SAKLAW
SETYEMBRE 25, 2024 | OPISYAL NA PAHAYAGAN NG DIGOS SCHOOL PRESS CONFERENCE (DSPC)
ABOT-KAMAY: BALITA
INTERBENSYON SA
MABABANG KOMPREHENSYON.
TINIG NG KABATAAN, KABISERA NG KATAPATAN
Pakikibaka sa adbokasiyang tuldukan ang tumataas na bilang ng mga magaaral na nahihirapan sa kasanayan ng pagbasa sa pamamagitan ng “Literacy and Numeracy Program”. Kasabay sa pagsagawa ng DepEd sa programang Learning Camp nitong Hulyo 24 hanggang Agosto 25 taong 2023, umalalay ang Cor Jesu College, Inc. (CJC) sa nasabing programa sa mga paaralan ng elementarya ng Digos City Division.
Upang
Ayon sa Finance Undersecretary, ang mundo ng pamamahayag ay para sa mga malalakas ang loob at umaasa siya na mananatiling matapang at matatag ang mga mamamahayag sa kanilang paglalakbay.
“You are here in NSPC [National Schools Press Conference] because you have the talent, the gift, and a mission. Do not let other people’s opinion affect how you think about yourself,” wika ni Gng. Sevilla noong ipinakilala niya ang kanyang unang hamon–self identity.
Dagdag pa niya, dapat maging maalam ang mga manunulat sa kung paano nila susuriin ang mga balita at ang mga hakbang na kanilang gagawin upang mapigilan ang mga nakakalat na pekeng balita.
“Third, we have credibility. With the decline in readership caused by misleading news, how do you regain public trust?” ani ng Finance Undersecretary.
maibsan ang dumaraming gawain ng mga mag-aaral, ipinatupad ng mga guro ng Cor Jesu College, Inc. (CJC) ang interdisciplinary approach na kung saan iisa na lamang ang requirement sa dalawa o higit pang asignatura.
Ayon kay G. Emie Ampong, guro sa Filipino, tinipon ng MAPEH, English, Araling Panlipunan, at Filipino ang mga gawain sa isang pageant na kung saan iba’t ibang aspeto ang kanilang sinuri.
“A ng performance task gahapon kay Mitolohiyang Pilipino: EcoVouge… maghimo og outfit ang mga bata based sa character nga na-assign sa ilaha. Unya ang AP diay, ang ilang topic is about waste management, so atoa nalang gi-require sa mga bata nga ang gamiton nila kay basura. Ang English kay ilang topic about logos [and] pathos in advertising, so maggamit sila ana sa ilang introduction… Unya mangita silag nindot nga angle nga magamit ilang discussion for photography [sa MAPEH],” dagdag niya.
Kaugnay nito, sinabi ni Ampong na napabuti ng aktibidad ang pagkamalikhain, innovative na pag-iisip, at pagpapahalaga ng mga magaaral sa Mitolohiyang Pilipino.
Samantala, ayon kay Troy Dominic Abella ng baitang 10 St. Monica, nabawasan daw ang kanilang workload kumpara sa nakaraang taon dahil sa proyekto.
Naganap ang interdisciplinary project sa CJC Gym noong Lunes, Enero 15, na linahukan ng mga mag-aaral sa ika-10 na baitang.
Sa kabilang dako, tinanggap naman ni Marchelle Alyannah Lorzano, ang Presidente ng Elementary Editors’ Guild of the Philippines ang mga hamon ni Gng. Sevilla.
“We as young campus journalists, our commitment to accuracy and demonstration of high degree of originality and creativity should remain strong. Remember, we write to be understood, not to impress,” saad ni Bb. Lorzano.
Binigay ni Gng. Annalyn Sevilla ang kanyang mensahe noong ika-13 ng Agosto, 2021 sa isang pagpupulong sa Zoom sa pagtatapos na seremonya ng NSPC.
PAG-ANGAT SA PAGKALUGMOK PAGBUKAS NG NAKAKULONG
Nang naideklara noong Aug 11 hanggang 13
2021 ang National Schools Press Conference na naganap online, laking tuwa ko na binigyang halaga ng Department of Education o DepEd ang larangang ito sa kabila ng pandemya at suliraning kinakaharap natin noong 2021. Marami mang rason na dapat ipatigil muna ito sapagkat ito ay komplikado ngunit, nangyaring napatibay naman ang talento at kakayahan ng bawat manunulat.
Sa kabilang dako, ayon kay Jocelyn Dr Andaya, direktor IV ng Beureau of Curriculum Development, isa sa mga dahilan kung bakit naideklara ang nasabing aktibidad ay dahil naipatibay ang kahusayan ng bawat manunulat na mag isip ng kritikal at magkaroon ng tamang paghusga. Sa
mukhang nalulunod na tayo sa mga impormasyon na kumakalat sa social media at hindi natin mabatid kung peke ba ito o totoo. Kaya ang bawat mamamahayag ay may katapangan na maging boses sa lahat.
Ngunit, ayon kay Andaya sa kabila ng pagimplementa may mga mamahayag na nawalan ng internet sa gitna ng conference. Masasabing kong mahirap talaga ang virtual na pag implementa ng conference lalong lalo na na hindi pa halos lahat ay gamay sa teknolohiya at talagang makabago pa ito sa atin ngunit isa naman ang social media sa paraan ng komunikasyon kaya mainam ang solusyon na kahit sa social media ay magpapatuloy tayong magkalat ng impormasyong mapagkakatiwalaan.
Sa kabila nito, ayon kay Andaya bawat isa naman daw na kabilang sa conference ay may natutunan kahit na walang kompetisyong naganap. At saka, para saakin, mas madali sa atin ngayon na magpakalat ng impormasyon sa social media sapagkat ano pa ba ang gagawin ng bawat tao para makipag-usap sa isa’t isa kung nakakulong naman ang lahat sa sarili nating
Sa kabilang dako, napansin kong madali ngang kumalat ang balita kaya madali ring kumakalat ang fake news. Ayon nga kay Ruby Rose Baldovino ang maling impormasyon ay nakakamatay gaya ng virus. Kaya naniniwala ako na dapat may integridad ang bawat mamamahayag at hanggang sa makabagong normal na komunikasyon ay magbahagi sila ng totoo at sapat na impormasyon para pakinggan ito.
Ayon kay Marchelle Alyannah Loranzo —presidente ng Elementary Editor’s Guild Philippines, hindi tayo nagsusulat para magpa impress, nandito tayo para mapakinggan. Dagdag pa, bukas daw
Nang idineklara ng Sekretarya ng Department of Education o DepEd — Leonor Magtolis Briones ang pinakaunang virtual National Schools Press Conference na naganap noong 2021 naging malaking muling pag-ahon ito kalakip na ang tatlong katangian ng mga manunulat na ibinahagi ng Undersecretary ng Finance ng DepEd na si Annalyn Sevilla. Mahusay ang DepEd na naimplementa ito habang lugmok lamang sa kanilang mga tahanan ang mga estudyante at para naman hindi matigil ang kahalagahan ng pagsusulat sa kabila ng pandemya.
Bukod pa rito, naisingit ni Sevilla ang tatlong katangian o hamon ng mga mamahayag. Una, self identity, ayon kay Sevilla, dapat ang mga mamahayag ay may kamalayan sa paligid nila, at isipin ang mga dapat na tugon sa mga isyu sa paligid. Pangalawa naman ang perspicacity o kakayahang mag-intindi, at credibility. Dahil sa pag angat ng modernisasyon, talamak naman ang pagkalat ng pekeng balita. Mahusay si Briones sakaniyang ginawa, hindi niya hinayaan masayang ang kakayahan ng mamahayag na may mag intindi ng tama at mali, at magkalat ng balita na nasa wastong panig.
Dagdag pa ni Sevilla, mahigit taon na tayong naka-istam- bay sa ating mga bahay maging ang pagbabasa
PINAKAUNANG VIRTUAL NATIONAL SCHOOL PRESS CONFERENCE (NSPC) ITINUPAD
SA KASGSAGAN NG PANDEMYA
Agosto 11 hanggang 13, 2021 nang naganap ang pinakaunang birtwal na national press conference sa pamamagitan ng microsoft teams. Ito ay kanilang itinupad sa kasagsagan ng pandemya na may temang “Pahayagang pangkampus: kaagapay sa paghilom at pagbangon ng sambayanan”. Kahit may mga hamon itong kinakaharap, ipinagpatuloy pa rin itong tuparin ng Department of Education (DepEd) upang mas paghubogin at pagyamanin ang kaalaman ng mga kabataan sa journalismo.
Dahil sa pag-usbong ng COVID-19, maraming mga oportunidad ang nasayang dahil sa limitadong magawa. Dahil dito, mas lumaganap ang paggamit ng internet, partikular na ng social media. Ito ay sinamantala ng DepEd at iba pang sektor ng gobyerno upang, kahit tayo ay nasa ating mga kabahayan, patuloy pa ring pinapahalagahan ang diwa ng journalismo at pinauunlad ang kakayahan ng mga kabataan para sa mamamayang Pilipino.
Isa sa mga natalakay sa press conference ay ang mga hamon na kinakaharap ng campus journalism na ibinahagi ni Undersecretary for Finance, Amaly M. Sevilla. Ayon sa kanya, ang journalism ay isang larangan na puno ng panganib, hindi lamang sa panahon ng pandemya kundi sa pangkalahatan, sapagkat hawak ng bawat mamamahayag ang impormasyong ibinibigay para sa madla. Ang pagiging isang mamamahayag ay napakalaking responsibilidad sapagkat hindi lamang ito simpleng pagsusulat kung saan ibinabahagi ang nadarama o opinyon ng awtor, kundi ito ay para magbigay ng kamalayan sa mga tao tungkol sa mga isyung laganap sa ating bansa.
Ibinahagi din ni Sevilla ang tatlong hamon na tinawag niya na SPC: Self-identity, perspicacity, at credibility, kung saan iginiit niya na ang pagiging manunulat ay kailangang may kamalayan, maingat, at responsable sa bawat aspeto. Dapat ding tiyakin na ang mga impormasyong ilalahad ay beripikado. Ang mga katangiang ito ay dapat taglayin ng bawat manunulat sapagkat ito ang batayan upang makabuo ng mabisa at mahusay na pahayagan.
Nagbigay din ng
mensahe si Marchelle Alyannah T. Lorzano, ang presidente ng Elementary Editors’ Guild of the Philippines. Ibinahagi niya na, sa kabila ng pandemya, dapat pa rin tayong gumawa ng mga bagay na makakatulong sa ating komunidad. Nag-iwan din siya ng kasabihan na ang mga manunulat ay nagsusulat upang magpaliwanag, hindi upang maglahad ng pansariling pananaw. Ang kanilang tungkulin ay ipahayag ang katotohanan at mga bagay na hindi natin agad nakikita.
Sa pagtatapos ng conference, ibinahagi ni Director IV Jocelyn Dr. Andaya ng Bureau of Curriculum Development ang kanyang mahalagang mensahe. Ayon sa kanya, ang pagpapatuloy ng National Schools Press Conference (NSPC) noong 2021 ay isang mahalagang hakbang upang mabigyan ng pagkakataon ang mga batang mamamahayag, sa kabila ng mga hamong dulot ng pandemya at iba pang limitasyon. Patuloy nitong pinalalakas ang kanilang kakayahan sa pamamahayag, na tumutulong sa kanilang paglago at pag-unlad bilang mga tagapagsalita ng kanilang komunidad.
Ang pagtupad ng NSPC sa kabila ng pandemya ay ang pangunahing hamon na kinahaharap ng DepEd at mga kabataang mamamahayag. Sa kabi- la ng mga pagsubok, tulad ng limitadong akses sa mga kagamitan at pagsagawa ng nga mga aktibidad online ang kanilang pagpupursigi at determinasyon ang nagdala sa kanila ng tagumpay. Hindi lamang ito nagbigay ng pagkakataon upang ipakita ang talento ng mga kabataan, nagpapatibay rin ito sa kanilang kakayahan sa pagharap sa mga hamon ng makabagong panahon.
SAKLAW
GINTONG SANDALI
Kilala niyo ba ang usap-usapang atletang Pilipino? Siya si Carlos Edriel Yulo na nakasungkit ng hindi lang isa, kundi dala-dalawang ginintuang medalya sa Paris 2024 Olympics sa larangan ng gymnastics. Abot-tanaw ang kasiyahan ng ating mga kababayan nang may isang Pilipino na naman ang muling gumawa ng kasaysayan sa pagkamit ng kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng dalawang medalya sa Gymnastics World Championship. Ginawaran siya ng iba’t-ibang pagkilala at sinabitan pa nang medalya mula sa Malacañang at sa bahay ng mga kinatawan. Sa kanyang pagbabalik sa bansang sinilangan, puno ng hiyawan at mainit na tinanggap ng ating mga kababayan ang binansagang “Golden Boy” na si Carlos Yulo. Sa isang parke sa Maynila nabuo ang matayog na pangarap ng
noon ay 7 taong gulang na si Carlos Edriel Yulo. Maraming balakid na hinarap si Yulo, ngunit sa kanyang dedikasyon at determinasyon hindi ito naging hadlang para maabot niya ang kanyang pangarap. Hindi madali ang paglalak-
bay ni Yulo tungo sa tagumpay. Hindi natin labis na maisip ang kanyang pinagdaanan bago niya nakamit ang dalawang magkasunod na gintong medalya. Para siyang dumaan sa butas ng karayom sa preliminary qualification round hanggang naka- pasok siya sa 3 final events. Puno ng kaba at pigil-hininga ang mga manonood nang si Yulo na ang nagpakitang gilas ng kanyang talento. Napawi ang kaba nang nasungkit ni Yulo ang unang gin- tong medalya sa floor exercise. Hindi pa labis na pinagdi- riwang ang tagumpay ni Yulo nang napagtagumpayan ni- tong sungkitin ang pangalawang medalya. Binigyang-kasiyahan ng isang atletang
Pili- pino ang isang bansang uhaw sa pagk- ilala.
Sa git-
ng mga pinagdaanan para maka- mit ang tagumpay, hirap ang kani- yang nilakbay. Buwan-buwan na ensayo, halos hindi na maka- pagpahinga si Yulo para sa tagumpay na inaasam-asam ng bawat Pilipino. Ilang beses nang nadapa, pero pilit paring bumabangon si Yulo para big- yang karangalan ang ating bansa. Nag- kahati-hati man ang opinyon ng publiko, hindi parin nito dapat matabunan ang tagumpay at karangalan na ibinigay ni Carlos sa ating kasaysayan. Sa gintong sandali, ating pasalamatan at pahalagahan ang ating kababayan na nagpamalas ng kanilang kakaibang talento at nag-uwi ng gintong medalya para sa karalangan ng ating bayan.
Kisig. Ganda. Talino. Talento.
Hindi tanawin ngunit ika’y mamamangha sa kanilang ganda, tiyak na ika’y mapapahinto sa kanilang pambihirang kisig at tindig, hindi kataka-taka na ika’y hahanga sa talinong kanilang ipinapakita, at hindi mapigilang humiyaw at sumigaw sa kanilang bawat galaw at hataw.
Hindi maipagkakaila na maraming mga Pilipino na talentado at kilala sa kagandahan na kayang makipagsabayan sa buong mundo, ngunit marami ring mga Pilipino ang nakakaranas ng obesity na pwedeng magsanhi at magdulot ng mga malulubhang sakit gaya ng Hypertension at mga sakit sa puso.
Kaya, hinahandog ng Cor Jesu College Inc. ang Kisig at Hataw Koryesunista na hindi lamang patimpalak sa pagandahan ng katawan at pahusayan sa paghataw, ito rin ay may adbokasiyang nag-aanyaya sa mga Koryesunista at sa mga mamamayan na kumain ng masustansya at huwag kalimutang palaging alagaan at huwag pabayaan ang ating mga kalusugan at pangangatawan. Huwag mahiyang ipakita at ibahagi ang mga talentong taglay upang patuloy itong malinang at mapahusay.
Ayon kay Sir Ray Mar Rosales, guro sa MAPEH ng CJC na, “We need to stay fit and healthy”, iwasang katawan ay inaabuso at ugaliing mag-ehersisyo dahil ito ang kinakailangan ng ating pangangatawan, sapagkat ang kalusugan ang tunay na kayamanan.
Kasabay ng tamang pag-eehersisyo, at pagkain ng gulay at prutas, siguradong pinapangarap na “Kakisigan. Kagandahan. Katalinuhan. Kahusayan.” ay maaabot at sakit na nararanasan ay mabibigyang sagot. Tamang disiplina ang sandata upang obesity ay malabanan at malusog na pangangatawan ay makamtan.
PAGSUSUMAMO
Performance Task
Bakit niyo ba ako kinamumuhian? Ayaw niyo bang tumulong ako sa inyong kinabukasan?
Paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang tumutusok sa aking puso. Ngunit, iisa lang naman ang ating layunin at iyon ay makapagtapos kayo sa inyong edukasyon.
Sa bawat paramdam ko sa silid-aralan, gumuguhit agad ang mga anino sa inyong mga mukha. Nakakunot-noong planuhin ang bawat hakbang dahil ako ay dumarami na.
Hangad ko lang naman na turingin niyo ako bilang kaibigan. Ako na mismo ang tumutulak sa inyo pataas tuwing kayo ay nasa ibaba. Sisikapin kong umangat ang bawat mag-aaral at masungkit nila ang medalya at diploma.
Sa paniniwalang lahat ng pangyayari ay may dahilan, baka hindi nga ako nagbasa sa pagitan ng linya. Baka kayo ay kinulang lamang sa tapang at sa tingin niyo ay hindi niyo ako kakayanin. Kinakailangan niyong alalahanin na hawak ko ang pangunahing puntos sa inyong grado.
Gusto ko lang sabihin sa mga magaaral na ako si Performance Task at sana ako ay inyong tanggapin para sa mga pangarap na aabutin.
PAGKAKAISA SA PAGKAKAIBA
Determinado, dedikado at handang panindigan ang kanilang sarili.
Ang “LGBTQ+ Community” ay binigyan ng titulo na mahina at hindi maka kumpara sa
mga lalaki pagdating sa isports at hinuhusgahan na para lang naman sa pagpapalibang sa mga tao.Sa likod ng masiglang tawanan, maraming sumisikap na maunawaan at makingan ang kanilang mga boses na bigyan sila ng karapatan upang mapatunayan na sila rin kaya nilang mapawagi ang kanilang koponan.
Noong ika-dalawampu’t apat ng Setyembre,Ipinatupad ng Cor Jesu College (CJC) Basic Education Department ang Acquaintance party na muling naibabalik pagkatapos ng ilang taon mula pa noong 2019, Isinasagawa ng Senior Student Council (SSC) ang “Colors on Court” na Basketball para lamang sa LGBTQ+ Komunidad ng Senior High school Students ng CJC.
ISPORTS
May gusto PA-DAO:
Pagsulyap sa buhay-tennis ni JM Padao
Disiplinang
gutom, determinadong pawis at pursigidong nauuhaw -- ganito mailalarawan ang bawat hampas sa raketa katumbas ang
bawat hiyaw ng tagapanood para sa hagupit na opensang kakasa sa balakid ng pagiging standout tennis player ni Jude Michael Andrei Padao ng Cor Jesu College (CJC). Pumiglas bilang huling alas ng CJC sa gintong medalya ang 2-time Davao Regional Athletic Association (DAVRAA) champion matapos hambalusin sa dominanteng laban si Allyson Cabanilla ng Rehiyon 13 sa Palarong Pambansa noong Agosto 03, 2023, Marikina City. Sa kabila ng mga palamuting nakataga sa kaniyang pangalan, hindi naging madali para sa kaniya manatiling angat sa bawat laban.
Nanaig ang Digos City Trekkers laban sa Davao City Durians sa gintong medalya ng men’s basketball secondary division, 72-69, sa DAVRAA na ginanap sa Holy Cross of Davao College nitong Sabado. Sa natitirang 42.5 segundo, si John Wayne Portrias ng Digos ay nakapagpasok ng mahalagang lay-up upang maselyo ang panalo. Nagmintis si Edric Niño Villasor ng Durians sa kanyang tres na sana’y pantabla, dahilan ng kasiyahan ng mga taga-suporta ng Digos. Dahil dito, nakakuha ang Trekkers ng tiket para sa 2024 Palarong Pambansa sa Cebu City. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nanalo ang Digos sa gintong medalya ng DAVRAA basketball secondary division.
Ayon kay coach Rey Romulo Senarillos, sinunod ng kanyang mga manlalaro ang gameplan, kaya sila nagtagumpay. Pinangunahan ni CJ Visaya ang scoring para sa Digos na may 15 puntos, habang si Marck Nine Retes ay may 11 puntos. Nag-adjust sila ng taktika sa laro, lalo na sa huling bahagi kung saan isolation plays ang naging susi sa kanilang tagumpay. “Laging Digos at Davao City ang naglalaban sa finals. Ngayon, panahon na namin,” ani ni coach Senarillos.
Samantala, sa bronze medal match, nagwagi ang Davao del Norte laban sa Tagum City, 92-82. Nangunguna pa rin ang Davao City delegation sa medal tally na may 137 ginto, 100 pilak, at 96 tanso. Sinundan ito ng Tagum City na may 51 ginto, 50 pilak, at 39 tanso.
Ang tagumpay ng Digos ay hindi lamang patunay ng kanilang pagsusumikap kundi pati na rin ng dedikasyon ng kanilang coaching staff. Ang pagkapanalo sa DAVRAA ay nagbigay ng inspirasyon hindi lamang sa mga manlalaro kundi pati na rin sa buong komunidad ng Digos, na nagtutulungan para sa tagumpay ng kanilang mga atleta.
Sa pagtutok ng mga eskwelahan sa kanilang sports program, inaasahang madami pang talento ang lilitaw mula sa Digos. Ang mga ganitong tagumpay ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na maipakita ang kanilang galing at makamit ang kanilang mga pangarap sa larangan ng sports.
Nagpakitang gilas ang mga estudyante ng CJC sa laro,Ipinakita ng dalawang koponan na ang Retro Rockets at Tur-
“Nararamdaman ko ang presyon lalo na noong Palaro dahil ako mismo ay gutom, competitive at uhaw na uhaw manalo,” sambit ng Palarong Pambansa medalist.
Nagsimulang umusbong ang pagiging hinog sa lawn tennis ng 9-time City meet Champion matapos ang kaniyang blessing in disguise na pagsasanay