NILALAMAN
OPINYON, P.3
‘Sabi nila, sabi namin’
13 mag-aaral ng BHS pasok sa DSPC pahina 2
LATHALAIN, P.4
ISPORTS, P.9
Walis, basurahan, dustpan
ANG PAHAYAG TOMO III, BLG. 3
OPISYAL NA PAHAYAGAN NG BALAYANG HIGH SCHOOL
HUNYO - SETYEMBRE 2019
4.5 M HALAGA NA COVERED COURT NG BALAYANG, INUMPISAHAN John Loyd Sagun
Sinimulan ng itayo ang matagal ng inaasam-asam na covered court ng mga taga Balayang noong Agosto 1, 2019 na nagkakahalaga ng 4.5 milyong piso. Ito ay pinondohan ng ating Provincial Government sa pangunguna ng ating butihing gobernador na si Susan Yap at ng Department of Public Works and Highways (DPWH). “Proud at nagpapasalamat ako na binigyan tayo ng ating gobyerno ng isang covered court.” wika ni Marcial B. Guzman, Punong Barangay ng Balayang. Hindi agad naipatayo ang covered court dahil naghanap pa ang >>pahina 2
TITULO. Sinisikap ng mga manggagawa na tapusin ang covered court ng Balayang, Victoria para magamit na ito sa lalong madaling panahon. (Kuha ni Angelo Gacusan)
Drainage System , sagot sa pagbaha sa BHS Danielle Mateo Naranasan ng Balayang High School ang pagbaha dahil sa malakas na buhos ng ulan noong Agosto 29, 2019 kaya plano nang aksyunan ito sa lalong madaling panahon sa pamamagitan ng drainage system. Tuwing sasapit ang tag-ulan laging binabaha ang
school grounds ng paaralan at nagiging maputik ang dinaraanan. Ayon kay Gng. Elena P. Bartolo, punongguro, “Sa ngayon nagpoproseso kami ng paggawa ng budget sa MOOE, ibinabadyet na namin ang pagpapagawa sana ng drainage doon sa likod kasi iyon ang mas binabaha.” >>pahina 2
Career Guidance Orientation, Ginunita Jessa Espedilla
SALAMIN SA HINAHARAP. Nagbihis ng kani-kanilang mga hinahangad na trabaho ang mga mag-aaral ng Balayang High School bilang parte ng Career Guidance Orientation 2019. (Kuha ni Angelo Gacusan)
Nagkaroon ng Career Guidance orientation ang mga mag-aaral mula sa Grade 10-12 noong ika- 31 ng Hulyo, 2019 sa Balayang High school (BHS). Sa pangunguna ni G. James Patrick Ramos nabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataon na magbihis ng kasuotan na angkop sa kursong gusto nila. “You have to >>pahina 2
Mangarap, maniwala at magtagumpay
Bagong opisyales ng GPTA sa BHS, Itinalaga John Loyd Sagun
Opisyal na itinalaga ang mga bagong halal na opisyales ng GPTA sa BHS sa pangunguna ni SB Kagawad Eric Saguyod noong Hulyo 26, 2019 sa BHS Ground. Si Gng. Regina Gacusan na nagsisilbing pangulo ng mga magulang kabilang din dito sina Mr. Jaime P. Ramos Vice President, Rebeliza F. Bergonio Secretary, Cielito A. Salazar Sub. Secretary, Ma. Cristina D. Mauricio Treasurer, Jelleny M. Gacusan Sub. Treasurer, Wilfreda A. Gacusan Auditor Julie Ann A. Ebrada Auditor, Salome P. Cacao P.I.O, Ma. Noeme Grace L. Deang Bus. Managaer, Danilo C. Dela Cruz Bus. Manager, Lorna Talania, Ernesto B. Narne Jr., Jessica S. Gamido Board of Directors. Ayon kay Gng Regina Gacusan “Gagawin ko lahat ng aking makakaya upang magawa ng tama ang aking tung>>pahina 2 kulin”
Student leaders dumalo sa Leadership Training Jessa Espedilla
Nagsagawa ng SchoolBased Leadership Training sa pamumuno ni Ma’am Juana Marie M. Oximas sa Balayang High School noong ika-19 ng Agosto, 2019.Kalahok dito ang mga studyante na nahalal bilang opisyales sa ibat ibang organisasyon. Nagsimula ang programa sa ganap na alas otso ng umaga hanggang alas kuwatro ng hapon.Sinimulan ang programa sa isang panalangin na pinangunahan ni Jessa Espedilla SSG Vice President. Sinundan naman
ito ng mga tagapagsalita na sina Ma’am Elena Bartolo punongguro, Ma’am Jenalyn Arcadio, Sir Jovelano Urzame at Sir James Patrick Ramos. “Dont Expect your followers to do what is right if they see you doing what is wrong” ani Gng. Bartolo. Sa huling bahagi ng programa ay nagkaroon ng mga gawain na kung saan nasukat ang kakayanan ng bawat isa upang mamuno at mahasa ang kanilang isipan. “It’s good to be slow and steady but it’s better to be fast and reliable” ani Gng. Bartolo.
Bakuna ng MRTD sa BHS, DOH Nanguna John Loyd Sagun 34% 66%
Isinulong ng Department of Health ang pagbabakuna ng Measles Rubella Tetanus Diptheria (MRTD) sa mga mag-aaral ng Grade 7 noong Setyembre 3, 2019 sa BHS school clinic. Nakipag-ugnayan ang >>pahina 2 DOH kay
PUSH NATIN ‘TO. Nagpamalas sa larangan ng pagluluto ang mga mag-aaral sa Senior High sa ginanap na Buwan ng Nutrisyon sa Balayang High School. (Kuha ni Rubina Gacusan)
BHS nagpamalas sa Buwan ng Nutrisyon Alleah Austria Ipinakita ng mga mag-aaral ng Balayang High School (BHS) ang kanilang angking talento sa iba’t-ibang patimpalak sa ginanap na selebrasyon ng Nutrition month na may temang “Kumain ng wasto at maging aktibo… push natin ‘to!” noong ika 22-26 ng Hulyo 2019 na pinangunahan ng mga guro sa TLE (Technology and Liveli- >>pahina 2
2
HUNYO - SETYEMBRE 2019
BALITA
ANG PAHAYAG
13 mag-aaral ng BHS pasok sa DSPC Danielle Mateo
Nakamit ng Balayang High School (BHS) ang ikalawang pwesto sa nakaraang Municipal School Press Conference (MSPC) noong ika-4, 5 ng Setyempre sa Calibungan High School (CHS). Ilan sa mga nagbigay karangalan sa paaralan ay sina Shella Mae Nacario (2nd Copy Reading-English), Meka Ella Rigor (5th Copy Reading-English), Joyce Ann Polido (2nd Copy Reading-Filipino) ,John Loyd Sagun (5th Copy Read-
ing-Filipino). Denise Balana (4th Editorial Writing-English), Jamaica Marie Patron (5th Editorial Writing-English), Julius Catabay (1st Photojournalism-English), Jimmuel Ace Laurena (3rd Photojournalism-English), Angelo Gacusan (3rd Photojournalism-Filipino), Princess Ann Garabiles (5th Feature Writing-Filipino), Danielle Mateo (4th News Writing-Filipino), John Russel Jacinto (1st Copy Reading-Filipino, 4th Editorial Writing-Filipino, 4th Feature Writing-Filipino) at Cherry Racuya (3rd Copy
Drainage system...
MATINDING PAGSUBOK. Nilusong ng mga mag-aaral ang baha sa Balayang High School Ground dahil walang tigil na pag-ulan. (Kuha ni John Loyd Sagun)
Reading-Filipino, 4th News Writing-English). “Masaya at nakakaproud dahil maraming nakapasok para sa DSPC at pagsusumikapang makapasok sa mas mataas na kompetisyon ang Regional Schools Press Conference (RSPC)” ayon kay Gng. Bernadith Valdez, tagapayo ng Ang Pahayag. Pinarangalan sila sa Calibungan covered court, sa ngayon nageensayo ang mga estudyante na nakuha sa ika-1 hanggang ika 5 puwesto sa DSPC na gaganapin sa Capas High School sa Setyempre 25-26, 2019. mula sa pahina 1>> B agamat kaunti ang budget, sinisiguro nilang maipagkakasya nila ito at maisasaayos ang drainage system para sa kapakanan ng mga mag-aaral. Drainage system ang naisip nilang solusyon dahil ito ang pangmatagalang sagot sa pagbaha at may lalabasan ang tubig . “Abril sa susunod na taon ay gagawin na ang project para sa pagpasok ng mga mag-aaral sa June, siguro matatapos na iyong drainage system natin.” Dagdag pa ni Gng. Bartolo. Makakaasa naman ang mga mag-aaral na sa susunod na pasukan , hindi na babaha sa BHS tuwing sasapit ang tag-ulan.
BHS nagpamalas sa Buwan ng Nutrisyon mula sa pahina 1>> hood Education). Ilan sa mga patimpalak ay cook fest, wellness dance, islogan at pagguhit ng poster. Humataw naman ng husto ang mga mag-aaral ng baitang 12 General Academic Strand (GAS) dahilan upang makamit nila ang unang gantimpala para sa wellness dance. Samantalang ang mga kinatawan ng 10-Quezon at 8-Bonifacio ay hindi nagpahuli upang masungkit ang pangalawa at pangatlong pwesto.
Sinarapan naman ng mga magaaral ng 8-Rizal ang kanilang lutuin upang makuha ang unang gantimpala para sa paligsahan ng pagluluto para sa ika-8 baitang at 7-Einstein para sa ika-7 baitang. Nagpakita ng talento sa pagguhit ng poster Joys Ann D. Tapil at Jessa Domingo na nakakuha ng una at pangalawang pwesto. Nasungkit naman ni Shemaiah Valdez ang pangatlong gantimpala. Mag-aaral ng Grade 10-Quezon naman ang nanguna para sa pagsulat
Bakuna ng MRTD...
KARAYOM NG KAGALINGAN. Binakunahan ang mga mag-aaral sa ika-pitong baitang ng Balayng High School upang maiwasan ang mga sakit na maaaring tumama sa kanila. (Kuha ni: Jovelano
mula sa pahina 1>> G. Jovelano Urzame school nurse upang maisagawa ang pagbabakuna sa mga estudyante. “Importante ang bakuna, at sana lahat ng grade 7 ay binakunahan” Ayon kay G. Jovelano Urzame. 33.62 porsyento lamang ang mga batang naturukan ng MRTD, dahil naging mahigpit ang paaralan at may pinatupad na no parent permit no vaccination. “Hindi naman magbabakuna ang gobyerno kung alam nilang hindi ito nakatutulong” ayon kay G. Jovelano. “Takot na
ng islogan na si Joyce Ann D. Polido. Nakuha ni Twinkle Juliano at Olive Rose Gamurot ang ikalawa at ikatlong gantimpala. Ang selebrasyon ay nakasentro sa layuning maipakita ang pagpapahalaga ng mga guro at mga mag-aaral sa kahalagahan ng kalusugan at tamang pagkain ng mga masusustansiyang pagkain at maging aktibo sa iba’t ibang aktibidad upang maging maliksi, malusog ang pangangatawan at kaisipan . Push natin ‘to. takot ang mga parents sa posibleng mangyari, dahil hindi naiintindihan ang importansya ng bakuna” dagdag nito. Hindi maaalis sa mga magulang ang takot na pabakunahan ang kanilang mga anak. Dahil na rin sa mga balitang kanilang naririnig. Ayon kay Delmark Gamurot ng grade 7 Einstein “hindi po ako pinayagan dahil baka mayroon daw pong masamang epekto”. Ayon naman kay Jemelle Villarta 7 Euclid “Pinayagan po nila akong bakunahan dahil dati po ay binabakunahan na po ako”. Ang layunin ng bakuna ay puksain ang mga sakit gaya ng tigdas, ubo at tetano. “Ayon sa DOH pag tinurukan ka ng MRTD ay lifetime ng yung vaccination” wika ni G. Urzame.
TROPEYO AT MEDALYON. Ngiting tagumpay ang kupunan ng Balayang High School matapos nilang masunglkit ang ika-unang puwesto sa ginanap na Municipal Schools Press Conference 2019 sa Calibungan, Victoria, Tarlac. (Kuha ni Mylene Tan)
4.5 M halaga na covered court... mula sa pahina 1>> mga opisyales ng barangay ng lupang pagpapatayuan ng naturang court dahil ang kinatatayuan ng basketball court ng barangay ay pag-aari ng simbahan. “Naghanap kami ng magdodonate ng lupa para sa pagpapatayuan ng covered court dahil ang barangay ay walang lupang pagpapatayuan nito. Buti na lang may pamilyang nagkusang loob na nagbigay ng lupa para sa proyektong ito.” ani kapitan Guzman. Ang mag-asawang may ginintuang puso na sina Ginoong Nonito Balbin at Ginang Clara Balbin , ang nagdonate ng lupang pinagpapatayuan ng naturang covered court. “Nalaman ng anak ko na naghahanap sina kapitan Guzman ng lupang pagpapatayuan ng isang covered court kaya kinausap ako ng anak ko na kung puwede kaming magbigay ng lupa para sa court at pumayag naman kami agad ng aking asawa,walang problema ibibigay ko
yun .”wika ni G. Balbin Mapapakinabangan ang covered court hindi lamang ng mga taga Barangay Balayang. Magagamit din ito ng mga estudyante at mga guro ng Balayang High School lalo na at wala pang covered court ang BHS. “Bilang isang residente ng Balayang at estudyante ng BHS, masaya akong magkakaroon nang covered court dahil kahit umulan man o umaraw tuloy pa rin ang programa.”ani Angelo G. “Puwede nating idaos lahat ng pang-isport, pangbarangay na gawain dito sa court, at syempre magagamit din ito ng mga mag-aaral sa Balayang High School dahil itoý pagmamay-ari ng gobyerno at itong court na ito ay para sa lahat ng mamamayan ng barangay.” saad ni Guzman. Magagamit din itong evacuation center sa oras ng sakuna. Ang covered court ay inaasahang matatapos sa buwan ng Oktubre at opisyal ng bubuksan para sa publiko.
Bagong opisyales ng GPTA... mula sa pahina 1>> Kabilang sa mga proyekto na kanilang ipapagawa ay ang School Directory, drainage at ang pagkakaroon ng Material Recovery Facility (MRF). “Step by step namin itong
ipapagawa, kung ano yung mas kailangan ng mga bata yun ang iprapriority namin” Wika ni Gng. Gacusan Sa pag-oorganisa ni Maam Elena P. Bartolo naisagawa ang pagtatalaga sa mga bagong opisyales.
Career Guidance Orientation... mula sa pahina 1>> stick to the one you choose,You have to meet the demand,You have to work for your family,You have to prepare yourself for your best” ani Ms. Alma Fallorin Bagorio Ito ang mga binitawang salita na tumatak sa isipan ng bawat isa na nag sisilbing inspirasyon nila sa araw araw.
“Marami akong natutunan sa mga binahagi nipa sa amin at ito ang magsisilbing gabay namin sa pagtupad ng pangarap” wika ni John Loyd Sagun,12-GAS Ang programang ito ay para mabigyan ng linaw ang mga mag aaral sa kung anong kursong nais nilang tahakin at kung anong mga hakbang ang kanilang gagawin.
OPINYON
ANG PAHAYAG
HUNYO - SETYEMBRE 2019
3
MAY NAGMAMAHAL SA IYO EDITORIAL
LIKHA NI: ALEXIS TAPIL
POINT OF VIEW
‘SABI NILA, SABI NAMIN’ JOHN RUSSEL G. JACINTO
Makakatulong nga ba talaga ang pagtatanggal ng takdang –aralin sa mga estudyante? “Ang masasabi ko bilang isang mag-aaral tungkol dito ay hindi dapat na ipatupad ito dahil hindi ako sanay na walang assignments tuwing weekends dahil sanay na ako na laging may mga sasagutan sa bahay.” Mag-aaral ng Grade 9. “Sang ayon akong maipatupad ito para magkaroon naman ng oras para sa pamilya dahil lunes hanggang biyernes nasa school ang mga estudyante at baka maistress pa lalo ang mga estudyante. Marapat lamang na maipatupad ito nang maipahinga ang mga utak ng bawat estudyante para muling ganahan sa muling pagpasok.” Cedrick ng Grade 11-GAS. “Kinukunsinti lamang ang mga bata na maging tamad. Hindi rin ito makakadagdag sa oras nila para sa pamilya dahil puro gadgets lang ang aatupagin nila.” - Guro sa BHS. “Para sa akin ay hindi , dahil ang takdang aralin ay nagsisilbing itong paghahanda sa paksang tatalakayin sa klase
kinabukasan at natututo ang mga mag-aaral na gumawa at maging responsible at tsaka parang bonding narin ito ng magaaral at ng kanilang magulang.” - BMV, guro sa Science. “Para sa akin ay mas maganda at kapakipakinabang sa mga mag-aaral kung ma-
“
Ang hirap kasi sa iba, hindi nila inaalam kung may natututunan ba ang bata.”
“Hindi,
sapagkat
ANG
“Dapat mayroong Homework para magkaroon ng evaluation ang mga teacher natin kung may natutunan ba tayo. “– Presidente. “Ayos lang, dahil magkakaroon na ng time para sa mga gawain bahay at maipapahinga ng maayos ang sarili.”John Loyd. “Hindi ako payag, dahil mas magiging masaya ýung mga kaklase ko na walang gagawin at hindi rin nila matututukan ang pag-aaral nila. “Mag-aaral ng Grade 7.
nanatili ang paggawa ng Homework ng mga mag-aaral dahil ito ay nakatutulong upang mas magkaroon ng oras ang magaaral upang mas intindihin ang aralin at pag-aralan ang mga bagong aralin. Tanggapin man natin o hindi ay malaki ang epekto na nagagawa ng enrichment na ginagawa ng mga magulang sa bahay.” - Guro sa Tle
pagkakaroon ng takdang-aralin ay mas makakatulong sa mga estudyante upang mahasa ang kanilang kaisipan at upang matuto silang gamitin ang kanilang oras sa mga mahahalagang bagay. “- Lila.
ang
“Hindi makakabuti dahil hindi natututo ang bata na magbasa ng sariling Gawain. Iyong responsibility niya ay ‘di niya ginagawa at magiging tamad pa siya dahil sa “No Homework Policy”. - Gr 7 Adviser. “Hindi ito mabuti sa kadahilanang hindi o wala na silang oras upang magbalik-aral sa kung ano ang napag-aralan nung araw na iyon, isa ang takdang aralin sa mga responsibilidad ng mga estudyante na dapat gawin/sundin.” – Guro sa ESP.
‘Huwag mong isipin na nag-iisa ka, laging isiping mayroon kang kasama.’ Mayroon kang pamilyang umaagapay, mga kaibigang masasandalan at Diyos kang walang sawang nagmamahal sa bawat nilalang. Bakit ba marami ang naisipang maagang lisanin ang buhay sa lupa? Sinayang lamang ang buhay na ipinaubaya. Bakit nila iyon ginawa? Dahil ba nilamon na sila ng kalungkutan at hindi nila alam ang maaring maramdaman ng mga taong nagmamahal sa kanila? O dahil ba sa depresyon na kanilang nararanasan? Maraming mga kabataan ngayon ang nakararanas ng depresyon. Tila isa sa naging sikat na problema ang pagpapatiwakal ng mga kabataan sa modernong panahon. Binalot na sila ng sobrang kalungkutan at hindi mawari ang gagawin upang malabanan ito sa lalong madaling panahon. Bilang patunay, ayon sa ulat ng World Health Organization (WHO) noong 2012, ang Pilipinas ang ika-150 sa 170 bansa na may pinakamaraming ng suicide cases. Makikita nating malayo sa top 10 pero hindi natin dapat balewalain sapagkat ang ating pinag uusapan ay buhay ng tao. Huwag na tayong lumayo pa. Lungkot rin at di maipaliwanag na dahilan ang nagtulak sa isang estudyante ng Balayang High School upang siya ay magpakamatay. Dahil sa kaganapang ito, tila walang sawang pumapatak ang mga luha ng mga taong malapit sa puso niya. Marso 30, 2019 nang siya ay lumisan sa mundo, dalawang araw bago ang kaniyang pagtatapos sa Junior High School. Marami ang umalala sa mga panahong kasama pa nila ang dalaga. Marami ang nanghihinayang sa buhay na tinapos ng dalaga sapagkat may mga pangarap pa ito na dapat pa nitong tuparin. Marami ang mga tsismis na kumalat matapos nitong pumanaw. Ayon sa kaniyang mga kaibigan at pamilya, hindi pa nila mawari kung ano ang dahilan sa kaniyang pagpapakamatay. Kung tayo’y nalulungkot, hindi ba’t may mga tao tayong nilalapitan upang mapalitan ng saya ang lungkot? Dahil makatutulong ito upang malimutan ang mga lungkot at problemang unti-unting tumanaw sa atin at hindi maging dahilan ng pagpapakamatay. Bilang isang manunulat, hindi makatuwiran na ikaw mismo ang babaon sa sarili mong katawan sa hukay. Sapagkat dahil dito para mo na ring pinatay ang iyong mga pangarap sa buhay na nais mong makamtan. Magsisilbing daan ang panghihikayat sa lahat na walang magandang maidudulot ang pagkitil sa sariling buhay. Kung ikaw ma’y nilalamon ng sobrang kalungkutan, mag-iisip ka na lamang ng mga magagandang bagay at isipin mo na may mga tao pang nagmamahal sa iyo nang lubos. May Diyos ka pang magliligtas sa iyo mula sa lungkot na sa iyo’y bumabalot at hayaan mo ang sarili mo na mamuhay nang maayos at masagana. Tandaan sa tuwina na may mga taong nagmamahal sa iyo, kaya’t walang lugar ang depresyon at pagpapatiwakal sa buhay ng bawat isa sa atin. “Pagmamahal ang tanging solusyon sa depresyon.”
PAHAYAG LUPON NG PATNUGUTAN 2019-2020
JOHN RUSSEL G. JACINTO Punong Patnugot | JOYCE ANN D. POLIDO Pangalawang Patnugot | JOHN LOYD M. SAGUN Patnugot Balita | PRINCESS ANN M. GARABILES Patnugot Lathalain | JULIUS F. CATABAY Patnugot Agham at Teknolohiya | PAULO S. GAMIDO Patnugot Isports | ANGELO G. GACUSAN Potograpo | JOHN ALEXIS D. TAPIL & JOYS ANN D. TAPIL Mga Dibuhista | JESSA V. ESPEDILLA, PRINCESS LORRAINE L. QUIAMBAO, ALLEAH R. AUSTRIA, ANGEL KATE SOLIVEN, DANIELLE MATEO, SHELLA MAE NACARIO, AUBREY R. DAR, MEKA ELLA RIGOR Mga Kagawad | VERONICA J. RAMOS, EDMUND MUSA Tagapuna | BERNADITH M. VALDEZ Tagapayo ELENA P. BARTOLO Ed. D. Kasangguni
4
HUNYO - SETYEMBRE 2019
LATHALAIN
ANG PAHAYAG
Walis, Basurahan, Dustpan Carolyn G. Gabres
alis, basurahan at dustpan.’ Yan ang lagi kong nahahawakan. Ako nga pala ang bantay kalinisan dito sa paaralan. Tagaktak na pawis, kumakalam na sikmura dahil sa gutom, sobrang pagod. Lahat yan ay naranasan ko. Pero lahat ng yan ay napawi ng mga oras na hawak ko na ang pinagtrabahuan ko. Hindi sahod ang tinutukoy ko, hindi rin parangal kundi isang panghabangbuhay na karangalang dala ng mga anak ko. Ito’y isa lamang papel, ngunit katumbas ay pangarap. Dito nakatala ang katunayang nagbunga ang aking paghihirap. Nakatitik dito ang kanilang mga pangalan. Ang kanilang pangarap na papel, ang Diploma. Hindi lang isa kundi tatlo. Sinong mag aakalang ang isang tagalinis ng paaralan ay magiging ama ng tatlong guro? “Ako si Herminio B. Arias. Akoy ma’y hindi perpektong ama ngunit pinagpala naman ng mabubuting anak. Ama ng tatlong guro at isa pang nangangarap ring makapagturo. And I thank you!” kwelang sambit niya sa aming panayam. Tiyak na kung makakausap
mo siya ay makikita mo sa kaniyang mga ngiti sa labi ang saya dahil sa tagumpay na narrating ng kaniyang mga anak. Kilala ang ating dakilang ama sa tawag na ‘Uncle H’. Marami ang nagsasabing strikto siya ngunit siguradong nais lamang niya maging mabuti tayong mga mag-aaral gaya ng kaniyang pagpapalaki sa kaniyang apat na anak. Karunungan ang naging sandata ng kaniyang tatlong anak na guro na nakapagtapos sa Central Luzon State University (CLSU) sa Muńoz, Nueva Ecija. Ang kaniyang panganay na si Glen Ford Arias ang siyang nagdala sa kanila ng unang karangalan. Siya ay apat na taon ng nakikipag sabayan sa larangan ng pagtuturo sa Tagumba High School ng Gerona Tarlac. Ang dean’s lister na si Glendalyn Arias ang pangalawa at kasalukuyang nagtuturo sa loob ng dalawang taon sa Tarlac State University (TSU). Si Karen Arias ay nagtapos bilang Cum laude at siya rin ay iskolar ng bayan, gayundin ng kaniyang pinasukang unibersidad. Kaya’t wala kaming gastos, at sinuklian niya pa ng medalya.
Ako ma’y walang pinagaralan ngunit hindi ko hahayaang matulad sa akin ang aking mga. Lilinisin ko ang kanilang daraanan ng walang maging hadlang sa kanilang paglalakbay.
“
Hindi uso saakin ang pahinga.”
N
SA
O EL
A UH
:
NI
CU GA
G AN
K
HIWAGA NG PAGPAPALA JOYCE ANN POLIDO
ilim na bumabalot, takot na nanunuot. Bilog na buwan, tanging nagbibigay liwanag sa paaralan. Sa gabing madilim , may mga nakatinging matang matatalim. ‘Di batid , ang hiwagang hatid. KKK dito ipinanganak. Kababalaghan, katatakutan at kahiwagaan. Kambal na punong dekada ng nakatayo ang itinuring na salarin sa kababalaghang ito. Batang tumatakbo, kapreng naninigarilyo, babaeng sumasama sa mga litrato, babaeng humihiyaw at batang humahalakhak at umiiyak. Mga kuro-kurong nagbibigay konklusyon, na ang punong itoý nagdadala ng hiwaga. Sabi ng marami, na hindi naman napatunayan at walang ebidensyang maipakita. Bagkus ang punong itoý isang pagpapala. Sa init ng araw ay kasangga. Sa malakas na ulan ay masisilungan , at hinihigop ang tubig nang makai-
was sa baha. Nagbibigay ng hanging sariwa. Nasasandalan tuwing nagpapahinga. Mga naglalaro, madalas sa ilalim ng punong ito makikita. Maganda ring larawaý dito magpakuha. Kasabay ng pag-unlad ng paaralan, ang patuloy na paglago ng punong ito. At dito magpapatuloy ang KKK. Kasangga, Karamay at Kasabay na magpapatuloy sa buhay. Kaparis ng kambal na punong ito, ang kambal na mensahe sa buhay. Kakambal ng dilim ang liwanag, at ng lumbay ang ligaya. Kaya tandaan na sa bawat kababalaghan ng buhay , may kasangga tayong makikita, sa bawat katatakutan ay may mga taong karamay. At sa bawat kahiwagaan ay may kasabay tayo sa pag-inog ng buhay. Sapagkat sa bawat hiwaga ay may makikitang pagpapala.
KUHA NI: ANGELO GACUSAN
LATHALAIN
ANG PAHAYAG
HUNYO - SETYEMBRE 2019
Mas masaya ang ina sa mga nararating ng mga anak nya
CAMILLE DIANNE
LOZIEL
MIKAELA
5
JOYCE ANN POLIDO
atlong produktong Balayang High School, ay nakikipagsabayan na sa larangan ng pagtuturo. Taong 2011 ng itatag ang paaralang ito at taong 2015 na nakapagtapos ang unang batch dito. Kasama dito sila Camille Dianne Pascua, Mikaela Budanio at Loziel Mauyao. Ang unang guro mula sa paaralan. Nagtapos sila ng Bachelor of Secondary Education major in Physical Science. “masarap magbalik sa pi nagmulan” yan ang napatunayan ng piliin nila ang paaralang ito sa kanilang practice teaching. Napakaraming hadlang, dumating pa ang pagkakataong may bagsak sila. At kailangan nila ulit itong ipasa. At hindi nila hinayaang ito ang humila sa kanila pababa. Sabi nga nila “be like a proton, always positive”. At ngayon silay nasa harapan na ng mga estudyanteng bukas ang palad at handang matuto. BHS saludo sainyo.
Sa hindi inaasahang pagkakataon JOHN RUSSEL JACINTO
sa lamang akong simpleng bata. Iminulat ang mga mata sa mundo kung saan nabubuhay akong masaya. Masayang naglalaro sa damuhan at putikan. Walang problemang dinadala sapagkat puro saya ang nadarama. Masayang nakikipaglaro sa bawat batang nakakasalamuha. Masayang naghuhuntahan kasama ang pamilya. Masaya pa ang buhay. Ngunit bakit ngayon nag-iba ako? Isinumpa ba na maging ganito ang buhay ko? Nasaan ang dati kong saya? Nabalutan na ba ng lungkot at poot? Bakit naglaho ang liwanag sa buhay ko at nagdilim tulad ng isang mundong walang kulay? 2018 nang magsimulang magbago ang ikot ng buhay ko dito sa makabagong panahon – Ang laruang laging bitbit ko, napalitan na ng telepono at kompyuter na kinahuhumalingan ko. Luksong baka at patinterong paborito ko, ngayo’y Mobile Legend( ML) at Rules of Survival (ROS) na ang hilig ko. Masayang tawanan at kulitan naglaho na parang bula at kahit kailan hindi na maibabalik pa. Bakit nga ba ako nagkakaganito?Bakit tila hindi ko na kilala ang sarili ko? “Anak, kumain ka na, baka magutom ka, mamaya na ‘yan.” “Mamaya na, ayoko pa, tapusin ko lang ito.Sino ba itong taong sa aki’y tumatawag. Tila hindi ko na rin siya kilala. Tila ba mabilis nang binura ng panahong ito ang lahat ng
mga alaala ko noong mga panahong masaya pa ako . Nasaan na ang mga kaibigan kasama sa saya? Nasaan na ang pamilyang kasangga sa bawat problema? Bakit tila hindi ko na sila kilala. Totoo nga ang sabi nilang ang lahat ay nagbabago. Dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya tila sinilaw nito ang lahat. Wala ng ibang ginagawa, Pindot dito, pindot doon, titig dito, titig doon. Hindi na nagagawa ang ilang gawaing bahay, hindi na rin nagagawa ang mga takdang aralin, hindi na rin naibabalik ang komunikasyon sa isa’t isa. At hindi ako nakaligtas sa pagbabagong ito, isa ako sa binago ng makabagong mundo. Pagkaadik- ang di inaasahang kaganapan. Adik na pala ako nang hindi ko namamalayan. Adik sa mga bagay na akala ko’y mahalaga. Nagbubulag-bulagan ako sa katotohanan. Hindi makita ang mga bagay na tunay na mahalaga. Hindi ko na alam kung saan ako patungo. Saan nga ba? Nagbago na ang ihip ng hangin. Ang dating masayang simoy nito, umalingasaw at nagbago. Tik-tok-tik-tok! Ginising ako ng tunog ng orasan . Marami na palang oras ko ang nasayang. Nais kong magbago ang takbo ng aking buhay. Sa bawat galaw ng orasan, ganundin ang galaw ng mga mata’t daliri ko sa hawak-hawak kong telepono. Gusto ko ng bitawan ito at kunin ang kamay ng magulang ko. Nais kong muling malaro ang luksong
