1 minute read

MAHIGIT 2 MILYONG KATAO ANG NABAKUNAHAN NA SA CARAGA REGION; HEALTH PROTOCOL MAHIGPIT PA RING IPINAPATUPAD

Ni Jennifer P. Gaitano

Sa layong maabot ang target na herd immunity, mas pinaigting pa ngayon ng Department of Health (DOH) kasama ng mga lokal na pamahalaan sa Caraga region ang pagbabakuna ng iba’tibang eligible priority groups.

Advertisement

Base sa tala ng DOH, as of January 24, nasa 2,580,598 na ang total administered doses ng vaccines sa rehiyon. May 1,296,480 pa na indibidwal ang kakailanganing bakunahan.

Ayon kay DOH Caraga regional director Dr. Cesar Cassion, bagamat may pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa iba’t-ibang probinsya ng rehiyon, malaking tulong pa rin ang mga bakuna upang hindi ganun kalala ang epekto ng virus sa mga indibidwal na may sintomas.

As of January 26, may kabuuang 54,498 na kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Caraga - 4,038 ang nasa isolation; 48,527 ang naka-recover; at 1,933 ang naitalang namatay.

Mahigpit pa ring ipinapatupad ang contact tracing ng Department of the Interior and Local Government (DILG)Caraga, maging ang temporary treatment and monitoring facilities o quarantine facilities.

Kung sa high risk province o city naman ang paguusapan, as of January 23, ang health care utilization ng probinsya ng Agusan del Norte at Surigao del Sur ay nasa safe zone; nasa moderate risk naman ang Butuan City; high risk sa probinsya ng Surigao del Norte; at critical risk sa Agusan del Sur.

Dahil dito, patuloy pa ring pinaalalahanan ang publiko na sumunod sa health protocol at agad na sumangguni sa health facility sakaling may maranasang sintomas ng COVID-19.

Mahigpit rin ang mga malls sa lungsod ng Butuan at ang mayroong vaccination card lamang ang kanilang pinahihintulutang makapasok sa loob ng pasilidad. (JPG/PIACaraga)

Cassion

This article is from: