Biggest university library ng Mindanao matatagpuan sa Butuan City
Masayang ibinahagi ni Caraga State University (CSU) president Dr. Anthony M. Penaso ang isang state-of-the-art university library - ang Elisa R. Ochoa learning commons ng university na matatagpuan dito sa lungsod. Ayon kay Dr. Penaso, ito ay inaasahang makakatulong sa mahigit 2,000 learners sa iba’t ibang panig ng Mindanao maging sa buong bansa at tinaguriang the biggest state university in Mindanao.
20
|July 17-23, 2021
Ipinagmamalaki din ni Dr. Penaso ang nasabing university library dahil ito ang unang library sa bansa na may locator maps, automated book drop system at nap pads. May tatlong palapag at iba’t ibang amenities, unique services, coffee shops, decision theater, exhibit area, museum, auditorium, discussion rooms, activity lofts, story telling area at marami pang iba. Ang university na nagkakahalaga ng mahigit 254 milyong peso
at bubuksan sa publiko upang makatulong sa mga pangangailan ng mga learners, may 48 CCTVs at wall of merits kung saan lahat ng mga board of examination topnotchers ng university ay mailagay. Ang CSU ang kaunaunahang state university ng Caraga region na may mahigit 9,000 mag-aaral kasali na ang mga mag-aaral sa Cabadbaran City, Agusan del Norte campus. (NCLM/PIA Caraga) Caraga INFOCUS