Labaw Donggon Script - ENTABLADO

Page 1



LABAW DONGGON Ang Banog ng Sanlibutan ni Nicanor G. Tiongson



introduction According to Joseph Campbell (1959), “any myth or rite [may be seen] either as a clue to what may be permanent or universal in human nature (in which case our emphasis will be psychological, or perhaps even metaphysical), or, on the other hand, as a function of the local scene, the landscape, the history, and the sociology of the folk concerned (in which case our approach will be ethnological or historical).” As universal tale, a myth will eventually reveal itself as but one expression of the “monomyth”, which appears and reappears as the ur-narrative of a wealth of stories created by humans from Asia to America, from the oral narratives told by the caveman to the Star Wars series of our times. When treated as such, a myth can express “truths” which transcend time and space and convey meanings to any society in any historical era. As ethnic story, the myth would be rooted in a specific period and locale, shaped by the values and reflective of the material and non-material culture of a given ethnos. As such it must be read primarily as a tale woven by the artists of a people, which usually performs definite functions for that society, whether these be to teach and affirm custom law, or to identify and condemn tribal enemies, or to rationalize the economic, political or social systems of the tribe. The epic of Labaw Donggon is one of a cycle of epics that have been recorded among the Panay Bukidnon, the Kinaray-a speaking people who have been living for centuries on the mountains on the borders of Iloilo and Aklan provinces of Panay Island in Central Philippines. As such the long chanted narrative reflects the material culture of that ethnic group (their clothes, houses, tools and utensils, vessels of transport, among others), their nonmaterial culture (especially their gods and heroes, the creatures of the upper, middle and under worlds, their talismans and potions), their flora and fauna (notably, the banog and other local birds, the plants commonly used for rituals) and their customs (relating to birth, courtship, wedding, and death). Among such customs is that of polygyny which is permitted among well-to-do males, who gain prestige in the community from maintaining more than one wife. In adapting the epic of Labaw Donggon for the contemporary stage and what I believe will be a more gender-sensitive urban audience, I felt that I had to look beyond the ethnic character of the story and instead focus on it as an expression of universal myth. In that way, the script would be able to prescind


from, or better still transcend, the particularities of custom law which are ethnos-specific and may not be relevant or acceptable to other audiences. Thus liberated from the expectations and strictures of the concrete, the script could then proceed to the level of the “metaphysical” by rereading the epic as an allegory of primordial icons and symbols. Viewed as an universal myth, the epic of Labaw Donggon dramatizes the age-old journey of a hero whose mission is to restore the order in the cosmos that has been shattered by greed, envy, lust, ambition, and other vices of the unfettered Ego. As in the monomyth, the hero must therefore undergo an ordeal of suffering and pain to cleanse himself and attain power to achieve what Destiny has decreed for him. In the Panay Bukidnon story, the hero Labaw Donggon is defeated by the monster Saragnayan and imprisoned in a pigpen for many, many years so that his soul may be purified. After that he becomes worthy enough to marry the goddess of the spirit world, who completes the “triumfeminate” of the goddesses of the underworld and the middle world. In the spirit of going beyond the ethnic in favour of the universal and the now, the play is cast in the genre of the modern musical drama, using the material created by the Panay Bukidnon as inspiration for contemporary artistic expression in the aural and visual medium of the theatre. Here the songs and dances derive from Panay Bukidnon musical and dance forms (especially the binanog) and are mainly responsible for dramatizing the narrative, identifying characters, and expressing the thoughts and emotions of the individual characters and chorus. In a similar vein, the fantasy sets are based on the mythological world of the Panay Bukidnon, while the highly imaginative costumes and props are inspired by the present and past costumes of the Panay Bukidnon and the ancient Bisayans as depicted in the Boxer Codex and other historical accounts from the 16th to the 19th centuries. In interpreting the Panay epic as universal myth using very contemporary, even experimental, musical compositions, choreography, and design based on Panay Bukidnon culture, this musical drama reaffirms Labaw Donggon as an important opus in the canon of world mythology, even as it hopefully makes the ancient epic intelligible, relevant, and “fun” for the cyberspace generation. In creating this version of the Panay epic, the writer is indebted to the major scholars of Panay Bukidnon culture. The main text used for the story of Labaw Donggon was F. Landa Jocano’s classic The Epic of Labaw Donggon (University of the Philippine Press, 1965). Supplementary texts were those of the “Hinilawod” in Bienvenido Lumbera’s Filipinos Writing: Philippine Literature from the Regions (Anvil Publications, 2001) and ________________. The sources for the material and non-material culture of the Sulod or Panay Bukidnon were : F. Landa Jocano’s Sulod Society (University of the 6


Philippines Press, 1968), Alicia P. Magos’ The Enduring Ma-aram Tradition (New Day Publishers, 1992), and Ma. Christine Muyco’s unpublished Ph.D. dissertation “Sibud in the Understanding of the Binanog: A Music-dance Tradition of the Panay Bukidnon” (University of the Philippines-Diliman, 2007). The principal sources used for the mythological studies were Joseph Campbell’s The Masks of God: Primitive Mythology (Viking Press, 1959) and The Power of Myth (Doubleday, 1988) and Gilda Cordero-Fernando’s The Soul Book (GCF Books, 1991).


MATAN-AYON

GINBITINAN

ASU MANGGA

LAUNSINA

HUMADAPNON

SARAGNAYAN

BARANUGUN

DORONOON

DUMALAPDAP

PAUBARI

MAKA-AKO

LABAW DONGGON

NAGMALITUNG YAWA SINAGMALING DIWATA


Labaw Donggon: Ang Banog ng Sanlibutan A Musical Drama Adaptation of the Epic of Labaw Donggon


ACT I SCENE 1.

ALITAN SA SANLIBUTAN

(Lalabas si Maka-Ako, bathalang maykapal, mula sa tuktok ng pitong palapag ng Sanlibutan, na sinasaklaw ng tatlong kaharian. Sakop ng Kaharian ng Kailaliman ang palapag ng pusikit na kawalan na walang laman, ang palapag ng sirena, ahas at buwaya, at palapag ng lamanlupa sa ilalim ng lupa. Ang Kaharian sa Kalagitnaan ang tirahan ng tao at iba’t ibang engkanto. Sakop naman ng Kaharian sa Kaitaasan ang palapag ng panganorin na liparan ng kabayong may pakpak, ang palapag ng mga anghel, banal, at anitong nuno ng mga babaylan, at ang palapag ng kalangitan na tahanan ni Maka-Ako. Habang bumababa si Maka-Ako sa bawat kaharian ay mag-iilaw ang mga ito: dilaw sa Kaitaasan, pula sa Kalagitnaan, at asul sa Kailaliman. Makikita ang bangayan sa bawat kaharian, at sa pagitan ng mga kaharian.) MAKA-AKO

:

AWIT NI MAKA-AKO Ako si Maka-Ako Bathalang maykapal Ng pitong palapag Nitong Sanlibutan. Ako ngayo’y nababagabag Pagkat ang tatlong kaharian Walang habas na nag-iiringan Ayaw pumayapa sa kinalalagyan. Pilit pinag-iimbutan Ang sa kapwa na di kanila Sinapian ng imbing pagnanasa Sanhi ng takot at pangamba.

(Tatapat sa Kaharian ng Kailaliman) Sirena, ahas at buwaya At pati mga lamanlupa Sa Kailaliman nakatira Walang sawang nagbabaka. (Tatapat sa Kaharian ng Kalagitnaan)

10

Sa gitna’y nagbabangayan Mga taong ubod ng kasakiman At mga engkantong nagbabantay Sa mayamang kalikasan.



(Tatapat sa Kaharian ng Kaitaasan) Ilalim man o gitna Ay kapwa naiinggit Sa banal, anghel, at anitong Nananahimik sa langit. (Babalik si Maka-Ako sa tuktok ng Sanlibutan. Sa kalagitnaan lalabas sina Diwata Launsina at Datu Paubari. Ang susunod na sasabihin ni Maka-Ako ay ipapakita sa mime at sayaw.) MAKA-AKO

:

Kaya ako ngayo’y nagpasiya Inaatasan kita, Launsinang diwata Makipag-isang dibdib sa isang taga-lupa Si Datu Paubari, pinunong dakila. Sa pagsasama ninyo’y uusbong Humadapnon, Dumalapdap, Labaw Donggon Pagkasilang agad lalaki, tatayog Magiging mandirigmang bantog. Sa tatlo’y si Labaw Donggon Ang nahirang kong manunubos Susuungin ang maraming unos Upang maging pinunong lubos. Kaya, diwata ng bukang liwayway Gabayan si Labaw, sundin ang atas Upang mabalik sa tatlong kaharian Tunay na pagkakapatiran.

(Babalik si Maka-Ako sa Kalangitan. Black out.)

12



SCENE 2.

TAKDA NG TADHANA

(Sa isang malaking bahay, binibihisan ni Launsina ang anak na si Labaw Donggon, na maglalakbay upang ligawan si Abyang Ginbitinan, diwata ng Kalagitnaan, na kilala sa kanyang kagandahan. Ang ritwal ng pagbibihis ay ritwal ng paggawad ng gayuma kay Labaw, na ayon kay Launsina, ay itinakda na maging pinuno ng tatlong nag-aaway na kaharian. Ang mga damit na isusuot ay sagisag ng tatlong kaharian.) LAUNSINA

:

AWIT NG PAGBIBIHIS Isuot ang patadiong Na abot hanggang paa At ang barong itim Na masinsin ang burda. Sa leeg nakaligid Mga silahis ng araw Sinalitan ng pakpak-lawing Sagisag ng Kaitaasan. Sa dibdib namumukadkad Dahon ng pako, bulaklak ng labog Nabubuhay sa Kalagitnaan Sa lupang sagana sa hamog. Sa laylayan gumagapang Ang ahas na makamandag At mga ngipin ng buwayang Naglipana sa Kailaliman. Itali sa ulo ang putong na pula Kumakalansing sa lawit na pilak Ibuhol sa harap ang bigkis Na bahaghari ang kulay.

(Tatayo si Labaw Donggon, matipuno at makisig.) LABAW

DONGGON

:

Masdan, Iloy ko, dinggin ninyong madla Ako si Labaw Donggon, isang mandirigma Nabibihisan na ng mga gayuma Handang tumupad sa kanyang tadhana.

(Habang umaawit si Launsina, ibibigay ang sibat at kalasag sa kanya, at gagalaw siya sa estilo ng arnis, at saka sasayaw na tulad ng banog.) 14



LAUNSINA

:

Tadhana mo, anak, ang lumipad Tulad ng banog sa Kaitaasan Umahon sa putik ng abang pagnanasa Umakyat sa rurok ng busilak na kalayaan. Ikaw ang itinakdang magbuklod Sa tatlong nahahating kaharian Kung kaya’t dapat sa iyo mapisan Ang pitong gintong katangian. Matapang tulad ng agila Mapagkumbaba tulad ng pugo Matatag tulad ng kalaw Paham tulad ng kuwago. Maliksi tulad ng tikling Busilak tulad ng tagak Maamo tulad ng kalapati Ang banog ay pinunong uliran.

LABAW

DONGGON

:

Ina ay di ko pa mawatasan Lahat ng isinasaysay Ngunit sa ngayo’y paalam Hahanapin ko ang aking kapalaran.

(Magsisimula na siyang maglakbay.) Sa himaymay ng aking baywang Apoy ng dugo’y ibig magliyab Ang ninanasa’y binukot na dilag Sa dulo ng Halawod, si Abyang Ginbitinan. (Black out.)

16



SCENE 3.

SI MANALUNTAD, BANTAY NG HALAWOD

(Pagdating ni Labaw Donggon sa bunganga ng Handog sa Ilog Halawod, makikita niya ang isang higanteng nag-uugoy ng sarili sa malaking duyan. Ito si Manaluntad, ang kapre na bantay sa pinto ng Kaharian ni Abyang Ginbitinan. Nananabako ang kapre, na may ulong kabayo, katawan ng tao, at paa ng kabayo. Gabi na at tahimik na nagpapahinga ang kapre. Makikita niya si Labaw Donggon pero hindi niya ito papansinin. Kakalabitin siya ni Labaw Donggon.) LABAW

DONGGON

:

Ginoo’y mawalang galang na po Mangyaring dinggin yaring katanungan Saan ko po kaya masisilayan Si Abyang Ginbitinan, ng umagang liwanag.

MANALUNTAD : (Maiinis, duduruin si Labaw Donggon)

Aba’t taong ito’y tila may kabastusan Di mo ba nakikitang ako’y nagpapahingalay?

LABAW

:

Pasensiya na po’t ika’y naabala Lumalalim ang gabi, pagod ko ay sukdulan Isang buwang singkad na akong naglalakbay Pawis ay tumatagaktak sa buong katawan.

MANALUNTAD

:

Umalis ka ngayon din, alis na buwisit Batang paslit, huwag ka sanang makulit.

LABAW

:

Ako’y di aalis hanggang di nakikita Dilag na nasilip sa kristal na bola Siya’y sa duyan nakahimlay mag-isa Sa buong pulo dikit ay walang kapara.

MANALUNTAD : (Kukutyain si Labaw Donggon)

Ang totoo niyan ika’y namamalikmata Hindi si Ginbitinan ang iyong nakita Kundi ang timyas ng bilog ko’t ganda Hindi mo ba ako nakikilala?

DONGGON

DONGGON

(Tatawa si Manaluntad) LABAW

18

DONGGON

:

Huwag kang magbiro, kapreng maangot Na pinaglihi sa sampong bangungot Magsabi ng totoo, tuwirin ang sagot Kundi’y kampilan ko, sa iyo’y lalagot.



MANALUNTAD

:

Ang yabang mo’y suko hanggang langit Tikman mo ngayon ang tindi ng aking galit.

(Maglalaban ang dalawa. Gamit ni Labaw Donggon ang kampilan. Dadami ang paa ni Manaluntad at paliligiran si Labaw Donggon. Makakaiwas si Labaw Donggon at isa-isa niyang mapuputol ang mga paa ng halimaw. Tatakas si Manaluntad na parang kabayong humahalinghing sa sugat na tinamo. Sa bandang likod ay masusulyapan ni Labaw Donggon ang tunay na Ginbitinan, na natutulog sa duyan. Mapupukaw ang kanyang pagtulog pagsigaw ni Labaw Donggon.) LABAW

(Black out.)

20

DONGGON

:

Diwata ng unang liwanag Abyang Ginbitinan Narito si Labaw Donggon Mangyayaring pagbuksan.



SCENE 4.

PAMANHIKAN AT KASAL

(Sa sayaw at awit, magsasagutan sa berso ang mga magulang: si Datu Paubari, ama ni Labaw Donggon, at ang kalalakihan; at si Abyang Matan-ayon, ina ni Abyang Ginbitinan, at ang kababaihan. Ang mga bersong susunod ay maaaring gawing sagutang awit o bigkasin bilang balagtasan o rap, gawing solo o para sa koro.) AWIT NG PAMANHIKAN Mawalang galang na po, amang Ano po ang inyong pakay? Bakit kayo susuling-suling Parang mga asong ligaw?

MATAN-AYON

:

PAUBARI

:

Maayong adlaw, aling maybahay Kami’y nagsadya rito upang masilayan Ang bituing umano’y kumikinang Sa dilim ng gabi at sikat ng araw.

MATAN-AYON

:

Bituin pong yao’y sadyang nakatago Sinumang magmithi sa kanyang kaningningan Kailangang umakyat sa matarik na hagdan May hamon at timbang ang bawat baitang.

PAUBARI

:

Turan po ninyo.

MATAN-AYON

:

Ang unang baitang ay nababalutan Ng mga kayong makinang at makulay Saplot sa pihikang katawan Pamparikit sa alinmang bahay.

PAUBARI

:

Alay nami’y bulto bultong tela Brotsado ng Italia, engkahe ng Francia Seda ng Tsina, inangkat sa banyaga Hindi basta basta, galing sa Divisoria.

(Babagsak mula sa itaas ang dalawang mahabang tela.) MATAN-AYON

22

:

(Yabang nito, ah!) Ang ikalawang baitang ay nahihiyasan Ng mga alahas na kumikinang Singsing, suklay, kuwintas, pulseras Pati na sinturong gintong dalisay.



PAUBARI

:

Doble pa niyan aang aming ibibigay At hindi gawa sa ginto lamang Kundi batbat ng brillanteng simputi ng araw Kilatis ay mataas, tulad ng aking si Labaw.

(Babagsak ang dalawang telang ginto.) MATAN-AYON

:

(O sige na nga!) Ang ikatlong baitang ay may larawan Ng isang sasakyang bulawan Bangkang walang layag, walang pakaway Kahit walang sagwan, kusang umuusad.

PAUBARI

:

Lantsang de motor ang aming ibibigay Lumulutang o sumisisid kung kailangan Pag-ahon sa kati, kotseng makinang Kung magkagipita’y pwede ring lumipad.

(Babagsak ang dalawang telang pilak.) MATAN-AYON

:

(Di ba kotse ni James Bond yan?) Ang ikaapat na baitang ay may imahen Ng bahay na may dalawang palapag Bato ang ibaba, kahoy ang itaas Bubong ay tisa, maraming durungawan.

PAUBARI

:

Sa diwatang tulad ni Abyang Ginbitinan Palasyong maringal ang siyang nararapat May isandaang bubong at isandaang lagusan Sintibay, sinlakas ng aking anak.

(Bababa ang “isandaang bubong” para buuin ang “bahay”.) MATAN-AYON

:

Ang ikalimang baitang ay walang larawan Walang hiyas, o balot na anuman Ngunit may tanong at hamong taglay Kailangang sagutin o walang Ginbitinan.

PAUBARI

:

Lahat ng binanggit ay walang halaga Kung ihahambing sa huling bigay kaya Pangako ni Labaw sa bunying diwata Maalab na pagsuyo ng mabuting asawa.

24



(Mahahawi ang gitna ng bahay at makikita sina Labaw Donggon at Abyang Ginbitinan na umiinom sa iisang mangkok bilang tanda ng pag-iisang dibdib.) MATAN-AYON

:

Kung gayo’y umakyat sa aming bahay Pag-iisang dibdib ating ipagdiwang Buyung Labaw Donggon at Abyang Ginbitinan Sa inyo nagpupugay ang sangkalupaan

LAHAT

:

Mabuhay sina Labaw at Ginbitinan Datu at bai nitong kaharian!

(Black out.)

26



SCENE 5.

PANGALAWANG PAGLALAKBAY

(Muling binibihisan si Labaw Donggon ng kanyang inang si Launsina, katulong ang unang asawang si Abyan Ginbitinan. Naghahanda siya para ligawan ang diwata ng Kalagitnaan, si Abyang Doronoon. LABAW

DONGGON

:

Inang Launsina, asawang Ginbitinan Isuot sa akin ang mga gayuma Pahintulot ninyo’y sabay na igawad Sa paghahanap ko ng pangalawang asawa Sa dibdib ko ngayo’y nagpupumiglas Marubdob na damdaming pilit inaasam Ang kapangyarihang nakatago sa Kailaliman Kaharian ni Doronoon at ng Kadiliman. Layon kong mahulog ang kanyang kalooban Sa iluluhog kong pagpapakasal Upang maghari kaming sabay Sa ilalim ng lupa at sangkatubigan

LAUNSINA (Ibibigay kay Labaw ang balaraw)

:

Kasihan ka, Labaw, ng mga anitong banal Isukbit ang balaraw ng kaginoohan. Pangalan mo’y laging tandaan Labaw Donggon, labis ang dangal.

GINBINITAN (Ibibigay ang kudyapi)

:

Tanggapin ang kudyaping may gintong bagting Sa puso ni Doronoon siyang ipangsungkit.

(Sasakay na si Labaw Donggon sa mahiwagang ulap at maglalakbay sa itaas ng mga puno at bundok hanggang makarating sa pinto ng kaharian ni Abyang Doronoon.)

28



SCENE 6.

SIKANG PADALOGDOG, BANTAY NG KAILALIMAN

(Pagpasok ni Labaw Donggon sa kuweba patungo sa kailaliman, may makikita siyang isang dambuhalang bola. Lalapit si Labaw Donggon at magigitla siya nang bigla itong gumalaw. Magmumulat ito ng dalawang nag-aapoy na mata at unti-unti nitong igagalaw ang ilan sa kanyang isandaang galamay. Ito si Sikang Padalogdog, ang dambuhalang pugita, bantay sa pinto ng Kailaliman.) SIKANG

PADALOGDOG

:

Sino ka, banyaga, na dito’y napadpad Hindi mo ba alam na dito ay bawal Pumasok o lumapit man lamang Sinumang mahuli ay parurusahan.

LABAW

DONGGON

:

Hindi po ako nasinsay ng daan Kundi sadyang naparito, iisa ang pakay Matanaw kahit saglit ang pinakaiingatan Si Abyang Doronoon ng Kailaliman. Diwatang ito’ y balitang-balita Sa mata at ngiting nakagagayuma At sa husay niya sa pananandata At pagtugtog ng katutubong gitara.

SIKANG

PADALOGDOG

:

Tila yata nangangarap ka nang gising Wala rito ang mutya mong dalaga Lahat ng babae rito’y may suot nang singsing Maliban sa sirena, ahas at buwaya.

LABAW

DONGGON

:

Ginoong halimaw, huwag nang magsinungaling Itago mo man pilit kong hahanapin Kahit anong lalim ay aking sisisirin Hanggang makita ko, tibok niyaring dibdib.

SIKANG

PADALOGDOG

:

Ang dami mong salita, puro naman bula Tapatan mo ng gawa ang iyong inginangawa Isandaang kamay ang aking sandata Yayakapin ka ngayo’t dudurugin nang walang awa.

(Tatawa)

30



LABAW

DONGGON

:

Humanda ka, pusit, sundang ko’ y salagin Galamay mo’y isa-isa kong puputulin Katawan mo’y lalaslasin, hihiwa-hiwain Ibababad sa suka’t gagawing kilawin.

(Magsasagupaan ang dalawa. Sundang lamang ang gamit ni Labaw Donggon pero maliksi siya kaya’t hindi siya makukuhang puluputan ng mga galamay ng halimaw. Sa wakas, tutusukin ni Labaw Donggon ang mga mata ng pugita at iimpis ang katawan nito na parang lobong nawalan ng hangin. Sa likod ay makikita si Abyang Doronoon sa isang duyang may manipis na kumot. Magugulat siya pagsigaw ni Labaw Donggon.) LABAW

(Black out.)

32

DONGGON

:

Abyang Doronoon Diwata ng Kailaliman Pakinggan ang nagdaralitang Sa iyo’y nananawagan.



SCENE 5.

SAYAW NG DALAWANG PANYO

(Gamit ang gintong kudyapi, inaawit ni Labaw Donggon ang kanyang panambitan, habang si Abyang Doronoon ay nasa silid sa itaas ng bahay, nasa duyang tinakpan ng malaking kumot na manipis.) LABAW

DONGGON

:

AWIT NG KUDYAPI Natawid ko na ang ilog at dagat Nalibot ko na mga nayon at bayan Sa paghahanap sa Binukot na mahal Tagahabi ng mga alamat. Mukha’y bulaklak na namumukadkad Manipis ang palad, maputi ang balat Binti’t hita’y simputi ng binukang kawayan May indayog ang katawan kapag lumalakad. Pakinggan, O Diwata, ang nananambitan Ikaw na sa panaginip unang nasilayan Mangyaring dumungaw, tapunan ng lingap Itong nanginginig sa kalamigan.

(Nahawi na ni Doronoon ang takip ng duyan, nakatayo na siya at ngayo’y pababa na sa hagdan.) ABYANG

DORONOON

:

Sino kang pangahas, sa gabi’y pumukaw? Magpakilala ngayon, sabihin ang pakay

LABAW

DONGGON

:

Si Labaw Donggon akong sa iyo lumuluhod Alay ko’y iisa, wagas na pag-irog.

ABYANG

DORONOON

:

Mapusok ka, binata, kung magsalita Patunayan ang damdaming ibinabadya Ang katapatan mo, sa sayaw ipakita Mabitag mo kaya itong sinisinta?

(Hawak ang panyo, magsasayaw ang dalawa ng binanog na panligawan, una ay magkalayo, pagkatapos ay papalapit nang papalapit sa isa’t isa, hanggang sa makuha ni Labaw Donggon ang panyo ni Doronoon, na simbolo ng pagtatagumpay ni Labaw Donggon at pagtanggap ni Doronoon na makasal kay Labaw Donggon.) (Black out.) 34



SCENE 8.

PANGATLONG PAGLALAKBAY

(Mag-isa si Labaw Donggon. Di mapakali dahil sa mga damdaming bumabagabag sa kanya. Ihahagis niya ang balaraw at kris. At habang umaawit ay huhubarin ang putong, baro at patadyong, bilang paghahanda sa ritwal ng pagbibihis.Makikita ang iilang tatu sa kanyang katawan.)

LABAW

DONGGON

:

AWIT NG PANGATLONG PAGBIBIHIS Ulo’y waring sasabog Puso ko’y kumakabog Dibdib ko’y nawiwindang Isip ay nagugulumihanan.

(Lalabas sina Launsina, Ginbitinan, at Doronoon mula sa tatlong direksyon.) Sa pagnanais na makilala Si Malitung Yawa Sinagmaling Diwata Diyosa ng tanghaling tapat Karikta’y nakagagayuma. (Luluhod sa Ina at mga kabiyak.) Mahal na Ina, Ginbitinan at Doronoon Mangyaring ako’y pahintulutang Maglakbay sa rurok ng Katanghaliang Araw Upang suyuin ang diwata sa Kaitaasan. :

Pangatlong asawa’y dapat ngang manggaling Sa alinmang palapag ng Kaitaasan Ngunit ang babaing dapat mong pilii’y Dalagang walang katipan o pananagutan.

GINBINITAN

:

Si Malitung Yawa ay may asawa na Ang dambuhalang aswang, si Buyung Saragnayan Pagsasama nila’y lubha nang matibay Di mabubuwag nang gayon-gayon lamang.

DORONOON

:

Kung batas ng tribo, iyong susuwayin At bugso ng damdamin, iyong susundin Di kaya anito’y magtampo’t magalit Ang bisa ng pamlang sa iyo ipagkait?

36

LAUNSINA



LABAW

LAUNSINA

DONGGON

:

Ang pagnanasa ko’y di mapipigilan Ng alinmang batas ng kaugalian Rumaragasang ilog ang katulad Wawasakin ang sinumang humadlang.

:

Kung gayo’y humayo ka at hanapin Ang kapalarang kailangan mong suungin Isuot na ngayon bahag at barong itim Salakot na may pilak na kumakalansing.

(Bibihisan si Labaw ng tatlong babae. Ilalabas at ihahanda na rin ang bangkang lumilipad.) Ilabas at linisin ang bangkang bulawan Pahiran ng dahon ng alagaw at ranghiran Suubin si Labaw ng mabangong kamanyang Upang mag-ibayo ang kisig at lakas. (Ibibigay ni Launsina ang bote ng pamlang.) Tanggapin mo anak, ang bote ng pamlang Na magbibigay sa iyo ng kapangyarihan Gayunman ay tandaan: Ang pag-ibig ang gayumang pinakamakapangyarihan Katapat nito’y wala kundi pag-ibig lamang. (Tatanggapin ni Labaw Donggon ang bote ng pamlang, ang sibat mula kay Ginbitinan, at kalasag mula kay Doronoon. Saka siya sasakay sa gintong bangka at lilipad papuntang rurok ng Katanghaliang Araw.) (Black out.)

38



SCENE 9.

PITONG TAONG TUNGGALIAN

(Dumadagundong ang entablado sa pagdating ni Saragnayan, isang higanteng aswang. Paglapag ng bangka ni Labaw Donggon sa kanyang harapan, hihiyaw si Saragnayan nang pagkalakas-lakas.) AWIT NG GIRIAN Sino kang pangahas na ubod ng tabil Pumasok sa aming bawal na baybayin? Ikaw ba’y tao o diwata, bayani o suwail? Ano ang dala mo, biyaya o hilahil?

SARAGNAYAN

:

LABAW

:

Ako si Labaw Donggon, tao at diwata Hangad ko ang iyong minumutya Ang diwatang si Nagmalitung Yawa Na ibig kong suyuin at maging asawa.

SARAGNAYAN

:

Mapapasaiyo ang aking kabiyak Kung mapapantayan, pag-ibig ko sa kanya Kung madadaig mo ang aking lakas At pumanaw na ang aking hininga.

SARAGNAYAN

:

Kaya maghanda ka, dayong walang galang

LABAW

:

Ako’y nakalaan sa anumang oras.

DONGGON

DONGGON

(Magdadasal ang dalawa sa kani-kanilang pamlang.) SARAGNAYAN LABAW DONGGON

& :

Pamlang, ipahiram sa akin ang iyong galing Lalagyan niya ng langis ay basagin Kung di siya dapat magwagi Kung marumi at maitim ang kanyang budhi.

(Sasabog ang bote ng pamlang ni Labaw Donggon. Mamumutla siya, mababalisa, pero tatayo at haharapin pa rin ang kalaban.) LABAW

DONGGON

:

Kahit walang gayuma o pamlang Magharap tayo sa isang paligsahan Galing sa galing, lakas sa lakas Ipakita ngayon tatag ng kalooban.

(Maglalaban ang dalawang bayani nang pitong taon, na sinasagisag ng pitong palapag ng tagpuan, mula sa tuktok ng Kaitaasan hanggang sa pusod ng

40



Kailaliman. Pero di matatalo si Saragnayan. Bubunutin ni Labaw Donggon ang isang puno ng niyog at hahatawin at tatadtarin nito si Saragnayan sa may batuhan. Magkakawatak-watak ang katawan ni Saragnayan at ikakalat ang mga ito ni Labaw Donggon sa lahat ng direksyon. Pero mabubuo muli ang katawan ni Saragnayan. Sa huling sagupaan, matatalo ni Saragnayan si Labaw Donggon. Tatalian at ipipiit si Labaw Donggon sa kulungan ng baboy sa ilalim ng bahay ni Saragnayan. Nakatayo si Labaw, tapos yuyuko, luluhod, at isusubsob ang mukha sa lupa na waring baboy damo. Ito ay magaganap kasabay ng awit ni Saragnayan.) SARAGNAYAN

:

Dumito ka, Labaw Donggon, sa abang kulungan Ng baboy na alipin ng kawalang-malay Sa bilangguang ikaw rin ang lumikha At ikaw lamang ang makabubuwag. Mapipiit ka nang pitumpong taong singkad Kung masamang ugali’y di malalansag Hanggang di ka natututong magmahal Abang hayop kang dito mapapangaw. (Ulitin ang panngalawang saknong.)

WAKAS NG ACT I

42



ACT II SCENE 1.

ANG BANGKANG ITIM

(Sa Kaharian ng Kalagitnaan, magpapaalam si Asu Mangga sa inang Abyang Ginbitinan para hanapin ang nawawalang ama. Kasabay nito, at sa mas mababang plataporma, sa Kaharian ng Kailaliman ay nagpapaalam din si Baranugun sa kanyang inang si Abyang Doronoon para hanapin si Labaw Donggon. Binibihisan ng dalawang ina ang kani-kanilang anak habang sila’y umaawit. Maglilipat-lipat ang ilaw sa dalawa habang kumakanta.) ASU

MANGGA

:

BARANUGUN

ASU MANGGA BARANUGUN

AWIT NG DALAWANG ANAK Ina ay nagtataka, ako’y nababalisa Hanggang ngayo’y di pa umuuwi si ama Bahay na tinayo niya, giray-giray na Saan kaya napadpad, wari’y naglaho na.

:

Bungang itinanim ni amang Labaw Donggon Nang ako’y isilang, malabay na puno na Ilang ulit nang namulaklak at nagbunga Ngunit bunga ni minsa’y di natikman ni ama.

& :

Malakas ang kutob ko si ama’y nasakuna Marahil ay nadaig ng higanteng Saragnayan At nilamon ng halimaw ang kanyang katawan O baka pinahihirapan sa isang piitan. Bilang anak tungkulin ko Hanapin ang nawalang magulang Siya’y laman ng aking laman Nagpunla ng aking buhay.

(Ibibigay ni Doronoon kay Baranugun ang balaraw, pana at bote ng pamlang.) DORONOON

(Ipapasok ang bangkang itim.) 44

:

Baranugun, tanggapin mo Ang sisidlan ng pamlang, Ang balaraw at panang may kamandag Sa isang tudla pito ang napapatay.



GINBINITAN

DALAWANG

INA

:

Asu Mangga ay narito na Bangkang itim na hinugasan Pinahiran ng murang dahon ng alagaw At pinabango ng bulaklak ng ranghiran.

:

Maka-Akong Maykapal, mangyaring gabayan Anak kong sugo ng tapat na pagmamahal.

(Pag-awit ng huling dalawang linya ay naglalakbay na ang dalawang magkapatid. Si Baranugun ay naglalakad sa tubig mula sa ilalim ng lupa; si Asu Mangga ay nakasakay sa lumilipad na bangka mula sa Kalagitnaan. Matapos ang ilang minuto ay magkikita ang dalawa sa harap ng mga burol ng Dingle, na kinaroroonan ng pinto ng Kaitaasan.) ASU

MANGGA

:

Sino ka, Ginoo, na naglalakad sa dagat Sinusuyod ang pusikit na kadiliman?

BARANUGUN

:

Manong, ako ang kapatid mong si Baranugun Layon ko’y hanapin, ama nating Labaw Donggon.

ASU

:

Kung gayo’y sumakay na Pagkat damdamin natin ay iisa.

MANGGA

(Sasabay si Baranugun sa Bangka ni Asu Mangga. Magdadasal ang dalawa.) Pamlang, bigyan mo ng pakpak Itong aming sasakyan Upang burol ng Dingle ay malampasan At makarating sa rurok ng Katanghaliang Araw. (Lilipad ang sasakyan at mawawala sa mga ulap sa tuktok ng Kalangitan.)

46



SCENE 2.

ANG HAYOP SA SILONG

(Bababa sa kanilang sasakyan sina Asu Mangga at Baranugun at makikita agad ni Baranugin ang silong ng bahay. Mag-iingay ang mga bantay na matsing at lalaslasin ng mga ito ang magkapatid. Saka nila makikita si Labaw Donggon na nakakubakob sa lupa na parang hayop. Ang buong katawan nito ay nababalot ng matigas na itim na balahibong tulad ng sa baboy damo. Magugulat at maaawa ang magkapatid sa kanilang ama.) ASU

MANGGA

BARANUGUN ASU MANGGA BARANUGUN

: : & :

AWIT NG HINAGPIS Ama ay bakit nagkaganyan ka? Sa anyo mo ngayo’y hindi na makilala Nasaan ang makisig na mandirigma Matapang, matikas, kilabot ng madla. Ano ang nangyari’t sa ganito humantong?

(Una’y nahihiya si Labaw Donggon at umiiwas sa tingin ng mga anak. Pero unti-unti ay makikita ang tuwa sa kanyang mukha dahil narito ang kanyang mga anak para siya ay sagipin.) LABAW

DONGGON

:

Asu Mangga, Baranugun, mahal kong mga anak Nagsisikip ang dibdib ko sa tuwa at galak Salamat at ako’y hinanap, nilingap Loob ko’y nabuhay, pag-asa ay sumilay. Nang mabasag ang garapa ng langis na gayuma Tumakas din ang aking dungan at kaluluwa Naglagos sa bibig, ilong, tenga at mata Biglang nanlupaypay, nanghina ang inyong ama Nang talunan na’y dito sa kulungan Natikman ang pait ng pag-iisa sa karimlan Hayop na nakakubakob sa pagkakabihag Habang dumi ng kaluluwa’y hinuhugasan.

48



Sinalakay ako ng daang espiritu Sinakmal, nilamon ang kalamnan ko Saka sinala sa pinigang dugo Lisyang pagnanasa sa layaw ng mundo. ASU LABAW

(Black out.)

50

MANGGA DONGGON

:

Ama, ay huwag nang mabahala Hangad namin dito ang iyong paglaya.

:

Mag-ingat mga anak, at ngayon pa lamang Naghahanda na ng hukbo si Saragnayan Alalahanin lamang na kahit sa anong laban Walang kamatayan ang higanteng mangkukulam.



SCENE 3.

UNANG BATALYA: LIPULIN ANG MGA ESPIRITU

(Magkakaharap na ang mga magbabaka: Ang magkapatid na Asu Mangga at Baranugun na may hawak na armas sa isang panig, at ang hukbo ni Saragnayan sa kabila. Maaawa ang magkapatid sa mga espiritu.) ASU

MANGGA

:

AWIT NG HAMUNAN Mga espiritung itim na sadyang dumatal Mula sa ilalim at lupang ibabaw Hindi kayo ang aming kaaway Kaya’t umuwi na, sakuna’y iwasan

BARANUGUN

:

Kung kayo’y masawi, ibang lalaki ang hihimas Sa mga asawa ninyong maiiwanan Samantalang si Saragnayan ay hahalakhak Sa ibabaw ng inyong libingan.

SARAGNAYAN

:

Umirin ang dila, busalan ang bunganga Kami’y narito para makibaka Ibaluti na ngayon lahat ng gayuma Hininga ninyo’y lalagutin ko na.

MGA

:

Huwag kaming takutin, mga uhuging bata Talos namin ang aming ginagawa Kaya kainin na ngayon mga pagbabanta Narito, salagin ang aming sandata.

ESPIRITU

(Maghihiyawan ang mga espiritu at iwawasiwas ang mga sandata.) ASU

MANGGA

BARANUGUN

:

Kung gayo’y narito ang aking sibat Tutuhugin kayo na parang isda.

:

At ang pana kong kapag tumudla Pito ang bubulagta na parang palaka.

(Maglalaban ang magkapatid at mga espiritu habang nagmamasid si Saragnayan. Itutudla ni Baranugun ang kanyang pana at pito ang bubulagta na parang palaka. Ihahagis ni Asu Mangga ang kanyang sibat at pito ang matutuhog na parang isda. Pagkalipol sa mga espiritu, haharapin naman ng magkapatid si Saragnayan, ngunit kahit ito tudlain ng pana at sibat ay hindi ito mamamatay at madaling makakatakas. Magtataka ang dalawa at magdarasal kay Launsina.) 52



ASU

MANGGA

:

Diwatang Launsina, nuno naming maalam Kaming mga apo mo ngayon ay kasihan Ibulong sa amin lihim ni Saragnayan Bakit di magapi ng lakas ni Kamatayan?

(Makikita si Launsina sa itaas na palapag at sasagutin nito ang katanungan. Ang pagsasalita ni Launsina ay magiging tulay patungo sa susunod na eksena.) LAUNSINA

:

Mahal kong mga apo’y pakinggan Buhay ni Saragnaya’y di masusumpungan Sa alinmang bahagi ng kanyang katawan Hanapin man mula ulo hanggang talampakan.

Ito’y sapagkat ang buhay niya’y Nakatago sa puso ng baboy damo Sa Palingbukid doon naglulungga Tigmaula ang ngalan, mabangis na totoo. (Makikitang nakasakay na sa bangkang lumilipad ang magkapatid patungong Palingbukid.) Para ito’y masupil, timplahin ang mga gayuma Saka isaboy na waring alikabok Hanggang si Tigmaula’y makatulog Saka tudlain ng palaso, sa dibdib maglalagos. (Ang huling mga payo ay isinasagawa na sa susunod na eksena.)

54



SCENE 4.

PUSO NI TIGMAULA, PUSO NI LABAW DONGGON

(Pagkababa sa kanilang bangka, matutukoy ng magkapatid ang lungga ni Tigmaula sa Palingbukid, na nasa Kailaliman. Isasabog ang alikabok ng lasong gayuma at makakatulog ang baboy damo. Itatarak ni Baranugun ang palasong may lason sa dibdib ng baboy. Hihiwain ni Asu Mangga ang dibdib nito at dudukutin ang pusong itim at kakainin ito ng magkapatid.) (Simula sa pagsaksak sa baboy hanggang sa pagkain ng kanyang puso, makikita natin ang dalawang sabay na pangyayari na iginagalaw lamang: a. Sa Kaitaasan, si Saragnayan ay waring sinasaksak at nangungunyapit sa sakit habang dinudukot ang puso ng baboy damo at tuluyan nang manlulupaypay. b. Sa ilalim ng bahay ni Saragnayan, sabay namang sisigla si Labaw Donggon, tila mahuhugutan din ng kung anong matinik na bagay mula sa kanyang dibdib.) (Black out.)

56



SCENE 5.

KALULUWANG GABAY

(Magpapaalam na si Saragnayan sa kanyang pinakamamahal na asawa na natutulog sa duyan. Tiyak na ang kanyang kamatayan sa kamay ng magkapatid kinabukasan. Ihihinto ang pag-ugoy ng duyan at saka hahaplusin ang mukha ni Nagmalitang Yawa hanggang sa ito’y magising.) SARAGNAYAN NAGMALITUNG

YAWA

SARAGNAYAN

:

Patawad, mahal ko, at ika’y pinukaw Mula sa mahimbing na pagkakahimlay.

:

Bakit asawa ko, ika’y lumuluha Panglaw nakalambong sa iyong mukha?

:

Naparito ako upang magpaalam Ito na marahil ang huling pagkikita Bukas haharapin ko dalawang pumatay Kay Tigmaulang aking ikaduwa. Noon ay nadaig si Labaw Donggon Ng pagmamahal ko sa aking asawa Bukas ay magagapi ako Ng pagmamahal ng anak sa ama. Ang katapat ng alinmang pag-ibig Ay tanging pag-ibig lamang – hanggang kamatayan.

NAGMALITUNG

SARAGNAYAN

YAWA

:

Noon pa ma’y aking pinagtakhan Nang magapi mo si Labaw Bakit di pa siya pinaslang Sa halip ay kinulong lamang?

:

Sapagkat sa atas ni Maka-Akong maykapal Ako ang magsisilbing gabay ni Labaw Ang kaaway na magiging kasangkapan Upang tadhana niya ay maganap. Ako ang itinakdang magturo sa kanya Na pag-ibig at pagnanasa’y magkaiba At kailangang linisin ang maitim na budhi Sa mahabang pasakit at pamimighati.

58

Ngayo’y nagbanyuhay na si Labaw Di na baboy damong, balot sa putik ng kawalangmalay



Naging banog na siyang may malapad na pakpak Magdadala sa kanya sa rurok ng Kaganapan. Kung susuyuin ka ni Labaw ay tanggapin mo siya Siya na ang tao mo, mamahalin ka niya Mabuhay kang masaya sa piling niya Ibaon ako sa limot, iwaglit sa alaala. NAGMALITUNG (Maluluha)

SARAGNAYAN (Black out.)

60

YAWA

:

Munting bulaklak, ikaw ma’y malagas At talulot mo sa putik masadlak Ang bango mo’y hindi mapaparam Hahalimuyak pa rin sa init ng araw.

:

Paalam, mahal ko, pahirin ang luha Pasalamat tayo’t naganap ang tadhana.



SCENE 6. PANGALAWANG BATALYA: LANSAGIN SI SARAGNAYAN (Haharapin ngayon ng magkapatid na Asu Mangga at Baranugun ang higanteng Saragnayan na ang gagamiti’y karaniwang lakas na lamang. Sa simula’y di pa rin masupil ng magkapatid ang aswang, pero malaunan ay matututuhan din nila. Lalagay sa harap ni Saragnayan si Asu Mangga at makikipagtagisan ng galing sa kris. Samantala, lulundag si Baranugun sa likod ng aswang, unti-unting aakyat papuntang ulo at nang naroon na’y saka itatarak ang palasong may lason sa kanyang mga mata. Hihiyaw sa sakit si Saragnayan at pagluhod niya, sabay namang itatarak ni Asu Mangga ang kanyang kris sa dibdib ng halimaw. Magkakawatak-watak ang katawan ni Saragnayan at sa isang kisapmata ay makikita ang busilak niyang kaluluwa bago ito tuluyang maglaho.) (Habang pinapatay ng magkapatid si Saragnayan, makikita sa mas mataas na palapag ang ritwal ng Pagbabanyuhay ni Labaw Donggon. Nakadapa siya na nakabahag lamang. Lulukso sa katawan niya ang dalawang asawa, habang nagmamasid si Launsina. Pagkatapos ay papahiran siya ng mga dahon ng alagaw at bulaklak ng ranghiran, pauusukan ng kamanyang para magbalik ang lakas. Saka bibihisan muli si Labaw Donggon ng maririkit na damit na may gayuma. Habang ginagawa ang ritwal ay umaawit ang mga babae, na tila mga babaylan.) LAUNSINA

:

AWIT NG PAGBANYUHAY Bathalang Maka-Ako, kami po’y pakinggan Bigyan si Labaw Donggon ng panibagong buhay Buhay ng isang taong matatag, mapagmahal Pinunong may malasakit sa kapwa at tanan. Hingahan mo siya ng hangin ng ginhawa Taniman mo ang isip niya ng katuwiran Hayaang umawit ang kanyang kaluluwa Dulutan mo siya, tibay ng kalooban.

GINBINITAN

:

Punasan siya ng dahon ng alagaw Upang maalis, dungis ng nakaraan Suubin siya ng mabangong kamanyang Upang magkaroon ng bagong lakas.

DORONOON

:

Isuot ang gintong patadyong Sagisag ng Kaharian ng Kailaliman.

62



GINBINITAN

:

Isuot na sunod ang barong may burda Sagisag ng Kaharian ng Kalagitnaan.

LAUNSINA

:

Itali sa ulo ang putong na pula Sagisag ng Kaharian ng Kaitaasan. Tumayo ka, bayaning dakila At ihiyaw ang iyong pangalan.

:

Ako si Labaw Donggon Buo at labis ang dangal Ngayon ay papailanglang Banog ako ng Sanlibutan

(Hihiyaw si Labaw Donggon.) LABAW

(Black out.)

64

DONGGON



SCENE 7.

TADHANANG NAGANAP

(Sa harap ng kanyang ina, mga asawa, mga anak at kinatawan ng tatlong kaharian, ikakasal si Labaw Donggon kay Nagmalitung Yawa, sagisag ng Kaharian sa Kaitaasan.) (Mag-iilaw ang tuktok ng palapag at lalabas si Maka-Ako mula sa Kalangitan. Aawitin niya ang kanyang katuwaan sa pagkakabuklod ng tatlong kaharian dahil sa pagpapakasakit ni Labaw Donggon.) MAKA-AKO

:

Sa dibdib ko ngayo’y Nag-uumapaw ang tuwa Pagkat naganap nang tanan Ang mga itinadhana Sa buhay ni Labaw Donggon Naganap ang kasaysayan Nabuo ang tao, nabuo ang araw Naluwal ang pinuno at Sanlibutan. Sa mga diwatang lumiligid kay Labaw Umiinog ang isang araw na singkad Mula kay Launsinang bukang liwayway Tungo kay Ginbitinan na umagang liwanag Hanggang kay Sinagmaling Diwata na tanghaling tapat At kay Doronoon na gabing karimlan. Sa tatlo niyang asawa magsusupling Mga anak na magkakawil sa mga kaharian Mula Kalangitan hanggang Kailaliman Kikilalaning nuno, ang bagong si Labaw. Nabuo na rin ang kanyang pagkatao Mula paa at baywang ng pagnanasa Hanggang dibdib ng kapangyarihan Hanggang ulo ng banal na kaluluwa.

(Ibibigay ng dalawang asawa ang sibat at kalasag kay Labaw Donggon.) Naluwal na ang pinuno ng kalibutan Ang banog na ubod ng pitong ibong alamat Sagisag ng pinunong tunay at tapat Handang maglingkod sa sangkatauhan. 66



(Magsisimula ang tugtog ng binanog.) Kaya, Labaw Donggon, tumayo ka’t igalaw Binanog na sayaw ng Sanlibutan. (Mag-isang sasayaw si Labaw Donggon ng binanog. Pagbanggit ng mga susunod na kaharian, magsisimulang sumayaw din ang mga kabilang sa kaharian na iyon. Maaaring sumama sa pagkanta ng susunod na talata ang mga sumasayaw.) Isadsad ang paa para sa Kailaliman Ikampay ang pakpak para sa Kalagitnaan Kumaway sa ulap para sa Kaitaasan Sa gayon mabubuo ang Sanlibutan. (Kay Launsina)

Salamat, Launsina, sa iyong pagtupad Sa mahigpit na utos ay di sumuway Kahit mabatbat ang anak ng latay at sugat Isinulong pa rin ang tadhanang atas.

(Sa lahat at sa nanonood, habang lumilitaw ang bahaghari na sasaklaw sa pitong palapag ng Sanlibutan.) Ating ipagdiwang ang katotohanan Na umuugit sa alinmang buhay: Ang pagwasak at paglikha Ay kambal na gawa Ang buhay at kamatayan Kambal na pisngi ng iisang mukha. (Ang lahat ng tao sa iba’t ibang kaharian, na ang kulay ay asul, pula at dilaw, ay sasayaw ng binanog na waring iisang katawan – sadsad ng paa, kampay ng kamay, at kaway sa itaas. Buo na ang Sanlibutan.) WAKAS NG DULA

68



production calendar

Dates are subject to change. You will be notified by the Stage Managers.

3

Monday

4

Tuesday

5

Wednesday

6

September Thursday

7

Friday

8

Saturday

9

Auditions 10

Auditions 11

Auditions 12

Auditions 13

Auditions 14

Auditions 15

16

17

18

19

Script Reading 20

21

22

23

25

Dance Workshop 26

Dance Workshop 27

28

Dance Workshop 29

30

24

1

Monday

2

Tuesday

3

Wednesday

4

October Thursday

5

Friday

6

Saturday

7

8

9

10

11

12

13

14

15 Dance Workshop, Photo Shoot 22

16 Dance Workshop, Photo Shoot 23

17 Dance Workshop, Photo Shoot 24

18

19

20

21

25

26

27

28

Sunday

Sunday

Lead Roles: Lead Roles: Lead Roles: Lead Roles: Lead Roles: Lead Roles: Dance & Music Dance & Music Dance & Music Dance & Music Dance & Music Dance & Music 29 30 31

Monday

5 Drop Scripts, Music & Dance Rehearsal 12

Tuesday

6

Wednesday

7

1

November Thursday

8

2

Friday

9

3

Saturday

10

11

Music & Dance Music & Dance Music & Dance Music & Dance Music & Dance Rehearsal Rehearsal Rehearsal Rehearsal Rehearsal 13 14 15 16 17

18

Music & Dance Music & Dance Music & Dance Music & Dance Music & Dance Music & Dance Rehearsal Rehearsal Rehearsal Rehearsal Rehearsal Rehearsal 19 20 21 22 23 24

25

Music & Dance Music & Dance Music & Dance Music & Dance Music & Dance Music & Dance Rehearsal Rehearsal Rehearsal Rehearsal Rehearsal Rehearsal 26 27 28 29 30 Blocking & Run-throughs 70

4

Blocking & Run-throughs

Blocking & Run-throughs

Blocking & Run-throughs

Blocking & Run-throughs

Sunday


Monday

Tuesday

December Thursday

Wednesday

Friday

1

Saturday

3

4

5

6

7

Blocking & Run-throughs 8

Blocking & Run-throughs 10

Blocking & Run-throughs 11

Blocking & Run-throughs 12

Blocking & Run-throughs 13

Blocking & Run-throughs 14

Blocking & Run-throughs 15

Blocking & Run-throughs 17

Blocking & Run-throughs 18

Blocking & Run-throughs 19

Blocking & Run-throughs 24

Blocking & Run-throughs 25

Blocking & Run-throughs 26

Blocking & Run-throughs 20 Blocking & Run-throughs, Photo Shoot 2 27

Blocking & Run-throughs 21 Blocking & Run-throughs, Photo Shoot 2 28

Blocking & Run-throughs 22 Blocking & Run-throughs, Photo Shoot 2 29

2

9

16

Sunday

23

30

31

7

8

9

January Thursday 3 Move-in, Adjustment Rehearsal 10

Rehearsal 14

Rehearsal 15

TDR 16

TDR 17

TDR 18

TDR 19

20

Video Shoot 25

Video Shoot 26

27

Show

Show: Prod Team Night

Monday

1

Tuesday

2

Wednesday

TDR 21

TDR 22

TDR 23

Show: Preview Night 24

TDR 28

Show: Opening Night 29

Show 30

Show 31

Adjustment Rehearsal

Show

Show

Show

Monday

Tuesday

February Thursday

Wednesday

4

Friday

5

Saturday

6

Adjustment Rehearsal 11

Adjustment Rehearsal 12

13

1

Friday

2

Saturday

4

5

6

7

Show 8

Adjustment Rehearsal 11

Show 12

Show 13

Show 14

Show 15

Show: Gala Night 9 Show: Closing Night; Production Party 16

18

Contingency Show 19

Contingency Show 20

Contingency Show 21

Contingency Show 22

Contingency Show 23

25

26

27

28

3

10

17

24

Sunday

Sunday


72



This script belongs to ________________________________________

STAGE MANAGERS

74

BB / Bianca

0916 44 99 55 1

RJ

0927 894 7928

Ida

0927 861 4263


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.