5 minute read

Ang Matinding Paulan ng Bagyong Ofel

Next Article
ISPORTS

ISPORTS

Ang Matinding Paulan ng Bagyong Ofel

ni Raihana Habbi

Advertisement

Ang low pressure area sa bahagi ng Eastern Samar ay itinalang tropical depression na pinangalanang “Ofel” bandang alas kwatro ng umaga noong ika-13 ng Oktubre 2020, Martes.

Ang sentro ng tropical depression na ito ay natantiyang nasa 115 km ng silangan timog-silangan ng Guiuan, Samar, patungong hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h na may higdulang nananatiling hangin na 45 km/h malapit sa sentro at may lakas na hanggang 55 km/h.

Nilisan ng bagyong Ofel ang kalupaan ng Luzon bago magmadaling araw noong Huwebes, Oktubre 15, palabas mula sa Batangas kung saan naganap ang panlimang landfall nito. Naganap ang unang apat na landfall ng bagyong Ofel noong Miyerkules, Oktubre 14: 2:30AM sa Can-avid, Eastern Samar; 6AM sa Matnog, Sorsogon; 12PM sa Burias Island, Masbate; 7:45PM sa Torrijos, Marinduque; at 11PM sa San Juan, Batangas.

Ayon sa Department of Science and Technologymga Zamboangueños. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOSTPAGASA), patungong West Philippine Sea sa bilis ng 20 km/h ang bagyong Ofel pagkatapos nitong lisanin ang PAR o Philippine Area of Responsilibity noong ika16 ng Oktubre. Nanatili pa ring umudyok ng pag-ulan sa mga bahagi ng rehiyon ng isla. Ang southwest monsboon o hanging habagat ay nagpaulan din sa mga bahagi ng Luzon. Labindalawang probinsya ang napasailalim ng Signal No. 1 noong Miyerkules dahil sa bagyong Ofel. Maraming lugar ang binaha kaya pinag-iingat ang lahat dahil patuloy na magiging malakas ang ulan hanggang Huwebes.

Agad pinagalaw ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga koponan ng DRRM sa mga apektadong lugar. Patuloy din ang kanilang pagsusubaybay sa mga national roads at mga tulay.

Ang mga tahanan sa Cebu City ay pinasok ng baha kasunod ng malakas na pag-ulan dala ng bagyong Ofel. Naperwisyo ang iilang motorista dahil sa mga kalsada na tila naging ilog. Istranded ang ibang residente sa gilid ng mga establisyemento, ayaw lumusong sa baha dahil sa mga posibleng sakit na maaaring makuha mula rito. May mga kabataan pang nagkukumpulan nang walang suot na personal protective equipment na wari nakaligtaan na ang banta ng COVID-19.

Nagmistulang ilog din ang kalsada sa Cotabato, sabay ng paglumo ng mga magsasaka dahil sa mga taniman ng palay na nasira ng baha. Ganoon din ang epekto ng matinding baha sa mga taniman sa Sultan Kudarat. Bukod dito, naging problema rin ng mga residente ang kanilang matutulugan dahil abot hanggang binti ang baha sa kanilang lugar. Tumaas din ang lebel ng tubig sa Maguindanao kaya’t pinanhilutan ng lokal na pamahalaan ang mga residente na nakatira sa gilid ng ilog at mga mabababang lugar na lumikas kasunod ng baha.

Humigit 5,844 ang bilang ng pamilya o 26,685 na katao ang apektado sa 95 na barangay sa Rehiyon CALABARZON, V, at VII, ayon sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Samantalang pitong pamilya o 40 na katao naman ang kasalukuyang nananatili sa kanilang mga kamag-anak o mga kaibigan mula sa Rehiyon VII. Bilang karagdagan, may kabuuang 1,405 na pamilya o 5,023 na katao ang nanatili sa 89 na evacuation center sa Rehiyon V at CALABARZON. Ang mga pamilyang ito ay nakauwi na ngayon. Hindi maitatanggi na dahil sa banta ng COVID-19, hindi kaagad naasikaso ang pagtanggap ng mga evacuees dahil kailangan magpatupad ng mga protokol ang mga awtoridad. Dahil sa pagguho ng lupa at malakas na pag-ulan na dala ng bagyong Ofel, 11 na kalsada at apat na tulay ang hindi madaanan—na pagkatapos ng bagyo ay bukas na. Pito na mga munisipalidad naman sa bahagi ng CALABARZON at MIMAROPA ang nakaranas ng power interruption noong Miyerkules. Humupa naman ang mga bahang abot binti sa iilang probinsya ng Laguna at Quezon noong palabas na ang bagyong Ofel sa PAR. Nakawasak ng sumatotal na pitong mga bahay ang bagyo sa Madaue City, Cebu. Bukod dito, nakakahalaga na ₱1,346,097.90 ang pinsalang dala ng bagyo sa agrikulturang sektor sa iilang probinsya ng Batangas at Quezon (CALABARZON), at Negros Occidental (Rehiyon VI). Ang bagyong Ofel ang ika-15 na tropical cyclone na pumasok sa PAR ngayong taon at ang pangalawa sa buwan na ito pagkatapos ng bagyong Nika na isang tropical storm. Ang Pilipinas ay nagkakaroon ng humigit 20 tropical cyclones taun-taon. Ayon sa PAGASA, inaasahan ang mas maraming pagulan sa mga darating na buwan dahil sa

Pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Zamboanga, nagdulot ng alarma sa lungsod

Ni Mickaella Joyce Y. Dumayag

Pitong buwan nang pagsisimula ng La Niña.

Ang pagtaas ng pang-araw-araw na naiuulat na mga kaso ng COVID-19 sa lungsod ay nagsimula noong Oktubre 4, kung saan may naitalang 22 kaso. Sa sumunod na araw, Oktubre 5, ang naiulat na kaso ay tumaas ng 34, at umabot na nga ito ng 92 noong Oktubre 9, ang pinakamataas na naitalang bilang mula noong Marso, batay sa Zamboanga City COVID-19 Tracker.

Batay sa datos noong Oktubre 30, 2,827 na ang kabuuang kumpirmang kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan 110 ang nasawi, 2,034 ang nakarekober, at may 683 pang aktibong kaso. Inilahad ng City Health Officer na si Dr. Dulce Maravite sa isang livestream noong Oktubre 27 na ang mga kaso ng COVID-19 sa lungsod ay patuloy pang tumataas. Ang pangunahing sanhi umano ng mabilis na pagtaas ng mga kaso ay ang community transmission.

Dahil sa biglaang pagtaas ng mga kaso sa lungsod, naglabas si Climaco ng Executive Order 6072020 na nagpatibay sa Executive Order 595-2020 na nagamyenda sa Modified General Community Quarantine sa lungsod at nagbibigay ng mga karagdagang alituntunin para dito. Ang EO 595-2020 ay dati nang nagbigay ng ilang mga paghihigpit alinsunod sa mga alituntunin ng NIATF.

Sa kabilang banda, pinalawak ng EO 607-2020 ang mga probisyon nito, mga probisyon nito, tulad ng mga oras ng curfew mula alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng umaga; pagkansela ng mga pagdiriwang panglungsod at pampamahalaan, mga parties, anibersaryo at iba pang pagdiriwang hanggang Disyembre 31, 2020; liquor ban sa Lunes hanggang Linggo; mahigpit na pagbabawal sa videoke at karaoke sa loob ng pribadong pag-aari dahil sa online class ng mga mag-aaral; at maari lamang lumabas upang bumili ng mga kinakailangan tulad ng pagkain at medisina.

Sinabi rin ni Climaco sa kanyang live stream noong Oktubre 27 na “We really have to exert our best efforts to bring down the number of COVID cases, otherwise, Zamboanga City will have to be under stricter measures.” Paalala rin ng alkalde, “The COVID-19 threat continues to present serious danger to each and every resident of Zamboanga if measures are not taken to stop the transmission. Tiene Cuidao by following all safety and health proto cols is our constant call for your and your family’s safety as well as that of our community and our city.”

Sa panahon ng pandemya, ang pagsunod sa mga pangunahing mga protocol ay ang pinakamahusay na magagawa ng sinuman upang makatulong na mabawasan ang pagkalat ng COVID-19. Ang kooperasyon at suporta mula sa lahat ay ang pinakamahusay na sandata upang malabanan natin ang banta ng COVID-19.

COVID-19 UPDATES As of November 06, 2020

Active Cases 550

Recovered 2 320

Deaths 121

Total Confirmed Cases 2 991

This article is from: