4 minute read

SINAG 2020

Next Article
12 PANLIBANGAN

12 PANLIBANGAN

BINGE WATCHER’S

Gabay sa mga Amerikanong Serye at K-drama

Advertisement

ni Ayana Dawn Atis at James Hamoy

Palapit na ang katapusan ng taong 2020 at marahil ay inip na inip na ang ating mga mambabasa sa dahilang hindi matapos-tapos ang pandemyang COVID-19. Lagpas walong buwan na ang nakalipas mula nang nagsimula ang buong sangkatauhan mag-quarantine at tiyak na masasabi ng karamihan na napanood na nila ang lahat ng Amerikanong Serye o K-Drama na pwedeng panoorin. Sa kabutihang palad, ang talaang ito ay naglalaman ng mga underdogs ng telebisyon, mga seryeng hindi kasing-popular ng mga rekomendasyong makikita sa Netflix o mga social media. Sa katunayan, maaaring naglalaman ang talaang ito ng mga aytem na hindi pamilyar, gayunpaman ang mga ito ay siguradong binge-worthy.

Because This is My First Life (2017)

Bilang simula, ang simple at matamis na seryeng ito ay tumatalakay sa malaking pagkakaiba ng dating at pag-aasawa sa isang sariwa at relatableng paraan. Lahat ng supporting characters ay mayroon ding mga kagiliw-giliw na mga plot na nagpapaintindi sa manonood at mapapatanto kung ano talaga ang pure love. Ang mga repleksyon sa bawat episode ay nakakapag-antig ng damdamin. Mayroon itong maganda at mahusay na pagsulat ng script na puno ng mga linya ng tula na nakakamulat at makatotohanan. Sa panonood ng Because This is my First Life, ang manonood ay mabibigyan ng pakiramdam na para bagang mayroong mentor o gabay sa buhay at mga desisyon na kabilang rito. Ang soundtrack na ginamit ay magaganda at perpektong naitutugma sa bawat eksena–saan ang bawat sandal ay parehong nakakaiyak at nakakatawa. Ang K-drama na ito ay para sa mga “oldies” na napanood at nagustuhan ang Full House. Kung iyo itong nagustuhan, inirerekomenda ang mga sumusunod: Something about that 1%, Radio Romance at The Beauty Inside. Big Little Lies (2017 - kasalukuyan) Ang Big Little Lies ay isang HBO original series tungkol sa isang trio ng mga ina ng preschoolers, Madeline, Celeste, at Jane. Yayanigin nito ng misteryo na nagsisimula sa isang maliit na kasinungalingan na magpapabungad ng isang serye ng mga pangyayari na magbubukas ng isang can of worms at kalaunan ay magtatapos sa isang pagpatay. Ang 7-episode na seryeng ito ay magpapalabo ng agwat sa pagitan ng seks at karahasan bilang karagdagan sa kasinungalingan, pagtaksil, at pandaraya. Gayunman, ang manonood ay mapupunta sa reyalisasyon na ang Big Little Lies ay isang testamento sa puwersa ng konseptong women supporting women. Itinatampok sa seryeng ito ang isang nakakalulon na screenplay at ang kahusayan sa pag-arte ng mga aktres na sina Reese Witherspoon, Nicole Kidman, at Shailene Woodley ng Divergent Film Series. Kung iyong nagustuhan ang Big Little Lies, maaaring iyo ring magugustuhan ang The Morning Show (2020) at Little Fires Everywhere (2020). Kaunting kaalaman: ang tatlong serye na nabanggit sa aytem na ito ay kabilang sa mga proyektong gawa ng Hello Sunshine, isang production company na itinatag ng aktres na si Reese Witherspoon. The Haunting of Hill House (2018) When you’re little, you learn to see things that aren’t there and when you grow up, you learn how to make them real. Sa mga hindi pa nakakapanood, ang seryeng The Haunting of Hill House ay isang horror-drama Netflix original base sa supernatural novel ng parehong pangalan na isinulat ni Shirley Jackson. Maliban sa pagiging isang ghost story, ang serye na ito ay isa ring family drama. Ngunit ang pamilyang Crain ay hindi tulad ng ibang mga pamilya; sila’y kakaiba dahil sa saan sila lumaki – Hill House. Ang plot ay sumasalit-salit sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan. Sinusundan ng serye ang limang adultong magkakapatid, ang bawat isa ay minumulto ng mga paranormal na pangyayari noong pagkabata nila sa Hill House. Sa kabila ng insomnia na iyong mararanasan dahil sa bent-neck lady, ang The Haunting of Hill House ay magpapa-intriga ng mga manonood mula sa simula pa lamang. Habang dumarami ang natutuklasang mga sagot sa mga misteryong pumapalibot sa Hill House, pahirap ng pahirap ang pagtigil sa panonood. Lalo na at ang Netflix Original na ito ay nakatanggap ng papuri mula sa mga kritiko para sa paghatid ng isang “effective ghost story” sa pamamagitan ng mahusay na pag-arte, pagdirekta, at production values. Kung iyong nagustuhan ang The Haunting of Hill House, maaaring iyo ring magugustuhan ang pangalawang installment ng The Haunting Anthology, ang The Haunting of Bly Manor (2020). Mr. Sunshine (2018) Walang duda na nakakawindang ang pamagat ng seryeng ito, ngunit ang K-drama na ito ay humihikayat ng “chef’s kiss.” Hinubog ng mga tanyag na mga karakter, walang kapantay na salaysay at kaakit-akit na cinematography, ang Mr. Sunshine ay nag-aalab sa pambihirang kwento ng pag-ibig, pagkakaibigan at pagkamakabayan. Inaaming ang unang episode ay nakaka-overload, ngunit sa sandaling makuha ang kabuluhan nito, susunod ang lahat. Maaaring mag-apela ang Mr. Sunshine sa mga piling madla na partikular sa mga may gusto ng mga kwentong itinakda sa tradisyunal na panahon. Subalit isa itong drama, na masidhing inirerekumenda, isinasaalang-alang nito ang halaga ng kasaysayan sa pagsasalaysay ng kwento, napakahusay na cast, at pangkalahatang paggawa ng serye. Gustuhin mang ipagkasya ang lahat ng mga underrated na Amerikanong serye at K-drama sa talaang ito, masyado na itong mahaba. Sa dahilang ito, ang sumusunod ay mga honourable mentions na hindi napabilang sa itaas na pahayag: Chicago Typewriter (2017), Glee (2009-2016), Buffy the Vampire Slayer (1997-2003), Queer Eye (2018-kasalukuyan), Reply Series (2012), at W (2016). Inaasahang ang talaang ito ay makapagbigay ng mga nakakatutulong na rekomendasyon sa mga mambabasa.

This article is from: