SAKLAW | DESKTOP PUBLISHING

Page 1


DIGOS SCHOOL PRESS CONFERENCE (DSPC)

SETYEMBRE 25, 2024

Mga Nagwagi | Local School Press Conference ‘24 Mula sa bawat salitang nakalimbag, dinadala ang tinig ng katotohanan ng bawat kabataang mamamahayag.

Karagdagang impormasyon sa p.3

HAMON SA KABATAAN SAKLAW

“Journalism is a field full of risks”: DepEd Finance Undersecretary agbigay ng hamon si Gng. Annalyn Sevilla, isang Undersecretary ng Finance sa Department of Educa tion (DepEd), sa mga batang manunulat upang mapabuti nila ang kanilang pagsasanay sa larangan ng pamamahayag.

Ayon sa Finance Undersecretary, ang mundo ng pamamahayag ay para sa mga malalakas ang loob at umaasa siya na mananatiling matapang at matatag ang mga mamamahayag sa kanilang paglalakbay.

“You are here in NSPC [National Schools Press Conference] because you have the talent, the gift, and a mission. Do not let other people’s opinion affect how you think about yourself,” wika ni Gng. Sevilla noong ipinakilala niya ang kanyang unang hamon–self identity.

Dagdag pa niya, dapat maging maalam ang mga manunulat sa kung paano nila susuriin ang mga balita at ang mga hakbang na kanilang gagawin upang

Piling mag-aaral ng CJC, ginawaran ng Chief Girl Scout Medal

Pinagkalooban ng prestihiyosong Chief Girl Scout Medal ang tatlong estudyante ng Cor Jesu College (CJC) na sina Lotis Kate Araña, Mayenne Palanas, at Jasmine Javelona bilang pagkilala sa kanilang kahanga-hangang kontribusyon sa asosasyon ng Girl Scout of the Philippines (GSP).

Ayon kay Gng. Sheryl Mae Surtida, dating Girl Scout Moderator ng paaralan, inaasam niya na magsisilbing huwaran ang mga nabanggit na mag-aaral sa lahat ng mga girl scout na ang parangal na kanila.

“This award serves as a motivation to the girl scout to strive and join this prestigious endeavor. It may not be easy, but with dedication and hardwork, they can sure ly succeed,” wika ng dating moderator.

Samantala, ipinahayag din ni Jasmine Jave lona, isa sa tat long mag-aaral na ginawaran

ng medalya, ang kanyang damdamin at pasasalamat sa natanggap na parangal.

“I felt so thankful and happy that they acknowledged my hard work throughout the journey, and I can say that I am very proud of myself because I didn't expect that I could pursue this kind of achievement and I'm very grateful for everything,” ani niya.

Itinuturing na pinakamataas na parangal ang Chief Girl Scout Medal na maaaring matanggap ng isang girl scout at ibinibigay lamang ito sa mga indibidwal na mayroong huwarang pamumuno, natatanging paglilingkod sa komunidad, at malalim na dedikasyon sa prinsipyo ng kilusang Girl Scout.

Naganap ang paggawad ng medalya na dinaluhan ng mga girl scout mula sa iba’t ibang parte ng bansa sa Philippine International Convention Center Manila noong ika-25 ng Nobyembre, 2023.

Bilang aplikasyon sa mga napag-aralan ng baitang 11 sa Entrepreneurship, inilunsad ng ABM-TVL Local Government Unit ang Agora Festival 2023 na kung saan ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang mga produkto.

Ayon kay Ivan Clint Ogatis, ABMTVL Governor, layunin nitong mapabuti ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagnenegosyo. “The purpose of the Agora Festival is to enhance the entrepreneurial skills of the Grade 11 students through selling, preparing their products, and making financial statements,” saad niya. Aniya, magagamit ito ng mga estudyante sa tunay na buhay dahil natututuhan nila kung ano ang tamang pamamalakad sa isang negosyo at nakakasalamuha sila ng iba’t ibang mga tao.

“By interacting with different customers, they will be able to improve their communica tion skills especially by doing sales talk. The students are also more motivated because of the different rewards such as Best Entrepreneur and Best Product,” paliwanag ni Ogatis.

Samantala, sinabi naman ng isang mag-aaral mula sa STEM 1 na si Katlyn Jane Enad na higit na napabuti ng aktibidad ang kaniyang kumpiyansa dahil “puhunan” daw ito para makali kom ng mga customer. Isang taunang aktibidad ang Agora Festival na huling idinaos sa Cor Jesu College, Inc. noong Nobyembre 28 hanggang 30, 2023 at linahukan ng 23 seksyon ng baitang 11.

mapigilan ang mga nakakalat na pekeng balita.

“Third, we have credibility. With the decline in readership caused by misleading news, how do you regain public trust?” ani ng Finance Undersecretary.

Sa kabilang dako, tinanggap naman ni Marchelle Alyannah Lorzano, ang Presidente ng Elementary Editors’ Guild of the Philippines ang mga hamon ni Gng. Sevilla.

“We as young campus journalists, our commitment to accuracy and demonstration of high degree of originality and creativity should remain strong. Remember, we write to be understood, not to impress,” saad ni Bb. Lorzano.

Binigay ni Gng. Annalyn Sevilla ang kanyang mensahe noong ika-13 ng Agosto, 2021 sa isang pagpupulong sa Zoom sa pagtatapos na seremonya ng NSPC.

PROJECT MOSES

Bilang pagpapalawig ng kanilang misyon, nakiisa ang Cor Jesu College, Inc. (CJC) sa pagtulong sa mga street children at ibang kabataan bilang parte ng kanilang karisma.

Nasa ilalim ito ng Project MOSES ng IconHope Foundation, Inc. at naglalayong makatulong sa mga batang nangangailangan at walang pribilehiyo.

“The basic value of the Brothers of the Sacred Heart [in the event]... is the one taught by Jesus Christ, which is compassion. So, it’s to reflect or share God’s love to everyone,” pahayag ni Br. Luc Boudreault, SC, isa sa mga nag-organisa ng kaganapan.

Nakapaloob dito ang iba’t ibang aktibidad gaya ng parlor games, raffle, at gift-giving na isinagawa sa kolaborasyon ng Holy Cross of Davao College, Jesus and Mary Thevenet School Foundation, Inc. (JSMT), CJC., Brothers of the Sacred Heart, at Religious of Jesus and Mary Sisters.

Ginanap ang kaganapan sa JSMT, kahapon, Disyembre 16, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa naturang mga organisasyon.

kabisera ng Katapatan

PAG-ANGAT SA PAGKALUGMOK

Nang

idineklara ng Sekretarya ng Department of Education o DepEd — Leonor Magtolis Briones ang pinakaunang virtual National Schools Press Conference na naganap noong 2021 naging malaking muling pag-ahon ito kalakip na ang tatlong katangian ng mga manunulat na ibinahagi ng Undersecretary ng Finance ng DepEd na si Annalyn Sevilla. Mahusay ang DepEd na naimplementa ito habang lugmok lamang sa kanilang mga tahanan ang mga estudyante at para naman hindi matigil ang kahalagahan ng pagsusulat sa kabila ng pandemya.

Bukod pa rito, naisingit ni Sevilla ang tatlong katangian o hamon ng mga mamahayag. Una, self identity, ayon kay Sevilla, dapat ang mga mamahayag ay may kamalayan sa paligid nila, at isipin ang mga dapat na tugon sa mga isyu sa paligid. Pangalawa naman ang perspicacity o kakayahang mag-intindi, at credibility. Dahil sa pag angat ng modernisasyon, talamak naman ang pagkalat ng pekeng balita. Mahusay si Briones sakaniyang ginawa, hindi niya hinayaan masayang ang kakayahan ng mamahayag na may mag intindi ng tama at mali, at magkalat ng balita na nasa wastong panig.

Dagdag pa ni Sevilla, mahigit taon na tayong naka-istambay sa ating mga bahay maging ang pagbabasa ng newspaper, pakikipag-usap sa personal, at amoy ng mga libro ay hindi na nagagawa dahil sa pag-usbong ng bagong normal. Talagang mahirap na masabak sa suliranin ng pandemya lalong lalo na ang mga bagay na madalas natin nagagawa sa labas ay hindi na natin nagagawa dahil nakakulong tayo sa apat na pader ng silid ng tahanan.

Sa kabilang dako, ayon din kay Sevilla ang bagong normal ay nababago rin naman kung pano natin nakukuha ang isang bagay, may kakayahan pa rin naman tayong magbahagi ng saloobin sa social media. Mainam nang sabayan natin ang suliranin kaysa talikuran natin ito. Ano pa ang silbe ng tema sa NSPC na Kaagapay sa Paghilom at Pagbangon ng Sambayanan kung aantayin pa nating mawala ang pandemya bago natin simulan muli ang larangan ng pagsusulat kung nasan tayo napakikinggan.

Sa kabuuan, limang bagsak para purihin ang DepEd na binigyang oportunidad na ipinatibay pa ang talento ng mga mamahayag na magkalat ng mga balitang mapapakinabangan at mapagkakatiwalaan sa internet man o sa papel. Hindi ipinatigil na mapahiwatig ang kanilang saloobin para tayo ay mapakinggan.

Sa kabilang dako, maraming asignatura ang Pilipinas para masanay ang bawat estudyante at para matutunan nila ang iba’t ibang bagay. Isa na rin dito ay para bigyan ng trabaho ang mga guro.

Ngunit, lumabas lamang sa Program of International Schools Assessment o PISA 2022 na nasa ikalima sa pinakamababa ang Pilipinas. Kung gusto ng Pilipinas na tumaas ang ranggo natin bakit hindi pumokus ang mga estudyante sa kung anong importanteng asignatura lang ang pag-aaralan. Bakit pa pag-aaralan ang mga pwede namang pag-aralan sa labas ng eskwelahan?

Dagdag pa, mababa ang resulta ng Pilipinas sa Reading Comprehension, Agham, at Matematika dahil mas binibigyang pansin pa ng mga estudyante ang minor subjects kaysa sa major subjects dahil mas marami ito, at kung hindi nila bibigyang pansin ay mas malaking tiyansa na hindi sila makakapasa.

Sa kabuuan, ano ang matututunan ng mga estudyante sa ganitong paraan? Kung marami asignatura ang proproblemahin nila sa araw-araw magreresulta ito na mapapagod ang estudyante at magiging kalaban nila ang edukasyon. Uuwi na mas gugustuhin ng estudyante na hindi pumasok ng paaralan at tuluyan tayong mamomoroblema sa sistema ng edukasyon.

PAGBUKAS NG NAKAKULONG

Nang naideklara noong Aug 11 hanggang 13 2021 ang National Schools Press Conference na naganap online, laking tuwa ko na binigyang halaga ng Department of Education o DepEd ang larangang ito sa kabila ng pandemya at suliraning kinakaharap natin noong 2021. Marami mang rason na dapat ipatigil muna ito sapagkat ito ay komplikado ngunit, nangyaring napatibay naman ang talento at kakayahan ng bawat manunulat.

Sa kabilang dako, ayon kay Jocelyn Dr Andaya, direktor IV ng Beureau of Curriculum Development, isa sa mga dahilan kung bakit naideklara ang nasabing aktibidad ay dahil naipatibay ang kahusayan ng bawat manunulat na mag isip ng kritikal at magkaroon ng tamang paghusga. Sa aking pananaw, isa itong espesiyal na talento na makabahagi ng kaalaman sa bayan lalo na ngayong panahon na mukhang nalulunod na tayo sa mga impormasyon na kumakalat sa social media at hindi natin mabatid kung peke ba ito o totoo. Kaya ang bawat mamamahayag ay may katapangan na maging boses sa lahat.

Ngunit, ayon kay Andaya sa kabila ng pagimplementa may mga mamahayag na nawalan ng internet sa gitna ng conference. Masasabing kong mahirap talaga ang virtual na pag implementa ng conference lalong lalo na na hindi pa halos lahat ay gamay sa teknolo hiya at talagang makabago pa ito sa atin ngunit isa naman ang social media sa paraan ng komunikasyon kaya mainam ang solusyon na kahit sa social media ay magpapatuloy tayong magkalat ng impormasyong mapagka katiwalaan.

Sa kabila nito, ayon kay Andaya bawat isa naman daw na kabilang sa con ference ay may natutunan kahit na walang kompetisyong naganap. At saka, para saakin, mas madali sa atin ngayon na magpakalat ng impormasyon sa social media sapagkat ano pa ba ang gagawin ng bawat tao para makipag-usap sa isa’t isa kung nakakulong naman ang lahat sa

sarili nating mga tahanan.

Sa kabilang dako, napansin kong madali ngang kumalat ang balita kaya madali ring kumakalat ang fake news. Ayon nga kay Ruby Rose Baldovino ang maling impormasyon ay nakakamatay gaya ng virus. Kaya naniniwala ako na dapat may integridad ang bawat mamamahayag at hanggang sa makabagong normal na komunikasyon ay magbahagi sila ng totoo at sapat na impormasyon para pakinggan ito.

Ayon kay Marchelle Alyannah Loranzo —presidente ng Elementary Editor’s Guild Philippines, hindi tayo nagsusulat para magpa impress, nandito tayo para mapakinggan. Dagdag pa, bukas daw ang lahat ng oportunidad at nakadepende na saatin kung paano natin ito gagamitin. Sang ayon ako sapagkat, kailanganin ng matitibay na salita para mapaniwalaan ng bayan. Hindi natin hawak ang isipan ng bawat isa, kaya kunin natin ang bawat oportunidad na mapakinggan tayo.

Sa kabuuan, malaki ang impact ng larangan ng pagsusulat, kaya naniniwala akong ang bawat mamamahayag ay dapat na maging bukas sa kanilang damdamin. May prinsipyo ang bawat isa kaya gamitin natin ito nang tama at hindi magpapa-uto sa maling gawa, sapagkat buhay at paniniwala ng

PINAKAUNANG VIRTUAL NATIONAL SCHOOL PRESS CONFERENCE(NSPC) ITINUPAD SA KASAGSAGAN

NG PANDEMYA

Agosto 11 hanggang 13, 2021 nang naganap ang pinakaunang birtwal na national press conference sa pamamagitan ng microsoft teams. Ito ay kanilang itinupad sa kasagsagan ng pandemya na may temang “Pahayagang pangkampus: kaagapay sa paghilom at pagbangon ng sambayanan”. Kahit may mga hamon itong kinakaharap, ipinagpatuloy pa rin itong tuparin ng Department of Education (DepEd) upang mas paghubogin at pagyamanin ang kaalaman ng mga kabataan sa journalismo.

Dahil sa pag-usbong ng COVID-19, maraming mga oportunidad ang nasayang dahil sa limitadong magawa. Dahil dito, mas lumaganap ang paggamit ng internet, partikular na ng social media. Ito ay sinamantala ng DepEd at iba pang sektor ng gobyerno upang, kahit tayo ay nasa ating mga kabahayan, patuloy pa ring pinapahalagahan ang diwa ng journalismo at pinauunlad ang kakayahan ng mga kabataan para sa mamamayang Pilipino.

Isa sa mga natalakay sa press conference ay ang mga hamon na kinakaharap ng campus journalism na ibinahagi ni Undersecretary for Finance, Amaly M. Sevilla. Ayon sa kanya, ang journalism ay isang larangan na puno ng panganib, hindi lamang sa panahon ng pandemya kundi sa pangkalahatan, sapagkat hawak ng bawat mamamahayag ang impormasyong ibinibigay para sa madla. Ang pagiging isang mamamahayag ay napaka laking responsibilidad sapagkat hindi lamang ito simpleng pagsusulat kung saan ibinabahagi ang nadarama o opinyon ng awtor, kundi ito ay para magbigay ng kamalayan sa mga tao tungkol sa mga isyung laganap sa ating bansa.

Ibinahagi din ni Sevilla ang tatlong hamon na tinawag niya na SPC: Self-iden tity, perspicacity, at credibility, kung saan iginiit niya na ang pagiging manunulat ay kailangang may kama layan, maingat, at responsable sa bawat aspeto. Dapat ding tiyakin na ang mga impormasyong ilalahad ay beripikado. Ang mga katangiang ito ay dapat taglayin ng bawat manunulat sapagkat ito ang

batayan upang makabuo ng mabisa at mahusay na pahayagan.

Nagbigay din ng mensahe si Marchelle Alyannah T. Lorzano, ang presidente ng Elementary Editors’ Guild of the Philippines. Ibinahagi niya na, sa kabila ng pandemya, dapat pa rin tayong gumawa ng mga bagay na makakatulong sa ating komunidad. Nag-iwan din siya ng kasabihan na ang mga manunulat ay nagsusulat upang magpaliwanag, hindi upang maglahad ng pansariling pananaw. Ang kanilang tungkulin ay ipahayag ang katotohanan at mga bagay na hindi natin agad nakikita.

Sa pagtatapos ng conference, ibinahagi ni Director IV Jocelyn Dr. Andaya ng Bureau of Curriculum Development ang kanyang mahalagang mensahe. Ayon sa kanya, ang pagpapatuloy ng National Schools Press Conference (NSPC) noong 2021 ay isang mahalagang hakbang upang mabigyan ng pagkakataon ang mga batang mamamahayag, sa kabila ng mga hamong dulot ng pandemya at iba pang limitasyon. Patuloy nitong pinalalakas ang kanilang kakayahan sa pamamahayag, na tumutulong sa kanilang paglago at pag-unlad bilang mga tagapagsalita ng kanilang komunidad.

Ang pagtupad ng NSPC sa kabila ng pandemya ay ang pangunahing hamon na kinahaharap ng DepEd at mga kabataang mamamahayag. Sa

Queenie Purca

GINTONG SANDALI

Kilala niyo ba ang usap-usapang atletang Pilipino? Siya si Carlos Edriel Yulo na nakasungkit ng hindi lang isa, kundi dala-dalawang ginintuang medalya sa Paris 2024 Olympics sa larangan ng gymnastics. Abot-tanaw ang kasiyahan ng ating mga kababayan nang may isang Pilipino na naman ang muling gumawa ng kasaysayan sa pagkamit ng kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng dalawang medalya sa Gymnastics World Championship. Ginawaran siya ng iba’t-ibang pagkilala at sinabitan pa nang medalya mula sa Malacañang at sa bahay ng mga kinatawan. Sa

kanyang pagbabalik sa bansang sinilangan, puno ng hiyawan at mainit na tinanggap ng ating mga kababayan ang binansagang “Golden Boy” na si Carlos Yulo. Sa isang parke sa Maynila nabuo ang matayog na pangarap ng noon ay 7 taong gulang na si Carlos Edriel Yulo. Maraming balakid na hinarap si Yulo, ngunit sa kanyang dedikasyon at determinasyon hindi ito naging hadlang para maabot niya ang kanyang pangarap. Hindi madali ang paglalakbay ni Yulo tungo sa tagumpay. Hindi natin labis na maisip ang kanyang pinagdaanan bago niya nakamit ang dalawang magkasunod na gintong

PAGSUSUMAMO

Performance Task

Bakit niyo ba ako kinamumuhian? Ayaw niyo bang tumulong ako sa inyong kinabukasan?

Paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang tumutusok sa aking puso. Ngunit, iisa lang naman ang ating layunin at iyon ay makapagtapos kayo sa inyong edukasyon.

Sa bawat paramdam ko sa silid-aralan, gumuguhit agad ang mga anino sa inyong mga mukha. Nakakunot-noong planuhin ang bawat hakbang dahil ako ay dumarami na.

Hangad ko lang naman na turingin niyo ako bilang kaibigan. Ako na mismo ang tumutulak sa inyo pataas tuwing kayo ay nasa ibaba. Sisikapin kong umangat ang bawat mag-aaral at masungkit nila ang medalya at diploma.

