Caraga InFocus – November 27-December 3, 2021

Page 14

SurSur hiniling sa Senado na panatiliin ang pondo ng NTFELCAC para sa 2022

Sa pamamagitan ng Resolution No. 1984-21 noong Nobyembre 23, hiniling ni Surigao del Sur Board Member Conrad Cejoco sa Senado na panatiliin ang pondo ng NTF-ELCAC sa 2022 National Annual Budget ayon sa orihinal na isinulong ng Office of the President. Ang tungkol sa bagay na ito ay mariin ding ipinagtanggol ni SP Member Henrich Pimentel, chairman ng Committee on Peace and Order and Public Safety dito. Ani Pimentel, sana bago gumawa ng hakbang ang Senado ay nangunsulta muna. Katwiran pa nito, malaking ginhawa ang dulot

14

|November 27-December 3, 2021

ng NTF-ELCAC dito na isa sa matinding ginupo ng problema ng insurhensiya. Magpasalamat din aniya ang bansa na nagkaroon ng pangulong tulad kay Pangulong Rodrigo Duterte na masinsinan sa layuning ganap na matuldukan ang higit 50 taon ng problema. Pulitika ang tinitingnang dahilan kaya nagawa aniya ng Senado ang pagtapyas sa PhP28.12 bilyon na naging PhP4 bilyon na lamang. Inalmahan din ni Provincial Agriculturist Marcos Quico ang ginawa ng Senado. (DXJS RP-Tandag/PIA-Surigao del Sur) Caraga INFOCUS


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.