1 minute read
PAGBABAKUNA SA TANDAG TULOY PA RIN SA GITNA NG HAMON NG PANDEMYA DULOT NG COVID-19
Ni Nida Grace P. Barcena
Malaking hamon ang kinakaharap ng mga health workers na kasali sa pagpapatupad ng vaccination rollout sa lungsod, lalo pa at napabilang na ang Tandag City na may local transmission at isa na ring kinukonsederang high risk base sa bilang ng mga nagpositibong kaso sa lugar.
Advertisement
Sa panayam sa Radyo PilipinasTandag kay Dr. Ruth Arraz, hepe ng City Health Office, apat sa kanilang empleyado ang kasalukuyang sumasailalim sa kwarentina matapos mapag-alaman na may “first generation contact” ang mga ito sa nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Inamin din ng opisyal na nabawasan din sila ng mga Barangay Health Workers (BHWs) na tumulong sa kanila sa vaccination centers, sa kadahilanan na rin na pinabalik na sila sa kani-kanilang barangay na merong mataas ang kaso sa COVID-19 para gawin ang kanilang mga tungkulin bilang mga “contact tracers.”
Sa kabila sa hamon ng pandemyang kinakaharap dulot ng COVID-19, patuloy pa rin aniyang ipapatupad ang pagbabakuna, at maayos na sumunod sa mga safety protocol. Patuloy rin ang maayos na koordinasyon sa local inter–agency task force against COVID-19 para sa maayos na implementasyon sa buong syudad. (PIA-Surigao del Sur)