cruz

ay ang naging tugon ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Matapang ang naging hakbang ng Pilipinas sa mga pananakot at pagpapakitang gilas ng puwersang militar ng bansang China. Idinulog ng ating bansa sa UN Arbitration Court ang sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China at naipakita sa buong mundo ang mga maling pamamaraan at pananakot ng China sa walang habas nitong pag-angkin sa mga teritoryong nakapaloob sa Exclusive Economic Zone ng bansa at sa mga pagmamalupit nito sa mga Pilipinong mangingisda. Ang Daang Baluktot Hindi na nakagugulat kung puros tagumpay at pagmamalaki ang nakapaloob sa SONA ng pangulo. Walang bakas ng pagkukulang o di naman kaya ay pagkakamali ang nakita sa kanyang talumpati. Kapansin-pansin na hindi pa rin mawawala sa kanyang bawat SONA ang pagbanggit sa mga kamalian at kakulangan ng nagdaang Rehimeng Arroyo. Halatang hindi pa rin nakapag-move on si PNoy. Sa kabilang banda, hindi man lang nabanggit ni PNoy kung ano na nga ba ang mga naging pagbabago sa sektor ng agrikulutura ng bansa. Ang sektor na ito ay kinabibilangan ng halos 80% ng mga Pilipino, at itinuturing na pinakamahirap na sektor ng bansa. At hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nabibigyan ng kaukulang pansin ang ating mga naghihirap na magsasaka at mangingisda. Karamihan sa mga sakahang lupa sa Pilipinas ay ibinebenta sa mga negosiyante upang tayuan ng mga naglalakihang shopping malls, subdivisions at hotels. Ipinagyabang niya ang pagrami ng FDI sa bansa na magbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. Ngunit kapansin-pansin na ang mga trabahong ito ay panay kontraktwal lamang. Ang ganitong uri ng mga trabaho ay hindi makapagbibigay ng pangmatagalang kabuhayan para sa mga manggawang Pilipino. Bukod pa riyan, kakarampot pa rin ang mga suweldo at mga benepisyong ibinabahagi sa ating mga manggagawa, isang patunay na ang pamahalaan ng Aquino ay nagtataguyod pa rin ng cheap labor upang maakit ang

mga dayuhang negosyante na mamuhunan sa bansa. Ang K to 12 naman na ipinagyayabang ni PNoy ay halatang minadali sa pagpapatupad. Marami pa ring mga paaralan sa bansa ang hindi pa handang isagawa ang programang ito sapagkat kulang na kulang pa rin ang mga silid-aralan, mga kagamitan at mga guro. Kasabay din nito ang patuloy na pagtaas ng matrikula sa parehong mga pampubliko at pribadong kolehiyo at unibersidad sa bansa. Ang sektor ng edukasiyon sa ilalim ni Aquino ay naging komersiyalisado na sa patuloy na pagkaltas ng pondo para sa mga State Universities and Colleges (SUCs). Ang Mindanao naman ay hindi napagtuunan ng pansin ni Aquino. Ang krisis pang-enerhiya sa rehiyon ay patuloy pa ring nararanasan ng mga kababayan natin dito. Habang ang Luzon at Visayas ay nakararanas ng matiwasay na suplay ng kuryente, ang mga nasa Mindanao ay nagtiyatiyagang harapin ang halos anim hanggang walong oras na rotating brownout araw-araw. Ang Hamon Maraming mga napagtagumpayan si PNoy at ito ay kanyang naibahagi sa sambayanang Pilipino sa kanyang panghuling SONA. Ngunit marami ring naging pagkukulang ang Pamahalaang Aquino, lalong-lalo na ang kalagayan ng mga mahihirap na sektor ng lipunan. Karamihan sa mga naging polisiya ni Aquino ay nakatuon upang mapaganda ang imahe ng Pilipinas sa mga dayuhang negosiyante at sa pandaigdigang komunidad. Ang SONA ni PNoy ay larawan ng kanyang tagumpay, ngunit ang tunay na SONA ay dapat na maglarawan sa tunay na kalagayan ng ating bansa. Inclusive Growth. Ito ang isa sa mga naging pagkukulang ni PNoy. At ito rin ang malaking hamon na kakaharapin ng susunod na uupong pangulo ng bansa. Oo nga at may nagawang daang matuwid. Ngunit aanhin mo ang isang daang matuwid kung hindi mo naman kasama ang sambayanang Pilipino sa pagtahak nito? •

Mga kursong nanganganib mabura sa mapa ng AdZU nina Leonette Ann Sadioa at Ciara Mae Obillo

Bakit nga ba biglang lumobo ang dami ng mga estudiyanteng kumukuha ng mga kursong tulad na lamang ng Accountancy at Nursing nitong mga nakaraang taon? Dahil ba ito sa silakbo ng damdamin o dahil sa kagustuhan ng mga mag-aaral na magkaroon ng kasiguraduhan na sa pagtatapos nila’y may mga hanay na ng trabahong naghihintay para sa kanila? Siguro ay mas tamang isipin na ang pangalawang pahayag ay ang mas matimbang na dahilan kung bakit lumulobo na ang populasiyon ng mga nabanggit na mga kurso. Talaga namang praktikal na piliin ang kursong may mas tiyak na kinabukasang maibibigay, lalung-lalo na sa panahon ngayon na tumitindi na ang kumpetisyon sa pagitan ng mga indibidwal. Kahit mismong mga magulang ay naeenganyo na ring kumbinsihin ang kani-kanilang mga anak na kumuha ng kursong nakapagbibigay ng sapat na trabaho sa hinaharap. Marahil siguro ay ito ang mga pangunahing dahilan kung bakit kakaunti at patuloy na bumababa ang bilang ng kumukuha ng mga kursong tulad na lamang ng AB English, AB Economics, at BS Mathematical Sciences.

AB English

kumuha ng nasabing kurso.

“Kulang sa impormasyon.” Ito ang mga pahayag ng tagapangulo ng Kagawaran ng mga Wika ng Paaralan ng Malayang Sining na si Michelle Celestino-Reyes ukol sa unti-unting pagliit ng bilang ng mga mag-aaral na kumukuha ng AB English. Ayon pa kay Celestino-Reyes, karaniwan ay kinukuha ang kursong ito ng mga estudiyanteng gustong magpatuloy sa abogasiya. Maliban sa pagiging abogado, maaari rin silang tumungo sa landas ng pamamahayag. “Sa totoo lang, maraming mga estudiyante na nakapagtapos ng AB English ay mga kilalang abogado na ngayon,” dagdag pa ng tagapangulo. Aniya, noong hindi pa nag-aalok ang pamantasan ng kursong BSEd-Major in English ay marami-rami ang mga estudiyanteng kumuha ng kursong ito. Ngunit sa kasalukuyan ay pito lamang ang nagpatala sa nasabing kurso. Ayon din kay Celestion-Reyes, umaabot sa 40 hanggang 50 ang ibinibigay na iskolarsyip ang Paaralan ng Edukasiyon ng unibersidad para sa mga nais kumuha ng kursong BSEd-Major in English, kung kaya’t mas kaakit-akit ito para sa mga estudiyante. Naisip rin ng kagawarn na humakot ng mga benefactors na maaaring magbigay ng mga iskolarsyip upang mas maengganyo ang mga estudyanteng

BS Mathematical Science Isa pang kursong nanganganib na mabura sa mapa ng unibersidad ay ang BS Mathemical Science. Maraming hindi nakaaalam nito at karamihan sa mga estudiyante ay napatatanong kung ano nga ba ang maaaring makamit ng isang magaaral na nais tahakin ang landas na ito. Ayon Daisy M. Quisel, ang tagapangulo ng Kagawaran ng Matematika ng Paaralan ng Agham at Teknolohiyang Pang-impormasiyon, na kahit inaalukan na ng pamantasan ng mga insentibo ang sinuman na nagnanais na kumuha nito ay hindi pa rin lumalaki ang bilang ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong ito. Ito ay dulot ng mabagal at mahina na pagpapalaganap ng impormasiyon ukol sa kurso at ang pagkukulang sa pagatutuklap ng kahalagahan nito. Dagdag pa ni Quisel na maraming trabahong nag-aabang para sa mga mag-aaral na makapagtatapos ng Mathematical Science. “Ang isa ay statistician sa DOLE. Ang isa naman ay nasa CAAP, at yung isa ay nagtratrabaho na sa Saudi.” AB Economics Ang kursong AB Economics naman ay masasabing nakapaloob sa

pag-aaral ng ekonomiya ng isang bansa kung kaya’t marami ang nahuhulog sa palagay na marahil ay kakaunti lamang ang mga trabahong nakalaan para sa mga kumukuha ng nasabing kurso. Ang komentariyo naman ng guro ng Economics ng unibersidad na si Henry Pañales ay, “Maraming mga job opportunities ang mga nagsipagtapos ng AB Econ. Maraming saklaw na field ang Economics kung kaya’t ang magaaral na nagtapos sa kursong ito ay makapagtatrabaho sa bangko, gobiyerno, pribadong kompaniya, sa paaralan, at sa marami pang iba, hindi lang sa loob kundi pati na rin sa labas ng bansa.” Aniya, bukod tanging nakapagtataka na kaunti lang ang mga estudiyanteng kumukuha ng kursong ito sa unibersidad sapagkat “elite course” kung maituring ang AB Economics sa mga sikat na unibersidad dito sa bansa. “Sa Unibersidad ng Pilipinas ay talagang quota course ang AB Economics,” dagdag pa ni G. Pañales. Napakauso na ngayon na sumunod sa kung ano ang uso. Ngunit, dapat isaisip na hindi dapat limitahan ang sarili sa kung ano lamang ang uso. Kinakailangan ng masusing pagtukoy at pag-aaral sa mga kursong nakalahad. Hindi katumbas ng dami ng estudiyanteng nag-enrol sa isang kurso ang kalidad at kahusayan nito. •


LATHALAIN 5

HULYO-AGOSTO 2015

Ang IgniTE at ang Rio Tuba Nickel Mining Corp. isang lathalain mula sa Lupong Patnugutan

CONFLICT OF INTEREST? Mga piling kasapi ng IgniTE-SIKLAB kasama ang isang kinatawan ng Rio Tuba Nickel Mining Corp.

MULA SA: FACEBOOK ACCOUNT NG ALAB-ATENEO

Umaasa tayo na dahil na rin sa kapalpakan ng Union of Students for the Advancement of Democracy (USAD) ay sisibol ang isang partidong babago sa kamalayan natin ukol sa daang dapat tahakin ng El Consejo Atenista. Ngunit nagkakamali tayo kung inaakala nating Ignatian Iniative for Transformative Empowerment (IgniTE) ang sagot sa ating problema. Dahil na rin marahil sa kasabikang makapunta ng Palawan, nakalimutan nila ang mga pagpapahalagang Atenista. Noong ika-24 hanggang ika-26 ng Hulyo, ilang miyembro ng IgnITE ang tumungo sa Puerto Princesa City, Palawan, upang dumalo sa isang pagpupulong naglalayong magpalaganap ng responsableng pagmimina, at matalakay ang mga benepisiyo nito, pati na rin ang iba’t-ibang kaganapan at gawaing nangyayari sa regular na operasyon ng Rio Tuba Nickel Mining Corporation, isang sangay ng Nickel Asia Corporation sa bansa. Ang tanong: anong pakialam meron sa pamamahala ng isang minahan ang isang samahang ang layunin ay humubog ng mga student leaders? Anong interesanteng pangyayari roon ang kinailangang

maipagpalipas talaga ng isang araw ng klase, pati na rin ang katapusan ng linggo? Maikling bakasiyon lang ba ito para sa mga piling miyembro ng IgniTE? Sariling pera ba nila ang pangtustos sa tatlong araw na biyaheng ito? Ano nga ba talaga ang kinalaman nito sa paghuhubog ng student leaders? Sa mga tanong na ito na maaari’y nais mo ring malaman ang kadahilanan, isa lang ang may dalisay na sagot. Ang mga gastusin sa pagliliwaliw na ito ay binayaran lahat ng Rio Tuba Nickel Mining Corporation. Ang hangarin ng kompaniya? Hindi natin alam. Ayon sa kanilang website, ang Rio Tuba Nickel Mining Corporation o ang Nickel Asia Corporation, ay nagtataguyod ng responsableng pagmimina. Habang buong sayang kumukuha ng mga larawan sa Palawan ang mga nasabing kasapi ng IgniTE –kung saan ang ilan sa kanila ay mga tinitingalang student leaders sa kampus –nabura marahil sa kanilang mga isipan na hayag sa hayarang pampamayanan ng Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga ang pagkilala sa mahalagang papel ng pamantasan sa pagtaguyod ng mga pamamaraan at polisiyang makakalikasan

sa harap na rin ng banta ng climate change. Mangyari pa, pagmimina ang isa sa mga pangunahing kadahilanan kung bakit nasasaid ang mundo sa hagupit ng global warming at ilang mga pook na rin sa Pilipinas ang nasira ang likas na yaman at ganda dahil dito. Ang pakikipaghalubilo ng IgniTE sa isang kumpaniya ng minahan sa isang tingin ay hindi masama ngunit dahil daladala nila ang pangalan ng Ateneo, hindi maiiwasan na magkaroon ng pagdududa sa tunay nilang hangarin. Paano matitiyak ang tiwala sa transformative empowerment na ipinagmamalaki ng IgniTE kung taliwas naman dito ang mga pinaggagawa ng mga kasapi nito? Matatalino naman ang mga tagaIgniTE, ngunit hindi ba sumagi kailanman sa kanila ang konsepto ng conflict of interest? Hindi ito ang unang beses na ang isang organisasiyon pang-estudiyante sa AdZU ay may suportang natatanggap galing sa labas ng pamantasan. Bakit nga ba nakikipagkasangga ang mga partidong pampulitika ng mga magaaral sa mga korporasiyong may kakayahang tumustos sa mga proyekto nila? Maaaring maliit lamang ang nakalaang pondo para sa student government natin, pati na rin para sa iba’t ibang kapisanan at organisasiyon sa paaralang ito, subalit kailangan ba talagang sa labas pa hahanap ng sagot sa problema sa pera? Ganoon na lamang ba ang kakulangan ng suporta para sa mga proyektong nakalaan?

Ngunit, hindi naman sigurong mali ang humingi ng tulong, lalo na kung kinakailangan talaga. Hindi rin naman mali ang gumawa ng partido, kahit malayo pa ang halalang pang-El Consejo. Sa isang banda, hindi rin naman masisi kung may mga grupong pangkampus na tila nakaliligtaan na ang nilalaman ng haraya at layunin ng Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga. Matatandaan na noong isang taon, may itinalaga ang pangulong Fr. Karel S. San Juan, SJ bilang koordineytor para sa student leadership formation ngunit wala ring napala ang pamantasan, ni anino ng sinasabing student leadership formation. Ibig sabihin, kaniya-kaniyang pamamaraan o diskarte ang mga organisasiyon ng mga magaaral, kabilang na ang El Consejo, upang magkaroon ng mga pagkakataong mapaunlad pa ang kanilang samahan, dahilan upang marahil nakukuhang umasa ng ilan sa mga oportunidad na inaalok ng mga grupo sa labas ng AdZU. Sa huli, nariyan ang katotohanang hindi natin maikakaila –nananatiling salat sa mga programa ukol sa student leadership ang Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga.

TAPAT. Inilahad ni Kinatawan Baguilat ang epekto ng pagmimina sa buhay ng mga katutubong Pilipino at ang nararapat na tugon para rito KUHA NI: MOHAMMAD SARAJAN

Noong ika-13 ng Agosto, ginanap ang #NewMindanao: The Advocacy Policy Agenda Template Forum sa Grand Astoria Hotel. Naidaos ang nasabing palatuntunan sa pangunguna ng mga kaanib na mga tanggapan ng Mga Yunit Pangkaunlarang Panlipunan ng Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga. Ang pagtitipong ito ay isa lamang sa marami na inihanda ng AdZU upang pag-usapan ang mga masalimuot na suliraning panlipunan sa kasalukuyan. Ayon kay Fr. Karel San Juan, SJ, Pangulo ng Pamantasan –sa kaniyang pangbungad na mensahe –dalawang mga aral mayroon ang pagtitipon: ang common good, o ang kung ano ang makabubuti para sa nakararami, at ang pagtataguyod o advocacy. Bilang isang pamantasang layunin ang maglingkod sa kapwa, Diyos

at Bayan, ang nasabing pantas-aral ay isang paraan upang magkamalay, suriin at tumugon sa mga nagbabagang mga isyung kinakaharap ng bansa. Panauhing tagapagsalita si Teodoro Baguilat Jr., kinatawan ng Ifugao sa Mababang Kapulungan. May tatlong mga paksa siyang tinalakay: Ukol sa Freedom of Information o FOI Bill, hinggil sa estado ng mga katutubong Pilipino o indigenous peoples (IPs), at ang pagmimina sa bansa. Pinagdugtongdugtungin ng kongresista ang mga paksang ito upang matuon ang pansin ng madla sa pinag-ugatan ng mga ito –ang paggalang at pagkilala sa mga karapatang pantao ng mga pangkat-etniko sa bansa. Sa usapin ng pagmimina, ayon kay Baguilat, hindi maaaring tahasang

ilarawan ang industriyang ito bilang nakasasama o nakabubuti. Subalit, kung masusing pag-aaralan ang kalagayan ng mga IPs na sumuporta ng pagmimina, karamihan sa mga ito ay nagkagulo ang kanilang dati’y matiwasay na pamumuhay, pati na rin ang kanilang mga tradisiyon gaya sa nabanggit na halimbawa ng mga Palaw’an sa Palawan na nanganganib mawalan ng pinagkukunan ng kanilang kabuhayan dahil na rin sa banta ng pagmimina. Nasabi rin na bukod pa sa mga ito, marami pang ibang kaso ng mga paglabag sa mga karapatang pantao ang konektado sa pagmimina. Isa na riyan ang pagsusuhol at pagpapapatay ng mga IPs na ‘di sumasang-ayon sa pagmimina sa kanilang mga lupaing ninuno o ancestral domain.

HULYO-AGOSTO 2015

Same-sex marriage, napapanahon na nga ba?

Ang tugon ng AdZU nina Trisha Ortega at Irene Wahab

Noong ika-26 ng Hunyo, isang matinding pag-alimpuyo ng damdamin ang nadama ng bilyon-bilyong tao sa iba’t ibang panig ng mundo nang inihayag ng Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos na legal na ang pagpapakasal sa pagitan ng magkaparehong kasarian (same-sex marriage) sa buong Estados Unidos. Matatamasa na ng mga same-sex couples ang mga legal at sibil na karapatan at benepisiyo na siya ring tinatamasa ng mga heterosexuals sa ngayon. Ayon sa karamihan, ito na ata ang simula ng malawakang pagtanggap sa komunidad ng mga Lesbian, Gay, Bisexual, at Transgender (LGBT). Ngunit dumako naman tayo sa ating sariling saklaw, lalo na sa Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga. Hindi maipagkakaila na sa paglipas ng maraming taon ay unti-unti na ring mas nagiging bukas ang mga estudyante’t guro na miyembro ng LGBT na ipahayag ang kanilang tunay na sekswalidad. Sa kabila ng kalayaan ng LGBT sa pakikibahagi ng kanilang pagkatao sa loob ng apat na sulok ng pamantasan, masasabi na nga ba natin na ang pagtanggap at pakikisama sa kanila ng ibang miyembro ng pamayanang AdZU ay taos-puso at tapat? Ang The BEACON Publications ay nagsagawa ng isang pagsisiyasat tungkol sa opiniyon ng mga mag-aaral ng AdZU ukol sa mainit na paksang ito. Tinanong naming ang mahigit sa 300 magaaral ng AdZU bilang representasiyon ng kabuuang populasiyon ng pamantasan. Narito ang mga datos na aming nakalap sa nasabing sarbey: Kung ating susuriing mabuti ang mga datos, makikita natin na magkakalapit lamang ang mga resultang nakalap mula sa mga mag-aaral. Apatnapu’t limang porsyento ng populasyon ang nagsasabing sila ay sumasang-ayon sa pagsulong ng gay marriage. Ano nga ba ang hangarin ng LGBT sa pagtaguyod ng same-sex marriage? Ayon kay Jayson Sabdilon, tagapangulo ng Kagwaran ng Sikolohiya at tagapayo ng AdZU Rainbow –isang organisasiyong

nagtataguyod ng kamalayan ukol sa LBGT sa AdZU, “I would have to concede the fact that marriage in the churches cannot be allowed especially in the dominant Roman Catholic Church and even in the Islamic tradition. But if we refer to marriage as the granting of civil rights, and yes I am for that. . I feel that would be giving equal rights to people who are doing the same thing naman for the government like paying taxes. I feel that people should be given equal rights also.” Gayunpaman, humigit-kumulang sa limampu’t limang porsyento ng mga mag-aaral naman ang hindi pumapabor sa samesex marriage. Relihiyon, pagpapalagayang-loob, at ang pagiging likas na sa pagkatao na ang konsepto ng pag-iisang-dibdib ay para lamang sa babae’t lalaki, ay iilan lamang sa mga kadahilanan kung bakit hindi sumasang-ayon ang mga mag-aaral sa ideyang ito. Karamihan sa kanila ay nagsaad na itinuturo ng kani-kanilang relihiyon na ang kasal ay nararapat lamang na maganap sa pagitan ng isang tunay na lalaki at tunay na babae. Kasama na rin dito ang dahilan na may mga limitasiyon ang pagtanggap sa mga LGBT at ang pagpapakasal ay isang kalabisan. May mga aspeto ng lipunan na hindi saklaw ng malawak na sakop ng liberalidad, tulad na lamang ng konsepto ng pamilya. Ang pamilya ang pinakapundasiyon ng lipunan at ang pagpapagulo nito ay maaring magdulot ng mga masasamang kahihinatnan sa hinaharap. Ika nga ng Kaagapay ng Pangulo para sa Formation, Fr. Wilfredo Samson, SJ, “I have great respect to gays who are good and responsible adults. But as a priest, I also believe that there are some tenets in our faith that is exclusively reserved for some. Yes there are some practices that are culture and time bound, and could be changed and revised. But I also believe that there are things in our faith that are permanent and beyond change. And I believe that marriage is one of them.” Hindi naman ibig sabihin nito na magiging biktima na na ng diskriminasiyon ang mga gay couples, ngunit masasabing sila ay walang kakahayan na magbunga ng kanilang sariling mga anak. May mga aspeto ng pagka-ama na hindi kailanma’y magagawa ng mga babae at mayroon din namang mga aspeto ng pagiging ina ang hindi kayang tuparin ng kalalakihan. May iilan ding nagsasabi na hindi pa handa ang lipunan para sa ganitong klase ng pagbabago, na ang pagpilit sa pagtaguyod nito ay makakadulot lamang ng pagkasira ng likas na kurso ng pagkabuhay ng mga tao sa ating mundo. Ang pag-iisang dibdib

Saan na patutungo ang Ateneo de Zamboanga? Kalabisan na ba ang umasam na magkaroon ng mga pinuno, mga lider na dalisay ang intensiyon para mamuno? •

Pagmimina, banta sa mga katutubong Pilipino ni Pristine Janielle Padua

8 LATHALAIN

Minimithi ni Baguilat na sana’y amyendahan ang Philippine Mining Act of 1995 sapagkat binibigyan karapatan nito ang mga dayuhang kumpaniya na magmay-ari ng mga lupaing nasasakupan ng kanilang mga mina, at kalimitan din sa mga proyektong ito, maliit na porsiyento lamang ang napupunta sa kaban ng bayan. Wala rin daw gaanong kapakinabangang pinansiyal ang mga katutubong naninirahan na sa mga pook na ito bago pa man dumating ang mga kumpaniya ng pagmimina. Dagdag pa ni Baguilat, maliban sa mga suliranin hinggil sa tao o pera, ang pagmimina ay sumisimot din sa kalikasan at mga yamang-lupa at yamang-tubig ng bansa, na hindi madaling mapanauli. •

ay isang napakasensitibong paksa kung kaya’t may mga nagsasabi na mas naaayon na ito’y pangalanan bilang isang “unyon” kung saan maaaring ipagkaloob ang mga karapatan na sadyang inilikha para lamang sa kanila. Ngunit nakatutuwang isipin na bagaman mas nakararami ang hindi pabor sa same-sex marriage, nakararami sa mga mag-aaral ang nagsasabi na sila ay hindi nababalisa sa pagkakaroon ng samesex couples sa loob mismo ng pamantasan. Pinapakita lamang nito na LGBT ay pinahihintulutan ngunit hindi pa ganap na tanggap. Maaaring isa sa mga dahilan ng pagkakaiba ng opiniyon ay pagiging isang Katolikong paaralan ng Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga at ang konsepto ng gay marriage ay hindi pa ganoon katiyak at malinaw para sa lahat. Nagkakaiba-iba ang opiniyon ng mga tao palibhasa’y hindi nagkakaisa ang ating mga pagkakaunawa at paniniwala. Dagdag pa nga Sabdilon, “You cannot really give what you do not understand. You cannot say ‘I am for this,’ ‘I am for that,’ when in the first place you do not understand what it is. I feel that people have to understand what they’re getting into first.” “Both camps have stories to tell. Thus, we need to listen to each other. In the spirit of common good and mutual respect, an honest discernment and genuine dialogue should be done in our search for what is noble, true, and universal.” Ang mga salitang ito ni Fr. Samson ay nagpapatunay lamang na tayong lahat ay may obligasiyon na intindihin ang isa’t isa. Hindi pa man nagkakaisa ang ating saloobin ukol sa ideya ng pagsasabatas ng gay marriage sa ating bansa, ngunit sa pamamagitan ng isang mapayapang dayalogo ay balang araw makakamtan ng dalawang panig ang isang kasunduan na tiyak na makabubuti para sa lahat. • Pangkalahatan

Sumasang-ayon ka ba sa same-sex marriage?

HINDI

OO

Komportable ka ba sa mga same-sex couples sa AdZU?

OO-45% HINDI-55%

HINDI

OO

OO-57% HINDI-43%

Basa-basa pod: Stupid is Forevermore ni Kent Kerby Bayona

Starter pack para sa mga geek wannabe: antipara nga pang-nerd, braces, ug Stupid is Forevermore ni Sen. Miriam Defensor-Santiago. Dili na importante kung nakasabot ka o wala sa mga witty jokes ni Senadora, ang importante, nabasahan nimo, naingnan nimo ang uban nga nakabasa naka, og nakabalo sila nga widereader ka. Mao ra ang importante. Sige, ikaw na. Pero dili ni mahitungod sa imohang pagka-wide reader, o kung naangay ba sa imoha ang dental braces og nerd glasses; kung dili mahitungod sa usa na pod ka-sequel sa geek wanna-be starter pack nga Stupid is Forever, ang Stupid is Forevermore. Fact # 1: Kung nag-edad kag 13 hangtod 25, ganahan kang Senator Miriam.

Nagbuot-buot man ko sa imohang political preference, gamay ra man akong mga nakita nga batanon nga dili ganahan sa Senadora. Kung dili ka ganahan niya, istorya ta. Pero, oo, si Senator Miriam, dili siya ang tipikal nga pulitiko nga hilig magpasikat sa iyang kaalam. Kung seryoso na kayo ang debate, kapekape sa ta ug ginagmay.

kay ilang gigamit ang buhis nga imong gibayad. At least, napuslan atong buhis. Maigo na ang maigo. Pick-up lines, caricatures, mga speeches, ug uban pa, puno ang Stupid is Forevermore anang tanan kay ang pulitika isa ka dakong komedya. Basa-basa lang, dili kinahanglan sabton ang tanan in English, basta nakabasa. Di’ba?

Fact # 2: Ang Stupid is Forevermore ang samin sa mga pulpol nga pulitiko karon. Nagkalat na sila. Bisan asa ka mutan-aw, naa’y nakabutang, “this project is made possible through the effort of *insert politician’s name*” para inawong nimo nga naa ka utang kabubot-on sa ilaha

Fact # 3: Kung gusto ka bagets ka forever, basaha ang libro. Kung dili man ka pulitiko, ayaw ug lihay ug basa sa libro. Kung dili nila makuha sa sineryosohay, i-agi sa ti-aw. Ang Stupid is Forevermore, napuno sa mga tambag nga angay kuptan sa daghang mga batan-on sa panahon

karon. Mga giya sa kinabuhi, aron dili lang magburos-buros, inum-inom, ug dula-dula sa gugma ang himuon sa kadaghanan, kay di lalim masakitan. Hay. Fact # 4: Nasayod man tang tanan sa love story ni Xander og Agnes. Ang Stupid is Forevermore, rip-off lang, una, kay ang ABS-CBN ang publisher; ikaduwa, ganahan kayo ning uban basta naa’y Forever sa title, gatuo sila nga gugmagugma na sad. Magbulag lagi gihapon mo. Dili lang kay gipamatuoran ni Sen. Miriam nga nay forever, bahalag dili sa gugma, kung dili sa kamabaw sa utok. Pero ayaw ug kabalaka, kung nag-inusara karon, ayaw huna-hunaa wala’y forever. Naa. Naa’y forever…forever ka maginusara. At least, naka-andam ka ug maayo sa tibuok kinabuhi nga walay magpangga kanimo. Fact # 5: Wala lagi forever.


6

EDITORYAL

HULYO-AGOSTO 2015

EDITORYAL

IRING WAY HABOL

Tuwing umuulan at may pasok

H

indi maipagkakaila na may mga estudiyanteng hindi maiiwasang dumaing ng mga hinanakit sa tuwing bumubuhos ang malakas na ulan sa Lungsod ng Zamboanga. Nais mang lumiban sa klase ng mga mag-aaral sa kolehiyo ay wala naman silang magagawa sapagkat sila ay natatakan na bilang waterproof. Kahit na magsuspindi pa ng klase ang halos lahat ng kalapit na paaralan sa Ateneo, ay hindi pa rin ipinagkaloob ng pamunuan ng pamantasan ang minimithing class suspension ng mga magaaral. Ngunit hindi naman natin masisisi ang mga estudiyante sa kanilang patuloy na paghiling na makaranas ng kahit man lamang isang araw ng class suspension. Hindi naman lahat ng mag-aaral ay may sasakyan at drayber na

makapaghahatid sa kanila sa eskuwelahan. At higit sa lahat, sino ba naman ang may gustong dumaan sa catwalk na walang bubong at minsan ay napadudulas pa sa sobrang pagmamadali na makaabot sa silid-aralan nang tuyo? Sa kabilang banda, hindi rin naman maitatanggi na may mga benepisiyong naidudulot ang pagkakait sa atin ng class suspension. Una sa lahat, hindi nalalagay sa alinlangan ang matrikulang binabayad natin kapalit ang ipinagmamalaking dekalidad na edukasiyon. Ang bawat pisong pinaghirapan ng ating mga magulang ay hindi nasasayang sapagkat parehong nagsusumikap ang mga guro’t mag-aaral na magpalitan ng impormasiyon at kaalaman mula sa isa’t isa sa loob ng silid-aralan. Mas nagiging mabisa rin ang pagtuturo ng aralin sapagkat hindi naghahabol ng oras

The BEACON Publications

L U P O N G PA T N U G U T A N Punong Patnugot: Trisha Ortega Pangalawang Patnugot para sa Sinag: Pristine Janielle Padua Pangalawang Patnugot para sa Reveille: Aseya Khadija Calo Patnugot para sa Pamamahala ng mga Ugnayang Panlupon Irene Wahab Patnugot para sa Pamamahala ng mga Ugnayang Panlabas: John Xyrious Dela Cruz Tagapangasiwa ng Sining: Bianca Alyana Zamora Patnugot ng mga Lathalain: Franco Rivas Cananea Patnugot ng mga Lathalaing Balita: Kent Kerby Bayona Patnugot ng mga Balita: Fathima Ahamed Kabeer Punong Kartunist: Ioneebel Garcia Tagapangasiwa ng Fotografi: Lea Alessandra Lim Pangalawang Patnugot para sa Pamamahala ng mga Ugnayang Panlupon: Ciara Mae Obillo Pangalawang Patnugot para sa Pamamahala ng mga Ugnayang Panlabas: Christine Therese Oboy Pangalawang Patnugot ng mga Lathalain: June Karlo Suan Pangalawang Patnugot ng mga Lathalaing Balita: Christianne Dawn Sicat Pangalawang Patnugot ng mga Balita: Fatima Mandangan Tagapangasiwa ng Palasalapian: Arjay Jumawan Tagapangasiwa ng Komunikasyon: Jessanell Sevilla Tagapangasiwa ng Opisina: Julius Elciario Tagapangasiwa ng Dibuho Dwight Anthony Yu, Ray Andrew Santiago, Jamie Catherine Go, Lord John Luza, Eleazar Torres Kartunist Daniel Alted Nebrija, Patricia Denise Apolinario, Hazel Rosie Bayaras, Roderick Mendoza Jr., Christopher Tabula, Fahad Alfad, Alana Lois Alano, Deanna Bucoy, Joshua Cabrezos, John Gualbert Caces, Nica Franz Visitacion, Jonie Alaban Fotografi Darrylene Clemente, Yves Xaviery Valerio, Ivan Emmanuel Bokingkito, Ryan Covarrubias, Mark Philip Ycaza, Mohammad Sarajan, Roseller Gyle Samong Mga Kasaping Mamamahayag Keith Joshua Dumpit, Ella Janelle Galea, Loren Marie Justo, Neilson Nick Alinsangan, Amira Solaiman, Mia Carrro Falcasantos, Almyrah Anudin, Aeon Rhys Abad, Jorace Martini Dayrit, John Dexter Canda, Leonette Anne Sadioa, Gillian Rome Manalo, Merzsam Singkee, Al-ameen Asmad, Mark Joshua Macaso, Therese Margarette Duterte, Ivon Macapla, Hasmina Alfad, Putli Monaira Amilbangsa, Nehemiah Araojo,Charmine Grace Bannister, Mary Kathereen Cacayan, Jamilla Becca Daud, Bianca Roma De Leon, Diego Jose Esperat, Anne Louise Falcasantos, Candeline Galvan, Aisha Puy Ibrahim, Darwin Lacbao, Charle Kent Lim, Harmony Lucero, Abdelaziz Maldisa, Rizanna Narag, Clark Bryan Punzalan, Audrie Keith Sepe, Katleen Mae Tampos Tagapayo: Marion Guerrero

ni Irene Wahab

LIKHA NI: IONEEBEL GARCIA

ang mga guro sa pagtalakay ng mga paksa. Kung kayang indahin ng mga mag-aaral ng Layag-Layag ang paglangoy sa may bakawanan para lamang makarating sa paaralan, tiyak na kaya rin ng mga mag-aaral

ng Ateneo na tiisin ang pagpunta sa binabahang pamantasan. Imbes na magmukmok dahil kailangan nating maligo sa ulan para lamang makapunta sa klase, dapat lamang na tayo ay magalak dahil isa nanaman itong pagkakataon upang matuto. •

Social Media: Ang batas ng api ni Pristine Janielle Padua Paano ba nasusukat ang asal ng isang tao sa panahon ngayon? Paano nga ba natin masasabing may pinag-aralan ang isang tao? Nasa pamamaraan ba ng kaniyang paggalaw at pananalita? Nasa pinanggagawa ba niya sa social media? O sapat na ba ang katahimikan? Paano ba masasabing mabuti kang kaibigan? Nasa masugid na pagsuporta sa lahat ng pinaggagawa ng kaibigan mo? Nasa tahimik ngunit damang-damang pagtukod? O nasa kahandaan mo bang rumesbak sa kanino mang nang-aapi sa kaibigan mo, ‘di bale na kung ang kaibigan mo naman ang nagsimula ng gulo? Karamihan sa atin ngayon, ‘di na nag-iisip bago kumilos. Karamihan sa atin, inaantala na ng emosiyon ang anumang natitirang katinuang mayroon tayo. Karamihan sa atin, nadadala na rin sa opiniyon ng karamihan, at nahihimok na ibahagi ang ating mga kuro-kuro, sa puntong nagmumukha na tayong sukab na lubos ang tiwala sa sarili. Nakaapak lang ng La Salle, nakatikim lang ng caramel macchiato sa Starbucks, nakabili lang ng Herschel na bag, nalimutan na ang pagiging mapanuri sa kilos, gawa at salita. Ang ilan sa atin, nasa tamang lugar naman ang opiniyon sa bagay-bagay, at nakabase naman sa katotohanan. Subalit, hindi lahat ng anumang totoo ay tama, at hindi lahat ng tama ay madaling maunawaan at tanggapin, lalo na’t sa tuwing naaantala ang paraan ng paghatid ng mensahe, tila bang punan ang puwang ang peg, o kaya’y nais pang pukawin ang interes gamit ang elipsis. Mayroong mga taong nang dahil sa layo ng narating nila sa buhay ay natural

nang nagiging mapanuya. Minsan pa, ika nga sa Ingles, condescending ang dating. Di kalimitang nang dahil sa dami-raming ideya at kaalaman mayroon sila sa lumolobong isip nila, mas mainam nalang na bigyan sila ng karapatang ayusin ang mga bagay-bagay sa mga pangkat:

“Ang maralita

at ang burgis. Ang conyo at ang jologs. Mga humihithit ng Marlboro IceBlast at mga humihithit ng Mighty. Mga nag-aaral sa tabi ang riles at mga nag-aaral sa pamantasan ng Zumba.” Hindi ba mahirap iyon? Hindi ba mahirap hindi matuwa? Hindi ba mahirap hindi magalit? Hindi ba mahirap magpaliwanag at humingi ng tawad? Hindi ba mahirap manahimik na lamang? Balang araw, masasagot ng agham at pananaliksik ang mga katanungang ito. Sa ngayon, sana’y may napagtanto tayo sa pangungutyang nangyari, lalo na’t walang pinipili ang karma –at ang batas nga api sa social media – maging estudiyante o tagapangulo ng isang departamento man. Orayt. Rakenrol to da world. •

OPINYON 7

HULYO-AGOSTO 2015

Ayaw’g pag−PBB Putli Mandy

hi Fatima Mandangan

Binay: Bunnal atawa

putting?

Ang mga katawhan diha sa balay ni manong kay nagkaunay-unay na ug kabata. Dili man ko tiglantaw (sa mga fans diha, ayaw’g ka strong, dili lang dyud ko tiglantaw ug TV), pero kabalo ko nga kanang si Bailey nga sikat kaayo sa Twitter kay dose anyos pa. Unsa na’y sunod? Mga lima ka tuig? Makabalo dyud ka nga tiguwang na ka kung maangkon na nimo sa imohang kaugalingon nga di na ka angay sa henerasyon sa mga batan-on karon. Kas-a nalabayan nako akoang pamilya naglantaw ug PBB sa sala, nisulay ko ug apil pero di gyud ko kadugay. Makastress oy. Baka nataymingan ra pud siguro to nga grabeng biga akoang naabtan pero hala oy. Grabe na pud kaayo. Katong ana akong edad, gayaka-yaka pa ko ana’g yuta, gadulag dyolen. Hay. Kabalo na ko sa gibati sa akoang mga ginikanan kanang muingon sila ug “Katong panahon namo…” Tigulang na dyud ko.

