Ang Sitio 2024

Page 1


CaiSenians humakot ng medalya sa Athletics

Kumolekta

ginto at pilak ang mga atletang CaiSenians sa Athletics sa ginanap na 2024 United Central Luzon Invitational Track Meet.

balitangpangkalikasan

3

sundan sa

Pagpapatigil sa Kaliwa Dam hiling ng mga DumagatRemontado

Rey Oquendo

Tutol ang katutubong grupong Dumagat-Remontado Tribe na naninirahan sa bulubundukin ng Sierra Madre hinggil sa pagpapatayo ng ‘Kaliwa Mega Dam’ na aprobado ng Department of Environment and Natural ResourcesEnvironmental Management Bureau (DENR - EMB), mga naka-ambang epekto nito sa kanilang lupang ninuno layunin nilang tuldukan.

ANGSITIO

bantay ng bayan, bantay ng katotohanan

panlalawigan

USAD PAGONG

Nakaupo sa gilid ng creek ang isang batang residente ng floodway Cainta matapos ang pagbabaha na dulot ng bagyong Carina | Kuhang larawan ni Rebekah Denler

balitangpangkomunidad

Solusyon sa mabigat na traffic, tututukan ng MPSO

Tiniyak ng Cainta Municipal Protection and Safety Office (MPSO) na patuloy nilang tinutugunan ang mabagal na daloy ng trapiko sa Cainta Junction at Ortigas Avenue na epekto ng 3-4 ‘vehicular accident’ kada-araw sa nasabing mga kalsada.

Sa isang panayam, isiniwalat ni Police Master Sergeant Raymond Seguilla, Cainta MPSO, na may malaking epekto ang mga pangkalsadang insidenteng nagaganap kada-araw sa pag-andar ng trapiko sa nasabing mga kalsada bukod pa rito ang dahilan na buong tagaprobinsya ng Rizal ang dumadaan sa Ortigas Avenue araw-araw.

“Actually itong area natin, Ortigas Avenue ay considered as main tour of first, kung saan lahat ng commuter sa buong probinsiya ng Rizal ay d’yaan dumadaan,” aniya.

Dagdag dito, pinunto niya na tuwing 6:30 - 7:00 am ng umaga ang simula ng rush hour na nagdudulot ng moderate to heavy traffic na nagpapabagal ng takbo ng mga sasakyan.

“Nagsisimula tuwing 6:30 am to 7:00 am ang rush hour kasi sa pagpasok ng mga estudyante, mga taga munisipyo pati ganoon narin sa mga manggagawa sa private sectors, kaya congested talaga ang ating mga kalsada,” paglilinaw niya.

‘Makasaysayang’

baha naranasan sa iba’t ibang bahagi ng Rizal; Flood mitigation programs target matapos sa 2028 - Congressman Duavit

Jhon Rey Oquendo

Matapos manalanta ng Bagyong

Enteng sa bansa na nagbunsod sa ‘makasaysayang’ pagbabaha sa lalawigan ng Rizal, siniguro ni Congressman Jack Duavit na matatapos sa 2028 ang mga flood mitigation programs na sinimulan noong taong 2001.

Sa isang situation briefing kasama si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ipinahayag ni Duavit na ang istratehiya nila sa pagpapatupad ng programa ay “from down, going up” na nagsimula sa pagsasaayos ng mga drainage system na ipinantay sa sea level at sa kasalukuyan, kaunti na lamang ang kailangang tapusin kaugnay ng nasabing programa.

“We’ve been successful, these are some of the last few pieces na lang po as far as the mitigation is concerned and then we’re hoping in the — actually we’re pretty sure that by 2028 tapos na po lahat ito,” aniya.

Iba pang proyekto

Samantala, ipinagmalaki ng krongresista na dahil sa mga kasalukuyang flood control projects sa Cainta at sa mga karatig lugar nito, bumaba ang “flooding period” sa ibang lugar mula sa dating ilang araw patungo sa ilang oras na lamang.

Bukod dito, ibinida rin niya ang ‘ongoing’ na paglikha ng mga road dike bilang proteksyon sa coastal towns ng Taytay hanggang sa Binangonan laban sa ‘surges’ dulot ng mga bagyo.

Hiningi rin ng kongresista sa situation briefing ang approval ng pangulong Marcos upang masimulang muli at malaanan ng pondo ang flood

gate projects sa Cainta na na-postpone dahil sa isang moratorium bunsod ng pandemya.

“There’s a moratorium issued against the relocation of the residents. Kasi to be able to construct the floodgates,as well as the pumping stations there are areas that need relocation, hindi po ‘yan natuloy dahil naibalik ang pondo,” aniya. ‘Makasaysayang’ pagbabaha

Sa kabilang banda, inamin ni Governor Nina Ynares na makalipas ang ilang taong walang baha, hindi nila inaasahan ang lakas ng hagupit ng bagyong Enteng, inilahad niya na ang apat na araw na pagbuhos ng ulan ay katumbas na ng isang buwan na ulan tuwing “monsoon season” na siyang nagdulot ng malawakang pagbabaha.

“As to what the PAGASA Tanay station told us, the rain that came was — in four days, we got one month’s worth of rain. Malakas po talaga ‘yung bagsak ng tubig ngayon. Unfortunately, the damage is quite big,” aniya.

Gayunpaman, inisa-isa niya ang mga lubos na napinsalang lugar sa buong probinsiya na kinategoryang 'hardest hit areas', kabilang dito ang Cainta, Morong, Teresa, Rodriguez, at San Mateo.

“It is not just that na hindi usually binabaha sa amin nang ganyan kalaki, even Jalajala and Teresa, tinamaan po this time, bumaha po kami doon ngayon. Hindi sila usually binabaha,” giit niya. Mga numero

Kinurpirma ng gobernador na base sa tala, tinatayang 12 katao ang nasawi, ... sundan sa pahina 2

HARDEST HIT AREAS

Mapang nagpapakita ng mga purok sa Rizal na lubos na binaha at napinsala dahil sa bagyong Enteng

1 buwan

Katumbas ng isang buwan na ulan ang bumuhos sa Rizal sa loob ng apat ng araw dahil sa Bagyong Enteng.

12 na tao

Labing-dalawang katao ang nasawi, tatlo ang idineklarang “missing” at lima ang nasugatan dahil sa landslide at pagkalunod

300M

Tintayang 300 milyong piso ang pinsalang idinulot ng mga pagbabaha sa lalawigan ng Rizal

30M

Umabot sa 30 milyong piso ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura.

balitang
Jhon Rey Oquendo
Isang panloloko at pandaraya ang inilabas na datos ng National Economic Development Authority (NEDA) na 64 pesos pababa ang klasipikasyon ng isang Pilipino bilang ‘food poor’.
Sa Rehas ng POGO
Alamin kung ano ang kalakaran sa loob ng isang POGO hub sa perspektiba ng isang POGO worker.
LATHALAIN | pahina 09
ng
ISPORTS | pahina 20
Jhon
pahina
Karamihan sa mga lugar na ito ay kinokonsidera bilang matataas at mabubundok na purok sa Rizal gaya ng Morong, Rodriguez, Teresa, at San Mateo.
Cainta
Rodriguez
San Mateo Teresa Morong

WORk READY

balitangedukasyon

SHS Curriculum irerebisa ng DepEd;

Work immersion pahahabain para sa 'more employable grads'

Nakatakda nang iimplementa sa iba’t ibang paaralan sa buong bansa ang mga pagbabago sa kurikulum pang Senior High School (SHS) sa panibagong taong panuruan 2025-2026 upang mas maagang hubugin ang kahandaan sa trabaho ng mga magtatapos na mag-aaral.

Sa isang pribadong konsultasyon, tiniyak ni Sonny Angara, Department of Education (DepEd) Secretary at mga pinuno ng Private Senior High Schools (SHSs) and Technical Vocational Institutions (TVIs) na papalawigin nila ang kasulukuyang gawi sa pagtuturo at pag-aaral.

“Magiging mas simple at mas angkop sa pangangailangan ng mga industriya ang bagong Senior High School (SHS) curriculum para sa mas maraming employable grads,” aniya. Nakapaloob sa mga pagbabago, ang pagdaragdag ng nakalaang oras sa pagsasagawa ng work immersion sa bawat strand na magiging 320-640 oras ang dating 80-320 oras para dito na magiging ganap sa panibagong taong panuruan.

“Inaaasahang ipatutupad ito sa school year 2025-2026, alang-alang sa kahandaan sa trabaho ng mga magtatapos,” pagbibigay linaw pa ni Angara.

Kaugnay nito, mahigpit na ang nakalaang oras para sa iba’t ibang kategorya ng mga asignatura, nakapalood dito ang 80 na oras para sa isang semestre ng core subjects, 160 na oras para sa academic electives subject, 320 na oras sa isang taon

Kumukuha ng larawan si Jovert Panaligan, 12 TVL BAP Multi Media Trainee ng Cainta Senior High School bilang bahagi ng kanyang 'work immersion' | Kuhang larawan ni Alexis Maravillas

na Grade 11 TechPro electives at 320 ring oras para sa isang semestre ng Grade 12 TechPro electives.

“Hindi ako aagree dito ganon rin siguro ang ibang mga tao, kasi bitin ang mga school days para matapos ang ganiyang kadaming oras para sa immersion then marami pang topics sa bawat lesson na hindi kaya per day,” hinggil ni Rui John Pajimula, BAP Student na kasalukuyang may work immersion.

Bukod pa rito, iminumungkahi rin ng rebisyon ang pagdaragdag ng panibagong asignatura na nakatuon sa paghubog ng mga kinakailangang kasanayan ng pagiging isang manggagawa.

“Maganda na may panibagong subject (Work Ethics and Readiness), nakakatulong ito sa mga estudyante kung ano talaga ang kahalagahan ng pagkakaroon ng immersion at mapalawak nila ang kanilang time management para maadapt din nila ito sa susunod na mga taon,” ani pa niya.

Sa kabilang dako, nakatuon rin ang kagawaran upang magtalaga ng iba’t ibang paaralan na may kakayanang mag-offer ng dalawang lebel ng main subjects ang English, Science at Math.

Makikita rito ang General Subject at Advance Subject kung saan lilinanging mabuti ng paaralan ang kasalukuyang kakayanan ng bawat mag-aaral kung saan sila nabibilang upang mas matutukan ang mas mataas na diskusyon sa mga paksa gaya sa ibang mga bansa.

Cainteños: 64 pesos 'food poor' threshold, hindi makatotohanan

Kaye Tamayo

Umalma ang ilang mga manggagawa, tindera, at guro ng Cainta sa inilabas na datos ng National Economic and Development Authority (NEDA) kung saan nakasaad na sapat na ang badyet na PHP 64 sa loob ng isang araw upang hindi matawag na 'food poor' ang isang indibidwal.

Sa isang panayam, kinuwestyon ni Raymond, isang merchandiser sa SM East Ortigas, ang datos na inilabas ng NEDA, pinunto niya na hindi ito akma sa presyo ng mga bilihin na makikita sa kasalukuyan.

“Saan ka nakakita ng noodles na seven pesos? Yung seven pesos na yun expire na yata yun, yung seven pesos na noodles. Sa palagay mo ba puro na lang noodles kakainin mo araw-araw?,” aniya. Gayundin, sinabi ni Nenita, isang tindera ng isda sa Karangalan Market na hindi sapat ang halagang PHP 64 para sa pagkain dahil sa nararanasang pagtaas presyo ng mga bilihin sa bansa.

Idinagdag din ni Nenita sa panayam na kaysa iba ang atupagin ng gobyerno, ang dapat nilang problemahin ay kung paano magtutugunan ang kahirapan at kung paano mapababa ang presyo ng bilihin.

Iminungkahi rin niya na ang dapat na minimum na badyet na sasapat sa loob ng isang araw upang ang isang tao ay makakain ng tatlong beses ay PHP 150.

Dagdag pa rito, sinabi ni Jess Sausora, isang guro mula sa paaralang Cainta Senior High School na hindi sapat ang halagang PHP 64 para sa isang pagkain.

“Kulang yung 64 pesos para sa isang meal kasi ilang beses ba kumakain ang tao sa isang araw? Bonus nalang yung apat, lima, kailangan kasi tatlo diba,” aniya.

Dagdag pa ni Sausora na kung dati ang limang piso ay marami nang nararating, ngayon kahit kape at asukal ay hindi na mapagkakasya dahil ang kape na stick ay nagkakahalaga na ng tatlong piso, at ang asukal na tingi ay umaabot sa tatlo hangggang limang piso ang halaga.

Catch-up Fridays solusyon sa mababang resulta sa PISA - CSHS GLC

Jhon Rey Oquendo

Pabor ang mga guro ng Cainta Senior High School (CSHS) sa malawakang intensibong pagsasagawa ng ‘Catch-up Fridays’ sa nasabing paaralan upang maging solusyon sa mababang kaalaman at kakayahan ng magaaral.

Batay sa datos, makikitang pangsampu sa pinakamababang pwesto ang Pilipinas mula sa 81 na lahat ng bansang nakilahok sa 2022 Programme for International Student Assessment (PISA) sa iba't ibang asignatura ng ‘reading’

(pagbabasa), ‘mathematics’ (sipnayan) at ‘science’ (agham).

Kaugnay nito, pinunto ni John Ray Obina, Grade 11 Technical-VocationalLivelihood (TVL) Grade Level Coordinator (GLC) na tuwing Biyernes ang araw kung saan dito muling binabalikbalikan ang mga natutunang aralin makalipas ang Lunes hanggang Biyernes.

“Yuong ginagawang intervention ng school upang ma-address yung (learning) gap para sa reading comprehension ng school, as is na yung Friday whereas yung lessons na gagawin ay connected sa mga

limang taong sugatan at tatlo ang idineklarang “missing” dahil sa landslide at pagkalunod.

Dagdag pa rito, sinabi niyang malaking ang pinsalang naidulot ng bagyo sa sektor ng ekonomiya, higit sa PHP 300 milyon ang tinatayang pinsala sa imprastraktura at PHP 30 milyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura. Samantala, naitala rin na 33,480 katao ang inilikas sa mga evacuation center at nasa 452 ang nasirang tahanan.

“We had 22 active evacuation centers in Antipolo with 429 families, eight in Montalban with 587 families; four in Morong with 47 families,” dagdag pa niya.

Sanhi

Ayon sa mga eksperto, isa sa mga sanhi ng pagbabaha sa Rizal ang urbanisasyon, pinaliwanag na nila na ang sementadong mga kalsada ay implikasyong hindi na nakakatagos ang tubig sa lupa na nagreresulta upang lumakas ang ragasa ng naipong tubig bilang flood water or run offs na didiretso sa mabababang lugar.

“Urbanization affects floods, because the amount of

lessons from Monday to Thursday as an intervention of the learnings,” hinggil pa ng G11 TVL GLC.

Bukod dito, isiniwalat ni Marissa Cristobal, CSHS Guidance Counselor na nakatuon ang mga guro sa pagiintegrate ng ‘values’ sa nakaraang lessons upang mas lalong linangin ang kanilang mga natutuhan.

“Tuwing Friday ay ini-integrate ang values, may mga subjects like: accountability, intercultural understanding at marami pa,” aniya.

rainfall in the area will no longer infiltrate the ground but will be converted to flood water or run off causing increased water volume and velocity to lower grounds,” saad ni Dr. Carlos David, DENR Undersecretary for Integrated Environmental Science Kaugnay nito, pinunto ni Antipolo Mayor Jun Ynares, na masasabing pagmimina, urbanisasyon, pagkalbo ng kagubatan, siltation, o hindi tamang pagpaplano ng paggamit ng lupa ang mga sanhi sa hindi inaasahang pagbaha sa Rizal.

“But to be honest, Mr. President, bulag po kami dito sa LGU, posible po na ‘yan ang mga sanhi,” mariin niyang sabi.

Plano ng pamahalaan

Ayon sa nakatakdang plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pangunguna ni Secretary Manuel Banoan, prinesenta nila ang tatlo pang dam na hinahanda na sa konstruksyon sa taas na bahagi ng Wawa Dam na inaasahang makakatulong sa pagkontrol

ng dagsa ng tubig.

“So, we have to relocate three dams now in the upper portion so that we will also catch actually the estimated 80 million cubic meters that have to be stored upstream,” panukala niya.

Dagdag dito, iminungkahi ni Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kanilang planong pagtatanim ng mga puno upang matugunan ang pagbaha hindi lang sa Rizal kundi pati na rin sa buong bansa.

“Yesterday we released the information about our targeted reforestation for upper Marikina-Rizal, where we introduced 3 million trees to the provincial landscape,” paliwanag niya.

Ayon pa sa DENR, PHP 160 milyon ang gagastusin upang masakatuparan ang plano, ngunit nirekomenda niya na sa tulong ng kawani ng pamahalaan at tulong ng ibang pribadong sektor, magdudulot ng mas mura at mabilis na pagsasagawa ng ‘reforestation’.

mula sa pahina 01

Pagpapatigil sa Kaliwa Dam hiling ng mga Dumagat-Remontado

TNagsasagawa ng kilos protesta ang tribo ng DumagatRemontado bilang pagtutol sa konstruksyon ng Kaliwa Dam at upang himukin ang DENR na kanselahin ang Environmental Compliance Certificate (ECC) ng nasabing proyekto.| Kuhang larawan ni Roselle Ochobillo

utol ang katutubong grupong Dumagat-Remontado Tribe na naninirahan sa bulubundukin ng Sierra Madre hinggil sa pagpapatayo ng ‘Kaliwa Mega Dam’ na aprobado ng Department of Environment and Natural ResourcesEnvironmental Management Bureau (DENR - EMB), mga naka-ambang epekto nito sa kanilang lupang ninuno layunin nilang tuldukan.

Batay sa ulat, nagkilos protesta ang sanib pwersang etnikong grupo mula sa Quezon at Rizal upang ipabatid na hindi sila sang-ayon sa paggawad ng DENR-EMB sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS),

sangay na responsable sa ‘pag-supply’ ng tubig sa Metro Manila at kalapit na mga probinsya ng Environmental Compliance Certificate (ECC), isang katibayan upang ipagpatuloy ang isang noong nakabinbing proyekto.

“Katutubo, aayaw sa dam – Ayaw naming lumubog, stop kaliwa dam, save Sierra Madre,” hiyaw panawagan ng mga Dumagat-Remontado sa tapat ng tarangkahan ng DENR.

Dagdag dito, salungat sa hakbangin ng DENR, dinuruan ng nganga ng mga katutubo ang isang telang simbolo ng ECC upang ipakitang ibinabasura nila ang pagpapatuloy sa paggawa ng Kaliwa Dam

2000-hectare solar panel project, itinatayo sa Baras;

sa kanilang tirahan na ‘sisira sa kalikasan, katubigan, at kanilang tirahan.’

“Hindi nakakuha ng kaukulang permiso ang mga kawani ng DENR ukol sa pagbigay nito ng ECC para upang ituloy ang paggawa ng Kaliwa Dam, huwag na po sila mag bingi bingihan, itigil na nila ang pagpapatayo nito,” pag-agaw pansin ni William Perez, isang lider ng Dumagat sa General Nakar, Quezon.

Bukod dito, pinunto niya ang mga masasamang dulot ng pagpapatayo ng dam sa kalikasan, ilan rito ang epekto sa kanilang yamang tubig at kalupaan, isiniwalat din niya na ang kanilang kabundukan ng Sierra Madre ang pananggalang ng mga kalapit

na bayan kontra sa malalakas na hagupit ng mga bagyo.

“Ancestral domain po namin ang mga sinisira ng mga Chinese lalo na yung aming mayamang agos kung saan dito kumuha ang mga pagkain ng aming mga ninuno,” ani pa niya.

Gayundin, ipinaliwanag niya na hindi sila tutol sa kaunlaran sa kabila ng kanilang mga protesta ngunit kailangan nilang ipagsigawan ang kanilang pinaglalaban para sa tirahang pamana pa ng kanilang mga ninuno.

“Hindi po kami tutol sa kaunlaran pasubalit ang kaunlaran dapat ay walang nasasagasaan,” wika pa niya.

Nakaambang kawalan sa kabuhayan pinangangambahan ng mga mangingisda ng Rizal

Sheree Maye De Guzman

Nanawagan ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) at ilang mangingisda sa Laguna Lake Development Authority (LLDA) ukol sa kanilang pagtutol sa 2,000 ektaryang ‘floating solar power project’ sa Laguna de Bay na makakaapekto umano sa kanilang hanapbuhay.

Sa isang panayam, ipinahayag ni PAMALAKAYA president Alejandro Alcores na malilimitahan ng nasabing proyekto ang kanilang pangisdaan at dagdag ito sa gastos sa gasolina dahil imbis

na direkta silang pupunta sa kanilang direksyon ay liligoy pa sila ng ilang ektarya.

“Napag-alaman namin sa lokal na pamahalaan na hindi lamang mahaharangan ng mga floating solar panel ang daanan ng mga bangka, kundi sasaklawin ng proyekto maging ang mga daungan. Walang alternatibong nabanggit para sa mga apektadong mangingisda ng Lawa ng Laguna,” saad niya.

Ipinahayag din ni Crispin Manese, isang mangingisda ang kaniyang takot dahil hindi raw sigurado kung ligtas ba ang mga ‘floating solar power.’

“Hindi kami nakakasiguro kung gaano

PHP21-75

Inaasahang halaga ng umento sa sahod para sa mga trabahador ng

katibay ang solar na yan, hindi namin alam kung yan ay aming madisgrasya, mabangga, maaksidente namin,” paliwanag niya.

Saad naman ng LLDA ay nagkaroon ng konsultasyon sa mga mangingisda ukol sa proyekto na agad itinanggi ng PAMALAKAYA.

“Nakakadismaya na hindi na nga kami nakonsulta bago planuhin ang proyekto na sasaklaw sa aming pangisdaan, hindi pa isinama sa plano kung paano ang kabuhayan ng daan-daang maliliit na mangingisda sa bayan ng Bay,” pahayag ni Alcores.

Dagdag pa nila, apektado ng ‘floating

solar power project’ ang kabuhayan ng higit 8,000 mangingisda at 2,000 aquaculture industry.

Sa kabilang banda, siniguro ng LLDA na may nakahandang solusyon para sa pinangangambahan ng mga mangingisda.

“Magtatayo ng parang hatchery or breeding ground cages doon sa ilalim para makapaglagay ng finger links and once na ready na for harvest and fully grown na ‘yong isda, eh pakakawalan siya for benefit din para may mahuli ‘yong mga nagoopen fishing natin,” paliwanag ni Mhai Dizon, LLDA renewable energy project coordinator.

Umento sa sahod ipinatupad sa CALABARZON - RTWPB

Sheree Maye De Guzman

Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang panukalang dagdag sahod sa pribadong sektor sa Region IV-A o CALABARZON.

Ayon sa ABS-CBN News, kinumpirma ng Department of Labor and Employment sa isang panayam ang taas-sahod at tinatayang tataas ng 21-75 piso ang arawang sahod ng mga manggagawa sa CALABARZON.

Batay sa inilabas na ‘wage order’ ng RTWPB, maglalaro ang minimum wage ng CALABARZON sa P450 hanggang P560 sa ‘non-agricultural sector’ habang P425 hanggang P500 sa ‘agricultural sector,’ at P425 sa mga ‘retail and service establishments’ na may mahigit na 10

empleyado.

Gayunpaman, sa kabila ng dagdag sahod ay umaalma ang mga Cainteños dahil hindi pa rin umano ito sapat sa pang-araw-araw na gastusin.

Sa isang panayam, kinuwestyon ni Aizhel, isang food crew, kung bakit hindi na lang gawing pantay ang sahod sa Maynila at CALABARZON gayong pareho lamang ng ginagawa ang bawat trabahador.

“Hindi rin [sapat], nagtataka nga ako, bakit hindi naiiba sa manila eh halos parehas lang kami ng trabaho? Bakit hindi na lang pantay ang Manila rate at provincial rate eh halos iisang trabaho lang ginagawa?" saad niya.

Sinang-ayunan naman ito ni Raymond, isang merchandiser sa

SM East, at kaniyang sinabi na may maitutulong pa rin ang dagdag sahod pero dapat gawing parehas na rin sa Manila rate.

“Medyo may tulong din… pero kung ipapatas ang rate sa Metro Manila, kasi magkalapit lang ang CALABARZON at Metro Manila, parehas lang din naman ng bilihin kaya dapat parehas na lang ‘yong rate,” pahayag niya.

Sa kabilang banda, dismayadong isiniwalat ni tatay Arbin, isang guwardiya sa mall, ang kaniyang karanasan sa pagtaas ng sahod dahil hindi umano nila nararamdaman ang nasabing karagdagan.

“Dapat ibigay nila ‘yon, kung anong nararapat sa mga manggagawa, kasi malaking tulong ‘yon” aniya.

mganumero

IP-Ok

Community: Industriya ng 'kabite' kailangan ng tamang suporta

NSumasayaw ang mga Igorot ng Cainta ng tradisyunal na "pattong dance" bilang parte ng ritwal na kanilang ginagawa tuwing pista ng Kanyaw o pista ng pasasalamat.

|Kuhang larawan ni Alexander Metante

anawagan ang mga lokal na Igorot, Indigenous People (IPs) ng Cainta sa pamunuan ng munisipalidad upang tulungan sila sa pagpapalawig ng kanilang tradisyunal na hanapbuhay ang ‘pagkakabite’ at ‘pagniniting.’

Sa isang panayam, ipinaalam ni Nanay Jackie, isang opisyales ng Igorot Village Organization Barangay San Juan, na ang ‘pagkakabite’ at pagtitinda ng mga ‘knitting products’ ang ilan sa mga pinagkukuhanan nila para sa araw-araw na tustusin na kinakailangang tutukan ng pamahalaan.

“Maganda lang dito sa community natin ay nagsasamasama ang mga nanay dito para lumikha ng trabaho, sila ay nagtitinda ng mga knitting products upang ibenta sa labas ng aming village, kaso lang sariling sikap kaming dalhin ito sa divisoria upang itinda,” aniya.

Dagdag dito, ipinaliwanag niya na isang tradisyunal at natatanging gawain ng mga Igorot ang pagkakabite kung saan pinagpapatong ng maigi ang mga bato upang gawing matibay na pader.

“Specialty ng mga Igorots ang kabite making, pagkakabite ng mga rocks na ina-assemble, ito ay hanapbuhay ng mga hindi naka-graduate — on call sila ng mga contractor na

taga rito rin,” paglilinaw niya.

Gayundin, pinunto nila na kinakailangang dagdagan ang pangkalusugang serbisyo sa mga health center sa nasabing lugar.

“Dito sa amin, mayroon kaming health center kung saan doon talaga kami unang tumatakbo if may mga sakit, pero kulang pa tayo ng newborn screening, need namin yon,” hinggil niya.

Kaugnay nito, ibinida niya na suportado at nakatutok sa ‘health sector’ ang Cainta lalo na't sa kanilang komunidad na may ‘house-to-house’ check up, libreng tuli at anti-rabies na serbisyo para sa kalusugan.

“Marami ang nangangailangan ng gamot talaga, pag wala talaga samin ay kumukuha kami sa center at meron naman sila doon, grateful kami doon,” paglilinaw niya.

Bukod dito, hinihiling nilang mababaan ang presyo ng ‘business permit’ upang magbukas pa ng iba’t ibang trabaho para sa kanilang komunidad.

“Sa ngayon 30,000 ang binabayad para lang sa permit, animo, sari sari store lang gagastos na kami non per year,” aniya.

Gayunpaman, humihingi ang komunidad ng mga Igorot na bigyang pansin ng pamahalaan ang kanilang nasasakupan sa iba’t ibang aspeto edukasyon, seguridad at

patas na karapatan para sa lahat sa nasabing bayan.

“Noong elementary pa lang ako ay poste na namin ‘yan sa kuryente, ngayon pahiga na ‘yan ng pahiga, hindi pa rin napapalitan – matagal na namin yang nilapit sa Meralco pero wala pa rin,” mariing giit pa ni Nanay Jackie. Higit pa rito, tawag pansin sa mga lokal ng Cainta ang kakulangan ng malinis na tubig bilang inumin ng mga magaaral sa mga pampublikong paaralan.

“Syempre may ibang bata na nakukulangan sa mga baon nila sa tubig tulad ng sa anak ko, kaya talaga imbes na bumili na nakaboteng mineral ay dapat may mga malilinis na tubig talaga sa mga paaralan,” panawagan pa niya. Kaugnay nito, binigyang diin niya na kinakailngan ayusin pa ang mga ‘learning materials’ na ginagamit ng mga bata tulad ng mga libro at pagtutok sa maayos na serbisyo ng mga hospital sa buong Cainta.

“Hospital natin, ay paki-ayos naman sana, hindi maiiwasan ang madaming pasyente ngunit ‘wag naman sana magkulang at mawalan ang mga nasasakupan sa mga bawat komunidad,” aniya.

Pinunto pa niya na malimit naman ang krimen sa kanilang komunidad ngunit kailngan pa ring pagtibayin ang lakas ng seguridad lalo na sa mga kalsada para sa mga komyuter at drayber.

Cainta Bibingka Vendors: Demand sa kakanin, bumaba

Ramdam ngayon ang matumal na bentahan sa industriya ng paggawa ng bibingka kumpara sa nakaraang mga taon, epekto ng mababang ‘demand rate’ at mataas na presyo ng mga sangkap tunguhing aksyunan ng bibingkero’t bibingkera sa Cainta.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Hermie Cruz Jr., namumuno sa Aling Kika’s Food Products at apo ni Aling Kika, na may malaking pagbabago sa ekonomiya ng

BALITANGPAMPAARALAN

mga kakanin ngayong taong kasalukuyan kumpara sa mga nakaraang taon.

“Dapat ngayong September, maganda na dapat ang bentahan pero parang ngayon, hindi na ganoon ka ok ang flow, mas kakaunti na ang demand ngayon,” paglilinaw niya.

Dagdag pa niya, malaki ang epekto ng pagbabagong ito sa kanilang kita dahil mas kakaunti ang mga mamimili ngayon.

“Hindi ganoon kalaki pero may epekto—mga 5% ang ibinaba ng kita namin. Hindi katulad ng dati,”

ani Hermie.

Bukod dito, ipinahayag niya na maaaring dahilan ang patuloy na implasyon na nararanasan sa bansa upang magtaas ang presyo ng bilihing kasangkapan ganoon na rin sa kanilang tinitinda.

“Bumabase kami sa mga bumibili, at ramdam namin na hindi na sila ganoon karami. Bumaba rin ang aming produksyon, hindi tulad dati na tumataas ang bentahan, mataas din ang produksyon,” giit niya.

Sa kabila nito, taliwas sa epektong dulot ng pagtaas ng

bilihin hindi pa rin sila nagtataas ng presyo ng bibingka kahit na tumaas ang presyo ng mga sangkap tulad ng bigas, malagkit, at asukal.

“Nag-aantay kami na bumaba ang presyo ng mga bilihin, pero sa ngayon bago kami mag-adjust ng presyo ng bibingka ay aalamin muna namin ano sasabihin ng mga suki namin,” dagdag ni Hermie.

Sa kabilang banda, ibang stratehiya naman ang ipinatutupad ng tindahan ni Aling Lourdes. Kasabay ng pagtaas ng presyo ng

mga sangkap ay nagtaas din sila ng presyo ng kanilang bibingka.

“Mahal na ang mga bilihin kaya itinaas din namin ang presyo. Mula sa P180, naging P250 na ang isang kahon ng bibingka,” ayon kay Angela, tindera sa Aling Lourdes.

Upang bigyang linaw, isinaad niya na nagbabago ang presyo ng bibingka depende sa sukat nito at binigyang diin niya na sa patuloy na pagtakbo ng oras, hindi naiiwasan na kinakailangang magtaas ng presyo ng kanilang ibinebenta.

Kaso ng bullying sa CSHS bumaba - Guidance Counselor

Jhon Rey Oquendo

I4

Samantala, isinaad ni Cristobal na makakatulong ang pagpapalaganap ng impormasyon upang malaman ng mag-aaral ang kapalit ng pagkakasangkot sa ‘bullying’ at kung paano ito maiiwasan. 6

siniwalat ng Cainta Senior High School (CSHS) Guidance Counselor ang epektibo at progresibong implementasyon ng ‘AntiBullying’ sa nasabing paaralan, pagbaba sa lagpas isang kwarter na mga kaso, patas na panghuhusga resulta ng pagpapatupad ng mas pina-iigting na polisiya. Batay sa School Based Report, makikita rito na nagtala noong taong 2022-2023 ng anim (6) na kaso at tumapon naman ang kaso ng mga ‘na-bubully’ ng apat (4) na nag-aakumula ng 33.33% na pagbaba noong nakaraang taon 2023-2024.

Sa isang panayam, kinumpirma ni Ma'am Marissa Cristobal, Guidance Counselor na patuloy na bumababa ang mga kaso ng ‘bullying’ sa mga nakaraang taon sa iba't ibang aspeto ng pisikal, sosyal, ‘gender-based’, cyberbullying at paghihiganti.

“Decreasing naman siya as of this year ang bullying kasi ay repeated na talaga para masabing bullying iyon, unlike sa once lang, cino-consider natin na hindi iyon bullying,” paglilinaw niya. Dagdag dito, isa sa pantay na paglilitis ang ilan sa layunin ng kanilang pag-papaigiting ng polisiya, hindi lamang nila

tintignan ang sinasabing ‘gumawa ng mali’ ngunit pati na rin ang ‘ginawan ng mali’.

“Parehas nating ini-ingatan ang nag-offend at sa na-offend, palagi nating tinitignan ang bigger picture itself, malay mo mayroon silang pinanggagalingan din, parehas silang nangangailangan ng tulong, we must see it in a bigger picture,” punto pa niya.

Kaye Tamayo
mganumero

EDITORYAL

Salbabidang butas

Malamyang aksyon at kakulangan ng agarang paghahanda ng gobyerno ang isa sa mga sanhi ng malawakang pagbaha at pagkasira ng mga imprastraktura ng tamaan ang probinsya ng Rizal ng bagyong Enteng nitong nagdaang unang linggo ng Setyembre.

Sa naganap na pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Marcos at Governor Nina Ynares, tinalakay ang naging pinsala ng Bagyong Enteng sa probinsya ng Rizal, matapos nitong magtala ng 300 milyong halaga ng pinsala sa imprastraktura at 30 milyon naman sa agrikultura.

Nakakapanlumo ang mga pangyayaring ito dahil sa laki ng pinsalang idinulot nito. Gaya na lamang ng maraming eskwelahan, tahanan, nasirang kabuhayan at bilang ng buhay na nakitil. Hindi biro ang 300 milyong pinsala, dahil kung tutuusin ang halagang ito ay pondo na ng isang opisina ng gobyerno. Nasaan na ang pangakong ‘disaster mitigation’?

Matatandaan pinirmahan ng Pangulo ang isang Executive Order noong nagdaang Abril 30, na naglalayon lumikha ng isang task force na tutugon sa mga sakuna na dala ng kalikasan sa pamamagitan ng paraan ng siyensiya. Kalakip pa ng EO na ito ang bilyonbilyong pondong gagamitin sa paggawa ng naturang task force.

Mayroon naman palang task force na inilaan para rito, ngunit bakit tila hindi nadarama ang aksyon ng mga ito? Sa mga itinalang datos, halos 12 milyong populasyon ng probinsya ng Rizal ang lubhang naapektuhan ng bagyo. Bukod pa rito, maraming kaso rin ang naitala ng pagkawala at pagkamatay ng mga residente dahil sa pagkalunod sa mataas na pagbaha.

Isa ang pagbaha sa napakalaking suliranin na kinakaharap ng bansa, halos ilang dekada ng nakalubog ang bansa sa usaping ito, tulad na lamang ng mga nangyari sa probinsya ng Rizal pati sa mga karatig nito. Kaya nagmistulang inaagos na rin ang nabubulok na sistema ng gobyerno sa pagharap sa mga ganitong usapin.

Gayunpaman, ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR)

Sec. Maria Antonia Yulo Loyzaga, isa sa mga proyekto ng naturang kagawaran ay ang pagtatanim ng puno upang mapigil ang malubhang pagbaha sa mga probinsya. Ayon naman kay Rizal Rep. Dino Tanjuatco, isa sa mga kailangan ng probinsya ay ang pagkakaroon ng mas maayos na ‘drainage system’ upang magkaroon ng maalwang daluyan ang tubig at maiwasan ang pag-apaw nito.

Mayroon naman palang mga proyekto ang mga kagawaran at sangay ng gobyerno, bakit kung kailan tapos na ang sakuna saka naman sila aaksyon? Tulad na lang ng nangyari sa munisipalidad ng Rizal gaya ng Cainta, halos lahat ng barangay ay lubog sa baha.

Ilang dekada nang lubog ang bansa sa suliranin ng walang habas na pagbaha na kumikitil ng maraming bilang ng buhay. Huwag namang hayaang makita ng susunod na henerasyon ang patuloy na bulok na sistema ng gobyerno. Tila nagbibigay ng isang salbabida ang pamahalaan sa mga tao ngunit ito ay butas, dahil sila ay naghahain ng mga proyekto kung kailan tapos na ang pinsala ng suliranin. Ano pang saysay ng salbabida, kung wala ng ililigtas?

Hinagpis ng Manggagawa

Walang malaking epekto sa buhay ng mga

Pilipino ang pagtataas ng 21 hanggang 75 na piso lamang sa sweldo ng mga manggagawa na nagtratrabaho sa rehiyon ng CALABARZON dahil tumataliwas dito ang walang tigil na pagtaas ng presyo.

Sa naging panayam ng Department of Labor and Employment, inihayag nito na magkakaroon ng taas-sahod sa arawang sweldo ng mga manggagawa sa rehiyon ng CALABARZON na tinatayang tataas ng 21 hanggang 75 na piso. Ayon pa rito, ang naturang taas-sahod ay eepekto sa Setyembre 30, 2024.

Hindi makatwiran ang pagtataas na ito. Alam naman ng lahat na grabe ang paglobo ng mga presyo ng bilihin sa kasalukuyan, para saan pa ang taas-sahod kung mapupunta rin sa gastusin ang mga ito. Bakit hindi na lang ipantay sa 'manila rate' at 'provincial rate' ang taas-sahod kung iisang trabaho lang naman ang ginagawa?

Sa pagpapalawak, 450 hanggang 560 na piso ang inaasahang magiging sahod ng mga nagtratrabaho sa mga 'non-agricultural' na sektor ng lipunan at 425 na piso naman sa 'retail and sector service establishments' na kung ikukumpara sa minimum na sahod sa Maynila na 645 na piso, tila nakakapagduda ang pagitan ng dalawa.

Kung titingnan ang kasalukuyang kalagayan ng mga gastusin sa bansa, tila ang pagtataas na ito ay walang epekto o mabuting dulot sa buhay ng mga Pilipino. Ano'ng gagawin sa 21 na halaga ng salapi, kung hindi pa ito sasapat para sa isang kilo ng bigas? Hindi rin natugunan ang problema.

Sa kabilang banda, magsisilbing tulong din naman ito, kung tutuusin malaking bagay na rin sa mga Pilipino ito. Ngunit kung mas titingnan ng mas mabuti ang sitwasyon, palaging mayroong katanungan sa isip ng mga Pilipino, dahil iisang trabaho lang naman ang ginagawa, ngunit magkaiba ng sweldo. Nagiging batayan ba ang estado ng lugar sa paghahanap-buhay ng mga Pilipino?

Nawa'y marinig ng gobyerno ang hinaing ng taong bayan. Sana kahit sa simpleng sweldo maipakita ang pagkakapantay-pantay.

Nawa'y hindi maging batayan ang lugar ng trabaho sa halaga ng sweldo ng isang tao. Pare-pareho lang naman na naghahanap-buhay at nagpupursigi para kumita ng salapi. Walang saysay ang pagtataas ng sweldo, kung hindi pipigilan ang pagtaas ng presyo. Kailangan ay panatilihin ang balanse sa bawat bagay, upang ang pinto ng pagunlad ay magbukas.

DPAG-USAPAN NATIN

Backbone ng Luzon, kailangan ng proteksyon!

Jhon Rey Oquendo

apat na mabigyang aksyon ang nanganganib na kalagayan ng kilalang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas o kung tawagin ay "Sierra Madre."

Nakaraan lamang, sinalanta ng bagyong “Enteng” ang buong pakanluranghilagang parte ng Pilipinas na siyang nagdulot ng isang makasaysayang pagbaha sa buong lalawigan ng Rizal.

Batay sa datos mula kay Rizal Governor Nina Ynares, tinatayang 12 katao ang nasawi, limang tao ang sugatan at tatlo ang idineklarang “missing” dahil sa landslide at pagkalunod bunga ng bagyong Enteng.

Higit pa rito, malaki ang pinsalang naidulot ng bagyo sa sektor ng ekonomiya, tinatalang nasa PHP 300 milyon ang pinsala sa imprastraktura at PHP 30 milyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura. Naitala rin na 33,480 katao ang inilikas sa mga evacuation center at nasa 452 ang nasirang tahanan dahil pa rin sa delubyong dala ng bagyong “Enteng”.

Nagsisitaasang numero na sa lalawigan pa lamang ng Rizal, masasabing sa tulong ng naghahabaang Sierra Madre ay nalimitahan pa ang posibleng pinsalang maidudulot ng nasabing bagyo. Hindi lamang ito ang maaaring sumalanta sa ating bansa na halos taon taong nakakaranas ng malalakas ng bagyo dahil kalapit tayo sa pasipikong karagatan, paano na kaya kung patag na ang mga bulubundukin, paano na ang mga buhay pang tutubusin?

Bilang paglilinaw, ang Sierra Madre ay tinaguriang "backbone" ng Luzon sapagkat ito ay nagsisilbing proteksyon laban sa unos, sinasalo ng mga matatayog na bulubundukin ang mga malalakas na hangin na dala ng mga bagyo galing pasipiko. Ngunit, kaliwa't kanan ang mga aktibidad ng mga tao na sumisira sa natural nitong kagandahan.

Ang bulubundukin ay nasa ilalim ng banta. Matagal na itong pinagbantaan ng mga gawaing gawa ng mga tao at industriyalisasyon. Kabilang na rito ang ilegal na pagmimina. Ito ang ancestral domain ng Agta-Dumagat-Remontado indigenous group. Binubuo rin ito ng maraming watershed para sa mga lupang pang-agrikultura.

Kung kaya naman, hindi lamang proteksyon sa bagyo ang hatid na benepisyo nito sa mga Pilipino. Sakaling tuluyan itong masira ay maraming maaapektuhan kabilang na ang kultura ng mga katutubo at ang kabuhayan ng mga magsasaka. Bagama't may ilang mga batas pang-kapaligiran na nasa posisyon na nagsisilbing mga patnubay para sa pangangasiwa at paggamit ng mga kagubatan sa Pilipinas, hindi pa rin sapat ang mga ito upang matiyak ang seguridad at pangangalaga ng mga bulubundukin at biodiversity ng bansa.

Kaya naman, kritikal na ipagpatuloy ang panawagan para sa konserbasyon ng hindi mapapalitan at napakahalagang ito sa ating kapaligiran. Sa panahon ng hagupit ng bagyo, ito ang pawang sumalo kung kaya't ngayon, marapat na tayo naman ang magbalik tulong ng proteksyon. Bilang mamamayang maka-kalikasan, pahalagahan natin ito at ituring na parang ginto. Hindi dapat abusuhin, bagkus ay lalong dapat ingatan at pagyamanin. Para sa ating pinakamamahal na bulubundukin; Sierra Madre ay sagipin.

MMinamantsahang hustisya

istulang kawalan ng pagpapahalaga sa ating konstitusyon ang ginawang pagtrato nina Department of the Interior Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa naging paghuli sa puganteng dismissed mayor Alice Guo.

Nitong nagdaang Setyembre 6, 2024, naiturn-over na si dismissed mayor Alice Guo sa awtoridad ng Pilipinas matapos mahuli ng mga Indonesian police noong Setyembre 3, 2024 sa Jakarta, Indonesia. Umani ng mga negatibong komento ang naging paghuli matapos maglabas ng isang kontrobersyal na litrato na naka 'pose' at nagseselfie pa si Alice Guo rito.

Hindi makatarungan ang ginawa nina Sec. Abalos at Gen. Marbil sa isang puganteng tulad ni Guo. Matapos niyang takasan ang batas, siya ay tratratuhin na parang isang artista. Pagpapakita ito ng hindi pagkakapantay ng trato sa bawat mamamayan. Kung ang hinuli ay isang ordinaryong tao lamang, tiyak na ito ay gagamitan ng pwersa upang malagyan lamang ng posas. Ngunit sa sitwasyon ni Guo ay iba, tila naging isang 'reunion' pa ang pagkahuli sa kanya.

Sa paglilinaw, sinabi ni Sec. Abalos tungkol sa kontrobersyal na litrato nilang tatlo ni Guo, hindi raw nila alam na 'nagpapa-cute' si Guo noong mga panahon na iyon. Gayunpaman, hindi sapat ang naging katwiran ni Abalos dito, dahil kung titingnan ang litrato makikita na silang tatlo ay nakangiti pa. Paanong masasabi na hindi nila alam na 'naka-pose’' si Guo maging sila ay nakangiti sa kamera? Hindi ba't dapat ang isang puganteng tulad ni Guo ay hinaharap nila bilang isang seryosong kriminal?

Kung tutuusin, nararapat lang na maikulong tulad ng ordinaryong akusado si Guo upang patunayan na tunay na ngang walang nakatataas at nakalalamang sa batas. Kahit ang isang opisyal ng gobyerno na tulad niya, kung lalabag sa batas, marapat lang na ikulong tulad ng isang ordinaryong tao.

Ipinagtanggol ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging kilos nina Sec. Abalos at Gen. Marbil. Giit pa nito, parte na raw ito ng bagong kultura ng mga Pilipino at sinabi pa na ang Pilipinas ay ang "Selfie Capital of the World". Nakatatawang isipin, na ang mismong gobyerno ay pinagtatakpan ang mga baluktot nitong kilos. Kahit mismong pangulo ng bansa, tila pinagkakatwiranan pa ang madulas na pagtrato sa isang pugante. Bakit hindi na lang niya ito kondenahin?

Sa kabilang banda, ang pagkahuli kay Guo at ang kilos nina Sec. Abalos ay isa ring magandang pangitain na talamak talaga ang nangyayaring 'special treatment' hindi lamang kay Guo, kundi pati na rin sa mga kriminal na nasa posisyon o 'yung mga kriminal na mayayaman. Tila totoo ang linya ng isang kanta, "habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok, hindi matatapos itong gulong", na nagpapahiwatig na hanggang ang isang tao ay may kapangyarihan at pera, kaya niyang manipulahin pati ang mismong batas.

Hindi na bago ang mga ganitong usapin sa bansa. Ilang dekada nang talamak ang lasong ito ngunit patuloy kayong nagbubulag-bulagan. Tulad ng sabi ni Andres Bonifacio, huwag niyong hayaang kayo'y masilaw ng makinang na liwanag, kundi pagmamahal sa bayan ang mangibabaw. Huwag niyong hayaan manipulahin kayo ng salapi, dahil ang pera ay nauubos ngunit ang pagmamahal sa bayan ay habang buhay na mananatili.

Ang konstitusyon ay isang instrumento upang mapanatili ang pagkakapantaypantay ng mga tao sa bansa. Ngunit kung ito ay maaabuso at mamantsahan ng mga makapangyarihang mga tao, paano na ang bayan? Tulad na lamang ng ginawa na pagtrato ni Sec. Abalos sa puganteng si Guo, isa itong paglason sa hustisya, dahil hindi ito makatarungan. Nagkakaroon ng pagmamanipula sa hustisya dahil sa pagkasilaw sa kinang ng tukso ng salapi. Hahayaan na lang ba ninyong mawala ang kalayaan at pagkakapantay-pantay na matagal na ipinaglaban ng mga bayani ng ating kasaysayan? Kayo'y magkaisa sa kung ano ang makatwiran. Hahayaan mo bang maging batayan ang katayuan sa buhay, sa harap ng batas?

Liham sa Patnugutan

Lider o Clout Chaser?

Sa Patnugutan ng Ang Sitio:

Sa loob ng isang paaralan, ang mga opisyal ay itinuturing na mga pinuno na dapat magpakita ng tamang asal at mabuting halimbawa. Ngunit, hindi maiiwasang makaranas ng mga sitwasyon kung saan ang ilang mga opisyal ay ginagamit lamang ang kanilang posisyon upang makamit ang kapangyarihan, sa halip na sumunod sa kanilang responsibilidad bilang mga lider. Sa halip na maging modelo ng mabuting asal at pagkilos, ipinapakita nila ang mga ugali na hindi nararapat sa isang tunay na pinuno.

Ang isang lider ay hindi lamang sa posisyong hinahawakan nasusukat, kundi sa mga gawain at intensyon. Ang tunay na lider ay hindi lamang nakatuon sa sariling interes, kundi sa ikabubuti ng mga kasama at ng buong komunidad. Sa ganitong diwa, nakakalungkot na makita ang ilang opisyal na gumagamit ng kanilang katayuan upang ipakita ang kapangyarihan, sa halip na magsilbing inspirasyon sa iba.

Dagdag pa rito, nais ko ring bigyang-pansin ang maling pananaw ng ilang mga mag-aaral patungkol sa pagiging aktibo sa klase o sa mga gawain ng seksyon. Hindi dapat husgahan ang isang estudyante bilang bidabida o sipsip dahil lamang sa kanyang pagkilos para sa kapakanan ng iba. Maaaring ang simpleng layunin ng estudyanteng ito ay tumulong at maging bahagi ng positibong pagbabago sa kanilang grupo o paaralan. Hindi dapat maging hadlang ang kawalan ng titulo o posisyon upang makapag-ambag at kumilos sa klase

Lunas sa Lason

Panahon na upang ipatupad ang diborsyo sa Pilipinas na iminumungkahi ng Gabriela Women's Party at Divorce for the Philippines Now dahil ito ang magsisilbing lunas sa nalason at nakasasakal na relasyon ng mag-asawa.

Sa nagdaang pagpupulong ng Gabriela Women's Party at Divorce for the Philippines Now, tinalakay ng dalawang samahan ang kahalagahan ng pagpapatupad ng diborsyo sa bansa. Ayon sa kanila, ang diborsyo ay isang paraan upang makamit ang tunay na kaligayahan at kalayaan mula sa “dysfunctional marriage”.

Tunay na lunas sa ginawang epidemya ng mga saradong pag-iisip ang diborsyo dahil mabibigyan nito ng pagkakataon ng pagpipilian ang mga mag-asawang nakararanas ng masalimuot na relasyon sa loob ng isang tahanan. Marahil ang kasal ay isang sagradong pangyayari na panghabang-buhay na paninindigan ng babae at lalaki, ngunit hindi lahat ay nauuwi sa magandang istorya.

Marami ang nakararanas ng hindi magandang kinahahantungan ng relasyon. Pagkasira ng pamilya ang karaniwang nangyayari sa karamihan. Ngunit, hindi ba't mas lalong masisira ang relasyon kung hindi pakakawalan ang nalantang pagmamahalan ng dalawang mag-asawa?

Gayunpaman, iisa lamang ang naging sigaw ng naturang mga samahan. Kanilang isinisigaw na kailangang makinig ng gobyerno sa mismong mga Pilipino, at hindi lamang dumepende sa mga datos ng mga pag-aaral. Dahil mga mamamayan mismo ang nakararanas ng tunay na suliranin.

Kung matatandaan, noong nagdaang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hindi nabanggit at wala sa prayoridad ng pangulo ang pagsasabatas ng diborsyo. Bagaman ang Pilipinas na lamang bukod sa Vatican ang wala pang diborsyo sa kani-kanilang bansa, isa itong mensahe na tunay na mahina ang sistema ng gobyerno ng bayang Pilipinas.

Marami ang tumututol sa nasabing diborsyo dahil ang Pilipinas daw ay isang katolikong bansa. Ngunit magkaiba at hiwalay ang kapangyarihan ng pamahalaan sa simbahan, kung kaya't bakit hindi magawa ng gobyerno na isabatas ito, kung ito ang makapagbibigay ng tunay na solusyon para sa matagal nang usapin ng ‘domestic violence’?

Hayaan na dapat ang diborsyo ang magsilbing lunas sa sakit ng nakasasakal na pagsasama na nararanasan ng mga naabusong Pilipino dahil sa epekto ng nalasong pagmamahalan. Marapat na bigyan ng “second chance” ang mga nasa mapang-abusong relasyon upang makawala sila tanikala ng hindi na gumaganang relasyon.

Ilang mga pinuno na ang nagdaan sa upuan ng kapangyarihan, ngunit ang isyu ng kagutuman ay patuloy pa ring nararanasan. Ilang mga pangako na ang napako ngunit ang pagiging matapat sa mga tao ay hindi pa rin nararanasan. Hanggang kailan maghihintay ang mga mamamayan?

KOLUM
Iginuhit ni: John Vincent Cordovez

NEDAya I

sang panloloko at pandaraya ang inilabas na datos ng National Economic Development Authority (NEDA) na 64 pesos pababa ang klasipikasyon ng isang Pilipino bilang ‘food poor’.

Sa naging pagdinig ng Senado, sinabi ng NEDA na ang isang Pilipino na mayroong badyet na 64 pesos pababa ay matatawag na ‘food poor’. Umani naman ito ng mga negatibong suwestiyon galing sa mga senador. Isang panlilinlang ang paglalabas ng datos na ito. Kahit ang isang normal na Pilipino ay magugulat sa naturang datos, dahil alam naman ng mga tao na sa taas ng mga bilihin ngayon ay hindi kakasya sa isang buong araw ang 64 pesos. Bakit kailangang maglabas ng NEDA ng walang katuturang datos kung taliwas ito sa nararanasan ng buong bansa?

Sa pagpapalawak, sinabi ng IBON foundation na 90 pesos ang tunay na basehan ng Pilipinong nasa klasipikasyon ng ‘food poor’. Ayon pa kay Sonny Africa, kasapi ng naturang grupo, ang 90 pesos na ito ay kulang pa, dahil kung tutuusin ay tipid na raw ito.

Sa paglilinaw, may punto rito ang IBON foundation, dahil paano nga ba talaga kakasya ang 64 pesos sa isang araw, kung ang isang kilong bigas pa lamang ay humigit kumulang 64 pesos na. Ano na lamang ang kanilang ihahain bilang ulam, asin?

Sa ibang sektor naman ng lipunan, ang Bantay Bigas, isang samahang nagbabantay sa paggalaw ng presyo ng bigas, ay hinamon ang NEDA na pumunta sa palengke at mamili gamit ang 64 pesos at nang kanilang makita kung gaano karami ang kanilang mabibili sa halagang 64 pesos. Sa karagdagan, ayon pa kay Senador Nancy Binay, panahon na para muling suriin at tingnan ang mga presyo upang magkaroon ng pagsasaayos sa mga datos.

NSamakatuwid, tunay na mayroong kahinahinala sa ginawa ng NEDA, dahil iba’t ibang sektor na ng lipunan ang umaalma sa datos na inilabas nila. Tunay nga na panahon na para muling suriin at pag-aralan ang presyo ng mga bilihin upang ang mga datos na kanilang ilalabas ay tumugma na ayon sa kalagayan ng bansa. Hindi ba ninyo naisip, na kung ang maliit na sangay ng pamahalaan na NEDA ay nagkakamali sa kanilang mga datos, paano pa ang ang mismong gobyerno? Hindi kaya’t noong una pa lamang ay niloloko na nila kayo? Sa kabilang banda, kahit papaano, isang magandang galaw rin ang ginawa ng NEDA na ito, dahil sa kamaliang ito magigising ang gobyerno sa kakulangan ng aksyon na kanilang ibinibigay sa mga mamamayan, kung kaya’t nararanasan ng mga Pilipino ang ganitong uri ng isyu.

Dagdag pa rito, isa rin itong pahiwatig sa mga mamamayan na ang salitang ‘transparency’ ay talagang nawawala sa gobyerno. Hindi pa ba magigising ang mga Pilipino?

Ilang mga pinuno na ang nagdaan sa upuan ng kapangyarihan, ngunit ang isyu ng kagutuman ay patuloy pa ring nararanasan. Ilang mga pangako na ang napako ngunit ang pagiging matapat sa mga tao ay hindi pa rin nararanasan. Hanggang kailan maghihintay ang mga mamamayan?

Ito na ang panahon ng paggising ng mga tao. Ginigising na kayo ng mga kabaluktutan na kilos ng mga opisyal sa gobyerno. Nasa sa inyo kung patuloy kayong magtutulug-tulugan o gigising upang tumindig sa kung ano ang nararapat para sa mamamayan. Nasa sarili niyo ang tunay na kilos. Kayo ay magkaisa dahil iyan lang ang susi sa pinto ng pag-unlad. Papayag ka ba, kung niloloko ka na nila noong una pa lamang?

ATING ALAMIN

POGO: Perwisyo o Benepisyo?

Fatima Kate Delos Santos

akakabahala ang biglaang paglobo ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na patuloy na nagpapaandar dito sa bansa kahit walang namang mga ligal na dokumento at hindi dumaan sa mabusising proseso ng Bureau of Interval Revenue (BIR). Kung kaya'y nararapat lamang ang naging hatol ng Pangulong Ferdinand "BongBong" Marcos nitong nakaraang State of the Nation Address (SONA) na ipasara at patuloy nang gawing iligal ang mga ito sa Pilipinas.

Upang linawin, sa mahigit kumulang 56 na aprobadong POGO dito sa Pilipinas na naitala ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) noong taong 2019 pa, mayroon pa ring 30 na POGO ang hindi lisensyadong gumagana at maaari pang dumami ang bilang ng mga ito sa lumipas na limang taon. Base rin sa BIR, nasa 2.2 bilyones naman ang tax na hindi nabayaran ng mga kumpanyang ito noong nakaraang taon.

Sa tinatayang bilang ng mga POGO na hindi na aprobahan ng BIR at hindi dumaan sa kanilang proseso, maraming pera na dapat ang pumasok sa gobyerno na magagamit sana sa mga proyektong pwedeng maimplementa sa bansa.

Isinasaisip ito, papasok pa rin ang tanong kung talaga bang magagamit para sa pondong pagsasaayos ng mga istraktura at pagtulong sa mga mamamayang

Pilipino ang mga buwis na maibabayad ng mga ito at hindi mauuwi lamang sa mga konpidensyal na bagay?

Noong taong 2016, naitalang nasa 657 milyong piso ang naging kontribusyon ng mga POGO na naitayo noon sa bansa at dumoble pa ng dumoble hanggang sa pumalo ng 7. 365 bilyong piso ang naipasok nito sa taong 2018.

Ngunit sa mga sumunod pang taon, nabulag tayo sa laki ng perang nagiging kontribusyon ng mga ito sa bansa na hindi namalayang dumadami na rin pala ang mga iligal na tinatayong POGO.

Masasabi na oo at lubos na makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa ang mga naibibigay na tax ng mga POGO na rehistrado sa gobyerno dahilan sa laki ng naipapasok nitong pera ngunit hindi ito sapat na dahilan para hindi na tukuyin ang iba pang mga kumpanyang hindi naman dumaan sa BIR dahilan sa karamihan sa mga ito ay hindi lamang sa pagbabayad ng tama ang dahilan, kung hindi dahil na rin sa maraming iligal na aksyon ang nangyayari sa loob ng gusali ng mga ito na nararapat na bigyang pansin.

Base sa datos na naitala ng PAGCOR, naglalaro sa bilang na 100,000 hanggang 250,000 na mga Tsino ang ipinapadala rito sa bansa upang maging trabahador ng mga kumpanyang ito na pwede namang mga Pilipino ang kunin upang magtrabaho dahil sa Pilipinas naman nakabase ang mga negosyo ng mga Tsinong mangangalakal na ito.

Nakakadismayang hindi man lamang sinilip at binigyang aksyon ng pamahalaan ang ganitong bagay. Maaari naman na ipasok dito ang mga Pilipino upang magsilbing tulong na lamang sa ating mga kabbbayang hirap sa buhay bagkus hinayaan lamang nila na pumasok ng pumasok sa Pilipinas ang mga Intsik na ito at makinabang dito sa ating bayan.

Sa madaling salita, napikot na nga tayo na higit na makatutulong ang mga ito sa pag-unlad ng ating ekonomiya sa laki ng perang maaari nitong maipundar para sa bansa, hindi pa nakinabang ang mga mamamayang Pilipino sa mga trabahong puwedeng maging alok ng mga kumpanyang ito at mga intsik pa rin mismo na magmumula pa sa bansang China at lilipad papuntang Pilipinas ang mga matutulungan pagdating sa mga opurtunidad ng trabaho.

Tama lamang ang naging hatol ng Pangulong Marcos sa mga POGO dito sa bansa. Bukod sa hindi ito mga nakakapag bayad ng tamang buwis, marami ring mga iligal na gawain ang nangyayari sa loob ng mga kumpanyang ito lalo na ang mga hindi aprobado ng gobyerno. Hindi dapat tayo magpaloko at masilaw sa mga bagay na sasabihin at ipapakita ng mga ito sa simila, bagkus maging mahigpit pa ang ating gobyerno sa mga mangangalakal na gustong magtayo ng kanilang mga negosyo rito sa bansa lalo na ang mga ganitong klaseng pagkakakitaan dahil hindi natin namamalayan na naduduga at nalalamangan na pala tayo ng mga ito.

Punong Patnugot: Sheree Maye De Guzman

Katulong na Patnugot: Jhon Rey Oquendo

Tagapamahalang Patnugot: Cris Joseph Pontawe

Patnugot ng Balita: Jhon Rey Oquendo

Patnugot ng Editoryal: Heaven Josh Billen

Patnugot ng Lathalain: Cris Joseph Pontawe

Patnugot ng Agham: Michael Angelo Gabion

Patnugot ng Isports: Cyroz Abril Tabor, Gellie

Nicole Montemayor

Punong Kartunista: John Vincent Cordovez

Punong Photojournalist: Althea Soriano

Photojournalist/s: Gabrielle Mae Avecilla, Alexander Metante

Tagapagbalita/Kontribyutor: Christian Decena, Alexander Metante, Julianne Kacey Manahan, Jose Delfin Delloson, Donalyn Almodovar, Fatima Kate Delos Santos, Chrisma Loma, Donalyn Almodovar, Christian Jeve Decena, Aizhel Miguillas, Kaye

Tamayo

Layout Artists: Kaye Tamayo, Christian Apa, Romulo Matic, John Lloyd Anog

Iginuhit ni: John Vincent Cordovez

Pagtuldok sa kinatatakutan

inansagan mang ‘Bullying Capital of the World’ ng Programme for International Student Assessment (PISA) ang Pilipinas dahil sa lumolobong kaso ng ‘bullying cases' sa bansa, nakakatuwang isipin na hindi nagpatitinag ang Cainta Senior High School (CSHS) sa pagtuldok nito sa tulong ng mas pinaigting na ‘antibullying policy’ ng Guidance Office.

Pangalawang tahanan ang tawag sa paaralan ngunit maituturing nga bang tahanan kung takot na takot kang kumatok at pumasok? Kung tila isa kang pipi sa pananahimik at bulag sa pagpili na ‘wag magsumbong sa tuwing may nakikitang mali?

Isinagawa ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang Republic Act No. 10627 o Anti-Bullying Act of 2013 na nag-uutos sa lahat ng paaralan na magpatibay ng mga patakaran upang maiwasan at matugunan ang mga gawain ng ‘bullying’ sa kanilang mga institusyon. Subalit hindi ito sapat para agapan ang lumolobong kaso ng ‘bullying’ sa paaralan dahil kailangan ang kooperasyon ng mga mag-aaral para tupukin ang nag-aapoy na ‘bullying’.

Sa kabila ng batas na ito, mabilis na umakyat ang kaso ng ‘bullying’ sa loob lamang ng limang taon, base sa datos na inilabas ng DepEd ang 1,158 na kaso noong 2013 ay umakyat sa 20,172 noong 2018. Sa taong 2023 ay may 7,742 at patuloy na tumataas sa kasalukuyan. Epektibo nga ba ito o isang nilarong patakaran para may masabing may ginagawang solusyon? Kung tutuusin ay napakahirap labanan ang kinatatakutan ng mga mag-aaral dahil hindi lahat ng biktima ay may lakas ng loob magsiwalat ng katotohanan. Saludo sa CSHS dahil kahit na isa itong pampublikong paaralan kung saan tila parte na sa kanila ang ‘bullying,’

ay pinatunayan nila ang tila imposible sa napakaraming paaralan. Makikita sa inilabas na datos ng Guidance Office, bumagsak ng 33.33% ang kaso ng ‘bullying’ sa nasabing paaralan. Taong 20222023 ay mayroong anim na kaso at naging apat na lamang pagdapo ng taong 2023-2024. Ayon kay Marissa Cristobal, Guidance Counselor ng CSHS, ay malaking tulong ang taontaon na ‘anti-bullying policy’ at hindi na ito mawawala sa patakaran ng paaralan.

Sa dinami-rami na kaso ng ‘bullying’ sa buong bansa, kamanghamangha na hindi sumasabay rito ang CaiSenHigh. Subalit katakataka na ngayon lang bumaba ang kaso nito kung 2013 ipinatupad ang batas. Hinintay pa bang lumala ang kaso bago solusyonan? Bakit hindi naagapan agad ang kaso ng bullying sa paaralan?

Sana ay patuloy nilang pakinggan ang hinaing ng bawat isa at patuloy na labanan ang kinakatakutan ng mag-aaral hanggang sa maging totoo na ‘pangalawang tahanan’ ang paaralan.

Subalit hindi sakop ng ‘antibullying policy’ ang labas ng paaralan, hindi maiiwasan ang ‘pagabang sa labas ng gate’ ng mga magaaral at hindi kontrol ng paaralan ang nangyayari sa labas. Hindi lang naman sa paaralan nagaganap ang karahasang pilit iniiwasan. Paano masisiguro ang kaligtasan ng magaaral kung ‘anti-bullying policy’ lang ang nakahanda laban dito? Habangbuhay bang aasa ang paaralan sa patakarang ito?

Mahirap man labanan ngunit masarap sa pakiramdam ang pumasok sa ligtas na paaralan. Sana’y ipagpatuloy ang magandang simula at ‘wag puro sa una lang. Siguraduhin ang kaligtasan ng magaaral at huwag sana kalawangin ang magandang simula ng paaralan.

Pulso ng CaiSenians

Etikal ba ang paggamit ng AI sa sining?

79.3% Hindi sang-ayon sa paggamit ng AI sa Sining

T20.7% Sang-ayon sa paggamit ng AI sa Sining

inatayang nasa tatlong kapat ng mga mag-aaral mula sa Cainta Senior High School (CSHS) ang salungat sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa paggawa ng sining.

Ayon sa sarbey na isinagawa ng Ang Sitio, ang opisyal na pamparalang pahayagan ng CSHS, lumabas na 79.3% ang hindi sang-ayon at 20.7% naman ang sang-ayon sa paggamit ng AI sa sining.

Sa isang panayam, ipinahayag ni Jomari Baccay, isang Arts teacher, ang matinding pagtutol nito dahil para sa kaniya, ang sining ay galing mismo sa kaisipan at pananaw ng isang tao.

“No, definitely not kasi again diba ‘yong definition ng arts [ay] creative human thinking skills na inapply sa isang bagay so dapat creative, ibig sabihin nanggagaling sa isip ng tao ‘yong ideas, eh kung gagawin ng AI, paano pa naging creative skills ‘yon?” paliwanag niya.

Sa kabilang dako, ipinaliwanag naman ni Azumi Agudo, mula sa 12 STEM - Galilei, ang rason bakit sang-ayon siya sa paggamit ng AI sa sining.

“Yes, I agree because AI can help us to have a reference that we can use in our arts. AI can also provide us with an easy task in terms of visualizing pictures and things,” saad niya.

PAGTINGKAD NG BAHAGHARI

Susi sa matagal nang nakasaradong pinto ng ekwalidad ang gagawing organisayon ng ‘LGBTQIA+ community’ sa paaralan ng Cainta Senior High School na naglalayon na mabigyan ng boses ang mga estudyanteng kasapi ng komunidad na pangungunahan ni Ms. Jomari Baccay. Ayon kay Ms. Jomari Baccay, tagapagsulong ng naturang organisasyon, isa sa mithiin ng nasabing organisasyon ay ang makapagbigay ng daan para sa mga kasapi ng komunidad ng LGBTQIA+ na mas makilala ng higit pa ang kanilang sarili at maipakita ang kanilang mahalagang papel sa lipunan, higit pa rito ang itatayong organisasyon ay magsisilbing kaagapay ng iba pang institusyon sa eskwelahan.

Pagpapailaw ng liwanag sa kulay ng bahaghari ang mithiing ito. Dahil mas mabibigyang pansin ang mga miyembro ng naturang komunidad. Ang mga indibidwal na kasapi nito ay isa pa ring mga mamamayan na may kanya-kanyang kakayahan upang matugunan ang kani-kanilang tungkulin sa bayan. Isa itong magandang paraan upang tulungan sila na umusad para matupad ang mga ito.

Dagdag pa rito, isa itong matalinong pagdedesisyon para sa paaralan dahil mabibigyan ng tyansa ang maramdaman ng mga estudyanteng kasapi ng komunidad na sila ay may kalayaan sa pagpapahayag ng kanilang damdamin. Magiging angkla ito ng pag-unlad ng kanilang mga sarili, eskwelahan, lipunan pati na rin ang bansa. Gayunpaman, isa sa mga seryosong usapin na kinahaharap ng mga estudyanteng miyembro ng

komunidad ay ang diskriminasyon na kanilang natatanggap mula sa mga taong nasa paligid. Dahil dito, nalilimitahan ang kanilang pagpapahayag ng kanilang mga kilos at damdamin na nagkukulong sa kanila sa isang silid na binabalot ng pangungutya. Sa kabilang banda, ayon kay Ms. Jomari Baccay, umani ng mga positibong komento ang naturang pagpapatayo ng organisasyon. Ayon sa kanya, maraming mga estudyante ang naghayag ng kanikanilang mga suporta para sa organisasyon upang matagumpay itong maisagawa.

Bilang isang kabataan, responsibilidad ng mga estudyante na magbigay ng boses ayon sa presensya ng pagkakapantay-pantay, hindi isang tinik ang pagpapatayo nito, kundi isa itong lunas sa epidemyang kinakalaban ng mga kabataang CaiSenians na miyembro ng LGBTQIA+. Hindi na ito panahon upang maging sarado ang isip sa pagbubukas ng mga oportunidad na dapat matamasa ng mga kabataan. Kailangan na magkaisa ang bawat estudyante sa sama-samang pagbubukas ng pinto ng ekwalidad. Ang bahaghari ay isang napakagandang tanawin na humahalina sa isip ng bawat tao. Ito ay representasyon ng malawak na kasarian ng mga tao sa lipunan. Responsibilidad ng mga kabataan na makinig at unawain ang mahinhin na panaghoy ng isang pamayanan. Pahalagahan ang bawat karapatan, ibigay ang nararapat na kalayaan, dahil sa bandang huli, pagkakaisa at pagtanggap ang susi sa pinto ng pagkakapantay-pantay, susi sa pagtingkad ng kulay ng bahaghari.

Iginuhit ni: John Vincent Cordovez
Iginuhit ni: John Vincent Cordovez

NINAkAW NA kAmUSmUSAN

Nakapaninibago. Wala nang maingay sa labas tuwing hapon. Hindi na naririnig ang kalansing ng mga lata habang naglalaro ang mga bata ng tumbang preso. Ang hiyawan at tawanan ng mga chikiting na dapat ay sinusulit ang kanilang kabataan, mga supling na napilitang makulong sa loob ng kani-kanilang mga bahay kung saan mas malaya silang magsaya at maglaro. Kung saan malayo sa panganib. Napuno ng pangamba at pag-aalala ang maraming tao sa lalawigan ng Rizal dahil sa laganap na pagdukot ng mga bata. Sa kasalukuyan, maraming bata na ang naiulat na nawawala tulad nina Lianne Anne Bueno, 10 taong gulang mula sa Antipolo, Owen Kim Roxas, 13 taong gulang mula sa Cainta, Lovin Leonor, 13 taong gulang mula sa Binangonan at si Rylai Kaye Barrum, 8 taong gulang, mula sa Taytay na sa kasamaang palad ay hindi na matatagpuang buhay pa.

Kilala bilang masiyahin at matalinong bata si Rylai. Minamahal siya ng lahat ng tao sakanilang lugar, kaya ang kaniyang pagkawala ay isang nakakagulat na pangyayari.

Noong ika-10 ng Setyembre, 4:49 ng hapon, masaya pang naglalaro sa labas si Rylai. Pagkatapos humingi ng pambili ng biskwit sa kaniyang nanay ay tsaka na ito nawala.

“Noong 8:39 pm nagsabi na po ako sa papa niya—‘maghain kana si Rylai wala pa tawagin mo na.’ Doon po kinutuban na kami, lahat ng bahay kinatok na po namin pero wala raw po siya” paliwanag ni Kristelle Ann Albotra, ina ng biktima.

Alas dose ng hatinggabi, dalawang araw matapos mawala si Rylai ay natagpuan na siya, pero hindi sa magandang kalagayan, taliwas sa kanyang pangkaraniwang estado na masayang naglalaro, hindi tulad ng dati na may maaaninag na ngiti sa kanyang mukha, 500 metro mula sa kanilang bahay, natagpuan ang isang walang buhay, at hindi maipintang kalagayan ni Rylai na nakasilid loob ng isang asul na ecobag.

Matapos ang masinsinang imbestigasyon, natukoy na ang suspek sa likod ng karumal dumal na pagpatay kay Rylai—ang dating kapitbahay ng pamilya ng biktima, at kumpare ng ama ng bata.

Kasabay ng pagkawala ng buhay ng bata ang pagkawasak ng mundo ng magulang niya. Hindi mailalarawan ang sakit na nararamdaman ng magulang na nawalan ng anak. Wala na ang dahilan upang magliwanag ang nagsisilbing ilaw ng tahanan at maging matibay ang haligi nito. Gumaan man ang loob nila dahil nahanap na ang salarin hindi naman kakayanin ng kanilang puso na patawarin ang sinumang kumitil sa buhay ng kanilang anak.

Isang misteryo ng kagimbal-gimbal na krimen. Walang pinipiling oras at lugar ang kanilang modus, kahit sinong bata ay nasa panganib. Para sa lahat ng magulang at awtoridad, isa na ito sa napakaraming senyales na dapat ay bantayan pang maigi ang kanilang mga supling dahil ang kamusmusan ng bawat bata ang magsisilbing kayamanan ng kanilang pagkatao at kinabukasan, at hindi dapat manakaw sa isang hablot lamang.

SA REHAS NG POGO

Kalakaran sa likod ng mga POGO hubs

Kacey Manahan

Mga kuwartong madidilim at masangsang, mga monitor na kumikislap na parang mga mata ng mga halimaw na nagbabantay, nakagapos na mga empleyado sa kanilang mga upuan, hindi makagalaw at unti unting sinasakal, ganito ang sitwasyong nahagip ng telebisyon sa loob ng mga POGO hubs.

Ngunit ang mga bangungot ay hindi nagtatapos sa mga halimaw sa loob ng monitor at ng kulungang silid—ito ay simula pa lamang.

Noong Enero 2021, mayroong 52 kompanya na nakatala sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), habang hindi bababa sa 200 ang mga illegal. Ngunit sa kabila ng mga iyak, sakit ng katawan, at pag hingi ng saklolo ng mga empleyado, ang mga halaklak, hiyawan, at kasiyahan ng mga namumuno ang nangigibabaw.

Naglutangan na ang samu't saring naratibo ng POGO na tila hampas ng malalaking alon sa dalampasigan, mga kaso ng illegal immigration, kidnapping, sex trafficking, at human trafficking.

Dala ang pangarap na makaahon sa hirap ng buhay, ang mga nakaka-akit na mga pangako ay kakapitan, ngunit ang mga pangako ay unti-unti na maglalaho na parang bula pag tapak nila sa mga rehas ng POGO.

Isa sa mga nagtrabaho sa POGO si Ms. C, hindi niya tunay na pangalan, ayon sa kaniyang panayam kasama ang CNA Insider, nangako ang kaniyang kompanya ng 100,000 libong sahod at magandang matutuluyan.

Ngunit nagising si Ms. C ng makita niya na ang mga pangako ay naglaho at at ang mga natira ay ang mga bangungot na haharapin niya sa kaniyang pananatili sa Pilipinas.

“Kailangan namin magtrabaho seven days a week, 24 hours a day with no time off at only 15 minute breaks. Our boss treated us badly, kapag nakakagawa kami ng mali, sisigawan niya kami at sasaktan,” aniya.

Mga hampas ng latigo, kahoy, metal, sipa, suntok, at pangungryente ang aabutin ng mga trabahador kapag hindi sila umabot sa kanilang ‘quota’, hindi lang sa pisikal katawan lumalatay ang mga sugat na ito kundi pati sa pag-iisip. Habang tila mga isda sa ‘aquarium’, ang naranasan ng mga kababaihan na nasangkot sa sex trafficking at prostitution sa POGO, hindi isang magandang tanawin ng mga korales at halaman, kundi isang kulungan ng pang-aabuso at pagsasamantala.

Kagaya ng mga isadang lumalangoy sa isang maliit na espasyo, ang mga babaeng ito ay nakakulong sa isang sistema na hindi nila matakasan, mga katawan na nagiging produkto, mga kaluluwa na nagiging bilanggo. Ang mga ngiti naging maskara, itinatago ang sakit at paghihirap na nararanasan.

Sa likod ng kinang ng POGO, matatagpuan ang rehas na pumipigil sa dignidad at kalayaan ng mga trabahador nito kasabay ng paggapos sa mga pangarap nilang umahon sa buhay. Habang patuloy ang kanilang mga sigaw sa loob ng mga madidilim na silid, nananatiling tanong kung hanggang kailan mananatiling nakasara ang pinto tungo sa katarungan.

Gabrielle Mae Avecilla

Sa isang tahimik at madilim na silid tulugang puno ng mga hiyaw at hikbi na paulit-ulit mong maririnig mula sa isang menor de edad na may katawang ninanais ng lahat. Ang tila nyebeng balat sa kaputian, ang kanyang mga mapupukaw na mata at maupulang labi, maganda, mapagmahal, mabuting anak at inosenteng bata, ganyan ilarawan ni Coleen Garcia ang kaniyang sarili. Sa murang edad, walang ibang inisip si Coleen kundi ang kumita ng pera para makatulong sa kaniyang pamilya. Sa edad na 15 taong gulang, tinahak ni Coleen ang reyalidad ng buhay at nagsimulang magtrabaho sa canteen ng kanilang paaralan. Ngunit, ang kinikita niya ay hindi sapat upang matustusan ang kaniyang pag-aaral. Dahil sa impluwensya ng isang kaibigan, namulat si Coleen sa isang madilim na kalakaran na magpapabago ng kaniyang buhay. Natuto si Coleen na kuhanan ng malalaswang video ang sarili at ginagamit niya itong instrumento upang kumita ng aabot sa 1500 pesos para sa isang araw. Labag man sa kalooban ni Coleen, ipinagpatuloy niya ang pagkapit sa patalim upang masuportahan ang kaniyang sariling mga pangangailangan. Kalaunan, ang kaniyang pinakatatagong sikreto ay nabunyag sa publiko na siyang nagwasak sa

kaniyang pagkatao, nakatanggap siya ng mga salitang singtalas ng balaraw na dahan-dahang itinatarak sa kanyang puso.

"Sinasabihan nila ako ng bayaran at nagpapagalaw para lang sa pera pero hindi ko nalang pinapansin kasi ang importante sa akin ay nabibili ko yung mga gusto at kailangan ko ng hindi humihingi sa pamilya ko," aniya.

Malungkot man isipin ngunit may mga tao na kahit sa murang edad ay napililitang tahakin ang madilim na landas para lang mapagtagumpayan ang komplikadong buhay.

"Ang masasabi ko lang habang may tumutulong sa kanila wag nilang gawin yung bagay na makaka sira ng pagkatao nila," paalala ni Coleen sa mga kabataang natutuksong ibenta rin ang sariling katawan.

Sinasalamin ni Coleen ang lahat ng tao nagnanais lamang na umangat sa buhay, handang suungin ang lahat para sa inaasam na kaginhawaan kapalit man nito'y prinsipyo at kompiyansa sa sarili, hubaran man ng dangal, mas uunahin ang sikmurang kumakalam.

Sa kasalukuyan, nakaalis na si Coleen sa Alter Universe na madilim at puno ng hiyaw at hikbi, binubuo na niya ang sariling 'universe' na punong-puno ng pangarap para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.

Cris Joseph Pontawe
Iginuhit ni: Jovelyn Mahinay

Kuwentong Bata at Baha

Sa isang barangay na madalas bahain, natutuhan ni Marni, isang 10-taong gulang na bata, na ang ulan ay higit pa sa simpleng patak ng tubig. Dati, ito’y laro at saya. Ngayon, ito’y nagdadala ng takot.

Ayon sa pag-aaral ni Ardales (2019), ang mga bata ay madalas ituring ang baha bilang isang "swimming pool," dahil sa kanilang kagustuhang magtampisaw at maglaro sa tubig. Ngunit para kay Marni, ang baha ay hindi na isang kasiyahan. Ang tubig-baha ay nagdudulot sa kanya ng takot—isang takot na nag-aalala sa mga epekto ng ulan sa kanilang buhay.

Tuwing bumabaha, nakakulong si Marni sa loob ng bahay, binabantayan ang taas ng tubig at nagdarasal na huwag itong umabot sa kanilang sahig. Kasabay ng mga pagbuhos ng ulan, naririnig niya ang malalakas na dagundong ng kulog na nagdadala ng dagdag

na takot. Tuwing kikidlat, agad siyang nagtatago sa ilalim ng kumot, hawak ang maliit niyang unan.

"Sobrang lakas ng tunog, parang pumuputok sa tainga," sambit niya, habang ang kanyang mga mata ay puno ng takot.

Ayon sa UNICEF, halos 1.5 milyong bata sa Pilipinas ang naapektuhan ng mga sakuna tulad ng pagbaha, na nagdudulot ng pagkawala ng klase at kaligtasan. Isa na si Marni sa kanila. Dahil sa patuloy na ulan, napipilitan siyang manatili sa bahay, malayo sa paaralan at mga kaibigan. Ang tahimik na kwaderno at lapis ay napalitan ng tunog ng buhos ng ulan at yabag ng tubig na pumapasok sa kanilang tahanan.

“Gusto kong maglaro sa labas o mag-aral sa paaralan,” sabi niya. Ngunit hindi ito madali. Bukod sa baha, natatakot siyang magkasakit o mapinsala kapag lumusong sa tubig. Ang sitwasyong ito ay hindi lamang sa kanya, kundi sa marami pang bata sa kanilang barangay.

Ayon kay Ardales (2019), ang mga karanasan ng mga bata sa mga sakuna, tulad ng baha, ay nagdudulot ng takot at pangmatagalang epekto. Tulad ni Marni, natututo silang magbantay sa ulap, sa taas ng tubig, at sa dagundong ng bagyo.

Sa kabila ng lahat ng ito, natutunan ni Marni na maghanap ng liwanag sa gitna ng unos. Tuwing bumabaha, binubuhos niya ang oras sa pagguhit, naglalarawan ng mga bagay na nakikita at nararamdaman. Alam niyang ang kanyang mga iginuhit ay maaaring maging boses para sa mga batang tulad niya.

“Gusto ko lang na isang araw, umulan man, hindi kami matatakot,” ani Marni. Sa kabila ng takot na dulot ng baha, ang kanyang simpleng hangarin ay magbigay liwanag sa dilim ng mga bagyo. “Sana, hindi na kung saan-saan magtapon ng basura para hindi maging kasing dumi ng baha ang ating komunidad,” dagdag pa niya.

Nakasaad din sa pag-aaral ni Ardales (2019) na ang pag-unawa ng mga bata sa sanhi at bunga ng problema ay nakasalalay sa kanilang nakikita at nararanasan sa paligid, katulad ni Marni na nakikita ang mga basura sa kanilang bahay at sa buong barangay. Sa bawat lusong ni Marni sa baha, makikita ang tapang at pag-asa ng isang batang hindi sumusuko sa kabila ng mga pagsubok. Ang kanyang kwento ay hindi lamang kwento ng isang batang natututo mula sa kalikasan; ito rin ay kwento ng mga batang katulad niya sa buong barangay, patuloy na umaasa at nagsisikap para sa mas maliwanag na bukas.

Si Marni, sa kanyang musmos na pananaw, ay nagsisilbing simbolo ng lakas at pag-asa. Isang paalala na sa mata ng isang paslit, ang bawat bagyong dumaan ay may kasunod na araw.

Kasing bilis ng ragasa ng tubig ang pagbabago ng mundo ngayon. Ang ating imprastraktura ay mabilis na tumataas gaya ng baha tuwing hahampas ang malakas na bagyo, walang lupa ang ligtas sa ating kagustuhang baguhin ang ating ekonomiya, wala nang natira para sa pamilyang Pilipino. Dahil dito ay napilitan ang ilan nating kababayan na magtayo ng kani-kanilang bahay sa iba’t ibang lugar— sa mga lupang hindi tiyak ang kanilang kaligtasan, pikit-matang humaharap sa kapahamakan may matawag lamang na tahanan.

Mausok, mainit, at maalingasaw ang paligid. Mga mangingisdang humahabol sa kota, mga batang nagtatampisaw sa tubig, kumpol ng mga isdang nakikipag patintero sa lambat ng mga mangingisda upang hindi maging ulam, puno ng buhay. Ganiyan ang pang araw-araw na senaryo sa tabing-ilog kung saan nakatira ang mag-asawang sina Nanay Erlinda, 65, at Tatay Doroteo, 68 taong gulang. Kataka-takang sa dami ng lugar ay sa maputik at mapanganib na lugar pa nila naisipang manirahan lalo na sa mga edad nilang alanganin na.

“Lumipat kami sa ilog kase wala na kaming choice. Wala naman na kaming babalikan pa sa Masbate. Gusto lang namin na magbukod muna.” Ani ni Nanay Erlinda. May peligro mang naghihintay sa puwesto ng kanilang bahay, mabuti na raw ito kaysa naman sa wala, dagdag pa niya. Ang kanilang mumunting tahanan ay bunga ng pagtutulong-tulong nila Tatay Doroteo at iba pa nilang kapitbahay. Kung titignan ay maliban sa apat na sementong haligi na pinagpatungan ng

kanilang bahay upang maging mataas sa lupa, yari lamang ito sa pinagkabitkabit na kahoy, tarpaulin, at iba pang materyal— masusing pinagsama-sama upang magkaroon ng bahay na sasapat para sa kanila.

“Kapag may bagyo nililigpit namin gamit namin atsaka si Doroteo nilalagyan ng pabigat bubong namin. ‘Tsaka pag malakas na ang ulan lilipat muna kami kila Donna (anak nila)” pagsasalaysay ni Nanay. Kung titignan ay lubhang mapanganib ang kinatitirikan ng kanilang bahay, lalo na tuwing may paparating na malakas na bagyo. Kaya minamabuti nilang patibayin muna ang kanilang bubong at liligpitin muna ang ibang gamit bago lumipat pansamantala sa bahay ng kanilang anak upang doon pahinain ang sumpong ng kalangitan.

“Kuntento na kami dito. Kahit maliit, nakakasama naman namin mga anak at apo namin. Doon naman sa probinsya maluwag nga atong balay (aming bahay) malungkot naman kami kasi malayo kami sa mga anak namin” masigasig na salaysay ni Tatay Doroteo.

Dagdag pa niya, mas komportable at nakasanayan na nila ang mamuhay sa ganitong lugar. Masaya at mababait daw ang mga tao sa kanilang lugar na ikinatuwa nila.

“Hindi man gaanong maganda ang kalagayan namin dito sa tabingilog, parang gumagaan lang ang sitwasyon kasi maraming tao dito na mahihingan namin ng tulong tuwing may kailangan kami.” Dagdag ni Nanay Erlinda.

Minsan ay wala sa laki ng bahay o sa yaman ng ari-arian ang susi para sa maligayang buhay. Para kina Nanay Erlinda at Tatay Doroteo, panganib man sa ating mata, dito ay nahanap nila ang kanilang kayamanan, sa tabingilog, sa tahanan nilang nakatindig sa may putikan. Ang bawat sulok ay puno ng memorya ng kanilang bayanihan, sa paligid ay puno ng mga taong kanilang maasahan.

Kacey Manahan
Cris Joseph Pontawe

mganumero

10.7 metro

average na elevation ng bayan ng Cainta mula sa ibabaw ng dagat.

197.2 metro

average na elebasyon ng karatig bayan na Antipolo

Bayang nagiging sapa

Pagtalakay sa topograpikal at heograpikal na sanhi ng taunang pagbabaha sa Cainta

Sa tuwing umuulan, ang tubig ay dumaraan. Malakas, mataas, at mabilis na pagbaha ay isa sa mga pangunahing problema ng ating bayan. Ang pagbaha na ito ay may dahilan, ito ay may pinanggalingan. Bago pa man ito dumaan sa Cainta ay dumaloy muna ito mula sa ibang bayan.

Ang Cainta, na may populasyon na 376,933 noong 2020 (PhilAtlas), ay kabilang sa mga lugar na mataas ang panganib sa pagbaha. Ayon sa LiPAD LiDAR Portal, ang bayan ay may 20% tsansa ng pagbaha na may 5-taong return period sa isang taon, na may Rainfall Intensity Duration Frequency (RIDF) na 243.100mm.

Ang Cainta ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Metro Manila, malapit sa Marikina Valley. Ang lokasyong ito ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit madalas itong bahain. Ang bayan ay nasa mababang bahagi ng kapatagan, kaya’t madali nitong saluhin ang tubig mula sa mas matataas na lugar. Ayon sa PhilAtlas, ang sentro ng Cainta ay may tinatayang elebasyon na 10.7 metro (35.2 talampakan) sa ibabaw ng dagat. Bilang bahagi ng isang natural na basin, ang Cainta ay tumatanggap ng tubig mula sa mga karatig-lugar tulad ng Antipolo, na may tinatayang elebasyon na 197.2 metro (646.8 talampakan) sa ibabaw ng dagat (PhilAtlas). Dahil dito, mabilis na naiipon ang tubig sa mga kalsada at kabahayan, lalo na sa panahon ng malalakas na ulan. Bukod pa rito, ang bayan ay napapalibutan ng mga pangunahing daluyan ng tubig tulad ng Marikina River at Cainta River. Sa panahon

ng malalakas na ulan, ang mga ilog na ito ay umaapaw at dumadaloy sa mabababang bahagi ng Cainta. Malaking bahagi ng tubig ay nagmumula rin sa kabundukan ng Sierra Madre.

Malapit din ang Cainta sa Manggahan Floodway, na idinisenyo upang magdala ng tubig mula Marikina River patungo sa Laguna de Bay. Ang floodway ay may kapasidad na 2,400 cubic meters per second (DPWH), ngunit sa tuwing umaapaw ito, ang tubig ay nagdudulot ng pagbaha sa mga barangay ng Cainta.

Ang mabilis na urbanisasyon ay nagresulta sa paglobo ng populasyon mula 126,839 noong 1990 patungong 376,933 noong 2020 (CityPopulation). Ang dating mga bukirin na umaabot sa humigitkumulang 400 ektarya ay napalitan ng mga subdibisyon at gusali (Philippine Statistics Authority), na nagdulot ng mas maraming tubigulan na dumadaloy sa ibabaw ng lupa.

Bukod pa rito, ang kakulangan sa maayos na sistema ng kanal at ang pagdami ng mga ilegal na naninirahan sa gilid ng mga ilog, na umaabot sa halos 3,000 pamilya noong 2022 (DILG), ay nagdudulot ng pagbabara sa mga daluyan ng tubig. Ang mga basurang itinapon sa ilog ay nagpapalala ng pagbaha kahit sa maikling ulan lamang.

Sa bawat buhos ng ulan, ang Cainta ay tinatangay. Ang kalsada at mga bahay, maruming tubig ang sumasabay. Sa pagkakaisa at maayos na pamamahala, ang Cainta mula sa pagkalubog ay muling aahon, mula sa pagiging bayang tinatangay ng baha, tungo sa isang bayang matatag, at handa sa agos na dala ng mga sakuna.

Madilim na kapaligiran. Makipot na mga daraaanan. Nakasusulasok na mga amoy. Nakabibinging katahimikan ng gabi. Damdamin ay nababagabag. Ito ay ang mga pangkaraniwang karanasan ng isang bayaning nakikidigma laban sa galit na panahon. Isang

estudyanteng pinipili ang kapakanan ng iba upang sila’y sagipin sa oras ng sakuna. Siya si Phillip ang bayani ng CaiSen High.

Sa loob ng paaralan ng Cainta Senior High School, nag-aaral ang isang binatang may ginintuang puso. Ang panagalan niya’y Phillip Jan Lodriguito, mula sa pangkat Berners-Lee ng ika-12 na baitang. Siya ay isang tulad ng mga nakakaraming estudyante na naglalayon na makapagtapos ng pag-aaral upang makatulong sa pamilya. Subalit sa kabila ng mga hamon ng kanyang buhay bilang estudyante, pinili niyang maging boluntaryo upang maging isang “rescuer”.

ng baha ang mga kabahayan at nagdulot ng kapahamakan sa mga tao. Dito na raw sila nagsimulang umaksyon.

Wika niya, hindi naging madali ang kanilang pag-aksyon noong mga panahon na iyon. Sa kadahilanang napakadilim at napakasikip ng paligid. Inamin niya na siya ay napupuno ng kaba noong gabing iyon, dahil matapos nang pagragasa ng baha sa mga kabahayan, nasira ang mga bintana at dingding ng mga ito, na nagdulot ng mga pag-agos ng mga bubog at matatalas na kahoy kasabay ng baha. Subalit, nang dahil daw sa pagtutulungan ng mga rescuer nailigtas ang mga residente sa loob ng bahay na iyon.

Ang buhay ng isang rescuer ay hindi madali bagkus ang kanilang kapakanan ay nalalagay sa peligro upang makapaglitas ng mga tao. Subalit sa kabila ng mga ito, si Phillip ay nagpapatuloy upang makapaghatid ng serbisyo sa kanyang kapwa. Aniya, maluwag daw sa pakiramdam ang makatulong sa iba, ito raw ay maihahalintulad niya sa pakiramdam na makakuha ng isang karangalan. Dagdag pa niya ang pagtulong ay isang responsibilidad na dapat gampanin ng mga tao, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon kailangang piliting makatulong. Bagkus kung hindi kaya, maghanap ng ibang makatutulong din.

Si Phillip ay kasapi ng Rizal Rescue. Wika niya, ang karamihan sa kanilang pamilya ay mga rescuer. Katunayan daw nito, ay ang kanyang ama at tiyuhin ay nasa larangan ng pagiging isang rescuer. Ang mga ito raw ay ang nagimpluwensiya sa kanya na maging kasapi na rin ng naturang larangan. Isa siya sa mga tumutugon at nagbibigay saklolo sa tuwing magkakaroon ng kalamidad. Kung tutuusin nga ay, isa siya sa mga tumulong noong kasagsagan ng Bagyong Pepito.

Sa kanyang paglalahad, gabi raw iyon nang mangyari ang trahedya. Hindi nila inaasahan na masisira ang nagsisilbing harang ng tubig sa ilog. Nang ito’y bumigay dahil sa agos ng tubig, pinasok

Ang buhay ni Phillip ay maituturing na kakaiba sa karamihan ng mga estudyante ng CaiSen High. Bagaman, hindi madali ang kanyang karanasan bilang isang rescuer, patuloy niya pa ring tinutupad ang layunin ng kanyang ginintuang puso upang makatulong sa nangangailangan. Tunay nga na hindi lahat ng ‘superhero’ ay nagsusuot ng kapa, kundi ang iba ay matatagpuan din sa loob ng paaralan.

Jose Delfin Delloson
Heaven Josh Billen
dalawa (2)
bilang ng malalaking ilog na malapit sa Cainta
porsyento ng itinaas ng populasyon sa Cainta mula 1990 hanggang 2020
Larawan mula sa/kay Philippine Coast Guard, Cris Joseph Pontawe

Banal na Entablado

Senakulo bilang anyo ng sining sa Cainta

Jose Delfin Delloson

Sa bawat hakbang ng mga paa, bigat ng krus ay madarama. Sa bawat linya ng mga tauhan, ay binabalik ang kasaysayan. Makukulay at detalyadong kasuotan, pagtatanghal na hawig sa katotohanan. Musikang dumaragdag sa damdamin at tulang nagbibigay diin.Tayo ay dinadala sa nakaraan, buhay ni Hesukristo ay muling isinasabuhay, at pananampalataya ng mga tao ay higit na pinatitibay.

Ang Senakulo sa Cainta ay isang sining at tradisyon ng pagtatanghal, dito ay isinasadula ang buhay, paghihirap, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni HesuKristo. Taon-taon, sa pagsapit ng Mahal na Araw, ang mga kalye sa Cainta ay nagiging entablado ng makulay na palabas, na muling nagbibigay-buhay sa mga kaganapan ng Pasyon ni Hesukristo. Isang natatanging aspeto ng Senakulo sa Cainta ay ang makulay at detalyadong mga kostyum na isinusuot ng mga aktor, ito ay sinadyang idisenyo upang kumatawan sa mga tauhan ng Bibliya. Mula kay Hesus, ang kanyang mga disipulo, at hanggang sa mga Romanong sundalo, ang bawat karakter ay binibigyang buhay sa pamamagitan ng maingat na paglikha ng mga kostyum at props. Ang mga aktor na nagtatanghal ay mahusay na isinasabuhay ang mga karakter na kanilang ginagampanan. Mula sa kanilang pagkilos hanggang sa kanilang pagsasalita, ang atensyon ng mga manonood ay kanilang nakukuha. Sa likod ng mahusay na pag-arte ng mga aktor, ay ang kanilang masusing pag-aaral ng mga linya, damdamin, at pag-uugali ng mga karakter na kanilang ginagampanan.

Karamihan sa mga mahuhusay na aktor ng Senakulo sa Cainta, ay ang mga ordinaryong tao na naninirahan dito. Mula sa mga bata, hanggang sa matatanda, sila ay naglalaan

Sa bayan ng Cainta, Rizal, matatagpuan ang isang natatanging yaman ng sining, na nagsisilbing liwanag sa madilim na panahon. Sa kabila ng mga pagsubok, ang makapangyarihang Imahe ng Birheng Maria ay nag-bibigay ng pagasa at pananampalataya sa mga tao. Taong 1950 ay ipinapinta ng parokya ng Cainta ang larawan ng Birheng Maria kay Maestro Fernando C. Amorsolo, ang kauna-unahang Pambansang Alagad ng Sining sa Larangan ng Pagpipinta. Ito ay bilang pamalit sa larawan ng Nuestra Señora de la Lumen na dinala sa Cainta ng mga Heswita noong 1727, na nasira nang masunog ang simbahan noong Marso 1899 dahil sa Digmaang Pilipino-Amerikano.

ng kanilang oras upang makibahagi at gawing matagumpay ang tradisyon na ito. Ang kanilang pagsisikap ay nagiging tulay upang maipakita ang talentong taglay ng mga Cainteños at mapagtibay pa ang kanilang pananampalataya.

Ang musikang bahagi ng Senakulo ay may mahalagang papel din sa kabuuang pagtatanghal. Ang mga tugtugin ay nagpapataas ng emosyon sa bawat eksena, mula sa masayang pagsalubong kay Hesus sa Jerusalem, hanggang sa malungkot na pagpako sa krus. Ang paggamit ng musika ay ang nagpapabigat sa damdamin at nagbibigay lalim sa bawat eksena.

Isa pang mahalagang aspeto ng Senakulo ay ang pag-iral ng mga tula at salaysay sa lenggwaheng Filipino, ito ay nagpapayabong pa ng ating wika, at ang paggamit ng mga tauhan sa matatalinhagang salita ay nagbibigay ng diin at malalim na kahulugan sa bawat eksena.

Ang Senakulo ay isang halimbawa ng sining na tumatawid sa panahon. Sa kabila ng modernisasyon, nananatili itong buhay na tradisyon ng mga Cainteños. Ang teknolohiya man ay patuloy na umuunlad, hindi nito napapalitan ang halaga ng tradisyon na ito. Ang mga estilo sa pagsasadula at aral na makukuha ay patuloy na ipinapamana sa mga susunod na henerasyon, kaya't ang Senakulo ay nananatili at masasaksihan pa sa mga susunod pang mga taon.

Ang banal na entablado ng Senakulo sa Cainta ay hindi lamang isang palabas na tumatalakay sa buhay at paghihirap ni Hesus, ito rin ay isang sining na sumasalamin sa kasaysayan, kultura, at pananampalataya ng mga tao. Ang bawat eksena ay may malalim na kahulugan, sa bawat linya ay may matututuhan. Ito ay patunay na ang sining, kahit sa anyo ng pagtatanghal, ay kayang maghatid ng pag-asa, insipirasyon, at pagbabago sa ating buhay.

Malambot, matamis, at malagkit—ito ang mga kakaning laging makikita sa hapag-kainan ng maraming Pilipino, may okasyon man o wala. Sa Cainta, Rizal, halos hindi na humuhupa ang pila sa tindahan ni Aling Kika's, kilala sa kanilang mga kakanin na walang kapantay ang sarap.

Nagsimula ang lahat mula sa isang simpleng bilao na inilalako ni Francisca L. Cruz sa harap ng kanilang tahanan. Sa bawat kagat ng bibingka at suman na kanyang niluto, nararamdaman ng bawat mamimili ang pagmamahal at tradisyon na nakapaloob sa bawat piraso ng kakanin. Gamit ang 50,000 binuo nila Aling Francisca ang kanilang kaunaunahang tindahan ng bibingka, ngunit hindi agad pumatok ang kanilang mga paninda. Pasan ang siyam na anak sa kaniyang mga balikat, patuloy pa rin sa paggawa ng mga kakanin si Aling Francisca.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari pumanaw si Aling Francisca, sa edad na 90, noong 2009. Sa kabila nito, unti-unting nakilala ang pangalan at produkto ng kanilang tindahan. Kwento ni Benjamin Cruz, isa sa mga anak ni Aling Francisca, na baka raw tinatawag ng kaniyang ina ang mga mamimili.

“Sabi ng iba,hindi inabot ni Aling Kika yung blockbuster nila, siguro siya nag iimbita ng mga customer, sinasabi na… ‘Hoy pumunta kayo sa amin at hindi nagbabago ang aming product’,” aniya.

Dagdag pa niya, na bilin ng ina na kahit lumipas ang matagal na panahon at tumaas ang mga gamit sa panggawa ng bibingka, huwag iibahin ang lasa at ang timpla, dahil ito ang tatak sa mga panlasa at puso ng mga Caintenos at mga turista.

Ngayon, ang Aling Kika's ay higit pa sa isang tindahan ng kakanin—ito ay isang buhay na bahagi ng kasaysayan ng Cainta. Tulad ng malagkit na kakanin na kanilang inihahain, mahigpit na nakakapit sa kultura at puso ng mga mamimili ang kwento ni Aling Francisca at ang kanyang tindahan. Ang ‘malagkit na kasaysayan’ ng kanilang pamilya ay hindi lamang kuwento ng bibingka, kundi ng pagmamahal, tiyaga, at paninindigan. Ang kanilang kakanin ang mga tatak na magpapaalala ng hindi malilimutang legasiya ni Aling Kika's.

Sa larawan ay ipinapakita ang imahe ng Banal na Birheng Maria, habang siya ay kinokoronahan ng mga anghel. Ang birhen ay pinipigilan ang pagkahulog ng isang kaluluwa sa bibig ng demonyo, habang ang batang Hesukristo naman na buhatbuhat ng birhen ay inilalagay ang mga mapupula at nag-iinit na puso sa basket na dala ng isang anghel. Ang relasyon ni Maria sa Panginoon at ang kaniyang tungkulin bilang taga protekta ay ang nagsisilbing daan upang ang ating mga puso at kaluluwa ay mas mapalapit pa sa Diyos, at upang malinis ang ating mga kasalanan sa mundo.. Ipinahihiwatig din nito na si Maria, ang Ina ng Kaliwanagan, ay ang kakalinga sa ating malungkot na puso at poprotekta sa atin mula sa mga sakuna at pinsala na dulot ng kasamaan.

Makikita rin sa larawan ang imahe ng batang Hesus, kung saan ay kinukuha niya gamit ang kaniyang kaliwang kamay ang mapula at nag-aapoy

na puso sa basket na dala ng isang Anghel. Ayon kay Bro. Michael Delos Reyes, ang Shrine-Parish Historian ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Light, ipinapakita nito na si Hesus ay nagbibigay-buhay at pag-asa sa mga nawawalan na ng pananampalataya. Ang kaniyang pagmamahal ay nagsisilbing paalala na sa bawat pagkabigo, may pagkakataon para sa muling pagsilang at pagbabago. At ang pagtanggap sa kaniyang pagmamahal ay nakapagbibigay ng buhay sa isang tao. Sa likod ng makulay na imaheng ito, ay ang kwento ng mga tao na nahaharap sa hamon ng buhay. Maraming tao ang nakakaranas ng mga pagsubok, at mga naguguluhan sa kanilang landas. Subalit, sa tuwing sila ay lumalapit sa larawan ng birheng Maria at batang Hesus, sila ay muling nagkakaroon ng pag-asa. Ang mga panalangin sa harap ng obra na ito ay nagiging daan sa pagbuo muli ng kanilang mga pangarap at pagasang muling bumangon mula sa mga pagkabigo. Bilang isang komunidad, ang bayan ng Cainta ay mas nagiging matatag sa kanilang pananampalataya. Ang obra na ito ni Amorsolo na Ina ng Kaliwanagan ay hindi lamang isang likha ng sining kundi isang simbolo ng pananampalataya at pag-asa. Nagsisilbing liwanag ito sa madilim na bahagi ng buhay ng mga tao. Sa mga panahon ng krisis, ang mamamayan ng Cainta ay natutong maniwala na hindi sila nag-iisa, dahil may isang Ina na nagmamasid at isang Diyos na patuloy na nagmamahal.

OBRA

Jose Delfin Delloson
Kacey Manahan

LGABAY SA EYE

STEM Reseachers nilikha ang GAB-EYE para sa mga bulag

Michael Angelo Gabion

umikha ng teknolohiyang gagabay sa mga bulag ang mga STEM researchers na sina Stephanie Perez at Ziara Arielle Garcia ng 11 - Euclid at ni Rafael Abarabar ng 12 - Galilei, sa pamamatnubay ni Ms. Jen Ricohermoso.

Ayon kay Ricohermoso, wala pang naiimbentong assisstive tool para sa mga estudyanteng hindi nakakakita. Hindi pa makabago ang mga devices na ito upang ma-detect ang mga posibleng harang o obstacles na nakakasalamuha ng mga estudyanteng ito na maaaring mapunta sa mitsa ng pahamak.

Isipin din natin saglit, paano kaya nila namamasid ang paligid sa tulong ng isang kawayan o tungkod, kung ingay o tunog lang ang kayang idulot ng nasabing kasangkapan? Paano din kaya sila humahakbang sa hagdan sa tulong ng

isang kawayan?

Mula din sa ganitong palaisipan, isinaad ni Ricohermoso na, “... Paano ‘pag for example, ‘yong mga bulag meron silang obstacles na mae-encounter overhead? Paano nila malalaman na merong mga obstacles na nasa itaas ng ulo?”

Ang Arduino Nano microcontroller ay kilala sa maliit nitong sukat ngunit nagagamit sa maraming bagay dahil sa mga kakayahan nitong maka-detect sa paligid sa tulong ng nanosensors – isang mainam na gamit para sa mga nanotech-based suits. Ito ang ideya na ginamit ng grupo upang makagawa ng Arduino Based Vest na may Dual Detection Mechanism.

Mula din sa nasabing kasangkapan, nabuo ang

Sinusubukan ni John Denzel, magaaral na bulag, sa tulong ng gabay ni Rafael Abarabar, STEM researcher, ang GAB-EYE — isang prototype na tumutulong na gawing mas ligtas at mas madali ang paggalaw ng mga may kapansanan sa paningin gamit ang makabagong obstacle detection technology. | Kuhang larawan ni Ziara Garcia

Arduino Based Vest Suit, idinisenyo bilang assistive tool, na ayon kay Ricohermoso, “... Meron siyang sensor na in-integrate do’n sa circuit para magamit siya ng mga individually impaired people para if ever maglalakad sila, made-detect na merong obstacles sa harapan nila. Meron kasi siyang ultrasonic sensors na nakaka-detect ng obstacles (harang) at hindi limitado ‘tong obstacles sa stationary objects, pati moving objects kaya nitong ma-detect..” Dagdag pa rito, ang nasabing mga sensors ay may dalawang regions sa kung paano nito made-detect ang obstacles: ang isa’y nasa kaliwang bahagi ng suit upang madetect ‘yong mga obstacles na nasa kisame o nasa matataas na posisyon, at ang isa’y nasa kanang bahagi ng suit upang ma-detect ang mga objects na nasa lower level.

WALASTIK: Paanong ang isang Polusyon naging solusyon?

Mga kilalang papansin at tila pampainit ng ulo sa mga mamamayan, mga mistulang lumalangoy sa mga estero na dinadala ng malalakas na pagbaha sa kabahayan, nakitaan ng potensyal na magamit muli at mapakinabangan bilang isang munting lamesa sa sandalan ng ating ginagamit na upuan. Imposible, naging posible? Ayan ang tila ‘palaisipan’ na binigyan-pansin ng mga mag-aaral na sina John Patrick Alviar ng 12 - Galilei at ni Lord Francis Rodulfo ng 11 - Euclid sa ginanap na patimpalak sa Division Science and Technology Fair (DSTF) nitong Oktubre nang kanilang ipresenta ang isang upuan na gawa sa recycled plastic lumber gamit ang Polypropylene at Polyethylene Terephthalate. Para kay Gimena, siyang gurong tagapayo ng nasabing

pag-aaral, nais nilang malaman kung may maaari pang paggamitan ang mistulang kaban ng plastik sa mga basurahan. “The researchers wanted to utilize or recycle all the plastic waste materials here in our school, and then convert it into a usable type of object,” giit niya. Tinutukoy niya din dito ang mga materyales na gawa sa Polypropylene at Polyethylene Terephthalate (PET), siyang mga uri ng plastic materials na nakikita sa mga basurahan bilang isang plastic bottle, plastic caps, plastic bags, o plastic wraps.

Sa isang banda, ang polypropylene plastic material ay mula sa polymerization o pagbubuo ng Carbon-Hydrogen chain bond structure na nagbibigay ng elastic, soft texture ng plastic material na mula dito. Kadalasan itong ginagamit partikular sa pagbabalot ng mga gamit o lagayan ng mga

Kuhang larawan ni Rebekah Denler

SDRRM coordinator binigyang linaw ang mga sanhi ng pagbabaha sa Cainta

Michael Angelo Gabion

Nilinaw ni Jess Sausora, School Disaster Risk Reduction and Management Committee (SDRRMC) Coordinator, ang mga sanhi ng biglaang pagtaas ng baha sa mga komunidad sa Cainta, Rizal.

Sa isang panayam, sinabi ni Sausora na ang pagtatapon ng mga tao ng basura sa kanal ang isa sa mga sanhi ng pagbabara at biglaang pagbaha sa mga lugar sa Cainta.

“As a result, nagbabara yung mga kanal dahil sa basura, kaya mabilis umapaw, especially [sa] mga lowlying areas here dito sa Cainta na kahit konting ulan lang ‘eh bumabaha..” dagdag pa niya.

Iminungkahi rin niya ang pagpapatibay ng mga drainage system at ang pagkakaroon ng mga mitigation plan o pagbabawas ng basura sa mga kanalan.

“.. kung ma-improve yung drainage system, dapat yung mga low-lying areas ay magkaroon ng mitigation plan so mag-build sila ng evacuation plan on high ground..”, dagdag pa niya.

Sa kabilang banda, binigyang-diin niya na dapat maunawaan ng kabataan ang iba’t-ibang kalagayan ng

mga mamamayang Cainteños sa panahon ng tag-ulan. Ayon sa kanya, mahalagang matandaan ng mga kabataan na hindi lahat ay nagnanais ng pagbuhos ng pag-ulan sa mga lugar. “Isipin naman nila na may mas naapektuhan.. kung mas naapektuhan pa sila, may mas kawawa pang [tao] sa kanila”, dagdag pa niya.

Nagbigay-payo rin ang SDRRM coordinator sa kung paano kikilos ang mga estudyanteng CaiSenians sa panahon ng pagbaha.

“Siguro yung presence of mind, kasi even if alam naman na natin yung tamang gagawin, but if we lost our presence of mind, damay-damay lahat ‘yan… yung ‘pag nag-panic na wala na.. kahit gaano ka kagaling as long as nag-panic ka makakalimutan mo yung gagawin mo sa gano'ng sitwasyon..”, saad ni G. Sausora.

“We have two things to consider..[the] first is yung execution and second is yung discipline. If wala talagang disiplina yung tao na mag-execute ng mga plano or concepts, everything will be useless..” dagdag pa niya.

kasangkapan.

Samantala, ang Polyethylene Terephthalate (PET) ay mula naman sa thermoplastic polyester o repeated chain ng Carbon-Hydrogen-Oxygen chain bond structure na dumaan sa isang acidic reaction at heat polymerization na siyang nagbibigay ng hard, lightweight, heat and acidic resistant ng nasabing materyal. Mainam na ginagamit ito sa paggawa ng monoblocs dahil sa rigid structure nito kung ikukumpara sa Polypropylene na mabilis mayupi at masira. Mula sa mga ito, nakagawa sila ng recycled plastic lumber (RPL) na may katangian ng nasabing dalawang materyal sa proseso ng pagtutunaw ng maraming plastic materials at muling hinulma bilang isang brace o pampatibay sa mga ginagamit na armchairs,

aghampasada

40 cases ng vaping, naitala sa CSHS - Guidance Office

Michael Angelo Gabion

Nakapagtala ng humigit-kumulang 40 cases ng vaping sa Cainta Senior High School, ayon sa datos mula sa Guidance Office.

Ayon sa Cleveland Clinic, ang electronic cigarette o vape ay isang vaporizer device na gumagamit ng liquid nicotine na siyang pinapainitan sa loob at siyang nilalanghap papunta sa baga. Ang nicotine ay isang uri ng kemikal na matatagpuan sa lahat ng uri ng sigarilyo na nakakaadik at unti-unting sinisira ang baga sa loob ng katawan.

Kumpara sa regular na nicotine sa mga sigarilyo, ang vape ay gumagamit ng liquid nicotine o vape juice , at ang isang patak ng vape juice ay maihahalintulad sa isang dosenang sigarilyo.

Sa panayam kay Dr. Victorino Butron, Principal ng Cainta Senior High School, sinabi niyang kinakailangang maturuan ang mga estudyante ng agarang disiplina ukol sa mga naitalang kaso ng vaping sa CaiSen, ngunit marami pa rin ang pumupuslit ng vape sa mga banyo ng paaralan.

Dagdag pa ni Butron, matagal nang ipinagbabawal ng paaralan ang pagdadala ng vape ayon sa isinabatas ng LGU sa Cainta. “We have already communicated yung vaping kasi actually we also have Ordinance in Cainta that prohibits the use of vape in public places and definitely school is a public place, so meaning to say bawal talaga yan dito sa school..” dagdag niya.

Dagdag pa rito, “.. every now and then, we inform our security to check, however there are still some students who try to.. bring in vape, so ang ginagawa natin pinapabantay natin yung mga comfort rooms para di sila makapag-cr don, then yung mga teachers natin, [the office] always remind them yung mga vigilant na [students].”

Michael Angelo Gabion

FUR-teksyon

Sa kabila ng umiiral na mga batas, patuloy pa rin ang mga insidente ng pang-aabuso, pananakit, at pagsasamantala sa mga hayop. Dumarami ang balita ukol sa mga hindi makataong pinag-gagawa sa mga hayop, na siyang dapat matuldukan ngayon. May batas naman, ngunit ito’y pinagdaanan ng napakatagal na panahon. Kinakailangan na ng rebisyon, kailan ang tamang panahon?

Sa panibagong isinabatas na Senate Bill (SB) 2458 para sa mas pinalakas at mas matibay na proteksyon para sa mga hayop dito sa Pilipinas. Ang panukalang batas ni Senator Grace Poe na naglalayong palakasin ang umiiral na Animal Welfare Act sa pamamagitan ng paglikha ng isang Animal Welfare Bureau at mas mahigpit na mga parusa para sa mga lumalabag ay siyang dapat maipatupad upang palakasin ang umiiral na batas na layong pumrotekta sa mga hayop ngunit tila nabaon lamang ito sa limot. Hahayaan na lang ba nating magpatuloy ang mga insidente ng pang-aabuso at kapabayaan sa mga hayop, paano kaya ito aaksyunan?

Sa pamamagitan ng bagong batas na ito, inaasahang mababawasan pa lalo ang mga kaso ng pang-aabuso at mapapalakas pa ang kamalayan ng bawat tao ukol sa karapatan ng mga hayop. Ang kasalukuyang batas na umiiral ay ang Republic Act No. 8485 o kilala bilang Animal Welfare Act of 1998 noong 2013. Layunin ng batas na ito na itaguyod ang kapakanan ng lahat ng hayop sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga gawaing malupit, pagmamaltrato, at kapabayaan, pati na rin ang regulasyon sa paghawak ng mga hayop at pagtatakda ng mga parusa para sa mga taong lumalabag dito.

Ang SB 2458 ay hindi lamang nagtataguyod ng mas mataas na kinakailangan pamantayan upang maituring ang pet owner na may kakayahang mag-alaga ng mga hayop, kung hindi

KAI-moderate

Michael Angelo Gabion

ahit masasabi nating naging maganda ang epekto ng AI sa ating pamumuhay, hindi pa rin dapat natin isinasantabi ang mga posibleng masamang epekto nito sa pag-aaral. Ginagamit natin ang AI sa maraming paraan sa maraming kadahilanan: Edukasyon, pagaaral, pagtatrabaho, maging sa mga simpleng bagay para mawili ang sarili, kaaagapay natin ang AI sa halos lahat ng ating ginagawa sa ating buhay, ngunit hindi ba natin namamalayan na kung pag-uusapan natin ang edukasyon ay malaki ang ginagampanan ng AI? Ayon kina Zawacki-Richter, Marín, Bond, at Gouverneur sa kanilang pananaliksik taong 2019, ang mga aplikasyon at implikasyon ng AI sa edukasyon ay unti-unti na ring nahahalo sa sistema ng pagaaral sa mataas na edukasyon.

Makikita mo naman ang kamangha-manghang pagkakagawa ng AI, ngunit sa kabilang banda naman ng kagandahan nito, halos may mga iilan ding estudyante ang inaabuso ang kakayahan nito, ngunit nakakapagtaka kung iisipin bakit napakaraming estudyante ngayon ang gumagamit ng AI sa maling paraan. Maganda ang intensyon, ngunit mali ang pamamaraan, isa lamang iyan sa mga maling paggamit ng AI.

Kahit napakainam ng AI, nawawalan naman ng katangiang pantao ang gawaing pampaaralan at pag-aaral ng mga mag-aaral. Mula sa paggawa ng maikling kwento, pananaliksik, sanaysay, math problems, hanggang sa pagkatha ng tula, maging sa pagbibigay ng sagot

sa mga assignments, lahat ng salik na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ginagamit ang AI sa maling pamamaraan.

Nasasayang ang kaalamang maipupulot sa pag-aaral at mga tinuturo ng ating guro kung masyadong umaasa ang mga magaaral sa AI. Isang prompt, copy, tapos paste nalang ang nangyayari, tapos hindi pa tinitignan ng mabuti kung ang mga ibinibigay na mga tugon o sagot ng AI ay tama at naaayon sa hinahanap na kasagutan.

Sa kasalukuyan, wala pang mainam na batas upang mabawasan ang overdependence ng mga mag-aaral sa paggamit ng AI, ngunit kailangan din natin isipin ang pagsasagawa ng mga school restrcitions and regulatiopns upang maiwasan ang paggamit ng AI sa aspetong pampaaralan. Isa ding epektibong paraan ay ang pagtuturo ng mga AI sa mga bawat mag-aaral at ng guro sa Pilipinas sa pasubaling umasang muli ang mga bata sa pansariling kakayahan na tapusin ang gawain ng hindi umaasa sa AI. Kahit sabihin nating isang mainam na kasangkapan ang AI pagdating sa pag-aaral, may mga limitasyon din ito na halos nasa tao lang mismo ang makakagawa. Mahalaga na maunawaan din natin ang paggamit ng AI ay hindi inaabuso, bagkus ay ginawa upang tayo ay tulungan, ngunit hindi upang magpasailalim sa katamaran. Dinudungisan ng AI exploitation ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng edukasyon at pagbibigay ng karunugan para sa kabataan. Ano pa ang silbi ng magkaroon ng paaralan kung isasaalang-alang pala natin sa iisang teknolohiya?

nagtutulak din ito para sa kaalaman tungkol sa tamang pagaalaga ng mga ito, na ating nakakasalamuha sa pang arawaraw.

Gayunpaman, may mga kakulangan ang kasalukuyang batas. Una, mahina ang pagpapatupad nito, kaya’t patuloy ang mga insidente ng kalupitan at kapabayaan. Pangalawa, hindi sapat ang mga parusa para sa mga lumalabag, kaya’t hindi ito nagiging epektibong pantakot. Marami ring mamamayan ang walang kamalayan sa kanilang mga responsibilidad sa ilalim ng batas, na nagreresulta sa patuloy na pang-aabuso. Bukod dito, kulang ang mga lokal na pamahalaan sa mga mapagkukunan at sanay na tauhan upang epektibong ipatupad ang mga regulasyon sa kapakanan ng hayop.

Ayon sa ulat, mayroong 13 milyong ligaw na aso at pusa sa bansa. Ang kakulangan sa kaalaman at responsibilidad ng mga tinatawag na 'pet owners' ay siyang nagsasanhi ng paglala ng maraming hayop na pakalat-kalat sa mga daanan.

Sa ilalim ng SB 2458, itinataguyod ang paglikha ng isang dedikadong bureau sa loob ng Department of Agriculture upang mapalakas ang pagpapatupad ng mga pamantayan sa kapakanan ng hayop. Nagpapakilala rin ito ng mas mahigpit na parusa para sa mga lumalabag. Ang pagbuo ng Barangay Animal Welfare Task Forces ay magbibigay kapangyarihan sa mga lokal na opisyal na agarang tumugon sa mga isyu. Bukod dito, isinusulong ng batas ang edukasyon sa mga paaralan tungkol sa tamang pag-aalaga ng hayop, na magtuturo ng responsableng pag-aalaga mula sa murang edad.

Layunin din ng batas na ito na tugunan ang isyu ng overpopulation ng mga stray animals at kontrol sa rabies upang mapabuti ang kalusugan at kaligtasan ng publiko. Hinihikayat nito ang pakikipagtulungan sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno, NGOs, at mga grupong pangkomunidad para sa isang holistic na approach sa kapakanan ng hayop. Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, ang SB 2458 ay naglalayong lumikha ng isang mas mahabagin na lipunan na nagbibigay halaga at proteksyon sa mga hayop.

HULING HIPAK

Para sa mga ibang tao, ligtas na 'mag-vape' kesa manigarilyo. Bagaman sinasabi ng karamihan na mas ligtas ang vape kaysa sa sigarilyo, nagdadala pa rin ito ng mga panganib sa kalusugan. Naglalaman ng nakakapinsalang kemikal na untiunting sisira sa baga ng gumagamit nito. Agarang displinang makupad?

Patuloy na dumarami ang mga taong sumisira ng kanilang baga, tila bagang tinupok ng mga nagbabagang buga, kada hipak. Ang vape ay isang electronic cigarette, isang vaporizer device na gumagamit ng liquid nicotine na siyang pinapainitan sa loob at nilalanghap papunta sa baga. Ang nicotine ay isang uri ng kemikal na nakakaadik at unti-unting sinisira ang baga sa loob ng katawan, mula sa pag-aaral ng Cleveland Clinic. Higit pa rito, ang isang patak ng ‘vape juice’ ay katumbas ng isang dosenang (12) sigarilyo.

Marahil marami ang nagtataka kung bakit may sigarilyo o vape, sa isang pagaaral, nakasaad dito na ang paninigarilyo ay dala ng ‘boredom, relaxation at social enjoyment’ base sa mga taong gumagamit nito tinagurian ito bilang ‘stress reliever’. Ngunit, tila hindi naman ito tama. Kung ating lilinangin, dahil sa smoking, isang dosena na sing-katumbas ng isang ‘vape juice’ ay pitong (7) milyong buhay na ang nawala, gayundin 480,000 ang namamatay kada taon dahil sa itinuturing na ‘stress reliever’ ng karamihan.

Sa paaralan ng Cainta Senior High School (CSHS) hindi makakaila na maraming mag-aaral ang matitigas ang mukha at pasaway. Ayon sa Guidance Office ng CSHS, sinasabing may naitalang humigit-kumulang 40 kaso ng vaping sa nasabing paaralan. Kahit naisaad na masama ang kalusugan ang vaping, nasa kalusugan pa rin ba ang problema o ang tila kawalan ng disiplina?

Matagal nang ipinagbabawal ng paaralan ang pagdadala ng vape ayon sa isinabatas

ng Local Government Unit (LGU) sa Cainta. Munisipalidad na ordinansa kung saan nakatutok ang awtoridad sa pagbabawal ng kahit anong uri ng paninigarilyo mapa-sigarilyo man o vape sa mga pampublikong lugar, lalong lalo ma sa mga paaralan.

Isa sa mga dahilan ng pagtaas at patuloy na paggamit ng vape sa mga paaralan ay dahil sa kawalan ng disiplina at imoral na pag-uugali ng ilang estudyante. Mga cloutchaser, ‘clout chasing’ kung saan tinuturing nilang maangas ang mga ginagawa, ngunit labag sa regulasyon at polisiya sa loob ng paaralan, isa lamang sa mga sanhi ng hindi tamang gawain na ito.

Kailangang malaman kung saan ito nagmumula, paano mo mapapatay ang isang puno kundi mo tatagain ang mga ugat nito. Kailangang lipunin ng pamahalaan ang lahat ng mga pinagmumulan ng vape, istriktong bawal para sa mga minor de edad, nang sa gayon ay malipon na ang mga nagpapalaganap ng masamang usok ma nakasisira ng buhay.

Upang masolusyunan ang krisis kinakailangang maturuan ang mga estudyante ng agarang disiplina ukol sa masamang dulot ng ‘vaping’ nang tuluyang mabawasan ang pagrami ng pagpuslit ng vape sa mga paaralan.

Isang krisis na kinakailangang pagtuunan ng pansin, para sa kalusugan ng mga mag-aaral. Disiplina at kamalayan ang susi upang mapigilan ang paglaganap ng vaping sa mga paaralan, patuloy na edukasyon at mahigpit na pagpapatupad ng mga batas ay mahalaga upang maprotektahan ang kalusugan ng mga kabataan. Oo, masarap man ang bawat hipak ngunit kung susumahin, mas mabuting may nalalanghap na malinis na hangin kaysa sa dextrose na nakalagay sa ilong. Maging mapanuri, iyong tansahin baka huling hipak mo na pala ito.

LENTE NG SIYENSIYA
Iginuhit ni: John Vincent Cordovez

LILANG GINTO

Pagkatuklas ng Masungi sa Mailap na Purple Jade Vine Seed ng Pinas

Isang nakakamanghang pagkatuklas ng Masungi Georeserve Foundation (MGFI), isang organisasyong nangangasiwa ng kalikasan at sa kabundukan ng Rizal, at ng pag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas sa Los Banos - Museum of Natural History (UPLBMNH), ang tila bihira at kakaibang halamang na Purple Jade Vine Seed sa masukal na gubat sa bulubundukin ng Quezon.

Ang pagkakatuklas ng nasabing halaman sa isang bansa na lubusang natatamasa ang hagupit ng pagbabago ng klima ay napakabihira ngunit nakakamangha, at hindi lang itong isang halamang maaari ay bago sa inyo, ngunit katumbas pa ng isang libro para sa eksperto. Mailap na Purple Jade Vine Strongylodon juangonzalezii, o Rare Purple Jade Vine Seed, ay matatagpuan sa pinapangalagaang kalupaan ng Mulanay sa probinsya ng Quezon. Natagpuan taong 2016, isa ang Strongylodon juangonzalezii sa mga natagpuang uri ng bihirang halaman dito sa Pilipinas, at nabibilang sa 10 strongylodon species o pamilya ng halamang baging na naitala sa ating bansa; juangonzalezii na mas mailap hanapin kumpara sa siyam na natagpuan sa kasalukuyan, kaya Rare Purple Jade Vine Seed ang ipinangalan sa halamang ito. Kilala sa kapansin-pansing kagandahan at naglalakihang mga kumpol ng mga bulaklak na nagpapakita ng kakaiba at matingkad na lilang kulay, umaabot ng halos dalawang taon ang pagpapalaki ng Purple Jade Vine Seed. Sa mga unang yugto ng pagsibol nito ay makikita ang daang-daang naglililang tila mga ngipin hanggang sa magbunga ng nakakapigil-hininga nitong tila asul at lilang bulaklak.

Napakabihira lamang sa Pilipinas ang makatuklas ng halamang higit lamang sa kagandahan ang maipapamalas: para sa Masungi Georeserve, isa lamang itong patunay na marahil, marami pang halaman ang naghihintay na matuklas, gaya ng Rare Purple Jade Vine Seed. Tulad din niyan, dahil sa posibleng kapahamakan

WALANG ImPOTS-IBLE kAY RONALD

Sa tahanang ang hagdan ay hindi makikita, ang bubong ay tila mas mababa sa karaniwan, ang mga residente ay arawaraw rumoronda sa sasakyang ang manibela ay nasa gulong, naninirahan ang isang dedikadong trabahador. Sa kabila ng kahit anong karamdaman, hindi natinag at patuloy pa ring bumangon sa buhay sa kabila ng pagkakaroon ng POTS Disease.

Ang Postural Orthostatic Tachycardia Syndrome Disease (POTS) ay isang kondisyon ng abnormal na pagbilis ng tibok ng puso na nagdudulot ng ilang sintomas kapag ang taong may sakit ay lumipat ng posisyon tulad ng pagkahiga patungo sa pagtayo.

Ilan sa mga maaaring maging sintomas ng may POTS Disease ay ang mabilis na pagtibok ng puso, pagkahilo, pagkapagod at marami pang iba. Bagama't walang lunas, maaaring makatulong ang ilang paggamot at pagbabago sa buhay upang pamahalaan ang mga sintomas ng POTS.

Sa kalagayan naman ni Ronald Llarenas, 38 taong gulang, isang Cost Control Employee sa Tahanang Walang Hagdan, isa siya sa mga iilang residente ng Tahanan Compound na tinamaan ng POTS Disease, sanhi ng kanyang tuluyang pagka-pilay. Kaharian niya ang wheelchair kung saan umiikot ang kanyang buong araw at ang maliit na pwesto sa may gilid ng pabrika kung saan siya nagtataya ng datos sa kita ng pabrika.

Bago magkasakit, isa siyang estudyanteng nakapagtapos sa kursong Marketing. Natanggap din siya sa mga kumpanya kung saan sana ay gugugulin niya ang kaniyang buhay upang maging mas matagumpay, ngunit nagbago ang lahat noong nalaman niya ang kaniyang sakit.

“Dati malaya ako na gawin ang kahit anong gusto ko pero ngayon limitado na lang” ani ni Ronald.

Araw-araw iniinda ni Ronald ang mga sintomas ng sakit. Kwento niya, hindi natatapos ang araw na hindi siya nahihilo at napapagod. Dagdag pa niya, dahilan din ang POTS upang siya ay magkaroon ng anxiety.

“Kasi dati ‘di pa ako PWD. 2018 noong nagkasakit ako. Naoperahan ako sa likod, nilagyan ako ng bakal sa spinal cord dahil sa POTS Disease.” sambit ni Ronald.

sa kalikasan at sa pagkaubos ng mga tirahang kagubatan at puno sa Quezon, may mga iilan ding balakit na kinakaharap ang nasabing halaman.

Pangangalaga sa Nasabing Halaman

Sa kabila ng panganib na maaaring mangyari sa Masungi Georeserve, ang pagkaubos rin ng mga kagubatan sa kabundukan, na halos nasa 3% na lamang ang natitira sa ating bansa, ay isa ding balakit sa pagpapalaki, pagpapalago, at pagpaparami ng Purple Jade Vine Seed.

Sa pag-asang mapangalagaan ang mailap na Purple Jade Vine Seed, nagpadala ng ilang sample ang Masungi sa Royal Botanic Gardens (RBG) Kew, isang research institute for botanology sa UK, sa pag-asang dumami, ma-cultivate, at pangalagaan ang nasabing halaman.

“Being described as new to science less than 10 years ago means that there is still much to learn about the purple jade vine, so this donation provides us with a wonderful opportunity to find out more about this stunning species, whilst sharing knowledge with the Georeserve so they can continue their conservation efforts in the Philippines,” saad ni Simon Toober, Head of Living Collections sa RBG Kew.

“Despite significant threats to the preservation of the Masungi ecosystem, we remain steadfast in our commitment to collaborate with local and international institutions to conserve our invaluable natural heritage,” saad niya, “We are confident that RBG Kew will provide a secure sanctuary for these seeds, and we look forward to fruitful and lasting partnership with this esteemed botanical research center together with UPLB MNH,” saad ni MGFI director of advocacy Billie Dumaliang.

Iisa lamang ang ating bansa sa mga mayayaman sa likas na yaman maging ng mga naggagandahang nitong pisikal na kaanyuan na naghihintay na matagpuan ng sinuman. Isa din itong tirahan sa mga natatangi at pambihirang mga halaman gaya ng Rare Purple Jade Vine Seed. Sa huli, ang pagkakatuklas ng Strongylodon juangonzalezii ay isang pag-asa sa mga eksperto, at sa ating bansa na maaari pang ipamalas ang kagandahan ng ating kalikasan, kung ito’y iingatan.

Matapos magpagaling sa ospital nang isang buwan at isang taon sa loob lamang ng kaniyang bahay, napag-isipan niyang magtrabaho sa Tahanang Walang Hagdan kung saan alam niyang siya ay tatanggapin nang buo kahit isa siyang PWD.

Ngayon ay limang taon nang nagtatrabaho si Ronald sa Tahanang Walang Hagdan. Hindi man nakabuo ng pamilya kung saan siya ay may anak at asawa, nakahanap naman siya ng pamilya na alam niyang tatanggapin at mamahalin siyang buo kahit biktima ng POTS Disease. Nakahanap siya ng isang komunidad na pantay lang ang tingin sa mga tulad niyang may pagkukulang, hindi siya lalaitin at kukutyain.

Wala sa binti at wala sa kapansanan ang pag-asa ng isang tao dahil lahat ng pangarap ay isinisilang sa puso. Hindi naging dahilan para kay Ronald Llarenas ang pagkakaroon Disease upang hindi pa muling makabangon at makasabay sa takbo ng buhay. Nagbago man ang uri ng pamumuhay niya simula nang maoperahan, hindi naman nagbago ang prinsipyo niyang makapagtrabaho at makatulong sa bayan.

“Don't take things for granted” sambit ni Ronald. “Appreciate niyo ang mga bagay na meron kayo, maliit man o malaki. Ngayon nalaman ko na ok lang pala kahit luma yung sapatos basta nakakalakad ako.” Wala mang kakayahang makatayo nang pisikal, ang kaniyang di matinag na paniniwala sa sarili ang naging susi upang mas higitan pa ang tangkad ng mga taong may kakayahang makatayo, POTS ang kanyang naging hulmahan upang marating kung sino siya ngayon.

Surp-RICE!

Sa gitna ng nag-aapoy na araw at naghihinagpis na lupa, ang Pilipinas ay nakikipaglaban sa tagtuyot. Ang bawat butil ng palay na itinanim ay parang isang maliit na pangarap, isang pag-asa na sumisibol sa tuyong lupa, isang panalangin na umaakyat sa langit para sa kasaganaan ng pamilya.

Ngunit ang IRRI, tulad ng isang mapagkalingang kamay, ay nag-aalok ng solusyon. Sila ay nakabuo ng mga palay na matatag at matibay, tulad ng mga mandirigma na handang harapin ang hamon ng tagtuyot. Ang Sahbhagi Dhan sa India, ang Sahod Ulan sa Pilipinas, at ang Sookha Dhan sa Nepal ay mga halimbawa ng mga bagong uri ng palay na nagsisilbing liwanag sa gitna ng tagtuyot, nag-aalok ng pag-asa para sa masaganang ani at masayang kinabukasan.

Sa pagdating ng baha, ang mga halaman ng palay ay tulad ng mga mandirigma na nagmamadali na maghanda para sa laban. Ang mga modernong uri, bagamat may

mataas na ani, ay hindi handang magtagal sa pagsubok.

Natuklasan ng mga siyentipiko ang isang lihim na sandata, ang SUB1 gene, na nagbibigay ng lakas sa mga halaman ng palay upang labanan ang paglubog. Parang isang mahika, ang SUB1 gene ay nagbibigay ng kakayahan sa mga palay na mag-adapt sa mga hamon ng baha, tulad ng mga mandirigma na handang harapin ang anumang pagsubok.

Ang mga bagong uri ng palay na may SUB1 gene ay nagpapakita ng masaganang ani, tulad ng Swarna Sub1 sa India, Samba Mahsuri sa Bangladesh, at IR64-Sub1 sa Pilipinas.

Sa gitna ng mga hamon ng pagbabago ng klima, ang palay, ang ating pambansang pagkain, ay nakikipaglaban para mabuhay. Ngunit sa pamamagitan ng pagsisikap ng mga siyentipiko at mga magsasaka, ang mga bagong uri ng palay na lumalaban sa tagtuyot at baha ay nagbibigay ng pag-asa para sa isang masaganang kinabukasan.

Cris Joseph Pontawe
Michael Angelo Gabion
Larawan mula sa Masungi Georeserve
Kacey Manahan

Ka-AI-gapay sa Pag-aaral

Sa mga silid-aralan, kung saan dati'y ang lapis at ballpen ang pangunahing kasangkapan, kasabay ng paglago ng teknolohiya ay ang dahan-dahang pagsibol ng Artificial Intelligence (AI). Hindi na lamang isang konsepto sa mga pelikula, ang AI ay nagiging isang aktibong bahagi ng ating pang-arawaraw na buhay, lalo na sa edukasyon. Sa likod ng mga elektronikong kagamitan kagaya ng cellphone, laptop, at tablet, ang AI ay nagsisilbing tagapagturo, tagapayo, at tagapag-aral. Ayon sa isang pag-aaral ng Instructure, isang lider sa teknolohiya ng edukasyon, 83% ng mga estudyante sa Pilipinas ay gumagamit ng AI sa kanilang pag-aaral, kabilang ang mga platform tulad ng ChatGPT, Bing, Bard, at Cici. Parang isang malawak na aklatan ng kaalaman, ang AI ay handang

sagutin ang anumang tanong, magbigay ng mga paliwanag, at mag-alok ng mga solusyon sa mga problema.

Si Juliana Villanueva, isang mag-aaral sa Cainta Senior High School, ay nagbahagi ng kaniyang karanasan sa paggamit ng AI. "Nakakatulong ang AI sa aking mga takdang aralin. Ginagamit ko rin ito upang itanong ang mga tanong na hindi ko natanong sa mga teachers," kuwento niya.

Habang para sa mga estudyanteng may kapansanan, ang AI ay nag-aalok ng mga bagong pagkakataon para sa mas pantay- pantay na edukasyon. Maaaring magamit ang AI upang magbigay ng mga tool na pang-assistive technology, tulad ng text-to-speech, speech-to-text, at iba pang mga katangian na makakatulong sa mga estudyante na may mga espesyal na

Adik-Tok Syndrome Syndrome

Spangangailangan. Tila isang tulay na naguugnay sa lahat ng estudyante, ang AI ay nagbibigay ng pagkakataon para sa lahat na magkaroon ng pantay na paggamit ng teknolohiya sa edukasyon.

Sa kabila ng mga benepisyo, may mga hamon din na hinaharap ang paggamit ng AI sa edukasyon. Ang isa sa mga pangunahing hamon ay ang hindi pantay na paggamit sa teknolohiya. Parang isang malaking bangka na may dalawang magkaibang bahagi, ang mga estudyante ay nahahati sa dalawa: ang mga may access sa teknolohiya at ang mga wala. Hindi lahat ng estudyante ay may pantay na pagkakataon na magkaroon ng mga device at internet connection na kailangan para sa AI-powered learning. Ang isa pang hamon ay ang hindi responsableng paggamit ng AI. Ayon sa

a tatlong sulok ng hindi perpektong tatsulok na paaralan ng Cainta Senior High School ay mayroong kumakalat na epidemya. Biktima ang mga estudyante, sintomas ng sakit ay ang hindi mapigil na pagsayaw sa kanta na hindi naman tumutugma ang steps sa tugtog. Makikita ring may diperensya ang mga estudyante kung lagi’t lagi ang kanilang lip sync sa iba’t ibang usong kanta. Pangalan ng sakit? Adik-Tok Syndrome. Ang TikTok ay isang social media platform na nagbibigay daan sa mga users na lumikha, mag edit, tumuklas, at magbahagi ng mga video. Ang haba ng video sa TikTok ay kahit saan mula sa ilang segundo hanggang 10 minuto. Dahil sa patuloy na paglago ng kasikatan ng naturang aplikasyon, maraming mga epekto na ang naidulot nito sa mga mag-aaral.

isang research nina Rahman at Watanobe noong 2023, masyadong nakadepende ang ibang mga estudyante sa paggamit ng AI, dahil sa madaling pagkuha ng mga sagot, hindi na nag-iisip ng malalim o nag-aaral ang mga estudyante, itinuturing na isang mahika, mula sa simpleng paghiling ay makukuha na ang gusto ng walang pagsisikap.

Sa paglitaw ng bagong mundong ito, nawa'y tandaan na ang AI ay isang tool lamang, parang isang bihasang manggagawa na gumagamit ng mga tool upang lumikha ng isang magandang obra, ang AI ay isang tool na dapat gamitin nang may kasanayan at pananagutan upang mapabuti ang edukasyon para sa lahat.

gumagamit ng TikTok at ang average na oras nila sa paggamit nito ay tumataginting na 8.76 oras. Ngunit ang tanong na kumikiliti sa ating isip, ano ba ang epekto ng TikTok sa buhay ng isang estudyante.

“Minsan po hindi ko mamamalayan, pag nag-scroll na ako sa tiktok, hindi ko napapansin na nakaka dalawang oras na yung nasayang ko imbis na mag-aral” ani ni John Vincent Cordovez, estudyante may Adik-Tok Syndrome mula sa 11-STEM Euclid, kahit si Cordovez mismo ay nagagamit ang TikTok nang anim na oras tuloy tuloy sa isang araw.

Dahil sa sobrang nakakapukaw atensyon ang app, madalas ay nawawala na ang persepsyon ng isang tao sa oras at maraming produktibong oras na ang hindi nagagamit sa tamang paraan.

E -KONOMIYA

Browse, add to cart, place order – ganito ang makabagong paraan ng pagbili ngayon. Mas madali, mas mabilis dahil ang mga pamilihan ay kaya nang maaccess sa pamamagitan lamang ng isang click.

Malaki ang impluwensya ng online transactions sa mga iilang gawain ng mga mag-aaral ayon sa tinatawag na umbrella term na “Digital Economy”, kung saan ang lahat ng dating nakagawiang transaksyunal tulad ng pagkuha ng interes o pera sa bangko at pagpunta sa mga groceries ay maaari nang gawin online o mas pamilyar bilang “online transactions”.

Kakapindot pa lang sa cellphone at tatambad na agad ang mga makukulay na litrato at mga poster kasama ang mga nakakagiliw na tugtugin ng mga online shopping apps gaya ng Shopee at Lazada, TikTok Shop, at Foodpanda, na halos paulanan ng notifications ang mga cellphones para lang sa mga bagong produktong kanilang itatampok.

Halos lahat ng gawaing pantao ay makikita na sa online, tulad ng online advertisement o advertising sa YouTube, online selling at online shopping sa Facebook, Lazada, Shopee, at marami pang nakakaenganyo na gawain na tiyak na nakakawili sa maraming tao, na siyang may malaking epekto sa ekonomiya ng ating bansa. Ngunit paano kaya nabago ng tinatawag na “online transactions” ang pamumuhay ng mga CaiSenians ngayon, at ano ang impluwensya nito sa kanilang dating nakagawian?

Sa aming nakapanayam na si “Nina”, na hiniling itago ang pangalan, inilahad niya ang kanyang naging karanasan pagdating sa online shopping. “Yung sa pagbili ng pagkain online gaya nong sa Jollibee.. isa ‘yon sa mga time-saving especially under… gipit na [sitwasyon] kasi dati imagine mo tatambay pa kami sa mga food restaurants para lang sa Research..” dagdag niya. “Itong tote bag na dala ko, sa TikTok Shop ‘to actually, napapamura ako don ‘eh tapos ano din.. yung [binder] na to nasa around P98 lang.. ang weird nga isipin kasi kakauwi ko lang talaga sa bakasyon tapos next week na ‘yung pasok nong time na bumili ako nito”

Dahil din dito ay natuto na halos ng lahat ng estudyante ang pagkakaroon ng kani-kanilang bank accounts gaya ng GCash, na kanilang ginagamit upang ipambayad kaysa sa regular at perang de papel. “Actually at first hindi talaga ako nag-G-Gcash, pero since dahil trendy siya talaga and syempre gaya nga kanina, [dahil] nagipit , napilitan nalang ako..” dagdag niya. Kahit masasabing napakaganda ng online transactions para sa mga iilang mag-aaral gaya ni “Nina”, hinaharap din ito sa mga kalbaryo gaya ng mga iilang mag-aaral tulad ni “John”, hindi niya tunay na pangalan. “...Ayan din po yung naging problema namin, kasi po dahil dyan sa online [apps] tumutumal yung kita ng.. pamilya ko..”, ayon kay “John” Iisa din ito sa kahinaan na dulot ng modernisasyon: sa isang banda, makikita mo ang mga tao na hawak ay cellphones, nakikinig o nanonood sa mga nakakagiliw na video sa online, samantalang ang iba ay hindi pa rin nakakahabol sa napakaraming mga suliranin at salik na nakakaapekto sa kanilang pamumuhay.

Sa kasalukuyan naman, may mga ilang Pinoy ang nakakaranas ng “digital divide” o ang kawalan ng access sa online world, na nararanasan ng halos 40% ng ating bansa sa halos nasa 60% na gumagamit ng digital services ayon sa tala ng International Trade Administration (ITA).

Kahit sa kabila ng malawakang kagandahan na bunga ng teknolohiya, at kahit sa kabila ng mga iilang estudyante ng Cainta Senior High School ang nakakaranas ng digital divide, isa pa rin itong tanda sa kung gaano kalaki ang impluwensya ng modernisasyon na dala ng online world, gaya ng sa kung paano nito napadali ang transaksyon na gawain maging sa nakasanayang pamumuhay ng mga tao. Kung ganito na pala kalawak ang nararating ng ating ekonomiya sa modernisadong sibilasyon, makakabuti ba talaga ito sa hinaharap, o isang hamon na naman ba ang ating kakaharapin?

access, nabababad na sila sa TikTok.” Ani ni Heaven Josh Billen mula sa 11STEM Descartes, kahit siya mismo ay mayroong Adik-Tok Syndrome, anim hanggang walong oras sa tiktok ang kaniyang nagugugol sa isang araw. Isa man sa biktima ng epidemya ng galak at indak, hiling naman ni Heaven na sana ay gamitin ang TikTok sa mabuting paraan, ang pagpopost at pagpapakalat ng balita ay may kabuluhan at may saysay upang walang malagay sa panganib dahil sa maling impormasyon.

Tamang pamamahala ng oras ang nararapat para hindi masayang ang iyong napakahalang oras. Gamitin ang TikTok upang maging isang mabuting mamamayang nag aambag sa lipunan, hindi lang pang sayaw at lip sync ang TikTok, kung gagamitin sa matalinong paraan, magagamit pa natin ito sa

Cris Joseph Pontawe
Michael Angelo Gabion

SUPORTA BAGO

Hindi biro ang pagiging atleta. Sila ang nagsisilbing representasyon na nagaangat sa reputasyon ng kanilang mga paaralan, Munisipalidad, Rehiyon o maging ng ating bansa. Hindi matatawaran ang unos na kanilang tinatahak matamo lamang ang medalyang makapagbibigay karangalan para sa bayan. Ngunit, may sumisilip na kalawang na sumisira at nagsisilbing hadlang sa pagkamit ng kanilang mga medalya, iyon ay ang kakulangan sa suporta na dapat lang resolbahin ng gobyerno.

Kamakailan, pinarangalan ng kamara ang mga atletang sumabak sa Paris Olympics 2024 may medalya man o wala, sa pamamagitan ng pagbibigay ng congressional medals at cash gifts na Iginawad ng House of Representatives sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez.

Nakikinabang ang gobyerno sa mga atleta kaya nararapat lang na makinabang din ang mga atleta sa gobyerno. Bilang isang nakatataas na nangunguna sa pagtugon sa mga isyu na dapat solusyunan, obligasyon ng gobyerno na ilaan at sapatan ang lahat ng mga pangangailangan ng mga atleta nating sumasabak sa mga kompetisyon sa ibang bansa.

Dagdag pa rito, tiniyak ni Romualdez na bukod sa pinansiyal na suporta ay bibigyan nila ng prayoridad ang pag-

review sa Republic Act 10699 o National Athletes, Coaches and Trainers Benefits and Incentives Act.

Nararapat lang na pangalagaan ng gobyerno ang ating mga atleta gayundin ang kanilang mga tagapag-alaga at mga tagapag-sanay dahil hindi lang sila lumalaban para sa kanilang mga sarili, lumalaban din sila para sa ating bansa. Ang mga medalya na kanilang nakakamit ay malaki ang nagagawa sa pagpapaunlad ng kultura at talento ng mga Pilipino. Kaya kung gusto ng gobyerno na mas umunlad ang Pilipinas, unahin muna nilang paunlarin ang suporta sa mga atleta.

Gayunman, sana matagal na nilang binigyang pansin ang pagbibigay ng sapat na suporta sa mga atleta pangunahin na sa pinansiyal dahil matagal nang dumadanas ng kagipitan ang mga atleta at kanilang mga coaches.

Sana matagal nang kumilos ang gobyerno hindi lang ngayon na nakakuha ng ginto ang Pilipinas sa Paris Olympics. Hindi biro ang daan na sinusuong ng ating mga atleta maipaglaban lang ang ating bansa. Kaya sana mapantayan ng sapat na suporta ang kanilang hindi matatawarang pagsisikap, pagsasakripisyo at determinasyon.

Ang kakulangan sa sapat na suporta sa mga atleta ay isang masalimuot na katotohanan na obligasyong puksain ng ma nakatataas. Sa malaki man o maliit na paraan, dapat na maramdaman ng mga atleta ang ating mainit na suporta dahil ang panalo nila ay panalo rin ng ating bansa.

SSILIP-ISPORTS

Kalawang sa ginto

Nicole Montemayor

a halip na isang mainit na pagbati ang bumungad sa makasaysayang atleta na si Carlos Yulo sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas matapos makapagtamo ng dalawang gintong medalya, sinalubong siya ng isang isyu na ang ugat pa ay ang kanyang sariling pamilya. Sa likod ng kumikinang na ginto, tila may kalawang na unti unting tumatambad sa publiko.

Pumukaw sa atensyon ng karamihan ang post ni Angelica Poquiz Yulo, ina ni Carlos Yulo. Nagsasaad ang naturang post ng mga katagang "Japan padin talaga... Lakas" ipinost ito matapos manalo ng Japan sa all around gymnastics competition sa Paris Olympics samantalang si Caloy naman ay nasa ika-12 na pwesto

Sa bawat tagumpay na nakakamit ng isang anak, ang kanyang ina ang dapat na pinakaunang luluha sa tuwa ngunit sa halip na batiin ay ipinakita pa ni Angelica Yulo ang suporta sa dayuhan kaysa sa sarili niyang anak. Kung mas gusto niya ang pambato ng Japan, maaari naman niya itong maipamalas sa pribadong paraan bilang respeto sa kanyang Anak. Dahil ina sya ng isang tanyag na Atleta dapat na maging maingat siya sa mga bagay na kanyang isinasapubliko dahil maaari nitong maapektuhan ang reputasyon ni Carlos Yulo.

Ang ganitong mga usapan ay dapat na ginagawang pribado nalang lalo na at may isang tanyag na pangalan ang madudungisan. Obligasyon ng Anak na magbigay sa kanyang pamilya bilang pagpapakita ng pagmamahal sa kanila ngunit hindi dapat abusuhin ng magulang ang mga pagpapalang natatanggap ng kanilang anak dahil ito rin ay kanilang pinaghirapan.

Bukod pa rito, inihayag din ni Angelica Yulo ang kanyang pagkadismaya sa anak nang piliin nito ang nobyang si Chloe na ayon sa kanya ay naging ugat ng kanilang tampuhan. Inilalayo raw ni Chloe si Caloy sa kanilang pamilya na agad namang pinabulaanan ni Caloy dahil ayon sa kanya matagal nang ayaw ni Angelica Yulo sa kanyang nobya ngunit sa kabila ng pambabastos nito sa dalaga at sa pamilya nito ay ni minsan hindi ito nawalan ng respeto sa kanyang pamilya.

Unang una, walang kinalaman ang isyu sa pera at nobya ang pagkapanalo ni Caloy. Ang pagkapanalo sana niya ang mas binigyang pansin ng kanyang Ina ngunit ginawa pa itong pagkakataon ni Angelica Yulo para dungisan ang pangalan ng kanyang anak. Hindi rin tama na kung kailan gumawa ng makasaysayang pagkapanalo si Carlos ay maghahalungkat ang kanyang Ina ng mga isyu na maaaring magpa lipas sa saya dulot ng kanyang matagumpay na laban.

Sa pangkalahatan, walang dapat bigyang pansin kundi ang pagkapanalo ng ating makasaysayang atleta na talagang nagsumikap upang maging posible sa kanya na makapag uwi hindi lang ng isa kundi ng dalawang gintong medalya. Ang mga isyu o sigalot sa pamilya ay dapat na inaayos sa pribadong paraan sa halip na ipa alam sa publiko na maaaring makadungis sa reputasyon ng isa. Lahat ng tao ay may kalayaang maglabas ng kanilang saloobin patungkol sa isang bagay na nakasakit sa kanila ngunit hindi lahat ng bagay ay dapat pang ipa alam sa maraming tao. Lahat ng bagay ay may wakas, maging ang gintong medalya ay maaaring mawala, ngunit may isang bagay na hindi kailanman matutumbasan ng kahit gaano karaming ginto, iyon ay ang magandang kaugnayan sa pamilya.

Pulso ng CaiSenians

Sapat ba ang suporta sa mga atleta ng bansa?

64.7%

FIRE IN THE HOLE

Si Origenes at ang kanyang 'PUBG journey'

Cyroz Tabor

alas ng isip at matinding ensayo ang naging puhunan ni Alen Dale Origenes bago maging kinatawan ng Pilipinas sa makabagong larong pampalakasan at bago maging isang propesiyónal na Tunay na mapaglaro ang tadhana para kay Origenes dahil hindi sumagi sa isip niya na darating ang panahon na ang simpleng taong tulad niya ay magiging isang ganap na propesiyonal na manlalaro na kinatawan ng Pilipinas. Ayon kay Origenes , ang kaniyang interes sa eSports ay nagsimulang lumago noong magkaroon ng pandemya kung saan naging manlalaro siya ng Player Unknown’s battlegrounds (PUBG) bilang libangan o pampalipas oras lamang. Nang matapos ang pandemya, sumubok lumaban si Origenes sa isang maliit na paligsahan at doon niya nakita na maraming magbubukas na oportunidad sa kaniya sa paglalaro ng eSports. Ang PUBG ang larong humubog sa kakayahan at potensiyal ni Origenes na siya ring pasimula ng kaniyang paglalakbay sa larangan ng eSports. Nagsimulang seryosohin ni Origenes ang paglalaro kung kaya't nagpabili siya sa kaniyang Ina ng isang magandang uri ng telepono na magagamit niya sa kaniyang paglalaro. Ginamit itong instrumento ni Origenes sa pagpapatuloy ng kaniyang pagsasanay hanggang sa maging kwalipikado siya sa isang malaking pribiliheyo, ang maging kinatawan ng Pilipinas sa larangan ng sSports. Ang kauna-unahang malaking kompetisyon na kaniyang nilabanan ay ang Hyperfront Elite Cup at sa ika-19th na Asian Games sa Hangzhou, 2022, bilang kinatawan ng Pilipinas.

Ngunit hindi naging madali ang mga pinagdaanan ni Origenes para lang makapasok sa Philippine team. Pag-amin ni Origenes , kinailangan niyang maglaan ng maraming panahon at magsagawa ng maraming sakripisyo upang maabot ang pangarap niyang maging isang ganap na miyembro ng team. Malaki ang naging epekto nito sa buhay ni Origenes . Dahil sa walang kapagurang pagsasanay, nakakaligtaan na niyang alagaan ang kaniyang sarili gayundin ang kaugnayan niya sa kaniyang mga minamahal. Dahil dito, nawalan si Origenes ng mga kaibigan na akala niya ay todo ang suporta sa landasing pinili niyang lakaran. Dito napagtanto ni Origenes na sa takbuhan ng buhay, pamilya lang ang hinding-hindi ka iiwanan sa kalagitnaan ng laban.

Subalit, ang mga balakid na ito ay hindi itinuring na hadlang ni Origenes. Tinanggap niya ang mga naging pagbabago sa kaniyang buhay, gumawa rin siya ng mga hakbang upang mapangalagaan ang kaniyang kalusugan, at ipinagpatuloy niya ang nasimulang karera.

Nag-iwan naman ng mensahe si Origenes sa mga taong nangangarap na maging propesyonal sa larangan ng eSports katulad niya, 'Para marating mo yung gusto mong marating sa larangan na ito, tiisin mo yung sakit na marami kapang dapat linangin, tanggapin mo na marami kapang mga pagkukulang na dapat punan, pagbutihin mo ang pag-eensayo sa halip na panghinaan, habang nananatiling determinado na makamit ang inaasam na tagumpay' bago marating ni Alen ang pinakamimithi niyang gantimpala, dumaan muna siya sa tila walang katapusang pagsubok. Susi ang kaniyang di matitinag na determinasyon, naabot niya ito.

2024 Cainta Municipal Meet

Gulong, Sulong

Ikot ng buhay ni Catacutan at ng kanyang Boccia balls

Nicole Montemayor

Sa mundo kung saan minamaliit ang mga ipinanganak na may kapansanan, isang kabataang babae ang hindi nagpatinag at lakas loob na sinuong ang makitid na daan patungo sa kaniyang inaasam na tagumpay. Iyan si Daniella Catacutan, Boccia player ng Cainta Senior High School.

Para kay Catacutan, ang mundo ay puno ng mga surpresa dahil hindi niya inaasahan na ang isang may kapansanang may depekto ang paa at itinuturing na mahina ng karamihan katulad niya, ay malayo ang mararating sa mundo ng pampalakasan.

Edad tatlong taong gulang nang malaman ng mga magulang niya na mayroon siyang Cerebral Palsy, isang kondisyon na nakaapekto sa kaniyang galaw at postura hanggang sa umabot sa punto na kinailangan na niyang gumamit ng wheelchair upang patuloy na makausad sa buhay.

Sa halip na panghinaan, sinikap niyang maging positibo at magpokus sa mga bagay na kaya niya pang gawin at hindi sa mga bagay na hindi na niya magagawa.

"Narealize ko na wala akong dapat ikatakot o ikahiya dahil lang may kapansanan ako, dahil kahit may sakit ako, mayroon pa rin akong talento na maipapakita sa mundo," aniya. Bulag man ang iba sa kaniyang mga kakayahan, nakita ng kanilang dating presidente sa isang organisasyon na tumutulong sa mga may Cerebral Palsy ang kaniyang natatanging kakayahan.

"Pinasok ako ng dati naming presidente sa Cerebral Palsy sa Boccia at masaya ako kasi nalaman kong may ganong sports pala para sa mga may kapansanan," saad ni Catacutan. Malaki ang naging gampanin ng Boccia upang mahubog ang pagkatao ni Catacutan, ayon sa kaniya, nawala ang hiya, kaba, at takot niya nang sumali siya rito.

"Dati malungkot ako palagi dulot ng pang-iinsulto sakin dahil lang sa may kapansanan ako, pero dahil sa Boccia, napatunayan kong hindi hadlang ang kapansanan dahil kaya pa rin naming makipagsabayan," pahayag niya.

Simula nang lumaban siya noong 2018, hindi pumalya si Catacutan na mag-uwi ng medalya. Sa anim na taong paglalaro ng boccia, tatlong beses na siyang nakatungtong ng Regional at lumaban na rin siya sa ibang bansa tulad ng China at Cambodia.

Ang dating minamaliit, kinukutya, at dinidiskrimina ng karamihan, isa ng natatanging atleta na nagbibigay ng karangalan sa kaniyang bayan.

Nag-iwan naman si Catacutan ng mensahe para sa mga katulad niyang atleta na may iniindang kapansanan.

"Huwag kayong panghinaan ng loob, alam kong hindi madali ‘yong ganitong sitwasyon pero alam ko rin na kakayanin niyo. Magpakatatag lang kayo palagi dahil may naghihintay sa’tin na magandang kinabukasan, kaya natin to!"

Kailangan nating sikaping makita ang tinataglay na ganda ng masalimuot na sistema ng buhay.

Sa halip na magpokus sa ating mga kahinaan at limitasyon, iukit natin sa ating mga puso ang pag- usad at patuloy na itulak ang ating mga gulong patungo sa pagsulong.

CaiSenians kumana ng 54 ginto

Ibinida ng mga atletang CaiSenians ang kanilang taglay na husay at talento matapos humakot ng kabuuang 90 medalya, 54 na ginto, 28 na pilak, at walong tanso sa nagdaang Municipal Meet na ginanap noong Oktubre 1-6 2024. Matagumpay na nakapag-uwi ng 22 ginto, 12 pilak, at tatlong tanso ang mga atleta ng athletics na lumaban noong ika 1-6 ng Oktubre na ginanap sa Cainta Oval na naging posible dahil sa gabay ng kanilang tagapag-ensayo na si Glayza Sta. Catalina Alao.

Kasunod nito, nakapagtala ng 16 ginto, apat na pilak, at isang tanso ang mga arnisador sa ginanap na tagisan noong Ika-3 ng Oktubre sa St. Anthony Elementary School na siyang bunga ng kombinasyon ng pagsasanay nina Judy Francisco at Nestor Montawar.

Nakapagtamo naman ang mga bata ni Aiza Dapula ng limang ginto, apat na pilak, at dalawang tanso ang mga atleta sa larangan ng swimming na sumabak noong ika-4 ng Oktubre sa One Cainta pool, One Arena.

Matagumpay din na nakapagtarak ng apat na ginto, isang pilak, at isang tanso ang mga mananayaw ng dancesports na umindak noong Ika-1-4 ng Oktubre sa Marick Elementary School.

Nakapag-uwi naman ng isang gintong medalya ang table tennis na naging posible dahil sa gabay ng kanilang tagapag-ensayo na si Jess Tuin sa ginanap na laban sa Marick Elementary School noong Ika-4 ng Oktubre. Isang ginto rin ang matagumpay na nasungkit ng gymnastics noong Ika-2 ng Oktubre sa Exodus Elementary School.

Samantala, isang pilak at isang tanso naman ang nakamit ng badminton players sa ginanap na laban noong ika 1-4 ng Oktubre sa Cainta Badminton Court na resulta ng pinagsamang gabay nina Myrene De Leon at Alexis

Dolfo Maravillas.

Sinelyuhan naman ng taekwondo sa pangunguna ng kanilang Coach na si Darrel Nepomuceno ang apat na ginto at apat na pilak sa ginanap na laban noong Oktubre 4 sa Cainta Elementary School Blue Building.

Umarangkada rin ang piyesa ng mga chess players sa ilalim ng pangangalaga ni Dhelle Casco na nag-uwi ng dalawang pilak at dalawang tanso sa ginanap na match sa Cainta Elementary School Kiosk noong Ika 1-6 ng Oktubre.

Hindi naman nagpahuli ang sepak takraw na namayagpag at nag-uwi ng kampyeonato, resulta ng walang pagod na pag-eensayo sa pangunguna ng kanilang Coach na si Alvin Banta. Ginanap ang laban sa Exodus Elementary School noong Ika-3 ng Oktubre.

Sa likod ng malaking tagumpay inamin ng mga atleta na ang kanilang naging proseso sa pagkapanalo ay hindi naging madali.

Sa isang panayam, inamin ng Gold medalist na si Matthew Bazar na bilang isang Atleta, marami silang dapat isakripisyo. Mag training kaysa gumala, magtiis na huwag uminom ng softdrinks at kumain ng chichirya, at ituloy ang pageensayo kahit pagod na. Gayunpaman, inamin din niya na sulit ang lahat ng ito.

Sa kabuuan, ang mga atletang CaiSenians ay matagumpay na nakapag-uwi ng 90 medalya, 54 na ginto, 28 na pilak, at 8 na tanso na pumawi sa lahat ng pagod at hirap na pinagdaanan nila sa proseso ng kanilang pagsasanay.

"Ipagpapatuloy namin kung ano yung nasimulan namin pero ngayon mas gagalingan namin para muling makapag-uwi ng medalya sa Caisen," saad ni Coach Jude Gayares.

“ Patunayan natin sa kanila na ang mga katulad natin ay may kontribusyon din sa lipunang ating ginagalawan

kINANG SA H I m PAPAWID

Montemayor

iwala sa sariling kakayahan at pagmamahal sa kaniyang katauhan. Iyan ang mga naging sandata ni John Carl “Cai” Callao, Aero gymnastics ng Cainta Senior High School, laban sa mundong ang mga katulad niya ay kinukutya at pinapasawalang halaga.

Sa edad na tatlong taong gulang, kapansin-pansin na ang pagbabago sa paraan ng kaniyang pagkilos. Sa murang edad ay lumambot ang na kamao ni John Carl na siya namang sinuportahan ng kaniyang magulang.

Minsan ay sinusuotan pa siya ng mga damit pambabae.

Kilala si Callao bilang

makulit, bibo, at masayahing bata na aktibo sa mga proyekto ng paaralan. Hilig niya ang sumali sa mga kompetisyon na upang makita ng kaniyang guro ang kaniyang angking talento.

Sinimulan niyang pasukin ang mundo ng gymnastics sa edad na 15; bagay na nagsilbing kulay sa kaniyang madilim na mundo. Ngunit gaya ng karamihan, humarap din siya sa mga hamon na sumubok sa kaniyang pagmamahal at paninindigan para sa napiling

Inamin ni Callao na dahil sa kaniyang pagiging pusong babae ay marami ang nangmamaliit sa kaniyang kakayahan at ginagawa siyang instrumento sa katatawanan. "Sinasabihan nila akong bakla, na hindi ko daw kaya dahil bading ako, minamaliit nila ang kakayahan ko, iniinsulto ako, ngunit hindi ko hinayaan na maapektuhan ako ng mga sinasabi at ginawa nila dahil alam ko na may talento ako na wala sila,” taas noo niyang banggit.

Dagdag pa ni Callao, may mga pagkakataon na dahil lang nakagawa siya ng pagkakamali habang nasa training ay napapasobra ang mga salitang kaniyang natatanggap. Sinasabihan siya na ang mga gaya niya ay salot sa lipunan, mga salitang dumurog at tumatak sa puso ng dedikadong atleta.

Sikapin man niyang maging positibo at hindi magpaapekto sa mga ganitong bagay, hindi pa rin niya maiwasan na maging malungkot nang husto na nakaapekto sa kaniyang pageensayo. Hagupitin man ng mga masasakit na salitang wawasak ng kaniyang damdamin, pinatunayan ni Callao sa publiko na mayroon pa ring bangis ang pangil ng kaniyang determinasyon at pagsusumikap.

Bagamat baguhan pa lamang sa larangan ng gymnastics, matagumpay na nagkamit ng panalo si Callao sa nakaraang Municipal Meet 2024.

Alay ni Callao ang kaniyang pagkapanalo sa mga taong hindi siya iniwan at laging nasa tabi niya upang suportahan siya, una na ang kaniyang Ama na tinanggap siya nang buong-buo at walang alinlangang sinuportahan ang kaniyang bawat paglalakbay.

"Huwag ninyong isipin ang sinasabi ng iba at huwag n'yong hayaang panghinaan kayo dahil sa mga sinasabi at ginagawa nila. Huwag nating hayaang maging hadlang sila sa atin upang maabot ang ating mga pangarap. Patunayan natin sa kanila na ang mga katulad natin ay may kontribusyon din sa lipunang ating ginagalawan,” mensahe ni John Carl. Wala sa guhit ng palad ang kwento ng isang tao kundi nasa bawat kalyo nito. Markado man sa puso ni Callao ang mga masasakit na salitang kaniyang natanggap, mga problemang pawang walang katapusan. Anglahat ng ito'y napapawi sa tuwing siya ay kumikinang sa himpapawid, lumalaban para sa ating bayan.

Nicole

GOLDEN BOY

Yulo dinakma ang dalawang ginto sa men's gymnastics

PARIS, France - Matagumpay na nakamit ni Carlos Yulo ang makasaysayang dalawang gintong medalya ng Pilipinas sa ginanap na finals ng Men's floor exercise sa iskor na 15.000 at Men's Vault sa iskor na 15.116 noong ika-3 at 4 ng Agosto 2024 sa Bercy Arena. Sa floor exercise, naunang magpakitang gilas kay Yulo ang nakaraang world champion na si Dolgopyat ng Israel na nagtamo ng iskor na 14.966 ng walang penalty dahilan upang magmukha itong imposibleng mataasan. Nakadama ng malalang pressure si Yulo dahil sa bigating iskor na tinala ni Dolgopyat. Ngunit, hindi nagpatinag ang ating pambato na sinamantala ang pressure na kaniyang nararamdaman upang lalo pang mapahusay ang kanyang performance na sinimulan niya sa isang malinis na front triple twist. Sa huling bahagi ng kaniyang performance, pinanganga ni Yulo ang mga manonood nang ipamalas niya ang perpektong three and a half twist.

Sinikwat ni Yulo ang highest score na 15.000 ng walang penalty, 6.600 sa difficulty at 8.400 sa execution. Nagbigay daan ito upang tuluyang maiuwi ni Yulo ang kauna unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics.

Sumunod naman sa kaniya si Dolgopyat na umabanse sa ikalawang pwesto na nag-uwi ng pilak na medalya sa iskor na 14.966 habang sinelyuhan naman ni Jake Jarman ng Great Britain ang tansong medalya na nagkamit ng ikatlong pwesto sa iskor na 14.933.

Matapos ang bente kwatro oras ng pagiging kauna unahang Pilipinong nag-uwi ng gintong medalya sa Olympic gymnastics, muling ipinamalas ni Yulo ang kaniyang angking husay at talento sa Men's Vault kung saan nagtala siya ng iskor na 15.430 sa unang vault at 14.800 naman sa ikalawa na nagresulta ng pangkalahatang puntos na 15.116 na nagdala sa kaniya sa pagiging two time gold medalist.

Pumangalawa sa kaniya si Artur Davtyan ng Armenia na nagtamo ng iskor na 14.966 habang nakamit naman ni Harry Hepworth ng Great britain ang ikatlong pwesto sa iskor na 14.949.

Larawan mula sa Business Mirror

2024 Rizal Provincial Meet Table Tennis

Smash ni Bazar nag-angat sa Cainta

Ibinida ni Matthew Bazar, pambato ng Cainta Senior High School sa table tennis ang kaniyang mahusay na taktika matapos magpaulan ng smash upang dominahin ang pambato ng Angono, 2-0, sa ginanap na Provincial Meet 2024 sa Taytay Elementary School. Nasilat ng pambato ng Angono ang unang puntos nang magka-error at kapusin ng tira si Bazar, matapos bumanat ng smash na hindi nakatawid sa net.

Kaagad naman itong binawi ni Bazar sa pamamagitan ng backhand attack, na agad ding binawi ng kaniyang error.

Tinangka naman ng kalaban na magpakawala ng drop shot ngunit kinapos ito na nagresulta naman ng error. Hindi naman sinayang ni Bazar ang pagkakataon upang magpakawala ng smash attack na nagbigay daan sa kaniyang lamang sa iskor na 7-2.

Nagpalitan ng error ang dalawang manlalaro ngunit limyado si Bazar matapos bumuwelo at magbitaw ng smash attacks na nagresulta ng kabuoang 10 puntos.

Humahabol naman ang pambato ng Angono na tila nabuhayan nang nagkamit pa ng karagdagang isang puntos. Gayunpaman, hindi ito naging sapat, tuluyang inangkin ni

Bazar ang panalo matapos tapusin ang Set 1 sa pamamagitan ng smash attack sa iskor na 11-3. Sinimulan ni Bazar ang second set kung saan muli itong nagka-error na nagbigay daan naman sa Angono na muling masungkit ang unang puntos.

Muli namang nabawi ni Bazar ang puntos matapos kapusin ng tira ang kalaban na nagresulta sa pantay na iskor na 2-2.

Kinapos din ng tira si Bazar matapos tangkaing magbitaw ng drop shot, sinundan naman ito ng sunod-sunod na error ng pambato ng Angono, dahilan upang patuloy na makaabante ni Bazar.

Hindi sinayang ni Bazar ang oportunidad na magpakawala ng sunod-sunod na mga pag-atake na nagresulta ng kaniyang patuloy na paglamang hanggang sa iskor na 10-4.

Tinapos ni Bazar ang laban sa pamamagitan ng mala kidlat na smash sa iskor na 11-4.

Ang laban na ito ang unang laban at unang panalo ni Bazar sa provincial meet na mahalagang hakbang patungo sa inaasam niyang paglahok sa Regional Athletic Meet.

Galino ibinandera ang talento sa Taekwondo

Nicole Montemayor

Ipinamalas ni Trina Galino, Batang Atleta ng Cainta Senior High School (CSHS) ang husay at galing ng isang CaiSenian matapos masikwat ang pilak na medalya sa larangan ng Taekwondo, Oktubre 3, 2024.

Sa isang panayam, iginiit niya na pagtitiyaga at hindi pagsuko ang tumulong sakanya upang makita ang bahagdang tatahakin patungo sa inaasam na tagumpay, para sa karangalan ng sintang paaralan mula sa ginanap na pampalakasan, Municipal Meet 2024.

Bagamat wagi ang batang atleta, hindi naging madali ang kanyang tinahak na pagkapanalo, bunsod na ito ang kanyang unang pagkakataon na lumaban sa larangan ng Taekwondo at kalamangan ng kanyang mga katunggali.

"Malaki po ang lamang sakin ng kalaban pagdating sa suporta, timbang at tangkad," aniya.

Gayunpaman, hindi hinayaan ni Galino na mabalewala ang ilang buwang pag-eensayo dahil nakatanim sa kanyang isipan na kakaiba siya pagdating sa istratehiya at plano.

"Para sa akin, mas matagumpay ang istratehiya ko kaysa sa kalaban, bunga iyon ng pursigidong pageensayo" hinggil ni Galino.

Bukod sa mga kakulangan, nagtamo si Galino ng mga 'injuries' na naka apekto sa kaniyang paraan ng paglalaro. Ngunit sa halip na panghinaan ng loob, nanghawakan siya sa mga pangaral ng mga taong hindi siya iniwan sa mahirap na paglalakbay.

"Malaking tulong sa akin ang mga pangaral at payo ni Coach, iyon ang nagpapalakas ng loob ko sa mga panahong pinanghihinaan ako at parang

Oprecio sinisid ang daan tungo sa Regional Meet

Wagi ang pambato ng Cainta Senior High School (CSHS) sa larangan ng swimming na si Kaye Oprecio matapos iuwi ang gintong medalya sa ginanap na Provincial Meet 2024, Marikina Sports Center, Nobyembre 19-21.

"Sa One Arena lang kami nagte-training, kaya kapag may naunang nakapag-schedule, hindi na kami nakakapagensayo," dagdag pa nito.

Iginiit ni Oprecio sa isang panayam na ang kaniyang pagpupursigi sa pag-ensayo ang nagsilbing tulay upang maging posible ang bagay na tila pinapangarap lang niya dati: ang ipresenta ang kaniyang paaralan at makapag-uwi ng gintong medalya.

Sa likod ng matayog na tagumpay, hindi naging madali ang paglalakbay ni Oprecio patungo sa pinapangarap na ginto.

"Mahirap pagsabayin ang pagiging atleta at ang pagiging estudyante, lalo na ngayon sa Senior High School na maraming pinapagawa," aniya.

Bukod dito, iniinda rin ni Oprecio ang kakulangan sa pagbibigay sa kanila ng mga bagay na kailangan sa pagpapahusay ng kanilang mga kakayahan.

Gayunpaman, hindi niya hinayaan na itumba siya ng mga pagsubok; sa halip, ginawa niya itong dahilan upang lalo pang magpursige sa paglangoy patungo sa kaniyang pangarap.

"Lalo pa akong magtitiyaga sa training, lalo't mas malalakas na ang kalaban ko sa Regional. Kaya sisiguraduhin kong magiging mas pokus ako, mas pursigido, at mas determinado," saad niya.

Nagbigay naman siya ng isang maikling mensahe para sa mga nangangarap na maging bahagi ng larangan ng swimming at makapagbigay ng karangalan sa paaralan sa pamamagitan ng pag-uuwi ng medalya, katulad ng ginawa niya.

"Lagi ninyong tandaan na kapag may tiyaga, may tagumpay," pagtatapos niya.

Palakasan at Kasarian

Nicole Montemayor

Sa malawak na mundo ng pampalakasan tila polusyon na sumisira sa pangarap ng mga Atleta ang diskriminasyong ibinabato sa kanila ng mga taong dapat sana ay nagpapalakas ng kanilang loob at tinutulungan silang paunlarin ang kakayahang magbibigay ng karangalan sa bayan.

Inilahad ni Mary Rose Ortiz, Woman Basketball Player ng Cainta Senior High School (CSHS) sa isang pahayag na ang kaniyang pagiging babae ay naka-apekto sa kaniyang paglalakbay sa larangan ng Basketball. Ayon sa kaniya, marami ang kinukwestiyon ang kaniyang kagustuhang maging basketball player dahil sya ay isang babae.

Lahat tayo ay dapat na maging malayang gawin at abutin ang anumang gusto natin hangga't wala tayong tinatapakang ibang tao. Hindi hadlang ang kasarian para sa isa upang ipakita sa karamihan ang kaniyang husay at talento na tinataglay.

Dagdag pa niya, mas pinapaboran at mas binibigyan ng oportunidad ang mga kalalakihan kumpara sa mga kababaihan sa larangan ng Basketball. Prayoridad ang mga kalalakihan na makapag "Try out" sa mga liga kaysa sa kanilang mga kababaihan.

Babae man o lalaki ay dapat na bigyan ng pantay na mga oportunidad na nararapat lang nilang matamo. Hindi makatarungang ipamukha ang kalakasan ng mga kalalakihan habang itinatago sa mundo ang galing ng mga kababaihan.

Hindi lang mga kalalakihan ang nananalo, hindi lang sila ang nagsusumikap na mag-ensayo at paunlarin ang kanilang kakayahan, kung ang pagiging lalaki ay kalamangan sa Basketball, hindi ba't mas dapat na alalahanin ang mga kababaihang lakas loob na pinasok ang larangang inaangkin ng kalalakihan?

isportskolum
Nicole Montemayor
Nicole Montemayor

KARIPAS NG TAGUMPAY

2024 Palarong Pambansa

CaiSenians hinablot ang tanso sa synchronized Arnis ARNIS TRIO

ngat ang talento ng mga batang Arnisador ng Cainta Senior High School (CSHS) sa Palarong Pambansa 2024 ng masungkit nina Miel Zedrich Malanay, Joseph Andrian Fortaleza at Cris Lawrence Yulo ang tansong medalya sa larangan ng Arnis, Anyo

'Teamwork' at pagkaka-isa ang susi ng tagumpay, masayang tugon ni JJ Malanay, Arnis Coach mula sa isang panayam matapos nilang maipresenta

Aniya, mahalaga ang gampanin ng teamwork at samahan sa isang grupo dahil ito ang nagpapaunlad at nagpapabuti ng kakayahan ng bawat isa. Dagdag dito, ang kanilang samahan ay hindi matatawaran, pagtapos ng ensayo ay sabay sabay silang nanampalataya sa Panginoon upang humingi ng pasasalamat at gabay, doon din sila gumagawa ng team building activities upang mapalakas ang relasyon sa isa't isa.

Nabawi nila ang pagkatalo nakaraang taon dahil ginawa nila ito bilang motibasyon at inspirasyon, isang pangarap upang magpursige at magpatuloy pa sa kanilang pagmamahal sa Arnis.

'One Team, One Dream, One Family,' ika ni Miel Zedrich Malanay, Kahit na humarap sa suliranin o problema ay patuloy lang sila sa kanilang layunin, maging isa, isang pamilya na may iisang pangarap.

Suliraning pinansiyal, sa gastos ng araw-araw na ensayo pangkain, pamasahe at sa stay-in training, problema talaga sa budyet ang kinahaharap ng ating mga atleta, ayon sa kanilang Coach.

CaiSen Sepak Team sinamsam ang tanso; bigong makaabante sa Regional Meet

pinakita ng mga manlalaro ng Sepak Takraw ng Cainta Senior High School (CSHS) ang kanilang bagsik matapos dakmain ang tansong medalya sa ginanap na Provincial Meet, Nobyembre 24. Magandang komunikasyon at disiplina ang sekreto ng kanilang pagkapanalo, tugon ni Frank Legatub, Captain ng Sepak Takraw mula sa isang panayam matapos nilang maipresenta ang minamahal na paaralan sa

Aniya, mahalaga ang gampanin ng magandang komunikasyon at disiplina sa isang grupo dahil ito ang susi upang maging epektibo ang 'performance' sa Kahit na humarap sa mga pagsubok, nanatiling positibo at nagkakaisa ang grupo, naniniwalang nasusuklian ang lahat ng pagod at hirap na kanilang Kawalan ng maayos na 'training system', bihasang tagapag-ensayo, lugar na maaaring gamitin sa training, at malubhang pananakit ng katawan ang kinaharap ng mga manlalaro ng Sepak, ayon kay Frank. Ngunit, hindi ito naging hadlang upang matinag sila at sumuko sa pagnanais na makapag-uwi ng medalya at makapagbigay ng karangalan sa

Hiling ng grupo na sana ay mapunan ng paaralan sa susunod ang pangangailangan nila upang hindi na ito makasagabal sa kanila na dapat ay nagpopokus lang sa pagpapahusay ng kanilang mga kakayahan.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.