Sa paniniwalang lahat ng pangyayari ay may dahilan, baka hindi nga ako nagbasa sa pagitan ng linya. Baka kayo ay kinulang lamang sa tapang at sa tingin niyo ay hindi niyo ako kakayanin. Kinakailangan niyong alalahanin na hawak ko ang pangunahing puntos sa inyong grado.

Gusto ko lang sabihin sa mga mag-aaral na ako si Performance Task at sana ako ay inyong tanggapin para sa mga pangarap na aabutin.

medalya. Para siyang dumaan sa butas ng karayom sa preliminary qualification round hanggang nakapasok siya sa 3 final events. Puno ng kaba at pigil-hininga ang mga manonood nang si Yulo na ang nagpakitang gilas ng kanyang talento. Napawi ang kaba nang nasungkit ni Yulo ang unang gintong medalya sa floor exercise. Hindi pa labis na pinagdiriwang ang tagumpay ni Yulo nang napagtagumpayan nitong sungkitin ang pangalawang medalya. Binigyang-kasiyahan ng isang atletang Pilipino ang isang bansang uhaw sa pagkilala. Sa gitna ng mga pinagdaanan para makamit ang tagumpay, hirap ang

kaniyang nilakbay. Buwan-buwan na ensayo, halos hindi na makapagpahinga si Yulo para sa tagumpay na inaasam-asam ng bawat Pilipino. Ilang beses nang nadapa, pero pilit paring bumabangon si Yulo para bigyang karangalan ang ating bansa. Nagkahati-hati man ang opinyon ng publiko, hindi parin nito dapat matabunan ang tagumpay at karangalan na ibinigay ni Carlos sa ating kasaysayan. Sa gintong sandali, ating pasalamatan at pahalagahan ang ating kababayan na nagpamalas ng kanilang kakaibang talento at nag-uwi ng gintong medalya para sa karalangan ng ating bayan.

DISIPLINA ANG SANDATA

Kisig. Ganda. Talino. Talento.

Hindi tanawin ngunit ika’y mamamangha sa kanilang ganda, tiyak na ika’y mapapahinto sa kanilang pambihirang kisig at tindig, hindi kataka-taka na ika’y hahanga sa talinong kanilang ipinapakita, at hindi mapigilang humiyaw at sumigaw sa kanilang bawat galaw at hataw.

Hindi maipagkakaila na maraming mga Pilipino na talentado at kilala sa kagandahan na kayang makipagsabayan sa buong mundo, ngunit marami ring mga Pilipino ang nakakaranas ng obesity na pwedeng magsanhi at magdulot ng mga malulubhang sakit gaya ng Hypertension at mga sakit sa puso.

Kaya, hinahandog ng Cor Jesu College Inc. ang Kisig at Hataw Koryesunista na hindi lamang patimpalak sa pagandahan ng katawan at pahusayan sa paghataw, ito rin ay may ad-

bokasiyang nag-aanyaya sa mga Koryesunista at sa mga mamamayan na kumain ng masustansya at huwag kalimutang palaging alagaan at huwag pabayaan ang ating mga kalusugan at pangangatawan. Huwag mahiyang ipakita at ibahagi ang mga talentong taglay upang patuloy itong malinang at mapahusay.

Ayon kay Sir Ray Mar Rosales, guro sa MAPEH ng CJC na, “We need to stay fit and healthy”, iwasang katawan ay inaabuso at ugaliing mag-ehersisyo dahil ito ang kinakailangan ng ating pangangatawan, sapagkat ang kalusugan ang tunay na kayamanan.

Kasabay ng tamang pag-eehersisyo, at pagkain ng gulay at prutas, siguradong pinapangarap na “Kakisigan. Kagandahan. Katalinuhan. Kahusayan.” ay maaabot at sakit na nararanasan ay mabibigyang sagot. Tamang disiplina ang sandata upang obesity ay malabanan at malusog na pangangatawan ay makamtan.

PAGKAKAISA SA PAGKAKAIBA

Determinado, dedikado at handang panindigan ang kanilang sarili.

Ang “LGBTQ+ Community” ay binigyan ng titulo na mahina at hindi maka kumpara sa mga lalaki pagdating sa isports at hinuhusgahan na para lang naman sa pagpapalibang sa mga tao.Sa likod ng masiglang tawanan, maraming sumisikap na maunawaan at makingan ang kanilang mga boses na bigyan sila ng karapatan upang mapatunayan na sila rin kaya nilang mapawagi ang kanilang koponan.

ISPORTS

May gusto PA-DAO:

Pagsulyap sa buhay-tennis ni JM Padao

Disiplinang

gutom, determinadong pawis at pursigidong nauuhaw -- ganito mailalarawan ang bawat hampas sa raketa katumbas ang bawat hiyaw ng tagapanood para sa hagupit na opensang kakasa sa balakid ng pagiging standout tennis player ni Jude Michael Andrei Padao ng Cor Jesu College (CJC).

Pumiglas bilang huling alas ng CJC sa gintong medalya ang 2-time Davao Regional Athletic Association (DAVRAA) champion matapos hambalusin sa dominanteng laban si Allyson Cabanilla ng Rehiyon 13 sa Palarong Pambansa noong Agosto 03, 2023, Marikina City. Sa kabila ng

mga palamuting nakataga sa kaniyang pangalan, hindi naging madali para sa kaniya manatiling angat sa bawat laban. “Nararamdaman ko ang presyon lalo na noong Palaro dahil ako mismo ay gutom, competitive at uhaw na uhaw manalo,” sambit ng Palarong Pambansa medalist.

Noong ika-dalawampu’t apat ng Setyembre,Ipinatupad ng Cor Jesu College (CJC) Basic Education Department ang Acquaintance party na muling naibabalik pagkatapos ng ilang taon mula pa noong 2019, Isinasagawa ng Senior Student Council (SSC) ang “Colors on Court” na Basketball para lamang sa LGBTQ+ Komunidad ng Senior High school Students ng CJC.

Nagpakitang gilas ang mga estudyante ng CJC sa laro,Ipinakita ng dalawang koponan na ang Retro Rockets at Turbo Titans na binubuo ng mga estudyante na parte sa LGBTQ+ ng STEM, ABM-TVL at HUMSS dibisyon.

Dala sa mga pawis at kahirapan ang stress at pressure sa pagiging atleta,ngunit determinado upang manalo at mapatunayan ang kanilang mga sarili,Isa sa mga atleta na tumatak sa Kasaysayan dahil sa kanyang napakahusay at ang kanyang kalooban upang magtagumpay ay si Carlos Edriel Yulo,Dalawang Beses na Gold medalist, noong 2024 Olympics sa Paris France.

“Kung naeenjoy niyo po ang hirap mas maenjoy niyo po ang sarap kapag kunwari nanalo po kayo” -Ayon kay Carlos Yulo

Unang sumali si Yulo sa batang pinoy sa kategorya na 12 at under, at nanalo na walang tagaturo, sa tulong ni Cynthia Carrion ang Presidente ng Gymnastics Philippines, napatunayan

ni Yulo ang kanyang sarili na kaya niya sa kabila ng hirap at kaba na manalo sa 2024 Olympics.

Unang nasali ang Pilipinas noong 1924 na naging kauna unahang bansa sa gymnastics sa Summer Olympics Paris France at ngayon nasungkit na naman ni Carlos Yulo and hindi lang isa pero dalawang Ginto para sa kanyang bansa, nakapasok si Yulo sa tatlong finals na ang:All around,Vault at ang Floor Exercise.

Tigil Hinga, dahil nalalag si Yulo sa All Around sa Kamel Horse pero hindi siya sumuko dahil sa floor exercise naman nagpapakitang gilas si Yulo at kinuha ang unang gantimpala at ang ginto, sa susunod na araw sabi ni Carlos Yulo na hindi na raw mabigat sa kanyang dibdib dahil nakapanalo na sya pero dterminado parin at nanalo na naman

Nagsimulang umusbong ang pagiging hinog sa lawn tennis ng 9-time City meet Champion matapos ang kaniyang blessing in disguise na pagsasanay noong kasagsagan ng pandemya, hudyat upang sumali siya sa iba’t ibang torneo sa Mindanao. Dagdag pa niya “Ang aking determinasyon na manalo ay nakagugutom, talagang

