1 minute read

Dagdag pasilidad inihanda sa Surigao del Sur para sa mga PUIs

Dagdag pasilidad P ovincial News

inihanda sa Surigao del Sur para sa mga PUIs

Advertisement

Sinabi ni Provincial Health office chief Dr. Eric Montesclaros, ang mga ito ay referral facility na ilalaan sa mga CoViD-19 mild PUIs lamang, kung saan puspusan na ang isinagawang pagsasanay sa mga mangangasiwa na frontliners dito. By Nida Grace P. Barcena TANDAG CITY, Surigao del Sur - Sa gitna ng patuloy ng pagtaas ng kaso sa coronavirus (COVID-19) sa buong bansa, inihanda na ng lokal na pamahalaan ng probinsya sa Surigao del Sur ang dagdag pasilidad para sa mga patients under investigation (PUIs).

Napag alaman mula mismo kay Dr. Montesclaros, na dalawa hanggang tatlong hospital ang kanilang inihanda sa ngayon, bagamat di naman sinabi o tinukoy kung saan ang mga ito.

Kasabay nito, naglalaan din ang mga lokal na pamahalaan ng mga munisipyo sa buong probinsya ng isa o dalawang pang eskwelahan sa kanilang bayan na pwedeng gamitin, at kasalukuyan na rin ginagawa ng mga kainuukulan sa pakikipag ugnayan na rin sa Department of Education (DepEd) ang paghahanda bilang dagdag pasilidad na gagamitin ng mga PUIs, dagdag pa ni Dr. Montesclaros.

Ang ginawang hakbang umano ay aprobado ng Provincial InterAgency Task Force na pinamumunuan ni Surigao del Sur Governor Alexander Pimentel, kung sakaling dumating sa punto na patuloy na lumubo ang bilang ng mga PUM o kaya PUI sa buong probinsiya.

Nilinaw ni Dr Monteclaros na ang Adela Serra Ty Memorial Medical Center (ASTMMC) ng Tandag City pa rin ang maghahandle ng mga malubhang PUI at nagpositibo sa COVID-19, isa sa dalawang hospital sa buong rehiyon ng Caraga na accredited ng Department of Health. (PIA-Surigao del Sur)

MINDANAO NEWS

This article is from: