Caraga InFocus – October 30-November 5, 2021

Page 10

Mga programang nagtataguyod sa karapatan ng mga bata, mas pinaigting pa sa Caraga region By Jennifer P. Gaitano

Dahil sa iba’t-ibang hamong dala ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic na nakaapekto sa buhay ng bawat tao lalo na sa mga kabataan, mas tinutukan ngayon ng iba’tibang ahensya ng pamahalaan ang paggawa ng mga inisyatibo para sa kanilang kapakanan. Sa isang mall sa Butuan City ay nagpulong ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasama ang media, ukol sa sitwasyon ng mga bata para maiwasan ang pang-aabuso, karahasan at pagsasamantala. Ayon kay Jessie Catherine Aranas, hepe ng Protective Services Division (PSD) ng DSWDCaraga, kasabay sa taunang selebrasyon ng National Children’s Month (NCM) ngayong buwan ng Nobyembre, mas pinaigting ng pamahalaan ang mga programa’t serbisyo para sa proteksyon at karapatan ng mga bata sa new normal. “Nakararanas ng iba’t-ibang hamon ang mga bata at magulang dahil na rin sa naidudulot na epekto ng COVID-19 pandemic sa atin. Mas nakatuon rin ang bawat pamilya sa economic reintegration dahil marami ang nawalan ng hanapbuhay. Kaya naman ang ating gobyerno kasama ang non-government organizations at civil society organizations ay gumagawa ng mga hakbang upang mas matutukan at matugunan rin ang concern ng mga bata at maitaguyod pa rin ang kanilang kapakanan,” ani ni Aranas. Nanawagan din ang DSWD sa publiko na agad ipagbigay-alam sa otoridad at kinauukulang ahensiya ang anumang paglabag at pag-abuso mga bata. Dagdag pa ni Aranas, ang mga aktibidad sa Children’s Month ngayong taon ay nakabase sa apat na kategorya katulad ng survival,

10

|October 30-November 5, 2021

Jessie Catherine Aranas

development, participation at protection. May mga webinars din para mapalawak ang kaalaman sa pagtataguyod ng proteksyon at karapatan ng mga bata. Samantala, hinikayat rin ni assistant regional director Donald Seronay ng DILG ang mga lokal na pamahalaan sa rehiyon na pagbutihin pa ang kanilang implementasyon sa mga polisiya at programa sa ilalim ng Local Council for the Protection of Children (LCPC). “May mga regular activities ang ating LGUs para sa sector ng mga bata. Unang-una ang ating information, education and communications (IEC) campaign. Layon nating na mas mapatatag pa ito ng ating council para mas lumawak pa ang kaalaman ng mga kabataan sa kanilang karapatan. Dapat periodic din ang pagsagawa ng meetings ng council upang matugunan ang bawat isyu ng sektor. Ilan lang ‘yan sa mga aktibidad ng local council,” banggit ni Seronay. May Child-Friendly Audit ring isinasagawa kung saan masusuri dito ang rating ng performance ng mga LGUs kabilang ang mga barangay base sa kanilang accomplishments. (JPG/PIA-Caraga)

Caraga INFOCUS


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.