SINAG 2020

Page 1

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MGA MAG-AARAL NG PAMANTASAN NG ATENEO DE ZAMBOANGA SA WIKANG FILIPINO ...sa panahon ngayon, ang mga mag-aaral ang siyang nagsisilbing kani-kanilang mga personal na guro sa apat na sulok ng kanilang mga tahanan. Ito ang kinalalagyan ng mga estudyante sa pagsibol ng new normal at sa pagbukas ng panibagong akademikong taon.

EDITORYAL pahina 10

LATHALA BLG. IV • TOMO BLG. V • NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

MGA NILALAMAN BALITA

Project PERFORM:

Namahagi ng laptop sa mga iskolar Ang Matinding Paulan ng Bagyong Ofel pahina 2 BALITA

Halalan 2020: Trump laban kay Biden pahina 4 LATHALAIN ADZU FB PAGE

ni Karl Onayan

Araw ng mga Guro, Ginunita ng Buong Mundo pahina 6 LATHALAIN

Hindi ko Bayani si Darna

pahina 7

S

a pamamagitan ng kanilang p r o y e k t o , Provision of Equipment to Reinforce Facility of Online and Remote Modality of learning (Project P.E.R.F.O.R.M), ang

ni Shariful Mansul a gitna ng new normal, nagsagawa ang Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ng proyekto upang makapagbigay ng tulong sa

Konektibidad sa Ibayong Seguridad: “Wag Kayong Mag-alala” pahina 9

mga mag-aaral na kapos sa kagamitan para sa online class na tinawag na “Project Connect: Tech Assistance for Ateneo Students”. Layunin nitong isiguro na walang maiiwang mag-aaral sa takbo ng AdZU

ISPORTS

LA Lakers, nasungkit ang kampeonato sa 2020 NBA Finals

programang ito na suportahan ang mga piling iskolar iskolar ng MBFI at GTFI sa kanilang kurso sa pamamagitan ng pamimigay ng pangedukasyotng kagamitan. Sa presensya ng presidente ng institusyon, Fr. Karel S. San Juan SJ., kasabay ng

ADZU FB PAGE

(Mula kaliwa hanggang kanan) Fr. Louis Catalan SJ, Fr. Karel San Juan SJ, at Engr. Marjorie Prado inihahandog ang 38 Dotpad Tablets mula sa Metro Stonerich Corporation sa Ateneo de Zamboanga University Linggo, Septiyembre 16, 2020.

pahina 14

RIGHT Learning, at patotohanan na ang kalidad ng edukasyong Heswita ay hindi magmamaliw kahit pa sa gitna ng pandemya. Nagbukas ang aplikasyon para sa lahat ng nangangailangang mag-aaral ng Ateneo noong ika-31 ng Agosto at nagsara ng ika-5 ng Setyembre. Pagsapit ng ika7 ng Setyembre, nag-umpisa nang ihatid ang tulong sa mga piling iskolar sa kani-kanilang tahanan. Ayon sa isang video message mula

Safe Hermosa Festival 2020 ni Renzo C. Tan

P

agsapit ng ika12 ng Oktubre, ang lungsod ng Zamboang ay tauntaon ipinagdidiriwang ang “Zamboanga La Hermosa,” o mas kilala sa mga Zamboangueño bilang “Fiesta Pilar.” Ito ay ang pagbibigay-pugay sa milagrosang imahen ng Nuestra Señora La Virgen del Pilar na

kinatawan ng MBFI na si Lilie Niez, ipinagkaloob sa mga benepisyaryo o sa kanilang kinatawan ang mga laptop. Ang mga piling iskolar na nakatanggap ng mga donasyong ito ay sina Dither Atayde, Sophia Therese Del Castillo, Karl Onayan, Erika Jenn

Quisil, and Aurea Lara Ragdi. Ang proyektong ito ay isang pambansang programa ng MBFI at GTFI na nakatuon sa pagtutulong sa mga iskolar nito sa kanilang pag-aaral sa gitna ng kasalukuyang pandemya.

Project Connect: Walang Iwanan S

LATHALAIN

Metrobank Foundation, Inc. (tMBFI) at GT Foundation, Inc. (GTFI) ay namahagi ng limang laptop sa mga iskolar nito noong ika-27 ng Oktubre. Ginanap sa Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga, hinahangad ng

Mga benepisaryo ng Metrobank at GT Foundation, o kanilang mga kinatawan, kasama si Fr. Karel San Juan SJ sa turnover ng mga ipinagkaloob na mga laptops sa Ateneo de Zamboanga University Martes, Oktubre 27, 2020.

matatagpuan sa Fort Pilar - ang nagsisilbing lugar bilang simbolo ng pagkakaisa ng mga mamamayan. Sa kabila ng pandemyang hinaharap, hindi ito naging sanhi upang kanselahin ang pistang inaabangan ng lahat. Ang tema ng pista ngayong taon ay “Safe Hermosa 2020.” Nagsisimula ang pagdiriwang mula

Oktubre 1 at nagtatapos sa Oktubre 12. Hindi mawawala ang iba’t ibang mga patimpalak na nadadaos tuwing pista. Karamihan sa mga paligsahan ngayong taon ay magaganap, katulad ng ating pagaaral at iba pang mga agenda, sa paraang online lamang. Tulad na lamang ng “Mascota Competition” at “Tiktok Challenge.” Mayroon

ring paligsahang pang potograpo na tinatawag na “Zamboanga Hermosa Photography Competition 2020.” Hindi rin mawawala ang siyam na araw na nobena na inaalay para sa milagrosang imahen. Ayon kay Beng Climaco, ang alkalde ng Zamboanga, hinimok niya pa rin ang mamamayan ng lungsod na manatiling maingat

sa Facebook page ng Project Connect, bukas pa rin sila sa anumang donasyon tulad ng bago o lumang gadyet tulad ng smartphone, tablet, laptop at ibang kagamitan tulad ng flash drive at Wi-Fi modem. Tumatanggap din sila ng tulong salapi na maaaring ipadala sa Bank of Philippine Islands (BPI) o GCASH. Ipinaliwanag ni Fr. Karel San Juan, SJ, ang kasalukuyang pangulo ng Ateneo de Zamboanga, na mahalaga ang mga Ignatian values tulad ng mo, magis, at cura personalis sa isang siglong tagal nang

at sumunod sa mga inilahad na patakaran. Dala ng pagkalat ng kilalang COVID-19, mahigpit ang seguridad sa lugar. Sa pagpatuloy ng nobena, mahigpit na ipinagbabawal ang mga menor-de-edad at ang mga nakakatanda na pumasok. Ayon din sa pamantayang pamaraan, ikinakailangan din ng mga taong papasok na sumuot ng face mask, face shield, kasama na rin ang pagdala ng ipinataw na quarantine pass at balido na ID. Dahil sa mahigpit na seguridad

edukasyong Heswita. At upang makamit ito, hinimok ni Fr. Karel ang mga alumni, benefactors, at mga kaibigan ng Ateneo na maglaan ng tulong para sa mga mag-aaral na kapos sa kagamitan sa gitna ng isang krisis pangkalusugan. *Ang coordinator ng Project Connect ay si Ms. Sitti Fatima T. Chua, at maaari siyang tawagan sa numerong 0915-853-6091 o i-email sa chuasitt@adzu.edu. ph para sa karagdagang katanungan.

upang maiwasan ang impeksyon, ang nakasanayang Street Dancing Showdown, ay hindi matutuloy ngayong taon. Marami man ang mga pagsasaayos at pagbabago dahil sa sitwasyong pandemya, hindi ito hadlang upang ipagdiwang ang anwal na pista. Higit sa lahat, ang tunay na layunin ng pagdiriwang ay ang pagpuri ng buong puso sa La Virgen del Pilar, sa paraan ng pagkakaisa bilang mga mamamayan ng Zamboanga.


2 BALITA

LATHALA BLG. IV TOMO BLG. V NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

THE SUMMIT EXPRESS

Bagyong Ofel patuloy na gumagalaw pa kanluran papuntang Marinduque Romblon Miyerkules, Oktubre 14, 2020.

Ang Matinding Paulan ng Bagyong Ofel ni Raihana Habbi

A

ng low pressure area sa bahagi ng Eastern Samar ay itinalang tropical depression na pinangalanang “Ofel” bandang alas kwatro ng umaga noong ika-13 ng Oktubre 2020, Martes. Ang sentro ng tropical depression na ito ay natantiyang nasa 115 km ng silangan timogsilangan ng Guiuan, Samar, patungong hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h na may higdulang nananatiling hangin na 45 km/h malapit sa sentro at may

lakas na hanggang 55 km/h. Nilisan ng bagyong Ofel ang kalupaan ng Luzon bago magmadaling araw noong Huwebes, Oktubre 15, palabas mula sa Batangas kung saan naganap ang panlimang landfall nito. Naganap ang unang apat na landfall ng bagyong Ofel noong Miyerkules, Oktubre 14: 2:30AM sa Can-avid, Eastern Samar; 6AM sa Matnog, Sorsogon; 12PM sa Burias Island, Masbate; 7:45PM sa Torrijos, Marinduque; at 11PM sa San Juan, Batangas. Ayon sa Department of Science and Technology-

Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOSTPAGASA), patungong West Philippine Sea sa bilis ng 20 km/h ang bagyong Ofel pagkatapos nitong lisanin ang PAR o Philippine Area of Responsilibity noong ika16 ng Oktubre. Nanatili pa ring umudyok ng pag-ulan sa mga bahagi ng rehiyon ng isla. Ang southwest monsboon o hanging habagat ay nagpaulan din sa mga bahagi ng Luzon. Labindalawang probinsya ang napasailalim ng Signal No. 1 noong Miyerkules

dahil sa bagyong Ofel. Maraming lugar ang binaha kaya pinag-iingat ang lahat dahil patuloy na magiging malakas ang ulan hanggang Huwebes. Agad pinagalaw ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga koponan ng DRRM sa mga apektadong lugar. Patuloy din ang kanilang pagsusubaybay sa mga national roads at mga tulay. Ang mga tahanan sa Cebu City ay pinasok ng baha kasunod ng malakas na pag-ulan dala ng bagyong Ofel. Naperwisyo ang iilang motorista dahil sa mga

kalsada na tila naging ilog. Istranded ang ibang residente sa gilid ng mga establisyemento, ayaw lumusong sa baha dahil sa mga posibleng sakit na maaaring makuha mula rito. May mga kabataan pang nagkukumpulan nang walang suot na personal protective equipment na wari nakaligtaan na ang banta ng COVID-19. Nagmistulang ilog din ang kalsada sa Cotabato, sabay ng paglumo ng mga magsasaka dahil sa mga taniman ng palay na nasira ng baha. Ganoon din ang epekto ng matinding baha sa mga taniman sa Sultan Kudarat. Bukod dito, naging problema rin ng mga residente ang kanilang matutulugan dahil abot hanggang binti ang baha sa kanilang lugar. Tumaas din ang lebel ng tubig sa Maguindanao kaya’t pinanhilutan ng lokal na pamahalaan ang mga residente na nakatira sa gilid ng ilog at mga mabababang lugar na lumikas kasunod ng baha. Humigit 5,844 ang bilang ng pamilya o 26,685 na katao ang apektado sa 95 na barangay sa Rehiyon CALABARZON, V, at VII, ayon sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Samantalang pitong pamilya o 40 na katao naman ang kasalukuyang nananatili sa kanilang mga kamag-anak o mga kaibigan mula sa Rehiyon VII. Bilang karagdagan, may kabuuang 1,405 na pamilya o 5,023 na katao ang nanatili sa 89 na evacuation center sa Rehiyon V at

CALABARZON. Ang mga pamilyang ito ay nakauwi na ngayon. Hindi maitatanggi na dahil sa banta ng COVID-19, hindi kaagad naasikaso ang pagtanggap ng mga evacuees dahil kailangan magpatupad ng mga protokol ang mga awtoridad. Dahil sa pagguho ng lupa at malakas na pag-ulan na dala ng bagyong Ofel, 11 na kalsada at apat na tulay ang hindi madaanan—na pagkatapos ng bagyo ay bukas na. Pito na mga munisipalidad naman sa bahagi ng CALABARZON at MIMAROPA ang nakaranas ng power interruption noong Miyerkules. Humupa naman ang mga bahang abot binti sa iilang probinsya ng Laguna at Quezon noong palabas na ang bagyong Ofel sa PAR. Nakawasak ng sumatotal na pitong mga bahay ang bagyo sa Madaue City, Cebu. Bukod dito, nakakahalaga na ₱1,346,097.90 ang pinsalang dala ng bagyo sa agrikulturang sektor sa iilang probinsya ng Batangas at Quezon (CALABARZON), at Negros Occidental (Rehiyon VI). Ang bagyong Ofel ang ika-15 na tropical cyclone na pumasok sa PAR ngayong taon at ang pangalawa sa buwan na ito pagkatapos ng bagyong Nika na isang tropical storm. Ang Pilipinas ay nagkakaroon ng humigit 20 tropical cyclones taun-taon. Ayon sa PAGASA, inaasahan ang mas maraming pagulan sa mga darating na buwan dahil sa pagsisimula ng La Niña.

Pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Zamboanga, nagdulot ng alarma sa lungsod ni Mickaella Joyce Y. Dumayag

P

itong buwan nang nasa ilalim ng quarantine ang Lungsod ng Zamboanga. Iba’t ibang mga protokol, regulasyon, at mga executive order mula sa pamahalaang lungsod ang naipatupad sa pagsisikap na bawasan, o kung maari ay matigil, ang pagkalat ng COVID-19 virus. Ngunit sa kabila ng mga pagsisikap na ito, ang pagkalat ng virus ay isang pangyayaring hindi maiwasan. Naging usap-usapan sa lungsod kamakailan ang naiulat na biglang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod, na hamong kinakaharap ngayon ng

mga Zamboangueños.

Ang pagtaas ng pan g-araw-araw na naiuulat na mga kaso ng COVID-19 sa lungsod ay nagsimula noong Oktubre 4, kung saan may naitalang 22 kaso. Sa sumunod na araw, Oktubre 5, ang naiulat na kaso ay tumaas ng 34, at umabot na nga ito ng 92 noong Oktubre 9, ang pinakamataas na naitalang bilang mula noong Marso, batay sa Zamboanga City COVID-19 Tracker. Batay sa datos noong Oktubre 30, 2,827 na ang kabuuang kumpirmang kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan 110 ang nasawi, 2,034 ang

nakarekober, at may 683 pang aktibong kaso. Inilahad ng City Health Officer na si Dr. Dulce Maravite sa isang livestream noong Oktubre 27 na ang mga kaso ng COVID-19 sa lungsod ay patuloy pang tumataas. Ang pangunahing sanhi umano ng mabilis na pagtaas ng mga kaso ay ang community transmission. Dahil sa biglaang pagtaas ng mga kaso sa lungsod, naglabas si Climaco ng Executive Order 6072020 na nagpatibay sa Executive Order 595-2020 na nagamyenda sa Modified General Community Quarantine sa lungsod

COVID-19 UPDATES Active Cases

Recovered

at nagbibigay ng mga karagdagang alituntunin para dito. Ang EO 595-2020 ay dati nang nagbigay ng ilang mga paghihigpit alinsunod sa mga alituntunin ng NIATF. Sa kabilang banda, pinalawak ng EO 607-2020 ang mga probisyon nito, mga probisyon nito, tulad ng mga oras ng curfew mula alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng umaga; pagkansela ng mga pagdiriwang panglungsod at pampamahalaan, mga parties, anibersaryo at iba pang pagdiriwang hanggang Disyembre 31, 2020; liquor ban sa Lunes hanggang Linggo; mahigpit na

pagbabawal sa videoke at karaoke sa loob ng pribadong pag-aari dahil sa online class ng mga mag-aaral; at maari lamang lumabas upang bumili ng mga kinakailangan tulad ng pagkain at medisina. Sinabi rin ni Climaco sa kanyang live stream noong Oktubre 27 na “We really have to exert our best efforts to bring down the number of COVID cases, otherwise, Zamboanga City will have to be under stricter measures.” Paalala rin ng alkalde, “The COVID-19 threat continues to present serious danger to each and every resident of Zamboanga if measures

are not taken to stop the transmission. Tiene Cuidao by following all safety and health proto cols is our constant call for your and your family’s safety as well as that of our community and our city.” Sa panahon ng pandemya, ang pagsunod sa mga pangunahing mga protocol ay ang pinakamahusay na magagawa ng sinuman upang makatulong na mabawasan ang pagkalat ng COVID-19. Ang kooperasyon at suporta mula sa lahat ay ang pinakamahusay na sandata upang malabanan natin ang banta ng COVID-19.

Breakdown of Covid Cases As of November 06, 2020

Deaths

Total Confirmed Cases

550 2 320 121 2 991

Source: Zamboanga Task Force COVID-19 Data Tracker

Identification

Active

CRC Related Detainees Community Related

LSIs ROFs Deportee

Recovered

Deaths

202

2

20

1

524

1 821

118

26

249 25 3


BALITA

LATHALA BLG. IV TOMO BLG. V NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

Mga hotel at iba pa, balik-operasyon na ni Fatima Marwa Fadzlulkarim

M

ula

sa pagtanggap ng mga bisita ay naging quarantine facilities ang ilang hotel sa Pilipinas sa kasagsagan ng COVID-19. Ngunit tatlong buwan bago matapos ang taon ay idineklara ng Kagawaran ng Turismo o Department of Tourism na pinahihintulutan na ang mga hotel na magbalik-operasyon at tumanggap ng mga panauhing nais mag-staycation sa mga lugar na kinasasakupan ng General Community Quarantine. Ang nabanggit na establisyemento ay nangangailangan munang kumuha ng DOT Certificate to Operate for Staycations Under GCQ, ayon yan sa Kalihim ng Turismo na si Bernadette RomuloPuyat matapos lagdaan ang Administrative Order 2020-006A, o ang Amended Guidelines for Staycations Under GCQ. Nakasaad din sa kautusang

ito na ang mga hotel ay maaaring tumanggap ng mga panauhin ng lahat ng edad, maliban sa mga may kondisyong medikal o hindi kaya’y buntis. Ang mga nagpaplanong mag-staycation naman ay kinakailangang magprisinta ng negatibong resulta mula sa rapid antigen test na isasagawa sa parehong araw ng kanilang check-in. Isa hanggang dalawang tao mula sa isang sambahayan ang maaring mag-check in sa commodity na may 20 sqm ang lawak; dalawang tao sa 21-29 sqm, tatlo para sa 30-39 sqm, apat na tao sa 40 to 49 sqm, at limang tao naman ang pinapayagan sa kwartong may 50 sqm pataas ang lawak. Sinisigurado naman ng pamahalaan na inuuna pa rin ang kaligtasan ng mga tao sa kabila ng pagbubukas ng mga establisyementong ito. Ayon kay Puyat, kailangang magsumite ng record of occupancy tuwing

3

ika-10 ng buwan sa mga lokal na pamahalaan na tanggapan ng turismo upang masubaybayan ang pagsunod nito sa batas. Maaaring magmulta at mabawi ang kanilang akreditasyon o Certificate to Operate kung sila ay lalabag sa mga patakarang pangkaligtasan. Maliban sa hotel ay pinapayagan na rin ng Administrative Order 2020-006-A ang pagbubukas muli ng mga pasilidad kagaya ng gym, swimming pool, at mga kainan sa kondisyon na susundin nila ang mga patakaran at regulasyon upang matiyak ang kaligtasan ng lahat. Dahil turismo ang isa sa mga pinakaapektado ng pandemyang dulot ng COVID-19, ipinahayag ni Puyat na napakahalaga ng pagbubukas ng ekonomiyang ito sa pagbabalik ng trabaho na hindi nawawala sa isipan ng tao ang pagiingat sa kalusugan at kapakanan ng nakararami.

CNS PHOTO

Idineklara ni Pope Francis ang yumaong binatilyo na si Carlo Acutis bilang pinagpala at naitalang kauna-unahang Blessed Millennial.

Carlos Acutis, binansagang Patron of the Internet

Pilipinas: Pasok sa 20 bansang may pinakamaraming kaso ng A COVID-19

ni Myron Larracochea

ni Fatima Riesa A. Karay

P

ilipinas , ika-20 sa bilang ng mga bansang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo ayon sa Worldometer noong ika-2 ng Oktubre 2020. Makalipas ang 22 araw mula ng inilabas ang impormasyon ay umabot na sa higit 367,819 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na

may 47,773 aktibong kaso, 6,953 katao naman ang binawian ng buhay habang nasa 313,112 ang bilang ng mga gumaling. Ngayong ika-24 ng Oktubre 2020 maitatalang nasa ika20 bilang pa rin ang Pilipinas. Nangunguna sa listahan ang Estados Unidos na naitalang mayroong higit 8 milyong kaso, pangalawa ang India na may mahigit 7 milyon na kaso at

pangatlo ang Brazil na mayroong 5 milyong kaso ng nasabing sakit. Maaring makita ang kumpletong listahan sa lingguhang talaan ng World Health Organization o sa website ng Worldometer. Giit ng Kagawaran ng Kalusugan ay dapat mas pagtuunan ng pansin ang mga aktibong kaso kaysa sa buong bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

DENR, tinatanggi ang pagwashout ng white dolomite sand ni Kiana Mae A. Morgia

B

ilang tugon sa mga batikos ukol sa pag-washout ng white dolomite sand ng Manila Bay Rehabilitation Project, iginiit ng Department of Enviroment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda na natabunan lamang ito ng itim na buhangin noong ika-14 ng Oktubre, 2020. Sa pahayag kay Antiporda, inihayang nito na hindi totoo ang mga kumakalat na impormasyon matapos suriin ng DENR at ng Korte Sumprema ang proyekto. “Puro kasinungalingan po yung lumabas na nag-washout po ‘yung white sand natin. Ang nangyari po talaga is wash in, pumasok po ‘yung itim na buhangin at pumatong doon sa white dolomite.” Paliwanag nito. Mariin naman

Dolomite Beach, Manila Biyernes, Oktubre 9, 2020. INQUIRER

nitong dinepensahan ang presensya ng dalawa hanggang tatlong pulgada ng itim na buhangin at sinabing hindi pa itong regular na napapanatili sapagkat ito ay sakop pa ng hurisdiksyon ng kotraktor. “Eto po, kaya po hindi po to talaga minemaintain pa ngayon dahil this is

still under the jurisdiction of the contractor,” diin nito sa pahayag. Binatikos rin nito ang mga pahayag ng mga eksperto mula sa Unibersidad ng Pilipinas na naglahad ng kanilang sari-sariling opinyon ukol sa problemang pangkalikasan na maaaring magaganap ng paglagay ng dolomite.

Matatandaang inulan ng samu’t saring reaksyon ang proyektong ito nitong nakaraang buwan sapagkat ipinagpatuloy ito sa gitna ng pandemya kung kaya’t naghahalo ng batikos at suporta ang paganod ng white dolomite sand sa Manila Bay.

ng talyanong social media influencer na si Carlo Acutis ay idineklara na ng Simbahang Katoliko bilang isang “Blessed”. Ginanap ang kaniyang beatification noong ika-10 ng Oktubre, 2020 sa Basilica of San Francesco, Assisi, Italy. Pinangunahan ni Cardinal Agostini Vallini ang beatification rites na dinaluhan ng mga magulang ni Acutis at ng humigitkumulang na 3,000 katao. Si Acutis ay binansagang Patron of the Internet dahil sa kanyang paggamit umano ng internet upang i-dokumento ang mga Eucharistic miracles na nangyari sa iba’t ibang parte ng mundo. Ang mga Eucharistic miracles ay tumutukoy sa mga hindi maipaliwanag na kaganapan na nangyari sa banal na ostia. Dahil dito, tinawag din si Acutis na “Cyberapostle of the Eucharist”. Bukod sa kaniyang paggamit ng kakayahan sa kompyuter sa pagdokumento at pagpapalaganap ng mga Eucharistic miracles ay kilala rin si Acutis sa kaniyang matinding pananampalataya sa Diyos. Sa murang edad ay niyakap niya nang buo ang kaniyang pananampalataya bilang Kristiyano sa pamamagitan ng araw-araw na pagdalo sa misa, pagdalo sa Eucharistic Adoration, pagdasal ng rosaryo, at pangungumpisal. Si Carlo Acutis ay namatay sa edad na 15 noong 2006 dahil sa sakit na leukemia. Itinalaga rin ni Pope Francis na Oktubre 12 ang taunang kapistahan ni Carlo Acutis bilang pag-alala sa anibersaryo ng kaniyang kamatayan. Sa proseso ng beatification, nararapat na may mapatunayang milagro ang maiuugnay sa pagsasakatuparan ng isang panalangin dahil sa intercession ng yumaong banal na tao. Noong Pebrero 2020 ay inaprubahan ni Pope Francis ang cause for beatification ni Acutis dahil sa paggaling ng isang batang Brazilian na may rare congenital disease sa pancreas. Pinaniniwalaan ng simbahan na ang milagrong iyon ay nangyari dahil sa intercession ni Acutis. Isang milagro pa ang kinakailangang maiugnay kay Acutis upang maideklara siya bilang isang ganap na santo. Kung maisasakatuparan ito, si Acutis ang magiging kauna-unahang santo na magmumula sa henerasyong ito.


4 BALITA

LATHALA BLG. IV TOMO BLG. V NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

NIKKEI ASIA

Pangulong Trump (kaliwa) at dating Bise Presidente Joe Biden (kanan) nagsasalita sa Presidential Debate sa Case Western University at Cleveland Clinic, sa Cleveland, Ohio Martes, Septiyembre 29, 2020.

HALALAN 2020:

Trump laban kay Biden

ni Tasha Eugenio

S

a ikatlong araw ng buwan ng Nobyembre, taong dalawang libo’t dalawampu (ika-3 ng Nobyembre, 2020), naganap ang Halalan ng Estados Unidos na isinasagawa bawat apat na taon. Dahil sa mga isyung nagdaan sa termino ng administrasyon ng kasalukuyang pangulo na si Donald Trump, maraming mga mamamayan ang nagsulong na huwag siyang iluklok muli sa pwesto upang hindi siya mabigyan ng karagdagang apat na taon bilang presidente. Sa kabila ng kontrobersiyang kalakip ng halalang naganap, inantabayanan hindi lamang ng mga

taga Estados Unidos kung hindi pati na rin ng buong mundo ang naging resulta ng labanan ng dalawang partido. Dalawang pangalan ang nagtunggali bilang kandidato sa posisyon ng pagkapangulo. Sina Donald John Trump at Joseph “Joe” Biden Jr. Si Donald Trump, na kasalukuyang presidente ng Estados Unidos, ay isang sikat na negosyante, real estate developer at ang nag-iisang mayari ng The Trump Organization. Siya ay kumakatawan sa Partido ng Republicans. Bago pumasok sa larangan ng politika, kilala si Trump bilang isang tanyag na personalidad sa telebisyon bilang may-ari ng sikat na patimpalak na “Miss Universe” at host ng isang reality television

series na pinamagatang “The Apprentice”. Hindi naging maganda ang pagtanggap ng publiko kay Trump dahil sa kanyang mga pananaw at paninidigan sa mga isyu ukol sa politika. Ilang halimbawa nito ay ang kanyang pagpapatupad ng travel ban sa mga mamamayan ng ilang bansang kabilang sa Middle East dahil sa isyu ng seguridad at ang pagpapatayo niya ng isang malaking pader sa border ng Mexico upang mabawasan ang ilegal na imigrasyon. Si Trump ay isang Nasyonalista at pinaniniwalaan niya ang “America First policy” na kung saan isinusulong ang ideya na ang seguridad ng isang bansa ay nakasasalay sa kalakasan at katangian ng kanyang mamamayan. Ayon

sa kanya, pipigilan ng kanyang administrasyon ang pagsasamantala ng ibang mga bansa sa Estados Unidos. Ito ay kanyang ipinamalas sa pamamaraan ng pagkalas ng Estados Unidos sa ilan nitong mga kaalyansang bansa na nakita sa pagatras ng bansa sa Trans-Pacific Partnership trade negotiations, Paris Agreement para sa climate change, at nuclear deal sa Iran. Kilala naman si Joe Biden bilang isang Amerikanong politiko na kumakatawan sa Partido ng mga Democrats. Si Biden ay nagsilbi bilang senator mula 1973 hanggang 2009 at bilang bise presidente ng Estados Unidos mula 2009 hanggang 2017 sa administrasyon ni Barack Obama. Sa kanyang matagal na paninilbihan

sa gobyerno, masasabing malawak na ang kanyang kaalaman and karanasan sa larangan ng politika. Pinakaprioridad ni Biden ang pagsulong sa mga platapormang pang kalusugan at naniniwala siya sa kahalagahan ng “bipartisanship” o ang kooperasyon ng dalawang magkatungaling panig sa kabila ng kaibahan ng kanilang mga opinion. Ayon kay Biden, ipinapangako niya na kaya niyang ipagkaisa ang bansa at ipagpapatuloy niya ang nasimulan ng administrasyon ni Barack Obama. Dahil dito, naging matunog ang pangalan ni Joe Biden sa mga botante. Bawat halalan ay itinuturing na mahalaga dahil ito ang magtatakda ng kapalaran ng isang

bansa. Kinakailangang maging masuri at kritikal ang mga mamamayan sa pagpili ng kanilang ibototo dahil dito nakasalalay ang kanilang kinabukasan. Bilang isang makapangyarihan at maimpuwensiyang bansa sa buong mundo, mahalaga ang gagampanang tungkulin ng mga nahalal na pinuno dahil sa kanila nakasalalay ang kapakanan ng Estados Unidos. Si Biden ang nagwagi at hinalal ng mga Amerikano bilang pangulo, ngunit mapapantayan kaya niya o mahihigitan pa ang mga nagawa ng administrasyon ni Trump at ng iba pang mga nagdaang pangulo ng Estados Unidos? Ito ay isang katanungang tanging panahon lamang ang makakasagot.

hindi nila pagsuot ng face mask sa kabuuan ng debate ay naging banta ng transmisyon ng COVID-19. Gayunpaman, ang mga tagasuporta ni Trump ay patuloy na sumusuporta at nananalig para sa kalusugan ng pangulo. Nagpahayag si Sean Conley, ang opisyal na doktor ng White House, na patuloy na mananatili ang presidente sa White House at patuloy na gagawin ang kaniyang mga tungkulin kasabay ng kaniyang paggaling. Ang pangyayaring ito

ay magiging isang babala sa mga mamamayanan ng Estados Unidos na walang pinipiling biktima ang COVID – 19. Hanggang ngayon, marami pa rin ang hindi sumusunod sa mga nararapat na protokol sa kabila ng dami ng bilang ng mga namatay. Patuloy ang paalala ng administrasyon na wag maliitin ang sakit sa pamamagitan ng pagsunod sa mga wastong protokol.

Ang sagot ng COVID kay Trump ni Rosen Garcia

M

alaki na ang pi n s a l a n g naidulot ng COVID sa Estados Unidos na kung saan kumitil na ito ng mahigit 207,000 na mga mamamayan. Ikalawa ng Oktubre nang mamulat ang mundo sa opisyal na pahayag ni Pangulong Trump sa Twitter na siya, kasama ang kaniyang asawang si Melanie Trump, ay naging positibo sa COVID – 19. Inihayag ni Trump sa kaniyang tweet na

sila ay kasalukuyang sumasailalim sa quarantine at medikasyon at sabay nila itong lalagpasan ng kaniyang asawa. Ang tweet na ito ay umani ng samu’t saring reaksyon dahil sa dami ng maaaring implikasyon ng pagiging positibo ng pangulo. Ang balitang ito ay naging trahedya sa White House sapagkat maraming nakasalamuha ang pangulo bago nila malaman ang resulta ng kanilang test. Kilala rin ang nasabing pangulo

sa hindi pagsunod sa protokol ng social distancing at paggamit ng face mask. Bukod dito, nangangamba rin ang White House sapagkat ang kanyang pagsailalim sa medikasyon ay maaaring makaapekto sa pagganap ng kaniyang tungkulin bilang pangulo ng bansa. Itinuturing nila itong isa sa mga pinakamalaking pagsubok na hinarap ng administrasyon ng Estados Unidos dahil sa banta ng pagkahawa ng mga politiko roon. Ang pagiging

positibo ni Trump sa nasabing sakit ay naging banta rin sa kaniyang pangangampanya para sa darating na eleksyon ngayong Nobyembre. Dahil nga ang sakit na ito ay nakahahawa, ang kaniyang pag-quarantine ay magdudulot ng pagkaudlot ng kaniyang kampanya. Naging isyu rin ang kalagayan ni Trump noong debate nila ni Joe Biden, ang kaniyang kalaban para sa pagkapangulo. May spekulasyon na positibo na si Trump sa araw ng kanilang debate. Ang


LATHALA BLG. IV TOMO BLG. V NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

LATHALAIN

Ang mga mungkahi ni Leni Robredo sa gobyerno, hindi pinansin at tinanggihan

5

VP LENI ROBREDO SA KANIYANG INISYATIBA UPANG PUKSAIN ANG COVID-19. Sa tulong nga mga pribadong sektor nakapagbuo ng plano at nakapagpalaganap si VP Leni ng mga aksyon upang matulungan ang mamamayang hindi OVP/ RELEASED natugunan ng administrasyong Duterte.

ni Almira Almiñana

I

ka-30 ng Enero, taong kasalukuyan nang unang naitala ang pinakaunang kaso ng COVID-19 sa ating bansa. Samantalang noong ikapito naman ng Marso unang ibinalita ang unang lokal na kaso ng transmisyon ng naturang lasong galing sa impeksyon na siyang kumitil ng milyong buhay sa buong mundo. Dahil dito, linggo, ika-15 ng Marso, iprinoklama ng Pangulong Rodrigo Duterte ang unang araw ng lockdown sa buong Metro Manila upang sansalain ang pag-usbong ng kaso ng noo’y tinawag na novel coronavirus disease na siyang kalaunan ding tinawag at ngayo’y mas kinilala bilang COVID-19. Sa pagdaan ng mga araw, sa paglipas ng bawat linggo at maging sa paglagaslas ng mga buwan, ay

hindi maipagkakailang mas lalong dumarami ang umuusbong na positibong kaso ng naturang pandemya. Maraming patuloy na natatakot at naaalarma sa pagdami ng pagkalat ng sakit sa iba’t ibang sulok ng bansa. Hindi rin naiwasang umusbong ang takot at pangamba ng mga nakararami lalo na’t habang tumatagal ay tila nawawalan na ng pag-asa ang iilan na magpatuloy pa sa kani-kanilang mga naiwang buhay. Isa sa mga pangunahing sanhi nito ay ang kawalan ng trabaho at pagsasara ng napakaraming establisimyento dulot na rin ng ipinatupad na lockdown. Dulot ng kawalan ng trabaho at pangkabuhayan na pagkakakitaan ay karamihan sa mga pamilyang Pilipino ay umaasa na lamang sa ayuda mula sa lokal na pamahalaan. Ngunit

habang tumatagal ang pagpapatupad ng lockdown sa buong bansa ay tila mas lalong nawawalan na ng pagasa ang nakararami dahil na rin sa kakulangan ng suplay ng pagkain at kawalan na rin ng konkretong plano sa lumalalang kaso ng pandemya sa ating bansa. Kung kaya’t hindi na rin napigilan ng Pangalawang Pangulong Leni Robredo na magsalita at magmungkahi ng mga plano na siyang angkop upang matugunan ang mga kakulangan ng ating Pamahalaan. Sa loob ng isang personal na liham na ipinadala ni Robredo sa tagapagsalita ng Pangulo na si Harry Roque, iminungkahi ng nauna na mapabubuti lamang ang tugon ng Pamahalaan sa pagresolba sa pandemya kung ito ay maglalathala ng tumpak at konkretong

datos na siyang naglalaan ng pagkakaugnay ng mga patakaran sa bawat bahagi ng sangay ng gobyernong kumakatawan sa pagtugon ng naturang krisis. Ngunit sa halip na tugunan ito ng Administrasyon ay tila katulad ng mga naunang sagot nito sa mga suhestiyon ng Bise-Presidente ay mistulang nabahala lamang ito sa paraan ng pagpapahiwatig ng nahuli. Animo’y itinuring lamang ito ng Administrasyon bilang isang hakbang ng Oposisyon upang sirain ang kanilang politikal na pangalan sa mga tao. Sa halip, sa isang pahayag ay pinabulaanan lamang ni Roque si Robredo na kung saan ay isinaad ng nauna na kung gusto marahil ng Bise-Presidente na makita ang konkretong pana-panahong paguulat ukol sa COVID-19

ay maaari lamang itong magtungo sa pahina ng web ng Kagawaran ng Kalusugan. Ani pa ni Roque ay nakapaloob rin sa nasabing pahina ng web na iyon ang mga ulat ng Opisina ng Pangulo patungkol sa Bayanihan Act. Ngunit bakit nga ba tila isang malaking sampal para sa administrasyong Duterte ang mga inilathalang pahayag ng BisePresidente patungkol sa krisis na kinakaharap ng ating bansa sa ngayon? Ganoon na lamang ba ang kawalan ng tiwala ng Pangulo sa lider ng Oposisyon at hindi nito magawang pagbigyang pansin ang opinyon ng nahuli? Hindi nga ba’t nararapat lamang na paunlakan ang mungkahi ng Pangalawang Pangulo gayoong makakatulong ito para sa ikabubuti ng nakararami? Ilan lamang ito sa mga

samu’t saring ingay na nagsilabasan sa iba’t ibang mga pahayagan. Maraming komento at batikos ang natanggap ng Administrasyon ukol dito. Ayon sa mga iilang netizen ay nararapat lamang na pakinggan ang boses ng BisePresidente at isantabi na muna ang usaping politikal sapagkat buhay ng nakararami ang nakataya rito. Subalit tila naging taingang kawali ang Administrasyon patungkol dito at sa halip ay ipinagpatuloy pa rin nito ang kanilang sariling pamamaraan ng paghawak sa krisis ng pandemya kahit na unting unti nang nalalagas ang iilang kawani ng gobyerno dulot na rin ng samu’t saring isyu ng korapsyon.

DUQUE: Mapagkakatiwalaan pa ba sa Pangkalusugang Seguridad? ni Wisey John Democrito

L

ahat tayo humaharap sa matinding dagok na walang pinipiling susunggaban, apektado lahat ng mamamayan nasa itaas o ibaba man nang kubyerta ng buhay. Pandemyang magpahanggang sa ngayon ay tinuturuan tayo ng leksiyon, may natututunan nga ba talaga tayo o nagbubulagbulagan pa rin? Nagkaisa ang tatlumpu’t pitong bansang miyembro ng World Health Organization Regional Committee for Western

Pacific na iluklok sa isang taong termino bilang tagapangulo ng komite ang kasalukuyang Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas na si Francisco T. Duque III. Ang naturang komite ay nagpupulong taontaon upang pag-usapan ang mga programa, ulat, polisiya at proyektong pangkalusugan para sa hinaharap. Ngunit sa taong ito ang pagtutuunan ng pansin ng komite ay ang paghanap ng lunas sa COVID-19 na kasalukuyang laganap parin sa buong daigdig. Bawat bansa ay

may kani-kaniyang estratehiya at paraan sa pagsugpo sa pandemyang bumabalot sa atin ngayon. Isa ang Pilipinas sa mga bansang naturingang pagong sa pagpapatupad ng mga desisyon at mahinang estilong pangkalusugang seguridad laban sa COVID-19, malayo sa ating mga karatig bansa na unti-unting nilalabanan ang nasabing virus. Kaya palaisipan sa mga kritiko ng Administrasiyon pati na rin ng iba pang mambabatas at mamamayan ang pagpuputong

ng mas mabigat na responsibilidad kay Duque. Hindi maikakaila na nawawalan na ng tiwala ang sambayanan sa Kagawaran sa kabila ng pagtatanggol at pagtatakip na ginagawa ng administrasyong Duterte. Tayo nga bang mga Pilipino at mga lider ng karatig-bansa sa rehiyon ay tuluyan nang nalinlang ng isang huwad na medikong sumumpa sa serbisyo publiko? Panahon na upang isiwalat kung ano nga ba ang mga nakabinbing kababuyan sa sistemang Pangkalusugan ng bansa. Anong sakuna, giyera,

SEC. FRANCISCO T. DUQUE III delubyo at problema pa ba ang magmumulat sa atin sa kamalayan? Hanggang kailan tayo magtitiis sa hindi epektibong mga estratehiya ng gobyerno? Ang kalusugan ay maituturing kayamanan

na iniingat-ingatan, ngunit sa panahon ng malawakang sakit, sino ang dapat na pagkatiwalaan?


6 LATHALAIN ARAW NG MGA GURO,

LATHALA BLG. IV TOMO BLG. V NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

Ginunita ng Buong Mundo ni Clairizza Arcillas

T

aun-taon tayong nagdiriwang ng araw ng mga guro na siyang nagsisilbing paalala sa magigiting at mabubuting gawa nila. Hindi biro ang kanilang mga sakripisyo para sa ikakabuti ng kanilang mga estudyante. Sa sitwasyong ating kinakaharap ngayon, tunay at karapat-rapat lamang ipagbunyi ang araw ng mga guro. Tuwing ika-5 ng Oktubre ang selebrasyon ng araw ng mga guro sa buong mundo. Simula noong 1994, ito ay pinagdidiriwang at ito ay ang sumisimbolo ng pagpapahalaga sa ating mga guro. Ito rin ang nagsisilbing daan ng pagpapakita ng pagpapasalamat sa lahat ng suporta at aral na binibigay nila sa bawat isa sa atin. Ito rin pagkakataon upang maibahagi ng mga guro ang kanilang mga mungkahi para sa mas progresibo at maunlad na edukasyon. Ang araw na ito ay labis na espesyal sa mga guro sapagkat nabibigyang halaga ang kanilang mga pagsisikap sa ngalan ng edukasyon.

estudyante at guro ay may internet connection at gamit tulad na ng laptop at cellphone. Upang matiyak na lahat ay makakatanggap pa rin ng edukasyon sa kabila ng pagsubok na ito, modular learning ang naging paraan ng iba kung saan ang mga mag-aaral ay makakatanggap ng modyul o CapsLET mula sa kanilang paaralan na kanilang pag-aaralan at sasagutan. Samantala, may ibang mga paaralan naman na pinili ay magkahalong online class at modular learning. Pinangunahan ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) at Education International ang pagdiriwang ng araw ng mga guro sa buong mundo. Naglabas ito ng pahayag kasama ang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), International Labor Organization (ILO) na nagsasabing “In this crisis, teachers have shown, as they have done so often, great leadership and innovation in ensuring that #LearningNeverStops, that no learner is left behind.

Around the world, they have worked individually and collectively to find solutions and create new learning environments for their students to allow education to continue. Their role advising on school reopening plans and supporting students with the return to school is just as important.” Ang araw ng mga guro ay hindi lamang dapat inaalala isang beses sa isang taon, ito ay dapat ipinagdidiriwang araw-araw sapagkat araw-araw ang pagsasakripisyo, pagtitiyaga, at pagtuturo nila sa mga estudyante o kahit na sino pa man. Totoo na ang guro ay ang ating pangalawang mga magulang na patuloy tayong bibigyang gabay patungo sa mabuting daan. Hindi sukatan sa isang guro ang kanyang natapos o bilang ng kanyang mga sertipiko at medalya, kundi ang bilang ng mga taong kanyang nakatok ang puso, nabigyan inspirasyon at determinasyon, at nabahagian ng mga aral sa buhay.

In this crisis, teachers have shown, as they have done so often, great leadership and innovation in ensuring that #LearningNeverStops, that no learner is left behind. Ngayong 2020, ang World Teacher’s Day ay may temang “Teachers: Leading in crisis, Reimagining the future” na sadyang angkop sa sitwasyon ngayon. Sa dinami-dami ng pinagdadaanan at pagsubok na nararanasan sa larangan ng edukasyon, ay sa hindi inaasahang panahon ay nakadagdag pa COVID-19 na naging pandemya. Dahil nasa ilalim ng community quarantine ang halos lahat ng lugar sa mundo kung saan isa sa mga protokol ay ang pagbabawal pa ang faceto-face learning sa mga paaralan, kinailangan ng mga kinauukulan na maglapat ng ibang paraan ng pagtuturo at isa na roon ang pagkakaroon ng birtwal na klase o online class kung tawagin. Ngunit ito ay pagsubok dahil hindi lahat ng

#LessonsLearned? ni Raye Angelique Bongabong

Nalaman na rin ng buong bansa, bata o matanda, na hindi pwedeng maging divisor ang zero.

H

indi man lang lumipas ng dalawang buwan nang mayroon na namang kamaliang nadatnan ang mga netizens sa isang episode ng asignaturang Mathematics 9 sa DepEd TV noong ika-6 ng Oktubre ngayong taon. Noong Agosto lamang, nag-viral ang pagpupuna ng mga netizens tungkol sa maling gramatika (#picturesque) sa isang tanong sa asignaturang English 8. Nagtaka ang mga netizens kung paanong hindi naiwasto ang mga pagkakamali sa mga leksyon at katanungan sa episode bago ito ipinalabas sa telebisyon. May proseso bang isinasagawa ang kagawaran upang matiyak ang kalidad ng nilalaman ng mga leksyon bago gawan ng episode ang mga ito? Hindi ba sapat ang oras na ibinigay sa kagawaran upang makapaghanda para sa pasukan at tiyakin na tama ang impormasyon na ituturo ng mga

episode sa kabataan? Ayon kay Alain Pascua, ang undersecretary ng Department of Education (DepEd), sila ay gumagawa ng 130 hanggang 220 na video clips sa isang linggo at dahil sa ganitong proseso, hindi nila matitiyak na hindi magkakaraon ng ilang pagkakamali sa kanilang mga episode. Ang mga episode na pinuna ng mga netizens ay iwawasto nila at ipopost sa DepEd Commons at sa DepEd Youtube channel. Ipinaliwanag din ni Undersecretary Pascua ang proseso ng quality control sa mga episode at sinabing ito ay nirerebyu ng mga eksperto sa asignatura, ng producer ng episode, ng mismong teacherbroadcaster, at ng iilang tauhan galing sa kagawaran. Kung ganito kahigpit at detalyado ang proseso ng DepEd, bakit marami pa ring pagkakamali ang nadadatnan ng mga mag-aaral? Hindi lamang mga episode ng DepEd

TV ang may mga pagkakamali kundi ang mga self-learning module rin na ginagawa ng kagawaran. Ngayong Oktubre lamang, mayroon nang 34 na error sa mga self-learning module na iniimbestigahan ng kagawaran. Kritikal sa panahon natin ngayon na tiyak at walang bahid ng mali ang mga materyales na ibinibigay sa mga mag-aaral, dahil ipinagbabawal pa ni Pang. Rodrigo Duterte ang faceto-face learning dahil sa kakulangan ng bakuna para sa COVID-19. Ngunit bakit kaya may mga nakalalampas pa ring pagkakamali sa mga materyales ng DepEd? Ang sagot diyan ay ang kakulangan ng tamang preparasyon ng DepEd sa bagong set-up ng mga paaralan dahil sa pandemya. Halos walang nangyaring adjusting period sa paglipat sa online, modular, at broadcast learning ang mga magaaral at guro na nakasayanan na ang face-to-face learning. Sinabi ni Undersecretary Pascua na ang DepEd TV ay inilunsad noong Marso lamang at nagsagawa ng test broadcast noong Agosto. Napakahirap nito para sa mga guro na kailangang pang baguhin ang kanilang curriculum para sa bagong set-up ngayong pasukan. Maraming guro ang naghihirap sa paggawa ng napakaraming module upang makahabol lang sa pasukan at minsan, hindi na nila ito nakikilatis at

naiwawasto. Kung mabigyan lamang sana sila ng panandaliang academic break, siguradong makapagpapahinga na ang mga guro at ang mga tauhan sa paggawa ng mga DepEd TV episode. Mas makagagawa rin sila ng mga module at episode na mas tiyak at tumpak ang mga nilalamang impormasyon. At sa mga mag-aaral, mas makakapag-adjust sila sa bagong set-up ngayong pandemya. Sabi ni Undersecretary Pascua sa Facebook, “Nalaman na rin ng buong bansa, bata o matanda, na hindi pwedeng maging divisor ang zero. #LessonsLearned” Sapat na ba para sa DepEd ang pag-aako ng pagkakamali nila nang walang ginagawang aksyon para mas mapabuti ang kanilang mga materyales? Para sa kabutihan ng taumbayan, hindi ito sapat. Dapat maglaan ng sapat na panahon ang kagawaran upang makapaghanda sila at ang mga guro sa school year na ito. Ang DepEd ay dapat nakakaalam na ang edukasyon ay hindi dapat minamadali at mas mabuti nang magkaroon ng panandaliang academic break kaysa mahirapan ang mismong kagawaran, ang mga guro, at mga mag-aaral sa hindi pamilyar at bagong set-up. Hangga’t hindi ito natututunan ng DepEd, patuloy pa rin tayong magtataka kung tunay nga ba talaga ang #LessonsLearned?


LATHALA BLG. IV TOMO BLG. V NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

Hindi ko bayani si

Darna

ni Nicole M. Gagula

N

itong nakaraang mga buwan ay nagviral ang mga litrato ng sikat na kapamilya aktres na si Angel Locsin. Ang aktres ay kilala sa kaniyang mga natatanging mga papel na ginampanan sa drama at pelikula. Isa na nga rito ay ang kaniyang natatanging pagganap bilang Darna–ang Filipino Superhero na nagmula sa imahinasyon ng mahusay na Filipinokomiks legend na si Mars Ravelos. Si Darna ay sumalamin sa haraya ng bawat Filipino na magkaroon ng matapang na tagapagtanggol na may busilak na puso, at handang ialay ang kaniyang buhay para sa ikabubuti ng sambayanan. Natapos man sa taong 2005 ang pagganap ni Angel bilang Darna, hindi maipagkakaila na patuloy na ginampanan ng aktres ang pagiging superhero sa totoong buhay. Maraming namangha sa pagsasabuhay ng aktres kay Darna sa pamamagitan ng kaniyang malaking kontribusyon sa pagtulong sa ating mga kababayang apektado ng pandemiya. Gayunpaman, ang rason sa likod ng pagviral ng mga litrato ng aktres ay hindi dahil sa kaniyang mga naiambag sa pagpapabuti ng bansa, kung hindi ang naturang weight gain nito. Maraming netizens

naman na sumusuporta kay Angel ang mabilis na rumesponde sa mga body shamers. Gayon na rin ang kaniyang mga malalapit na kaibigan sa industriya. Hindi rin pinalampas ng aktres ang mga body shamers at direktang call-out ang ipinahayag nito sa isang interbyu. “Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to. E ikaw ba, okay ka ba?,” ang mga salitang binitawan ng aktres sa mga netizens na pumupuna sa kaniyang weight gain. Bagama’t hindi na bago ang naging transpormasyon ng katawan ng aktres, tila nakahahanap pa rin ang mga netizens ng kanilang maipupuna sa bawat paglitaw ng mga litrato nito sa social media. Nakapagtataka, na sa halip ang pilantropiya ng aktres ang dapat bigyang paghanga at atensyon, katawan at anyo lamang niya ang gustong pagusapan ng lipunan. Ang stigma sa katabaan o fatphobia ay isa sa mga napapanahong sosyal isyu na madalas hindi binibigyang kamalayan. Kalimitang nakasuklob sa anyo ng mga biro at kunwaring pagmamalasakit ang mga masasakit na mga puna sa anyo at katawan ng isang indibidwal. Sa mas malawak na perspektibo, hindi lamang ang mga overweight o obese ang nagiging biktima ng body shaming, hindi rin pinapalampas ng kritikal na lipunan ang mga skinny at underweight. Nararanasan din ito ng mga tao anuman ang

Mananatili sa

Aking

Paso

ni Chrizelle Jane Sicat

S

LATHALAIN

a gitna ng kalungkutan na dala ng pandemya sa atin, nakatulalang nagmamasid sa kapaligiran nang mahagip ng iyong mga mata ang kagandahan ng mga halaman. At sa mga sandaling iyon, napahanga ka sa kulay, hugis at sa bawat pag-usbong nito na hindi mo mawari ang iyong nararamdaman; ganon pa man, ito ay nagdala ng tuwa at kaligayahan, hangga’t nakita

oryentasyong pansekwal. Ayon sa World Health Orgnanization, ang weight bias o body shaming ay ang kolektibong antipatiya ng lipunan sa mga indibidwal na kinonkonsiderang hindi normal ang hubog o laki ng mga katawan. Kahit ang body shaming ay nararanasan ng lahat ng tao, mapataba o mapapayat, hindi maikakaila na mas malaki ang pagkamuhi na natatanggap ng mga overweight at obese dahil sa kanilang mga hitsura. Kung ang pagtaba ay normal lamang, bakit ‘tila pinaguusapan pa rin sa social media ang mga kagyat na transpormasyon ng mga katawan ng mga artista? Bakit ‘tila kailangan pa rin magbigay ng opinyon sa katawan ng iba? Bakit patuloy nating iniiisip na kailangan nating batiin ng isang “congratulations” ang mga kakilala nating “naka-alis” sa pagiging mataba? Namulat ako sa isang mundo kung saan ang mga kagaya ko ay walang lugar sa showbiz at fashion industry. Kami ang mga nakatatawang bespren o mga nakatatawang extra. Gayunpaman, ang realidad kong ito ay hindi kailanman nagpaisip sa akin na kalaban ko ang mga babaeng hindi ko katulad. Sapagkat aking nabatid, na lahat kami ay biktima lamang ng lipunan na ninanais lamang kaming makipagkompetensya sa isa’t-isa. Sa aking mga mata, si Darna ay

7

ANGEL LOCSIN isa sa mga taong mas nagpalakas ng mga pamantayang pumupuna at humuhusga sa mga kagaya naming mga extra-large at mga extrasmall. Hindi kailanman naisalamin ng isang Darna ang paghihirap ng kaniyang mga kapwang babaeng naging biktima ng body shaming. Sapagkat ang bayaning ito, ay isa pa ring likha ng ideyalisasyong kahanga-hanga lamang ang isang babae kapag siya ay nakatutulong sa kaniyang kapwa, at sa parehong pagkakataon ay nagsisilbing pantasiya ng mga kalalakihan. Ang kakalasan ng storya ni Angel bilang Darna ay sa puntong ang aktres na mismo ang naging totoong superhero higit pa sa bayani na nagmula sa mundo ng komiks. Kung iisipin, isa si Angel sa mga iilang nakapala ng magandang

mo ang iyong sarili na nagtanim, nangolekta ng bawat uri ng halaman. Hindi ka pa nasiyahan sa dumadami mong mga halaman, nagsimula kang sumali sa iba’t ibang mga grupo na tinaguriang mga plantita at plantito. Sa kalagitnaan ng pagpapalitan ng mga Ficus elastica, Epipremnum aureum, Thaumatophyllum bipinnatifidum, at kung anu-ano pang pilipit-dila na nagpaparamdam sa’tin na tayo’y mga mahuhusay na botanista. Aminin man natin o hindi, karamihan sa’tin ay nalulong na sa pagtatanim ng pambihirang mga halaman; maging halamang ornamental man ito o halamang gulay, siguradong higit sa payag pa tayong gumastos para sa ating lumalagong mga kaibigan. Ngunit bakit nga ba biglang napauso ang pagtatanim ngayon? Marahil dahil sa oras na mayroon tayo habang nasa pandemua, ay nakapaghanap tayo ng bagong hilig at interes; o baka naman dahil sa mga artistang nagpapatunay bilang mga plantito at plantita na tayo’y sumabay sa uso at nagsimulang bumili ng mga paso, lupa at iba’t-ibang mga pagpapataba at kagamitan hinggil sa pagtatanim. Malinaw na tayo’y naaaliw sa kalakarang ito, bukod sa ito’y panterapeutika raw, mayroon rin namang mga ibang nabigyan ng pagkakataong maghanapbuhay… sa ‘di inaasahang paraan. Alam nating lahat ang epektong naidulot ng pandemya sa mga mamamayan, gaya ng kawalan ng trabaho, negosyo, pamumuhunan at iba pang mga pangyayaring kapus-palad. Dahil dito, maraming krimen ang nangyayari, isa na dito ang pagnanakaw. Ang kanilang pangunahing pakay? Mga halaman.

pakikitungo ng lipunan sapagkat ‘pasok’ siya sa pamantayan ng kagandahan na ibinabalandra ng mismong industriya at social media. Gayunpaman, sa kaniyang kasulukuyang transpormasiyon, naging imahe ang aktres ng body positivity, at pagpapalakas ng mensaheng walang karapatan ang sinuman na pumuna at maging kritikal sa katawan ng iba. Naimumungkahi rin ng pagkilos na ito na posibleng maging mapagmahal sa ating sariling mga katawan, kasabay ng paniniguradong tayo ay nagsusumikap na patuloy na mas mapabuti ang ating kalagayan at kalusugan. Isa si Angel sa mga babaeng patuloy na sinisigaw na hindi kailanman limitado sa laki ng panty at bra

ang aming pakinabang at ambag sa lipunan. Tanging hiling ko lamang na sa bawat pag-heart at retweet mo na kahangahanga pa rin si Angel Locsin sa kahit anumang sukat, nawa’y ito rin ang suporta at pagmamahal na natatanggap ng mga pamilya at mga taong malapit sa ‘yo na kinikilala ang kanilang sariling karanasan katugma ng kay Angel Locsin. Hindi ko naging bayani si Darna sa aking pagkabata, hindi ko bayani si Darna kahit ngayon ako’y may mulat na, sapagkat bayani ko ang mga katulad ni Angel, bayani ko ang mga totoo at makatotohonang mga kababaihang patuloy na lumilikha ng lugar at puwang para sa mga kagaya ko at kapwang kababaihan sa mundong ito.

Sa dinami-daming prediksyon tungkol sa pandemya, sino ba naman ang mag-aakala na ang mga halaman ay aabot sa presyo ng isang mamahaling alahas? Kung tutuusin, hindi naman ito isang pangangailangan, ngunit nakikita nga natin sa bawat sulok ng mundo, tulad ng nasa kabilang bahay. Ngayong uso ang mga indoor planting at gardening at nagsusulputan ang mga plantito at plantita, napag-isipan ng mga Pinoy ang mang-umit ng mga halaman na maaaring nakatanghal sa mga tarangkahan, sa mga balkonahe o mistulang nag-shoshopping sa mga tindahan ng halaman nang walang nakakaalam—isang bagong talentong nakamtan. Ngunit hindi ito nagtatapos dito; bukod sa pagnanakaw sa mga bahay, mayroon ding nagaganap sa mga kagubatan na kung saan ay pinuputol nila ang mga halamang “mamahalin” sa merkado tulad ng Fiddel Leaf Tree, Rubber Plant at ang Monstera deliciosa na ikinababaliwan ng madla. Ang mga ito ay humugit-kumulang sa halangang 2,500 pesos hanggang 15,000 pesos, depende sa laki; kaya nama’t maraming gustong kumita dahil sa dumadaming mga mamimili. Sa kabila ng pagpapakahirap ng bawat plantito at plantita na palaguin ang kanilang mga minamahal na halaman, dulot ay sakit sa puso ng sa isang iglap, ito ay naglaho; hiling nila na sana’y ang kanilang mga halaman ay mananatili sa kanilang mga paso. Maraming paraan kung paano mabuhay sa gitna ng pandemya, ngunit ang pagnanakaw ay hindi isa sa mga ito. Tayo’y magtulungan sa pandemya, sabay-sabay nating pabigatin ang ating mga paso at ipagpatuloy ang pagpapasaya ng puso.


8 LATHALAIN

LATHALA BLG. IV TOMO BLG. V NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

Kababaihan ang

ONLINE CLASSES,

NAKAKASIRA RAW NG MATA ni Hemelyn Jilian Renee S. Agayam

M

asasabing ang online class ay isa sa mga dahilan kung bakit mas babad ang mga kabataan sa paggamit ng kanilang laptop, computer, o cellphone. Ayon sa ophthalmologist na si Alvine Pauline Santiago noong makapanayam siya ng “Good Vibes” sa DZMM, ang pag gamit sa gadget ng sandali ay wala namang masamang epekto, ngunit ang paggamit nito ng higit pa sa dalawa o tatlong oras ay may masamang dulot sa mata. Maaari raw magkaroon ang bata ng “accommodative spasm” kung saan nakararanas ng pagsakit ang ulo, pagkapuyat, o kaya naman ay dry eye syndrome. Mga tips upang maiwasan ang eyestrain:

1

Sundin ang 1-2-10 rule. 1 talampakan ang layo kapag cellphone ang gamit, 2 talampakan naman kapag computer, at 10 naman kapag nanonood ng telebisyon.

3

Gamitin ang gadgets sa loob lamang ng 2-3 oras. Mainam na mas madalim ng kaunti ang ilaw ng kwarto kaysa sa screen ng gadget na ginagamit. Sundin ang 20-20-20 rule, kada 20 minuto ay tumingin ng 20 talampakan na layo ng 20 segundo.

5

Iwasan ang paggamit ng gadget 2-3 oras bago matulog o magpahinga.

2 4

Maari ring gumamit ng Anti-Radiation glasses, ngunit siguraduhin na ito ay hindi peke. Ayon sa checkin.ph may mga kumakalat na anti-radiation glasses sa halangang 99-250 pesos lamang ngunit ito raw ay mga demo glasses. Ang antiradiation glasses ay makaktulong sa pag block out ng bad blue light na kung saan ito ay maaring makasira ng retina at magkaroon pa ng dagdag na problema sa mata. Hindi inirerekomenda ng mga optometrist na bumili ng glasses sa internet, kung bibili man ay siguraduhin na ito ay medical grade at galing sa kompanyang nagbebenta ng blue light glasses o kaya naman mag pacheck sa isang optometrist upang makabili ng maayos na salamin sa mata. Nararapat lamang na alagaan ang mata lalo na sa panahon ng new normal kung saan ang mga kabataan ay babad sa kanilang mga gadgets upang makadalo sa online classes.

Kinabukasan ni Jillian Renee Calo

S

a usaping pagpapatakbo ng mundo, isang “girl world” ang madalas na ipinapangarap ng nakararami. Isang mundo na lahat ay perpekto lamang sapagkat pinaniniwalaan ng tao na ang kababaihan ay gawa sa asukal, pampalasa, at lahat ng bagay na mabubuti at magaganda. Ngunit sa katunayan at katotohanan, ang ganoong klaseng mundo ay higit na komplikado. Ang mga babae ay inaasahang makamit ang mga imposibleng pamantayan ng lipunan nang hindi kinalilimutan ang pagpapanatili ng kanilang ganda. Ang kabalintunaan ay, ang mga bagay na kakailanganin upang maabot ang nasabing pamantayan tulad ng edukasyon, pagkakapantay-pantay ng kasarian, at body autonomy ay madalas na ipinagkakait sa kababaihan. Ang mas nakalulungkot pa na katotohanan ay lahat ng ito ay pasan maging ng mga batang babae. Ang kanilang munting kaisipan ay inilalantad sa nasabing hirap sa murang edad na kung saan sa huli, iniiwan lamang silang tila nakakulong na hindi malayang mailahad ang sariling kagustuhan at kumilos nang naaayon sa kanilang sariling paraan. Dahil sa ganitong mga pangyayari, idineklara ng United Nations General Assembly noong taong 2011 ang ika-11 ng Oktubre bilang araw ng mga babae o “International Day of the Girl Child”. Ito ay sumusunod sa tatlong layunin: upang walang babae o kahit na sinuman ang mapagkakaitan ng pagkakataong maging maalam sa kanilang mga karapatan, upang maging tama ang pagrerepresenta ng kababaihan sa kani-kanilang sariling panlipunang kultura at maging sa media, at upang hayaan na makilala ng mundo ang kanikanilang mga kwento. Patuloy na ang paglitaw at paglalantad mga problema at paghihirap na naranasan at nararanasan ng mga kababaihan. Nagsimulang namulat ang mga mata ng mga tao sa baluktot na realidad ng mundo ng mga kababaihan sa isang “girl world” nang makita ang sitwasyon ng kababaihan kung saan sila ay hinahamon sa pisikal na aspeto, pangkaisipan, at maging emosyonal. Ang mga kababaihan ay nagsimulang magsalita tungkol sa kanilang mga karanasan sa kanilang mga trabaho na kung saan karaniwang mga lalaki ang nangibabaw. Hindi rin natakot ang mga babaeng ilantad kung paano sila tinanggihan sa kanilang karapatan sa edukasyon dahil sa ugaling sexist ng lipunan, mga problemang pinagdaraanan nila sa pag-abot ng pamantayan ng kagandahan, at maging ang mga bagay na may mabibigat na paksa tulad ng kanilang mga sekswal na karanasan ay pinag-uusapan na rin. Bukod sa pagkilala sa nasabing araw bilang pagbibigay ng ilaw sa dilim at pagpalalakas ng mga hindi mapagkinggang boses, ito rin ay itinuturing na isang araw ng padiriwang na kung saan ginugunita ang lakas ng mga kababaihan—lakas sa laban para sa kung ano ang nararapat, at pagmamahal para sa sarili at kapwa babae. Ang tema ng International Day of the Girl sa taon na ito ay “My voice, our equal future” na kung saang nakatuon sa pagsasagawa ng daan para sa mga kabataan upang umunlad. Inaasahang sila ay: maging malaya sa pangkasarian na karahasan, nakasasamang gawi, at karamdamang sekswal, magkaroon ng oportunidad upang matuto ng makabagong kasanayan na makatutulong sa kanilang kinabukasan, at makagawa ng henerasyon ng mga aktibista na magpapatuloy sa mga kilos tungo sa pagbabago ng lipunan para sa ikabubuti ng lahat. Ang pinakamagandang bahagi na nangyayari sa araw na ito ay kahit na ito ay pagkilala sa mga kababaihan, hindi mo kailangang maging babae upang suportahan ito. Lahat ay pwedeng makilahok sa pagbabago. Ang pagbabahagi ng kwentong inspirasyon ng mga kababaihan o mga samahang pinamunuan ng kababaihan ay nakatutulong sa paglaganap ng mga pagbabago sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kanilang boses. Kahit simpleng mga bagay tulad ng pagbibigay ng respeto sa mga kababaihan ay isa na sa mga hakbang sa pagkakaroon ng pagkakaisa sa ating lipunan at nagpapakita ng magandang halimbawa na maaring sundin ng nakararami. Darating ang araw na mamumuhay ang mga kababaihan sa mundong may pagkilala sa kanilang kahalagahan, may pagrespeto na ang kanilang katawan ay sarili nilang pag-aari, at may pagpapahalaga sa kanilang ambag sa lipunan. Ang araw na ito ay siyang panimulang punto lamang ng mundo na mamulat sa nararapat na makabagong pananaw. Nasa atin ang kagustuhan.


LATHALAIN

LATHALA BLG. IV TOMO BLG. V NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

Konektibidad sa Ibayong Seguridad:

9

“Wag Kayong Mag-alala” ni Fatima Marwa A. Fadzlulkarim

M

arami na ang nasasabik sa papalapit na operasyon ng Dito Telecommunity bilang ikatlong pangunahing Telco sa Pilipinas. Ngayong nasa bagong normal na pamumuhay kung saan ang karamihan ay gumagalaw sa digital na mundo, ang trapiko sa internet ay mas mabigat pa kumpara sa daloy ng trapiko sa EDSA. Tayong mga Pilipino ay umaasang may magbibigay ng mas maayos na serbisyo na babakli sa duopoly ng Globe at PLDT. Ngunit saan pa ma’y lahat ng pag-asa ay may katumbas na kapintasan na nagpipigil sa atin sa pagkonsumo ng Telco na 60% pag-aari ng Pilipino, ngunit 40% Intsik. Tiyak na tayo ay mag-aalangan na pumili sa pagitan ng mas mahusay na konektibidad at kaduda-dudang seguridad. Dito Telco o dating kilala bilang Mindanao Islamic Telephone Company, Inc. (MISLATEL) ay nagkaroon ng prangkisa mula sa kongreso sa ilalim ng RA 8627 noong 1998. Ngayong taon, binigyan ito ng House of Representatives ng 25-taong prangkisa bilang pangatlong pangunahing telecommunication ng bansa upang magtayo, mag-install, magtatag, magpatakbo, at magpanatili ng mga wired at/o mga wireless telecommunication system. Ito ay matapos kilalanin ng Department of Information and Communications Technology ang pagkapanalo nito sa bidding noong 2018. Nangako itong magtatakda ng mahigit kumulang 20mbps sa 37 milyong Pilipino sa unang taon. Sa pagtatapos ng ikalimang taon, hinahangad nitong maserbisyuhan ang 84.01% ng populasyon ng may bilis na 55Mbps. Sisimulan nito ang paglulunsad sa komersyo sa Marso 2021. Ang Dito ay isang consortium na pinamumunuan ng Davao-based business tycoon na si David Uy. Ito ay binubuo ng MISLATEL, Udenna Corporation, Chelsea Logistics Holdings at ang panghuli na siyang nagnakaw sa atensiyon at pag-aalala ng nakararami, ang state-owned China Telecom Corp. Ltd na nagmamayari ng 40% ng kabuuang consortium. Ang pagiging parte ng pangunahing Telco ng isang bansa ay nangangahulugang pagkonekta sa malaking bahagi ng populasyon. Lalo na sa isang institusyon na sinusuportahan ng isang banyagang bansa na may hidwaan sa teritoryo, tama lang na alahanin natin ang ating cybersecurity. Ang seguridad ay nananatiling kinukuwestiyon dahil sa mga isyu na ang mga Chinese companies tulad ng Huawei (na nagpapagana rin sa imprastraktura

RTVM

ng DITO) ay minsan nang naibalita sa paglabag ng Data Privacy Act. May mga batas ang gobyerno ng China gaya ng National Intelligence Law, at National Counter-Espionage Law na may diin sa ideya na ‘lahat ay responsable’ sa pagtiyak ng seguridad ng estado. Isang Australian magazine ang sumulat tungkol sa papel ng responsabilidad ng mga resident na sumunod sa batas ng estado. Pinapahiwatig ditto na isang legal na tungkulin at obligasyon ang pakikilahok ng mga mamamayan sa “intelligence work”. Sa madaling salita, ang mga Chinese ay kailangang makipagtulungan sa gobyerno sa pagpapalaganap ng “public security.” Gayunpaman, pinipilit ng mga Chinese critics na nagdudulot lamang ito ng hindi kinakailangang kontrobersya laban sa batas at hindi batay sa katotohanan. Ang takot sa pang-iispiya ng China ay nadagdagan nang ipinahiwatig ni Philippine Defense Secretary Delfin Lorenzana na may pahintulot ang Dito na magtayo ng cellular tower sa loob ng military camps. Himok naman ni Senator Grace Poe na ang security concerns ay hindi dapat binabalewala. Sagot naman ni National Security Adviser Hermogenes Esperon,

Pangulong Duterte iginawad ang sertipiko na nagpapahintulot ng operasyon ng Mislatel sa businessman na si Dennis Uy sa Malacañang Lunes, Hulyo 8, 2019.

“We have inputted provisions for national security in the entry of third main player… Kaya secured po ’yan, secured. Wag kayong mag-alala.” “If this agreement passed the muster of the Armed Forces of the Philippines, the Department of National Defense and the National Security Adviser, I think we should put some trust that this agreement will not be a vehicle for spying,” pahayag naman ni Dito Chief Administrative Officer Adel Tamano. Upang malutas ang takot sa potensyal na paniniktik, inilista ng Dito ang kumpanya ng Fortinet mula sa Estados Unidos bilang pangunahing kasosyo sa cybersecurity. “If you don’t trust Chinese equipment, maybe you trust U.S. cybersecurity solutions,” pahiwatig ni Dito Chief Technology Officer Rodolfo Santiago. Ang Dito Telecommunications ay nangakong susunod sa etika ng matapat na establisimyento, at magbigay ng serbisyo alinsunod sa Free Mobile Disaster Alerts Act. Kung sakaling mabigo ito sa pagsunod sa usapan, maaaring kunin ng gobyerno ang Php 14 billion performance bond na nagsisilbing penalty sa paglabag sa pangako.

Suportang Mithiin Binalak Alisin ni Fatima Riesa A. Karay

A

ng taunang 13th month pay ay nakasaad sa Presidential Decree No. 851, S. 1975, na pinamagatang “Requiring All Employers to Pay their Employees a 13th-Month Pay”. Dahil sa kagustuhan ng gobyerno ng Pilipinas na suportahan ang mga mamayanan ng Pilipinas sa panahon ng pasko, isinabatas nila ang taunang 13th month pay. Ngunit ngayon ay nasa kalagitnaan tayo ng pandemya, plano ng Kagawaran ng Paggawa at Empleo (DOLE) na ipagpaliban ang pagbayad ng mga naluluging negosyo ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.

“Sa batas, may exemption of payment pagka ‘yong business establishment is characterized as distressed,” ayon ito sa Sekretarya ng DOLE na si Silvestre Bello III noong Oktubre 05, 2020

sa isang press briefing. Sabi pa ni Bello na ang pagsasatupad ng 13th month exemption na ito ay makakatulong sa mga naluluging negosyo at maari na lamang nilang ibigay ang 13th month pay sa susunod na buwan sa kanilang mga empleyado o di kaya;y humingi pinansyal na tulong sa mga bangko ng Pilipinas. Upang magawan ng hustisya umano ay susuriin ng DOLE ang mga negosyong nangangailangan ng pag-exempt ngunit bago maipatupad ang tinatawag na “exemption” na ito ay kailangan munang bigyang kahulugan ang katagang “distressed business” na tinutukoy ni Bello. Hinimok ni Bello ang mga may ari ng naluluging negosyo na patunayang sila ay nangangailan upang mapakinabangan nila ang exemption na ito. “But instead of going to that (pagsasaad na ito’y distressed) why don’t we consult labor

and management, pagusapan na lang nila na medyo mahirap ngayon ang panahon, medyo hindi tayo kumikita, baka naman pwedeng i-defer” dagdag pa ni Bello. Dahil sa pahayag ng kumpanya ng DOLE, mayroong ibat-ibang grupo ng Paggawa (Labor groups) tulad ng The Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na nagkomentong nakasaad umano sa PD 851 na walang exemption o pagpapaliban ang 13th month pay. Ayon pa sa tagapagsalita ng ALUTUCP Alan Tanjusay sa isang panayam kay Rico Hizon ng CNN Philippines: “The government must continue giving subsidy directly to the workers. Once the money is given to the businesses, there’s no assurance that the funds from the government will help the workers.” Ayon naman sa tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na si Elmer

Labog “Deferments and exemptions are not a good tune to sing amid this pandemic…Why make the workers suffer by letting them be submerged in debts here and there?” Apila naman ng Defend Jobs PH, kailangan ng gobyernong humanap ng ibang paraan upang mabigyan ng karagdagang sahod ang mga empleyado lalo na sa paparating na pasko. Ayon sa kanilang tagapagsalita na si Christian Lloyd Magsoy sa isang video message: “The gifts that our workers want for Christmas are jobs, assistance, and labor rights.” Dahil sa mga komentong ito, nito lamang Oktubre 12 ay muling nagsalita ang Sekretarya ng DOLE. Saad niya sa isang televised briefing “We will not postpone, we will not defer, and we will not give an exemption to the payment of the 13th month pay,” at kanya pang idininagdag “The law says pay the workers their 13th month pay on

or before December 24. ‘Yan po ang ipapatupad ng Department of Labor”. At noon nga lang ika-17 ng Oktubre naglabas ng pahayag sa isang press briefing ang gobyerno na mayroong nakalaang pondo na maaring ipahiram sa mga maliliit na negosyo upang sila ay makapagbigay ng 13th month pay. Ayon kay Bello “They are willing to share about P4 billion of that para sa mga soft loans sa mga micro and small business enterprises para makautang sila without any collateral, so that they can pay the 13th month pay of their employees,”. Dagdag pa ni Sergio OrtizLuis Jr., tagapangulo ng The Employers Confederation of the Philippines (ECOP) “‘Yung mga micro, ‘di kaya talaga eh. Maraming mawawalan ng trabaho kapag piniga natin nang piniga ‘yung mga micro na ‘yan at hindi natin tinulungan,”. Kaya pati ang nangungunang organisasyon ng

unibersal at komersyal na mga bangko sa bansa o ang Bankers Association of the Philippines (BAP) ay nag alok na magpahiram ng pondo para sa parehong rason. Ngayong panahon ng pandemya, lubos na nangangailangan ang karamihan sa atin. Dahil dito maraming iba’t ibang paraan ang naiisip ng iba habang ang iba naman ay umaasa lamang sa sweldong natatanggap sa kani-kanilang mga trabaho. Kaya’t hindi natin maipagkakaila na marami ang nagaabang sa kanilang 13th month pay. Marami sanang maapektuhan kung naisakatuparan ang pag-exempt na ito, hindi lamang ang mga empleyado kundi pati narin ang mga may ari ng negosyo. Mabuti na lamang at ang suportang minimithi ng karamihan ay maibibigay na ng walang eksepsyon.


10 OPINYON

LATHALA BLG. IV TOMO BLG. V NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

Ang Katotohanan sa New Normal sa Pambulikong Paaralan

I

tinuturing na 21st century learners ang mga mag-aaral sa henerasyong ito dahil umano sa kanilang adaptive abilities, at ang pagkaangkla ng kanilang pamamaraan ng pagkatuto sa teknolohiya. Noong araw, nasubukan nating pag-aralan ang mga paksa kasama ang matinding gabay ng ating mga guro sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan. Ngunit sa panahon ngayon, ang mga magaaral ang siyang nagsisilbing kani-kanilang mga personal na guro sa apat na sulok ng kanilang mga tahanan. Ito ang kinalalagyan ng mga estudyante sa pagsibol ng new normal at sa pagbukas ng panibagong akademikong taon. Sa kalagitnaan ng krisis na dulot ng COVID-19, isiniwalat ng Department of Education (DepEd) ang kanilang plano sa pagpapatuloy ng klase sa pamamagitan ng blended learning na binubuo ng online learning kasabay ng pagbibigay ng mga modyul o CAPSLET (Capsulized Self-Learning Empowerment Toolkit). Isang kadahilanan dito ang mithiin na maibigay pa rin ang karapatan ng mga kabataan sa libreng edukasyon sa kabila ng pandemya. Subalit, kasabay nito ang mga pagsubok na siyang kinakaharap sa mga pampublikong paaralan. Nang mapagdesisyunan ng DepEd na simulan ang akademikong taon noong ika-24 ng Agosto, ipinangako ng ahensya ang matinding preparasyon at ang pagsasaalang-alang ng mga estudyanteng walang kakayahan sa online learning—kabilang dito ang paggamit ng telebisyon at radyo sa pagtuturo. Sa kabila ng pagsisikap ng ahensya, patuloy pa rin ang mga bumubuhos na problema nang magsimula ang klase. Dahil dito, nag-isyu ang Malacañang ng memorandum na nakaayon sa R.A. 11418 na nag-usad ng klase sa ika-5 ng Oktubre. Ang ilang sa mga suliranin na kinakaharap ng DepEd ay ang sumusunod: kahinaan ng internet connection, kakulangan ng mga modyul sa proseso ng pag-aaral, at kawalan ng kasiguraduhan sa pag-unlad ng karunungan ng mag-aaral. Isa sa mga pinakamalaking salik na siyang nagiging hadlang sa epektibong pag-aaral ay ang problema sa internet o data connection. Ito, kasama ng mga gadyets ang siyang pinakapundasyon ng e-learning. Maraming mga Pilipino ang naglabas ng kanilang mga hinaing ukol dito at iginiit na isa itong anti-poor na aksyon. Ayon sa DepEd Information, Communications and Technology Service Director na si Aida Yuvienco, nasa 26% lamang ang bilang ng mga pampublikong paaralan ang may internet connection. Sa kalagayan at laganap na kahirapan, mahihirapan ang mga pampublikong paaralan sa pagpapatuloy ng klase lalo na at ika-83 lamang ang Pilipinas sa loob ng 183 na bansa pagdating sa kahandaan para sa online learning ayon sa Department of Science and Technology (DOST). Sa kabila ng kawalan ng katiyakan dito, pinili pa rin ng DepEd na ipagpatuloy ang klase sa pamamagitan ng pagbibigay ng alternatibo sa mga mag-aaral, katulad na lamang ng CAPSLET. Nang magsimula ang klase, nakitaan din ng mga problema ang mga ito dahil sa mga maling impormasyong nakasaad dito. Kabilang na rin dito ang mga leksyon na ineere sa telebisyon. Inamin naman ng DepEd ang kanilang mga pagkakamali sa mga learning materials na kanilang ibinabahagi. Ayon kay Education Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, ang mga pagkakamaling ito ay maaaring nagmula sa kawalan ng kontrol sa pagpapanatili ng kalidad ng mga modyul at mga ineereng aralin sa telebisyon dahil ilan sa mga ito ay gawa lamang ng mga lokal na departamento ng paaralan. Nagpahayag naman si Education Undersecretary Alain Pascua na “…may makakalusot talaga dahil we’re not living in a perfect world (hindi tayo nabubuhay sa perpektong mundo).” Idinagdag din nito ang dami ng kanilang ginagawang learning materials na siyang isa sa mga rason kung bakit may mga hindi napapansing mali sa CAPSLET at sa mga iba pang pinagkukunan ng aralin. Patuloy rin ang mga hinaing ng kabataan sa social media tungkol sa kanilang mga karanasan sa online class na hindi umano nakatutulong o nakadaragdag sa kanilang kaalaman dulot ng self-learning. Isa pang nakikitang suliranin ay ang kawalan ng kasiguraduhan sa learning progress ng mga estudyante dulot ng labis na pagtulong ng mga magulang o ng mga mas nakatatandang kapatid sa pagsagot ng mga pagsusulit. Mas nagiging mahirap mapunan ang pagkatuto ng mga mag-aaral dahil sa mga epekto na wala sa kontrol tulad na lamang ng kawalan ng interes o atensyon sa pinag-aaralan na siyang dahilan kung bakit ang mga magulang ang nagsisilbing mga mag-aaral. Naglabas ng pahayag ang DepEd patungkol sa isyung ito at umapela sa mga magulang na huwag sagutan ang mga pagsusulit na nakatalaga sa mga mag-aaral. Sa gitna ng mga pasulpot-sulpot na problemang hatid ng new normal sa mga pampublikong paaralan, patuloy pa ring kinakaharap ng mga mag-aaral ang mga epektong dulot nito sa kanilang edukasyon. Bagama’t nagsusulong ng solusyon ang DepEd, hindi maipagkakaila ang kakulangan sa preparasyon o kahandaan para sa online learning. Ayon sa isang pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones noong Agosto, nais nilang iwasan ang pagkawala ng interes at pagkahuli ng mga Pilipinong mag-aaral pagdating sa edukasyon. Kaya naman ang pangunahing misyon nito ay patuloy na maibahagi ang serbisyong edukasyon para sa mga kabataan. Sa kabila ng mga patong-patong na reklamo at problema na kinahaharap ng mga mag-aaral, pinipili pa ring maging bingi ng ahensya sa isinisigaw ng mga kabataan na tumatawag ng academic freeze. Nakababahalang isipin na mithiin ng ahensiya ang pagtibayin ang kaalaman ng mga mag-aaral, ngunit may pag-unlad nga ba talagang nakikita sa mithiing ito? Nakababahalang isipin na mahigpit ang paniniwala ng ahensya sa kanilang misyon na magbahagi ng maayos na kalidad ng edukasyon nang walang solusyon sa mga suliraning ito. Kinakailangan bang magdusa ng mga Pilipinong mag-aaral para lamang makamit ang hinahangad ng DepEd? Talaga bang naghahatid-serbisyo ang ahensiya sa mga magaaral kung ang “serbisyo” ay siyang nakikitaan ng problema? Ang “new normal” ba ay nagsilbing solusyon upang muling makapag-aral o naging sanhi lamang ito ng panibagong balakid sa karunungan? Kung ang mga mag-aaral noon ay lubusang nagabayan ng mga guro, ang pinakamalaking ambisyon sa panahong ito ay maibalik ang dating kalidad at sistema ng pag-aaral. Maaaring mas mabuti ang maghintay na mayroong kasiguraduhang kaunlaran sa pagkatuto kaysa ang ipagpilitan ang mga kondisyong hindi naaangkop sa kapasidad na mayroon ang ahensiya, pati na rin ang mga mag-aaral. Oo, itunuturing 21st century learners ang henerasyong ito ngunit wala itong magandang idudulot kung ang mismong sistema ang siyang problema.


OPINYON 11

LATHALA BLG. IV TOMO BLG. V NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

DIRETSAHAN ni Raihana Habbi

Patas ang Mundo: Mga Pagsubok na Hinaharap ng mga Mag-aaral sa Online Learning

I

ka nga nila, ang edukasyon ay isang karapatan ng bawat Pilipino, ngunit bakit ito ay isang pribilehiyo na ngayon? Dala ng pandemya ang matinding trahedya at pagbabago sa pamumuhay ng mamamayan. Marami ang nawalan ng trabaho, ang mga negosyo ay nagsimulang magsara, dagdag pa rito ang pagpilit na ipagpatuloy ang pasukan. Hindi lahat ay mayroong gadyets at mabilis na internet connection, nahihirapan magturo ang mga guro sa paraang online learning, gayundin sa mga estudyante na nahihirapang matuto. Mula rito, naaapektuhan ang kanilang kalusugan, dala na rin ng tambak na takdang-aralin bunga ng hindi maayos na sistema. Hindi raw makakabalik sa dating harap-harapan na klase hangga’t wala pang bakuna para sa virus na gumambala sa mundo. Kung sa gayon, hanggang kailan tayo makukulong sa silid ng kahirapan? Matapos tanggihan ng Department of Education ang iminungkahi ng taong-bayan na #AcademicFreeze, nabuo ang #AcademicEase para mabawasan man lang ang pasan na dala ng mga mag-aaral at guro. Malinaw na ito ang kailangan natin ngayon, dahil kung para saan pa ang online classes kung unti-unti ng nagiging malabo ang pagkamabisa nito? Walang araw na hindi ka makakarinig ng dismaya at problema sa gitna ng iyong online class. Ang karaniwang dahilan nito ay ang mabagal na internet connection. Kung tayo na nakatira sa lungsod ay nakakaranas pa rin nito, paano na lamang ang ibang mag-aaral na nasa liblib na lugar? Kamakailan lamang, lumatag ang balita tungkol sa isang estudyante mula saprobinsya ng Capiz na si Kriselyn Villance. Sa paghanap ng internet signal upang maipasa ang report sa online class, ang estudyante ay pumanaw nang maaksidente habang pauwi sakay sa motorsiklo ng ama. Bukod dito, kaninong puso ang hindi mayuyukom sa larawan ng isang lola na bumibilang ng kanyang barya upang makabili ng smartphone para sa kanyang apo. Malinaw na pati ang mga magulang ay nahihirapan ding tustusin ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak lalo na’t nasa gitna tayo ng pandemya. Ang online selling ay talagang bumulwak sa kadahilanang makaipon ng pera para sa online class. Mas nakakagambala pa ngang isipin na ang ilang mag-aaral ay nagpapadala o nag-aalok ng mga hubad na larawan o video kapalit ng pera. Mahirap ipalagay na may mga ganoong paraan ang kailangang lampasan ng ibang mga estudyante para makapag-aral sa panahong ito. Ang mga ganitong pangyayari ay laging magiging isang hamon, na ang kaakibat ay ang malakas na salpok na laging nahuhulog—kanino pa nga ba—sa mga pinagkaitan. Hindi lamang ang kakulangan ng materyales ang hinaharap ng mga mag-aaral, dahil ang kahusayan ng mga guro at ang kalagayan ng sistema ay may malaking papel din sa kahirapang nararasanan ng mga estudyante. Maraming mga guro, lalo na ang mga nakatatanda, ang

hindi bihasa sa mga operasyon ng online class, at kailanma’y hindi nila ito magiging kasalanan. Gayunman, ang kanilang paraan at kahusayan sa pagpapahayag ng impormasyon ay may dalang kahalagahan sa pagtuto ng mga mag-aaral. May mga paraan ngpagtuturo na hindi epektib at episyente marahil simpleng basa lamang ang ginagawa sa mga nakaladlad na texto sa presentasyon. Ito ay nakakaalarma lalo na sa mga kritikal na asignaturang nangangailangan ng aplikasyon at maayos na paliwanag. Dahil sa mga hindi mahusay at episyente na pagtuturo, kadalasang madaling mawalan ng gana ang mga magaaral na makinig at intindihin ang mga talakayan. Umaabot na lamang mga mag-aaral sa punto na hindi na natututo dahil ang nasa isip natin ay ang pumasa na lang ng mga aralin bago ang nakatakdang oras. Kaya’t dito, dahan-dahang lumalabo ang pagkamabisa at kakanyahan ng online learning. Mahirap matuto nang maayos at sapat sa online classes, malamang sa kombinasyon ng hindi maginhawang lugar na iyong kinaroroonan, bigat ng mga talakayan, pati na rin ang antas ng kahusayan ng guro. Dahil sa mga salik na ito, lubos na naaapektuhan ang mental na kalusugan ng mga mag-aaral. Ayon sa Sekretarya ng DepEd na si Leanor Briones, napakaliit daw talaga ng epekto ng COVID-19 sa mga bata dahil maliit lamang ang proporsyon ng kamatayan dulot ng virus sa pangkat na ito. Kung tutuusin, kahit hindi man matamo ng virus, tayo rin ay nahihirapan nang lubos dahil sa pandemyang ito. Sa totoo lang, maraming mag-aaral na nagpatala na lamang hindi dahil nais matuto, subalit dahil ayaw maiwanan. Dagdag pa ang mga hindi makatuwirang sandamakmak na mga aralin na kailangang ipasa, ito ay sadyang nakakapagod, nakakapanghina, atnakakawalang pag-asa. Dati, ang edukasyon ay ang landas patungo sa maginhawang kinabukasan; ngayon, ang edukasyon ay isang mabigat na bato sa mga mag-aaral. Ang pagiging maunawain na lamang sa bawat isa ang maaaring maiambag ng lahat sa hamon na ito. Dapat isipin ng mga guro kung naiintindihan ba ng mga magaaral ang mga impormasyon at makatuwiran ba ang mga araling pinapagawa. Sa parehong paraan, ang mga estudyante rin ay dapat pahalagahan ang pagsisikap ng mga guro dahil biktima rin sila rito. Bukod dito, ang mga pamamahala ng paaralan ay dapat ding unahin ang kapakanan ng mga guro at mag-aaral. Ang ating mga sigaw ay tumatawag ng tulong at panawagan sa iba’t ibang sektor ng kalipunan. Kung tayo na may mga kumpletong pangangailangan ay nahihirapan pa sa kasakuluyang kalagayan, paano na lamang ang iba na nasa laylayan? Tutugunin niyo marahil ang mga salita ng natural ng hindi patas ang mundo. Sigurado ba kayo rito? Kung iisipin, patas naman ang mundo, sadyang tayong mga tao ang dahilan ng hindi pagiging patas nito.


12 PANLIBANGAN

LATHALA BLG. IV TOMO BLG. V NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

Kuweba ni Annsel Magno

Kung ang isang bahay ay hindi isang tahanan, ito’y kuwebang dala ang mga ala-alang pilit na nililimot. Isang malaking palatandaan ng isang buhay na pilit binabaon. Isang lugar na marka ng mga pangyayaring kinahihiya.

Walang ibang pagpipilian kundi ay doon tumira; paulit-ulit na masusulyapan ang mga panahong kinasusuklaman. Tuwing pumapasok sa pintuan ay parang isang mandirigma; sasabak sa giyera ng nakaraan, kasuklam-suklam ngunit kailangan. Kapag nakakalabas naman ay tila isang bagong laya sa kulangan, pilit kinikilala ang pagkataong kinalimutan. Dinarama ang init na bigay ng bukang-liwayway, na sa mga patay kong mata’y nagbibigay ng buhay Ngunit sa paglubog ng araw ay babalik sa kuwebang pinanggalingan. Maaalala muli ang mga giyerang pinaglaban, Kung anong sarap ng tanaw sa labas ay kasing lupit ng sa loob na parang isang bankang lumalayag at tumataob Ang pagpasok at paglabas ay isang paulit-ulit na siklo. Kung ano ang nagpapatinag ay siya ring gumuguho. Ngunit nagimbal ng isang pangyayari na ang mundo kong gumuguho di na natinag muli. isang epidemya raw ang biglang sumulpot Ang noong kasiyaha’y nabalot ng lungkot Muli ay haharapin ang demonyo ng kahapon, Ang tanong sa nakaupo, “kailan ba ito matatapos?” Sa bawat araw na nagdaang nasa loob ng kuweba ang tanging hiling ko lamang ay ang maging masaya, Na sa aking paglabas ay hindi na malibutan ng takot ang aking pagkataong punong-puno ng lungkot

KOMIKS HANGGANG SA MULI, AKING SINTA

ni Miso


PANLIBANGAN 13

LATHALA BLG. IV TOMO BLG. V NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

BINGE WATCHER’S Gabay sa mga Amerikanong Serye at K-drama ni Ayana Dawn Atis at James Hamoy

P

alapit na ang katapusan ng taong 2020 at marahil ay inip na inip na ang ating mga mambabasa sa dahilang hindi matapos-tapos ang pandemyang COVID-19. Lagpas walong buwan na ang nakalipas mula nang nagsimula ang buong sangkatauhan mag-quarantine at tiyak na masasabi ng karamihan na napanood na nila ang lahat ng Amerikanong Serye o K-Drama na pwedeng panoorin. Sa kabutihang palad, ang talaang ito ay naglalaman ng mga underdogs ng telebisyon, mga seryeng hindi kasing-popular ng mga rekomendasyong makikita sa Netflix o mga social media. Sa katunayan, maaaring naglalaman ang talaang ito ng mga aytem na hindi pamilyar, gayunpaman ang mga ito ay siguradong binge-worthy.

an Mga laraw

gle mula sa Goo

ing sa malaakt ng y a k la a t tuma n. Lah ife (2017) ng ito areylatableng parnaaagpapaintindi L e t y s r e ir s F a y is n a at on sa lot na his is M at matam ang sariw na mga png mga repleksayhusay is iw a Because T ula, ang simpleg-a s il -g a w iw A m pa asna ding mga kagilang pure love. ng maganda at hanan. Sa Bilang saimng dating at m ito oo ga toto ib s ay aytor kung ano tadlaamin. Mayrooknamulat at maknag pakiramdam r e t c a pagkaktain r a h gc atan dam tula na naka igyan bilang rito. Ang suppor onood at mapaapkapag-antig nglin ng ay mabib a d y aan o a ka o n n k o n a a a o g n sa m episode ay n a puno ng m Life, ang ma t mga desisy an bawat eksena–asra sa a bawat sulat ng script nThis is my First abay sa buhay g naitutugma srama na ito ay p na pag od ng Because ong mentor o g a at perpektonatawa. Ang K-d out panonoa bagang mayroit ay magagand aiyak at nakak use. ething ab m o S : o k d r H m a o a a k p n ll a u in su na rack nadgal ay parehonngangustuhan ang F a ang mga sumu soundtw n d t a n a s e t d a ang ba ldies” na napanoo tuhan, inirerekom e. ng Insid mga ina liit agus y n mga “o t g u g n a n e o io B it r t e isang ang ma Kung iyo io Romance at Th yan) u ngkol sa a nagsisimula sa is bukas ng k u t lu d a a s s R a ie , r K % e that 1 inal s magbu eryo n ies (2017 HBO orig nigin nito ng mist a pangyayari na a seryeng ito ay g n a is Big Little L , s ay de n g mg Yaya Little Lie ngalingan g serye n ng 7-episo e, at Jane. Ang Big , Madeline, Celest abungad ng isan ang pagpatay. A gdagan sa kasinu a ang Big nn ara lers gpap s sa is preschoo ngalingan na ma an ay magtatapo arahasan bilang k nta sa reyalisasyo . Itinatampok n k u u n u p t e na kasin of worms at kala agitan ng seks a onood ay mapu upporting wom g mga aktres s isang can bo ng agwat sa p unman, ang man nseptong women ayan sa pag-arte n Series. y la s o a a u k p G h g t Film rning Show magpa ndaraya. ento sa puwersa n eenplay at ang ka ley ng Divergen a p Mo t a , il s g r ood gustuhan an Theit sa aytem na ito a sc W n pagtak ay isang testam e n n lo e il lu a g a u ak , at Sh g iyo ring mag serye na nabang atag ng aktres na Little Lies g ito ang isang nak Nicole Kidmanm , s, aaarinman: ang tatlong n company na itin sa seryen ese Witherspooanng Big Little Lieti la productio e n ng kaa na sina R ng nagustuhan ere (2020). Kau Sunshine, isang Kung iyotle Fires Everywh g gawa ng Hello ton Lit (2020) at ng sa mga proyek a il b . a n k ay itherspoo si Reese W

rn how p, you lea isang u w o r g hen you House ay se (2018) u ere and w Haunting of Hill lat ni Shirley o th H ’t l n il e r H a u gs that ting of ang eng The n na isin to see thin panood, ang sery arehong pangala y drama. Ngunit ill n The Haun r a le u a il o p –H m ak ,y ng a ring fa u’re little a lumaki di pa nak al novel When yo real. Sa mga hin se sa supernatur serye na ito ay is dahil sa saan sil ng serye ang dan , ang al ba them kaiba to make ma Netflix origin isang ghost story amilya; sila’y ka lukuyan. Sinusun angyayari noong p a g a p s r a a a in d g k n al at agig gm y, ang horrorliban sa p di tulad ng iban itan ng nakaraan ng mga paranorm il sa bent-neck lad bang a M . n o s pag ulto y hin dah Jack . Ha g Crain a a lamang lit-salit sa aranasan ay minum pamilyan g plot ay sumasa d, ang bawat isa nia na iyong mar mula sa simula p ouse, pahirap ng ti d n H House. A ltong magkakapa Sa kabila ng insom ng mga manonoo apalibot sa Hill p ng papuri mula u . a m a d e g u s a ig g p u g n tr o ng -in ata g-arte, lH liman ila sa Hil ouse ay magpapa sa mga misteryo inal na ito ay nak g mahusay na pa n ta a b a k n t ill H pag ago Orig itan g Netflix ng mga s amamag nting of H stuhan The Hau ang natutuklasa ood. Lalo na at an e ghost story” sa p i n v g magugu Manor in r o iy dumaram g pagtigil sa pano d ng isang “effecti g of Bly aaarin n ti House, mang The Haunting l pahirap a iko para sa pagha es. il H f o g it lu , in sa mga kr , at production va ang The Haunt ting Anthology n n ta a u k a h e u H ir t d s e g u h a p T ag

gn t ng Kung iyonwang installmen la a ang pang ). 0 2 0 (2

ito rama na y -d K g n a o, ngunit r, walang kapanta g it g n e y r e agat ng s g na mga karakte lab sa pambihiran 18) 0 m 2 a ( p e g in n a h a s ka ya g Mr. Sun awindan ubog ng mga tan Sunshine ay nag-a g episode ay naka agk a k a n a g Mr. g unan ing m s.” Hin duda n Walang yat ng “chef’s kis ematography, an yan. Inaaming an ang lahat. Maaar entong a in a d ik ac a kw no kab ay humih y at kaakit-akit n igan at pagkama uluhan nito, susu may gusto ng mg ekumenda, ib a r b na salays pag-ibig, pagkaka g makuha ang ka partikular sa mga masidhing inire kahusay na g a a n a n n n li p , a a to a la sand mad nto, n dram kwen ga piling y ng kwe ngunit sa isa itong overload, Mr. Sunshine sa mpanahon. Subalit an sa pagsasalaysa apela ang a tradisyunal na alaga ng kasaysay s h itinakda ng-alang nito ang awa ng serye. g g la a a a p s isina alahatang k g n a p t a cast,

Gustuhin mang ipagkasya ang lahat ng mga underrated na Amerikanong serye at K-drama sa talaang ito, masyado na itong mahaba. Sa dahilang ito, ang sumusunod ay mga honourable mentions na hindi napabilang sa itaas na pahayag: Chicago Typewriter (2017), Glee (2009-2016), Buffy the Vampire Slayer (1997-2003), Queer Eye (2018-kasalukuyan), Reply Series (2012), at W (2016). Inaasahang ang talaang ito ay makapagbigay ng mga nakakatutulong na rekomendasyon sa mga mambabasa.


OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MGA MAG-AARAL NG PAMANTASAN NG ATENEO DE ZAMBOANGA SA WIKANG FILIPINO

It’s probably been the most challenging thing I’ve ever done as far as a professional... but I’m here for one reason and one reason only, and that’s to compete for a championship.

ISPORTS

-Lebron James

LATHALA BLG. IV • TOMO BLG. V • NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

LA Lakers,

nasungkit ang kampeonato sa 2020 NBA Finals ni Yusrhina Usman

N

ilampaso ng Los Angeles Lakers ang Miami Heat sa Game 6 ng NBA Finals sa iskor na 106-93 na ginanap sa Walt Disney World Resort sa Orlando, Florida noong ika-11 ng Oktubre 2020. Sa pangunguna ng star players na sina Lebron James at Anthony Davis, pinarangalan ang Lakers bilang kampeon ng 2020 NBA Finals, kasabay nito ay ang pagsungkit ng Lakers sa kanilang ika-17 na titulo sa NBA Championship. Pagtapak pa lamang sa Game 6 ng Lakers ay binaon na nila ang tyansang makaahon pa ang Heat at kanilang tinuldukan ang best of seven finals series sa iskor na 4-2.

Tinambakan agad ng Lakers ang heat sa umpisa pa lang ng laro. Abante na ang Lakers ng 28 puntos, 64-36, sa halftime pa lamang ng laro. Hindi rin nito binigyan ng pagkakataon ang Heat na makalamang at nangunguna pa rin ang Lakers hanggang sa ikatlong quarter, 87-58. Muling nakamit ng Lakers ang kampeonato matapos ang isang dekada. Ang huling pagkakataon nitong sumabak sa NBA Finals ay noong taong 2010 kasama pa ang ‘the Black Mamba’ na si Kobe Bryant. Tinanghal naman si Lebron James bilang Finals MVP sa kanyang ika-11 na paglahok sa NBA Finals. Nakapagtala ito ng 28 puntos, 14 rebounds, at 10 assists, habang si Anthony Davis naman ay

ORANGE COUNTRY REGISTER

LA Lakers Rajon Rondo (9) tumira sa ibabaw ni Miami Heat forward Jae Crowder (99) noong Game 5 ng NBA Finals Biyernes, Oktubre 9, 2020.

nakapagdagdag ng 19 points at15 rebounds para sa koponan. Sinasabing hindi naging madali ang laban ng Lakers upang makamit ang kampeonato. "It's probably been the most challenging thing I've ever done as far as a professional, as far

as committing to something and actually making it through," ani ni James. "But I'm here for one reason and one reason only, and that's to compete for a championship.” Maituturing ding makasaysayan ang NBA Finals ng taong ito dahil kahit

nasa gitna ng pandemya, matagumpay nitong natapos ang 74th season ng NBA at hindi nito binigo ang libolibong tagahanga mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

2020 PBA Philippine Cup, muling nagpasiklab 2020 PBA Philippine Cup

STANDINGS

As of November 22, 2020, 4:15 PM

PBA PH

ni Fatma Shaheen S. Hadjirul

I

pinagpatuloy na ng Philippine Basketball Association ang mga labanan sa kinakasabikang ibalik na 42nd PBA Philippine Cup noong ika-11 ng Oktubre, 2020 sa Angeles University Foundation sa Clark, Lungsod ng Pampanga matapos itong pinatigil ng pitong buwan dahil sa pandemya. Ipinahinto ang 2020 PBA Philippine Cup noong Marso 11, 2020 nang inanunsyo ng PBA Board of Governors na hindi muna matutuloy ang mga susunod na labanan upang sundin ang ipinatupad na mga panuntunan laban sa COVID – 19. Pagkaraos ng anim na buwan, ibinalita nila ang pagbabalik nito noong Setyembre 17. Tinawag nila itong PBA Bubble, hango sa NBA Bubble, kung saan

Terrence Romeo (7) ng San Miguel Beer sa laro laban ang Magnolia sa Philippine Cup noong Marso, 2020.

nakalayo ang mga manlalaro sa publiko upang mapanatili silang negatibo sa COVID – 19 habang umaarangkada ang paligsahan. Sila ay pansamantalang mananatili sa Quest Hotel, Pampanga City na siyang magsisilbing bubble ng mga manlalaro. Tig-dadalawang labanan ang magaganap bawat araw mula October 11, at inumpisahan na ang pagbabalik ng paligsahan sa maiinit na labanan ng Talk n’ Text Tropang Giga at Alaska Aces, at Barangay Ginebra San Miguel laban sa NLEX Road Warriors. Nilamangan ng TNT ng limang puntos ang Alaska, 100 – 95, kung saan nangunguna sila sa tatlong kwarter ng laro sa tulong ni Roger Pogoy na nag-ambag ng 45 na puntos sa kanilang grupo. Nag-wagi naman ang Ginebra

laban sa NLEX sa kabuoang 102 – 92 na puntos. Kasalukuyang nangunguna ang TNT KaTropa sa 12 na kuponan ng PBA na naglalaban sa Philippine Cup. Umani ng positibong reaksyon galing sa madla ang pagbabalik ng PBA Philippine Cup. Umabot ng 60,000 na manonood ang unang stream nila sa Facebook page ng One Sports, at nag-trending din ang #PBABubble sa Twitter na karamihan ay papuri kina Pogoy at Jayson Castro, isang alas na manlalaro ng Katropa. Magtatapos ang elimination round sa November 11, 2020, at mapapanood ang mga laro ng Philippine Cup sa TV5, One Sports, PBA Rush, at sa Facebook page ng One Sports at PBA. Source: Google


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook

Articles inside

ISPORTS

3min
page 14

SINAG 2020

4min
page 13

12 PANLIBANGAN

1min
page 12

DIRETSAHAN

4min
page 11

Ang Katotohanan sa New Normal sa Pambulikong Paaralan

5min
page 10

LKonektibidad sa Ibayong Seguridad: “Wag Kayong Mag-alala”

7min
page 9

ONLINE CLASSES, NAKAKASIRA RAW NG MATA

5min
page 8

Hindi ko bayani si Darna

8min
page 7

ARAW NG MGA GURO, Ginunita ng Buong Mundo

6min
page 6

Ang mga mungkahi ni Leni Robredo sa gobyerno, hindi pinansin at tinanggihan

6min
page 5

HALALAN 2020: Trump laban kay Biden

6min
page 4

Mga hotel at iba pa, balik-operasyon na

5min
page 3

Ang Matinding Paulan ng Bagyong Ofel

5min
page 2

SINAG 2020

3min
page 1
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.