Ginintuang Cainta Catholic College
Misa ng Banal na Espiritu,
Idinaos sa Pasimula ng Bagong Taong Akademiko
Tomo 13 Blg. 1 Hunyo - Setyembre 2013
Populasyon ng CCC,
Patuloy sa Pagtaas Andrea Paola C. Javier IV – BSEd, English
Ang ginagawang gusali para sa karagdagang mga silid-aralan sa kolehiyo, kuha ni Andrea Paola Javier
a
Kuha ni Hazel Marinel Fajardo
N
oong Hunyo 14, 2013, gaya ng nakagawian ng mga mag-aaral, empleyado, at mga guro ng CCC bahagi na ng pagsisimula ng taong pampanuruan ang pagkakaroon ng isang misa. Ito ay upang hingin ang gabay at biyaya ng Banal na Espiritu. Ang pagdiriwang ay pinangunahan ni Msgr. Arnel F. Lagarejos, College President kasama sina Fr. Blaise Ma.Garcia, ang ating College Chaplain, at Fr. Miguel Perey.
Althea Arnecilla, IV- St. Dominic
Sa nasabing misa, tinalakay ng ating pangulo ang isyu tungkol sa K-12; mga kahalagahan ng ganitong sistema sa pag-aaral, mga mahahalagang impormasyon at maging ang pagkukumpara nito sa karaniwang “curriculum.” Nasabi rin na maganda ang K-12 program dahil maaring pumili ang mga mag-aaral ng kursong naaayon sa kanilang hilig ito man ay teknikal o pang-akademiko. Nabanggit din ni Msgr. Lagarejos,
ang bagong programang Dynamic Learning Program (DLP), na kung saan ito ay lubusan nang ipapatupad simula ngayon taong pampanuruan 2013-2014. Aniya ang DLP ay naglalayong maisabay ang kaledad ng ating edukasyon sa ibang paaralan na may mataas na lebel ng edukasyon. Bago magtapos ang nasabing misa nagkaroon ng pagbabasbas sa mga guro simula elementarya, sekundarya, at kolehiyo.
Unang Misa Para sa mga Kolehiyo, Isinagawa Cathlynne Lee N. Eustaquio IV- BEED
Msgr. Arnel F. Lagarejos, bilang Presidente ng Cainta Catholic College, sa Misa ng Banal na Espiritu (Hunyo 20, 2013, Huwebes) ay nagbigay ng kanyang mensahe para sa pagbubukas ng bagong akademikong taon. Sa homiliya ni Msgr. Arnel F. Lagarejos noong Misa ng Banal na Espiritu na naganap noong Hunyo 20, 2013 ay nagpasalamat siya sa mga bagong mag-aaral sa pagpili sa Cainta Catholic College bilang kanilang haligi ng kaalaman. Ibinida rin sa nasabing homiliya ang kalidad ng pagtuturo ng mga propesor sa kolehiyo na ang sentro ay relihiyon, ang akreditasyon ng eskwelahan sa PACUCOA (Philippine Association of Colleges and Universities) noong 2010, mas pinagbuting serbisyo at pasilidad, at ang pagkakapasa ng mga nagtapos sa CCC sa taunang Licensure Examination for Teachers (LET) nito lamang buwan ng Abril. Dahil sa mga ito di maipagkakaila na patuloy ang pagtitiwala ng mga bagong magaaral sa CCC at bilang resulta ay patuloy na lumalago ang bilang ng mga mag-aaral sa elementarya, sekundarya at lalung-lalo na sa kolehiyo para sa taong pangakademya 2013-2014. Ayon sa opisyal na datos na inilabas ng
tanggapan ni Gng. Cecilia Cerezo, CCC Registrar, umabot sa 4,664 ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral na mas mataas kumpara sa bilang noong nakaraang taon na nagtala lamang ng 4,434 bilang ng mga mag-aaral. Inaasahang darami pa ang mga pipili at magtitiwala sa CCC mula sa mga karatig pribado at pampublikong paaralan dahil sa pagsusumikap nito na paghusayin pa lalo ang kalidad ng serbisyo, pagtuturo at pasilidad. Bilang karagdagan, biglaan naman ang paglobo ng populasyon ng kolehiyo na nagtala ng 917 na kabuuang bilang ng mga mag-aaral kumpara sa 706 noong nakaraang taon. Dahil dito, masasabing hindi na mapipigilan ang paglago at pagyabong ng paaralan bawat taon. Bilang katapat na aksyon naman sa mga kaganapang ito, sa kasalukuyan ay nagpapatayo ng karagdagang gusali para sa magaaral ng kolehiyo na inaasahang matatapos sa susunod na semestre.
It’s More Fun in CCC Taong Pang-Akademiko 20132014, lubusan nang ipinatupad ng Cainta Catholic College (CCC) ang implementasyon ng isang bagong sistema sa pag-aaral na tinatawag na Dynamic Learning Program (DLP). Noong nakaraang taon bahagya nang sinimulan ang paggamit ng DLP sa ating paaralan kung saan ang pagkakaroon ng Non-Academic day at pagkakaroon ng No Homework Policy na kung saan ito’y hango sa pilosopiya ng DLP. Ngayong lubusan ang naging pagpapatupad ng ating paaralan sa DLP maraming pagbabago ang hinaharap di lamang ng mga mag-aaral kundi pati na rin ang kanilang mga magulang. Kabilang sa maraming pagbabago na ito ay ang pagkakaroon ng isang expert
Sa kanyang homilya, nagpasalamat ang Monsignor sa kanyang mga anak sa pagpili sa Cainta Catholic College bilang gabay sa kinabukasan. Nagbitaw rin siya ng pangako sa mga bagong estudyante, ganun din sa mga dati na, lalung-lalo na sa kalidad ng edukasyon. Ibinida nya ang kahusayan ng mga propesor, ang akreditasyon ng eskwelahan sa PACUCOA (Philippine Association of Colleges and Universities Commission on Accreditation) noong 2010, at ang pinakabago, ang pagkakapasa ng mga nagtapos sa CCC mula sa iba’t-ibang pangkat sa taunang Licensure Examination for Teachers (LET) nitong Abril. “Cainta Catholic College, first of all is accredited. Marami ang hindi nakakapasa. But in 2010, we are one of the 20% in the Philippines accredited by the PACU...this year, we are very happy; CCC garnered 100% passers in LET.” Inihayag din ng Monsignor ang responsibilidad at misyon ng mga propesor, administrasyon, at ng mismong institusyon: ang magbigay ng mataas na kalidad ng edukasyon.
Ngunit ang obligasyon ng mga estudyante ay ‘di nya isinantabi. Bilang “ama” ng institusyon at ng mga estudyante, pinayuhan nya ang mga ito na huwag kakalimutan ang responsibilidad sa pag-aaral at maging “matured” sa pagharap sa mga obligasyon—bilang unang proyoridad na rin ng eskwelahan: ang baguhin at ganyakin ang mga tao tungo sa kabutihan at magbigay ng mataas na kalidad ng Akademiks. Pinanatili naman ni Msgr. ang pagbibigay importansya sa gospel values sa bisyon at misyon ng eskwelahan. “Ayaw namin ng taong sinungaling, manloloko at mandaraya. Huhubugin namin kayo
upang kayo’y maging matapat, makatotohanan at may integridad sa inyong buhay, in accordance to the gospel values of truth, justice and love.” Bago matapos ang homilya ay binasbasan ng Monsignor ang lahat upang sila’y gabayan ng Espiritu Santo at nang ang lahat ay mapuno ng tunay at tamang kaugalian.
Panunumpa ng mga guro at propesor sa Kolehiyo sa Misa ng Banal na Espiritu, Kuha ni Bb. Maricel Dela Cruz
SY 2013-2014 : CCC Ipinatupad ang DLP
teacher at facilitator kada isang asignatura o subject. Dahil dito tatlumpung minuto ang inilalaan ng expert para ipaliwanag ang leksyon at tatlumpung minuto din ang gugugulin ng facilitator kasama ang mga mag-aaral para gawin at tapusin ang mga gawain na inihanda ng expert teacher. Ayon sa pag-aaral na naging basehan ng DLP, ang ganitong kasanayan ang maghahasa sa talas ng mga bata na mag-isip at umunawa ng mga leksyon o aralin sa kanilang sariling pagdidiskubre at matutunan ang mga konsepto sa pamamagitan ng pag-analisa sa mga pagsasanay na ibinibigay ng guro. Nagsimula na din ang paggamit ng mga activity sheets na kung saan ang mga mag-aaral ay gagawa ng kanilang mga gawain o mga leksyon gamit ang mga activity
sheets. Kalakip ng mga activity sheets ang pagkakaroon ng mga portfolio para sa bawat asignatura na kung saan lahat ng kanilang ginagawa sa klase ay isisipi. Ayon sa pag-aaral, ito ay magiging daan upang mas madaling matandaan ng mga mag-aaral ang mga leksyon na kanilang tinatalakay sa klase. Kasama na rin dito na masanay sila na maging mas disiplinado, organisado, at ma-sistema sa kanilang pag-aaral. Ang parallel scheme na syang gamit sa DLP sa oras ng klase ay nangangahulugan na habang ang isang expert ay nagbibigay ng kanyang leksyon sa isang klase, ang kabilang klase na kanyang sunod na pupuntahan ay gumagawa naman ng gawain na kanyang inihanda sa patnubay naman ng isang facilitator. Ibig
sabihin sabay na nagaganap ang dalawang klase sa isang asignatura. Kapansin-pansin din ang sistema ngayong taon na kung saan lahat ng mga major subjects kagaya ng English, Mathematics at Science ay nakatakda tuwing umaga habang ang mga minor subjects kagaya ng Christian Living, T.L.E., MAPEH, Filipino at Araling Panlipunan ay ginaganap sa tanghali hanggang hapon. Ito ay dahilan sa ang lebel ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa umaga ay mas mataas. Pinananiniwalaan na mas matututo at mauunawaan nila ang kanilang leksyon kung ito ay aaralin sa oras na ang mga magaaral ay di pa gaanong pagod. Sa pamamagitan nito mas nagiging pokus ang mga mag-aaral sa pagaaral dahil limitado ang oras na
kanilang gugugulin upang matapos ang nakatakdang gawain. Ito din ang nagbigay daan upang mas madisiplina ang mga bata sa oras ng klase. Naiiwasan din ang madalas na paglabas ng mga mag-aaral at napapanatili ang katahimikan sa paaralan. Naging mahirap man sa umpisa ang DLP para sa mga magaaral maging sa mga guro, ang pag-asang ang sistemang ito ang magpapaunlad sa pagkatuto ng mga mga mag-aaral ay nanatiling matatag. Nagkaroon man ng negatibong reaksyon sa umpisa, ang bunga ng pagsisikap at paguukol ng hirap at pagod ay ating aanihin sa tagumpay na makakamit ng mga mag-aaral ng CCC sa kinabukasan. Gng. Jane Kathleen R. Palma
Ginintuang
Pahayagang Pampaaralan ng
Cainta Catholic College
2
Balita
Tomo 13 Blg. 1 Hunyo - Setyembre 2013
CCC Lumahok sa Pang-lokal na Selebrasyon ng World Youth Day Bernice N. Gonzales, III- St. Albert the Great
“Go and Make Disciples of All Nations” (Matthew 28:19). Ito ang tema ng World Youth Day (WYD) ngayong taon kung saan ang panglokal na selebrasyon ay dinaluhan ng ilang CCCians at ibang mga kabataan mula sa iba’t ibang lugar na ginanap sa Don Bosco Technical Institute, Makati City noong Hulyo 27-28, 2013. Sa ginanap na pang-lokal na selebrasyon ng WYD kinatawan ang III- St. Albert the Great ng Cainta Catholic College kasama ang ilang guro kagaya nina G. Benjamin Francisco, Bb. Nenita Guian, Bb. Marilyn Segubience at Bro. Andrew Garais. Ang tema ng WYD ang siyang naging gabay ng mga lumahok na hayaan ang liwanag ng muling pagkabuhay ni Jesus ang pumuksa sa dilim na dala ng takot
at pagdududa ng mga tao. Ang mensaheng ito ni Pope Francis ay ipinahayag sa selebrasyon ng WYD na ginanap sa Rio De Janeiro, Brazil. Ang mga lumahok ay hinati sa apat na grupo. Ito ay naglalayon na sila ay magkakila-kilala at magkaron ng mga bagong kaibigan. Itinampok din ang pagsasadula ng Daan ng Krus, pagtatanghal ng buhay ni San Pedro Calungsod gamit ang mga anino, pagpapalabas sa aktwal na selebrasyon ng WYD na ginanap sa Rio De Janeiro. Ang panglokal na selebrasyon ay nagtapos sa isang misa na pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle, ang Arsobispo ng Maynila. Ipinunto ng selebrasyon ang mga sumusunod: pagkakaroon ng matibay na pananampalataya, pagpapatuloy sa kabila ng mga limitasyon dahil kahit ang mga taong may kapansanan ay lumalago sa pananampalataya, “internet
addiction”, pagpapasan ng ating sari-sariling mga krus sa buhay at marami pang iba. Kasama rin sa kanilang ibinahagi sa mga dumalo ang iba’t-ibang mga awitin at mga sayaw. Sa huli, lahat ng dumalo ay umuwi ng may ngiti sa kanilang mga labi.
A.S.A.P. Nanalo Laban sa S.A.F.E Cathlynne Lee N. Eustaquio, IV-BEED
A.S.A.P (Alliance of Student for Action and Progress) nangibabaw sa eleksyon ng Student Government Council (SGC) 2013 laban sa kabilang partidong S.A.F.E na kinabilangan ni Joan Banal, ang nanalong Bise-Presidente. Pitong-daan ng siyam-na- medya ng umaga ng Hulyo 29 sa daang mag-aaral sa kolehiyo ang silid-aklatan ng kolehiyo. Naunang bumoto nitong ika-29 ng Hulyo sa bumoto ang mga bagong magloob ng silid-aklatan. Nagkaroon aaral sa unang baitang kasunod ng dalawang pagpipilian sa bawat ang mga nasa ika-apat na baitang posisyon ang mga mag-aaral galing habang ang mga nasa ikalawa at sa dalawang partido: A.S.A.P. ikatlo ay bumoto ng hapon ding (nakasaad sa itaas) at S.A.F.E. iyon. (Students Academic Freedom Pinahanap muna sa mga for Empowerment). Halos lahat “botante” ang numero ng ng tumakbo sa partidong S.A.F.E prisintong kinabilangan nila ay galing sa Education Society, bago sila nakaboto. At para samantalang ang A.S.A.P. sa katunayan na sila talaga ay naman ay nakumpleto ng mga nakaboto na at nagbigay ng opisyal galing halos sa Business partisipasyon sa eleksyon, sila ay Administration Society. pinatakan ng tinta sa hintuturo ng Ang Miting de Avance ay kaliwang kamay. naganap sa dyimnasyum ng Ang mga seniors ng Business paaralan nitong ika-26 ng Hulyo. Administration at Computer Nagkaroon ng iba’t-ibang komento Science ay pinaboto lang ng huling tungkol sa mga plataporma ng Miyerkules ng Hulyo dahil sa araw magkabilang partido. Hamak na ng kanilang klase. imposible raw ang mga ito. Ang mga nanalong opisyal Sa kabila nito’y natuloy pa ay idineklara sa loob ng Misa ng rin ang eleksyon alas-nuwebe y unang Biyernes ng Agosto. POSISYON
“Wika Natin ang Daang Matuwid” CCC Hayskul Ipinagdiwang ang Buwan ng Wika Jamie Claire Morales, IV- St. Aloysius Gonzaga
PANGALAN
PARTIDO
Presidente
Camille Ann Martinez
ASAP
Bise-Presidente
Joan Banal
SAFE
Sekretarya
Rochelle Joy S. Senseng
ASAP
Ingat-yaman
Marcelo Paralejas
ASAP
Pangalawang Ingat-yaman
Carisse Althene Roque
ASAP
Tagasuri
Aldrin Cataroja
ASAP
P.I.O
Marx Lorenz Salazar
ASAP
P.O.
Jonathan Sta. Maria
ASAP
1st Yr. Rep.
Brooklynn Candolada
ASAP
2nd Yr. Rep.
Elsa Eroles
ASAP
3rd Yr. Rep.
Hanna Cristina Dulatre
ASAP
4th Yr. Rep.
Peter Generoso
ASAP
Ateneo de Manila University Campus
Tour and Career Orientation Talk 2013 Bb. Mishael Doce
Pinangunahan ng Departamento ng Filipino ang selebrasyon ng Buwan ng Wika na ginanap noong ika-7 ng Agosto para sa mga mag-aaral na nasa ikaapat na taon na nagtanghal ng kanilang “Ritual Dance”, at noong Agosto 30 para sa mga nasa Grade 7 sa kanilang “Song Interpretation”, Grade 8 at ang kanilang Sabayang Pag-awit, at ang mga nasa ikatlong taon sa kanilang Katutubong Sayaw. Bawat antas sa Sekundarya ay binigyan ng kani-kanilang guro sa Filipino ng isang kategorya na kanilang itatanghal. Binigyan sila ng halos isang buwan upang ito ay paghandaan at maitanghal. Ang
mag-aaral ng bawat pangkat sa Grade 7 ay naghanda ng isang katutubong sayaw samantalang ang mga nasa Grade 8 ay naatasan na magtanghal ng Sabayang Pag-awit. Ang nasa ikatlong taon ay naghanda ng “Song Interpretation” at ang mga nasa ikaapat na taon ay naatasan na magtanghal ng isang “Ritual Dance” kung saan bawat pangkat ay naghanda ng isang presentasyon na nagpapakita ng ritwal ng ating mga katutubo.
Grade 7 Mga Hurado Gng. Rufina Niones
Ikatlong Taon Mga Hurado Gng. Veronica Dote
G. Andy Arcilla Gng. Josie Magsino Grade 8 Mga Hurado G. Lito Usares G. Armando De Leon G. Benjamin Francisco
Mga Nagwagi Kampyon: St. Andrew Ikalawang Parangal: St. Philip Ikatlong Parangal: St. Simon Mga Nagwagi Kampyon: St. Ambrose of Milan Ikalawang Parangal: St. Jerome Ikatlong Parangal: St. Gregory the Great
Narito ang naging resulta ng Patimpalak na ito at ang mga naging mga hurado:
Gng. Lorna Haguisan Gng. Lalaine Barranta Ikaapat na Taon Mga Hurado Dr. Reynaldo Cruz G. Rommel Terante G. Andy Arcilla
Mga Nagwagi Kampyon: St Albert the Great Ikalawang Parangal: St. Anthony of Padua Ikatlong Parangal: St. Robert Bellarmine Mga Nagwagi Kampyon: St. John Bosco Ikalawang Parangal: St. Philip Neri Ikatlong Parangal: St. Aloysius Gonzaga
Ta u n - t a o n g i n a g a n a p ang ‘Career Orientation talk at Campus Tour’ sa isa sa prestihiyosong Unibersidad sa Pilipinas, ang Ateneo de Manila University. Ito ay eksklusibong ibinibigay sa sampung n a ta ta n g i n g e st u d ya n te n g nangunguna sa kanilang ranggo sa pangkalahatang akademya sa ikaapat na taon sa Sekundarya. At nito lamang Hulyo 20, 2013 ay muling naimbitahan ang Cainta Catholic College upang magpadala n g s a m p u n g n atata n g i n g e st u d ya n te s a n a s a b i n g aktibidad. Naisinakatuparan ito sa tulong ng Taga-Gabay sa sekundarya at supporta mula sa Punong Guro na si Ginoong Henry Santiago. Nagkaroon ng pambihirang pagkakataon ang mga estudyante na mapakinggan
ang mga kurso at iskolarship na maari nilang aplayan. Binigyan din sila ng pagkakataon na maikot ang kabuuang pasilidad ng Unibersidad at makasalamuha ang iba’t-ibang estudyanteng nag-aaral doon. Panghuli, binigyan sila ng mga libreng dokumento para sa aplikasyon at iskolarship na kanilang ipapasa kasama ang iba pang mga kalakip na dokumento hanggang Agosto 16, 2013. Ito ang unang hakbang para mapabilang sila sa lupon ng mga iskolar na nag-aaral sa isang Unibersidad na nagbibigay ng dekalibreng edukasyon sa mga estudyanteng kapos sa pananalapi subalit may pambihirang talino at kakayahan angat sa nakararami! Sama-sama natin ipagdasal na mayroong CCCian na mapabilang dito.
Balita
Tomo 13 Blg. 1 Hunyo - Setyembre 2013
3G
inintuang
Pahayagang Pampaaralan ng
Cainta Catholic College
Career Orientation Hazel Villones IV-St. Aloysius
Ika-52 Kaarawan ni Msgr. Lagarejos, Ipinagdiwang! Bernice Gonzales at Alliah Grace D. Gubangco III- St. Albert the Great; 8-St. Basil the Great
Ipinagdiwang ng ating College President at Kura Paroko ang kanyang ika-52 kaarawan noong Agosto 16, 2013 sa Cainta Catholic College (CCC) Auditorium. Biyernes, Agosto 16, 2013 ng ipinagdiwang ng buong CCC ang kaarawan ni Msgr. Arnel F. Lagarejos, SThD. Ang selebrasyon ay nagsimula ng idinaos ang isang misa sa Fr. Daniel Courten’s Quadrangle na pinangunahan ni Msgr. Arnel kasama ang ating College Chaplain na si Fr. Blaise Ma. Garcia. Ang misa ay dinaluhan ng lahat ng empleyado kasama ang mga mag-aaral simula elementarya hanggang kolehiyo.
Isang piging ang inihanda sa CCC Auditorium na dinaluhan ng mga empleyado ng CCC, mga guro, mga piling mga mag-aaral at mga kaibigan. Ang mga guro sa elementary at sekundarya ay naglaan ng kanilang talento sa pagawit at pagkanta. May inihanda ding isang “video presentation” na kung saan ang ilang miyembro ng CCC ay nagpahayag ng kanilang pagbati at pasasalamat sa ating College President. Ipinahayag ni Msgr. Lagarejos na ang paghahanda tuwing kanyang kaarawan ay ay kanyang nagiging paraan ng pasasalamat para sa napakaraming biyaya na kanyang tinatanggap. Ang piging ay natapos sa ganap na alas dos ng hapon.
Pagdalo ng mga Magulang sa Taunang
‘Parents’ Orientation’ Bb. Cat Cerna
a Taunang nagbibigay ng Parents’ Orientation ang paaralan na nilalahukan ng mga magulang ng mga bagong lipat nating estudyante mula sa iba’t ibang mga paaralan, mapakaratig lungsod o mapaprobinsya man. Pinamumunuan at inoorganisa ng Guidance Department, ito ay ginaganap ng kalahating araw lamang at ang mga piling tagapagsalita ay nagmumula sa mga pamunuan ng iba’t ibang departamento. Para sa Taong PangAkademiko 2013-2014, ito ay ginanap noong July 7, 2013, Linggo sa CCC Auditorium. Marami ang rumesponde sa sulat ng paanyaya at umusad ang programa ng maayos at tuluy-tuloy. Bawat namumunong naatasang magbahagi ay inilahad ang mga importanteng bagay ukol sa kani-kanilang mga nasasakupan. Kasama na rin dito
photo courtesy of Cat Cerna
ang pagtalakay sa pinapairal na mga alituntunin. Taos pusong nagpapasalamat si Rev. Msgr. Arnel Lagarejos, ang Presidente ng paaralan, at ang buong pamunuan sa tiwalang pinagkaloob ng mga magulang. Una na rito ang desisyong dito sa CCC mag-aaral ang kanilang mga supling at ikalawa, na tiwalang dito lubos na makatatanggap ng dekalidad at Katolikong edukasyon ang mga bata. Tunay na isa itong malaking hamon para sa paaralan at maging sa bawat isa subalit sa puspusang pagtutulungan at pagkakaisa ng pamunuan maging ng mga guro, empleyado, estudyante at mga magulang, lahat ay posibleng makakamit tungo sa kalinangan ng mga natatagong kakayahan, pagbibigay karagdagang kaalaman at paghubog sa karakter, sa kabuuan.
Idinaos ang isang Career Orientation para sa mga nasa ikaapat na taon noong nakaraang Hulyo 10, 2013 sa CCC Auditorium na naglalayong tulungan ang mga mag-aaral na makapag-isip at makapili ng paaralang kanilang papasukan sa kolehiyo. Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang makabuluhang mensahe mula sa Pangulo ng Kolehiyo, Msgr. Arnel Lagarejos. Sa kanyang talumpati, tinawag niya ang nasabing araw bilang Araw ng Pagdedesisyon. Ayon sa kanya, ang mga magsisipagtapos ay gagawa ng dalawang napakahalagang desisyon sa buhay, na siyang magtatakda kung saan at ano ang magiging katayuan nila sa buhay sa darating na panahon. Mayroong 21 na paaralan ang nagpadala ng kanya-kanyang kinatawan upang manghikayat ng mga magkokolehiyo na ikonsidera ang kanilang institusyon sa mga pinagpipilian na papasukan sa darating na taon. Ito ang tala ng mga nakilahok na paaralan:
1. Mapua Institute of Technology 2. Far Eastern University 3. FEU East Asia College 4. Adamson University 5. St. Paul University 6. University of Santo Tomas 7. Colegio de San Juan de Letran 8. Centro Escolar University 9. University of the East 10. Central Colleges of the Philippines 11. Technological Institute of the Philippines 12. Philippines Maritime Institute 13. Jose Rizal University 14. San Beda College 15. San Sebastian College 16. La Salle College Antipolo 17. Our Lady of Fatima University 18. Miriam College 19. College of the Holy Spirit 20. University of Asia and the Pacific 21. Cainta Catholic College Ang bawat tagapagsalita ay mayroong 15 minuto para ipakilala ang kanilang paaralan.
Sa loob ng itinakdang oras, binabanggit ang mga kursong iniaalok at ipinapaliwanag kung paano makakatanggap ng tulong pangpinansyal ang mga estudyanteng may angking talento sa larangan ng isports, kahusayang pang-akademiko , at para sa mga mag-aaral na hindi kayang tustusan ng magulang ang pag-aaral. Bago matapos ang nasabing programa, ang punong-guro ng departamento ng hayskul ay nagbigay ng maikling talumpati na kanyang winakasan gamit ang isang kasabihan sa Ingles: “If you fail to plan, you plan to fail.” Aniya ang pagkabigo ng isang tao na magplano sa buhay ay maihahalintulad na din sa pagpapaplano ng sarili mong kabiguan. Hinikayat niya ang mga mag-aaral ng CCC na maging masigasig sa buhay at pagplanuhan ng maigi ang mga bagay na may kinalaman sa kanilang kinabukasan. Matagumpay na isinagawa ang Career Orientation. Naging malaking tulong ito sa mga mag-aaral na makapili at makapagdesisyon ng kanilang magiging buhay-kolehiyo.
a
photo courtesy of Cat Cerna
Guidance Department, Isinulong ang ‘Teen Sexuality and Integrity Seminar’ sa Kolehiyo Bb. Cat Cerna
Noong nagdaang Agosto 28, 2013, pinangunahan ng Guidance Department sa Kolehiyo ang Teen Sexuality and Integrity Seminar na may temang, Understanding Teen Sexuality in the Modern Times. Si Gng. Emilita Torayno, namumuno sa departamento at counselor ng Kolehiyo ang nagsulong sa kalahating araw na programa, kahalina si G. Robin Pineda, isa rin sa mga counselors at sa buong kooperasyon din ng mga kapwa nilang mga counselors mula sa ibang antas. Kaagapay sa pagsasakatuparan nito ay ang ‘Peer Facilitators’ Group’ na kinabibilangan ng mga piling estudyante mula sa Ikauna at Ikalawang lebel ng Kolehiyo. Ang mga nagsipagdalo ay pawang mga estudyante ng Kolehiyo mula sa Ikauna at Ikalawang lebel. Naging produktibo ang araw na ito sa pagbibigay ng impormasyon sa kanila ukol sa mga usaping sekswalidad at wastong pakikipagrelasyon dahil na rin sa epektibo at mapamaraang paglalahad ni Gng. Maria Elizabeth Aragon na siyang tumayong resource speaker sa programang ito. Naging malaking bahagi sa kanyang mga sinabi ang mga karanasang kanyang nalikom mula sa pagiging guro sa Kolehiyo at ina ng kanyang mga supling. Kanyang pinagdiinan ang kahalagahan ng sagradong kasal bago pumasok sa relasyong sekswal, na ayon sa kanya, ay eksklusibong sa magasawa lamang bagamat batid naman ng lahat ang katotohanang, napakatalamak na ang mga gawaing gaya ng Premarital Sex at mga kahalintulad nito. Masasabi na ring tanggap sa ating lipunan ang homosekswalidad subalit hindi naman masasabing tanggap sa konteksto ng ating relihiyon ang pagpasok sa mga aktibidades na sekswal sa pagitan ng dalawang lalaki o dalawang babae kahit masasabi pang sila ay lubos na nagmamahalan. Sa pagsasaalang-alang ng kahalagahan ng sagradong kasal sa hinaharap, inilahad din ni Gng. Aragon na maging lubos na handa at pagisipang mabuti ang anumang papasuking relasyon sa kasalukuyan. Wasto na nga ba talaga ngayon? O baka naman makahadlang ito sa pag-aaral? Naging replektibo rin ang kanyang naging paraan
upang mas mapag-isipan ng mga estudyante kung hanggang saan na ba ang masasabi nilang nararapat sa panahon ngayon at upang mapagnilayan ang kanilang mga kabuuang limitasyon at kakayahan. Hindi natapos ang araw na ito na nanatiling nakaupo at tanging tagapagpakinig lamang ang mga estudyante sapagkat pagdating sa ‘Open Forum’ ay unti-unting naging aktibo ang marami sa kanila at inilahad ang kanilang mga katanungan pati na rin ang kanilang mga saloobin patungkol sa mga napapanahong usapin. May mga naglakas ng loob na tumayo at maglahad at mayroon din namang nanatili sa kanilang mga upuan at sinabi ang kanilang mga pinupunto. Matapos nito, kinilala at pinarangalan si Gng. Aragon sa kanyang naging makabuluhang kontribusyon. Si Gng. Marilou Valencia, Bise Presidente para sa Administrasyon, ang nagbigay ng Patapos na Pananalita bago tuluyang tinapos sa panalangin. Sina Daniel Benedict Ocasion and Ma. Editha Nulud, mga punong opisyal ng ‘Peer Facilitators Group’ at kapwa mga mag-aaral ng Kolehiyo ang nagsilbing mga punong tagapagsalita ng programa.
Ginintuang
Pahayagang Pampaaralan ng
Cainta Catholic College
4
Balita
Tomo 13 Blg. 1 Hunyo - Setyembre 2013
Pagkaing NoyPi Sama-Samang Pagdiriwang
CCCians nagtagisan ng husay sa pagluluto
a
Kuha ni Hazel Marinel Fajardo
Lourelie Billones at Jamie Claire Morales, IV-St. Aloysius Gonzaga
“Gutom at Malnutrisyon, Sama-Sama Nating Wakasan” – ang tema ng Buwan ng Nutrisyon ngayong taon. Ito ay ipinagdiwang ng CCC noong ika-10 at ika-17 ng Hulyo sa pamumuno ng Departamento ng T.L.E. Nagkaroon ng Pinoy Street Food at Adobolympics, kung saan ang mga mag-aaral ng bawat pangkat ay pumili ng kani-kanilang mga kinatawan upang magluto ng isang putahe na itatampok ng kanilang pangkat. Ang mga CCCians ay kilala hindi lamang sa angkin nilang talino, kundi pati na rin sa mga naipamamalas nilang talento. Buwan ng Hulyo ang itinuturing na Buwan ng Nutrisyon. Sa tulong ng Departamento ng T.L.E, nagkaroon ng pagkakataon ang bawat estudyante na maipamalas ang kanilang husay sa larangan ng pagluluto. Ang bawat pangkat ay naatasang magkaroon ng dalawang estudyanteng kinatawan. Ang Grade 7 at 8 ay naatasang magluto ng Pinoy Street Food noong ika-10 ng Hulyo sa ganap na alas-nwebe hanggang alasonse ng umaga. Likas na sa ating mga Pilipino ang kumain ng mga itinitinda sa mga bangketa o gilid-gilid bukod sa ito’y mura at masustansya nagsisilbi din itong ating panawid-gutom. Ang adobo ang siyang sinasabing pagkaing Pinoy kaya ito ang iniluto ng mga Juniors at Seniors. Isinagawa ang AdobOlympics noong ika-17 ng Hulyo sa ganap na ala-una hanggang alas-tres ng hapon. Ang mga kalahok ay hinamong magkaroon ng sari-sarili nilang “recipe” na mula sa tradisyunal na adobo at gawing masustansya at nakapagpapalakas na lutuin. Ang iba sa kalahok sa AdobOlympics ay nagluto ng Ginataang Adobo, Pininyahan at iba pa. Makikita sa kanila ang kaba at tensiyon bago at pagkatapos ng paligsahan. Ngunit lahat naman ng pagod at paghihirap
ng bawat pangkat ay nasuklian sapagkat ang mga nangibabaw sa husay sa pagluluto ay nanalo ng Isandaang Piso (Php.100.00) Ikatlong Pwesto; Dalawang Daang Piso (Php. 200.00) - Ikalawang Pwesto; Tatlong Daang Piso (Php. 300.00)-Unang Pwesto. Ang mga kalahok na putahe ay hinusgahan ng mga hurado ayon sa mga sumusunod na basehan: (a) presentasyon o plating (b) lasa at (c) content o ang nilalaman ng putahe. Ang mga nagwagi at dumaig sa mga ibang pangkat ay ang mga sumusunod: Freshmen 1st - St. Peter 2nd - St. Philip at St. Jude 3rd - St. Matthew at St. Thomas Sophomores 1st- St. Clement of Rome 2nd- St. Gregory the Great 3rd- St. Basil the Great Juniors 1st- St. Bernard of Clairvaux 2nd- St. Therese of Avila 3rd- St. Thomas Aquinas Seniors 1st- St. Martin of Tours 2nd- St. Rose of Lima at St. Aloysius Gonzaga 3rd- St. Charles of Borromeo at St. Dominic Mga estudyanteng naging kagila-gilalas sa pagpapapakita ng talento nila sa pagluluto na nagbigay ng karangalan sa kani-kanilang pangkat. Hindi mapapalitan ang saya at karanasan ng bawat CCCian sa karanasang ito. Tunay nga namang ang bawat isa ay matalino na, talentado pa. ‘Yan ay isang bagay na dapat ipagmalaki na tayo’y nag-aaral sa CCC.
‘Student Government Council’ ng Elementarya sa Taong ito, Pinangalanan na Al Dominic Gatlabayan 6-St. Peter
Ginanap ang Miting de Avance ng Elementarya sa CCC Gymnasium noong nakaraang ika-17 ng Hulyo ng taong ito. Nagkaroon dito ng pagpapakilala ng mga kandidato at napanood din ang kanilang mga inihandang sayaw. Naisaayos ang Miting de Avance dahil sa pagtutulungan ng mga kandidato at ng Coordinator sa HeKaSi na si Gng. Veronica Dote. Ang eleksyon para sa Student Government Council ay naisakatuparan ng maayos sa parehas na buwan, sa kanya-kanyang silid-aralan ng mga mag-aaral mula sa ikaapat hanggang ikaanim na baitang.
Mga Inihalal na Opisyales ng Student Government Council
President Vice President Secretary Treasurer Auditor Jr. Auditor Business Manager Jr. Business Manager PRO Tagalog PRO English Sgt. at Arms Sgt. at Arms Muse Escort
SY 2013-2014 : Joseph Clarence C. Parayaoan : Khazandra Louise Vien V. Tirados : Catherine D. Ancanan : Jacob Gabriel J. Reyes : Nicole Althea C. Dulay : Tisha Alexandra B. Sta Maria : Krissia A. Torrano : Rosemarie Trina V. Agamata : Al Dominic C. Gatlabayan : Danica Claire S. Somera : Ninña Francheska P. Secoya : John Carlo R. Reyes : Coleen Erika N. Perez : Leonard Louie G. Herrera
Jonnah Mae Lamera 5-St. Gregory
ng Grade 5 Family Day
Ang “Araw ng Pamilya” ng mga estudyante ng Ikalimang Baitang ay ipinagdiwang noong Agosto 31, 2013. Nagkaroon ng Misa sa Our Lady of Light Parish Church kasunod ng pagpunta sa CCC Gym para masimulan na ang seremonya. Ang Pambungad na Panalangin ay pinangunahan ng pamilya ni Paul Louis Trinidad ng pangkat St. Stephen. Sinundan ito ng pagkanta ng Pambansang Awit sa kumpas ni G. Ernesto V. Pidlaoan, guro mula sa Ikalimang Baitang. Nagbigay naman ng kanyang Pambungad na Pananalita si Gng. Lerma S.
Fernandez, ang Punongguro ng Elementarya. Nagbigay din ng kanyang mensahe si Rev. Fr. Blaise Jose Ma. Garcia, MMHC. Pinakilala ang bawat pangkat at inanyayahan silang iparinig ang kanilang mga ‘yell’ kasunod ang pagkanta sa pambungad na awit na “Welcome to the Family” bilang bahagi ng pagkagalak sa pagdating ng mga bagong estudyante sa Pamilya ng CCC. Nagkaroon ng salusalo na sinundan ng Mini Olympics sa pangunguna ni G. Ernesto Pidlaoan. Ang Pangulo ng ating Kolehiyo na si Rev. Msgr. Arnel F.
Lagarejos ang nagbigay ng premyo sa mga nanalo. Nagbigay rin siya ng kanyang mensahe tungkol sa pagsasamahan ng pamilya. Kinanta ng mga mag-aaral sa Ika-Limang Baitang ang lahatang awit na “We Are One” kasunod ng pagbibigay ng sertipiko. Nagbigay ng kanyang Pangwakas na Pananalita si Gng. Sergia A. Rivera. Pinangunahan ng pamilya ni Louis Miguel P. Constantino ng pangkat St. Camillus ang Pangwakas na Panalangin. Ang buong seremonya ay naging masaya at naging tunay na araw para sa pamilya.
Grade 6 Family Day, Matagumpay! Juvirn Mae Garcia at Patricia Pauline Ciasico 6-St. Peter
Matagumpay na ipinagdiwang ang Grade 6 Family Day noong ika-3 ng Agosto, 2013 na ginanap sa CCC Gymnasium. Tumayong mga punong tagapagsalita sina Gng. Lorna Ruitas at Bb. Yanni Mamaril. Ito ay dinaluhan ng mga estudyante mula sa Ikaanim na Baitang at kanilang mga pamilya. Ang nasabing pagdiriwang ay sinimulan ng Pambungad na Panalangin ng Pamilya Usares mula sa pangkat St. Peter at sinundan ng Pag-awit ng Pambasang Awit ng Pilipinas sa kumpas ni G. Jerry Ruitas. Nilahad ni Gng. Lerma Fernandez, Punong Guro ng Elementarya ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga dumalo para makisaya sa pagdiriwang na ito. Sa mensahe ni Rev. Msgr. Arnel Lagarejos, kanya naming tinuran ang tungkol sa Year of Faith at Dynamic Learning Program o DLP. Ito ay dati na ring ginagamit ng mga eksklusibong paaralan at matagumpay na naipapatupad ito ng CCC. Sinabi ni Msgr. Lagarejos na mas
makakatulong sa mga estudyante ang DLP dahil mas mapapalawak ang kakayahan at kahusayan ng mga estudyante. Nagpakilala ang bawat pangkat sa pamamagitan ng mga inihanda nilang ‘Cheering Yell’ na sinundan ng pagkanta ng ‘Welcome to the Family’. Matapos nito, pinanood ng lahat ang palabas tungkol sa mga batang pinabayaan at inabandona ng kanilang mga magulang na ngayon ay nakatira sa Quezon City. sa isang Pumunta ang mga Homeroom Parent representatives at iba pang mga magulang kasama ang kanilang mga anak. Ibinigay nila sa mga bata ang mga donasyong nanggaling sa bawat pangkat ng Ikaanim na baitang. Nagkaroon din ng pagsasalu-salo sa hapagkainan at pagkalipas nito ay may instructor na nagturo ng ‘Zumba’ sa saliw ng mga kantang, ‘Dance Again’ at ‘Gimme Gimme’. Pinagpawisan ang lahat ng sumali sa bahaging ito.
Nagkaroon din ng ‘MiniOlympics o Volleyball’. May dalawang grupo, Team A (St. James, St. Mark at St. Paul) at Team B (St. Peter, St. John, St. Luke at St. Matthew). Sa iskor na 25-24, nanalo ang Team A. Samantala, naglaro naman sa CCC Gym ang iba pang mga estudyante at kanilang pamilya ng iba’t ibang ‘parlor games’. Sumayaw ang mga representatibo ng mga magulang pati na rin ang mga guro ng Ikaanim na Baitang pagkatapos ng mga palaro. Sinundan ito ng pagkanta ng mga estudyante ng ‘We are One’, paggawad ng sertipiko sa mga ‘Homeroom Parent Representatives’, pagbibigay ni Gng. Sergia Rivera, Katuwang ng Punongguro ng Pangwakas na Pananalita at pagdarasal ng Pangwakas na Panalangin sa pamumuno ng Pamilya Taguibao mula sa pangkat St. Matthew. Ang Araw ng Pamilya ng Ikaanim na Baitang ay tunay na naging masaya at matagumpay!
Tweet o Avengers? Eleksyon ng Student Government Council, Idinaos!
Noong Hulyo 24, 2013 ginanap ang Grand Rally o Miting de Avance ng dalawang partido sa High School ang Tweet at ang Avengers sa Cainta Catholic College Gymnasium. Nagpakitang gilas ng talento ang bawat miyembro. Ang mga kandidato na bumubuo ng Tweet ay sina Mikhaela Fabay, Bernice Gonzales, Moira Santos, Cheska Jufana, Kiannah Juntilla, Nadine Que, Julian Sacdalan, Menard Lim ,Trisha Bernardo, Tom Marquez, Ariza Hernandez , Dexter Montes, Dianne Sierra at Ivan Yongco. Sa kabilang banda ang mga kandidato naman ng partidong The Avengers ay sina President Vice President Secretary Treasurer Auditor Jr. Auditor Business Manager Jr. Business Manager PRO English PRO Tagalog Sgt. at Arms
: : : : : : : : : : :
Muse Escort
: :
Carl Joshua San Diego, Ashley Nicole Magracia, Alexzzy Jem Martinez, Jeremy Bernados, Aderose Salazar, Elyzza Sison, Clarence Regalado, Chelsea Duran, Jerico Salvador, Jan Joie Fajardo, Andrea Joy Bautista, Patrick John Destura , Therese Monserrat at Rouwell Austria. Nagpakitang gilas ang mga kandidato ng The Avengers at Tweet hindi lang sa kanilang “intermission number” kundi pati sa kanilang tiwala sa sarili na sumagot sa Question and Answer Portion o Open Forum. Ang mga tanong ay nagmula sa iba’t ibang guro at estudyante. Nagkaroon sila ng pagkakataon na
Mikhaela Fabay (Tweet) Bernice Gonzales (Tweet) Moira Santos (Tweet) Jeremy Bernados (The Avengers) Aderose Salazar (The Avengers) Elyssa Sison (The Avengers) Clarence Regalado (The Avengers) Chelsea Duran (The Avengers) Trisha Bernardo (Tweet) Tom Marquez (Tweet) Patrick Quiroz Destura (The Avengers) Ariza Hernandez (Tweet) Therese Monserrat (The Avengers) Rouwell Austria (The Avengers)
Silang mga nanalong kandidato, ang inaasahan ng mga mag-aaral ng CCC High School Department na magpapatupad ng mga pagbabago at tutulong sa mga guro at mga administrador upang mapaunlad ang CCC. Sila ang ating ituturing na mga ehemplo ng pagiging maayos at organisadong mga mag-aaral. Mabuhay ang mga kabataang CCCians!
Dwight Lorenz S. Fernandez Jermaine Beatriz Jaraplasan Grade 7 St.Andrew
ibahagi ang kanilang mga plataporma at himukin ang mga kapwa mag-aaral na sila ay iboto. Araw ng ika-31 ng Hulyo 2013 naganap na ang botohan sa bawat silid-aralan ng klase. Ito ang pinakahihintay na panahon ng mga kandidatong SGC pati na ang mga mag-aaral ng H.S. Dept. Nagkaroon ng pagbibilang ng boto sa bawat silid-aralan sumunod ang Over-All na pagbilang ng boto ng ibat-ibang estudyante sa bawat year Level. Sa araw din yaon ay nalaman na ang mga nanalo sa eleksyon na bubuo sa Student Government Council Batch 2013 – 2014.
Editoryal Tomo 13 Blg. 1 Hunyo - Setyembre 2013
5G
inintuang
Pahayagang Pampaaralan ng
Cainta Catholic College
Filipinas vs. Pilipinas Lynette Grace T. Tiana, IV – St. Aloysius Gonzaga
K-12 + DLP = “ Approve o Disapprove” ?