Pero ginabasol ba nako ang mga naa sa sulod? Dili. Dili nila sala nga ingon ana sila. Mga bata pa to nga gikwaan ug ginikanan. Nawad-an sila’g tiggiya. Si manong makabantay ra ug naa’y muhunghong or kung naa’y makalimot mag lapel. Ayha pa makatagad ang mga bata nga di mao ang ilahang ginahimo kung mabati na nila na nawala na ang kadasig sa lain para nila ug namugnaw na. Maayo ba na ang ingun-ana?

Billion ha, bukun million— BILLION (pila elementary school in mapatindug nila ha sin yusal pyagpahinang sin city hall?). Bulan sin July tahun 2014, hi Nicolas Enciso VI iban hi Atty. Renato Bondal, bakas barangay kapitan, nag-file kaso ha Ombudsman laban kan Vice-President Jejomar Binay, anak niya, Mayor Junjun Binay, iban dugaing pa mga respondents ha sabab sin baytah nila napahalga sin hangpu tag-isa Makati City Hall II Parking Building. Puas sin complaint na-file sin duwa bakas barangay chairman, nag-dihil resolution para investigation hi Senator Antonio Trillanes IV. Pagfile sin resolution, pyatagnaan magtuy sin Senate Blue Ribbon Committee in investigation.

Makati Science High School, katan ini, mahalga. Ha bistahan National Statistics Office, in hangpu tag-isa story building subay adja kunuh P245 million in halgah, sah gimuwah sya P1.56 billion— nakapakain in P1.3 billion labi? Iban sin Makati Science High School Building, na iyumabut kunu P348.6 million da in halgah, sah gimuwah siya P1.3 billion ha katas. September 11, 2014, namaytah in bakas Makati Vice-Mayor Ernesto Mercado na awn magkatabuk 13% untung hi Binay ha katan projects pyahinang sin Makati City. Puas sin hearing ini, pyatawag na sin committee hi Binay ha sunud na pag-dungug — sah way siya gimuwah. Misan nakaminsan, way iyumatend in Vice-President. Bakas na siya nagdihil bitsara ha mga reporter sabab sin mga issue iban complaints filed kanila, ha pasal bukun bunnal katan iban sin ngi-ngi’an hadja siya sin mga atu niya ha politics sabab sin masuuk na in presidential elections iban kaingatan sin katan na dumagan siya president ha paratung na elections.

Ha pagdungug sin case, namaytah hi Atty. Bondal na in mga projects hi Binay amin siya pa in mayor sin Makati, byah na sin mga cake pagdihilun pa mga senior citizen bang birthday nila, mga buildings pyagpatindug byah na sin Makati City Hall, Ospital ng Makati iban

Kabalo ko na dili mga sama nako ang target nga mananan-aw sa PBB, para ni sa mga kaedad sa mga housemates na makareleyt. Pero ang pangutana, makareleyt sa unsa? Sa mga libakanay ug plastikanay? Dili ni siya tungod kay maot na gyud kaayo ang henerasyon karon sa mga bata pero mao na ang ginapagawas nga imahe sa PBB. Ginabutang sa midya ang pokus sa mga biga-biga. Ginapadako ang mga gagmay’ng butang. Murag ginatudluan ba ang mga Pinoy nga

PAN Y AGUA Un año academico ya tambien el ya pasa y cosa kita puede habla grande cambio ya sucede na manera de gobierno de El Consejo Atenista? Un año academico ya tambien el ta principia kita, y cosa maga incentivo el puede kita anticipa – este ay si ta expecta pa ba kita cosa kanila.

por Pristine Janielle Padua

Querido El Consejo:

Pakilaya uste ya gasta diamon sen?

Na lao de un estudiante, supone ya kita que bien superficial expecta hasta College Night ya lang puede ofrece el ECA. Como maga representante diaton, debe promova sila na mas alto oficina con maga problema que ta sufri kita. Uno ya aqui el estado del diaton uniforme si ta cae ulan y no hay techo el cat walk. Puede ba pidi pondo para todo’l estudiante y maestro tiene payung y capote? Uno pa se. Sabe kita que tiene apropriacion el ECA todo’l año, ambos estaba na Oficina de Financia, y estaba na estudiante. Y todo’l año debe sila sumite un financial report.

Donde ya el financial report de año pasao?

Admiti kita, como mga estudiante, no hay kita tanto keber cosa el laman de financial report. No hay kita tiempo y pacencia le maga lista de numero que ta reflecta cosa ba ya hace el ECA para kanaton todo. El verdad alli, hasta na hecho y sumision lang diaton keber, y sabe kita mali el pensa ansina, sino, antes pa, ansina ya man gayot el costumbre.

manghimantay. Karong panahuna, tanan tawo husgador na. Unya ibutang na nimo ang mga bata sa tunga sa telebisyon, nga wala’y amag unsa dyud ang hingadtoan ana ilahang pagsulod sa PBB. Kaluoy intawon pag-abot sa takna nga mabasa na nila ang mga ginaingon sa tawo mahitungod nila. Wala’y di madutlan sa hukom sa tawo. Labaw na ug ilabay nimo sa mga bata. Dili lang ako nakabantay ani. Daghan na nagpadala ug reklamo sa ilaha kay murag dili na siya makalingaw, makadaot na. Nabadlong na na sila sa MTRCB maong giputol na nila ang 24/7 nga pagpasalida. Naa’y iya iya ug rason ang mga bata ngano sila nisulod anang balaya kwarta, kasikat, trabaho, kaugmaon. Pero madala ba ana nga premyo ang makahilo nga kahanginan sa sulod sa balay? •

Iyanun ta na dih siya mabayah umabjan ha mga tau nag-ngi’ngi’ kanya, sah sin na sin mga tau in pyagbibissarahan dii. Misan sawpama bukun bunnal katan in mga pyag-iyan kanila tungud sin pyagpahinang city hall iban sin high school, subay da siya gumuwah, mamissarahan sin kasabunnalan. Bang bukun bunnal, maytah siya tumapuk? Maytah siya way nagguwah ha mga hearing? Bukun in pagiyanun dii bunnal nangawah sin in mga Binay, atawa bunnal nanguntung sila ha mga projects pyagpahinang ha pag-huhimpunan VP Binay ha Makati City, sah bang kaingatan mu way kaw hinang mangih, dih kaw mabugah dumungug ha bitsara o hearings iban mamaylu na manga “way kapusan” in hearing. Bang kita niyu huminang mangih na kan atawa marayaw, subay natuh baytaan asal in baran ta sin mga parkalah manjari paratungun katuh sin ha taas ha susungun. Bang kita niyu tumabang ha tau, tumabang na hadja. Way na bilang pag-tapuk, pag-untung iban pag-puting. •

Ciento por ciento, el otro maga estudiante si pregunta vosotros sigurao, no hay pa oi aserca el financial report de ECA. Como cosa kita ta habla – no hay keber maga estudiante na las cosas ansina. Sino, habla gane sila, derecha diaton como maga estudiante el sabe onde ta guinda diaton sen. Si ansina man, hende ba obligacion tambien de ECA el habla y hace conocido na todo estudiante el gastos ya acumula na un año? Hende razon que no sabe maga estudiante tiene gale financial report, ay hende tambien aserta el ECA sumite un financial report. Si na actual gobierno pa se de Filipinas, mas pa se na bastante evidencia para sospecha posible corrupcion ta sucede. Roga ya lang kay hende este ta pasa. •


12 ISPORTS

HULYO-AGOSTO 2015

Humayo ka!

ni Bianca Alyana Zamora

Marami ang nagtaas ng kilay at nadismaya nang umuwing walang medaliya ang koponan ng volleyball ng Pilipinas sa katatapos lang na Palarong Timog-Silangang Asya (SEA Games) sa Singapore. Lubos na pinag-usapan ang muling pagbalik ng Pilipinas sa entablado ng volleyball sa SEA Games matapos ang sampung taon. Tila naging teleserye ang mundo ng volleyball ilang buwan bago ang simula ng nasabing palaro. Iba’t ibang suliranin ang hinarap ng ating pambansang koponan para volleyball bago makarating sa Singapore. Marami ang umasa na maganda ang ipapakita ng Pilipinas lalo na at karamihan sa mga manlalarong kalahok ay mga beterano ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP), Philippine Superliga (PSL), Shakey’s V-League at National Collegiate Athletic Association (NCAA) tulad nina Alyssa Valdez, Rachel Anne Daquis, Marck Espejo at Peter Torres. Ayon rin sa mataas na opisyal ng Larong Volleyball ng Pilipinas (LVPI), inasahan nila na makakauwi ng medalya mas lalo na at binago ang patakaran kung saan dalawang koponan ang makakakuha ng tanso. Sa kasamaang palad, napabilang tayo sa Pool B kasama ang malalakas na mga koponan tulad ng

Pagbunyi ng Women’s National Team laban ang koponan ng bansang Malaysia MULA SA INTERAKSYON.NET

Sawimpalad sa Singapore:

Koponang volleyball ng Pilipinas sa Vietnam at Indonesia, at nabigong makapasok sa semi-final round. Sa kabila ng maiging pag-eensayo at paghahanda, hindi pa rin mapantayan ng Pilipinas ang gilas ng mga manlalarong Thai na nagsimula lamang noong 1994 at ngayon ay nagpapakita na ng kanilang galing sa iba’t ibang mga pandaigdigang torneyo. Tila usad pagong pa rin ang volleyball sa Pilipinas at hirap na hirap na maungusan kahit na ang mga bansa kung saan dayuhan pa rin ang larong ito. Noong 2005 SEA Games, na ginanap dito sa Pilipinas, ang huling beses na nakapag-uwi tayo ng medalya.

KARANGALAN. Ipinagbunyi ng local na pamahalaan ng mga nagsiwaging atletang Zamboangueño sa SEA Games

Nakamit natin ang tanso na medalya sa Women’s at Men’s na pinangunahan nila Dante Alinsunurin, Michelle Carolino, at Mary Jean Balse. Tila doon tumigil ang pag-usad ng estado ng volleyball sa Pilipinas. Nahaluan na ng pulitika ang pamamahala ng volleyball ngayon na siyang naging hadlang sa muling pagbangon sana ng ating pambansang koponan mula sa sampung taong pagkawala sa eksena. May pag-asa pa nga ba ang volleyball dito sa bansang ang pangunahing isport na tinatangkilik

ay basketball? Paano nga naman mauungusan ng Pilipinas ang ibang bansa sa Timog-Silangang Asya kung ang laging katuwiran ay ang kakulangan sa pakikilahok sa mga paligsahan sa ibayong-dagat kung bawat taon ay paiba-iba ang mga manlalarong ipinapadala? Nawa’y maging simula ang SEA Games 2015, Asian U23 na ginanap dito sa Pilipinas at Myanmar at ang 2015 Asian Women’s Volleyball Championship sa China sa muli nating pagkamit ng pandaigdigang pagkilala. •

Atletang Zamboangeño nakipagtagisan sa SEA Games

MULA SA OPISYAL NA WEBSITE NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG LUNGSOD NG ZAMBOANGA

ni Gillian Manalo

Ang ika-28 Palarong Timog-Silangang Asya (SEA Games) ay matagumpay na nairaos sa Singapore noong ika-lima hanggang ika-labing-anim ng Hunyo ng taong ito.

na sinundan ng Myanmar, Cambodia, Laos, Brunei, at panghuli ang Timor-Leste. Nagpadala ang bansa ng 472 na atleta para sa edisiyong ito at nakapag-uwi ng 29 na gintong medaliya, 36 na pilak at 66 na tanso.

Vermon Diaz na nagwagi ng gintong medalya sa larong softball. Si Albashier Ibnohasim ay biktima ng nagdaang Zamboanga Siege, sa kabila nito ay nagpursiging magsanay at nakamit ang tagumpay.

Sa nagdaang SEA Games, 11 bansa ang nagtipon at lumahok sa 36 na isports na iginawad. Humigi’t kumulang 4,370 na mga atleta ang nagpakitang gilas sa kani-kanilang mga paligsahan. Ang nanguna sa listahan ng mga nagwagi sa pangkalahatang paligsahan ay ang bansang Thailand, sumunod ang Singapore, Vietnam, Malaysia, Indonesia. Pumang-anim naman ang Pilipinas

Kabilang sa kumatawan para sa Pilipinas ay ang mga Zamboangeño na sina Chezka Centeno na nakasungkit ng gintong medalya para sa larong billiards, Eumir Felix Marcial – gintong medalya para sa boksing, si Albashier Ibnohasim na nakatanggap ng tansong medalya sa larong pencak silat, at sina Sonny Boy Acuña, Orlando Binarao, Emerson Atilano, at

Ang layunin ng SEA Games ay para mas bumuti ang ugnayan at pagkakaibigan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya, at para makipagtagisan para sa mas mataas na mga paligsahang pangkalakasan sa Asya at Olympics. •


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.