1 minute read

NPA NANUNOG NG CONSTRUCTION EQUIPMENT; LANUZA MPS, POLICE MOBILE FORCE COMPANY PATROL BASE SABAY NA PINAPAPUTUKAN

CARAGA PULIS PIO

Tuwirang kinumpirma ni Surigao del Sur Police Provincial Office (SDSPPO) Provincial Director (PD) Col. James Goforth na mistulang nagpakita na naman ng pangil ang komunistang teroristang grupo sa Surigao del Sur kagabi, Hunyo 24.

Advertisement

Ito ay sa pamamagitan ng ginawang panununog ng construction equipment at pagpapaputok sa Lanuza Municipal Police Station (LMPS) pati sa patrol base ng 2nd Surigao del Sur Police Mobile Force Company sa parehong lugar. Ani Goforth, ang insidente ng karahasan ay nangyari nang sabayan dakong alas 9:00 ng gabi kagabi.

Ang mga sinilabang gamit pangkonstruksiyon ng MR1 Construction ay napag-alamang pag-aari ng isang nagngangalang Paulo Lopez at matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng bayan ng Lanuza, 43 km hilaga ng Tandag City.

Gayunman, ayon sa police director, bigong magapi ang police station pati ang patrol base. Wala rin aniyang napahamak sa panig ng pamahalaan.

Samantala, agad namang inalerto ang lahat ng mga karatigpolice station at inatasang magsagawa ng kaukulang checkpoints sa pakikipag-ugnayan sa army counterparts.

Dagdag nito ay pinabubusisi rin ang mga pagamutan at clinics sa hinalang may naisugod na pasyente resulta ng pakikipagbakbakan ng mga tropa ng gobyerno bunsod ng pangyayari. (Greg Tataro, Jr., DXJS RP-Tandag/PIA-Surigao del Sur)

This article is from: