1 minute read
DOH nanawagan sa mga Caraganons na maging kalmado sa kabila ng banta ng 2019-nCoV ARD
DOH nanawagan sa mga Regional News
Caraganons na maging kalmado sa kabila ng banta ng 2019-nCoV ARD
Advertisement
By Nora C. Lanuza
LUNGSOD NG BUTUAN - Muling nireactivate ng Department of Health (DOH) Caraga ang Regional Emerging and Re-emerging Infectious Disease (EREID) Task Force upang mas matutukan ang pagbabantay ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (nCoV ARD) sa rehiyon. Matatandaang mayroong ginawang task force ang DOH Caraga upang makatulong sa panahong may mga problemang nakakaapekto sa kalusugan ng mga Caraganon.
Sa ginawang pagtatagpo ng mga miyembro ng nasabing task force, nagbigay ng kani-kanilang mga commitments at mga ginawang action hinggil sa nasabing virus at ang pagbibigay ng tamang impormasyon ang pinakamahalagang paraan upang magkaroon ng tamang pagresponde ang gobyerno.
Kasunod din ng kompirmasyon ng DOH sa unang kaso ng 2019-nCoV sa bansa, hinikayat ni DOH Caraga regional director Dr. Jose R. Llacuna, Jr. ang publiko na maging kalmado at huwag magpanic sa halip gawin ang healthy lifestyle; gawing habit ang paghuhugas ng gamay; kumain ng masustansyang pagkain; at maging mapagmatyag. Umapela din si Llacuna na huwag basta magshare ng mga impormasyon, at kung maari ay emonitor ang DOH facebook page para sa mga updates.
Hinikayat din ni Dr. Llacuna ang publiko na tumawag o magreport sa kanilang tanggapan kung may nalalaman silang taong may sintomas sa nCoV upang mabigyan agad ng kaukulang pansin.
Narito ang mga numerong pwedeng tawagan 0948 2241857 (smart); 0945 3592632 (globe); (085) 817 6546. (NCLM/PIA Caraga)