tagapaghatid ng makabuluhang balita
Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Bukig National Agricultural and Technical School Sangay ng Cagayan| Rehiyon Dos
Tomo 2| Bilang 1 Agosto 2023- Abril 2024
“
Nabayag nga problemamin ti danum idtoy barangay mi, datoy nga kinabaket ko mabannugak payen nga magnan ti adayu makasakdu lang iti danum nga usaren mi.
(Matagal na
suliranin dito sa aming
KABALINTUNAAN
‘No License, Registration, No Entry’ aprubado na; ilang magaaral, magulang umalma
‘Ilang
Inaprubahan na ng School ParentTeacher Association (SPTA) at School Governance Council (SGC) ang Resolution No. 001 s. 2024 nitong ika-5 ng Enero ang pagbabawal sa paggamit ng motorsiklong hindi rehistrado at lisensyado sa loob ng paaralan.
Layunin ng resolusyon na protektahan at siguraduhin ang kaligtasan ng bawat magaaral sa anumang insidente na may kaugnayan sa paggamit ng motorsiklo.
Matatandaang nitong mga nakaraang buwan ay sunod-sunod ang disgrasya sa loob at labas na paaralan sangkot ang mga estudyanteng nagmomotorsiklo. Kadalasan ang mga ito ay walang lisensya o hindi rehistrado ang motor.
Ayon kay Jack Jock B. Rigonan, SGC Elected Co-Chairperson, nabuo ang resolusyon dahil sa panawagan ng mga magulang sa paaralan na tugunan ang mga nangyayaring aksidente sa loob at labas ng paaralan.
sundan sa pahina 3
ng napakalayo magkaroon lang ng tubig.’
Ito ang daing ni Lola Rebecca Mabbun, 68, residente ng barangay Bisagu na walang maayos na access sa suplay ng tubig, na nagpapahirap sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay.
Sa ating bansa, kamakailan lang ay inihayag ng National Water Resource Board ( NWRB) na umabot sa 11 milyong pamilyang Pinoy ang kulang sa access ng suplay ng malinis na tubig kaya’t umaasa na lamang ang mga ito sa “unprotected deep wells, bukal, ilog, lawa at tubig ulan para may magamit sa pang-araw-araw na buhay.
Ito ang kalbaryong hinaharap tauntaon ng mga residente ng Barangay Sanja sa Aparri, Cagayan partikular sa
Miyembro ng LGBTQ+ pinayagang magcrossdress sa JS Prom
kanilang lugar lalo sa kasagsagan ng tag-init.
Paliwanag ng mga residente kung saan-saan kumuha ng tubig na panginumin, panluto, panligo sa pang-araw araw.
“Mayroon namang balon na pangunahing pinagkukunan ng tubig ngunit hindi pa rin gaanong malinis at malinaw” pahayag ni CJ Mabbun, residente at mag-aaral sa Grade 10.
Sa isang panayam na isinagawa ng Mannalon staff napag-alaman na kung saan-saan kumukuha ng tubig na panginom, panluto at panligo sa pang-arawaraw ang mga residente.
Ayon kay Remalyn Leste, guro at
residente ng Sanja, bumibili sila ng tubig para sa kanilang lutuin, panghugas ng mga pinggan at pati na rin panligo sa halagang 10 peso kada gallon.
“Wala kaming choice kundi ang bumili lalo na’t ang hirap gumalaw at magtrabaho sa loob ng bahay kung walang tubig” saad ni Leste.
“Bata palang ako problema na talaga sa lugar namin ang maayos na access sa malinis na tubig, hindi naman pwedeng magpatayo ng poso dahil malapit nga kami sa ilog” dagdag niya.
Inihayag din ng ilang residente na imbes ng bumili tubig, ang ilan sa kanila ay sa ilog na lang naliligo, naglalaba at naghuhugas ng pinggan at minsan nagbabawas.
sundan sa pahina 3
mannalon
Suplay ng tubig daing ng mga residente ng brgy. Sanja, Bisagu
-Rebecca Mabbun, 68, residente ng Brgy. Bisagu
naming
barangay, sa tanda kong ito ay pagod na din akong maglakad ng malayo makapag-igib lamang ng tubig.)
dekada na naming problema ang suplay ng tubig sa aming lugar, sa tanda kong ito kinakailangan ko pang mag-igib
Angel Bianca Tarampi
MGA APEKTADONG RESIDENTE NG BRGY. SANJA AT BISAGU
SALIN NG BUHAY. Matiyagang nagsasalok ng tubig mula sa hinukay na maliit na balon si Rebecca Mabbun, edad 68 mula sa Bisagu, Aparri, Cagayan. Bagaman sa kanyang katandaan, tinitiis ni Mabbun ang pagsasalok ng tubig sa nasabing balon halos isang kilometro ang layo mula sa kanilang bahay. Ayon sa kanya, nasanay na siya na gawin ito tuwing umaga dahil sa kawalan ng suplay ng tubig at ibang katuwang sa kanila.
sa mga numero...
GINTONG TUBIG
MGA KWENTO SA DAAN
SI INIT AT SI INDEX balita, p7
lathalain, p12 agtek, p16 editoryal, p8
Deejay Espinosa
balitang in-depth
Lokal na opisyal nanawagan sa mga magsasaka, iginiit na bawal magbilad ng palay sa daan
Binigyang diin at nagpaalala ang lokal na opisyal ng Aparri na bawal magbilad ng mga palay at anumang produktong pang-agrikultura sa
Ito ay kasunod ng mga impormasyong marami pa rin sa mga lugar sa bayan ang patuloy na gumagawa nito bagaman ipinagbabawal.
Ayon sa Seksyon 23 ng Presidential Decree (PD) Blg. 17, ang ganitong gawain ay labag sa batas na maaring magdulot ng panganib sa mga motorista at makasagabal sa regular na daloy ng trapiko.
KAWALANG PASILIDAD
Sa kabila ng mga babala ng mga opisyal at mga alituntunin, ang ilang magsasaka ay patuloy pa rin sa pagbibilad ng kanilang mga aning mais at palay.
Depensa ng mga magsasaka ay kulang at walang sapat na pasilidad sa kanilang lugar na maaring magamit sa pagpapatuyo.
“Paano namin mabebenta ang ani namin kung hindi patutuyuin agad, anong silbi ng kalsada kung di namin gagamitin kesa maghihintay kami sa wala”, pahayag ni Jun na halos 30 taon ng nagsasaka.
Sa isang panayam, inihayag ni kapitan ng barangay Bukig, Lope Lucero ang kakulangan ng lokal na pamahalaan ng pondo at mapagkukunan upang masolusyonan ang problema.
“Bagamat mayroon nang ilang solar dryer na itinayo sa barangay, hindi ito sapat upang maipaabot ang lahat ng pangangailangan lalo na sa panahon ng pag-aani”, wika ni Lucero.
Dagdag pa niya, sa loob lamang ng apat na buwan sa kanilang opisina, hindi pa nila nakikita ang agarang solusyon sa problema.
Ipinapayo naman ng kapitan sa mga magsasaka na agad na magbenta ng kanilang ani upang maibaba ang dami ng palay na kinakailangan nilang
patuyuin sa mga pampublikong kalsada.
Sa ilalim ng nasabing batas, nakasaad na ang sinumang lalabag ay maaring patawan ng hindi hihigit isang libong multa o pagkakakulong ng hanggang anim na buwan. Ayon din sa batas, mas mabigat na parusa ang ipapataw sa pagkakataong nagdulot ito ng disgrasya.
PANAWAGAN AT AKSYON
Samantala, mayroon namang ipinatayo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagpapaalala sa mga residente sa nasabing batas subalit patuloy parin sa pagbibilad ang mga tao.
Sinubukan ng Mannalon na kunin ang pahayag ng nasabing ahensya, subalit wala silang tugon ukol dito.
Dagdag pa rito, hindi lamang ang Bukig at mga karatig barangay nito ang nanatili sa pagbibilad ng palay sa mga kalsada, maging sa mga bayan ng Allacapan, Ballesteros, Lallo at iba pa.
Panawagan naman ng mga residente, magkaroon ng mas malawak na mga solar dryers upang maiwasan ang pagkasira ng kanilang ani at gayundin na masiguro ang kaligtasan ng mga motorista alinsunod na rin sa nasabing batas.
“Nu isu iti pagrebbengan a ket anya garud maaramidanmi. Ikkan dakami iti pagbilagan mi a tapno saan metla a maperdi dagitoy apitmi namuna ket alisto agngisit iti irik ita. Agpayso a makadisgrasya a ngem, kasano kami met a nanumo laeng a mannalon,” saad ni Jun Tabalno, residente ng Paruddon Norte.
[Kung iyan ang nasasaad sa batas, ano ang magawa namin. Bigyan niyo kami ng mas malawak na solar dryer para naman maiwasang masira ang aming ani lalong lalo na at madaling masira ang palay ngayon. Totoo,
nagdudulot ito ng pinsala sa mga motorista pero paano naman kami na mga hamak na magsasaka lamang.]
Sa ngayon, ang pagpapatuyo ng palay sa mga kalsada ay patuloy na nagdudulot ng pag-aalala sa kaligtasan at kaayusan sa mga kalsada, habang patuloy na hinahanapan ng solusyon ng mga lokal na opisyal ang hamon na ito.
‘Aparri Six’ inalala, Pebrero 19 idineklara bilang Local day of Prayer
Bilang pag alala sa tinaguriang Aparri Six idineklara ng lokal na pamahalaan ng Aparri ang Pebrero 19 bilang ‘Local day of Prayer and Observance’ sa napaslang na bise mayor Alameda at ang lima nitong kasamahan noong nakaraang taon.
Nananatiling palaisipan hanggang ngayon kung sino ang nasa likod ng nasabing pagpaslang. Matatandaang tinambangan at pinaulanan ng bala ang kanilang sinasakyan sa Sitio Kinacao, Barangay Baretbet Bagabag, Nueva Vizcaya habang patungong Manila. Positibo pa rin ang mga naiwang pamilya na makakamit nila ang hustisya at mananagot ang may kasalanan.
Samantala ang kaso ay umabot na sa Senado at patuloy pa rin ang imbestigasyon.
Ganap nang binuksan ng Bukig National Agricultural and Technical School ang Alternative Learning System para sa mga ‘out of school youth’ (OSY) ngayong taon.
Layunin ng paaralan na mabigyan ng pagkakataon ang mga OSY na tapusin ang kanilang pag-aaral.
Kaakibat ng nasabing programa ang pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga kabataang hindi nakapagtapos dahil sa kahirapan ng buhay, maagang nagkaresponsibilidad sa pamilya, at pagiging drop-out.
Target nito na pabalikin sa eskwela ang mga OSY na edad labing-anim pataas.
Sa isang panayam, hinikayat ni Jonah Joyce Urbi, punongguro ng BNATS ang mga OSY na gamitin ang pagkakataong ito upang makamit ang kanilang mga pangarap.
“ALS is an opportunity, so grab this chance to address your problems, regarding not able to attend formal education,” saad ni Gng. Urbi sa mga kabataang tumigil sa pag-aaral.
Hinimok naman ni Homer S. Beleno, tagapayo ng ALS, ang mga mag-aaral na magpatuloy sa kanilang edukasyon dahil nariyan ang ALS na pag-asa nila.
Sa kasalukuyan ay may 27 nang nakapagpatala sa nasabing programa at inaasahang madaragdagan pa ito sa susunod na mga taon.
“Magandang oportunidad ito sa amin kasi kahit hindi namin natapos, may pagkakataon kami na tapusin ang pag-aaral namin. Mahirap man gawa nang may mga responsibiladad din kaming dapat gampanan, para ito sa pangarap namin sa aming mga pamilya,” ani Airies Bunagan.
Ang Alternative Learning System o Republic Act 11510 ay naglalayong mabigyang suporta at kalidad na edukasyon ang mga kabataang tumigil sa pag-aaral at gustong makapagtapos.
‘No License, Registration, No Entry’ aprubado na; ilang mag-aaral, magulang umalma
Klase sa Aparri, iba pang mga bayan kinasela dala ng matinding init
Ipinag-utos ni mayor Bryan Chan ang pagkansela ng klase at trabaho sa mga paaralan sa buong bayan ng Aparri sa lahat ng antas bilang tugon sa nararanasang matinding heat index nitong nakaraang mga lingo.
Sa executive order bilang 2024025 na inilabas ng pamunuan ng alkalde, ipinatutupad ang blended learning modality upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro, simula Abril 24. Nakasaad sa kautusan na ang pansamatalang kakanselahin ang mga klase sa tanghali kung kailan matindi ang init ng araw, alinsunod na rin sa utos ng Kagawaran ng edukasyon na nagtatakda sa pagpapalawig ng proteksyon sa mga estudyante dahil sa pabagobagong init ng panahon.
Ilan sa mga nagkansela din ng klase ay ang mga bayan ng Tuguegarao, Tuao, Claveria, at Allacapan na nakaranas ng 40-48 heat index sa pagsisimula ng Abril.
Suliraning pampaaralan, inaksiyunan ng bagong punongguro
Sa opisyal na pagsisimula ng kanyang panunungkulan ngayong araw, Agosto 29, 2023, bilang bagong punongguro ng Bukig National Agricultural and Technical School, inihayag ni Jonah Joyce R. Urbi ang kanyang mga plano upang tugunan ang mga suliranin sa paaralan. balitang tidbits
Isa sa mga suliraning tinalakay ni Urbi ay ang kakulangan ng electric fans sa bawat silid aralan. Ayon sa punongguro, ang pangunahing pokus ng kanyang administrayon ay ang pagpapabuti sa kalagayan ng mga mag-aaral at pagsasaayos ng mga silid-aralan na nakaangkla sa MATATAG Agenda na naglalayong bigyan ng kabuuang pagkahubog ang mga mag-aaral sa pakikipagtulungan ng mga stakeholders.
Hinikayat din ni Urbi ang kooperasyon ng mga stakeholders upang maisakatuparan ang mga plano nito.
“Hindi kayang ibigay lahat ng eskwelahan ang pangangailangan ng mga mag aaral kung kayat hinihingi ko ang tulong ng bawat stakeholders upang makibahagi sa isinusulong na solusyon ng paaralan.
Inihayag naman ng punongguro na ipagpapatuloy niya ang proyektong nasimulan ng dating administrasyon. “Ano man ang mga proyektong naiwan ng dating namuno sa paaralan, sisikapin nating tapusin ito. can say, na ang mga proyektong ito ay sadyang makatutulong sa pagpapaganda ng ating paaralan,” saad ni Urbi.
“The story behind the implementation of this resolution was the incident that happened to a student where his parent asked what we can do, so we come up with this,” paliwanag ni Rigonan.
Binigyang diin pa ni Rigonan na prayoridad ng paaralan ang kapakanan at kaligtasan ng mga mag-aaral lalong-lalo na sa panahon ngayon na agresibo ang mga kabataan.
Lumabas naman sa survey na isinagawa ng Mannalon na pito sa bawat sampung mag-aaral ang sumasang-ayon sa resolusyon na makatutulong upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa kanilang pagpasok at pagpauwi mula sa paaralan.
Ayon kay Gian Martinez, Grade 11, may sariling motor, ang pagkakaroon ng lisensya ay nagpapakita ng pagtalima sa batas trapiko at responsibilidad ng mga nagmamaneho ng motorsiklo.
Sumasang-ayon din ang ilang guro na nababahala sa mabilis na pagpapatakbo ng kanilang mga sasakyan lalo na
sa oras ng uwian sa hapon.
“Tama lamang na may ganitong ipinapatupad dahil kung pababayaan lang ang mga ganitong insidente mas lalala ang sitwasyon lalo at laganap sa lugar ang karerahan. Sana isunod din yung mga naka-muffler lalo na tuwing gabi”saad ni Flodie Tejano, guro sa Senior High School.
Samantala may ilang mga mag-aaral naman ang naalarma at hindi pabor sa nasabing resolusyon dahil sa dagdag gastos sa pamasahe at pagproseso ng mga papel.
“Kung para sa kaligtasan iyon ng mag-aaral , may mga nagmomotor pa din naman, maganda sanang pulis na mismo ang manghuli, mas ok din sana kung lisensya na lang yung tignan kasi hindi naman lahat ng motor ay may paper plus mas Malaki ang bayad”, Charlotte Danao, Grade 11. May mga ilan din ang nagsasabing band-aid solusyon lang ang resolusyon dahil may mga pumapasok pa rin naman ngunit pumaparada sa labas ng paaralan.
Suplay ng tubig daing ng mga residente ng brgy. Sanja, Bisagu mula sa pahina 1
Sa isang panayam na isinagawa ng Mannalon staff inamin ng dalawang kapitan ng nasabing barangay ang kakulangan ng suplay ng tubig at ipinaliwanag na naidulog na ang problema sa lokal na pamahalaan at hinihintay na lang ang kanilang aksyon
“May joint resolution ng ginawa ang aming barangay, humingi na rin kami ng tulong sa provincial government. Yung SALINTUBIG program kasi nila hindi naman nakaka abot sa barangay namin, kaya kami na mismo ang dumadayo upang mag-igib sa ibang barangay,” pahayag ni punong barangay Rolando Labbao ng barangay Bisagu.
“May Php162 000 na nakalaang pondo para sa artician para sa bomba ngunit kailangan naming hanapin ang magandang source ng tubig at doon [kami] magsisimula,” dagdag pa niya
Sa bisa ng 2010 Memorandum of Agreement ng Department of Interior Local Government (DILG) sa Department of Health (DOH) at National Anti Poverty Commission binuo ang programang SALINTUBIG o ang Sagana at Ligtas na tubig sa lahat.
Ang nasabing programa ay nagsusuplay ng maayos na tubig sa mahigit 400 lugar sa bansa na walang maayos na suplay ng tubig.
Disyembre ngayong taon napabilang ang bayan ng Aparri sa mga nabigyan ng proyektong ito sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at isa ang barangay Paruddun Norte sa nahandugan ng rehabiltasyon ng water system kung saan napapakinabangan ng Barangay Sanja at parte ng Bisagu.
Gayunpaman, marami pa ring residente ang nagrereklamo dahil hindi sapat ang inilalabas nitong tubig at sa pitong Zone ay tanging nasusuplayan lamang ay ang mga residente ng Zone
“Noong una ok naman pero minsan nagkaroon ng water interruption hanggang sa nagtuloy –tuloy na, kaya wala kaming magagawa kundi mag-igib na lang sa Zone 1 o di kayaý bumili nalang ng tubig.” pahayag ni Irish. Paliwanag ng ilang mga residente, bagaman may lumalabas na tubig sa mga gripo, hindi rin ito sapat at hindi pwedeng inumin kaya napipilitan din silang bumili ng tubig pang-inumin.
Hanggang ngayon, nanatili ang problemang ito sa pamayanan ng dalawang barangay at tuloy ang kanilang panawagan na
“Kung tutuusin malaki ang tulong ng
lalo na kung kapos sa budget,
sa
guro at manggagawa sa school hindi yung kami lang, John David , Grade 10. Pinanindigan naman ng paaralan ang mahigpit na pagpapatupad ng nasabing resolusyon at humingi ng tulong sa mga kapulisan, at mga opisyal ng barangay, gayundin ang pang-unawa ng mga magulang. .
“Ito ay para sa ikabubuti ng lahat. Humihingi kami ng tulong sa kinauukulan, partikular sa mga pulis at sa barangay. Kooperasyon din ng mga magulang ang nais namin nang sa gayon maayos at matiwasay ang pagpapatupad natin ng ordinansang ito”, saad ni Urbi. Alinsunod ang nasabing resolusyon sa Republic Act. 4136 na nagsasaad ng sapilitang pagrerehistro sa lahat ng motorsiklo at paglabag sa batas ang sino mang walang lisensyang magpapatakbo ng motorsiklo.
Camalaniugan bridge binuksan para sa mga light vehicles
Ito ay alinsunod na rin sa pakiusap ng maraming residente ng Aparri West upang mas mapadali ang kanilang pagbibiyahe papunta sa town proper ng kanilang bayan.
Kabilang sa mga maaring dumaan ay mga van, single motor, kotse, at tricycle alinsunod na sa mas mababa sa 3 toneladang bigat na limitasyonng itinakda ng pamunuan ng tulay.
Kabilang sa mga maaring dumaan ay mga van, single motor, kotse, at tricycle alinsunod na sa10T bigat na limitasyonng itinakda ng pamunuan ng tulay.
“Maganda na bukas iyan maski hindi pa siya tapos, atleast mas mabilis kaming makapunta sa pupuntahan namin nang hindi na kami iikot pa sa magapit. Lalo ang mahal ng pamasahe ngayon,” saad ni LJ Asiddao, isang motorista.
Samantala, pinaalalahan naman ng pamunuan ng tulay ang mga
dumadaan na maging maingat at panatilihin ang pagsunod sa batas ng trapiko sa lugar upang maiwasan ang disgrasya.
“Pinagbigyan namin na makadaan ang mga motorista pero isa lang ang pakiusap namin, maging responsable at sundin ang mga pamantayang itinakda namin nang sa gayon ligtas ang lahat sa pagdaan,” saad ng pamunuan.
“Sinisiguro palang namin ang matatag na pundasyon ng tulay, kaya hanggat maari, maging maingat sana ang mga tao sa pagmamaneho,” dagdag niya. Bukas ang nasabing tulay mula alas sais hanggang alas otso ng umaga, alas dose hanggang ala una ng tanghali, at alas siete hanggang alas nueve ng gabi.
Matatandaang sinimulan ang pagtatayo ng nasabing tulay taong 2020 upang pagdugtungin ang kanlurang bahagi ng Aparri at Camalaniugan.
Tomo 2 I Bilang 1. Agosto 2023- Abril 2024 Makatotohanang balita balita p2 Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Bukig National Agricultural and Technical School balita p3 mannalon
nagbukas
BNATS
ng ALS para sa OSY
mga kalsada.
balitang investigative
Maari nang makadaan ang mga light vehicles sa kasalukuyang pinatatayong Camalaniugan-Aparri Bridge na inaasahang matatapos sa taong 2026
Bilang ng mga nakatala sa Alternative Learning System Program ng BNATS 27 Deejay Espinosa Deejay Espinosa Matiyagang nag-aantay ang mga motorista sa pansamanatalang pagbubukas ng tulay na nagdudugtong sa Aparri West at Camalaniugan sa mga limitadong oras bawat araw. Para sa kanila, ang pansamanata at limitadong oras ng pagbubukas na ito ay malaking tulong sa kanila upang mapadali ang kanilang biyahe papunta sa kanilang destinasyon. Anila, malaking tipid din ito lalo sa gasolina. WALANG IBANG PAGPIPILIAN. Bagaman may kasalukuyang batas na nagbabawal sa pagbibilad ng palay at mais sa mga kalsada, patuloy parin sa pagsasagawa nito ang isang residente ng Paruddun Norte sa Aparri, isang araw ng Biyernes, ika-29 ng Marso. Saad nila, wala naman daw ibang maaring pagbilaran ng kanilang ani, at wala din namang pasilidad na inilaan ang gobyerno para dito. KAHIT HABANG KALONG KITA. Masidhing pokus ang inilalaan ni Airies Bunagan sa isinasagawang demonstration ng kanyang mga kaklase habang pinapatulog nya ang kanyang anak. Si Bunagan ay isa sa mga 27 na nagpatala sa Alternative Learning System Program ng BNATS na ayon sa kanyan ay isang magandang oportunidad sa kanila na mga hindi nakatapos ng kanilang pag-aaral.
Deejay Espinosa
Angel Bianca Tarampi
Pulene Lucky Rasay
Angel Bianca Tarampi
Pulene Lucky Rasay
Pulene Lucky Rasay
Vincent Venus
mabigyang sulosyon ang suplay ng tubig sa kanilang
lugar.
BILANG NG MGA MAG-AARAL NA SANGKOT SA MGA DISGRASYA SA KALSADA Batay sa datos mula tanggapan ng pulis at ng paaralan, narito ang bilang ng mga estudyanteng sangkot sa disgrasya sa daan Madalas na dahilan ng pagkadisgrasya ng mga estudyante ay ang mabilis na pagpapatakbo at paghabol ng aso. bilang ng mga estudyanteng nagmomotor bilang ng mga nadisgrasya sa loob at labas ng paaralan nagtamo ng matinding pinsala Bilang ng mga estudyanteng walang lisensya 6 47 27 1
motorsiklo
amin
pero sana ay kasama pati mga
mula sa pahina 1
Deejay Espinosa
ng guwardiya ang
na
sa sa paaralan ng BNATS alinsunod sa pagpapatupad ng No License, Registration, No Entry Policy ng paaralan. Ang nasabing batas ay ipinatupad upang masuguro ang kaligtasan ng mga estudyante sa kanilang pagpasok
Deejay Espinosa INSPEKSYON.
Masinop na inuusisa
bawat estudyanteng nakamotor
pumapasok
Overloading talamak, BNATS nanawagan ng tulong sa mga lokal na opisyal
Ayon sa pamunuan ng paaralan, ginagawan na nila ng aksyon ang suliraning ito upang masigurong ligtas na makauwi ang mga estudyante katulad ng pakikipagtulungan sa mga barangay.
Nangangamba naman ang ilang magulang sa ganitong sistema kaya ang ilan ay napipilitang sunduin ang kanilang mga anak lalo na sa pag uwi.
“Mahirap kasing disiplinahan ang mga bata ngayon, kaya hindi sapat na pagsabihan lang sila, kaya ako na mismo ang sumusundo sa kanya para masigurado ang kanilang kaligtasan, pahayag ng pahayag ni Gng. Marites Doronio, isang magulang.
Pagtatanggol naman ng ilang mga drayber, umaaray din sila sa presyo ng gasolina kaya pikit mata nilang pinagsisiksikan ang
mga pasahero maabot lamang ang boundary sa isang araw.
“Wala, di kasya ang 5 pasahero sa balikan, malulugi kami sa gasolina dahil 10 pesos lang pamasahe kada mag-aaral,” ani Jestoni, driver ng pampasaherong tricycle.
“Wala kaming magagawa ito na din kasi nakasanayan namin tsaka maingat din naman kami sa pagmamaneho lalo na eh kargo din namin sila” dagdag pa niya. Ayon naman sa ilang mag-aaral, ang tricycle ang karaniwang uri ng transportasyon na kanilang ginagamit sa pagpasok at pag uwi kaya naman wala silang magagawa kundi sumabit kung walang ibang masasakyan. “Sabit nalang ako kasi di na ako kasiya sa loob, wala namang ibang sasakyan” sabi ni John Lester Pradia, Grade 11-HUMMS .
Punong barangay sa mga magulang- Ang disiplina ay nagsisimula
Ito ang dismayadong pahayag ni punong barangay Lope V. Lucero sa mga magulang na hindi nakikipagtulngan sa pagdidisiplina ng kanilang mga anak sa ginanap na pagpupulong na dinaluhan ng mga magulang at mga punong barangay sa Aparri West, kahapon Marso 19, 2024.
Kaugnay nito ang tumataas na bilang ng mga insidente ng rambulan sa loob at labas ng paaralan sangkot ang mga kabataan.
Ayon kay Lucero walang silbi ang pakikipagtulungan ng barangay sa paaralan upang masolusyonan ang problema kung mismong ang mga magulang ay hindi kayang disiplinahan ang kanilang mga anak.
“Responsibilidad ng mga magulang ang paghubog sa pag-uugali ng kanilang mga anak sa loob ng bahay,” saad ni Lucero
Binigyan diin naman ni Roel Cortez, punong barangay ng Zinarag na irespeto at igalang ang
mga guro bilang ikalawang magulang, matapos mapag-alamang tatlo sa mga guro ng BNATS ang nasaktan at nasugatan habang umaawat sa nasabing rambulan.
“Nagpapasalamat kami dahil sa positibong pagtugon ng mga barangay captain at mabilisang aksyon sa problema, after all responsibilidad din nila ang kanilang nasasakupan”, sambit ni Cherrylyn Burgos, Guidance Counselor.
Inamin naman ng mga magulang ang kanilang pagkukulang at nakipagkasundo na makikipagtulungan sa pagtuturo ng asal sa kanilang mga anak.
Napagkasunduan naman ng mga punong barangay na maglalaan ng araw ang bawat barangay upang magbantay sa gate ng paaralan.
Pinatawan naman ng positive discipline ang mga sangkot sa mga rambol ng dalawang araw alinsunod sa student handbook.
Sundalong Filipino-Israeli kasama sa mga nasawi ng rocket attack sa Gaza
Ngayong taon, umabot sa 198 ang bilang ng mga immersants mula sa BNATS. Ito ay bilang paghahanda at bahagi ng kanilang kurikulum alinsunod
guro
Lipunang patas, Bagong Pilipinas!
Ito ang naghuhumiyaw na sigaw ng mga kababaihan sa ginanap na Womens Month Celebration na ibinida ang mga kontribusyon ng kababaihang guro sa paaralang BNATS noong ika-15 ng Marso.
Ibinandera ng mga kababaihang guro, staff at mag-aaral ang mahahalagang kontribusyon ng mga kababaihan sa paaralan at sa komunidad sa pamamagitan ng iba’t ibang paligsahan tulad ng pagsulat ng sanaysay, pagguhit ng poster at pagsulat ng slogan na sumentro sa temang “Lipunang Patas, Bagong Pilipinas.”
Sinaluduhan naman ni punongguro Jonah Joyce Urbi ang pagiging matatag ng mga kababaihan sa gitna ng mga pagsubok na kanilang nararanasan sa pamilya, trabaho at lipunang ginagalawan.
“My salute to all women who continue to be resilient despite the many challenges that they are facing be in their home, place
BNATS
of work and their respective communities” saad ni Urbi.
Ipinahayag naman ni Mary Jane Capinia, punong barangay ng Plaza at panauhing tagapagsalita ang kanyang pasasalamat sa pamunuan ng paaralan na patuloy na nagtataguyod sa karapatan ng mga kababaihan at humuhubog sa kanilang mga talento upang maging kapaki-pakinabang sa lipunan.
“Hindi madali ang magturo ngayon lalo na ang pagdidisiplina ng mga bata, pero patuloy pa rin kayong tumitindig at hindi sumusuko sa mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan” dagdag pa ni Capinia.
Nagpasalamat naman ang mga kaguruan sa natanggap na regalo na inihandog ng pamunuan ng paaralan.
“Hindi man ako guro pero nararamdaman ko pa din ang respeto at paggalang ng mga mag-aaral at ang pagmamahal ng paaralan sa amin kahit sa mga ganitong pagdiriwang”, saad ni Cherrylyn Burgos, guidance counselor ng paaralan.
nakilahok sa National Orientation on Safer Internet Day 2024
Nakiisa ang paaralan sa buong mundo sa ginanap na oryentasyon hinggil sa Safer Internet Day 2024 nitong ika-13 ng Pebrero, taong kasalukuyan sa temang “Together for a Better Internet.”
Sa bisa ng P.D. 417 s. 2018, taunang ginugunita ang nasabing aktibidad sa ikalawang Martes ng buwan ng Pebrero alinsunod sa R.A. 11930 o Anti-Online sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) and Anti- Child Sexual Abuse on Exploitation Materials (CSAEM) act.
Kalakip sa nasabing pagdiriwang ay ang DepEd Anti- Online Sexual Abuse and exploitation of Children and Child Sexual Abuse and Exploitation Material sa local na temang “OSAEC at CSAEM ating sugpuin, implementasyon ng R.A 11930 sama-samang patatagin.”
Sa layuning mabigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral sa wasto at ligtas na paggamit ng internet, sabay-sabay na pinanood ng mga mag-aaral ng BNATS ang nasabing
oryentasyon sa kanilang silid-aralan sa tulong ng kanilang mga tagapayo.
Sa mensahe ng kalihim ng kagawaran ng Edukasyon Sara Zimmerman Duterte-Capio sa ginanap na oryentasyon, napag-alamang halos kalahating milyon ng nga batang Pilipino o isa sa bawat 100 bata noong 2022 ay biktima ng trafficking for the production of child exploitation material for profit.
Karagdagan, ang Pilipinas ay pangalawa sa buong mundo sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children ayon sa ulat ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center of the Department of Information and Communications Technology.
Dahil sa mga kaalamang ito, at bilang tugon sa mga nakakaalarmang hamon na
maaring maidulot ng paggamit ng internet, pinaalalahanan ng bawat guro ng BNATS ang kanilang mga mag-aaral na maging responsible sa paggamit nito.
Tampok din sa oryentasyon ang mga salient features ng R.A. 11930 at ang mga krimeng nagagawa online at komprehensibong pagtalakay sa DepEd Anti-OSAEC and Classroom Based Sessions.
Naniniwala ang administrasyon na sa pamamagitan ng aktibidad na ito ay mapaalalahanan ang mga estudayante na maging alerto at mapagmatyag at upang maiwasan ang mga bantang dulot ng paggamit ng internet at mabawasan ang mga krimen tulad ng online sexual abuse, cybercrimes at iba pa.
ng JS Prom
Dismayado ang opisyal ng paaralan sa matinding kalat na iniwan sa ginanap na JuniorSenior Promenade sa BNATS nitong Pebro 16.
Ayon kay Technical Vocational Head Teacher Hilario Tabalno, ang nasabing programa ay inaasahang magturo ng social etiquette tulad ng disiplina sa mga mag-aaral.
Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv, ang nasawing si Sergeant First Class (Reserves) Cydrick Garin ay tubong Isabela, Cagayan. Ang nasabing pangyayari ay tinaguriang “pinakamadugong araw” para sa militar ng Israel mula nang magsimula ang kanilang opensiba laban sa Hamas at sa pagsalakay sa Gaza noong Oktubre 2023.
Patay ang grupo ni Garin matapos tamaan ng rocket propelled grenade na pinaputok ng mga mandirigma ng Hamas sa isang tangke na nagbibigay seguridad sa koponan ng IDF.
Ayon sa IDF, ang pagsabog ay nagdulot ng pagguho ng dalawang gusali kung saan naroon ang mga sundalo.
Dagdag pa rito, hindi bababa sa 25,490 na mga Palestino ang namatay habang mahigit dalawang milyong populasyon ang napilitang lumikas matapos ang opensibang militar ng Israel. Kaugnay nito, pinangangambahang mas mataas pa ang bilang ng mga nasawi sa panig ng Palestino dahil libulibo pa umano ang hindi pa natatagpuan sa ilalim ng pagatake ng Israel.
Samantala, malalim ang epekto ng digmaan hindi lamang sa mga direktang kasangkot kundi pati na rin aa mga Pilipinong may kaugnayan sa mga nasasangkot na bansa.#
Nanindigan si Jonah Joyce Urbi, punongguro ng paaralan na pababalikin ang mga immersants kung sakaling makagawa ng mga pangyayari na ikasisira ng relasyon at reputasyon ng paaralan sa mga partner agencies
Nitong Ika-7 ng Pebrero pinaalalahanan ng punongguro ang mga Grade 12 immersants na maging mapagmatyag at maingat sa kanilang work immersion place upang magkaroon ng maayos na record ang paaralan sa ibat-ibang ahensya.
“Bitbit ninyo ang pangalan ng paaralan, kung may nagawa kayong mali roon katulad ng mga nakaraang isyu, hindi pangalan ninyo ang tatatak sa kanila kundi ang pangalan ng school”, saad ni Urbi.
Layunin din ng orientasyon na mabigyan ng ideya ang mga magulang sa maaari nilang harapin sa work immersion site.
Ipinaliwanag din sa mga magulang ang praktikal na gabay ukol sa aspetong pampinansyal upang matiyak na handa nilang suportahan ang kanilang mga
anak at makapaghanda ng mas maaga.
“Nakaalalay naman ang paaralan sa maaring maitulong nito sa mga immersants at may mga nakatalagang mga guro na magmomonitor sa kanila” dagdag ni Urbi.
Samantala, ang immersion ay bahagi ng K12 kurikulum kung saan ang mga estudyante ay nabibigyan ng pagkakataon upang maranasan nila ang ‘actual work environment.’
Sa kabila ng ilang agam-agam mula sa ilang mga magulang, napatunayan na ang immersion ay isang mahalagang karanasan sa pag-aaral lalo na sa pagpili ng tatahakin sa kolehiyo.
Mannalon wagi ng 11 medalya sa CDSPC ‘24
CDSPC
Muling pinatunayan ng mga mamahayag ng Mannalon at Sower ang kanilang kahusayan sa pagsusulat matapos makasungkit ng 11 medalya sa katatapos na Congressional District Press Concference sa bayan ng Sta. Ana noong Pebrero 27.
Nakamit ni John Mark Tabalno ang ikalawang pwesto sa Editoryal Cartooning- English habang nasungkit naman ni Stanley Dave Paa ang ikatlong pwesto sa parehong kategorya sa Filipino.
Pareho namang nakuha ni Nataniel Retamal at Sheeane Bumanglang ang ikatlong pwesto sa Pagsulat ng Editoryal- English at Filipino.
Sa kabilang banda, naibulsa ni Daniel Manuel ang ikatlong pwesto sa Pagwawasto at Pag-uulo ng balita habangg nakuha naman ni Deejay Espinosa ang ikasiyam na pwesto sa Photojournalism- English.
“Hindi ko inasahan na makakapasok ako sa Top 10 lalo pa at ito ang unang pagkakataon kong sumali sa ganitong patimpalak. Sa mga coaches namin, salamat sa walang sawang paggabay. Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para sa DSPC,” saad ni Deejay Espinosa, kalahok sa Photojournalism.
Samantala, nasungkit din ni Pauline Rasay ang ika-sampung pwesto sa Pagsulat ng balita- Filipino; James Fernandez ika-sampung pwesto sa VloggingFilipino; Lovejoy Aznar ika-sampung pwesto sa Mobile Journalism- English. Hindi rin nagpahuli si Kate Campos na
nakasungkit ng ikawalong pwesto sa VloggingEnglish at nakamit ni Angela Trixia Tarampi ang ikasiyam na pwesto sa Mobile journalism-Filipino.
Samantala, nasungkit naman ng Radio Broadcasting-Filipino ang ikalawang pwesto sa ‘Best Infomercial’ at ni Kate Campos ang ikalimang pwesto bilang “Best News Presenter.
Ayon kay Anna Lizette Abinan-Makalintal tagapagsanay, ang kanilang pagkapanalo ay bunga ng kanilang sakripisyo at dedikasyon na mapahusay ang kanilang sariling talento sa pagsusulat.
“ Huwag makuntento sa kung ano ang nalalaman mo bagkus ay pag-ibayuhin ang pag-eensayo araw-araw upang mas makaabot pa kayo sa NSPC” pahayag ni Makalintal.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Jay Mark Macutay, tagapagsanay sa patuloy na suporta ng mga magulang guro at pamunuan ng paaralan upang mahubog ang kakayahan ng mga campus journalists.
Kabilang din sa mga lumahok sina Joshua Ballesteros, Angel Bianca Tarampi, Keith Maximo, Karyll Guiang, Zairel Raralio, Jasmin Paleyan, Rhaian Agustin, Jhai Mari Delos Santos, Lorhaine Poncio, Precious Tablac, at Shami Imbud.
Ang Top 10 sa bawat kategorya ang papasok para sa DSPC na gaganapin sa Tuao, Cagayan ngayon Abril na dadaluhan ng mga campus journalists mula sa iba pang mga distrito.
“Napansin ko ang kawalan ng disiplina mga mag-aaral kasama na ang kanilang mga magulang sa kadahilanang hindi man lang nilinis ang gymnasium pagkatapos nilang gamitin”, saad niya. Dagdag pa ng ulong-guro, bilib siya sa ipinamalas na kagalingan ng mga mag-aaral sa pagsasayaw ngunit lubos na lamang ang pagkadismaya nito nang maglibot siya at nakita ang mga nagsikalat na pinagkainan ng mga nagsidalo. Ipinaliwanag naman ng mga tagapayo ng Grade 10 at 11 na gabi na ng matapos ang programa kaya’t wala na silang oras pang malinis at mapulot ng basura.
“Gabi na nang matapos ang programa kaya wala na kaming oras para magpulot at mag-ayos ng basura at dagdag mo na rin ang pagod ng mga bata at lahat ng dumalo sa nasabing programa,” saad ni Jay ann Cabarong, isa sa mga tagapayo ng Grade 11.
Inanunsyo
balita p4
balita p5 mannalon
Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Bukig National Agricultural and Technical School
ni Head Teacher Tabalno ang pangyayaring ito sa flag ceremony ng mga mag-aaral at hiniling ang unang labing limang minuto ng klase upang magpulot at maglinis sa kapaligiran. “Maging aral sana ito para sa lahat. Ito ang simpleng paraan natin para tulungan din ang mga utility men ng paaralan. Panatilihin nating malinis ang ating paligid at maging responsable sa ating mga basura sa anumang okasyon at pagkakataon. Responsibilidad ito ng lahat,” paglalahad ni Tabalno.
sa loob ng bahay RAMBULAN SA PAARALAN: Punongguro
sa mga immersants: One false move balik lahat Womens Month Celebration ibinandera ang kontribusyon ng mga kababaihang
Opisyal ng paaralan dismayado sa dulot na kalat
sa itinakda
K12
ng
Education.
sakuna sa daan.
Humiling ng tulong ang pamunuan ng paaralan sa barangay Bukig na bantayan at masabihan ang mga tricycle driver na nagooverloading upang maiwasan ang mga
James Joham Fernandez
Melissa Jade Pablo
Paulene Lucky Rasay
Angel Bianca Tarampi
John Raymond Alvarez
Kate Nissi Campos
James Joham Fernandez
Joshua Ballesteros SA KABILA NG BANTA. Bagaman may banta sa kanilang seguridad, siksikan sa isang tricycle ang mga estudyante ng BNATS para makauwi ng mas maaga. Karaniwan na itong tagpo para sa kanila dahilan na rin ng kakulangan sa bilang ng tricycle na maghahatid sa kanila sa kanilang mga bahay. Nasawi ang isang 23-taong-gulang na sundalong Filipino-Israeli na kabilang sa mga 21 na kawal ng Israeli Defense Force (IDF) ng rocket attack sa kanilang operasyon sa Gaza, nitong ikaw-22 ng Enero. Camille Santos Naraga bilang ng mga nasawi mula sa pag-atake ng Israel. bilang ng mga nasugatan simula Oktubre. 31,490 Palestinians 73,439 Palestinians datos at istatistika Si Sergeant First Class (Reserves) Cydrick Garin, 23-anyos, na isang IDF soldier sa 261st Brigade, 8208th Batallion na nasawi sa pambobomba sa Gaza. Ang ina ni Garin ay tubong Isabela at tubong General Santos naman ang kanyang ama. ANG BAYANI SA LIKOD NG SUGAT STEM AND GO. Ang mga estudyante mula sa STEM strand naitalaga sa DPWH sa isang photo op Bianca Tarampi mannalon archives balitang internasyonal Deejay Espinosa LAKAS NG KABABAIHAN. Masigasig na nakibahagi ang mga kababaihan-mga guro at estudyante sa pagdiriwang ng BNATS sa National Women’s month nitong ika-15 ng Marso. Sa selebrasyon, binigyang pagpupugay ng mga lalaking guro ang kanilang kapwa guro bilang simbolo ng paggalang at pagsuporta sa kanilang karapatan. Ang mga nagsipagwagi sa naganap na CD1SPC na ginanap sa Sta. Ana, Cagayan bilang ng mga rehistradong tricycle sa Aparri West -Wilson Ramos, pangulo ng Samahan ng mga Tricycle sa Aparri West 45 Makatotohanang balita Tomo 2 I Bilang 1. Agosto 2023- Abril 2024
Daniel Manuel at Keith Maximo
Bilang ng
nagtatrabahong
mag-aaral sa BNATS, patuloy na tumataas
School ayon sa datos na inilabas ng Guidance Office nitong ika-17 ng Oktubre.
Ayon sa datos 1 sa bawat 12 mag-aaral ang nagtatrabaho upang may pantustos sa pag-aaral mas mataas ito kumpara noong nakaraang taon na 1 sa bawat 50 mag-aaral lamang.
Ilan sa mga pangunahing dahilan ay ang patuloy na epekto ng pandemya at walang humpay na pagtaas ng inflation rate sa bansa.
Ang mga mag-aaral mula edad 11-17 ay naitalang nagtatrabaho sa mga lugar na may dalang panganib sa kanilang kalusugan at kaligtasan na hindi akma sa kanilang
murang edad tulad ng pangingisda, pagsasaka, pagtatrabaho sa construction, warehousing at pagdedeliver ng mga produkto.
Sa isang panayam na isinagawa ng Mannalon staff, inilahad ni Rhondel Piano, 16, nasa ika-10 baitang na kinakailangan niyang magtrabaho upang suportahan ang kanyang pag-aaral dahil hindi sapat ang kita ng kanyang mga magulang sa pagsasaka.
Ayon sa kanya, mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho ngunit
Saliyawit ’23 sumentro sa buhay ng mga OFW
Upang bigyang pugay ang mga Overseas Filipino Workers ibinida sa Saliyawit ’23 ang mga sakripisyo ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibayong dagat nitong Ika-20 ng Disyembre.
Sa temang, TAHANAN: A Christmas Tale Uniting Hearts Worldwide, ipinamalas ng mga mag-aaral at mga guro ang angkin nilang galing sa pagsasayaw, pag-awit at pag-arte na kumikilala sa kabayanihan ng mga OFW.
Ayon kay Angel Unciano, 19, kakaiba ang naging palabas sapagkat tinutumbok nito ang mga mahahalagang isyung kinakaharap ng mga OFW gayundin ang kanilang mga pamilya.
Samantala, inilahad naman ng punongguro Jonah Joyce R. Urbi ang kanyang pagsaludo sa mga mag-aaral at mga guro dahil nakapaghandog ang paaralan ng maayos na pagtatanghal kahit na limitado lamang ang araw ng pag-eensayo.
“The outcome of Saliyawit was a superb performance. Bilib ako sa mga teachers parents and learners dahil kahit kaunti lamang ang oras ng inyong pag-eensayo ay nakapagbigay tayo ng kasiyahan sa mga manonood.
Ang Saliyawit ay tradisyon ng mga Aparrianos na nagaganap tuwing Disyembre na kung saan iniimbitahan ang bawat paaralan upang magtanghal at magbigay ng kasiyahan sa mga manonood.
sa mga numero
Sa survey na ginawa ng Tanggapan ng Guidance Officer lumalabas na may mga magaaral na nagtatrabaho sa mga sakahan, tindahan at iba pa upang matustusan ang kanilang pangangailangan sa kanilang pagaaral:
Miyembro ng LGBTQ+ pinayagang magcross-dress sa JS Prom
Pinayagan ng pamunuan ng paaralan na magsuot ng “cross-dress” ang mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexuals, Transgenders and Queers (LGBTQ+) sa ginanap na Junior-Senior Promenade nitong ika-16 ng Pobrero bilang pakikiisa sa gender-responsive policy ng Kagawaran ng Edukasyon.
Ito ay alisunod na rin sa kautusang inilabas ng Department of Education (DepEd) na naglalayong mabigyan ang mga miyembro ng LGBTQIA+ ng isang ‘gender-responsive environment with zerotolerance for all forms of discrimination, violence and abuse’.
namin sila basta’t disipilina pa din kahit na sa ganitong pagkakataon”pahayag ni Urbi.
Nagpahayag naman ng pagkatuwa ang ilang mga mag-aaral ukol dito. Saad nila, Magandang pagkakataon ito upang mas maipahayag pa nila ang kanilang mga sarili.
walang siyang pagpipilian at kadalasan ay humihingi ng pag-unawa sa kanyang mga guro dahil sa pagliban sa klase at huling pagsumite ng mga proyekto.
“Wala naman na akong choice. Madalas, pang-unawa na lang ng mga teachers ko ang hinihingi ko para nakahabol ako sa klase. Araw-araw nagdarasal ako na magkaroon ng magandang buhay, hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatrabaho pero isa ang sigurado gusto kong makapagtapos ng pag-aaral”, paglalahad ni Piano.
Madriaga
bilang ng mga nagtatrabahong estudyante
nagtratbaho mula sa JHS
nagtatrabaho mula sa SHS 107 19 88
Itinatakda din ng memorandum na ang bawat pamunuan ng paaralan ay inaasahang magpahintulot sa mga mag-aaral at maging sa mga guro na makilahok sa mga programa ng paaralan tulad ng JS Prom , suot ang kanilang napiling damit batay sa kanilang napiling kasarian.
Paliwanag ni Jonah Joyce R. Urbi, punongguro ng paaralan, ang pagpapahintulot ng cross dressing sa mga mag-aaral ay isang hakbang na nangangahulugan ng pagtanggap ng paaralan sa kanilang napiling kasarian.
Pinaalalahan naman niya ang mga estudyante na maging disente sa kanilang kasuotan at siguruhing hindi ito kabastos-bastos.
“Hanggat disente naman ang isinusuot nilang damit at hindi nila ikakabastos, pahihintulutan
Pinaalalahanan naman ni punongguro Jonah Joyce Urbi ang mga guro na hanggat maaari ay intindihin at bigyan ng interbensyon ang mga mag-aaral na nakararanas ng nasabing sitwasyon.
“There is indeed a growing number of child labor in Aparri West. We are against it. More families experience poverty and force hundreds of our students into child labor. We cannot stop them however, what the school can offer is assistance and open heart that understand what they are going through”, saad niya.
Aparrianos umaaray sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin
Ilang mga Aparrianos ang umaaray sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bayan ng Aparri sa nakalipas na mga buwan dala ng implayson.
Dahil dito, napipilitan ang ilang mga resident na mamalengke sa karatig bayan ng Aparri kabilang ang Camalaniugan at ang ilang mga tindera na magbenta ng kanilang mga produkto sa ibang mga bayan..
Inamin ni Marliza Bialba, residente ng San Antonio na “sa hirap ng buhay ngayon ihahanap mo talaga kung saan ka makakatipid”.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Aparri, ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay epekto pa rin ng mataas na implasyon sa ating bansa at paglipana ng mga sakit tulad ng African Swine Fever (ASF) na nakaapekto sa presyo ng karne sa pamilihan.
Ang presyo ng karne ng manok ay pumalo na sa 220.00 pesos habang 340.00 pesos naman kada kilo ang karne ng baboy.
“Napakamahal na ng mga bilihin dito. Nakakaiyak na ayaw nilang magbigay ng tawad para sana makatipid ng kaunti” pahayag ni Jessica Barcarse, isang konsyumer mula barangay Backiling.
Inilahad naman ni Cristeta Abinan, 56, residente ng barangay Tallungan na mas pinipili niya na mamalengke sa Camalaniugan Public Market dahil sa mababang presyo ng bilihin kumpara sa
bayan ng Aparri.
“Sana naman ay maaksyunan ng lokal na pamahalaan yung pabago-bagong presyo ng bilihin at makipagtulungan sa ibang ahensya ng gobyerno para sa mas maayos na presyo dahil doble ang pasakit nito lalo na sa mahirap na tulad ko”, paliwanag niya.
Samantala, para kay Renato Natividad na mag-aaral ng Bukig National Agricultural and Technical School dahil sa pagtaas ng presyo ang budget na para sana sa pagkain ay napupunta
na lahat sa pagbili ng mga kakailanganin na school supplies. Ayon kay Sangguniang bayan Joylyn Eslabon, nagkaroon na ng maraming pagpupulong ukol dito ngunit wala rin silang magagawa sapagkat sumusunod lamang sila sa Suggested Retail Price ng mga bilihin.
“To address this, we have established policies and a Price Control Monitoring Board to oversee price monitoring in Aparri. This includes an ordinance reorganizing the Price Monitoring Board” wika ni Eslabon.
“Masaya ako na malaya naming na-express ang aming mga sarili sa pamamagitan ng pagsusuot ng damit na umaayon sa aming kagustuhan, ito ay senyales na unti-unti ng tinatanggap ang mga katulad naming sa lipunan”, pahayag ni Ryvee Paet 16, miyembro ng LGBTQ+.
Natuwa naman ang ilang mga guro na makita ang mga estudyante na malayang maipahayag ang kanilang mga sarili sa kanilang pananamit.
“Ang ganda lang na makita silang masaya sa suot nila. Iyun bang walang ‘set backs’ at repression sa mga galaw nila. Many of our students have stayed too long in their closets, kaya maganda ito na makita ang mga bata na naipapahayag nilang mabuti ang mga sarili nila,” saad ni Cherry Lyn Burgos, Guidance Officer ng paaralan.
MDRRMO, inirekomenda ang suspensyon ng klase dulot ng tsunami alert
Inirekomenda ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang pagkansela sa pasok ng mga estudyante sa bayan ng Aparri matapos ang 7.5 magnitude na lindol sa Taiwan noong Abril 3, alas otso ng umaga.
Agad namang sinuspende ng lokal na pamahalaan ng Aparri ang klase sa lahat ng antas kasama na dito ang Bukig National Agricultural and Technical School alinsunod sa DepEd Order no. 37 s. 2022 o the Guidelines on the cancelation of classes and work in school in the event and disasters and other natural calamities.
Kinahapunan ay binawi din ang suspensyon sa utos din ng MDRRMO dahil wala namang nakitang senyales ng pagtaas ng lebel ng tubig at nananatiling kalmado ang dagat.
Pinaalalahanan din ng lokal na pamahalaan ang lahat na maging handa at alerto sa bantang hatid ng kalamidad.
Gender-based na palikuran sinimulan na sa BNATS, ‘gender sensitivity’ isinusulong
Sinimulan na ang pagpapatayo ng mga hiwalay na palikuran para sa mga lalaki at babae gayundin sa mga miyembro ng ‘third sex’ bilang bahagi ng kampanyang ‘gender sensitivity’sa loob ng paaralan.
Sa isang pahayag, inilahad ni Jonah Joyce Urbi, punongguro, na ang pagpapagawa ng mga palikuran ay isa sa mga hakbang sa pagpapaigting ng kampanya kontra diskriminasyon at karahasan na kadalasang nangyayari kahit sa loob ng palikuran.
“Prayoridad ng paaralan ang seguridad ng ating mga magaaral lalo na ang mga kababaihan na kadalasang nagiging biktima ng karahasan. Hindi natin maikakailang sila ay na-iinvolve na sa relationships and something might happen that is beyond our control”saad ni Urbi.
“Hindi lamang ito patungkol sa isyu ng seguridad kundi pati ng kalusugan na isa sa mga rason kung bakit marami sa mga magaaral natin ang lumiliban sa klase”, dagdag niya.
Kabilang sa mga sumuporta sa programa ay ang mag-aaral mula Grade 7- Mynah na sinimulan na ang pagpapagawa matapos aprubahan ng mga magulang ang
Kauna-unahang honesty store binuksan sa paaralan upang isulong ang values formation
Ann Bumanglag
Upang paigtingin ang values formation ng mga mag-aaral, binuksan ang kauna-unahang Honesty Store sa paaralan nitong Setyembre bilang pagtalima sa adbokasiya ng Kagawaran ng Edukasyon na magturo ng tamang asal sa mga mag-aaral.
Ayon kay Jonah Joyce Urbi, punongguro ng paaralan, ang nasabing proyekto ay magbibigay daan upang malinang hindi lamang ang katapatan kundi ang ilang paguugali na nararapat taglayin ng isang magaaral gaya ng paggalang, pagkamasunurin at pagrespeto sa mga alituntunin ng paaralan.
“Hindi lang naman sa honesty store dapat ipamalas ang kanilang katapatan kundi sa kanilang pang-araw araw na buhay gaya na lamang ng pag-take ng kanilang examination, pakikipag-usap sa iba at paghingi ng baon”, saad ni Urbi. Binigyang diin din ng prinsipal na ang pagiging matapat ay hindi lamang natututunan sa pormal na edukasyon kundi sa karanasan at gabay ng mga nakatatanda. “Values is not being taught alone. It is caught and taught”, dagdag niya. Ayon naman kay Emil Puma, inventory personnel ng honesty store, 90% sa mga mag-aaral na bumibili ay matapat.
nasabing proyekto.
“Madali naming natapos ang proyekto dahil agad na sinangayunan ito ng mga magulang at tulong-tulong silang nagtrabaho upang mapadali ang pagpapatayo”, pahayag ni Bryan Yabes, adviser ng Grade 7-Mynah.
Inaasahan namang susundan ito ng iba pang grade levels para sa mas malawak na pagpapatupad ng proyekto.
bang magkaroon ng hiwalay na palikurang ang mga LGBTQIA+?
Ibahagi ang iyong saloobin. I-scan ang QR code.
balita p6
Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Bukig National Agricultural and Technical School
mannalon
Patuloy na tumataas ang bilang ng mga batang nagtatrabaho habang nag-aaral sa Bukig National Agricultural and Technical
Paulene Aznar
James Joham Fernandez
Shee
Daniel
Angel Bianca Tarampi
Wayne Gasmen
Angel Bianca Tarampi
na kasarian ay binigyang pahintulot ng paaralan bilang pagpapahalaga sa karapatan ng bawat estudyante na ipahayag ang kanilang sariling kasarian. WALANG TAO. Agad pinauwi ng pamunuan ng paaralan ng Bukig National Agricultural and Technical School ang mga estudyante matapos maglabas ang Tsunami warning ng PhiVolcs. Ito ay alinsunod na din sa pagbibigay seguridad sa mga estudyante at sa buong kaguruan. HONESTO. “Ang matapat na mag-aaral ay kayamanan ng bayan”. Ito ay pahayag ni Jeff Unciano pagkatpos mamili sa honesty store ng paaralan na nagsusulong ng values formation sa mga BNATSians Jace Shots MULAT SA RESPONSIBILIDAD. Maagap ang estudyanteng ito ng Bukig National Agricultutal at Technical School sa pagbebenta ng gulay isang linngo ng hapon. Ang pagtatrabaho ng mga magaaral sa mga sakahan, tindahan at iba pa ay isang normal na tagpo sa BNATS. Ayon sa mga nasabing mag-aaral, napipilitan na lamang sila na magtrabaho dahil sa kahirapan at upang matustusan ang kanilang pangangailangan sa pag-aaral at sa pang-araw-araw. PAGPUPUGAY. Alay sa mga OFW ang tema ng SALIYAWIT Festival of Talents na itinanghal ng mga mag-aaral ng BNATS sa Aparri Gymnasium. Sa kanilang pagtatanghal, ipinakita ang sakripisyo ng mga OFW para sa kanikailang mga pamilya. KALAKAL NG APARRI. Si Mirriam Rondares, edad 59 na residente ng Aparri ay paminsan minsang nagbebenta ng kanyang produkto sa pamilihang bayan, mas madalas siyang magbenta sa ibang mga bayan. Ayon sa kanya, napipilitan siyang magbenta sa ibang bayan dahil mas may kasiguruhan
mga
ang madalas
benta sa sariling
KALAYAAN. Komportableng sinuot ni_ ang kanyang Coat and Tie at Tux
sa
ginanap na Junior and Senior promenade nitong Pebrero. Ang Cross Dressing o pagsusuot ng damit na taliwas sa orihinal
ang kita. Ang pagmahal ng
bilihin
na dahilan kung bakit matumal ang kanyang
bayan.
Jace Shots
Deejay Espinosa
Deejay Espinosa
Makatotohanang balita
Deejay Espinosa
Deejay Espinosa
Dapat
Tomo 2 I Bilang 1. Agosto 2023- Abril 2024
GINTONG TUBIG
Makatotohanang balita
2 I Bilang 1. Agosto 2023- Abril 2024
mannalon
SEGURIDAD SA DAAN
Karga ng Kalsada
Maraming nagagawa ang galit sa isang indibidwal, ganon din ang kahambugan at tukso mula sa mga barkada. Maaaring magdulot ito ng kapahamakan sa iba’t ibang larangan at pagkakataon, tulad na lamang sa tuwing sila ay nagmamaneho na posibleng magresulta ng disgrasya sa kalsada. Sa kasalukuyang taong panuruan, tatlo sa bawat sampung mag aaral ay nasasangkot sa mga aksidente sa daan. Ang responsibilidad ng isang institusyon ay nagagamit ng husto at naisasagad lamang sa loob ng kanilang paaralan kaya ang mga disgrasiya sa daan ay hindi na pananagutan ng eskwelahan.
Una sa lahat, hindi lahat ng galaw ng isang mag aaral ay alam ng kanyang guro. Sa isang Senate Bill 1190 na inihain ni Sen. Grace Poe na nagsasaad na 35 na estudyante lamang sa isang guro. Ngunit dahil sa kakulangan sa bilang ng guro at labis na pagdami ng estudyante sa paaralan , nasusunod pa ba ang kaukulang bilang ng mag aaral at guro? Hindi na. Nangangahulugan lamamg ito na sobra sobra na ang nagiging trabaho ng isang guro at kung may mangyari mang masama sa mga mag aaral sa labas ng wala na sa oras ng eskwelahan, hindi magandang isisi pa ito sa mga kinauukulan ng eskwelahan. Hindi ko naman sinasabing huwag makialam ang mga guro sa ganitong sitwasyon, ang sa akin lamang, hindi nila kasalanan ang mga insidenteng nangyayari sa mga mag aaral sa daan. May mga nagpapakitang gilasan at nagpapaangasan sa tuwing oras na ng uwian. Nagreresulta ito ng kanilang karerahan na nauuwi sa disgrasya. Sa panahon ngayon, iilan na lamang ang mga disiplinadong mga kabataan at madalas pa nga’y nagyayabangan at nagpapataasan ng ihi ng wala sa lugar. Ilang beses nang pinapaalalahan hindi lamang ng mga guro pati mga kinauukulan ang mga bata hingil sa pagmamaneho lalo sa mga menor de edad.
Ikalawa, responsibilidad ng mga magulang ang kanilang mga
anak. Huwag sanang pahintulutang magmaneho ng mga sasakyan na wala pa sila sa hustong gulang at mga karampatang legal na dokumentong magpapahintulot sakanilang mga anak na tahakin ang mapanganib na daan dahil kaakibat ng pagmamaneho ay ang panganib na maaari nilang ikabaldado o ang pinakamasaklap ay ang maaari nilang ikamatay. Malinaw na nakasaad sa RA 4136 ang sinumang nagmamaneho ng motor ay dapat magmaneho ng may kaukulang pagiingat at tamang bilis, at isinaalang alang ang trapik, ang sukat ng daanan, at kung ano pa mang kundisyong naaangkop.
Kung sa bahay pa lamang ay natuturuan at nadidisiplinahan na ang mga mag aaral, mababawasan sana ang mga aksidenteng nangyayari. Ngunit minsan, mas may kapangyarihan pa nga ang anak kaysa sa magulang, kaya paano madidisiplina kung ganito?
Sa mga estudyante, makinig sa mga magulang at guro dahil lahat naman ng kanilang sinasabi ay para rin naman sa ikabubuti natin. Sa mga magulang naman, habang maaga pa ay disiplinahin ng maayos ang mga anak, dahil kung hindi, sila ang magtuturo sa inyong magpakamagulang. Sa mga guro, sana’y huwag mapapagod na gabayan kaming mag aaral, pasasaan ba at magbubuga rin lahat ng mga pangaral ninyo saamin, at sana’y di pa
IKA ni
BING
ang panawagan ng madla
Tinanong namin ang mga mag-aaral ng BNATS kung ano ang mga
Ang tubig ay isa sa pinakamahalagang yaman sa mundo at isang pangunahing pangangailangan na nagbibigay buhay sa mga tao. Ngunit, ang nakakaalarmang paglala ng krisis ng kawalan ng ligtas na mapagkukunan nito ang patuloy na sumusubok sa ilang panig ng daigdig, nakadagdag pa sa paglala nito ang kasalukuyang ang El Nino Phenomenon.
Ang krisis sa kakulangan ng tubig para sa pangaraw-araw na pangangailangan tulad ng inumin, panligo, at pangkalinisan sa anumang pasilidad ay naguudyok sa mga taong gumamit ng maduming tubig, dahil wala silang ibang pagkukunan kundi ang maruming suplay. Ito ang sanhi ng pagkakasakit hindi lamang sa pangkalusugang aspeto pati na rin sa pangkalahatang produktibidad ng bansa.
Ayon sa UNICEF mahigit dalawang bilyong tao sa buong mundo ang walang ligtas na pagkukunan ng tubig. Sa Pilipinas, naitala ng Water Org (2023) na 60 milyong tao o 53% ng populasyon ng bansa ay nakararanas ng kaparehong problema.
Sa Aparri, ang bayang tinaguriang tagpuan ng karagatang Pasipiko at ilog Cagayan, na pinakamahabang ilog ng Luzon, tila may kakulangan pa rin ng iligtas na suplay ng tubig. Hindi ba kabalintunaan? Paanong ang bayang napaliligiran ng dalawa sa pangunahing anyong tubig sa Luzon ay may kakulangan sa suplay nito?
Ayon sa isang matandang residente ng Brgy. Sanja at Brgy. Bisagu ay isa sa mga napakaraming barangay dito sa Aparri kung saan lubos na nararanasan ang kawalan ng sapat na suplay sa tubig, mahigit anim na dekada na nilang hinihiling na sana ay magkaroon sila ng tuloy-tuloy na suplay ng tubig. Anim na dekada
na silang nagdurusa, nagtitiis at nangangalampag sa mga kinauukulan. Nagtataingang kawali lang ba sila, o sadyang biningi na ng malakas na sigaw ng mga nauuhaw na madla?
Apat na paraan ang ginagawa ng mga residente ng nasabing barangay upang magkasuplay sila ng malinis na tubig. Una, dumarayo sila sa kabilang nayon dala-dala ang mabibigat na baldeng imbakan ng tubig. Pangalawa, iniipon nila ang tubig ulan gamit ang drum na imbakan. Pangatlo, kinakailangan nilang bumili ng tubig o “mineral water” bilang panligo o panlaba. Pangapat, nagbubungkal sila ng lupa upang ang malinis na bukal ay pansamantalang mapagkunan ng tubig.
Para sa kanila, ang tubig ay nagmimistulang ginto dahil ang tubig sanang libre para sa lahat ay maihahalintulad na sa isang “limited edition, luxury item”, na ang presyo ay mas pinalala pa ng implasyon o ang pagtaas ng mga bilihin.
Ang problemang ito ay matagal nang isinasangguni, ngunit hindi ito nalulutas dahil hindi naman ito prayoridad ng kinauukulan. Kung iisipin, madali lang namang hanapan ng solusyon ito sa pamamagitan ng prayoritisasyon sa paglalaan ng badyet para sa pagpapatubig ng buong bayan. Saan ba napupunta ang mga buwis na binabayad ng mga Aparriano?
Hindi nabibigyang prayoridad ang karamihan sa pangunahing pangangailangan ng mga tao na dapat naman ay mga pangunahing serbisyo na binibigay ng isang gobyerno sa kanyang mga sinasakupan.
Tunay nga namang maraming aspeto ng pamahalaan ang dapat pagtuunan ng pansin, maraming programa at problema ang dapat aksyunan katulad na lamang ng turismo, edukasyon, isports at paghubog sa mga lider na siyang maglilingkod sa bayan, ngunit kung ating susumahin, ang patak ng tubig ay isa sa mga puno at dulo ng masaganang turismo, malusog na mga batang handa para sa dekalidad na edukasyon, produktibong mga atleta at repleksyon ng maayos na pamamahala ng mga namumuno.
Gapatak lamang kung maituturing ngunit ito ay representasyon ng mas marami pang problemang kinakaharap ng Pilipinas, ng mundo sa pankalahatan. Para mapatid ang deka-dekada ng pagkauhaw para sa maayos na sistema, hanapin ang puno’t dulo ng problema kagaya na lamang ng pagkalkal at paghuhukay sa napakalalim na ilog upang minahin ang minimithing ginto- gintong hindi naman talaga kumikinang, kundi gintong tubig na naglalarawan sa maruming sistema at lipunan.
Tagakuha ng Larawan: DEEJAY ESPINOSA
Tagaguhit: STANLEY DAVE PAA, JOHN MARK TABALNO,
Tagadibuho: MATT KIRBY MACABANGUN
TAGAANYO: JOSHUA MIGUEL BALLESTEROS
Tagapayo- JAY MARK R. MACUTAY ANNA LIZETTE ABINANMAKALINTAL
Punongguro- JONAH JOYCE R. URBI
“ Kung sa bahay pa lamang ay natuturuan at nadidisiplinahan na ang mga mag aaral, mababawasan sana ang mga aksidenteng nangyayari. Ngunit minsan, mas may kapangyarihan pa nga ang anak kaysa sa magulang, kaya paano madidisiplina kung ganito?
mahuli ang lahat. Sa mga kinauukulan, maghigpit sa pagpapatupad ng batas at ordinansa. Gawin ang nararapat at ipataw ang karampatang parusa sa sinumang lumalabag nito.
Ang paghawak ng manubela ay may karampatang responsibilidad kahit na ano pa man ang sasakyang iyong minamaneho. Ang kalsada ay ginawa upang daanan hindi para kumitil ng buhay. Responsibidad mong magingat hindi lamang para sa iyong sarili kundi pati sa mga nakakasalamuha mo sa daan. Magsisisihan pa ba, kung pwede namang, sumunod na lamang sa magulang, guro at mga kinauukulan.
Ang kakulangan ng transportasyon sa mga paaralan sa panahon ng emerhensiya ay isang kritikal na isyu na dapat agarang matugunan. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pagitan ng mga sektor ng lipunan at pagpapatupad ng mga hakbang para masolusyonan ang
SA PANAHON NG SAKUNA Makinang Padayon
Sa gitna ng mga hamon at problema sa mga paaralan, isa sa mga isyu na patuloy na kinakaharap dito ay ang kawalan ng sapat na transportasyon para sa mga mag-aaral. Ang problema sa transportasyon ay nagiging mas talamak sa panahon ng mga krisis at emerhensiya, kung saan ang pangangailangan para sa kaligtasan ay nagiging mas mahalaga.
Una sa lahat, ang sasakyan ay napakahalaga lalo na sa panahon ng emerhensiya. Ito ang nagbibigay daan para sa mabilis at organisadong paglikas ng mga mag-aaral patungo sa ligtas na lugar tulad ng ospital para sa agarang pangangailangang medikal.
Pangalawa, ang kakulangan ng pribadong transportasyon ay nagdudulot ng paghihirap sa mga mag-aaral na may malayong tirahan mula sa kanilang mga paaralan. Marami sa mga estudyante ay umaasa sa pampublikong sasakyan para makarating sa kanilang mga paaralan, ngunit kulang ito sapagkat limitado rin ang bilang ng mga pampublikong sasakyan.
Pangatlo, ang kakulangan ng sapat na transportasyon ay nagpapalala ng pagkakaiba-iba sa edukasyon. Ang mga pamilyang may sapat na yaman ay maaaring magbayad para sa pribadong transportasyon para sa kanilang mga anak, habang ang mga mahihirap na pamilya ay hindi maaaring magkaroon ng parehong oportunidad. Nagbubunga ito ng hindi pantay na pag-access sa edukasyon at nagpapalala ng hindi pantay na pag-unlad sa mga mag-aaral.
Sa kabila ng mga hamon, may ilang paraan upang masolusyonan ang isyu ng kakulangan sa transportasyon sa mga paaralan. Una, ang pagtatag ng mga programa ng shuttle service o carpooling para sa mga mag-aaral ay maaaring makatulong upang masolusyonan ang problemang ito. Ito ay maaaring maging isang cost-effective na paraan upang
matugunan ang mga pangangailangan sa transportasyon ng mga mag-aaral.
Bukod pa rito, ang koordinasyon sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan, paaralan, at mga pribadong sektor ay mahalaga upang mahanapan ng solusyon sa kakulangan ng transportasyon. Ang pagbuo ng mga public-private partnerships para sa pagpapatakbo ng mga sasakyan sa mga ruta ng paaralan ay maaaring magdulot ng mga praktikal na solusyon upang matugunan ang pangangailangan ng transportasyon ng mga mag-aaral at ng paaralan.
Maaari ring maglaan ng sapat na mga sasakyan at iba pang alternatibong paraan ng transportasyon upang matiyak ang ligtas at mabisang pagpasok ng mga mag-aaral sa paaralan. Hindi natin dapat hayaang maging sagabal ang kakulangan ng transportasyon sa pagkuha ng edukasyon ng ating mga kabataan. Ito ay panahon upang kumilos at magtulungan para sa isang mas mapagkalingang sistema ng edukasyon.
Sa kabuuan, ang kakulangan ng transportasyon sa mga paaralan sa panahon ng emerhensiya ay isang kritikal na isyu na dapat agarang matugunan.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pagitan ng mga sektor ng lipunan at pagpapatupad ng mga hakbang para masolusyonan ang problema, maaaring masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante at magtaguyod ng patas at ligtas na access sa edukasyon
Talaan ng Pamatnugot
NATANIEL
Patnugot
LOVE JOY AZNAR, PAULEEN LUCKY RASAY Patnugot
Editoryal: ZAIREL CASSIDY RARALIO Patnugot
ANDREA
JOHN
editor yal
Punong Patnugot: ANGEL BIANCA TARAMPI Pangalawang Patnugot: SHAMI ALYANA IMBUD
Tagapangasiwa: SHEE ANNE BUMANGLAG
RETAMAL
ng Balita:
ng
ng Lathalain: LORHAINE
PONCIO Patnugot ng Agham at Teknolohiya:
RAYMOND ALVAREZ Patnugot ng Isports: RHAIN MARK AGUSTIN
opinyon
Ang Opisyan na Pahayagan ng Bukig National Agricultural and Technical School mannalon
anuman
buhay.
para sa lahat ng mga mag-aaral,
ang kanilang kalagayan sa
Komentaryo
paaralan para sa pagpapabuti ng serbisyo nito. Narito ang ilan sa kanilang mga
proyektong dapat gawing prayoridad ng
mungkahi.
Melissa Pablo, Grade 10
Kate Campos, Grade 9
Lorhaine Poncio, Grade 8
Daniel Madriaga, Grade 10
Dee Jay Espinosa, Grade 11
Angel Bianca Tarampi, Grade 12
SHEE ANNE BUMANGLAG TALAARAWAN RAYMOND ALVAREZ
BATINGAW SA LUPA
“
“ “
Joshua Ballesteros
Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Bukig National Agricultural and Technical School
Tomo
KALAYAAN
“ Trabaho at obligasyon ng isang magulang ang mag tayo ng masisilungan at ligtas na tutulugan marami ang kayang maging magulang ngunit iilan lang ang kayang gumanap bilang mga magulang.
Bata, bata ikaw na gumagawa
Sa kasalukuyang panahon, patuloy pa rin ang suliranin ng Pagtatrabaho ng Bata (Child Labor) sa Pilipinas. Ayon sa Philippine Statistics Authority(PSA), 1.37 milyong bata edad 5-17 taon ang nagtatrabaho. Dahil sa kahirapan, nahahadlangan ang bawat kabataan sa pagkamit ng kanilang karapatan sa kalayaan.
Isa sa mga naging epekto ng child labor ay ang pagkawala ng kalayaan ng mga bata. Dahil sa pagtratrabaho at pagiging mulat sa katotohanan ng buhay ay tila nakakalimutan na nilang mabuhay bilang mga bata, imbes na nasa labas sila nakikipag laro sa mga ka-edaran nila at natututo sa kanilang lugar ay tila napipilitan silang isantabi ang pagkabata para sa pang kabuhayan.
Pangalawang naging epekto nito ay ang pagtigil sa pag aaral. Dahil sa kahirapan at abala sa pagtratrabaho ay sapilitang humihinto ang mga bata para makatulong sa pang araw araw na pamumuhay. Unti unting nawawalan ng mga oportunidad ang mga sumusunod na henerasyon sa maaring ibigay sa kanila ng mundo. Pilit na isinasara ang mga maaring makamtan at makuha nila sa buhay dahil sa maagang pagtatrabaho.
Maaari rin itong magdulot ng banta sa kalusugan mga bata. Bukod sa wala pa sa saktong pangangatawan ang batang magtrabaho at magbuhat ng mga mabibigat na bagay ay nakasasama ito sa kanyang kalusugan. Dagdag pa rito ang ang posibleng panganib na dala ng lugar na kanilang pinagtatrabauhan. Ngunit sa kabliang banda hindi rin ito maiiwasan dahil sa taas ng bilang ng kahirapan sa ating bansa sa datos ng Philippine Statistics Authority(PSA) na 22.4% ang bilang ng mga mahihirap na pamilya mula sa 23.7% sa mga nakaraang taon.
Ngunit hahayaan nalang ba natin na ang mga pag
INTEGRIDAD EDUKASYON
Sa panahon ngayon, mas gugustuhin naman ng ilang mga mag-aaral ang walang pasok sa kadahilanang mas gusto nilang manatili sa kanilang mga bahay at tinatamad nga silang pumasok.
KASALUKUYAN AT KINABUKASAN
“ Hindi dapat paghiwalayin ang diploma at diskarte. Sa halip, dapat itong pag-isahin at gamitin nang maayos upang makamit ang mga layunin sa buhay.
asa ng bayan ay unti unti ng napipilitang magtrabaho para sa pangkabuhayan? Hindi ba trabaho at obligasyon ng isang magulang ang mag tayo ng masisilungan at ligtas na tutulugan, pagbibigay ng magandang kalidad ng edukasyon at pag-aalaga sa mga ito lalong lalo na kung sila ay mga bata pa lamang? Maraming magulang ngunit iilan lamang ang gumaganap ng kanilang responsibilidad.
Sadyang ang mundo ay hindi patas, ngunit kung tutuusin may mga solusyon na maaring isagawa para maibsan ang child labor sa ating bansa. Isa na rito ang pagkakaroon ng parenting symposuim na kung saan ititnuturo ang tamang proseso ng pag aalala at pag aaruga sa mga bata, isa na rin ang pag papalaganap ng mga babala sa tungkol sa maagang pagbubuntis. Maaari rin tayong mag bigay ng mga trabaho na kayang tustusan ang mga pangangailangan lalong lalo na sa mga single moms/ dads at sa mga naghihirap.
Ano na nga ba ang ginagawa ng gobyerno para maibsan ang maagang pag tratrabaho ng mga bata? Tinaktakpan ba nila ang kanilang mga mata sa katotohanang nakapaskil na sa kanilang harapan o sadyang pinipilit nilang mag bulag bulagan para sa sarili nilang kapakanan? Hindi sila mga Robot lamang na kayang gawin ang lahat ng gusto niyong iutos. Walang bata ang dapat pilitin at ikondisyon na maging isang bersiyon mo na tumupad sa nawawalang pangarap na hindi mo nakamtan.
Petsang Kabayo
Ipinatupad ni pangulong Ferdinand Marcos Jr nitog taong 2023 ang proclamation no. 90 na kung saan inilipat ang pagdiwang ng Bonifacio Day sa Nobyembre 27 imbes na sa Nobyembre 30 ito magaganap sapagkat para raw ito sa mga mamamayan upang magkaroon ng “long weekend” dahil ang araw ng Nobyembre 27 ay lunes. Ang paglilipat nila nito ay ayos lang naman ngunit makatarungan nga ba ito para sa mga bayani natin?
Ang pagdiriwang ng Bonifacio Day bilang isang “Holiday” sa Pilipinas ay pagpupugay na ito sa pambansang bayani na si Andres Bonifacio na isa sa mga nagtatag ng isang lihim na lipunan ng mga rebolusyonaryo na karaniwang kilala bilang Katipunan.
Bilang isang pagpugay sa ating pambansang bayani, hindi naman natin alam kung nasasaktan ba siya dahil sa paglilipat ng pagdiriwang sa kaniyang kaarawan ngunit kung ako ang tatanungin masakit ito para sa akin dahil bakit naman nila irereskedyul ang aking kaarawan e hindi naman nila buhay iyon. Sa kabilang banda, ang dahilan naman nila sa pagrereskedyul ay totoo nga lamang talaga dahil kung iisipin ang ilang mga mag-aaral ngayon ay tinatamad ng pumasok. Hindi na nila binibigyang halaga ang maaari nilang matututunan sa mga araw na hindi sila papasok sa kanilang silid-aralan. Hindi lang rin ang mga estudyante ang tinatamad ng pumasok ngayon pati na rin ang mga matatanda na may trabaho.
Ayon sa ilang mga guro ay mas mabuti na lamang na ilipat ito sa araw ng biyernes o lunes sa
Mahal na Patnugot, Isinusulat ko ito dahil kamakailan lamang ay napapansin ko ang pangangailangan na magdagdag ng mas maraming pagpipiliang pagkain sa aming kantina. Ang limitadong seleksyon ng pagkain ay nagdudulot sa pagbili ng mga kapwa ko estudyante sa labas ng ating paaralan.
Ang pagdaragdag ng mas maraming mga pagpipilian tulad ng masustansiyang pagkain at mga lutong pagkain ay makakatulong hindi lamang sa kalusugan ng mga mag-aaral kundi magpapalawak din sa kanilang kaalaman tungkol sa mga benepisyo nito, kasabay na rin nito ang maaring pagtigil ng mga estudyante sa pamimili sa labas.
Nananawagan ako sa pamunuan ng paaralan na suriin ang posibilidad ng pagpapalawak ng mga pagpipilian sa kantina. Sa iyong suporta, magagawa nating magtrabaho tungo sa isang mas nakakabusog na karanasan sa pagkain sa aming kantina.
SINO ANG DAPAT SISIHIN?
“Sa mga kabataan na tulad ko bilang isang netizen responsibilidad natin na huwag i-share ang ating mga pribadong videos o huwag gumawa ng isang bagay na sa bandang huli ay sisira sa ating pagkatao at sa ating pamilya.
KOMIKS
kadahilanang ang ilang mga mag-aaral ay tinatamad na talagang pumasok sa kanilang klase. Halos kalahati ng mga estudyante sa isang silid aralan ay hindi na pumapasok lalong lalo na kung sa klaseng ito ay ang mga mag-aaral na wala naman gaanong interesado sa pag-aaral.
Sa aking palagay, wala naman sigurong malaking epekto sa’min ito bilang estudyante sapagkat magkapareho lang din namang walang pasok kung kaya ayos lang ito. Kung iisipin, kami rin lang naman ang talo dahil sa pagkawala ng klase ay wala kaming matututunan sa araw na iyon.
Sa panahon ngayon, mas gugustuhin naman ng ilang mga mag-aaral ang walang pasok sa kadahilanang mas gusto nilang manatili sa kanilang mga bahay at tinatamad nga silang pumasok.
Ang paglilipat ng pagdiriwang ng isang kaarawan ng isang tao ay hindi naman ito makatarungan lalong lalo na kapag walang alam ang taong ito ngunit para naman ito sa ikakabuti natin dahil pareho lang din naman na iwawala nila ang pasok dito kung kaya wala pa rin naman itong pinagbago.
Diploma o Diskarte?
“Diploma o Diskarte?” Ito ang tanong na tila nababalot ng sarisaring perspektibo sa online na espasyo. Sa unang tingin, maaaring isiping simple lang ang sagot, ngunit kapag susuriin nang mas malalim, lumilitaw na hindi ito ganun kadali. Ang diploma ay nagpapahayag ng iyong pinagdaanang edukasyon, isang patunay ng iyong kakayahan na matuto at kumilos batay sa mga natutunan. Sa kabilang banda, ang diskarte ay naglalarawan ng iyong kasanayan na harapin ang mga hamon ng buhay sa pamamagitan ng iyong katalinuhan at karanasan.
Ang diploma ay may kaakibat na responsibilidad na gamitin ang iyong kaalaman sa tapat at makatarungan na paraan. Ito ang susi para sa mga trabahong teknikal tulad ng pagiging doktor, inhinyero, at iba pa. Subalit, ang diskarte ay hindi lamang tungkol sa paghahanap ng paraan sa mga teknikal na hamon, kundi sa pang-araw-araw na buhay din, kung saan ito ay maaaring gamitin upang masolusyunan ang mga problema at humantong sa tagumpay.
May mga kahinaan din ang dalawang konsepto. Ang may diploma ay may tungkuling sundin ang etika at mga regulasyon sa kanilang larangan. Sa kabilang dako, ang diskarte ay maaaring gamitin sa masama, tulad ng
pangdaraya o pang-aabuso sa kapwa. Samakatuwid, mahalaga ang wastong paggamit at pagpapahalaga sa kapwa para sa kanilang tamang implementasyon.
Sa konteksto ng online na diskurso, maraming pag-uusap tungkol sa “diploma o diskarte” ang nauuwi sa mga pangyayari ng panlilinlang o scam. Ang ganitong mga insidente ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging mapanuri at mapanagot sa paggamit ng ating mga kaalaman at kasanayan. Sa huli, ang layunin ng diskusyon sa internet ay hindi lamang ang pagkamit ng tagumpay sa larangan ng edukasyon o hanapbuhay, kundi pati na rin ang pagtaguyod ng isang masigla at makatarungang pamumuhay para sa lahat.
i-scan mo ako Ano nga ba ang mas mahalaga, Diskarte o Diploma Makibahagi sa talakayan sa pamamagitan ng code sa itaas.
Sa kabuuan, hindi dapat paghiwalayin ang diploma at diskarte. Sa halip, dapat itong pag-isahin at gamitin nang maayos upang makamit ang mga layunin sa buhay. Ang wastong paggamit at pagpapahalaga sa parehong mga konsepto ang magdadala sa tunay na tagumpay at kasiyahan sa ating buhay.
Kagalanggalang na ginoong Mabbun
Nagpapasalamat ako sa iyong sulat at sa pagbibigay mo ng oras upang iparating ang iyong mga puna at mungkahi tungkol sa pagkain sa ating kantina. Tunay na mahalaga ang feedback ng mga mag-aaral sa pagpapabuti ng serbisyo at pasilidad ng ating paaralan.
Nakikita ko rin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mas malawak at mas masustansiyang pagpipilian ng pagkain sa ating kantina. Maliban sa pagiging mahalaga sa pang-araw-araw na nutrisyon ng mga mag-aaral, ito rin ay makakatulong sa pagpigil sa mga paglabas ng mga estudyante upang bumili ng pagkain sa labas ng paaralan.
Sa iyong panawagan, ito ay ipararating namin sa mga nakatataas. Nang sa gayaon matagunan ito sa madaling panahon. Ang paaralan, gayunpaman ay sumusunod lamang sa mga pamantayang itinakda ng DEPED ukol sa mga dapat at hindi dapat ibenta sa mga kantina. Ang iyong suporta at pakikilahok ay mahalaga sa prosesong ito. Maraming salamat.
Muli, maraming salamat sa iyong sulat at patuloy na suporta. Makakaasa ka na ang iyong hinanaing ay aming susuriin at gagawan ng aksyon.
Hubad na Katotohanan
Napakapusok na ng mga kabataan ngayon. Pati kanilang mga pribadong aktibidad ay isinasapubliko sa pamamagitan ng social media. Hindi man sa mismong eskwelahan nangyari ang mga di katanggap –tanggap na gawi ay may mga taong direkta at indirektang maapektuhan. Iiyak man nila hindi na maiaalis ang kahihiyang hindi lamang yumuyurak sa kanilang personal na dignidad pati ang dignidad ng kanilang mga magulang, mga guro at paaralan.
Maraming aspeto ang dapat talakayin dito. Una, ang premarital sex o ang pakikipagtalik bago ang pagpapakasal. Ito ay maitituring na isang sensitibong paksa para sa isang konserbatibong nasyon tulad ng Pilipinas dahil nilalabag nito ang moral na aspeto ng Kristiyanismo. Pangalawa, ang panganib na dala ng mga Sexually Transmitted Diseases (STD) na nakaaapekto hindi lang sa kanilang pisikal kundi pati emosyonal at sosyal na aspeto ng kanilang buhay. Panghuli, ay ang talamak na paglalagay ng bidyo sa internet na lumalabag sa Republic Act bilang 9995, o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act Of 2009. Kung ating titignan ang isyung ito ay nananawagan ng kolektibong paggabay hindi lamang ng kanilang mga magulang kundi ng bawat mamamayan sa ating lipunan. Hindi rin sapat na pagsabihan lang ang mga kabataan kundi maipakita sa kanila ang mga gawing dapat at di dapat na pamarisan.
Mahalaga din ang pagbibigay ng karampatang screen time sa mga bata. Maglaan lamang ng oras sa paggamit ng gadget at wifi upang masubaybayan ang mga website na inaccess ng mga anak nila sa
NAGBAGO NA NAMAN SIYA ni John Mark Tabalno
internet sa pamamagitan ng parental control na nakasaad sa setting ng bawat smartphone. Ito ay para makita ang mga aktibidad ng mga anak habang ginagamit ang ‘internet’. Ito rin ay makatutulong upang maiwasan ang pagpunta ng mga bata sa mga ‘age-inappropriate’ na sites tulad ng pornsites.
Sa mga kabataan na tulad ko at bilang isang netizen, responsibilidad natin na huwag i-share ang ating mga pribadong videos o huwag gumawa ng isang bagay na sa bandang huli ay sisira sa ating pagkatao at sa ating pamilya. Napakalawak ng mundo at napakaraming bagay na dapat pagtuunan ng mga makabuluhang bagay tulad ng isports, pagsali sa mga clubs, pagdalo sa mga gawain sa simbahan o sa iyong sariling barangay. Hindi lamang umiikot ang ating buhay sa screen.
Bata man o may edad na, mag bidyo ng mga mas makabuluhan at mas kapaki pakinabang na bagay na makakatulong sa ibang tao at mas makabubuti sa komunidad. Marami nang problema ang mundo, sana’y huwag na tayong dumagdag pa.
MILYONANARYO NA (SANA) ni John Mark Tabalno
na naman ng anihan at hindi maitatangging nagsusulputan na naman ang mga nagbibilad ng ani sa daan. Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga
at
na
sa Presidential Decree
17 ang
sa
ng palay o mga aning pangagrikultura dahil nagiging sanhi ito ng napakaraming aksidente .
Deka-dekada na itong problema, pauli-ulit nang inirereklamo, marami na ring buhay ang kinitil ng kalbaryo sa daang ito, ngunit bakit tila wala pa ring nakikitang pagbabago?
Una sa lahat ang pamahalaan ay naghahandog ng mga ‘communal solar dryer’ na siyang ginagamit ng mga magsasaka upang patuyuin ang kanilang mga ani ngunit ang bilang na ipinagkakaloob ng gobyerno sa komunidad ay hindi sapat upang matugunan ang lahat ng mga magsasakang makapagbilad. Pangalawa, isang mabisang alternatibo sa tradisyonal na nakasanayang pagbibilad ay ang paggamit ng ‘portasol’. Ito ay kagamitang gawa sa aluminium trays at PVC pipes kayat magaan at ligtas itong gamitin. Ayon sa imbentor na si Francisco Pagayon, president ng Filipino Inventors Society Producer Cooperatives (FISPC) ang drying rate ng palay ay mas mataas ang recovery kumpara sa iba pang pamamaraan ng pagpapatuyo. Ang problema sa pondo at espasyo ng pagpapatayuan ng mga pook biladan ay masosolusyonan sa pamamagitan ng paggamit ng drying nets na siyang magsisilbing latagan pamalit sa konkretong istruktura. Maari ring makipag ugayan ang mga lokal na pamahalaan sa Department of Science and Technology (DOST) upang ipalaganap pa lalo ang paggamit at pagbili ng mga Portable Solar Dryers “Portasol” na siyang sagot sa kakulangang ito. Para sa komyuter na tulad ko, malaking abala na makipagpatintero sa mga butil sa daan lalo kung katumbas nito ay peligro. Tunay naman na ang mga produktong pangagrikultura ay resulta ng dugo at pawis ng mga magsasaka upang makapaglatag ng pagkain sa ating mga hapag. May tamang lugar para sa lahat ng bagay, kaya naman ilugar ang pagbibilad ng palay.
opinyon p10
Pagbibilad ng Solusyon
Jay Mabbun
Panahon
residente
magsasaka
nakasaad
bilang
pagbabawal
pagpapatuyo
May nais ka bang itanong o iparating sa kinauukulan? O mga tanong na nais mong mabigyang linaw? Mapadala lamang ng mensahe sa aming opisya na Facebook page. Maging bahagi at makibahagi. Sa ngalan ng katotohanan, tutugin kami.
“
anu
produktong pag agrikultura ay resulta ng dugo at pawis May tamang lugar para sa lahat ng bagay, kaya naman ilugar ang pagbibilad ng palay. “
“
Tunay
naman
na ang palay at
pang
“ “
“
“ WALANG SUGAT ANGEL BIANCA TARAMPI ANG
DAGITAB
ANG
DANIEL JAY MANUEL
PLUMA
TUBIG AT LANGIT JASMINE PALEYAN ALAY SA PUON LOVE JOY AZNAR
para sa mga BNATSian powered by: mannalon Send Mahal na Patnugot, Isinusulat ko ito dahil kamakailan lamang ay napapansin ko ang you replied to Jay Mabbun Seen by Jay Mabbun, 2:00 pm
JAMES JOHAM FERNADEZ
ChatNALON
opinyon p11
Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Bukig National Agricultural and Technical School
mannalon
LEGAL ni Stanley Dave Paa
AIRCON.JPEG ni Matt Kirby Macabangun
Makatotohanang balita
Tomo 2 I Bilang 1. Agosto 2023- Abril 2024
balita
Tomo 2 I Bilang 1. Agosto 2023- Abril 2024
MGA KWENTO SA DAAN
Ang kalsada ay tawiran ng bawat tao sa kanyang paroroonan. Ang kalsada ang saksi sa paglalakbay ng tao patungo sa kanyang kaganapan. Bawat sulok may kwento, bawat kwento may kwenta. Ang bawat manlalakbay ay salamin ng nagbabagong panahon; mga kwento ng paghihintay, pananabik, kalungkutan, pag-ibig at paglilingkod. Halika, tunghayan natin ang mga kwento sa daan.
TULOY ANG PAGLALAYAG NI BRYLLE
Mahirap huliin, mahirap salinin, kayang lumusot sa ano mang sulok, kayang pabagsakin maging isang bundok, malapilak ang kanyang kulay, nasasalamin ang sarili, makapangyarihan, mabisa, elementong tunay, Sa tuwi-tuwina’y naghahatid sa atin ng buhay. Tubig, ito ang sagot sa nabanggit na palaisipan. Tubig na naging kanlungan at kahulugan ng buhay na mayroon si Brylle.
Si John Brylle Taguba, 18 taong gulang ay residente ng Bisagu, Aparri West, Cagayan. Bilang isang anak sa pangalawang pamilya ng kanyang ina, natuto siyang tumugon sa hamong dala ng rumaragasang alon.
Sa murang edad, namulat si Brylle sa kariktan ng karagatan. Sa kanyang pagkabata, nasilayan niya ang ganda at bangis ng tubig na humahamon sa kanyang katatagan at kalakasan, pananampalataya at tiwala. Mahirap huliin, mahirap salinin.
Taong 2020, kung saan pumutok ang pandemya na nagpahirap sa karamihan ay naging oportunidad kay Brylle na kumita.
Sa kanilang lugar kung saan limitado ang suplay ng tubig, ang pagdedeliver ng tubig ang nagsilbi niyang hanapbuhay upang may pantustos sa pangangailangan ng kanyang pamilya, lalo pa sa panahong ito limitado lamang ang galaw ng tao.
Sa kitang isang daan kada biyahe, nagawa niyang makaipon ng sapat na halaga pambili ng bangka na siyang pangarap ng kanyang ama.
Ang mabibigat na mga gallon ng tubig ang naging kasangga niya sa isang pangarap na gustong matupad ng kanyang ama.
Kayang lumusot sa ano mang sulok, hayang pabagsakin maging isang bundok.
Subalit ang bawat pangarap ang sinusubok ng hamon. Nitong nakaraang taon lamang, sa kasagsagan ng Bagyong Egay, tila gumuho ang mga panagarap ni Brylle nang mabalitaang winasak ng bagya ang bangkang kanyang pinaghirapang pagipunan nang napakatagal na panahon.
“Nakakapanlumo lang na makitang wala na ang pinaghirapan kong bangka. Pawis ang naging puhunan ko, subalit sa isang araw lamang, wawasakin ng isang bagyo. Gaano man kataas at katayog ang aking nasimulan, sa tubig nagmula, sa tubig din mawawala,” ang malungkot na payahag ni Brylle.
Gayunpaman, sa kabila ng pagguho ng isang pangarap na nagsisimula, hindi ito hadlang para siya
ay magpatuloy at muling itayo ang kanyang bandera. Malapilak Ang kanyang kulay, Nasasalamin Ang sarili.
Sabi ni Bryle, ang tubig ang kanyang naging kanlungan, dito nagsimula ang lahat ng kanyang mga pangarap sa buhay; pangarap na hindi para lamang sa kanya, bagkus para sa kanyang pamilya.
Gaya ng tubig, salamin si Brylle ng katahimikan at katapangan. Gaya ng tubig na lumalagaslas sa pag mababaw, tahimik sa kanyang kalaliman. Sa kanyang panlabas na anyo, isa siyang palatawa, masayahin, palabiro, subalit sa loob niya’y isang tahimik na sigaw na nawa sa pagdating ng panahon makadaong siya sa dalampasigan lulan ang barkong kanyang pinamumunuan.
Makapangyarihan, mabisa, elementong tunay, sa tuwi-tuwina’y naghahatid sa atin Ng Buhay.
Siya si Brylle, sa isang simpleng pangarap nagsimula. Sa kanyang pagdungaw sa bintana, mababatid sa kanyang mga mata ang nag-aalab na panagarap.
Ang tubig para sa kanya ay hindi lamang inumin na pumapawi sa uhaw na lalamunan, bagkus siyang pupukaw sa nanunuyong pangarap. Ang tubig ay hindi lamang panligo na siyang maglilinis sa mga dumi sa katawan, bagkus isang elementong magpapabago sa anyo at estado ng kanyang kasalukuyan.
“Dito ko nakita at nasilayan ang halaga ng bawat patak. Ang tubig ay parang oras, lahat sinusulit, lahat sinisimot. Bawat patak ay mahalaga, bawat patak bigyang pagpapahalaga.”
Tunay ngang walang kasiguruhan ang bukas. Walang makapagsasabi sa kahihinatnan ng bawat isa. Subalit para sa kanya ang bawat umaga ay pagkakataong makapagsimula. Sa tubig sinimulan niyang mangarap, tubig ang tutupad sa kanyang pangarap, sa tubig siya magbabalik makamit man ang kanyang pagganap. Ano mang hamon ang kanyang kakarapin, patuloy ang paglalayag ni Brylle.
Sa tuwing sasapit ang umaga kasabay ng pagsikat ng araw sa kalangitan, nagigising ang mga alaala ng nakaraan kasama ang kanyang ina. Mga sandaling puno ng tamis, kung saan ang pagmomotor ang nagdulot ng malalim na samahan sa kanilang dalawa.
Sa bawat hagod ng hangin, hindi lamang mga buhok ang nagugulo, kundi pati na rin ang puso na napupuno ng mga masasayang alaala. Bagamat hiwalay ang kanyang mga magulang, hindi nawalan ng kulay at ligaya ang buhay ni Kimham. Kapansin-pansin ang lapit ng kanilang samahan noong siya ay bata pa lamang. Ngunit ngayon, tila ang layo na ng distansya sa pagitan nila. Kung gaano sila kalapit noon kasalungat ngayon ang distansya nila sa isa’t isa. Nagkaroon sila ng mga hindi matapos-tapos na hidwaan, alitan, at tampuhan. Kahit na sila ay naninirahan sa isang bubong, sila ay bihirang mag- usap at magpapansinan. Bihira na lamang magtagpo ang landas nilang dalawa.
Hindi talaga mawawala ang alitan at hindi pagkakaunawaan nilang mag- ina. Si Kimham ay may mataas na pride na kahit isang linggong hindi magpansinan, hindi siya magpapakumbaba at hihingi ng tawad sakanya ngunit sabi nga sa isang lyrics ng kanta “Walang Inang hindi matitiis ang anak”. Ang ina niya nalang mismo ang magpapakumbaba, sa simpleng “I’m sorry anak ko. Tara, may pupuntahan tayo. Libre ko” nabubura ang lungkot at galit na nadarama niya.
Motor dito, motor doon. Punta rito, punta roon hanggang sa magsawa kakamotor maghapon. Mananatili nalang sakanya ang mga alaalang iniwan ng kanyang ina kasama siya. Isa sa hindi niya malilimutang alaala, noong may pinuntahan sila, first time siyang magopen up sa kanyang mga problema. Siya ay nakinig sa kanyang mga pinagsasabi, binigyan pa nga siya ng advice na talagang tumatak sa
2
SIKSIK SA SAYA
Angel Bianca Tarampi
4:45 na! Oras na para mag silabasan ang mga estudyanteng uwing uwi na galing eskuwela. Mga tawanan, kwentuhan at sigawan ay hudyat na nandiyan na ang mga pasaherong mahilig maglambitin sa mga motorsiklo na animo’y mga unggoy na kay hilig sumabit sa mga puno. Isang karaniwang tanawin na sa mga estudyante ng Bukig National Agricultural and Technical School ang mga motorsiklo na punong puno hanggang sa tuktok ng sasakyan. Ang ganitong kasanayan ay kilala bilang “siksikan” o di kaya’y “sabitan”.
Ayon sa isang mag aaral na si Joshua Miguel Ballesteros ay kinahiligan na niyang sumabit sa motorsiklo lalong lalo na sa bubungan nito. Bukod sa presko at tiyak na walang bahid ng kahit anumang asim kilig ang dadaloy ay sigurado ring solb na solb sa malawak na kalangitang nababahiran ng asul na minsa’y mapula pula na may pagka kahel at rosas ay nag sisilbing stress reliever sa pag uwi galing eskuwela.
Para naman sa isang estudyanteng pinangalang Donna, ang pakikipagsiksikan ay parang pakikipag-agawan ng maganda at instagram worthy na maaring pwestuhan.
Sa kaniyang morenang balat at itim na unat na buhok ay tila bumabagay ang tanawing kinagigiliwan ng lahat, mapa fierce, cute smile o wacky pa yan basta’t marunong umawra at sinamahan ng hanging binubuga sumasalubong habang nakasabit ay mapapa heart react ka nalang sa mga ig stories niya.
Siyempre, hindi rin mag papahuli si Jowee, isang mag aaral na mahilig makipag siksikan para makuha ang unang byahe pauwi. Mga
nagtataasang school works at gawaing bahay ang nag hihintay sa kaniya sa kanilang tahanan, kaya naman sa pamamagitan ng pag sasabit ay napapaaga ang kaniyang pag uwi para sa mga gawaing nag hihintay sa kaniya.
Ayon naman sa isang tricycle driver na si Jonathan Pascua, “kahit pagbawalan namin sila e tuloy parin sila.. siyempre mas marami rin ang kita kasi mas maraming sakay” tunay ngang marami ang nabebenipisyuhan ng pag sasabit o siksikan sa iisang motorsiklo lamang.
Wala nga talagang kupas ang masarap na feeling tuwing nag lalambitin, samahan pa ng tawa kasama ang barkada tiyak na uuwing masaya kahit pagod na pagod na. Ngunit sa kabila ng mga matatamis na ngiti ay ang maaring kapahamakang makasalubong sa daan pauwi.
Ang panganib sa kaligtasan ng mga pasahero ay isa sa mga nag babanta sa seguridad ng mga estudyanteng nakikipag siksikan o overloading. Sa tuwing umaandar ang motorsiklo na hindi sapat ang suporta maaring tumaob ito gaya nalamang ng mabigat na barko. Walang sapat
na espasyo para sa bawat pasahero, na nagiging sanhi ng hindi komportableng paglalakbay at maging ng mga pinsala.
Dagdag pa rito, ang overloading nag bibigay panganib din sa kalsada. Ang labis na bigat mula sa maraming sakay ay maaaring magdulot ng stress sa motorsiklo, na maaaring humantong sa pagkasira o aksidente sa daan. Bukod dito, ang mas mabigat na sakay ay maaaring makaapekto sa pagpapatakbo ng motorsiklo, na nagiging sanhi ng mas mabagal na pagtugon sa mga pagbabago sa kalsada at mas mataas na panganib ng banggaan.
Subalit sa kabila ng mga mapanganib na dulot nito, hindi maiiwasan ang katotohanang maraming mga Pilipino ang umaasa sa motorsiklo bilang pangunahing paraan ng transportasyon dahil sa kawalan ng sapat na pera. Sa gitna ng kakulangan sa pampublikong transportasyon at ang lumalalang problemang pang-ekonomiya, ang pagiging siksikan sa motorsiklo ay nagbibigay ng pansamantalang ginhawa at kapanatagan sa damdamin ng mga tao. Ang pagiging “kasama” sa siksikan
“Ang sarap ng tusok-tusok nila dito, pero mas masarap parin talaga kapag ikaw na ang kapiling ko.” Sa lugar kung saan nakahilera ang nagtitinda ng mga street foods ay masasaksihan ang mga kwento ng kilig at umuusbong na pag-ibig. Si Loki, isang simpleng mag-aaral na madalas tambay sa nasabing lugar; masayahin, madaldal. Kilala siya ng halos lahat ng tindero sa plaza. Kasalukuyang nakapila habang nakikipagkwentuhan
Deejay Espinosa, unsplash.com
-Mang Romeo akong susundo at maghahatid sa mga tao sa nais nilang paroonan...
“Bibili ako ng tag isa nating motor ma, may dalawang helmet na pink para safe ang every rides natin”. Pangarap na binitawan ni Kimham sa
Subalit, lahat ng magaganda at masasayang mga alaala ay napalitan ng poot, hinagpis, at lungkot. Hindi niya naisip na mangyayari ang ganitong bagay na talagang siyang dumurog sakanya. Sa mismong JS Prom nila, sa isang tawag doon na pala mawawakasan ang lahat ng kanilang pangarap at saya. Ang pag-asang magkaroon ng masayang gabi ay biglang napawi sa isang iglap. Ang kasiyahan na matagal na niyang inaasam ay biglang naglaho, at sa halip ay napalitan ng matinding lungkot at pangungulila. Ang isang tawag na inaasahan sana’y magdudulot ng ligaya, ngunit sa halip ay nagdulot ng matinding pagdurusa at pagkawasak. Ang araw na inaakalang magiging isa sa mga pinakamasayang alaala sa buhay ni Kimham ay biglang naging araw ng
Kung mayroon lamang siyang pagkakataon na balikan ang mga pangyayari, handa niyang ilagay ang kanyang sarili sa posisyon ng kanyang ina. Sa kanyang pananaw, mas mabuting siya ang mapahamak kaysa sa kanyang ina. Hindi matanggap ni Kimham ang biglang pagkawala ng kanyang ina. Ang bawat pangarap at pangako ay biglang nawala, na nag-iwan sa kanya ng malalim na sugat sa kanyang puso. Ang mga pangarap na sabay nilang binuo at ang mga plano para sa kinabukasan ay biglang napurnada. Sa bawat araw na lumilipas, ang lungkot at sakit na nararamdaman ni Kimham ay patuloy na lumalim na tila hindi na basta basta maghihilom.
Akala ni KimHam ang motorsiklo ang magbibigay ng masasayang byahe sa kanilang paglalakbay ngunit ito pala ang magpapaalala sa kanya ng mga biyaheng di na kailanman matutuloy. Ang motorsiklong nagbigay ng di makakalimutang tagpo sa piling ng kanyang ina ay napalitan ng pangungulila, hinagpis at kalungkutan. Ang dating kasangga sa bawat biyahe ay biglang naglaho at ang bawat takbo ng makina ay tila magiging isang ala-ala na lang ng nakaraang hindi na muling mababalikan.
4 ay nagbibigay ng pagkakataon na makarating sa kanilang destinasyon kahit na may mga kakulangan ay may halong panganib sa bawat sakay.
Sa huli, hindi natin maitatanggi na ang overloading ay tila naging tradisyon na ng mga pilipino. Ang mga memorya kasama ang pamilya at ga kaibigang binuo sa likod ng kapahamakang nakapaloob dito ay di malalampasan.
“Ang sobra ay masama ang kulang ay di nakakaginhawa” bigkas ng isa sa mga magulang ng estudyanteng mahilig mag overload. Tila isang mensaheng nag hihintay na matuklasan. Ikaw ano ang kwentong overloading mo? I-share na yan!
kaya umaabot sa kaniyang tainga ang ngiting namumuo sa labi.
Naramdaman naman ni Willen ang titig ng binata kaya hindi niya maiwasan ang magsalita. “Mas mabubusog ka yatang pagmasdan ako kaysa sa barbeque at isaw na kinakain mo.” aniya na siyang ikinalundag ng puso ni Loki sa saya at ikinainit ng kaniyang mga pisngi. Sa pagkakataong ‘yon, nagkwentuhan ang dalawa na siya namang napuno ng halakhak at saya na tila sila lamang dalawa ang tao sa parkeng iyon kahit pa napapalibutan sila ng ingay at samut-saring aroma ng mga pagkain. Doon, nabuksan ang puso nila para sa isa’t-isa at unti-unting sumibol ang punla ng pag-iibigan. Naputol lamang ang kasiyahang iyon nang dumating na kanina pang hinihintay ni Loki na siya namang lubos na nagpabagsak sa kaniyang balikat, na tila ba natusok ang kaniyang puso dahil sa pagkatantong magwawakas na ang sandaling iyon. Agad din namang iyong napawi nang maramdaman niya ang mainit na haplos ng kamay ni Willen sa balikat niya. Ipinababatid sa binata na hindi pa iyon ang huli. Sa bawat betamax, adidas, hotdog, at squidballs na pinagsasaluhan nina Willen at Loki sa mga sumunod pa nilang pagkikita ay lalo lamang lumalim ang init ng kanilang pagmamahalang binuo sa sulok ng pagkaing kalye.
Para sa binata, ang mga pagkaing ito ay hindi matutumbasan ang siya sa kaniyang puso tuwing kasama ang dalaga kaya hindi niya maiwasang isatinig ang mga katagang, “ang sarap ng tusok-tusok nila dito, pero mas masarap parin talaga kapag ikaw na ang kapiling ko.” na siyang ikinasilay ng ngiti sa labi ni Willen.
tSUPER strong ako!
Patuloy ang ingay at alikabok ng bayan, ngunit may isang indibidwal ang may tapang at pagtitiyaga na naglalakbay sa mga kalsada. Ito ay ang matandang tsuper na patuloy sa pagpasada kahit na ang kanyang tricycle ay sumasabay na sa tanda ng panahon.
Sa isang maliwanag na umaga, sa barangay ng Sanja, naroon si Mang Romeo, 72 na anyos, isang matandang trycicle driver na kilala sa buong komunidad. Gayunpaman, nananatili siyang naghahatid ng may hindi matitinag na determinasyon na siyang nagpapatunay na hindi hadlang ang edad at lumang trycicle para sa pagbibigay ng serbisyo sa mga guro at estudyante.
“Ney, aditta ajay mangtulud kanyak nga mapan eskwelan” mahinhin na banggit ni Ginang Valentina, isang gurong maaalahanin na nag-aabang sa tabing daan tuwing umaga habang papalapit na si Mang Romeo na nagmamaneho ng kanyang lumang tricycle na siyang kanyang pinagkukunan ng kabuhayan sa loob ng mahabang panahon.
Dahil sa pamamagitan ng mga kwento ng buhay ni Mang Romeo, bawat araw ay natututunan ng guro ang halaga nang pagmamalasakit at pag-aalaga sa kapwa.
Nagiging tulay din si Mang Romeo sa estudyante. Si Janet, na puno ng pangarap at ambisyon, ay natutunan ang halaga ng pagiging matiyaga at mapagkumbaba mula sa mga payo ng tsuper. Hindi lamang biyahe ang ipinagkakaloob ni Mang Romeo sa kanyang mga pasahero. Sa bawat kwento at ngiti na ibinabahagi niya sa kanila, nagiging inspirasyon siya sa buong komunidad. Ang kanyang pagtitiwala at kabutihang-loob ay nagpapakita ng halaga ng pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa, lalo na sa panahon ng kahirapan at pagsubok. Bawat paglipas ng oras, nakikita ng buong bayan ang dedikasyon ni Mang Romeo sa kanyang trabaho. Bagaman, kahit na matanda na siya at luma na ang kaniyang trycicle ay hindi na bago sa kanya ang hirap at panganib ng pagmamaneho ng kaniyang sasakyan. Ngunit, patuloy pa rin siyang naghahatid ng maayos at ligtas na biyahe para sa kanyang mga pasahero.
Sa kabila ng ingay at alikabok ng patuloy niyang pinipili ang pagpasada, na nagpapakita ng tapang at katatagan ng kalooban. Sa huli, ang kwento niya ay hindi lamang tungkol sa kanyang hanapbuhay, kundi pati na rin sa kanyang pagmamahal, pagmamalasakit, at pagtiyatiyaga na naghahatid ng aral at lubos na ngiti sa kanyang mga pasahero.
“Addan! Addan! Addan! asideg isunan!” pasigaw na sinaad ni Janet, isang estudyanteng hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi tuwing masisilayan niya na paparating na si Mang Romeo na palaging handang magbigay ng magandang serbisyo sa kanilang mga biyahe.
Cristine Mae Tabunot
lathalain p12
Vincent Venus
Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Bukig National Agricultural and Technical School mannalon
Angel Bianca Tarampi
kasama ang barkada upang kumain ng fishball, kikiam, at kwek-kwek. Samantala, kabaligtaran ng personalidad ni Loki si Willen na sa loob ng shed siya ay mag-isang nag-aaral habang kumakain. Matiyaga niyang sinasagutan ang mga takdang araling ipapasa niya bukas. Siya ay isang huwarang estudyante na mahilig din sa pagkaing kalye tulad ng turon, bananaque at kalamares. Isang araw, nauna si Loki na bumili ng street food kaya naisipan niyang maupo muna sa silong habang hinihintay ang mga kasama, nagkataon
sa tabi lang ni Willen ang bakante kaya lumapit
at naupo sa tabi
Hindi man alam ng mga kaibigan ni Loki, ay may lihim siyang pagtingin sa dalaga
namang
siya
nito.
HELMET
Makatotohanang
1
3
AT
SA SULOK
Lorhaine Poncio TUSOK-
TUSOK
PAG-IBIG
5
Baliktanaw
Ang Lagaslas ng Nakaraan
Alamin ang kabuuan ng kasaysayan sa QR Code na ito.
Tahimik ang hangin, umaawit kasabay ng lagaslas ng tubig sa dalampasigan. Ang naghalong tubig-alat at tubig-tabang ay bumubulwak sa mga butas sa gumuhong semento sa dating pueto de Aparri. Sa dalampisan kung saan namimingwit ang ilan, at nagtatampisaw ang marami, minsang dumanak ang dugo bilang pagtatanggol sa lupa mula sa mga dayo.
Ang bayan ng Aparri ay matatagpuan sa hilagang dulo ng probinsya ng Cagayan. Minsan itong naging sentro ng kalakalang Hapon taong 1405, higit isang daang taon bago pamandin dumating ang mga Espanyol. Naging pangunahing sentro ito ng kalakalang galyon nong ika-11 ng Mayo 1680 dahil sa lokayson nito sa bukana ng Ilog Cagayan patungo sa palago noong Siyudad ng Nueva Segovia, ngayon ay bayan ng Lallo.
Hawak ang libro na aking nahalungkat sa lakasa ng aking lola, sinubukan kong buklatin ang mga lihim na nakatago sa malalim na tubig ng ilog. Sa aking pagbabasa, nabatid ang isang kwento ng kasaysayan na unti-unti ay limot na.
Sa aking paglalakadlakad habang binabasa ang aklat, nabatid ko ang isang makasaysayang digmaan na dito sa aming bayan naganap. Tila sariwang pag-alaala ang aking naranasan, isang paglalakbay sa limot na bahagi ng kasaysayan.
dalampasigan nitong umaga lamang. Paparating na ang isang barko, lulan ang hispanikong hukbo. Sa di kalayuan, tanaw ang isang lalaki, nagbibigay utos at direksyon sa mga lalaki.
Bang! Nariton ang mga Espanyol upang patalsikin ang mga Hapones na sumakop at umaalila sa amin. Ahhhh! Sigawang maririnig sa di kalayuan, kalansing ng mga espadang nagbubungguan. Ang putok ng mga baril ang aalingawngaw mula sa dalampasigan, nga naghihingalong tao iyong masisislayan. At sa da dulo, sa di kalayuan, mga dugong dumanak, naglalanguyang patay na mga katawan.
Nagtagal ang digmaan ng higit sa isang beses, hanggang nagapi ang mga pirating Hapones. Tumakas ang ilan, naiwan ang karamihan.
At dito na nagsimula ang lagim na hindi inaasahan, “ Tila isang eksena sa pelikula ang nanariwa sa aking isipan. Sa loob ng daang taon tila panaginip lang ang lahat. Dito sa lugar na ito kung saan tayo naninirahan naganap ang isang digmaan sa bukana ng ilog Cagayan kung saan umagos ang dugo halintulad sa Mactan.
Wow! sa Kinilaw
Isa sa all-time favorite nating mga Pilipino ang pagkain. Mula sa mga simpleng sangkap ay nakagagawa tayo ng mga putaheng tiyak na pasado sa ating panlasa. Isa na rito ang putaheng pangunahing sangkap ay preskong isda, suka, asin, luya, sibuyas at kalamansi. Halina’t ating pigain ang malinamnam na putaheng kung tawagin ay “kinilaw”.
Ang kinalaw [Ki’nilau] “eaten raw” o kung tawagin ay “ceviche “ sa bansang Peru kung saan sinasabing pinagmulan nito. Maari itong gawin sa isda, baboy, gulay, maging mga lamang dagat.
Panahon ng Kinilaw
Ayon sa mga historian ang kinilaw ay dati ng inihahain ng mga Pilipino sa mga bansang mananakop. Sa katunayan sa diksyonaryo na pinamagatang
“Vocabulario de la Lengua” ni Juan de Noceda at Pedro de Sanlucar mababasa sa isang pahina nito ang isang tula na ibinida ang kinilaw.
“Cun ang quilai, I masair, at ang totoy ay matiti, tapos ang pagcacaibig” na kung isasalin sa wikang Ingles ay nangangahulugang “when the kilawain is consumed, and the wine bottle is emptied , the friendship is ended”.
Malalasahan natin sa mga linyang ito ang pagsasama ng mga Espanyol at Pilipino sa pagkain ng hilaw at paginom ng alak ang magiliw na pagtanggap sa mga bisita. Hindi lang yan, nabanggit sa huling bahagi na nawala ang lahat ng pinagsamahan pagkaubos ng pagkain dahil ang pangunahing hangarin ng mga Espanyol ay kolonyalismo at hindi pakikipagkaibigan.
Kwentong Nalalasahan
May iba’t ibang sagkap at paraan ng paghahanda ang putaheng kilawin. Sa Luzon ang preskong isda o karne ay ibinababad sa suka at tsaka pinipiga ng mabuti upang kumapit ang lasa. Tsaka bubudburan ng asin at kalamansi ay ayos na ayos na.
“ Naalala ko noong bata ako, malimit kaming naghihintay sa laot at humihingi ng mga bagong huling isda upang kilawin, bukod sa libre na madali pang ihanda” pahayag ni Kevin nakatira sa tabing ilog habang inaalala ang mga karanasan niya ng mapag-usapan ang kinilaw.
“Kung dati pinapares ko siya sa kanin ngayon pinapares na sa alak at inumin” biro pa niya. Hindi rin pahuhuli ang Visayan version ng kinilaw
na isda na hinaluan ng gata, sili at cucumber na nagdaragdag ng tamis-asim na lasa.
Ayon kay Miguel na taga Luzon, kakaiba ang ginatang kilawin sapagkat malalasahan mo ang tamis at asim kasabay ng sumisipang anghang.
“Nasarapan talaga ako dahil mas malasa, pero hinayhinay lang sapagkat kung masobrahan ay maaring kang magtae lalo na sa mga maseselan ang sikmura”saad pa niya.
Sa Mindanao na kung saan sagana sa yamang dagat. Wala silang pinapalampas na klase ng isda na ginagawang kilawin. Mula sa talaba, tuna, tamban at mismong seeweeds ay gianagawa nilang kilawin. Minsan pa nga huhugasan lang nila ito ng asin at lulutuin sa suka pamatid gutom na sa kumakalam nilang sikmura.
“Kapag walang ulam, basta may kaunting huli mairaraos na naming ang buong araw, kung hindi ginagawang daing ay kilawin ang nagsisilbi naming ulam” pahayag ni Jomar na pangingisda ang pangunahing kinabubuhay.
Pigang-piga man sa problema ng buhay, maituturing namang biyaya para kay Saling nagtitinda ng kalyente at kinilaw ang putaheng ito sapagkat dito niya itinaguyod ang pag-aaral ng kanyang mga anak. Mula alas singko ng hapon hanggang alas otso ng gabi ay nakapwesto na siya sa daan upang hintayin ang kanyang mga suki na kalimitay mga construction worker na babad sa pagtatrabaho.
“ Magulam kayo
ng isda na lalo na yung kilawin”ito naman ang mayabang na sagot ni Jomar ng tanungin siya ng kanyang guro kung bakit siya ay malusog at masayahing bata.
“Fish be with you all day, para happy everyday”
Parte na ng buhay nating Pilipino ang pagkain. Nakaukit na ito sa ating kasaysayan maging sa ating kultura. Hindi nga maikakailang sa mga oras na tayoý pigang piga na sa buhay at sa mga pagkakataong nabubudburan tayo ng nag-uumapaw na biyaya, laging nariyan ang mga putaheng tulad ng kilawin.
Mahalaga ang oras sa buhay ng tao. Lahat ng kanyang ginagawa ay nakadepende sa oras, mula sa paggising sa umaga, pagkain ng pananghalian hanggang sa pagtulog sa gabi. Subalit papaano kung ang nakasanayang oras ng paggising at pagtulog ay nag-iba, may hatid nga bang pangamba?
Ang “body clock” o circadian rhythm, ay isang mekanismo sa ating katawan na nagtatakda ng ating mga siklo ng pagtulog at paggising. Sa patuloy na pagbabago ng liwanag at dilim sa ating paligid, ang circadian rhythm ay nagkokontrol sa ating mga gawain ng pagtulog, pahinga, at mga aktibidad.
nagdudulot ng pagbabago sa kanilang body clock. Bilang patunay, sa isa pang pag-aaral ng University of Manchester, nagpakita na ang mga kabataang may mas maikling oras ng pagtulog ay may mataas na tyansa sa pagbagsak sa pag-aaral.
Ayon sa pag-aaral lahat ay may “biological clock o orasan na sinusunod ng iyong katawan. Ang una ay isang “lark,” isang taong pang-umaga na may lakas sa araw at napapagod sa gabi. At ang pangalawang uri ay mga “kuwago,” na mas maraming enerhiya sa gabi at mas nakatutulog sa umaga.
Habang ang mga kabataan na may regular na oras ng pagtulog at paggising ay may mas mataas na marka sa paaralan at mas maayos na kalusugan sa pangkalahatan.
Paawer!
Pangmalakasang porma mula ulo at katawan na bangong malaartista ngunit kapag tinanggal na ang sapatos umaalingasaw ang sikretong sumisipa, nagdadala ng kahihiyan at pangungungutya- ang mabahong paa.
Kilala ito bilang “foot odor”o bromhidrosis na sanhi ng naipong pawis sa ating mga paa na naglalabas ng organic acids na nagiging dahilan ng di kanais-nais na amoy.
Ang ating mga paa ay nagtataglay ng napakadaming sweat glands kaysa sa ibang bahagi ng katawan kaya naman mas mabilis din ang pagdami germs na nata-trap dito. Ilan sa mga dahilan ng pagkakaroon nito ay ang mga sumsunod:
Pagsusuot ng masisikip na sapatos
Matagal na pagtayo o paglalakad ng malayo Hindi pagpapalit ng medyas Aktibong pamumuhay May kondisyon ding tinatawag na Hyperhidrosis o matinding pagpapawis. Ang mga taong mayroon nito ay may posibilidad ding magkaroon ng mabahong paa.
Naaapektuhan din ng mabahong paa ang kawalan ng kumpiyansa sa sarili, pakikisalamuha sa ibang tao, pagpunta sa mga pampublikong lugar tulad ng paaralan, opisina o sa mga transportasyon na kung saan maaari itong makaabala at hindi maging komportable ang mga taong nakaka-amoy nito.
“Minsan kapag tinatanggal ko yung sapatos ko, inilalagay ko nalang sa likod ng classroom para hindi umalingasaw, nakakahiya kasi lalo eh lakas makapanghusga ng mga kaklase ko, hindi ko naman maiwasan kasi pawisin ako kaya ako nalang nag-aadjust” aniya ng isang mag-aaral sa ikapitong baitang na nakararanas ng pangungutya dahil sa mabahong paa.
Ayon naman sa ilang guro ng paaralan, madalas itong maranasan sa mga silid lalo na sa panahon ng tag-init kung saan kadalasan ang mga mag-aaral ay active sa napakaraming aktibidad.
Ang hindi pagsunod sa natural na siklo ng body clock ay maaaring magdulot ng iba’t ibang mga negatibong epekto. Ang pagtulog sa hindi tamang oras ay maaaring magresulta sa kawalan ng enerhiya, pagkabagot, at kahinaan sa pag-aaral.
Sa katunayan, ayon sa isang pag-aaral ng News in Health (NIH), ang mga kabataang hindi nakakatulog nang sapat ay mas malamang na magdusa sa depresyon at pagkabigo sa pag-aaral.
Isang dahilan sa hindi mayos na siklo ng oras sa katawan ay ang pa. Tulad ng mga cellphone at computer, na nagpapahintulot sa kanila na manatiling gising hanggang sa oras ng gabi. Ang mga ilaw na maliwanag mula sa mga screen ay maaaring hadlangan ang paglabas ng hormone ng tulog, na
Upang malunasan ang problema sa body clock, mahalaga ang pagbibigay ng tamang kaalaman sa mga kabataan tungkol sa kahalagahan ng pagtulog at pag-aayos sa kanilang mga sarili.
Ang paghahayag ng kampanya sa paaralan at komunidad na itaguyod ang tamang pamamaraan sa pagtulog, tulad ng pag-limita sa paggamit ng mga gadget bago matulog, ay maaaring makatulong upang mapanatili ang kanilang kalusugan at pagaaral.
Ang body clock ay hindi lamang simpleng relo ng ating katawan, kundi isang mahalagang bahagi ng ating kalusugan at kagalingan. Sa tamang kaalaman at pagpapahalaga sa tamang oras ng pagtulog at paggising, maaari nating masiguro ang mas maayos na buhay at mas matagumpay na kinabukasan para sa atin.
PORTASOLusyon
Panahon na ng anihan at hindi maikakailang laganap na naman ang pagbibilad ng malaginto at kilo-kilometrong hanay ng butil ng palay at mais sa kalsada na kadalasan ay sanhi ng aksidente sa daan kahit na ito ay labag sa batas. Ngunit ang ganitong eksena ay naging kultura ng ilang magsasaka na nagbibilad ng kanilang mga ani sa daan. Paano nga ba ito masosolusyonan?
Dahil sa limitadong bilang ng mga solar dryers at espasyo sa pagpapatayuan nito, inilunsad ang Portable Solar Dryer (PORTASOL) ng Department of Science and Technology (DOST) bilang makabagong teknolohiya upang punan ang pangingailangang ito.
Ano nga ba ang PORTASOL?
Ang Portasol ay isang multi purpose solar speed drying tray na idinisenyo para sa pagpapatuyo hindi lamang ng mga butil kundi pati na rin sa iba pang mga produkto. Ito ay binuo ni Francisco Pagayon, presidente at CEO ng Filipino Inventors Society Producers Cooperative (FISPC) ay naglalayong magbigay ng mabilis, ligtas, at malinis na solar dryer sa anumang lupang malayo sa mga kalsada at highway.
Benepisyo sa paggamit ng PORTASOL?
a. Ito rin ay kapaki pakinabang sa mga magsasaka lalo na sa panahon ng tag-ulan dahil maaari pa rin nilang patuyuin ang kanilang mga butil para sa mga portasol ay may mga takip.
b. Hindi tulad ng mga tradisyunal na paraan ng pagpapatuyo, ang mga aluminum thermal tray ng PORTASOL ay maaaring isalansan ng lima hanggang sampung kamada ang taas, na kayang tumanggap ng hanggang 150 kilo ng palay bawat drying cycle.
c. Ang multipurpose drying equipment ay nakakatulong sa pagpigil sa paglusob ng mga peste at nagsusulong ng wastong bentilasyon sa pamamagitan ng pagpapahintulot ng mga puwang sa paghinga sa pagitan ng mga multi-tiered na nakaimbak na butil, pag-iwas sa fungal mold, mabulok, at mildew spoilage.
Ang PORTASOL ay isang patunay sa positibong epekto ng pananaliksik at pagbabago sa buhay ng mga magsasaka at komunidad na Pilipino. Sa bagong kakampi ng mga magsasaka sa pagpapatuyo ng mga produkto, handa na nilang harapin ang hamon nang may kumpiyansa at katatagan, habang ginagamit nila ang kapangyarihan ng agham at teknolohiya upang hubugin ang isang mas maliwanag, mas ligtas at mas maunlad na sektor ng agrikultura.
“Maamoy mo talaga ang mabahong paa lalo sa hapon pagkatpos nilang manghalian, sari’t saring amoy nakakahilo minsan”, pahayag ni Jay-ann Cabarong, guro sa Grade 12.
Ngunit say goodbye sa mabahong dahil to the rescue homemade foot odor eliminator na makatutulong upang masolusyon ang problema.
· Makapangyarihang baking soda- maglagay ng 3 kutsara ng baking soda sa maligamgam na tubig at ibabad ang paa sa loob ng 15 hanggang 20 minuto. Gawin ito gabi-gabi sa loob ng isang linggo tiyak na solve na ang paa problems.
· Mabangis na suka- Maglagay lamang ng kalahating tasa ng suka sa maligamgam na tubig at ibabad ang mga paa at hugasan pagkatpos
· Magic asin- Maglagay ng kalahating tasa ng asin sa maligamgam na tubig at ibabad ang nangangamoy na paa hanggang sa lumambot na ang balat.
Ang mga homemade food odor eliminator na ito ay nagtataglay ng anti-fungal property; ang baking soda ay umaabsorb ng moist at nababawasan ang amoy, ang suka at asin naman ay nagtatagaly ng acid content na ayaw ng mga fungi.
Maaring ring solusyon ang paggamit ng komportable at dry shoes sabayan pa ng tamang medyas. Maari ring gumamit ng mga antibacterial na sabon o foot powder upang kontrolin ang pagdami ng bacteria. Kung ito ay patuloy pa ring nangangamoy, mainam na kumonsulta sa doktor upang masuri ang posibleng gamot o sulosyon, tulad ng mga preskripsyon o over-the-counter na anti-prespirant na gamot para sa paa.
Kaya naman huwag ng paabutin sa malalang kondisyon ang ating mga paa, panatilihin ang kalinisan mula ulo hanggang paa. Iyan ang tunay na Paawer!
Cristine Mae Tabunot
Cristine Mae Tabunot
Ang Tamang Pag-aalaga sa Paa lathalain p14
Sheeann Bumanglag
James Joham Fernandez
Sheeann Bumanglag
ang sweat glands sa paa na ngalalabas ng 1 hanggang kalahating basong pawis. na nagdudulot ng pagbaho ng paa. Ito ay ang Trichophyton rubrum, T mentagrophytes, T interdigitale,at Epidermophyton floccosum. 250K may 3 dermatophytes alam mo ba? ag.tek p15 mannalon Ang
Agricultural
Technical
Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Bukig National
and
School
JM Tabalno guhit ni: deviantart.com guhit halaw muna sa kusinerafoodblog deviantart.com guhit halaw muna sa Tomo 2 I Bilang 1. Agosto 2023- Abril 2024
Makatotohanang balita
Si INIT at
SI INDEX
“Nagpudut” “Kasla impyerno ti lubong. Intayu gumatang aga- ice nga coke wennu halo-halo”
Ito ang mga kadalasang naririnig kong daing ng mga kapwa ko magaaral sa panahon ngayon. Kaya naman kamakailan ay nagsuspinde ang ilan sa mga eskwelahan sa pahintulot na rin ng Department of Education (Deped). Ang desisyon ay ginagawa dahil sa inaasahang “hindi kanais-nais” na kapaligiran para sa mga mag-aaral na dulot ng inaasahang mataas na heat index, na pinalala ng nakatakdang pagkaputol ng kuryente.
ALAMIN ANG HEAT INDEX. Ayon sa PAG-ASA ,kapag pinagsama ang aktwal na temperatura ng hangin at ang relatibong halumigmig sa isang partikular na oras, ang resulta ay tinatawag na heat index. Sa madaling salita, ang heat index ay kung ano ang nakikita o nararamdaman ng mga tao bilang temperatura na nakakaapekto sa kanilang katawan.
Tanong: Pareho ba ang mataas na temperatura sa mataas na heat index? Sagot: Hindi.
Ayon sa PAGASA, ang temperatura ng hangin – na sumusukat kung gaano kainit o lamig ang hangin – ay hindi maaaring masukat nang eksakto ang init na nararamdaman ng isang tao. “Ito ay mas tamang naitataya kung isasama ang datos ng alinsangan o halumigmig, BAKIT MAPANGANIB ANG HEAT INDEX? Mapanganib ang heat index dahil sa dala nitong banta sa buhay ng tao kagaya na lamang ng heat stress at heat stroke. Ang kadalasang sintomas ng heat stress ay ang mga sumusunod: pagkahilo, panghihina, labis na magpapawis, pamumutla, pagkairita at muscle cramps, habang ang sintomas naman ng heat stroke ay ang mga sumusunod: biglaang matinding pagsakit ng ulo, pamumula at pagkatuyo ng balat, mabilis at malakas na pagpitik ng pulso, panghihingal at pagkawala ng malay.
PAANO MAKAAAPEKTO ANG HEAT INDEX SA ATING KATAWAN? Nagbabala ang isang health advisory mula sa Department of Health (DOH) tungkol sa mas mataas na posibilidad na magkaroon ng mga sakit. Tandan ang tsart n amula sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAG-ASA).
Anu-ano ang mga dapat gawin kapag mataas ang Heat Index sa Isang lugar? Inirerekomenda ng DOH na: 1. limitahan ang oras sa labas; 2. regular na uminom ng sapat na tubig para sa iyong katawan; 3. umiwas sa muna sap ag-inom sa kape at tsaa; 4. magsusuot ng maluwag, komportableng pananamit; 5. gumamit ng tamang proteksyon, tulad ng sunblock, sunscreen o sunglass, at payong kapag nasa labas; 6. Iwasan ang mga mabibigat na gawain o ang pag eehersisyo; 7. Pag hindi na maganda ang pakiramdam, agarang magpatakbo sa malapit na ospital para sa agarang gam
Ang panahon ng tag-init ay isa sa pinakainaabangang panahon. Hindi hadlang ang init ng panahon upang kalimutan natin ang mga masasayang aktibidad kasama ang mga malalapit na pamilya’t kaibigan. May mga bagay na kailangang isakripisyo at isuko, ngunit hindi ito nangangahulugang kailangan nating magmukmok. Kailangan lamang ng ibayong pag iingat upang mapanaliti ang kaya ayang kalusugan ka gitna ng mainit na kapanahunan.
KINIS KUTIS:
Tamang gabay sa paggamit ng skin care
Sheeann Bumanglag
Sa panahong malaporselanang kutis ang pangunahing batayan ng kagandahan hindi maikakailang marami sa mga mag-aaral ang gumagamit ng mga produktong pampaganda upang makaranas ng “glow-up” at glass skin na nagdaragdag ng kumpiyansa sa kanilang mga sarili. Ngunit ang mga produktong pampaganda ba na iyong ginagamit ay nagtataglay ng kemikal na nakabubuti sa iyong mukha o nakasisira? Isang mahalagang salik na dapat isaalang alang ng tao sa paggamit ng mga ganitong produkto ay ang pormulasyon nito. Ano nga ba dapat nasa skin care set natin? Ayon na Cosmopolitan.com, narito ang mga produktong dapat nasa iyong skincare set:
Step1 Facial Cleanser.
Isang batas sa paggamit ng skincare ay ang tamang pagkakasunod-sunod mga produkto mula sa “lightest” hanggang sa heaviest. Sa unang hakbang ng iyong skincare regimen, mahalagang malinis ang iyong mukha upang mas mapadali ang pag-äbsorb ng ating balat sa mga produktong ito. Sa paggamit ng facial cleanser, kinakailangan na pumili tayo nang naayon sa uri n gating balat. Para sa mga may dry-skin, pinakamagandang gamitin ang mga facial cleansers na nagtataglay ng cera,ides, hyalunic acid at glycerin na nagpapatibay sa depensa n gating balat.
Gayunpaman, iwasan ang mga gel-based at mga banayad sa cleansers kung ikaw ay may mamantikangbalat. Para sa madaling tubuan ng tighiyawat, nirereckomenda ng mga doktor na hanapin ang cleanser na may salicylic acid o benzoyl peroxide. At sa mga may sensitibing balat,gumamit ng mga produktong may soothing colloidal oatmeal, aloe vera at niacinamide. Gamitin ang mga ito sa umaga at gabi.
Step2 Toner
Ang mga toner ay ginagamit para linisin, i-moisturize ang ating balat, at pigilan ang pagdami ng pagkakaroon natin ng pinsala sa mukha. Malaki rin ang naitutulong ng toner upang balansehin ang pH ng ating balat, paliitin ang malalaking pores at makaiwas sa acne or pimples.Ito ay nagtataglay ng ibat ibang formula na nilagyan ng skin loving ingredients tulad ng aloe vera, green tea, rose water oil, tea tree oil at witch hazel na makatutulong para pantayin ang kulay ng balat, balansehin ang mga facial oils at paliitin ang mga pores.
Gayunpaman, may mga toner na nakapipinsala sa balat tulad ng alcohol, salicylic acid, benzoyl peroxide, mga artipisyal na pabango na maaring maging sanhi ng pamumula, pagkasunog ng balat at pagtuyo dahil sa matapang na kemikal nito kaya mahalagang palaging tignan ang mga sangkap ng toner bago gamitin at kumonsulta sa iyong dermatologist.
Step3 Moisturizer
Ang moisturizer ay nakatutulong para maging hydrated lagi ang balat. Ito ay nagtataglay ng emollients na nakatutulong upang maging malambot ang balat lalo na sa mga tight at dry na balat. Ang mga tiyak na alcohol, tulad ng octyldodecanol ay nagtatrabaho bilang emollients at ito ay normal na mabuti para sa balat. Gayunpaman, mas mainam na iwasan ang mga tiyak na alcohol sa ibang moisturizers, tulad ng isopropyl alcohol at ethyl alcohol, dahil maaaring mairita ang balat.
Kung nakaramdam ng pagkairita sa balat (pamumula, pangangati, hapdi, at iba pa) sa pagsubok ng bagong moisturizer, itigil ang paggamit nito. Bigyan ang balat ng pahinga, saka humanap ng mas gentle na moisturizer. Kumonsulta sa dermatologist para sa pinaka-angkop na produkto sa iyong type ng balat.
Step4 Serum
Ang mga facial serum ay mahalaga dahil ang kanilang mga aktibong sangkap ay gumagana nang mas malakas sa mga partikular na isyu sa balat. Halimbawa, ang isang hyaluronic acid serum ay nakatutulong na ma-moisturize ang iyong mukha sa pamamagitan ng pag-lock ng tubig sa mga layer ng iyong balat. Mayroon ding alpha arbutin serum na nagpapatingkad sa mukha, retinol na lumalaban sa mga senyales ng maagang pagtanda, at iba pa.
Ilapat ang serum habang ang iyong mukha ay half damp pa. Pagkatapos, maghintay ng mga 10 minuto para masipsip ng iyong balat ang lahat ng serum bago lumipat sa susunod na hakbang.
Paalala: Mayroong mga serum na maaaring masyadong matapang kung ikaw ay mayroong sensitibong balat. Sa halip, maaari kang gumamit ng katulad na produkto sa anyo ng essence. Ang isang essence ay gumagana tulad ng isang serum. Ngunit, ang konsentrasyon ng mga sangkap ay mas mababa, kaya ito ay medyo banayad.
Step5 Sunblock/ Sunscreen
Ang sunblock ay isang produkto na ipinapahid sa balat upang magbigay ng proteksyon sa sikat ng araw. Nagagawa ito sa pamamagitan ng mga sangkap na hinaharangan ang sikat ng araw upang maprotektahan ang balat.
Ang ginagamit na pamantayan upang sukatin ang bisa ng mga sunblock pati na rin ng sunscreen ay tinatawag na SPF o sun protection factor. Base sa pangalan nito, ang SPF ay nagdidikta kung gaano ka-bisa ang proteksyon na ibinibigay ng isang produkto.
Ang proteksyon na ibinibigay ng sunblock ay mahalaga dahil nakatutulong ito upang makaiwas sa skin damage na dulot ng UV o ultraviolet light mula sa sikat ng araw. Ang ultraviolet light na ito ay tumatagos sa mga ulap at mas matindi sa mga matataas na lugar at sa mga lugar na malapit sa equator tulad ng Pilipinas. Bukod dito ay mayroong dalawang uri ng UV light: ang UV-A at ang UV-B. Ang UV-A ay nagiging sanhi ng pagkakulubot ng balat, freckles, pagbabago sa balat, premature aging, at skin cancer. Ang UV-B naman ang nagiging sanhi ng sunburn o pagkasunog ng balat
Ang sunscreen naman ay gumagamit ng mga ingredients na direktang ina-absorb ang UV light upang hindi ito tumama sa balat. Bagama’t iba ang proteksyon ng sunscreen, malaki rin ang naitutulong nito sa pangangalaga ng ating balat. Ang sunscreen ay madaling gamitin dahil para lamang itong lotion na ipapahid at hihintaying matuyo sa balat. Bukod dito, maaari rin itong gamitin bago maglagay ng makeup, at mayroon ring mga makeup na may nakahalong sunscreen. Kung pang araw-araw na proteksyon ang pangangailangan, malaki ang naitutulong ng sunscreen.
Tandaan na ang pag-aalaga
SA NGALAN NG KALINISAN
“
Oo nga at malaki ang naitutulong ng teknolohiya sa atin at sa mundo upang maging inobatibo. Ngunit kung patuloy ang paggamit ng teknolohiya na walang disiplina , masasabi lamang itong taeng metal na basura na sa atin ay nakakasama.
IWAS sa E-waste
Sa patuloy na paglago ng teknolohiya sa ating buhay, kaakibat nito ang pag-angat ng mga negatibong epekto nito sa kapaligiran. Bagamat malaki ang naging ambag ng teknolohiya sa ating pamumuhay, hindi natin maaaring balewalain ang pinsalang idinudulot nito sa ating mundo
Ayon sa Global E-waste
Statistics Partnership, kabilang ang Pilipinas sa mga bansang aabot sa 2.7 milyong metric ton o katumbas ng tatlong bilyong kilo ng e-waste ang basura bawat taon. Dulot ng pagdami ng konsumerismo sa teknolohiya, ay patuloy rin ang pagdami ng basura na hindi lang nakakaapekto sa ating kapaligiran kundi pati na rin sa ating mga tao.
Ano ang e-waste?
Ang e-waste o electronic waste ay ang mga basurang sirang mga kagamitan ng teknolohiya. Gaya ang mga sirang cellphones, computers, telebisyon o mga appliances sa bahay. Ang e-waste ay resulta ng hindi tamang pagbabasura kung kaya ito ay mga substansiyang may dalang panganib sa atin.
Ano ang sanhi ng pagdami ng e-waste?
Pangunahing nagiging sanhi ng e-waste ay dulot ng patuloy na pagtaas ng konsumerismo at mabilis na pagbabago ng teknolohiya, na nagreresulta sa mas madalas na pagpapalit ng mga elektronikong aparato. Ang kakulangan rin sa tamang sistema ng pag-rerecycle at pagkawala ng suporta sa software updates ay nagpapalala rin sa problema ng e-waste.
Ang kulang na imprastruktura para sa tamang pag-dispose at recycling ng e-waste, kasama na rin ang kakulangan sa kaalaman at disiplina ng mga tao sa wastong pamamahala ng kanilang mga lumang elektronikong aparato, ay isa rin sa nagdaragdag sa pagdami ng e-waste sa buong mundo. Kaya’t ito ay nagpapalala sa problema ng polusyon at panganib sa kalusugan sa mga komunidad.
Ano ang epekto ng e-waste?
Dahil sa pagdami ng ewaste na dala ng hindi tamang pagtatapon at pagsusunog dito, dumaragdag ito bilang isa sa mga polusyon na ating kinaharap.
Dala na rin ng kemikal na nagmumula sa mga electronic devices gaya ang lead, mercury
at cadmium, naapektuhan rin nito ang kalusugan ng mga tao. Maaaring makuha dito ang mga sakit tulad ng respiratory issues, neurological at reproductive system dahil sa pagkakalantad o exposure sa e-waste.
Naaapektuhan din nito ang pagdaloy ng produkto sa agrikultura at aquatic ecosystem dahil sa nakokontamina ng e-waste ang lupa at tubig. Kung kaya malaki itong pangamba sa pagkukunan ng ating mga likas na yaman upang makakalap ng mga pagkain at iba pang pangangailangan.
Ano ang dapat gawin upang masolusyonan ang e-waste?
Upang maagapan ito at hindi na lumala, nararapat na tayo ay gumawa ng aksiyon. Nang sa gayon ay matulungan natin ang ating kapaligirang maging maayos at maiwasan ang pagkalat ng sakit na maaari nating makuha dito.
Kailangan na magkaroon ng disiplina ang mga tao sa paraang maaaring maglunsad ng mga programa ang gobyerno tungkol sa tamang pagtatapon ng basura para sa lahat, upang sa gayon ay maikalat ang kahalagahan nito.
Nakakatulong ito upang malinawan ang mga tao ang masamang epekto ng e-waste sa ating pamumuhay. Kung kaya ang pagtatapon ng sumusunod sa batas, ay hindi lamang makakabuti sa ating sarili kundi pati na rin sa ating mundo.
Ang e-waste ay malaki ang pinsalang naibibigay sa atin, hindi lang sa pangkalusugan kundi pati na rin sa mundo. Ito ay nakakasama at magiging isang panganib kapag patuloy na dumami. Kaya naman hindi dapat natin ito ignorahin bagkus ay pagtuunan ng pansin.
Oo nga at malaki ang naitutulong ng teknolohiya sa atin at sa mundo upang maging inotibo. Ngunit kung patuloy ang paggamit ng teknolohiya na walang disiplina , masasabi lamang itong taeng metal na basura na sa atin ay nakakasama.
Sa ulat ng Philippine Institute for Development Studies, mas madalas ngang naaapektuhan ng kawalan ng suplay ng kuryente ang mga electric cooperatives (EC’s) sa Luzon. Ang problemang ito ay hindi lamang nagdudulot ng pagkaantala sa pag-unlad ng ilang negosyo kundi nagiging sanhi rin ng pagkaabala sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
Base sa System Average Interruption Index (SAIFI) noong 2021, ang mga Electric Cooperatives (ECs) sa Luzon ay nakakaranas ng 6.6 na beses na pagkawala ng kuryente. Isa sa mga lugar sa Luzon na apektado ng ganitong mga power outage ay ang Aparri West na dinadaing ang kawalan ng kuryente kada buwan lalo na sa mga pagkakataong walang abiso mula sa Cagelco.
Ang “power outage” o pagkawala ng suplay ng kuryente ay ang panandaliang pagkawala ng kuryente sa isang lugar. Maaaring dulot ito ng iba’t ibang mga kadahilanan tulad ng mga natural na kalamidad - bagyo o lindol, mga teknikal na problema, o planadong pagputol ng kuryente para sa pagpapanatili o pag-aayos.
Dalawang beses hanggang tatlong beses sa isang linggo nangyayari ang ganitong eksena na malaking perwisyo sa mga residente ng nasabing lugar. Dahil sa kawalan ng kuryente, naaapektuhan ang kanilang hanapbuhay, nababawasan ang kanilang kita gayundin ang pagkasira ng ilang paninda.
Ang pagkawala ng kuryente ay hindi lamang nagpapahirap sa pang-araw-araw na gawain ng mga tao, kundi malaking abala din sa sektor ng edukasyon at ekonomiya ng lugar.
Una sa lahat, ang mga estudyante ay naaapektuhan sa kanilang pag-aaral. Nahihirapan silang mag-pokus dahil sa mainit na panahon at nawawala ang kanilang interes sa pag-aaral dahil sa walang maayos na ilaw o bentilasyon. Naapektuhan din nito ang kalusugan ng mga mag-aaral, marami sa kanila ang nagkakasakit ang ulo, nahihilo at kung minsan ay humahantong sa pagkahimatay kaya naman para maiwasan ang ganitong pangyayari kinakansela nalang ng local na pamahalaan ang klase. Malaking abala din ito sa mga guro sapagkat hindi nila maayos na natatalakay sa klase ang aralin lalo na sa mga paksa na nangangailangan ng tv para sa kanilang power point presentations, paggawa ng mga aralin ganun din sa pagasikaso ng mga paper works. Sa madaling salita, ang operasyon sa paaralan ay apektado dahil sa pagkawala ng kuryente.
Sa sektor naman ng ekonomiya, lubos na naaapektuhan ang mga negosyo sa bawat pagkawala ng kuryente. Maraming negosyo ang nakakaranas ng pagkasira sa kanilang operasyon o kaya’y pagsasara dahil sa nawalang kita ng mga negosyante. Partikular na mahirap para sa mga maliliit na negosyo na makabangon mula sa ganitong mga hamon na siyang nagiging hadlang sa pag-unlad ng ekonomiya ng lugar.
Ang kawalan ng kuryente ay may malawakang epekto, kung saan ang lahat ay naaapektuhan. Upang tugunan ang problemang ito, kinakailangan maglatag ang pamahalaan na maayos na programa upang masolusyon o di kayaý maibsan ang problema sa kuryente.
“
“
Hindi naman mali ang pumuna sa pangyayaring ganito lalo’t naapektuhan nito ang ating kabuhayan at pag-aaral ng mga estudyante ngunit huwag din nating kalimutan na maging bahagi ng solusyon.
Mahalagang tutukan ang pagpapaunlad ng renewable energy sources tulad ng solar at wind sa ating bansa. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga renewable energy mula sa araw at hangin, maaari magkaroon ng mas malinis at mas maaasahang suplay ng kuryente
mannalon
Bahagi ng Solusyon
“
ALAY SA PUON
LOVE JOY AZNAR
na hindi nakakaabala sa nakararami. Ang pagtitipid sa paggamit ng suplay ng kuryente ay simpleng gawain na malaki ang nagagawa upang maiwasan ang mataas na pagkonsumo ng kuryente, maaring maglaba at magplantsa isang beses sa isang linggo, patayin ang mga hindi ginagamit na ilaw o appliances at marami pang iba. Sa mga problemang kinakaharap ng ating bansa tulad na lang ng power outage mas mabuting pag-aaralan at pagusapan ang maaring maitulong upang masolusyon ang problema. Hindi naman mali ang pumuna sa pangyayaring ganito lalo’t naapektuhan nito ang ating kabuhayan at pag-aaral ng mga estudyante ngunit huwag din nating kalimutan na maging bahagi ng solusyon. ag.tek editoryal Stanley Dave Paa, deviantart.com
ag.tek p16
Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Bukig National Agricultural and Technical School
Makatotohanang balita
na bagay. Mas mabuting habang bata pa ay makasanayan ng alagaan ang balat. Ito ay isang investment kung kaya dapat gawin ng tama sa simula pa lamang. Alamin ang iyong skin type at komunsulta sa mga dermatologist at gumamit ng mga produktong aprubado ng mga eksperto.
sa balat ay isang personal
deviantart.com guhit halaw muna sa deviantart.com guhit halaw muna sa thetouchstolens
Tomo 2 I Bilang 1. Agosto 2023- Abril 2024
Cristine Mae Tabunot
unsplash.com
Trauma Bags para sa mag-aaral, ipinamahagi
Ipinamahagi ang anim na trauma bags sa ibat-ibang department ng paaralan upang tugunan ang mga aksidente o di inaasahang pangyayari sa loob ng paaralan nitong ika-16 ng Pebrero.
Alinsunod sa mandato ng School Disaster Risk Reduction Management (DRRM) mahalaga sa paaralan ang trauma bags dahil naglalaman ito ng mga kagamitang pang-unang lunas. Narito ang ilang mga dahilan kung bakit ito ay may silbi sa paaralan:
1. Emergency Preparedness: Ang trauma bags ay nagbibigay ng kagamitan para sa unang tulong sa mga mag-aaral, guro at iba pang empleyado ng paaralan. Ito ay makatutulong sa pagtugon sa mga aksidente tulad ng pagkabasag ng salamin, pagkakasugat o pagkakabangga.
2. Pagresponde sa Aksidente: Para sa agarang pagtugon sa mga oras ng aksidente maaaring gamitin ng mga guro o iba pang tauhan ng paaralan ang mga paunang lunas tulad ng bandage, antiseptiko o iba pang gamot para sa [pag-aalaga ng mga sugat.
3. Natural disasters: Sa mga oras ng kalamidad tulad ng lindol o bagyo, ang mga Trauma bags ay maaaring magtaglay ng mga gamot at kagamitan para sa mga nasalanta.
4. First Aid Training- Ang pagkakaroon ng Trauma Bags sa paaralan ay nagpapakita ng kagustuhan ng paaralan na maging handa sa anumang aksidente Maaari itog maging bahagi ng first aid training ng mga guro at magaaral.
Ayon kay SDRRM Coordinator Reynel Agustin, makatutulong ang mga trauma bags sa kanilang mga pagsasanay at paghahanda sa mga di inaasahang pangyayari sa paaralan.
Ang bawat anim na nasabing trauma bags ay nakalaan tig-isa sa bawal baitang.
Ipinakita sa chart ang bilang ng kaso ng mga nagpupunta sa clinic. Nanguna ang buwan ng Nobyembre at pinakamababa naman sa buwan ng Disyembre na kaunti ang school days.
School nurse naalarma sa pagtaas ng kaso ng nagkakasakit; pabago-bagong klima, unhealthy lifestyle nakikitang dahilan
Naalarma si Fleur Agcaoili, school nurse sa patuloy na pagtaas ng kaso ng nagkakasakit sa loob ng paaralan na umaabot na sa 57-179 bawat buwan mula sa dating 20-30 pasyente noong nakaraang taon.
Ayon sa school nurse karamihan sa mga pasyente nagpupunta sa kanya ay masakit ang tiyan o sikmura, pananakit ng ulo, pagkahilo, ubo, sipon at kadalasan lagnat.
Aniya, ang kadalasang dahilan ng kanilang pagkakasakit ay hindi kumakain ng agahan, malimit na pag-inom ng tubig, pagpupuyat, menstruation at ang pabago-bagong panahon.
“Nagsimula ang pagdami ng pumupunta sa clinic simula noong simula ng “ber months” tsaka malaki din ang epekto ng nagbabagong panahon
Kaso ng ASF naitala sa dalawang bayan ng Cagayan; information drive inilunsad sa Aparri
Kinumpirma ng Provincial Veterinary Office ng Cagayan ang presensya ng African Swine Fever sa mga lalawigan ng Penablanca at Alcala. Dahil nito, ang local na pamahalaan ng Aparri ay naglunsad ng ordinansa noong Pebrero 14, 2024 upang maiwasan ang paglaganap nito sa nasabing bayan.
Ayon kay Reymark Ruatos, isang kawani ng Sangay ng Agrikultura ng bayan ng Aparri, nagkaroon na ng information dissemination patungkol sa sakit na ito ng mga baboy upang pigilan ang paglaganap nito.
“Isa sa mga kasama sa mga pangangaral naming ito ay ang lektiyur naming tungkol sa mga biosecure na mga kulungan ng baboy na maaaring makatulong sa pagiwas ng impeksyon galing sa ASF.” Binigyang-diin din niya na nagpatupad sila ng lokal na ordinansa para magkaroon ng maayos na transportasyon ng mga baboy, ang tuloy-tuloy na disimpeksyon, at ang pagbibigay ng mga bitamina upang mapahusay ang resistensya at kalusugan ng mga baboy para mabawasan ang pagkalat ng sakit na ito.
Napagalaman din na 33 baboy sa Penablanca at Alcala ang mayroong ASF. 12 nito ang kinatay sa Penablanca at agad na inilibing upang hindi na kumalat ang virus.
Samantala, 21 baboy na nagpositibo sa ASF sa Barangay Centro
Sur at Tupang sa Alcala ang nagudyok sa mga awtoridad na agarang umaksyon para huwag kumalat ang epidemya. Upang hindi na lumaganap ito, naglagay na ng mga limitasyon sa paggalaw ng mga baboy sa nasabing mga barangay.
lalo na sa mga mahihina ang resistensya”, dagdag pa niya.
Pinayuhan naman ng nars ang mga mag-aaral ugaling uminon ng tubig, matulog ng maaga at iwasan ang pagpupuyat, kumain ng healthy foods at iwasan ang pagbabad sa mga gadgets.
Sa isang panayam, ipinahayag din ng school nurse na kapag grabe na ang sitwasyon ng mag-aaral ay idinudulog na niya ito sa Municipal Heath Center para sa agarang aksyon at tinatawagan ang kanilang mga magulang upang
GOODBYE BULATE
sunduin ang kanilang anak.
“ Kapag hindi na tolerable yung pain ng mga bata, dinadala na naming sa health center o tinatawagan ang magulang para ipacheck-up ang kanilang mga anak” saad niya.
Laking pasasalamat naman ng nars ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga guro sa pagtataguyod ng maayos na kalusugan ng mga mag-aaaral at pinayuhan na huwag ng papasukin ang mga mag-aaral na nakararanas ng mga nasabing sakit.
Pagkakaisa sa Pagkakaiba
Sa pagbabagong nagaganap sa larangan ng palakasan kung saan ang pisikal na kahusayan, talent at determinasyon ay nagkakatagpo mahalaga na ganap nating yakapin ang pagkakaisa Hindi dapat maramdaman ang diskriminasyon sa pagkakaiba bagkus maging daan para sa mas inklusibong pagtugon sa makabagong mukha ng palakasan.
Sa konteksto ng mga taong may kapansanan o Persons with Disabilities (PWDs), ang pagiging inklusibo sa larangan ng palakasan ay higit lalong mahalaga. Ang mga PWDs ay may mga kakayahan at talento rin tulad ng ibang tao, at dapat silang bigyan ng pantay na pagkakataon na maipakita ang kanilang mga galing sa larangan ng palakasan.
Sa isang lipunan na patuloy na naghahangad ng pagkakaisa at pagkakapantay-pantay, mahalaga na ang mga programa at patakaran sa larangan ng palakasan ay nagbibigay-diin sa pagiging inklusibo sa mga PWDs. Ito ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng espasyo para sa kanila sa mga kompetisyon, kundi pati na rin sa pagtiyak na ang mga pasilidad at kagamitan sa palakasan ay handa at accessible para sa lahat.
621 mag-aaral tumugon sa isinagawang school deworming
Ikinatuwa ni Fleur Agcaoili, school nurse ng paaralan ang positibong pagtugon ng mga magulang na sumailalim sa deworming ang kanilang mga anak matapos makapagtala ng 621 na mag-aaral sa buwan ng Enero.
Ayon kay Agcaoili hindi naging madali ang pagkumbinsi sa mga mag-aaral at mga magulang na makiisa sa nasabing programa sapagkat sa unang linggo ay kakaunti lamang ang nagbalik ng kanilang parent’s consent.
Aniya, dahil ito sa takot ng mga magulang sa maaring epekto ng pagpupurga sa kanilang mga anak.
Malawakang pagdidismpekta ang ipatutupad upang mabawasan ang posibilidad ng pagkalat ng ASF para maprotektahan ang local na suplay ng mga baboy.
Ayon naman sa DOH normal lamang sa isang bata na makaramdam ng pagsusuka, pananakit ng tiyan o ulo, pagkahilo at maging pagtatae kapag ito ay maraming bulate o kaya naman ay uminom ng deworming tablet ng gutom.
Ipinaliwanag naman ng school nurse sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagpupurga dahil ito ay makatutulong ng malaki sa kanilang kalusugan upang
Sa pamamagitan ng pagiging inklusibo sa mga programa at kompetisyon sa palakasan, ang mga PWDs ay hindi lamang nabibigyan ng pagkakataon na maipakita ang kanilang husay at talento, ngunit nagiging bahagi rin sila ng isang mas malawak na komunidad na nagpapahalaga sa kanilang kontribusyon at kakayahan. Ito ay nagpapalakas ng kanilang pagkakakilanlan bilang indibidwal at nagpapalawak ng mga oportunidad para sa kanilang pag-unlad at pagkamit ng kanilang mga pangarap sa larangan ng palakasan at iba pa.
Gayunpaman, ang pagsusulong ng pagkakaisa sa pagkakaiba ay nagpapalakas ng integrasyon ng mga taong may kapansanan sa kasalukuyang istraktura ng palakasan nang walang kinakailangang pagbabago. Ito ay maaaring humantong sa isang kapaligiran kung saan, sa kabila ng pagkakapantay-pantay, ang mga pangangailangan ng mga atleta na may iba’t ibang mga kapansanan ay epektibong natutugunan.
Ang pagtataguyod ng pagiging inklusibo para sa mga taong may kapansanan sa lahat ng aspeto ng buhay, akademiko man o palakasan, ay nagpapatibay sa pundasyon ng pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba-iba. Ang ating suporta ay nagpapaunlad ng isang kapaligiran kung saan ang lahat, anuman ang mga kakayahan, ay maaaring umunlad at mag-ambag sa isang mas makapangyarihan at napapabilang na komunidad.
Ang pagtuturo sa publiko, ayon sa DepEd Order No. 43, s. 2013, ay nagbibigay diin sa pakikisama bilang isang pangunahing prinsipyo ng Enhanced Basic Education Program. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga taong may kamalayan sa kapansanan sa mga programa sa palakasan at kurikulum ng paaralan, maaari nating palakasin ang isang henerasyon na nagpapahalaga sa iba’t ibang perspektibo simula sa kanilang pagkamulat. Ang edukasyong ito ay umaabot sa mga manlalaro, mga coach, at mga tagahanga ng palakasan sa labas ng silid-aralan, nagbibigay ng dagdag na kaalaman at nakakakumbinsi sa buong komunidad.
Mga estudyante ng ALS nagpakita ng angking galing sa Intrams 2023
Nagpamalas ng kanilang galing sa palakasan ang mga estudyante mula sa Alternative Learning System sa ginanap na Intramurals 2023 na inorganisa ng Bukig National Agricultural and Technical School, Nobyembre 16-17, 2023
Nagtipon-tipon ang mga talento mula sa iba’t ibang silid-aralan, na nagtataguyod ng sportmanship at pagkakaisa sa lahat ng mga estudyante.
Kabilang sa mga lumahok sa nasabing kaganapan ay ang mga estudyante ng ALS na sina Raniel Mabbun, Angelica Baniel, Mariel Lubbui, at Hero Opiña.
Ang mga indibidwal na ito ay lumahok sa mga kaganapan ng track and field at basketball, na nagpapakita hindi lamang ng kanilang pisikal na kasanayan kundi ng kanilang dedikasyon sa pagtutulungan at patas
na laro sa lahat ng mga estudyante.
Ang komunidad ng BNATS ay malugod na tinanggap ang mga estudyante ng ALS na naghihikayat ng isang kapaligiran kung saan ang lahat ay may pagkakataon na magningning at ipakita ang kanilang mga talento.
Nag-iwan ng marka sa Intramurals ngayong taon ang mga kalahok ng ALS, hindi lamang nagpakita ng kahalagahan ng sportmanship at pagkakaisa, ngunit nag-iwan din ng paalala na hindi pa huli ang lahat para gawin mo ang iyong ninanais.
Tanggapin ang Pagkatalo
Ang Intramurals ay nagbibigay ng espesyal na plataporma para sa mga estudyanteng atleta upang ipakita ang kanilang galing sa laro, ngunit hindi rin maitatago ang kahalagahan ng pagtanggap ng pagkatalo ng may dignidad. Sa ganitong okasyon, may kakayahan ang mga atleta na maitaguyod ang isang malusog na kapaligiran sa paglalaro, ngunit paano nila ito magagawa kung hindi nila matatanggap ang pagkatalo laban sa kanilang mga kalaban? Ito ba ang katapusan ng simula o simula pa lamang ng kaguluhan?
Sa larangan ng isports, dapat itong maging plataporma para sa pagkakaibigan, pag-unlad, at pakikipagrespetuhan, anuman ang resulta ng laro. Ngunit sa kasamaang palad, sa ilang mga estudyanteng atleta, nagaganap ang kabaligtaran, kung saan nagmumura sila laban sa kanilang mga kapwa manlalaro at sinusubukan ang mga mapanakit na kilos laban sa kanilang mga kalaban. Ang pagsasagawa ng pagmumura at pagdudulot ng pinsala sa iba ay bunga ng pagkatalo, ito ay salungat sa espiritu ng sportsmanship at nagpapakita ng kawalan ng kasanayan sa pagpapakatino. Kung tunay kang atleta, dapat mong maintindihan na ang tagumpay at pagkatalo ay parehong bahagi ng laro, at kung paano mo ito hinarap ay nagpapahayag ng maraming bagay tungkol sa iyong pag-uugali.
isports editoryal “ Hindi lamang ito tungkol sa mga marka sa scoreboard kundi ang mga hindi mapapantayang aral na natutunan sa harap ng mga pagsubok at ang iyong mga karanasan bilang isang manlalaro ang nagpapakulay sa iyo bilang isang tunay na kampeon.
May kilalang kasabihan na “Subok at subok hanggang sa magtagumpay” na nangangahulugang ang tagumpay sa larangan ng sports ay madalas na nakasalalay sa kakayahan na bumangon mula sa mga pagkabigo. Ang kakayahan na malampasan ang mga hamong ito, patuloy na pagpupursigi para sa pagpapabuti, ay isang tatak ng isang dedikadong estudyanteng atleta. Tandaan, hindi lamang ito tungkol sa mga marka sa scoreboard kundi ang mga hindi mapapantayang aral na natutunan sa harap ng mga pagsubok at ang iyong
ag.tek p18
Pauline Rasay
Pauline Rasay
James Joham Fernandez
SETYEMBRE DISYEMBRE 173 57 72 80 179 OKTUBRE ENERO NOBYEMBRE Pumalo sa 57-179 pasyente ang nagpupunta sa school clinic ng magsimula ang “ber months” dahil sa pabago-bagong klima. Ayon kay Fleur Agcaoili, nars ng paaralan karamihan sa mga nagpupunta ay dumadaing ng sakit ng ulo, tiyan, ubo at sipon maging lagnat. INSIDENTENG NAKABABAHALA •TOP
na idinudulog sa clinic Sakit ng Ulo Ubo at sipon Sakit sa Tiyan/ LBM
Pauline Rasay
3 sakit
mannalon
mga karanasan bilang isang manlalaro ang nagpapakulay sa iyo bilang isang tunay na kampeon. Sa pagtatapos ng araw, nasa bawat isa sa atin kung paano panatilihin ang isang malusog na kapaligiran, hindi lamang para sa ating indibidwal na kapakinabangan kundi pati na rin para sa buong komunidad ng paaralan. Ang pagtanggap sa pait ng pagkatalo ay isang mahalagang bahagi ng iyong paglalakbay, isang aral na walang katulad ng anumang tagumpay.
“ Manlalarong sa Bangko LOVE JOY AZNAR
Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Bukig National Agricultural and Technical School
SIMULA Pinangunahan ni JJ medrano ang lighting of torch bilang pagsisimula ng Intrams 2023 ng Bukig National Agricultural and Technical School.
Rhain Mark Agustin NAGBABAGANG
BULATE NO MORE. Pinagtuunan ng pansin ni nars Fleur Agcaoili ang pagpupurga sa mga mag-aaral lalo na sa mga mag-aaral na takot sa maaring epekto nito. Ayon kay Agcaoili, ipinaliwanag niya ang kahalagahan nito sa kalusugan at itinama ang mga haka-haka patungkol sa deworming. Deejay Espinosa Philippine Star
Makatotohanang balita
Espinosa makapagfocus sila sa kanilang pag-aaral at makaiwas sa mga sakit. Tiniyak naman ng pamunuan ng paaralan na ligtas at hindi expire ang ipinapainom na Albedazole 400mg chewable deworming tablet.
Deejay
Tomo 2 I Bilang 1. Agosto 2023- Abril 2024
Batang prodigy ng BNATS nagwagi sa chess tournament, nakamit ang 8-2 na tagumpay
Nagpakitang gilas ang 13-taong gulang na mag-aaral na si Justin V. Secretario , sa pamamagitan ng kanyang natatanging galing at husay sa chess, nagtala siya ng impresibong 8 panalo at 2 talo, na nagbigay-daan upang tanghalin siya sa ikalawang pwesto.
SPORTS
Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Bukig National Agricultural and Technical School I Sangay ng Cagayan| Rehiyon Dos tagapaghatid ng makabuluhang balita
Sa dalawang araw na intamurals noong Nobyembre 16 at 17, 2023, ipinamalas ni Secretario ang kanyang natatanging galing at husay sa chess. Gamit ang kanyang malalim na pang-unawa sa mga algoritmo ng chess, nagawa niyang maanalisa ang mga komplikadong galaw sa bawat piyesa, gumamit din siya ng mabisang mga taktika sa pag-atake at depensa. Ang kompetisyon ay isang double elimination game, kung saan ang mga manlalarong natatalo ng dalawang beses ay natatanggal. Sa huling labanan, limang manlalaro na lamang ang natira upang makipaglaban para sa kampeonato.
Sa unang araw ng laro, nagkaroon ng matagumpay na performance si Secretario sa elimination round, na may iskor na 4-1 (4 panalo, 1 talo) laban sa ibang manlalaro.
Sa ikalawang araw, ginamit ang Round Robin Method, kung saan ang bawat manlalaro ay naglabanlaban. Sa mga laro, ginamit ni Secretario ang King’s pawn opening at depensang Scandavian, na nagdala sa kanya ng tagumpay. Sa kabuuan, nakamit niya ang ikalawang pwesto sa kampeonato, mayroong 8 panalo at 2 talo.
INKLUSIBONG LABAN
Kalahok na LGBTQ, bumida sa BNATS Intramurals 2023
Nagpakita ng makulay na representasyon ang mga kalahok na LGBTQ sa isang makasaysayang hakbang patungo sa inclusivity, nitong Bukig National Agricultural and Technical School Intramurals 2023 na nagpapahayag ng dedikasyon ng paaralan sa pagkakaiba-iba.
Ipinamalas ng mga LGBTQ na atleta ang kanilang galing mula sa mga basketball courts hanggang sa volleyball ball, track and field at iba pang mga kaganapan, na nagpapabagsak ng mga stereotype at nagpapatunay na ang mga palakasan ay para sa lahat.
Umalingawngaw ang mga hiyawan sa larangan hindi lamang para sa mga natatanging pagganap kundi rin para sa pagtitipon tipon at pagtanggap na ipinakita ng parehong mga kalahok at manonood, na nagpapalakas ng isang lugar na puno ng pagkakaisa.
Sa isang kapansin-pansing pagpapakita ng
pagkakaisa, tinanggap ng mga koponan ang mga miyembro ng LGBTQ, na nagpapahiwatig na sa BNATS, ang espiritu ng sportsmanship ay hindi nagiging hadlang at nagdiriwang ng natatanging lakas na dala ng bawat indibidwal sa laro.
Ang kaganapan ay naging isang plataporma para sa pagpapalawak ng pang-unawa at pagpapabagsak ng mga prehudisyo, habang ang mga kalahok na estudyante ng LGBTQ ay tumanggap ng suporta mula sa mga kasamahan at mga guro, na nagbubukas ng daan para sa isang mas kasama at malugod na kapaligiran sa BNATS.
Nang tumunog ang huling pito, malinaw na hindi lamang tungkol sa pagkakapanalo ng mga tropeo ang Intramurals 2023 kundi tungkol sa paglikha ng pangmatagalang pagbabago at pag-iwan ng isang pamana ng pagtanggap, na nagpapatunay na sa mundo ng palakasan, ang pagkakaiba-iba ay hindi lamang tinatanggap kundi ipinagdiriwang.
Ang layunin ay hindi lamang manalo kundi lumahok, matuto, at gumawa ng memories that you’ll remember kapag tumanda na kayo
Pauline Rasay
Alam mo ba?
Sa mundo ng isports, isa sa mga tanyag na manlalarong may kapansanan ay si Charlotte Brown ng America. Nakamit niya ang kampeonato sa Pole Vaulting taong 2016 sa kabila ng kanyang pagiging bulag.
Ang mga panaginip ay nagsasalita nang walang bibig at nakakarinig nang walang tainga. Isang entidad na sa kabila ng pagkakaroon ng depekto ay hindi ito ginagampanan ng isang tao na hindi totoo, gayundin kung paano hindi ito hadlang sa mga manlalarong PWD na ipahiwatig ang kanilang tiyaga upang ipakita ang kanilang talento bilang atleta at ihanda ang kanilang daan gamit ang kanilang tiyaga tungo sa tagumpay.
Ang matinding labanan sa palakasan sa pagitan ng mga koponan na may mga miyembro na may kapansanan ay hindi sumablay sa kabila ng kanilang mga pisikal at pangkaisipang limitasyon na nagiging hadlang sa kanila. Matagumpay nilang hinawakan ang laro sa kanilang mga espesyalisadong larangan ng palakasan. Ang mga kadena na sumusubok na sirain ang kanilang determinasyon ay hindi sila pinigilan na labanan ang ibang mga manlalaro na mas biyayaan kaysa sa kanila. Sa paglipas ng araw at paglipad ng panahon, ilan sa mga miyembro ng koponan na may kapansanan ay umakyat sa tuktok ng Kampeonato, nalampasan ang laban laban sa ibang mga kalahok.
Si Wilson, isang grade 12 at isa sa mga magaaral na may kapansanan sa Bukig National Agricultural and Technical School (BNATS), sumali sa Sepak Takraw at pinangunahan ang kanyang koponan patungo sa tuktok, pinagpag ang kanilang mga kalaban sa kanilang kahanga-hangang mga puntos habang pinamumunuan nila ang laro sa apoy ng kanilang kamangha-manghang lakas. Siya ay itinuturing na isa sa mga bayani ng kanilang koponan na nagpapakita ng kahanga-hangang performance sa laban ng kampeonato.
Si Irish, isa pang manlalaro na may kapansanan sa basketball ng mga babae, kahit na lumalaban sila upang panatilihin ang bola sa kanilang mga kamay at kahit na nawawala ito, hindi nagbabago ang katotohanan na sinikap niyang lumaban kasama ang kanyang mga kasamahan laban sa kanilang mga kalaban.
Sa pagkatuto ng mga kabundukan at kapatagan ng buhay na dinanas ng mga manlalarong may kapansanan na ito, malinaw na makikita na ang kapansanan ay hindi kailanman hadlang upang magpakita at ibigay ang kanilang pinakamahusay na kakayahan. Ang sipag ay hindi naghihingalo, gayundin ang pagtitiyaga, lalo na sa mga taong naniniwala sa kanilang sarili, na anuman ang kanilang mga kahinaan, hangga’t ibinigay nila ang lahat at nag-enjoy sa mga laro, panalo man o talo, sila pa rin ay nananatiling isa sa mga kampeon.
Isang bagay ang tiyak, ang buhay na dinanas ng mga manlalarong may kapansanan sa loob ng court, ito ay mahalaga sa kanila hindi lamang dahil ito ang nagtatakda ng kanilang kapalaran sa pagsunod sa landas ng tagumpay patungo sa kanilang mga pangarap kundi dahil din sa kanilang pagsisikap na pinaghirapan nila ito.
mannalon
“
Sistema ng pagpupuntos: Major Events: Minor Events: 25 pts/Kampeon 20 pts/1st RU 15 pts/2nd RU 10 pts/3rd RU 20 pts/Kampeon 15 pts/1st RU 10 pts/2nd RU 5 pts/3rd RU OVER-ALL CHAMPION 3rd Runner Up Over-all Champion 2nd Runner Up 670 pts. Blue Yellow Red Green 670 pts. 550 pts. 500 pts. Team Point Tally Batay sa nakuhang puntos ng mga kuponan sa ibat-ibang mga palaro.
Pauline Rasay
Pauline Rasay
eng kampeon!magingPWD