Ayon kay Julianna Kate Albero mula sa Turbo Titans ng dibisyon ng STEM “Nice siya kay finally maka experience napud ang mga babae na mga hawd mo dula ug basketball and napakita ang mga skills nila sa school nato and maka interact sad sa mga students na mga ni dula para magkasinabot maskin dili kaila and daghan sad mga tao nalingaw ug naga cheer maong naganahan pud mag dula ang mga players sa colors on court”

Ayon naman kay Mikko Alterado na mula sa Turbo Titans ng dibisyon ng ABM na isa sa mga paborito ng karamihan na “It builds a strong relationship between students and diri sad makita equality because we all know that cjc is a catholic school so murag bihira lang kaayu maka make ug in ana nga mga activities then as a part of LGBTQ+ I am so touch kay bale naa mi chance nga kanang murag maka express mi sa among self through that game and ma prove namo nga dili mi gapakatawa lang or something cause we can do better in sports or whatsoever yun lang and I thankyou”

Hindi sumuko at lalaban para sa bayan.

Buga ng hangin: Manor of Menders lumipad sa korona ng Intramural

Pinatumba sa lakas ng magkakasanggang opensa ng Manor of Menders Cluster Air matapos ang lampasuhin ang mga laban upang hiranging reyna sa Women’s Volleyball ng Intramural 2024, Enero 30, Cor Jesu College Almendras Gym.

Maagang sinimulan sa mga reyna ng amihan ang landas ng panalo matapos tumilapon sa lakas ng hangin ang House of Visionaries Cluster Water mula sa tatlong set na pinangunahan ni Janelle Uga bilang player of the game.

Lumilipad na ace naman ang pinasiklab kontra sa Emissaries of Justice Cluster Fire matapos ang dalawang set na sumiguro sa kanilang pwesto sa finals.

Nilunod sa dalawang sunod na laban ng House of Visionaries ang Emissaries of Justice at Preserver’s Sanctuary Cluster Earth bunsod sa paghaharap

nilang muli para sa Finals. Bagama’t hindi pa rin madakip ang kahinaan ng Manor of Menders, bagkus tuluyan na nilang kinunan ng hininga ang katunggali at hiranging kampeon sa 2024 Intramural.

Kahit kinulang man sa training, utak at chemistry ang pinag-iral ng Manor of Menders mula sa malinis na rekord nito.

Saad pa ng Menders Team Captain Lyndie Love Jimenez, “Bisan pa’g wala kaayo mi practice, tapos medyo kinulang mi sa support sa finals, utakay ra jud among puhunan ato, teammates naman pud mi sa uban last year, so mao pud tung nakita nako nga advantage.”

Nagtapos sa ginto ang Manor of Menders, samantala pumangalawa naman ang House of Visionaries na sinundan naman ng Emissaries of Justice at Preserver’s Sanctuary.

ngunit ang aking karanasan ay kulang pa, kung saan inaayos ko pa ang aking attitude upang kontrolin ang presyon sa bawat laro.”

Maagang napalundag ang kapalaran ng Batang Pinoy medalist sa larangang tennis kung kaya gigil at grabe’ng motibasyon ang humikayat sa kaniyang akayin pa ang mga titulo at adhikaing gusto pa niyang makamit.

Aniya, “Gusto ko maging parte sa mga unibersidad na nagbigay oportunidad sa aking maglaro at mag-aral sa kanila, bagkus gusto ko rin mapasali sa national team at ibandera ang Pilipinas.” Kasalukuyang nagsasanay pa rin ang Rank 11th sa Pilipinas para sa Manila Open, Philippine Columbian Association (PSA). Malaki ang pangarap ni Padao para sa pangalang iaangat niya dala ang Cor Jesu College at sa kaniyang karera bilang atleta. Naudlot man ang pagkakataong makatapak muli bilang defending champion sa Palarong Pambansa, hindi naman ito ang huli para kay Padao upang magningning sa larangan ng lawn-tennis.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.