8 minute read
Hindi ko bayani si Darna
ni Nicole M. Gagula
Nitong nakaraang mga buwan ay nagviral ang mga litrato ng sikat na kapamilya aktres na si Angel Locsin. Ang aktres ay kilala sa kaniyang mga natatanging mga papel na ginampanan sa drama at pelikula. Isa na nga rito ay ang kaniyang natatanging pagganap bilang Darna–ang Filipino Superhero na nagmula sa imahinasyon ng mahusay na Filipinokomiks legend na si Mars Ravelos. Si Darna ay sumalamin sa haraya ng bawat Filipino na magkaroon ng matapang na tagapagtanggol na may busilak na puso, at handang ialay ang kaniyang buhay para sa ikabubuti ng sambayanan. Natapos man sa taong 2005 ang pagganap ni Angel bilang Darna, hindi maipagkakaila na patuloy na ginampanan ng aktres ang pagiging superhero sa totoong buhay. Maraming namangha sa pagsasabuhay ng aktres kay Darna sa pamamagitan ng kaniyang malaking kontribusyon sa pagtulong sa ating mga kababayang apektado ng pandemiya. Gayunpaman, ang rason sa likod ng pagviral ng mga litrato ng aktres ay hindi dahil sa kaniyang mga naiambag sa pagpapabuti ng bansa, kung hindi ang naturang weight gain nito.
Advertisement
Maraming netizens naman na sumusuporta kay Angel ang mabilis na rumesponde sa mga body shamers. Gayon na rin ang kaniyang mga malalapit na kaibigan sa industriya. Hindi rin pinalampas ng aktres ang mga body shamers at direktang call-out ang ipinahayag nito sa isang interbyu. “Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to. E ikaw ba, okay ka ba?,” ang mga salitang binitawan ng aktres sa mga netizens na pumupuna sa kaniyang weight gain. Bagama’t hindi na bago ang naging transpormasyon ng katawan ng aktres, tila nakahahanap pa rin ang mga netizens ng kanilang maipupuna sa bawat paglitaw ng mga litrato nito sa social media. Nakapagtataka, na sa halip ang pilantropiya ng aktres ang dapat bigyang paghanga at atensyon, katawan at anyo lamang niya ang gustong pag-usapan ng lipunan.
Ang stigma sa katabaan o fatphobia ay isa sa mga napapanahong sosyal isyu na madalas hindi binibigyang kamalayan. Kalimitang nakasuklob sa anyo ng mga biro at kunwaring pagmamalasakit ang mga masasakit na mga puna sa anyo at katawan ng isang indibidwal. Sa mas malawak na perspektibo, hindi lamang ang mga overweight o obese ang nagiging biktima ng body shaming, hindi rin pinapalampas ng kritikal na lipunan ang mga skinny at underweight. Nararanasan din ito ng mga tao anuman ang oryentasyong pansekwal. Ayon sa World Health Orgnanization, ang weight bias o body shaming ay ang kolektibong antipatiya ng lipunan sa mga indibidwal na kinonkonsiderang hindi normal ang hubog o laki ng mga katawan. Kahit ang body shaming ay nararanasan ng lahat ng tao, mapataba o mapapayat, hindi maikakaila na mas malaki ang pagkamuhi na natatanggap ng mga overweight at obese dahil sa kanilang mga hitsura. Kung ang pagtaba ay normal lamang, bakit ‘tila pinaguusapan pa rin sa social media ang mga kagyat na transpormasyon ng mga katawan ng mga artista? Bakit ‘tila kailangan pa rin magbigay ng opinyon sa katawan ng iba? Bakit patuloy nating iniiisip na kailangan nating batiin ng isang “congratulations” ang mga kakilala nating “naka-alis” sa pagiging mataba?
Namulat ako sa isang mundo kung saan ang mga kagaya ko ay walang lugar sa showbiz at fashion industry. Kami ang mga nakatatawang bespren o mga nakatatawang extra. Mailap sa mga palabas at pelikula ang mga indibidwal na sumasalamin sa realidad ng anyo at hubog ng isang tao–yaong sakto lamang ang katawan, pango, o di kaya’y mga kayumanggi. Sa aking paglaki, napaligiran ako ng mga babaeng nasa screens, at magazines, mga babaeng kasalungat ko sa anyo at hitsura–yaong sexy at may balinkinitang katawan, matatangos ang ilong, at mga mestisa. Gayunpaman, ang realidad kong ito ay hindi kailanman nagpaisip sa akin na kalaban ko ang mga babaeng hindi ko katulad. Sapagkat aking nabatid, na lahat kami ay biktima lamang ng lipunan na ninanais lamang kaming makipagkompetensya sa isa’t-isa. Sa aking mga mata, si Darna ay isa sa mga taong mas nagpalakas ng mga pamantayang pumupuna at humuhusga sa mga kagaya naming mga extra-large at mga extra-small. Hindi kailanman naisalamin ng isang Darna ang paghihirap ng kaniyang mga kapwang babaeng naging biktima ng body shaming. Sapagkat ang bayaning ito, ay isa pa ring likha ng ideyalisasyong kahanga-hanga lamang ang isang babae kapag siya ay nakatutulong sa kaniyang kapwa, at sa parehong pagkakataon ay nagsisilbing pantasiya ng mga kalalakihan. Ang kakalasan ng storya ni Angel bilang Darna ay sa puntong ang aktres na mismo ang naging totoong superhero higit pa sa bayani na nagmula sa mundo ng komiks. Kung iisipin, isa si Angel sa mga iilang nakapala ng magandang pakikitungo ng lipunan sapagkat ‘pasok’ siya sa pamantayan ng kagandahan na ibinabalandra ng mismong industriya at social media. Gayunpaman, sa kaniyang kasulukuyang transpormasiyon, naging imahe ang aktres ng body positivity, at pagpapalakas ng mensaheng walang karapatan ang sinuman na pumuna at maging kritikal sa katawan ng iba. Naimumungkahi rin ng pagkilos na ito na posibleng maging mapagmahal sa ating sariling mga katawan, kasabay ng paniniguradong tayo ay nagsusumikap na patuloy na mas mapabuti ang ating kalagayan at kalusugan.
Ang body shaming ay maiuugat sa napakaraming salik ng lipunan at iba pang aspekto. Nakapanlulumong isipin na ang mga naging biktima pa nito ang parating mas inaasahang umintindi sa tita na binabalaan siya sa labis na pagkuha ng pagkain sa mesa tuwing selebrasyon, sa kaibigang laman ng mga biro at tukso ay ang kaniyang masikip na uniporme at pantalon, at sa lipunang walang ginawa kung hindi ipagkait sa kaniya ang pagtanggap at representasyon. Isa si Angel sa mga babaeng patuloy na sinisigaw na hindi kailanman limitado sa laki ng panty at bra ang aming pakinabang at ambag sa lipunan. Tanging hiling ko lamang na sa bawat pag-heart at retweet mo na kahanga-hanga pa rin si Angel Locsin sa kahit anumang sukat, nawa’y ito rin ang suporta at pagmamahal na natatanggap ng mga pamilya at mga taong malapit sa ‘yo na kinikilala ang kanilang sariling karanasan katugma ng kay Angel Locsin. Hindi ko naging bayani si Darna sa aking pagkabata, hindi ko bayani si Darna kahit ngayon ako’y may mulat na, sapagkat bayani ko ang mga katulad ni Angel, bayani ko ang mga totoo at makatotohonang mga kababaihang patuloy na lumilikha ng lugar at puwang para sa mga kagaya ko at kapwang kababaihan sa mundong ito.
Mananatili sa Aking Paso
ni Chrizelle Jane R. Sicat
Sa gitna ng kalungkutan na dala ng pandemya sa atin, nakatulalang nagmamasid sa kapaligiran nang mahagip ng iyong mga mata ang kagandahan ng mga halaman. At sa mga sandaling iyon, napahanga ka sa kulay, hugis at sa bawat pag-usbong nito na hindi mo mawari ang iyong nararamdaman; ganon pa man, ito ay nagdala ng tuwa at kaligayahan, hangga’t nakita na rumesponde sa mga body shamers. Gayon na rin ang kaniyang mga malalapit na kaibigan sa industriya. Hindi rin pinalampas ng aktres ang mga body shamers at direktang call-out ang ipinahayag nito sa isang interbyu. “Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to. E ikaw ba, okay ka ba?,” ang mga salitang binitawan ng aktres sa mga netizens na pumupuna sa kaniyang weight gain. Bagama’t hindi na bago ang naging transpormasyon ng katawan ng aktres, tila nakahahanap pa rin ang mga netizens ng kanilang maipupuna sa bawat paglitaw ng mga litrato nito sa social media. Nakapagtataka, na sa halip ang pilantropiya ng aktres ang dapat bigyang paghanga at atensyon, katawan at anyo lamang niya ang gustong pagusapan ng lipunan.
Sa kalagitnaan ng pagpapalitan ng mga Ficus elastica, Epipremnum aureum, Thaumatophyllum bipinnatifidum, at kung anu-ano pang pilipit-dila na nagpaparamdam sa’tin na tayo’y mga mahuhusay na botanista. Aminin man natin o hindi, karamihan sa’tin ay nalulong na sa pagtatanim ng pambihirang mga halaman; maging halamang ornamental man ito o halamang gulay, siguradong higit sa payag pa tayong gumastos para sa ating lumalagong mga kaibigan. Ngunit bakit nga ba biglang napauso ang pagtatanim ngayon? Marahil dahil sa oras na mayroon tayo habang nasa pandemua, ay nakapaghanap tayo ng bagong hilig at interes; o baka naman dahil sa mga artistang nagpapatunay bilang mga plantito at plantita na tayo’y sumabay sa uso at nagsimulang bumili ng mga paso, lupa at iba’t-ibang mga pagpapataba at kagamitan hinggil sa pagtatanim. Malinaw na tayo’y naaaliw sa kalakarang ito, bukod sa ito’y panterapeutika raw, mayroon rin namang mga ibang nabigyan ng pagkakataong maghanapbuhay… sa ‘di inaasahang paraan.
Alam nating lahat ang epektong naidulot ng pandemya sa mga mamamayan, gaya ng kawalan ng trabaho, negosyo, pamumuhunan at iba pang mga pangyayaring kapus-palad. Dahil dito, maraming krimen ang nangyayari, isa na dito ang pagnanakaw. Ang kanilang pangunahing pakay? Mga halaman. Sa dinami-daming prediksyon tungkol sa pandemya, sino ba naman ang mag-aakala na ang mga halaman ay aabot sa presyo ng isang mamahaling alahas? Kung tutuusin, hindi naman ito isang pangangailangan, ngunit nakikita nga natin sa bawat sulok ng mundo, tulad ng nasa kabilang bahay. Ngayong uso ang mga indoor planting at gardening at nagsusulputan ang mga plantito at plantita, napag-isipan ng mga Pinoy ang mang-umit ng mga halaman na maaaring nakatanghal sa mga tarangkahan, sa mga balkonahe o mistulang nag-shoshopping sa mga tindahan ng halaman nang walang nakakaalam—isang bagong talentong nakamtan. Ngunit hindi ito nagtatapos dito; bukod sa pagnanakaw sa mga bahay, mayroon ding nagaganap sa mga kagubatan na kung saan ay pinuputol nila ang mga halamang “mamahalin” sa merkado tulad ng Fiddel Leaf Tree, Rubber Plant at ang Monstera deliciosa na ikinababaliwan ng madla. Ang mga ito ay humugit-kumulang sa halangang 2,500 pesos hanggang 15,000 pesos, depende sa laki; kaya nama’t maraming gustong kumita dahil sa dumadaming mga mamimili.
Sa kabila ng pagpapakahirap ng bawat plantito at plantita na palaguin ang kanilang mga minamahal na halaman, dulot ay sakit sa puso ng sa isang iglap, ito ay naglaho; hiling nila na sana’y ang kanilang mga halaman ay mananatili sa kanilang mga paso. Maraming paraan kung paano mabuhay sa gitna ng pandemya, ngunit ang pagnanakaw ay hindi isa sa mga ito. Tayo’y magtulungan sa pandemya, sabay-sabay nating pabigatin ang ating mga paso at ipagpatuloy ang pagpapasaya ng puso.