baka at patintero. Ibig ko ng muling marinig ang halakhak ng mga kaibigan.Gusto kong maibalik ang mga ngiti sa aking labi. Gusto kong muling mabuhay ang masayang komunikasyon ko sa bawat isa at nais kong kumawala mula sa mahigpit na pagkakatali sa teknolohiya. Oh! Tukso layuan mo ako, nais ko nang magbago. Simula ngayon, isasantabi ko muna ang paggamit sa mga ito at sisimulan ko nang tuparin ang lahat ng nais ko. Binago man ako ng panahon , ibabalik at ibabalik ka nito sa dating buhay na ginusto mo. Kung ano man ang landas na tinahak ko noon, ekis ka na ngayon. Desidido na ako at paninindigan ko ito, dahil alam kong tama ito at makabubuti para sa akin ito. Kabataan ako, lalaban ako! Magiging isa ako sa kabataang lalabanan ang tuksong dala ng makabagong panahon at tukso ng hindi inaasahang pagkakataon.Hindi man ganito ang dati,sisikapin ko pa ring maibalik ito . Liwanag na binalot ng dilim , aking muling paliliwanagin. GRAPIKA NI: JULIUS CATABAY
6
HUNYO - SETYEMBRE 2019
AGHAM AT TEKNOLOHIYA
ANG PAHAYAG
‘Battle for Bottles’
KAPIT-BISIG. Nakiisa ang mga mag-aaral ng Balayang High school sa Programa ng Department of Health na ‘4 o’clock’ habit upang mapuksa ang mga pinamumugaran ng mga lamok na may dalang sakit na dengue. (Kuha ni: Angelo Gacusan)
National Dengue Epidemic, idineklara ng DOH
John Russel Jacinto Isa sa mga suliraning pampaaralan ay ang nakakalat na mga plastik na bote na nakadadagdag ng basura sa loob ng ating paaralan. Kaya nagpanukala ng isang proyekto ang Supreme Student Government (SSG) , ang “Battle for Bottles”. Battle for Bottles ay isang Project Makakalikasan na inilunsad ng SSG sa pangunguna ni Ginang Juana Marie M. Oximas, ang tagapayo at ng pangulo ng SSG na si John Loyd M. Sagun. Ang layunin ng programang ito ay upang makalikom ng karagdagang pondo ang SSG at makatulong sa ating kalikasan . Nitong buwan ng Hunyo sinimulan ng SSG ang proyektong ito. Layunin nito na dapat ang bawat baitang at pangkat sa BHS ay mamulot at mag-ipon ng mga plastic bottles araw-araw at
kada buwan ay ibebenta ang mga naipong mga bote at ang mga napagbentahan ay magiging pondo ng SSG at ang pangkat na may pinakamaraming naipong mga bote ay bibigyan ng sertipiko ng pagkilala at gantimpala tulad ng walis, pandakot at iba pang mga panlinis ng silid-aralan. Hindi lamang kalat at basura ang bote, dahil pag ang bote ay naipunan ng tubig lalo na at panahon ng tag-ulan ngayon , nagsisilbi din itong breeding sites ng mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue. Inaasahan na ang proyektong ito ay magiging matagumpay. Laging magsegregate ang mga mag-aaral at ipunin ang mga plastic bottle para makatulong sa ating paaralan, sa ating kalikasan at maiwasan ang sakit na dengue.
Julius Catabay
tality Rate (CFR) sa ating bansa noong ika-1 ng Enero hanggang sa kasalukuyan, mas mababa kaysa noong nakaraang taon na nakapagtala naman ng 0.54%. Pinaka mataas na CFR ang naitala sa Rehiyon XI (0.58%), BARMM (0.87%), at Rehiyon V (0.57%), bagamat mas mataan naman ang naitalang kaso ng dengue sa Rehiyon VI, IV-A, XIII, IX, at X. “It’s important that a national epidemic be declared in this area to identify where a localize response is needed, and to enable the local government units to use their Quick Response Fund to address the epidemic sitLARAWAN GALING SA: DOH
Idineklara ng Department of Health (DOH) sa pangunguna ni DOH Secretary Francisco Duque III at National Di¬saster Rick Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairman at Defense Secretary Delfin Lorenzana ang National Dengue Epidemic dahil sa paglobo ng mga kaso ng dengue sa bansa. Sa datos ng DOH, nasa mahigit 146,000 na ang kaso ng dengue sa buong bansa. 622 na ang namamatay, 97% na mas mataas kaysa noong nakaraang taon. Bumaba naman sa 0.43% ang naitalang Case Fa-
uation”, wika ni DOH Secretary Francisco T. Duque III. Sa tala ng DOH Dengue Surveillance Report ang Region 6 (Western Visayas) ang may pinakamalaking bilang ng kaso ng dengue na aabot sa 23,330 na sinusundan naman ng Region IV-A (CALABAR¬ZON) na nasa 16,515, Re¬gion IX (Zamboanga Peninsula) na nasa 12,317, Region X (Northern Min¬danao) na naitala sa 11, 455 at Region XII (SOCCSKSARGEN) na nasa 11, 083 kaso. Sa kabila ng pagtaas ng kaso ng dengue outbreak, Hindi pa rin ibabalik sa merkado ang Dengvaxia hanggang hindi pa natatapos ang pag-aaral ng DOH sa apela ng Sanofi Pasteur. “Dengue is a viral disease with no known vaccine or specific antivirals”, aniya pa. Inilunsad naman ng DOH, iba pang mga ahensya ng pamahalaan, Local Government Units, mga eskwelahan, mga opisina at mga komunidad ang Sabayang 4 o’ clock Habit para sa Deng-Get Out) na ang pokus ay hanapin at puksain ang mga pinamamahayan ng mga lamok na posibleng nagtataglay ng dengue virus. “Kaya sabay-sabay tayong mag-search and destroy tuwing 4’ o clock para deng-get out!”, biling mensahe ni Duque.
MAY PERA SA BASURA. Nagkaisa ang mga SSG Officers sa pangunguna ni Ma’am Juana Marie Oximas sa kanilang proyektong ‘Battles for Bottles’ na naglalayong mapanatiling malinis ang ating kapaligiran. (Kuha ni: Miko Venzon)
Dengue ay iwasan, gawin 1 o’clock habbit Aubrey R. Dar Hango sa 4 o’çlock Habit Ng Department of Health (DOH) ang programang 1 o’çlock Habit ng Balayang High School. Layunin nito na pagsapit ng 1 o’clock ng hapon ay sama-sama ang isang grado at pangkat upang tanggalin lahat ng pwedeng pamugaran at pinangingitlugan ng lamok. Ang programang ito ng Balayang High School, sa pangunguna ng school nurse ng BHS na si Ginoong Jovelano Urzame . Araw-araw ay mayroong inataasan si G. Urzame na grado at pangkat na gagawa ng naturang programa. “Mas magaling ang maagap kaysa sa masipag”. Sabi ng G. Urzame
Takpan o itaob ang mga bagay na pwedeng mapag-ipunan ng tubig tulad ng gulong, bote , lata balde , basurahan at maging mga disposable na baso . Estudyante mang maituturing pero may magandang magagawa din para hind na dumami ang mapamuksang lamok. Sa programang ito, nabibigyan ng seguridad ang bawat estudyante at mapanatiling malinis at maayos ang kapaligiran ng paaralan. At kung hindi ito maipapalaganap maaring ang mga estudyante ay magkaroon ng sakit na dengue. Sakit na maaaring humantong sa pagkamatay kapag hindi ito naagapan.
ISPORTS
ANG PAHAYAG
HUNYO - SETYEMBRE 2019
7
E-GAMES SA SEA GAMES? EDITORIAL
LIKHA NI: ALEXIS TAPIL
MANGARAP, MANIWALA AT MAGTAGUMPAY Princess Lorraine Quiambao
sang indibidwal na mula sa bayan ng Victoria na nangarap maging isang tanyag na basketbolista. Jon Jon Alviar Gabriel, 26, mula sa barangay Bangar. Nagsimulang mangarap si Jon Jon sa Mababang Paaralan ng Bangar kung saan siya nagtapos ng elementarya, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa San Juan de Letran sa Maynila para sa Sekondarya at nagtapos ng kolehiyo sa Colegio de San Lorenzo. Nagsimula lamang siya sa paglalaro sa bayan ng Victoria bilang miyembro ng koponan ng kanilang barangay, nagsumikap hanggang sa makarating sa pinakamataas na liga ng bansa, ang Phil-
Blue Assassin nagkampeon...
ippine Basketball Association. At ngayon siya ay miyembro ng KIA Motors sa naturang laro at lubos lubos pa ang pagpapakita niya ng talento upang kuminang bitbit ang bayang sinilangan, ang bayan ng Victoria. Natutong magsumikap ang batang atleta dahil sa kanyang marubrub na determinasyon upang makamit ang kaniyang minimithing pangarap na makatuntong sa liga ng Pilipinas. “Sakripisyo dahil malayo sa pamilya, pagpupursigi sa sarili at higit sa lahat tiwala sa panginoon.”pahayag niya na siyang naging susi sa kanyang tagumpay sa larangan ng basketbol. “Maraming beses na gusto ko ng sumuko pero sa tuwing nagsisimba ako, nag-iiba ang pananaw ko sa buhay
Santos ng White at ipinamalas din nila ang kanilang malalakas na atake, ngunit hindi naging sapat ito para sila ay manalo sa unang set, 21-15 pamula sa pahina 8>> opensa bor sa Blue. at depensa, ngunit hindi rin Hindi nagpatinag ang naman nagpahuli sina Cristo- White at ipinakita nila ang pher Sibal, Joseph Rigor at Jazz kanilang malulupit na bicycle
at lumalakas ang loob ko.”dagdag pa ni Gabriel, ito’y nagpapatunay na hindi dapat mawalan ng pag-asa tuwing tayo’y nadarapa sapagkat ito’y pagsubok lamang sa atin na dapat nating lampasan. Libre ang mangarap , wala itong bayad kailangan mo lamang magpursigi at maniwala dahil sa huli , ang pinakaaasam mong tagumpay ay iyong makakamit. kick mula kay Sibal na naging dahilan ng paglayo ng iskor ng White mula sa Blue at nagpadagdag pa dito ang mga hindi pumapasok na tira mula kay Jinggoy Barroga ng Blue at ang iskor ay naging 16-21 pabor sa White. Sa huling set ng laro
Pisikalan, sigawan at pautakan iyan ang bumubuo sa kwentong pampalakasan. Ngunit paano kung ang ating nakalakihan ay bigla nalang pasukin ng makabagong isport na ginagamitan ng teknolohiya? Handa ka na ba? Ang South East Aian Games ay ang pang rehiyong pampalakasan na binubuo ng mga bansang nabibilang sa timog-silangang Asya na kung saan ito ay nagiging tulay ng mga atleta upang tumuntong sa mas mataas na uri ng pampalakasan. At sa darating na SEA Games na gaganapin ngayong taon sa ating bansa hindi na lamang tayo manunuod ng ating nakasanayang mga isport kundi bubuksan na rin ito sa mga larong ginagamitan ng makabagong teknolohiya tulad ng DOTA(Defense of the Ancient), COC ( Clash of Clans) at ML (Mobile Legends) na kinahuhumalingan ng mga kabataan ngayon. Naglalayon itong palawakin pa ang kaalaman ng tao na maari nang laruin o may silbi na ang mga ito sa makabagong mundo ng pampalakasan. Marahil marami sa atin ay alam na alam na ang mga E-Games (Electronic games) lalo na ang mga kabataang nalululong sa mga gadgets na wala nang ibang ginagawa kundi ang pindot dito, pindot diyan at pindot nang pindot kung saan-saan. Pati na rin ang pagmumura natural na rin dito. Saan na kaya tayo patungo? Hindi na maikakaila na ang mga kabataan ngayon ay hindi na maalis ang mga gadget sa kamay kung kayat halos lahat ng mga makabagong larong lumalabas ay tila sisiw lang kung laruin. Ang pagpapasinaya ng ating bansa sa bagong laro sa SEA Games ay magbubukas sa kaisipan ng mga kabataan na ang mga larong ito’y mabuti lamang. Maaring nang ipaglaban sapagkat may magandang maidudulot ang paglalaro ng mga ito. Totoo nga naman na nakakaengganyo ang paglalaro ng mobile games hindi kana mapapagod. Ngunit kung iisipin nakasasama ito sa pakiramdam ng bawat taong nahuhumaling dito . Una, maaaring maapektuhan ang pag aaral ng mga manlalaro ng E-games na kung saan mas mataas pa ang porsiyento ng oras na inilalaan sa paglalaro kaysa sa pag-aaral na nakakapagdulot ng masamang epekto sa kanilang kalusugan. Bilang karugtong ng unang pahayag, ang mga dahilan kung bakit masama sa ating kalusugan ang sobrang pagbababad sa mga teknolohiya ay ang paglabo ng paningin, pagkain ng wala sa tamang sa oras at pagbagsak ng timbang dahil sa kakulangan sa ehersisyo at tulog. Pangatlo, ang ating relasyon sa ating mga mahal sa buhay ay siguradong maapektuhan dahil imbes na tayo ay nagkakaroon ng mga oras na kasama at nakakakuwentuhan sila ay lumalayo ang ating loob dahil sa pagbababad ng mga kabataan sa paglalaro ng E-games. Lubha na ngang sinasakop na ng makabagong teknolohiya ang ating mundo mula sa bahay, paaralan, pook pasyalan at ngayon ay pati na din ba sa mga pampalakasang laro? Tama at natututo ang mga kabataan sa paggamit ng mga teknolohiya ngunit isipin niyong muli, ito ba ay nagagamit sa tama? ang dalawang koponan ay nagpapalitan ng mga malalakas ng tira at depensa, ngunit mas nangibabaw ang Blue na naging dahilan ng pagkapanalo nila sa laro, 15-11 pabor sa Blue. “Hindi naging madali ang laban namin dahil alam
kong malalakas din ang aming kalaban ngunit naniwala kami sa aming kakayahan” wika ni Gapingan. Sa mga unang laro sunod-sunod ang pagkatalo ng Blue ngunit sa huling dalawang laro sila ay nakabawi at nakaabaot sa finals.
8
HUNYO - SETYEMBRE 2019
ISPORTS
ANG PAHAYAG
PALO AT DEPENSA. Ipinamalas ng Red Fighters (kaliwa) at White Mage (kanan) ang kanilang husay at galing sa larong Volleyball sa ginanap na Intramurals 2019 sa Balayang High School. (Kuha ni: Julius Catabay)
WHITE MAGE NAMAYAGPAG SA MEN’S VOLLEYBALL Paulo Gamido Pinadapa ng White Mage ang kanilang mga katunggali sa Volleyball men’s division sa nakalipas na intramurals na ginanap noong Agosto 30-31 sa BHS grounds. Hinarap ng White Mage ang Red Fighters sa kampyonato ng naturang laro, naging madikit
ang laban sa iskor na 2-1 pabor sa White Mage. Naging madali sa Red Fighters ang unang set nang makalamang sila nang malaki kontra sa kanilang kalaban at dahil dito napag-iwanan na nga ang White Mage sa iskor na 25-18 Kasabay ng mainit na panahon, naging mas mainit din ang tagisan ng dalawang koponan.
NGITING TAGUMPAY. Masaya ang walong kandedata matapos maparangalang Mr. & Ms. Intramurals sa Balayang High School. (Kuha ni: Benjie Gabuyo)
Lagrimas, Tamayo kinoronahang Mr. & Ms. Intrams 2019 John Loyd Sagun
BHS ground. Nasungkit rin nilang dala Napuno ng hiyawan, ta- wa ang ilan sa mga ‘minor awards’ lunan, at palakpakan ng ipamalas gaya ng Social Media Award, at nang mga kandidata ang kanilang Best in Casual Wear. Nakuha rin ni mga natatanging ganda at talino. Lagrimas ang Best in Talent at na #Feeling thankful sina pasakamy ni Ms. Tamayo ang Best Cristian Ivan Lagrimas at Nina in Sports Wear kung saan naging Kristelle Tamayo matapapos ma- batayan ito ng mga hurado sa pagkoronahan bilang Mr. & Ms. Intra- pili ng susunod na mananalo. murals 2019 noong Agosto 31 sa “I make myself physically
Hindi naging hadlang ang pagkatalo ng White Mage sa unang set ng laban ngunit ginawa pa nila itong motibasyon upang manalo sa dikitang laro sa pangalawang set sa iskor na 25-21. Hindi na nga napigilan pa ang White Mage upang masungkit ang inaasam na tagumpay nagtapos ang laro sa iskor na 1511, pabor sa White Mage. fit by strictly following healthy routine, that is, morning exercise in the form of stretching or dancing, and observing proper intake of nutritious food” sagot ni Ms. Tamayo na nagbigay sa kanya ng malaking tiyansang manalo. “If you’ll never try, you’ll never know” Ito ang nagsilbing gabay naman ni Mr. Lagrimas mula noong siya’y tumuntong sa entablado hanggang sa koronahang Mr. Intramurals 2019. “Napakasarap sa pakiramdam na ako ang pinalad na manalo sa Ms. Intramurals, ako din ay nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta family, teachers, friends, teammates” ani Tamayo. Kabilang sa pinarangalan sina Princess Ann Garabiles at Joel F Valdoz na nagkamit ng unang pwesto. Nakuha naman nina Julius F. Catabay at Kimberly C. Garcia ang iaklawang pwesto. Nakamit naman nina Melvin joseph Soria at Elena Julyn Ramos ang ikatlong pwesto.
Isang napakagandang laro ang ipinakita ng White Mage sa pangunguna nina Jhon Rix Gracia, Janary Dela Cruz, Mark Joseph Rigor, Ivan Dancel, Jayson Balbin, Cristian Vincent Valdez, at John Cristopher Sibal na siyang naging dahilan upang masungkit ang unang pwesto. Ayon sa koponan ng White Mage, “magaling at malakas
ang kalaban dahil halos lahat ay players ng BHS at kailangan kapag nasa loob ka ng court ay may kooperasyon ang bawat isa dahil hindi lang ikaw ang naglalro doon”. Isa pa sa nagpalakas ng loob ng White Mage ay ang kanilang coaches na sina Juana Marie Oximas, Jenalyn Arcadio, Amylyn Felizardo at Rose Mary Mislang.
Blue Assasin nagkampeon laban sa White Mage Paulo Gamido
grounds. Ipinakita nina Jerwin Pinaluhod ng Blue Gapingan, Raizen Lagrimas Assisin ang White Mage sa at Jinggoy Barroga ang kaiskor na 21-15, 16-21, 15-11 sa inilang pagtutulungan sa laro larong sepak takraw na ginan- sa pamamagitan ng kanilang >>pahina 7 ap noong Agosto 30 sa BHS malalakas na
LAKAS AT SIPA. Ipinakita ng White Mage (kanan) ang kanilang matinding sipa at depensa laban sa Blue Assasin sa larong Sepak Takraw sa ginanap na Intramurals 2019 sa Balayang High School. (Kuha ni: Angelo Gacusan)
NILALAMAN EDITORYAL, P.7
LATHALAIN, P.7
E-Games sa Sea Games?
Mangarap, maniwala at magtagumpay