1 minute read
BED OCCUPANCY RATE SA COVID-19 WARD NG PINAKAMALAKING PAMPUBLIKONG PAGAMUTAN SA SURSUR NASA 120% NA
Nasa 120% na ang bed occupancy rate sa COVID-Ward ng Adela Serra Ty Memorial Medical Center (ASTMMC) dito sa lungsod ng Tandag, Surigao del Sur ayon sa pinakahuling COVID-19 Situational Report ng nasabing pagamutan.
Batay sa COVID-19 Situational Report No. 512 as of September 13, 2021, alas singko ng hapon ng ASTMMC, may 36 na pasyenteng nakaadmit sa COVIDWard nito. Ayon din dito, 104% ang bed occupancy rate sa COVID Critical Care Unit (CCU) ng nasabing pampublikong pagamutan sa ilalim ng Department of Health na may 24 na admitted patients.
Advertisement
Ipinaalam naman nito sa publiko ang mga aksyon ng ASTMMC kaugnay ng sitwasyon sa COVID-19 sa ospital kung saan isa nito ang sustained activation ng ASTMMC Operation Center. (DXJS RP-Tandag/PIA-Surigao del Sur)