1 minute read

MGA BENEPISYARYO NG TUPAD PRORAM SA CARAGA REGION, TUMANGGAP NG CASH ASSISTANCE MULA SA DOLE

Ni Jennifer P. Gaitano

Sa kabila ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, tuloy-tuloy pa rin ang pagbigay tulong ng ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan sa Caraga region kabilang na ang Department of Labor and Employment (DOLE) kung saan mahigit 1,000 benepisyaryo sa Butuan City at Cabadbaran City, Agusan del Norte ang tumanggap ng livelihood cash assistance.

Advertisement

Ito ay sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD) Program. Ang balut vendor na si Mary Jaen Laon sa Butuan City ay kabilang sa mga tumanggap ng P4,800 |October 9-15, 2021

cash assistance mula sa DOLE para magamit niya na mapagpatuloy ang kaniyang paninda at kita. “Masaya ako sa tulong na bigay ng DOLE dahil may dagdag na sa puhunan ako sa pagtitinda ng balut at may panggatos na rin sa aking pamilya,” ani ni Laon. Ilan-ilang estudyante rin ang tumanggap ng scholarship cash grant na nagkakahalaga ng P10,000 at isa na dito si Christian Hermoso na lubos ang tuwa sa kanyang pagtanggap ng cheke na inabot mismo ni DOLE Secretary Silvestre Bello kasama ang mga lokal na opisyal sa lungsod ng butuan.

“Malaking tulong ito sa aking pag-aaral. may pangbayad na ako sa tuition ko sa school,” pahayag ni Hermoso.

Hinikayat ni Secretary Bello ang lahat ng beneficiaries na gamitin ng maayos ang perang kanilang natanggap at palaguin ang kanilang kabuhayan lalo na’t patuloy ang bansa sa pagharap sa hamon ng COVID-19 pandemic.

Kasabay ng TUPAD payout sa beneficiaries at livelihood cash assistance, pinarangalan din ang mga natatanging kompanya sa rehiyon ng Safety Seal mula sa DOLE, kabilang din ang regional winners ng 2021 Search for Outstanding Labor Management Cooperation. (JPG/PIACaraga)

PROVINCIAL NEWS

This article is from: