1 minute read
Bagong komisyoner at kinatawan ng wikang Tagalog ng KWF itinalaga
Bagong komisyoner at P ovincial News
kinatawan ng wikang Tagalog ng KWF itinalaga
Advertisement
LUNGSOD NG SURIGAO, Surigao del Norte - Si Dr. Arthur P. Casanova ang bagong komisyoner para sa wikang Tagalog ng Komisyon sa Wikang Filipino. Pinapalitan niya si Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario.
Isa siyang premyadong edukador sa larang ng wika at lingguwistika. Bílang manunulat, may higit 40 aklat na siya kabilang ang iba’t ibang kuwentong pambata na kinikilala bilang makabuluhang ambag sa larang ng edukasyon.
Nagpamalas din siya ng kaniyang talento sa teatro bílang artista at direktor ng mahigit na 50 dulang pantanghalan. Nagbahagi rin siya ng kaniyang kakayahan at kaalaman sa pag-arte sa teatro sa mga mag-aaral at guro bilang direktor sa mga acting workshop.
Sa kaniyang pagtahak sa larang ng wika, teatro, at edukasyon, nakatanggap si Dr. Casanova ng mga pagkilala mula sa iba’t ibang institusyon sa bansa kabilang ang Komisyon sa Wikang Filipino, Metrobank Foundation, National Book Development Board, at marami pang iba. (Komisyon ng Wikang Filipino/PIA-Surigao del Norte) Ang kaniyang fultaym na pagkakatalaga ay may bisang pitong taon o hanggang 2027.