N
oong nakaraang taon sinimulan ng Cainta Catholic College ang Dynamic Learning Program o DLP. Ang DLP ay isang sistema kung saan ang isang magaaral ay hindi lamang makikinig sa klase hanggang matapos ang talakayan, sa halip ay susukatin ang kanilang kakayahang maisagawa o mai-apply ang mga bagay na naituro sa kanya sa pamamagitan ng mga aktibidad na ibibigay ng guro. Ito ay hindi na bago, sapagkat noon pa man ay ginagamit na ito ng mga eksklusibong paaralan. Ngunit ito ba ay makakatulong o mas makakapagpagulo sa mga estudyante lalo na sa kurikulum na ginagamit ng Pilipinas? Hindi na bago sa kaalaman ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng bagong kurikulum o ang K-12 kasabay nito ang pagkakaroon ng bagong programa ng CCC na ang
DLP. Ilan sa mga magulang ay may mga kumentong negatibo patungkol sa mga pagbabagong nagaganap. “Wala na ngang pera magdadagdag pa….” o “mahirap na nga ang buhay eh…” ay ilan lamang sa mga ito. Ngunit hindi rin maitatago na ang Pilipinas ay isa noon sa mga bansa na mayroon lamang sampung taon na haba ng primarya at sekondaryang edukasyon. Ito ay isa sa nagiging dahilan upang ang kakayahan ng ilang Pilipino ay hindi mapansin o mabaliwala kapag sila ay nangingibang bansa. Isa rin sa dahilan kung bakit mas gusto nila na mangibang bansa ay ang kakulangan ng oportunidad dito sa Pilipinas. Kasabay ng K-12 ay ang DLP, kung saan nagkakaroon ng isang expert at facilitator na guro bawat asignatura. Naglalaan ng isang oras bawat isang asignatura, tatlumpung minuto para sa expert teacher ganoon din para
sa facilitator. Ilan sa mga mag-aaral ay nahihirapang makapag-angkop sa programa dahil sa bilis at kabaguhan nito. Gayun man natututo ang mga estudyante na maging mas responsable at maabilidad upang magamit ang mga bagay at ideyang natutunan. Tinuturuan din nito na maging independent o hindi maging palaasa sa iba. Ang mga pagbabagong naganap ay hindi madali dahil iba ang nakasanayan ng bagong henerasyon. Ito man ay mahirap mas marami parin ang kabutihang matatanggap para sa kinabukasan ng mamayang Pilipino pati na ang bansang Pilipinas. Ang mga pagbabagong naganap at magaganap pa ay hindi parating magiging madali pero kapag inigihan ang mga mangyayari ay tanging ang karapat dapat lamang sa huli. Micah Emmanuella C. Unajan, 7 –St. Andrew
Naging maugong na isyu ang pagtatalo ng ilang mga mambabatas sa pagitan ng “Pilipinas” at “Filipinas”, kung saan ninanais ng ilan sa mga mambabatas na ito na palitan na ang pangalan ng ating bansa ng Filipinas mula sa Pilipinas. Bakit ba kinakailangan pang baguhin ang nakagawian na? Pabor ba dito ang mga taong bayan? Ano ang magiging epekto nito sa ating mga Pilipino? Nakagawian na nating mga Pilipino ang “Pilipinas” bilang tawag sa ating minamahal na bansang Plipinas. Saksi na dito ang ilan sa mga makabayang awitin tulad ng “Pilipinas Kong Mahal” at “Bayan Ko”, kung saan malinaw na inihayag ang salitang Pilipinas bilang katawagan sa ating bansa. Isa pang patunay dito ay ang Unibersidad ng Pilipinas, isang prominenteng paaralan sa ating bansa. Sa kabilang panig, mayroon ding mga patunay na “Filipinas” ang tamang katawagan sa ating bansa. Sinasabing Filipinas na ang ginagamit ng mga Pilipino noong panahon nina Rizal. Isang patunay dito ay ang gawa ni Andres Bonifacio na “Katapusang Hibik ng Filipinas”. Ang pagpapalit ng Filipinas mula sa Pilipinas ay walang nilalabag na batas. Sa katunayan, walang batas ang nagsasaad na Pilipinas ang pangalan ng ating bansa. Subalit, kukuha lamang ng mahaba-habang oras at malaking halaga ang pagpoproseso ng naturang isyu. Bagamat malinaw na wala itong nilalabag na batas, maraming mga Pliipino ang agad na tumutol dito. Ayon sa kanila, magdudulot lamang ito ng kalituhan, kaguluhan, at hindi pagkakaintindihan. Dagdag pa ng ilan ay masagwa raw itong pakinggan. Kahit papaano ay may punto rin sila dahil kung papalitan nga naman ang Unibersidad ng Pilipinas bilang Unibersidad ng “Filipinas” ay sadyang masagwa at medyo nakakapanibago pa sa pandinig. Hati man ang reaksyon nating mga Pilipino ukol sa isyung ito, mas mainam na tayo’y magkaisa sa iisang mithiin at layunin. Ano man ang maging desisyon ng ating pamahalaan ukol dito, sana ito’y makabuti sa ating lahat na mga mamamayang Pilipino.
Pork Barrel: DUGO at PAWIS ng mga Pilipino Micah Loraine Corpuz, IV – St. Aloysius Gonzaga
Nakakalungkot mang isipin na ang perang pinaghirapan ng taumbayan ay napunta lamang sa wala. Ang perang ito ay ang sinasabing Pork Barrel. Saan nga ba dapat ito ginagamit? Gaano nga ba ito kaimportante? Ito ang mga halimbawang katanungan ng mga Pilipino tungkol sa usaping Pork Barrel. Madalas na laman ng mga balita ang usapin tungkol dito. PDAF (Priority Development Assistance Fund) o mas kilala sa tawag na Pork Barrel. Ang mga Pilipino ay naghihirap na maghanapbuhay at minsan ay tinitiis na malayo sa kanilang mga pamilya para lamang kumita at mapunan ang mga pangangailangan ng mga ito. Ngunit ang mga paghihirap na ito ay hindi pa sapat para makabuhay
ng isang pamilya na dinagdagan pa ng pagbabayad ng buwis. Ang mga buwis daw na ito ay ang mga nakalaang malaking halagang pambansang taunang badyet ng pamahalaan sa mga mambabatas ng bansa. Ito rin daw ay gagamitin para sa pagsasakatuparan ng kanilang mga proyekto para sa ating kinabukasan at pag-unlad. Ngunit tila mabagal yata ang ating pag-unlad gayong ang mga buwis na ibinabayad ay sapat na para sa mabilis na pag-ahon sa kahirapan? Nasaan ang mga ito? Maraming nagsasabi na ang Pork Barrel ay ang pera ng masa. Kung wala ang mga ito, marahil ay wala na rin tayo. Kung ganon, base sa kasalukuyang sitwasyon natin ngayon, masasabi nating
hindi pang-masa ang Pork Barrel, napupunta lamang sa wala ang mga pinaghihirapan ng taumbayan. Bakit? Sapagkat karamihan sa mga kapatid natin ay naghihirap. Kaya’t nang lumabas ang kontrobersiya na nagtuturo kay Gng. Janet Lim Napoles bilang utak ng Pork Barrel scam, nag-alab ang damdamin ng mga Pilipino at lumabas ang samu’t saring reaksiyon ng taumbayan tungkol dito. Mali at kasamaan ang mangamkam ng pag-aari ng iba para sa pansariling kagustuhan. Ang mas masaklap pa rito ay ang malalaman nating pagsasabwatan ng mga taong pinagkatiwalaan natin na humawak at mamahala sa ating kayamanan. Ito ay upang makapangamkam, manatili lamang sa kapangyarihan. Nakakalungkot
isipin sapagkat silang mga nasa mataas na katungkulan ang nakagagawa ng mga kasamaan sa halip na pamunuan ang kanilang nasasakupan nang maayos sa pamamagitan nang pagpapalaganap ng kabutihan. Gayunpaman, hindi pa huli ang lahat para sila ay magbago at itama ang kanilang mga pagkakamali: sa kanilang pamilya, sa kanilang kapwa at lalung-lalo na sa Diyos na una nilang nilabag. Hindi man nila maibalik ang pera ng taumbayan, ang mahalaga’y nagbalik-loob sila at Diyos na ang bahalang manghusga sa kanila. Di nga ba’t napakagandang isipin na ang perang ito ay mailalaan sa mga mahahalagang bagay tulad ng pagpapataas ng kalidad ng
edukasyon, pagpapatayo ng mga matitibay na imprastraktura, pagtulong sa mga kababayan nating naghihirap, paggabay sa mga kapatid nating naligaw ng landas, pagpapagawa ng mga karagdagang istasyson ng LRT at MRT para sa mas mabilis na transportasyon at mas mapababa ang presyo ng mga gulay at prutas na niluluwas mula probinsya at marami pang iba. Makakamit natin ang tagumpay kung sa simula ay sama-sama nating itataguyod ang magandang plano at hanggang sa huli ay sama-sama parin nating wawakasan ang kasakiman at kawalang pakialam sa ating kapwa.
Ginintuang
Pahayagang Pampaaralan ng
Cainta Catholic College
6
Opinyon Tomo 13 Blg. 1 Hunyo - Setyembre 2013
DYNAMIC LEARNING PROGRAM
DLP: Ating Pag-usapan Sophia Catherine Reyes, 8 - St. Cyprian of Carthage
Ngayong Taong Akademiko 2013 - 2014, lubusan nang isinagawa ng Cainta Catholic College ang implementasyon ng Dynamic Learning Program. Dahilan ito ng ilang mga kapansin-pansing pagbabago sa ating paaralan, tulad ng No-Homework Policy, Non-Academic Day tuwing Miyerkules, pagkakaroon ng activity sheets at portfolio, isang facilitator at isang dalubhasang guro sa bawat asignatura. Marahil mayroon sa atin na mga sumasang-ayon sa pagbabagong ito dahil sa “No-Homework Policy” at “Non-Academic Day.” Mayroon din namang mga hindi sangayon dahil sa pagpalit ng mga Activity Sheets at Portfolio sa nakagawiang paggamit ng mga kwaderno, na kung iisipin nga naman ay mas mura. Lalo na noong mga unang linggo ng Hunyo, kung saan halos magkapalit na ng mukha ang mga estudyante sa sobrang siksikan sa loob ng convenience store, kung saan bumibili ng activity sheets at portfolio. Meron din namang mga hati ang opinyon tungkol sa DLP. Ngunit bakit nga ba ipinatupad ang Dynamic Learning Program sa ating paaralan? Paano ba tayo naaapektuhan nito at ano ang mga benepisyo nito sa atin? Paano natin sasabayan ang mga pagbabagong dulot nito? Mahalagang malaman ang mga kasagutan sa mga tanong na ito dahil bago pa lamang sa atin ang sistemang ito. Sa ilalim ng Dynamic Learning Program, napapatunayan ang mga katagang “it offers learner-centered and technology-enabled programs and services”, na nakasaad sa Mission ng ating paaralan. Bakit? Salungat kasi sa nakagawian kung saan kadalasan ay naka-asa ang mga estudyante sa kanilang guro. Sa programang ito ay binabawasan ang pag-depende ng mga estudyante sa kanilang guro. Samakatuwid, nasusubok ang
pagkukusa, inisyatibo at pagiging masigasig ng estudyante na matuto kahit sa sarili lang nila, at kasabay nito ay napapalago din ang kanilang pagkatao sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanilang maging responsable at independent. Mas nahahamon din ang kakayahan ng mga estudyante pagdating sa mga pang-araw-araw na gawain, mga proyekto at mga pagsusulit, at sa paraang ito ay nagiging mas epektibo at mas mabilis ang pagkatuto ng mga estudyante. Mas nabibigyan din ng oras ang mga estudyante para sa kanilang pamilya dahil sa pagbabawal ng mga takdang aralin. Malaki ang posibilidad na ang karamihan sa atin ay naninibago, nalilito o nahihirapan pang mag-adjust at hindi pa lubusang nauunawaan ang buo at tunay na konsepto ng Dynamic Learning Program. Normal lamang ito, lalo na’t halos magkasabay ang implementasyon nito sa implementasyon ng K-12 ng Kagawaran ng Edukasyon sa lahat ng paaralan sa Pilipinas. Subalit sa paglipas ng panahon, makakasanayan din natin ito dahil likas naman sa ating mga Pilipino ang kakayahang makibagay sa mga bagong bagay at sistema. Habang tayo ay nasa proseso pa lamang ng pag-aadjust sa implementasyon ng Dynamic Learning Program sa ating paaralan, ang pinakamabuti sigurong gawin ay mas lalong pagbutihin ang pag-aaral at i-appreciate ang mga kabutihang dulot ng bagong sistema kaysa sayangin ang oras sa pagrereklamo sa mga bagay na hindi nagugustuhan. Ang pagbabagong ito ay ginawa ng ating paaralan dahil sa paniniwalang mas mapapaganda nito ang kalidad ng edukasyong ating matatanggap at higit sa lahat hindi naman maiiwasan ang mga pagbabago lalo na kung gusto nating maging mas maunlad sa buhay.
Cainta Catholic College
Ginintuang Uhay OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MGA MAG-AARAL NG CAINTA CATHOLIC COLLEGE
Msgr. Arnel F. Lagarejos, SthD, Pangulo, Cainta Catholic College
PATNUGUTAdN Boar Editorial 2013 – 2014
ELEMENTARYA
INABUSONG PDAF Gerrand Kharl M. Destura IV – BSEd, English
Matunog na matunog sa buong bansa ang balita tungkol sa PDAF o Priority Development Assistance Fund, na mas kilala sa tawag na Pork Barrel. Ito ang pera na ginagamit ng mga nasa lehislatura upang maipaabot ang tulong ng gobyerno sa kanilang mga nasasakupan. Ngunit ngayon, ay humaharap ang House of Representatives at sistemang Pork Barrel sa kontrobersyal na isyu tungkol sa pag-abuso at pangungurakot sa pera na dapat ay ginagamit para sa kaunlaran at kabutihan ng kanilang mga nasasakupang lugar. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang pera ng gobyerno ay ang nakukuha nilang kita mula sa buwis na binabayaran ng mga mamamayan. Kasama na doon ang ating mga magulang na dugo’t pawis ang iniaalay para kumita ng pera na pangtustos sa ating araw-araw na pangangailangan at pag-aaral. Nakakalungkot isipin na tila pinaglalaruan lamang tayo ng mga politikong tayo mismo ang nagluklok. Ang kanilang ginagawang pag-abuso sa pork barrel at pagbubulsa sa pera ng mamamayan ay tuwirang pagtapak sa ating karapatang pantao.
Hindi lamang nila tayo nilalapastangan, sinisira din nila ang integridad at moral ng pamunuan ng lehislatura. Sana ay naiisip nila kung paano nagpapakahirap ang mga nagbabayad ng buwis para lamang maitawid ang pang araw-araw na pangangailangan ng kanilang mga pamilya. Kung ang pera sana na ipinagkatiwala sa mga senador at congressman ay ginagamit sa tamang paraan, maraming hindi nakakapag-aral ang makakapag-aral, makakapagpatayo pa ng mga silid aralan na kulang sa mga pampublikong paaralan at makakabili ng mga makabagong gamit na makakatulong sa pagtaas ng kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Paano tutularan ng susunod na henerasyon ng mga lider ang mga ngayo’y ganid at mapagsamantalang nasa posisyon? Kung sila mismo ang nagpapakita ng baluktot at bulok na sistema na dumadaloy sa ating gobyerno. Ang tangi nalang na magagawa ng mga kabataan ngayon ay magbasa, makinig at magmatyag, upang hindi maging mangmang at hindi mapagsamantalahan ng mga nakaupo sa pamahalaan.
Punong Patnugot: Patricia Pauline Ciasico Pangalawang Patnugot: Juvirn Mae Garcia Tagapangasiwa: Jonnah Mae Lamera Patnugot sa Balita: Judy Anne Umali Patnugot sa Pampanitikan: Krissia Torrano Patnugot sa Lathalain: Reggie Anne Manalo Patnugot sa Isports: Lou Bryan David Mga Korespondente: Krizzah Ysabelle Briso Mariae Janselle Pamposa Tisha Alexandra Sta. Maria Chesli Ann Castillo Kyla Marie Durana Monica Elaizha Stohner Rosemarie Trina Agamata Sean Marcus Ingalla Jaime Martin Asuncion John Delfin Jo Christine Glor Diamonon Shannon Mathew Cruz Arianne Rachel Guballa Fae Coleen Lagura Kylene Candelaria Juliane Elise Granada Princess Yvonne Arellano Justine Emmanuel Drilon Punong Tagaguhit: Neicelle Cruz Tagaguhit: Bryan Nicholas Epilepsia Tagakuha ng Larawan: Bryan Gerard Guillermo Al Dominic Gatlabayan Sirkulasyon: Michael Angelo Del Rosario Tagapayo: Bb. Catherine Cerna Punong-Guro: Gng. Lerma S. Fernandez
HAYSKUL Punong Patnugot (Filipino): Althea Arnecilla Punong Patnugot (English): Frances Hazel Villones Patnugot sa Lathalain: Kristianna Paula Lim Dose Kristine Mae De Guzman Angela Justine Necio Alexandria Falcutila Patnugot sa Balita: Maria Cecilia Rances Veronica Baluyut Patnugot sa Pampanitikan: Bernice Gonzales Sophia Catherine Reyes Patnugot sa Isports: Julian Alexis Sacdalan Precious Louvelle Carambas Tagapangasiwa: Lynette Grace Tiana Tagaguhit: Heidi Paña Kartonista: Jonalyn Acuña Joseph Daniel Atienza Tagakuha ng Larawan: Hazel Marinel Fajardo Sirkulasyon: Emmanuelle Micah Unajan Famela Mortel Tagapayo: Gng. Jane Kathleen R. Palma Punong-Guro: G. Henry P. Santiago
KOLEHIYO Punong Patnugot: Andrea Paola Javier Pangalawang Patnugot: Rochelle Asuncion Tagapangasiwa: Cathlynnne Lee Eustaquio Patnugot sa Balita: Gerrund Kharl Destura Patnugot sa Lathalain at Pampanitikan: Catherine Amalia Patnugot sa Isports: Kenneth Silvestre Mga Korespondente: Marlon Antonio Ramoso Elyssa Jean Cabarles Joann Banal Symptberleen Mariano Sirkulasyon: Nathaniel Rosaupan Tagapayo: G. Reynaldo Cruz, EdD Dekano ng Kolehiyo/Pangalawang Pangulo ng Akademya: Dr. Joel C. Javiniar, PhD Publication Coordinator: Gng. Annalyn A. Barranta
Lathalain Tomo 13 Blg. 1 Hunyo - Setyembre 2013
Proud to be Pinoy! Gng. Jane Kathleen R. Palma
Kayumangging kulay ng balat, sarat na ilong, maiikling mga biyas..Pinoy yan! Bayanihan, harana, tapang, lakas ng loob.. kilala tayong mga Pinoy dyan! Korapsyon, polusyon, prostitusyon, katamaran kung minsan, sa kasamaang palad naging tatak na din ng Pinoy yan. Kung ikaw ang tatanungin ipagmamalaki mo bang isa kang Pinoy? Marahil oo, pwede rin naming hindi ang iyong maging tugon. Hayaan ninyong bigyan ko kayo ng ilan pang dahilan upang sa kabila ng di magandang imahe meron tayong mga Pinoy ay taas noo pa din natin ipagmamalaki na dugong Pinoy ang nananalaytay sa ating mga ugat. Kilala mo ba si Kesz? Tunog imported di ba pero isa siyang Pinoy. Siya ay labintatlong taong gulang na batang kalye na nanalo sa International Children’s Peace Prize sa Ridderzaal sa Hagul noong Setyembre 19, 2013. Isang batang lansangan ngunit tinitingala at sinasaluduhan ng mundo dahil sa kanyang puso para sa mga mahihirap partikular na sa mga batang lansangan. Noong kanyang kabataan, nakanas siya ng pananakit at itinuring pang malas ng kanyang sariling ina. Pinili niyang umalis sa kanilang tahanan at dito na siya kinupkop ng Club 8586. Sa halip na magtanim ng sama ng loob natuto siyang magpatawad aniya sa isang panayam,”We have to forgive people even if their sins against us are heavy.” Naranasan niyang magpagalagala sa kalye na halos walang makain kaya naman ang karanasan niyang ito ang naging inspirasyon niya na mas makatulong sa kanyang kapwa. Aniya,” When I saw these children in the streets begging for money, I see myself in them” Nanatili siyang positibo
at ipinangibabaw ang kanyang damdamin na huwag maranasan ng iba ang hirap na kanyang dinanas. Pinoy yan eh! Teresita Sajonia o mas kilala bilang Auntie Terry, pangalan pa lamang tunog Pinoy na hindi ba? Si Auntie Terry ay isang sikat na probinsyana na naging nanny o yaya sa Singapore. Oo, sikat siya dahil ang pelikulang “Ilo Ilo” na nanalo sa 66th Cannes Festival Camera d’ Or ay hango sa kanyang buhay. Ang pelikulang ito ang kauna-unahang pelikulang Singaporean na nanalo sa Cannes. Ito rin ay humakot ng parangal sa 11th Pacific Meridan Vladivostok International Film Festival sa Russia. Sa susunod na taon naman ito ay aabangan sa Academy Awards sa kategoryang Best Foreign Language. Sino ang mag- aakalang ang isang kasambahay at ngayo’y tindera lamang ng gulay at prutas ay tatanyag sa iba’t-ibang bansa. Nabanggit nga niya sa isang interbyu, “ God, hindi ko naalala na bigyan ako ng alaga ko ng ganitong honor” . Ang mismong kaniyang inalagaan na si Anthony Chen ang naging director ng nasabing pelikula. Ang kabutihan at pagmamahal ni Auntie Terry sa kanya at sa kanyang pamilya lalung-lalo na noong panahon ng Financial crisis sa Asia ang kanyang naging inspirasyon gawin ang pelikulang ito at muling hanapin si Auntie Terry. Likas na buti ng puso, pagmamalasakit, at pagmamahal ang naging puhunan ni Auntie Terry upang siya’y hangaan at habambuhay na saluduhan ng marami. At syempre sa larangan ng pagandahan, hindi pahuhuli ang Pinoy dyan. Kamakailan lamang, sa kauna-unahang pagkakataon simula ng itatag ang Miss World Pageant noong 1951 ay nanalo ang isang Pinay sa katauhan ni Megan Lynne Young. Isang Fil-Am, ngunit sa edad na sampu ay naninirahan na sa Olongapo at lumaki na isang tunay na Pinoy. Nagsimula siyang makilala noong lumahok siya sa Starstruck ng GMA7 at pinalad na makasama sa Top 6. Matapos ang Starstruck, nagpatuloy sa pag-aartista, pagmomodelo hanggang sa pinasok ang mundo ng mga Beauty queen at ito nga’y kanyang mapagtagumpayan. Ngayo’y naglalakbay sa iba’t-ibang bansa at patuloy na hinahangaan. Pinoy yan eh! Gaano man ka-negatibo ang tingin ng iba sa ating mga Pinoy ang ating puso ay likas na mabuti. Ipagmalaki mong isa kang Pinoy gaano ka man ka-ordinaryo, ikaw ay natatangi pa din.
7G
inintuang
Pahayagang Pampaaralan ng
Cainta Catholic College
Ninoy Aquino: Isang Tunay na Pilipino Isinulat ni Lynette Grace T. Tiana, IV – St. Aloysius Gonzaga
Sa kabila ng mapaminsalang bagyong humagupit sa atin nito lamang mga nagdaang linggo, hindi pa din nakalimot ang mga Pilipino na muling alalahanin ang pagpapakamartir ng ating dating yumaong senador na si Benigno Simeon Aquino Jr., o mas kilala bilang si “Ninoy”. Kasabay ng pagdaan ng bagyong si Maring, ginunita ng ilan sa ating mga kapwa Pilipinong taga-Maynila ang ika-tatlumpung taon ng kamatayan ni Ninoy. Nitong nakaraang ika21 ng Agosto, sama-samang nagtipon ang ilan sa ating mga kababayang Pilipino sa kahabaan ng Katigbak at Bonifacio Drive, sa tapat ng monumento ni Ninoy kung saan pinangunahan ng kasalukuyang mayor ng Maynila na si dating pangulong Joseph “Erap” Estrada at ng kanyang bise-mayor na si Isko Moreno ang pagsasabit ng korona sa monumento ni Ninoy bilang tanda ng paggalang at pagsaludo sa ginawang kabayanihan ni Ninoy. Sadyang hindi matatawaran ng kahit anong materyal na bagay ang pagpapakabayaning ginawa ni Ninoy para sa ating bansa, kaya nararapat lamang na siya’y parangalan at ituring na isang dakilang bayani. Ngunit sa kabila nito ay may ilan pa ding mga Pilipinong hindi makita ang ginawang ito ng ating naturang bayani. Mangilan-ngilan din ang mga Pilipinong nagtatanong at nagsasabi ng: “Si Ninoy, binaril lang sa airport, bayani na agad?” Sa kahit anong anggulo man natin tignan, malinaw na ito’y pambabastos at pagtapak sa pangalan at karapatan ni Ninoy, maging sa kanyang naiwang pamilya. Hindi ba nila alam na kung hindi dahil kay Ninoy, hindi tayo magkakaroon ng isang buhay na tahimik at payapa? Isang buhay kung saan walang pangamba na baka isang araw ay bigla ka na lamang hulihin o kaya’y barilin ng mga militar ng walang sapat na kadahilanan? Hindi rin ba nila alam na kung hindi dahil sa kanya, malamang lahat tayong mga Pilipino ngayon ay nangangapa pa din sa kadiliman na dulot ng pagmamanipula ng pamahalaan sa ating kapalaran at lipunan? Si Ninoy Aquino, dating naging senador ng ating bansang Pilipinas, ay naging tanyag hindi dahil sa kanyang
pagkamatay sa isang paliparan, kundi dahil sa kanyang katapangang ipinamalas nang labanan niya ang rehime ng mapang-aping administrasyon noong kanyang panahon. Sa kabila ng mahigpit na pamamalakad ng administrasyong Marcos, nagawa pa rin niyang isiwalat ang masasamang gawain ng pamahalaan sa harapan ng madla, kahit na alam niyang maaari siyang ipapatay ng kanyang mga kalaban. Sa pagkamatay ni Ninoy, natuto ang mga Pilipinong magkaisa sa iisang hangarin, ang mapatalsik at mawakasan ang karahasan at kalupitan ng administrasyon. Ang kamatayan niya ang nagmulat sa ating mga Pilipino na lumaban at matutong tumayo sa ating sariling paa. Namatay si Ninoy nang may katuturan, at iyon ay ang kaginhawaang tinatamasa natin ngayon. Nawalan man tayo ng isang magiting na bayani, may iniwan pa din naman siyang isang mahalagang bagay sa ating mga Pilpino. at iyon ay ang pagbawi natin ng ating kalayaan mula sa mapangaping pamahalaan.
Paggunita sa Unang Taon ng Pagkamatay ni
Ex-DILG Sec. Jesse Robredo Si Jesse Robredo ay isang pulitikong Pilipino na dating kasapi sa Partido Liberal. Naglingkod sya bilang kalihim ng Kagawarang Interior at Pamahalaang Lokal (DILG) sa administrasyong Aquino mula 2010 hanggang sa kanyang kamatayan noong nakaraang taon(2012). At ngayon, ginugunita ng buong Pilipinas ang unang taon ng kanyang pagkamatay na bunga ng isang plane crash landing sa Masbate. Bilang paggunita sa unang taon ng pagkamatay ni Jesse, idinaos ng kanyang mga kababayan sa Naga, Bicol ang programang pinangalanan nilang “Tsinelas Walk“ kung saan lahat ng mga taga-suporta at mga pulitiko ay paparadang suot ang iba’t-ibang uri ng tsinelas. Ayon sa kanila, ang pagsuot daw ng tsinelas ay isa sa mga programa ng yumao at para daw sa kanila, maipapakita ang pagsuporta nila sa yumao sa pamamagitan
nito. Tayo, bilang mga Pilipino na minsa’y binigyan niya ng serbisyo, kailangan nating ipakita ang kung tawagin nila’y “full support” dahil kung nasaan man siya’y alam nating ito’y ikagagalak niya. Tayo bilang mga mag-aaral, ang pinaka-mainam nating isagawa ay magbigay panalangin sa isang huwaran na nagmulat sa mga mata di lamang ng mga Bicolano kundi maging sa ating lahat, na maging malinis sa pulitika at huwag sayangin ang pagkakataon na ipinagkaloob ng mga tao sa kanila dahil ayon sa kanya, ang bawat pagkakataon ay napakahalaga sa bawat isa. Atin siyang tularan sa ipinamalas niyang katangian, at atin itong gawing aral upang sa gayon, tayo rin ay magkamit ng magandang kinabukasan. Tulad ni Jesse Robredo, mula alkalde ng Bicol, nagsikap siya upang maiangat ang kanyang sarili kasabay ang pagganda ng bayang
Christian Jim Ledda, Grade 8 - St. Jerome
kanyang minahal at pinaglingkuran sa loob ng mahigit sampung taon. Bilang mga miyembro ng lipunang kanyang pinaglingkuran, siya ay gawin nating inspirasyon at ating isaisip ang kanyang pananaw sa buhay na kung magsisikap, may matatamo. Tunay ngang kalungkot-lungkot at kahina-hinayang ang pagkawala ng isang napakagaling na pinuno na sana’y patuloy pa ring naglilingkod at nagbibigay serbisyo sa atin ng tunay at tapat. Ating bigyang kahulugan ang kanyang pagpanaw at nawa’y magbukas ito sa mga mata ng lahat ng mga Pilipinong naglilingkod din sa pamahalaan at maging sa ating mga ordinaryong miyembro ng lipunan. Ating ipakita sa buong mundo ang kakaibang kaugalian ng mga Pilipino tulad ng ipinamalas ng ating patuloy pa ring minamahal at hinahangaang si Jesse Robredo.
Ginintuang
Pahayagang Pampaaralan ng
Cainta Catholic College
8
Lathalain Tomo 13 Blg. 1 Hunyo - Setyembre 2013
HABEMUS PAPAM! Mga Bagong HABEMUS PAPAM! HABEMUS PAPAM! Empleyado Frances Hazel P. Villones & Angela Justine F. Necio, IV – St. Aloysius Gonzaga
Hindi lingid sa ating kaalaman na nagbitiw sa pwesto si Pope Benedict XVI sa pagka-papa noong Pebrero 28, 2013. Dahil sa pagbibitiw na ito, kinailangan ng simbahan ng bagong pinuno na maghahawak ng pinakamataas na pwesto. Tinatawag na Papal Conclave ang proseso ng pagboboto ng magiging Santo Papa. Ang unang araw ng botohan ay naganap noong Marso 12, 2013 sa Sistine Chapel sa Vatican. Ang tagapagsalita ng Papal Conclave na si Msgr. Guido Marini ay nagbitiw ng mga katagang “Extra Omnes!” na nangangahulugang “Lumabas ang lahat!”. Sa hudyat niyang iyon, nagsara ang pinto ng kapilya para sa pananalangin ng mga magsisibotong kardinal. Matapos ito, ibinigay na ang unang balota. Itim na usok ang lumabas mula sa kapilya na pinagbotohan na nagsasabing hindi pa nakakapili ng bagong Papa. Sa umaga ng ikalawang araw, Marso 13, 2013, dalawang beses na pagboto ang naganap. Dalawang beses din naglabas ng
itim na usok ang kapilya. Naulit ito sa ikaapat na balota para sa botohan noong hapon ng araw din na iyon, ngunit itim na usok pa rin ang inilabas. Sa ikalimang pagkakataon ng pagboto, puting usok na ang nakita mula sa tsimenea ng kapilya, hudyat na mayroon nang bagong papa. Makalipas ang ilang sandali, nakitang lumabas sa balkonahe ang bagong hirang na papa. Si Jorge Mario Bergoglio, na mula sa Argentina, ang nahirang na bagong papa, ay kinilala ng lahat sa pangalang Francis. Siya ang kauna-unahang taga-Timog Amerika na mamumuno sa 1.2 bilyong katoliko sa buong mundo. Noong siya ay kardinal pa lamang, nakilala siya bilang isang mapagpakumbaba at simpleng tao. Sa katunayan, isinakripisyo niya ang kanyang magarang sasakyan upang sumakay na lamang sa mga pampublikong sasakyan. Hindi rin niya gustong mamalagi sa palasyo ng mga Obispo. Siya ay naninirahan lamang sa maliit na bahay at napapabalitaang siya rin ang nagluluto ng sarili niyang pagkain araw-araw. Sinabi din
Kakayahan at Talento, Ano nga bang Pinagkaiba?? Kristine Mae De Guzman, III- St. Albert the Great
“Ano ang ipinagkaiba ng kakayahan sa talento”, minsan na itong naitanong sa akin ng aking ama habang kami ay kumakain. Ang tanong na ito ang nagpaisip sa akin kaya ako’y di agad nakatugon sa kanyang nasambit. Marahil dala ng pagkainip ay kanyang sinagot ang kanyang sariling katanungan aniya: “Ang talento ay likas sa isang tao habang ang
kakayahan ay napagyayaman”. Ang kanyang pahayag ay tuluyang nagpatahimik sa akin at ito’y aking inisip ng mabuti. Ang tao ay hindi dapat tumingin sa kanyang sarili bilang isang taong walang kakayahan at talento. Bawat tao ay may talento na dapat ipinapakita at hindi itinatago. Ang bawat tao ay mayroon ding kakayahang dapat pinagyayaman o
sa Taong Panuruan 2013-2014
ELEMENTARYA niya sa kanyang mga kababayan na kapag siya ang nahalal na Santo Papa, ay huwag na silang pumunta sa Roma upang magdiwang kundi ibigay nalang ang pera nilang gagamitin sa mga mas nangangailangan ng tulong. Ilan lamang ito sa kanyang mga katangian na nagtulak sa mga kardinal para siya ang ihalal at makumbinsi ang mga ito na siya ang pinaka-karapatdapat na maging Papa. “HABEMUS PAPAM!” mas pinalalawak. Ngunit kung itong kakayahan o talento ang nagbukas ng daan upang makamit ng isang tao ang kaniyang pangarap, dapat kanyang pananatilihin ang kaniyang sarili na maging mapagkumbaba at pinanatili sa kanyang isip at puso na ang kakayahan at talentong ito ay binigay ng Diyos, na dapat ibahagi sa kapwa.
Ang Papel ng Wika sa Komunikasyon at Edukasyon Dr. Reynaldo J. Cruz
Napakaraming wika at wikain ng Pilipinas kung ihahambing sa ibang bansa. Sa kabila ng kasalimuutan nito, mayroon siyang isang wika, ang pambansang wika, bilang behikulo ng talastasan, paguugnay at pagkakaisa. Sa kanyang sariling wika ng bansa, natatamo ang pagsulong at pagkakakilanlan. Sa wikang Filipino nasasalamin ang kulturang Pilipino. Sa lubusang kaganapan ng papel ng wika, marapat lamang na ang wika’y magamit sa malawak na larangan o domain of use tulad sa edukasyon, kultura, agham, teknolohiya, pamamahalaan, relihiyon, media at iba pa. Ayon kay Whithead, isang edukador at pilosopong Ingles: “ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito.” Bawat kalipunan ng mga salita ng isang wika ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing lumikha nito. Ibig ipahiwatig na ang wika ay salamin ng lahi. Katulad din ng katotohanan, ang wika ng tao ay salamin ng kanyang katauhan.
Ang wika ay mga simbolong salita ng mga kaisipan at saloobin. Ito’y isang behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya, o palagay sa tulong ng mga salita na maaaring pasalita o pasulat. Ang salitang Latin, na lengua na ang literal na kahulugan ay dila. Kaya’t magkasintunog ang wika’t dila. Sa iba, ang wika ay mga katawagang kumakatawan sa mga materyal na bagay tulad ng lapis, papel, aklat, at sa mga dimateryal tulad ng pag-ibig, katarungan, karunungan at iba pa. Ito’y mahalagang kasangkapan ng komunikasyon tungo sa pag-iisa, pagbubuklod at pagsasama-sama ng tao tungo sa isang simulain. Upang maging makabuluhan ang komunikasyon, maging pasulat, pasalita, pagbasa o pakikinig, nararapat taglayin ang sapat na kaalaman ukol sa wika tulad ng mga sumusunod: 1. Kaalaman sa ugnayan ng lipunan at wika 2. Kaalaman sa Istruktura ng Wika 3. Kaalaman sa Makabuluhang Paggamit ng Wika
Antazo, Jean R. Arispe, Laika Barceñas, Elizabeth Cacho, Jesselin Julian, Mary Jane Mabilin, Sheinna P. Mabutot, Maria Fe M. Mamaril, Yanni Angelica G. Manela, Ian D. Montañez, Joana Marie Quevedo, Jenny Rosa M. Romero, Rachelle C. Sichon, Marissa T. Ubiña, Juana Mie M. Verzo, Gemma Marie
SEKUNDARYA Avila, Jodelyn A. Camingue, Daisy Jane F. Delos Reyes, Rizaldy Z. Dilag, Chanda B. Garcia, Ma. Janice P. La Torre James Kevin R. Marco, Mary Rose J. Moyo, Rosevie M. Reginio, Reyna S. Sison, John Jonald
KOLEHIYO Cruz, Dulce M. Ilao, Romeo Quebec, Sr. Mervilyn SSA Rodriguez, Richard Terante, Rommel Lara, Joana Marie H. Pinera, May Anne C. Crisostomo, Glen D.
GUIDANCE Pineda, Robin
Lathalain Tomo 13 Blg. 1 Hunyo - Setyembre 2013
9G
inintuang
Pahayagang Pampaaralan ng
Cainta Catholic College
Mga Piling Kuha sa mga Kaganapan sa Kampus Buwan ng N utr isyon a
aniel Courtens ritu sa Fr. D pi s Es na l na rnel F. Lagarejo Misa ng Ba ahan ni Msgr. A un ng na pi na e Quadrangl
Mga Larawang
el Fajardo
ni Hazel Marin
Ang mga mag-aaral sa Nursery sa klase ni Teacher Sonia Sabondo sa kanilang paggawa ng Fruit Salad
Quebec ugtog ni Sr. Marvy
iyo sa pagt
Ang Koro ng Koleh
resita Fusilero
Poster-making Contest sa Gra de Scho Haguisan, isa sa mga hurado ol. Si Mrs. Lorna sa patimpalak
t i r i p S y l o H Mass aof the kuha Mga larawang
kuha ni Gng. Te
ng taon sa -aaral sa ikapito uluto ng ag m ga m ng gl A malikhaing pa jardo paligsahan sa Fa el az H ni ha Street Food. Ku
Kaunasa kolehiyo sa u para rit pi Mga propesor ng Banal na Es unahang Misa partamento de sa
Ang Handog Pa g-ibig Chor Maestro Arman ale, kasama si De Leon
Students Or ientation a Mga Larawang
kuha ni Bb. Ca
ga sipasyon ng m Aktibong parti a ry ta en em el mag-aaral sa
t Cerna
timpalak ga kalahok sa Pa o m sa a is , al sy rd Turon espe ha ni Hazel Faja sa Pagluluto. Ku
Espiritu anal na ralan B g n y paa uba a ating at patn Gabay n na ito para s sa laba
Isang grupo ng nakilahok sa paligsahan sa pagluluto mula sa ikawalong taon. Kuha ni Bb. Cen Moreno
t Municipal Mee a
Tahimik na p mag-aa akikinig ng m ral sa h ayskul ga
Hataw ang Volle yball Game
n o i t a t n e i r O er e r a C s r o i n e S swer portion
Question and an
an ng CCC , ang kinataw loy dito na A a. St n vi tu Har gnanais magpa para sa mga na kolehiyo sa
l Fajardo
ha ni Hazel Marine
Mga Larawang ku
Coach Dennis Flores ng CCC Crusaders habang nag-iisip ng mahusay na estratihiya kung paano patataubin ang kalaban.
Ginintuang
Pahayagang Pampaaralan ng
Cainta Catholic College
10 Lathalain Tomo 13 Blg. 1 Hunyo - Setyembre 2013
Mga Piling Kuha sa mga Buwan ng W ika
kasuot ng entarya na na em el sa al ar larawan -a Ang mga mag iniana. Mula sa mga kuhang riel lip G Fi n n Sa ab makukulay na san at Sr. Analy ui ag H a rn Lo . nina Gng
Ang mga nagwagi sa paligsahan sa Katutubong Sayaw mu la sa Ikapitong Baitang kasama si G. Riz aldy Delos Reyes
Pangkat na kalahok sa Song Interpretation mula sa Ikatlong Taon.
o para ntablad gi sa e a s ntiago mga nagwa dac enry Sa a an Si G. H ang tropeo s g. Natalia Om n d G i a ha n igaw ance. Ku Ritual D
Presentasyon sa Sabayang Pag-awit ng mga nasa Ikawalong Baitang.
Pagdir iwang ng Ika-52 Kaara wan ni Monsignor a Mga larawang kuha ni G. Benj Francisco
Handog na bilang ng hayskul sa pangun mga piling guro sa elementary at guna ng mga puno ng guro na sina Gng. Lerma Fernan dez at G. Henry Sa ntiago.
sa mga ni Msgr. Arnel aw ay gs pa g hayskul sa Tampok an mga guro sa ng ot su ng ra ago maska G. Henry Santi pangunguna ni
Si Msgr. Arnel na nahilingang awitin ang kant ang Vincent na aniya’y may m al mensahe ngunit m ungkot na ay kasiyahan nyang inawit para sa lahat
Kasama sa entablado ni Msgr. Arn el sina (mula sa kanan) Fr. Blaise Garcia (College Chaplain), Gng. Marilou Vale ncia Gng. Loida Gascon (RPDO), at si G. Reld (Vice-President for Administration), ino Aquino (Vice-President for Finance)
Ang may kaarawan, kasama si Mrs . Valencia, Vice-President for Administration at mga guro, kuha ni G. Benj Francisco
ngulo mula sa salamat sa pa elementarya sa pa at ati Pagb l ng nment Counci Student Gover yo hi le ko ng hangga
Lathalain 11Ginintuang
Pahayagang Pampaaralan ng
Tomo 13 Blg. 1 Hunyo - Setyembre 2013
Cainta Catholic College
Kaganapan sa Kampus Family Day
Gatlabanan na Al Dominic ni ha ku g an w a Mga lara onne Arellano (Gr. 6 at 5 Family Day) at Princess Yv
l at mag-aara a g m g n nding taon Family Bo ng sa ika-limang la u g a m
Mga mag-aaral
sa ikalimang ta
on
Tanging bilang ng
Sa CCC Gymnasium sa pa
gdiriwang ng Araw ng Pa
milya ng ikaanim na baita
ng
ang baitang
mga guro sa ikalim
ulang w ng mga mag Handog na saya g baitang sa ikaliman
Lingguhang
Tipanan
Tipanan ng mga guro sa ikapitong baitang
Tipanan ng mga empleya
do tuwing Martes sa Fu nction Ro
th lo sa You les, nana uiz Finals a z n o G l e Si Micha and Christ Cateq n zo for Mary ma si Fr. Leo Luan kasa
om
Mga mag-aaral sa kolehiyo sa Peer Facilitators’ Training
k l a T n o i t a c Vo
sa zales ang isa Si Bernice Gon ating paaralan ng mga kinatawan ay Assembly na D h ut Yo sa World Bosco, Makati on D sa p na gina
Mga mag-aaral na nagpahayag ng kanilang intere s na pumasok sa seminaryo
g kasama ang mga
tian Livin Mga guro sa Chris
seminarista
Ginintuang
Pahayagang Pampaaralan ng
Cainta Catholic College
12 Lathalain Tomo 13 Blg. 1 Hunyo - Setyembre 2013
Trending: Plastikan Kristianna Paula Lim Dose, IV-St. Aloysius Gonzaga
Rolyn Manuel F. Tabago, III-St. Albert the Great
Aking natitiyak na marami sa ating mga CCCians ang nakakaalam ng paligsahang Kalokalike marahil dahil sa noon time variety show na “It’s Showtime” na mula sa ABSCBN. Ooops! Teka lang, kung ikaw ang isa sa mga malas na estudyante na hindi alam ang kalokalike, pwes hayaan mo nalang ako ang magpaliwanag nito sayo. Ang
Kalokalike ay isa sa mga segment ng palabas na “It’s Showtime” na naging patok lalong lalo na sa mga pinoy televiewers. Ito rin ay naging paboritong segment ng mga banyagang mula sa iba’t ibang bansa. Lahat ng tao ay maaaring sumali dito ang kailangan lang nilang gawin ay umisip ng iba’t ibang gimik para magaya lang ang
kanilang napiling artista. Ngayo’y aking napaliwanag na sa iyo kung ano ba talaga ang Kalokalike, oras na para tumungo sa mismong rason kung bakit ba itong artikulong ito ay nasulat at iyon ay isambulat ang mga Kalokalike ng ilang mga estudyanteng aming na-interview last August 29, 2013. Gusto mong malaman kung sino sino sila? Ayan o sila yung nasa baba.
Patrick Urbino ng III-St. Bernard Na kalokalike ni Angelina Jolie
Pauline Balcena ng III-St. Bernard Na kalokalike ni Anne Curtis
Efrilla Fronda ng III-St. Albert the Great Na kalokalike ni Pimchanok na mas kilala bilang “Nam” Sa palabas na “crazy little thing called love”
KALOKA o KALOKALIKE?
KALOKA o KALOKALIKE?
KALOKA o KALOKALIKE?
Neil Ibajan ng III-St. Na kalokalike ni Bugoy Drilon
KALOKA o KALOKALIKE?
Kyla Rivera ng III-St. Na kalokalike ni Miles Ocampo
KALOKA o KALOKALIKE?
Itong mga susunod na mga CCCians ay sinasabing magkakamukha. Tingnan nga natin.
Sa aking paghahanap ng mai-interview marami ang umayaw at marami ring gusto pero nang malamang kailangan ng kanilang picture ay biglang umayaw. Ang dahilan ng karamihan kung bakit ayaw pumayag ay sabi
parehong mula sa III-St. Bernard
Carish Torrano at Trisha Alcantara parehong mula sa IV-St. Aloysius
nila wala daw silang kamukha at ang iba ay nahihiya lang talaga. Sinulat ko ang artikulong ito hindi lang upang mag bigay kasiyahan ngunit para makapag iwan din ng isang aral sa inyo. “Ating tatandaan na hindi masamang gayahin ang inyong ini-
idolo o kung sino mang tao ngunit ika nga ang lahat ay may limitasyon, hindi kailangang umabot sa pagpaparetoke para lang sila ay magaya. Tayo ay dapat makuntento at maging masaya kung ano ang ibinigay sa atin ng Panginoong ating Diyos.”
Wala pang anim na buwan na ipinatupad ang pagbabawal ng plastik sa mga pamilihan sa Cainta ay tila bumabalik na naman ang paggamit nito. Ningas-kugon kung tawagin, sa umpisa lang ba ang pagkilos natin? Alam nating lahat ang pinsalang idinudulot ng mga plastik na ito at ng mga basurang hindi makontrol ng taong bayan. Ang mga ito ay itinuturing na mga pangunahing dahilan ng malalang pagbaha at pagkasira ng napakaraming buhay sa tuwing may bagyo. Ngunit sa dinamidami ng batas na itinatag upang maisaayos ang suliraning ito, bakit tila hindi pa rin nadarama ang dapat na magandang bunga ng mga patakarang ito? Dahil ba sa mga pulitikong sa halip na maging lider ay nagpapayaman lamang sa pwesto nila at puro salita lang? O dahil ba ito sa mga mamamayang walang ginawa kundi umasa sa mga gagawin ng pamahalaan para sa kanila at magreklamo sa tuwing may pumapalpak sa pamamalakad nito. Kung ating uunawain, hindi ang pamahalaan ang dapat nating sisihin, kundi tayong mga nasasakupan nito. Puro hinaing sa mga mali ng pamahalaan, pero hindi naman nagagawa ang kanyakanyang responsibilidad bilang parte ng lipunan. Kung hindi mababago ang ganitong sistema ng bansa, walang batas o pulitikong
makapagbibigay ng solusyon sa mga problema ng bansa. At ang mga responsibilidad na tinutukoy ay taglay ng bawat isang Pilipino, tayo bilang isang estudyante, bilang isang anak, bilang isang parte ng nakikinabang sa mga yaman ng bansa. Responsibilidad natin na makiisa sa pagkamit ng mga layunin ng pamahalaan hindi lamang dahil sa mga pagbabagong ipinapangako ng mga pinuno sa atin kundi dahil sa ating pagnanais na umunlad ang ating estado. At ang pag-unlad ng bansa ay magsisimula sa ating sarili, sa atin na mga estudyante at mga guro. Ngayong Agosto, Buwan ng Wika, isang hamon sa atin ang maipakita ang pagmamahal natin sa ating bayan sa pamamagitan ng pagiging instrumento ng pagbabago at pag-unlad. Masisimulan ito sa ating eskwelahan, ang simpleng pagkakaroon ng disiplina sa mga simpleng kilos natin sa araw-araw gaya ng pagtatapon ng basura sa tamang lugar at paggamit ng mga recycled na kagamitan kung hindi maiiwasan ang paggamit ng plastik. At hindi lang ningas-kugon na pagkilos sa halip ay isaisip at isabuhay natin ang gawi ng pangangalaga sa ating kapaligiran, disiplinahin ang ating mga sarili at iwasang kumilos ng walang matalinong pagdedesisyon.
WATTPAD:
Ito ang Uso Ngayon Jamie Claire Morales, IV- St. Aloysius Gonzaga
Marahil naririnig niyo na ang Wattpad, isang website kung saan maari kang makapagbasa ng iba’t-ibang kwento ng libre at kung interasado ay maaring din na maging isang manunulat. Sa mga nahihilig sa pagsusulat ng mga kwento at nais magpasa ng kanilang katha, siguraduhin lamang na mayroon ka ng account. Maaaring gumawa nito sa pamamagitan ng pag-click lamang sa “Create” at maari mo nang ilagay ang iyong naisin na kwento at pumili ng mga “Options”. Dito maari ka ding mag-follow, bumoto, magkomento at ipamahagi ang isang kwento. Marami kang magiging kaibigan at kung minsan ay may mga “meetups” upang mas makilala ang isa’t isa. Natatandaan niyo pa ba sina Kenji delos Reyes at Athena Dizon sa “She’s Dating the Gangster” ni Bianca Bernardino na parang mala-Romeo and Juliet ang tema at kung paano nagtapos ang kwento? Eh sina Cross at Eya sa “Diary ng Panget” ni HaveYouSeenThisGirl na mayroong hanggang book 4 na sinasabi na gagawin ng isang pelikula sa taong 2014? Si ate Denny, manunulat ng DNP ay pupunta dito sa Pilipinas galing Italy at mayroong Manila Book Fair simula Setyembre 11 hanggang 14 taong 2013 pipirmahan niya ang mga DNP na nabili mo. Siya din ang nagsulat ng “She Died” at “Voiceless”, ngayong Setyembre ilalathala na ito. Nabasa niyo na rin ba yung “Sadist Lover” ni Aril Daine? Si Miyuki Sharlot Parco na mayroong nobyo na isang team captain ng basketball na si Jake Russel De Vera at si Lance Mariano isang manlalaro ng
Soccer na dahil sa kuneho kaya sila nagkamabutihan ni Miyuki. “If I fall” ay nailathala na din umikot ang istorya kina Barbara Ramirez, isang manunulat sa wattpad ngunit kilala sa school nila bilang maton. Binigyan ni Cyrus Casabueno ng tips ukol sa paggawa ng kwento si Barbs. Marami pang ilalathala na libro na galing sa Wattpad. Sinasabi nila na ang “Break the Cassanova’s Heart” ni Alyloony ay gagawin na ding libro. Alam natin na ang kahulugan ng Cassanova ay: nagkakaroon ng karelasyon ngunit tumatagal lamang ng araw o linggo. Si Naomi ang gagawa ng 10 patakaran upang magtanda si Stephen at hindi niya pwedeng mahalin si Stephen dahil may katumbas itong parusa at may nakaraan ang pamilya ng dalawa. Sinasabi din na ang “The Boy Next Door” ni ScribblerMia ay balak nang ilathala. Para naman sa mga KathNiel fan diyan “A Kiss In The Rain” ni J.C Quin ay malapit ng maging isang libro. Mabibili ang mga libro na ito sa NBS o sa mga piling bookstore. May mga negatibo ding maidudulot ito kung masyado ka nang nahuhumaling sa pagbabasa. Una na dito ang pagpupuyat at pagsasabukas ng mga mas importanteng gawain para lang makapagbasa at matapos ang kwento. Ikalawa, hindi nasusubaybayan ng magulang ang binabasa ng anak, kung aangkop ba ito sa kanyang edad. Ikatlo, hindi na masyadong nabibili ang mga libro. Marami ng nahuhumaling sa pagbabasa na maski ang mga nakakatanda ay nagbabasa na rin ng mga gantong libro. Balanse lang sa lahat ng bagay lalong-lalo na sa oras.
Ginintuang Entertainment 13
Pahayagang Pampaaralan ng
Tomo 13 Blg. 1 Hunyo - Setyembre 2013
Angela Justine F. Necio, IV-St.Aloysius Gonzaga
Napanood ninyo na ba ang pinag-uusapan at pinagkakaguluhang pelikulang ito ngayon? Kung oo, sigurado akong makaka-relate kayo. Kwento ito ng isang babae na nagngangalang Sandy Veloso (ginampanan ni Kim Chiu) at Alex Prieto (ginampanan naman ni Xian Lim). Ito ay hango sa aklat ni Ramon Bautista at dahil siguradong ito ay papatok sa madla, ginawa nila itong isang pelikula. Si Sandy ay isang kikay at “happy-go-lucky” na babaguhin ang sarili para magustuhan ng kanyang minamahal. Bakit? Dahil siya ay isang “brainy but ugly-duckling girl”. Si Alex naman ay ang kabaligtaran ni Sandy, isang “business-minded” na tao. Puro trabaho ang iniisip niya dahil ayaw niyang biguin ang kanyang pamilya. Sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya, makikilala niya si Sandy na kakahiwalay pa lamang sa kanyang nobyo at hindi pa nakaka”move on”. Maraming aral ang makukuha dito gaya ng pagmamahal sa pamilya, pagtanggap o pagiging kuntento sa sarili at sa ibang tao, Siyempre nandito din ang ilan sa posibleng dahilan kung bakit hindi ka crush ng crush mo, kung paano maka-move on at paano ka magiging masaya sa simpleng bagay. Kaya kung gusto ninyong tumawa at kalimutan ang problema, dapat ninyo itong mapanuod!
“Pagbabalik Tanaw” 8
Pahalang 1) Siya ang kompositor ng “Lupang Hinirang” 3) Nakilala sa tawag na
Ethelyn Anne Consista, IV – St. Aloysius Gonzaga
“Plaridel”
2
4) Nagtatag ng
1
6
pahayagang “La Solidaridad”
3
7)Pambasang bayani 10) Siya ang gumawa ng monumento ni
9
Likha ng isang dating miyembro ng Uhay
Bonifacio sa Lungsod ng Caloocan 4
5
Pababa 2) Isang tanyag na makata at mandudula 5) kauna-unahang
7
National Artist o Pambansang Alagad ng Sining 6) Kilala bilang “Mother
10
of the Philippine Folkdancing” 8) Kinilala bilang “Ama ng Dulang Pilipino” 9) Kilalang atleta sa track and field sa buong
Mga Kasagutan: 1) Julian Felipe 2)Baltazar 3)Marcelo Del Pilar 4)Graciano 5)Amorsolo 6)Francisca Aquino 7)Jose Rizal 8)Severino Reyes 9)Lydia De Vega 10)Guillermo
Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?
Cainta Catholic College
Asya
Ginintuang
Pahayagang Pampaaralan ng
Cainta Catholic College
14 Pampanitikan Tomo 13 Blg. 1 Hunyo - Setyembre 2013
Ang Pamilya Krizzah Ysabelle Briso 4-St. Anastasia
Andrea Paola C. Javier, IV-BSEd
Ang pamilya ay laging masaya minsan nag-aaway sila, minsan malungkot sila Pero ang hindi nila laging nakakalimutan ay ang magdasal kaya sila ay nagdadasal sa Diyos na Maykapal dahil tayong mga tao at lahat na nabubuhay sa mundo ay ginawa ng Diyos sa sarili Niyang liwanag Nagdadasal sila tuwing umaga pagkagising, bago kumain at pagkatapos kumain at bago matulog sa gabi. Minsan laging pagod ang pamilya at lagi nilang nakakalimutan ang magdasal sa panahon ngayon Ang mga magulang ay mababait sa kanilang mga anak Lagi nila tayong inaalagaan, minamahal nila tayo ng lubos Minsan napapagalitan tayo dahil mali ang ginagawa natin sa araw-araw Kaya tayo pinagagalitan kasi may mali sa kinikilos natin Kaya dapat tingnan natin kung mali o tama ang ginagawa natin Ang ate at kuya ay parang magulang natin pero mas mahigit ang pag-aalaga ng magulang natin Inaalagaan nila tayong bunso at minamahal nila tayo At ang lola at lolo natin ay binabantayan tayo o inaalagaan nila tayo habang nasa trabaho ang mga magulang natin.
Pangarap Marinelle L. Bueno IV – St. Aloysius Gonzaga
Anino ng Kabataan Karen B. Bondoc IV-St. Aloysius Gonzaga
Kalangita’y nagsisimulang dumilim Paligid animo’y may mga parating Ito na ba ay hudyat ng kasiyahan Mga kabataang gabi kung magdiwang. Masasabi kong nagbago na ang mundo Henerasyon ngayo’y nagkalat sa kanto Tila wala nang halaga itong libro Inaatupag ay paninigarilyo. Hindi mo kailangan maging iba, Dahil sa iyon ang gusto nila. Lahat sasabihing hindi mo kaya, Sa mga panahong nanghihina ka. Asahan mong di lahat sila aayon sa iyong dikta, Ngunit di mo kailangan isuko ang pangarap na meron ka. Lahat ay nangyayari Sa panahong di natin ninanais Pero hindi ito sapat Para mawala ang ating pangarap. Kailangan nating mangarap Upang umunlad Dapat tayong maniwala Para tayo’y lumakas. Hindi hadlang ang anumang hirap Sa mithiing ating inaasam Sapagkat tayo ang sumusulat Ng kwento ng ating pangarap.
Salamat Patricia Mae Andrada IV-St. Aloysius Gonzaga
Ngayong wala ka na, Ako’y nag-iisa. Inaalala mga sandali na kasama’t Kapiling ka Masakit man isipin pero wala ka na At masaya na sa piling ng iba Mahirap magpanggap na hindi ka nakikita Pero mas masakit isipin na may iba kang kasama Hinihiling na sana ika’y maging masaya sa kanya Salamat sa lahat ng mga alaala Hindi ko malilimutan hanggang sa aking pagtanda Dala-dala kung anu man ang ngayo’y wala na Salamat, salamat hanggang sa muling pagkikita.
o t n e w K , w a r A , t la u S
Mga kabataang ito’y walang pakialam Sa kahihinatnan ng kinabukasan Pati yaong kanilang mga magulang Payo nila’y nilamon ng katigasan. Hirap ng magulang hindi alintana Paano na kaya ‘pag sila’y tumanda Tanging hiling ay mapabuti ang anak Baka sa kahirapan sila ay masadlak. Bata, bata! Droga mo’y ano bang dulot? Talino o kamangmangan, alin dito? Si Rizal ba’y namatay dahil sa katulad mo? Ikaw iho, mamamatay ka bang ano? Iho’t iha, dapat ka nang magbago Humayo na sa makabuluhang mundo Pagsira sa sarili ngayo’y tigilan mo Mangarap kang muli’t simulan ang pagbabago.
a k i W g n o g g n i L Tisha Alexandra Sta. Maria 4-St. Clement
Bilang paggunita sa Linggo ng Wika Inihahandog ko itong munting tula Inyong punuan kung kulang ang diwa Abang lingkod ninyo’y di tunay na makata Kundi manlalakbay sa agos ng panahon Panaho’y ginugugol sa trabaho maghapon Sa aking opisina’y maraming nagiging hamon sa trabaho Paglalakbay ang pagkakataon Na aking marating Kay raming ibang bansa Ang ilan ay sa Asya Ang iba nama’y sa Europa Naranasan at nalaman ang maraming kultura At ibang mga lugar sa ating bayan ay nakumpara
Isang araw, nagbabasa ako ng libro. Nasa alapaap na sana ako, pero kinuha ang libro. Tapos ang kwento. Bakit kinuha ang libro? Di ko rin alam. Pero ang sabi mag-aral daw ako. Ayos. Aral. Textbooks. Ayoko. Bakit ayoko? Simple, nakakatamad at, nasabi ko na bang ayoko? Pero … teka, di pa ba pag-aaral ang ginagawa ko? Pag-aaral tungkol sa iba’t-ibang kaisipan, opinyon, suhestyon at palagay na ipinaloob at isiniksik sa isang munting papel na pinagsama-sama at tinawag na libro. Yun lang. marami kasi sa atin ang tingin sa pagbabasa ay isang uri lamang ng libangan. Engk. Mali ka dun. You’re out. Sa pagbabasa ng mga libro, nahahasa ang utak ng tao sa pakikipagtalastasan sa taong di mo naman kilala at nakikita, sya nga at wala ng iba…ang author, na nagtatago sa likod ng tinta at papel ng hinahawakan mong libro. Sa pagbabasa ng mga libro, matututo kang makipagbatuhan ng opinyon sa sumulat o pwede ka rin namang sumang-ayon nalang. Sa pagbabasa, makakarating ka sa iba’t-ibang lugar na nais ipakita sa’yo ng sumulat. Pwede kang sumama, o magpaiwan, depende yun sa layo ng imahinasyon mo. Yan ang lamang namin (oo, namin, kasama ako. Ako ang sumulat nito eh) sa matitinong tao na ang laman ng utak ay puro eksaktong detalye at teyorya na nakukuha sa textbooks. Matatalino sila. Oo. Pero praktikal? Ewan ko. Sobra rin ang pagpapahalaga ngayon sa talino ng mga bata. Pababa na ng pababa ang edad ng mga pumapasok sa eskwelahan. Palalim ng palalim ang usapin tungkol sa child prodigy. At parami ng parami ang produktong nagsasabing tumutulong sila sa pagpapatalino ng bata. Malakas masyado ang hype tungkol sa “the gifted child”. Wala. Opinion ko lang ito tungkol sa mga batang henyo. Lahat ay matatalino, Quiz Bee, IQ Tests, Achievement Tests, Blood Tests, at kung ano-ano pang test na di ko na alam. PERO hindi lahat ay nabibigyan ng talento at pagkakataong makapagsulat. Hindi lahat nabibigyan ng boses sa papel. Ang iba nga nakukuntento nalang sa ilalim ng tulay, silya, mesa o upuan ng bus, mas malala pa sa pader ng mga palikuran. Kaya di dapat sayangin ang pribilehiyo na mailapat ang isip sa papel. Kung isa ka sa nabigyan ng
an Baha, Baha, Sa ka ba Nagmula? Arianne Rachel Guballa 5-Blessed John XXIII
Ondoy at Habagat Problemang mabigat Basurang kalat-kalat Hindi ko masukat Sa takot at hirap Mata ko’y namulat Sa bagyong humagupit Perwisyong malupit Iba’t ibang sakit Sa katawan kumakapit Budget tuloy nagipit Sa Bumbay tuloy lumapit Sa nasa posisyon mabilis na aksyon Kailangan naming ngayon Utang na loob Huwag n’yo nang pairalin ang kurapsyon
ganitong pribilehiyo, aba! Pusanggala! Hawakan mo na ang ballpen at wag mo nang bitiwan! Ipayakap mo ang papel sa mga salitang umaapaw dyan sa isipan mo! Wag na wag mo ‘tong patatapakan sa iba at angkinin o ang bawat espasyo at sulok ng papel. Dahil kapag hinayaan mo ang iba na sirain ang iyong sulatin at hinayaan mo na ang ideya nila ang mamayani sa sulatin mo, para ka na ring nanakawan ng isang napakagandang punasan ng tinta ng nagtatae mong ballpen. Gusto ko pa sanang makipag kwentuhan sa’yo, pero baka sa susunod ay kunin na ang papel at ballpen ko. Pero bago yon, magbasa ka rin ng libro na bata ka! Kung nabasa mo man ‘tong isinulat kong ‘to, aba isang napakalaking pasasalamat, at naakyat na ako nun sa langit. Pero kung makakapagbasa ka pa ng iba pang sulatin at libro bukod dun sa YES! at Candy Magazines na naglipana dun sa may tindahan, eh mas maganda. Hikayatin mo rin ang mga kakilala mo na magbasa ng libro at magkaroon ng kahit isa lang na paboritong libro sa buong buhay nila, inuulit ko kahit isa lang naman. (wag naman sanang Precious Hearts, utang na loob.) Dahil wala nang mas nakakalungkot pa at nakakaawa pa sa mga taong literado, matatalino at gifted pero hindi nagbabasa. Katulad ngayon, utang ko ang lahat ng ito dun sa librong binabasa ko kanina (at dun sa taong kumuha nung libro) dahil kung di dahil sa pagbabasa ay di ako makasusulat ng iba’t-ibang ideya. Ayos lang namang lumaki lang ng lumaki, tumangkad ng tumangkad at maging stagnant, yun e kung puno ka! Pero tao ka at may mumunting bagay dyan sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng impormasyon. Impormasyong makukuha mo sa pakikinig sa mga ideya, opinion, palagay at kaisipan ng iba’t ibang tao na nagtatago sa likod ng mga salita at tinta at pinag samasama sa papel na tinatawag na libro.
Munting Babala Janica Labii IV-St. Aloysius Gonzaga
Pag-ibig sa ngayon Ay isa ng malaking biro Hindi ito kagaya noon Na wagas at talagang totoo Maraming mabubulaklak na salita Sa iyo ay kanyang sasabihin Ngunit asahang ito’y di nya magagawa Dahil ika’y balak ka lang niyang pakiligin Kailanma’y wag kang luluha Para sa taong ika’y pinaglaruan Sinira ang iyong tiwala’t Pinuno ka ng pawang kasinungalingan Kung kaya’t huwag agad maniniwala ‘Pag may magsasabing mahal ka niya Dahil baka iwan ka lamang niya Na sugatan at nag-iisa
Ginintuang Palakasan 15 Tomo 13 Blg. 1 Hunyo - Setyembre 2013
Pahayagang Pampaaralan ng
Cainta Catholic College
Municipal Meet: Ang Paghahanda Miko D. Pamintuan IV - St. Martin of Tours
Agosto 1-4, 2013 ang itinakdang mga araw kung kailan naganap ang Municipal Meet na kung saan ang mga manlalaro ng bawat paaralan na nakilahok ay lubusang naghanda at nag-ensayo ng kani-kanilang mga atleta upang lumaban sa iba’t ibang katergorya o mga laro. Ang Cainta Catholic College (CCC) ay isa lamang sa maraming paaralan na lumahok sa Municipal Meet. Ang mga atleta ng CCC ay naglaan ng kanilang oras sa pag-eensayo para manalo sa kani-kanilang mga laro na nilahukan. Ang kanilang mga pagsasanay ay kadalasang ginagawa tuwing sabado o di kaya’y pagkatapos ng kanilang klase. habang papalapit ang petsa ng laban ay mas lalo silang nagiging masigasig sa paglalaan ng oras para sa kanilang pagsasanay. Naging hamon sa bawat atleta ng CCC ang pagbalanse sa kanilang pag-aaral at sa kanilang hilig sa pagiging isang atleta ng paaralan.
Ayon kay Bb. Galang, MAPEH Coordinator, kanilang ipinapatawag ang kanilang mga manlalaro halos araw-araw upang mag-ensayo para sa palakasan. Ang mga atleta ay tinuturuang maging matibay, matatag, at mahusay sa kanilang mga piniling laro. Tinuruan din ng mga tagapagsanay ang ating mga atleta ng iba-t-ibang mga istratehiya upang magamit sa laban. Binibigyan din ang mga atleta ng iba’t ibang pagsubok na kinakailangan nilang malampasan upang mas maging matatas sa laban. Binigyang pansin din ang pagtutulungan ng bawat atleta lalo na sa mga larong pang-koponan katulad ng basketball at volleyball. Naging mabunga ang mga pagsasanay na pinagdaanan ng ating mga atleta ng nagkamit ng mga medalya at karangalan sa iba-t-ibang mga larangan o laro. Maging ang ilan sa ating mga manlalaro ay napili upang kumatawan sa nalalapit na Provincial Meet.
Mga Munting CCCians, Nagpamalas ng
Natatanging Galing sa Municipal Meet 2013 Bb. Cat Cerna
Cainta sa gaganaping Provincial Meet sa Marikina Sports Center, Oktubre 21 hanggang 25, 2013. Sa larangan ng Taekwondo, muling nagwagi at nasungkit ang gintong medalya nina Alfred Panfilo Valencia at Marc Oliver Flores, dalawang magigiting na manlalaro na sa murang edad ay patuloy na dumaragdag sa tagumpay ng paaralan. Sila ay lalahok din sa nasabing Provincial Meet. Parehas na nakakamit ng mga natatanging posisyon ang mga koponan ng CCC Volleyball, Pangalawang karangalan para sa mga kalalakihan at Ikaapat na karangalan naman ang hinakot ng mga kababaihan. Lahat ng ito ay sa patnubay nina G. Ernesto Pidlaoan at G. Ian Manela, mga dinamikong guro natin. Nagpamalas din ng kalakasan ang ating mga manlalaro sa Table Tennis. Taos-pusong nagpupugay ang buong kolehiyo sa lahat ng mga lumahok at mga taong naghinang at gumabay sa ating mga manlalarong munting CCCians!
Mga Munting CCCians na Lumahok: BASKETBALL
John Gabriel Carpio 5-St. Leo
Kiether Karishna Pablo 6-St. James
Matthew Edcel Nalaunan 4-St. Philomena
Benjamin John Bayani 6-St. James Ralph Christian Cristobal 6-St. James
VOLLEYBALL (Girls)
Jan Messiah Tinio 6-St. James
Jazmine Riza Alcantara 6-St. James
Jasper Kim Denina 6-St. John
Justine Mae Balbido 6-St. James
Ramon Jason Macalino 6-St. John
Kyla Jayne Arsenio 6-St. James
John Carlo Reyes 6-St. John
Julia Marie Sablay 6-St. John
Kyle Xander Pedro 6-St. Mark
Natania Jasmine Austria 6-St. John
Rasheen Benette Jose 6-St. Paul
Aidyn Duard Legaspi 6-St. Luke
Yulyan Teejay Pimentel 5-St. Boniface
Luz Marichelle Barretto 6-St. Matthew
John Bernard Abadam 5-St. Gregory
Krissandra Louise Manalo 6-St. Matthew
Angel Jeremy Bernardo 5-St. Pius
Danica Vasquez 6-St. Matthew Sheona Eryl Tugas 6-St. Matthew
VOLLEYBALL (Boys)
Angelyn Layson 5-St. Camillus
Jerrold Belandres 6-St. James Mark Shan Kane Liwanag 6-St. John
TAEKWONDO (Boys)
Jan Arren Leonida 6-St. Luke
Alfred Panfilo Valencia 6-St. James
John Derek Felix
Marc Oliver Flores 5-Blessed John XXIII
6-St. Mark
Kuha ni Mr. Jerry Ruitas
Jemuel Mathew Guevarra 6-St. Mark
a
Noong nakaraaan Agosto 1-4, 2013, sinukat ang galing ng bawat manlalarong representatibo ng kani-kanilang mga paaralang kalahok sa Municipal Meet. Mula sa bayan ng Cainta, bawat kabataang Cainteno ay nagpamalas ng kanilang kalakasan sa larangan ng Isports. At sa taong ito ay muling sumabak at sinubok ang ating mga kalahok mula sa Elementarya sa Basketball, Volleyball, Taekwondo at Table Tennis. Hindi lamang lakas ng katawan at tibay ng isipan ang kanilang naging puhunan, bagkus pati na rin ang hindi matawarang dedikasyon at pagkakaisa nila upang mapagtagumpayan ang bawat baitang patungo sa inaasam na karangalan. Matapos ang palakasan, itinanghal na Kampeon ang koponan ng CCC Basketball, sa ilalim ng paggabay ni G. Jerry Ruitas, guro at Koordinator sa MAPEH, na naging daan upang hirangin silang opisyal na representatibo ng
Steeve Ryann Gernale 6-St. Matthew
TABLE TENNIS (BOYS)
Emmanuel Basco 6-St. Matthew
Jeremy Francisco 6-St. James
Samuel Philip Dulla 6-St. Peter
Christian Rambuyon II 6-St. John
Ariel Andaya Jr. 5-St. Boniface
John Patrick Delos Reyes 6-St. Peter
Rayden Kyle Baluyut 5-St. Camillus
Jerold Francisco 5-St. Leo
Charls Lorence Salmorin 5-St. Leo
Ginintuang
Pahayagang Pampaaralan ng
Cainta Catholic College
16 Palakasan Tomo 13 Blg. 1 Hunyo - Setyembre 2013
CCCians, Sasabak sa
Provincial Meet CCC, Humakot sa
Municipal Meet Trisha J. Alcantara IV- St. Aloysius Gonzaga
Kuha ni Hazel Marinel Fajardo
a
Kuha ni Hazel Marinel Fajardo
a
Julian Alexis H. Sacdalan IV St.Martin of Tours
M
ula sa Municipal Meet, Provincial Meet naman ngayon ang tatahakin ng mga manlalaro ng ating paaralan. Dito nila ipamamalas ang kanilang mga angking galing gayundin din ang pagpapakita ng mga CCCians sa kung ano ang kaya nilang gawin sa larangan ng pampalakasan. Mas pinaigting at pinaghirapan ng mga napiling atleta ng CCC ang kanilang ginawang paghahanda para sa darating na Provincial Meet kumpara sa kanilang ensayo noong Municipal Meet. Makikita mong hindi lang dugo at pawis ang kanilang iniaalay sa pag-eensayo kundi ginagamitan din nila ito ng puso. Nandito ang listahan ng mga delegado ng Cainta Catholic College na maglalaro sa darating na Provincial Meet:
Basketball (Girls)
Taekwondo
Coach: Ms.Ednalyn Galang - Karen Villela - Liahona Nuada - Justine Caria Vera
Coach: Mr.Jordan Sison - Ian Allyson De Leon - Ayel Ilagan - Mikhaela Fabay
Basketball(Boys)
Coach: Mr.Dennis Flores - Deo Conception - Daryl Cinco - Alexis Cuanzon
a
Kuha ni Hazel Marinel Fajardo
Ang matagal na pinaghandaan at hinintay na palaro ng mga atleta, ang Municipal Meet, na ginanap noong Agosto 1-4. Isa ang cainta Catholic College sa mga lumahok sa nasabing paligsahan. Nagpakita ng gilas ang mga CCCians at umani ng maraming parangal. Narito ang mga pangalan n gating mga atleta na nagkamit ng karangalan sa kani-kanilang mga larangan at mga napili na lumahok sa darating na Provincial Meet:
Basketball
Boys: 1st Runner up Mga napili para sa Provincial Meet: Concepcion, Deo Cinco, Daryl Cuanzon, Alexis Girls: 2nd Runner up Mga napili para sa Provincial Meet: Villeda, Karen Nuada, Liamona Ver, Justine Carla
Taekwondo
Boys: Ilagan, Ayel – Gold De Leon Ian Allyson – Gold Toledo, Vincent – Silver Girls: Fabay, Mikhaela – Gold Santos, Nicola – Silver Vidal, Trishia Mae – Silver Gatmaitan, Patricia – Bronze
Lawn Tennis
Boys: Manalad, Kenneth – 1st Runner up Cruz, Rodelito – 2nd Runner up Girls: Paigones, Thea Mae – 3rd Runner up
Badminton
Boys: Escudero, Enrico – Champion (singles) Santarina, Ezekiel – 1st Runner up (doubles) Nalangan, Edrine – 1st Runner up
Athletics
Mga napili para sa Provincial Meet: Nacilla, Sean Centeno, Jasmine
Chess
Mga napili para sa Provincial Meet: Feraldo, Kaisser – Champion Nicolas, Kimberly – 1st Runner up Dorol, Jester – 2nd Runner up
Volleyball
Boys: 1st Runner up Mga napili para sa Provincial Meet: Fernandez, Antonio Ralph, Noel Fernandez, John Christopher Dizon, Franz Nico Best Receiver: Dizon, Franz Nico Girls: 3rd Runner up Ganotisi, Gienne Goc, Abilaine Ann Celestial, Erika Louise Bernados, Jeremias
Athletics
Coach: Mr.Jordan Sison - Sean Nacilla - Jasmine Centeno
Badminton
Volleyball(Boys)
Coach: Ms.Veronica Pinpinyo - Enrico Escudero
Coach: Mr.Jonald Sison - Antonio Fernandez - Ralph Noel Dacanay - John Christopher Fernandez - Franz nico Dizon - Isiah Dela Paz
Coach: Mr.Arman De Leon - Jester Dorol - Kaisser feraldo - Kimberly Nicolas
Volleyball(Girls)
Coach: Mrs.Purification Bernados - Gienne Genotisi - Abilaine Ann Goc - Erika louise Celestial - Jeremy Bernados
Chess
Lawn Tennis
Coach: Mr. Romeo Lozano - Rodelito Cruz - Kenneth Manalad - Thea Paigones
Table Tennis
Coach: Ms.Jhen Canaria - Tom Marquez
CCC Umarangkada sa
Taekwondo! Ni: Precious Louvelle N. Carambas
“Ang mas pagpapawisan ka sa pagsasanay ay mas nakakababa ng iyong paghihirap sa laban” - Anonimo
Iyan ang gabay na tinataglay ng ating mga atleta sa larangan ng Taekwondo bago sila sumabak sa laban sa Municipal Meet na ginanap mula ika-isa hanggang sa ikaapat ng Agosto. Ang paggugol ng maraming araw sa pag-eensayo at patuloy na pagpapayo ng kanilang “coach” ang syang nagiging puhunan nila sa laban at nagdala sa kanila sa rurok ng tagumpay nang humakot ng parangal ang ating mga atleta sa larangan ng Taekwondo Napagtagumpayan ng Cainta Catholic College ang huling kumpetisyon sa Taekwondo sa Cainta, Rizal Municipal Meet noong buwan Agosto. Ang naturang paligsahan ay ginanap sa Cainta Elementary School Gymnasium. Sila ay nakipagbuno sa mga kapwa atleta mula sa iba’t-ibang mga paaralan at ito nga’y kanilang napagtagumpayan. Sila ay nakakuha ng ng maraming medalya sa kumpetisyon ng Taekwondo at ang ilan ay magiging mga kinatawan para sa gaganaping Provincial Meet.
Narito ang listahan ng mga nagwagi: Ilagan, Ayel De Leon, Ian Allyson Toledo, Vincent Santos, Nicola Vidal, Trishia Mae Gatmaitan, Patricia Fabay, Mikhaela
- GOLD - GOLD - Silver - Silver - Silver - Bronze - GOLD
Ito ang listahan ng ilan sa ating mga atleta sa Taekwondo na napili upang kumatawan sa nalalapit na Provincial Meet:
Ian Allyson De Leon Mikhaela Fabay Ayel Ilagan