Bukluran 2.0

Page 1

Official Publication of the Banaba Disaster Risk Reduction Project

September-December Volume 1, Issue 2

TRAINING FOR BUKLOD TAO PARALEGALS COMMENCED

PARALAGEGALS-IN-THE-MAKING: Members of Buklod Tao were given training on paralegal at the Institute of Social Order at the Ateneo De Manila University by Saligan.

Three weeks after the project inception of Banaba Disaster Risk Reduction Project on 31 Agust 2010, Sentro ng Alternatibong Lingap Panligal (Saligan), in partnership with Center for Disaster Preparedness (CDP) and Buklod Tao, with support from Christian Aid, conducted the First Module of the Paralegal Advocacy Training. From the 22nd to the 24th of September, 25 Buklod Tao participants and two members from the CDP attended the Module on Urban Governance held at the Insitute for Social Order, Ateneo de Manila University. Atty. Arnie de Vera spear-

headed Saligan in this training with the able support of other lawyers like Attys. Mai Taqueban, Jing Gaddi, Aison Garcia, and Tin Sevilla, including Saligan Program Officer, Lizel Mones. Topics of first module on Urban Governance consisted of Law & the Legal System, Paralegalism, Housing Rights and Human Rights, Land Classification, Ownership, Land Titles, Possesssion & Ejectment, Constitutional Basis of UDHA, Basic principles in Local Governance, People’s participation in Local Governance, and Local Legislation. Ordinance Drafting Workshop capped the afternoon of the 3rd day of the first module.

After a six-day respite, the same participants from Buklod Tao convened together yet again in a two-day training, Module II,at the Institute of Social Order, from October 5 to 6. The same teaching staff of Saligan provided inputs to the participants in the areas of : Gender concepts, Women’s Rights are Human Rights, Laws relating to Women, Comparison of Civil and Criminal Laws, Criminal Procedure, Evidence, Legal Interview and Affidavit Making . Furthermore, Saligan’s Module III for the same Buklod Tao Paralegals was held on November 9-11 at the Institute for Social Order, ADMU.


Trailblazer

Editorial Board Editor-in-Chief / Lay Out Artist Michael Vincent Mercado Associate Editor-inChief Noli Abinales Managing Editor Mayfourth Luneta Contributors Josefina Verbo Rosalyn Ramos Rechiel Mandigma

ni Ka Noli Abinales

Sa panahon ng internet at teknolohia sa mga sistema ng impormasyon (information systems), pwede pa ring mag-“level up” tayo. Wika nga: ”Palaging merong espasio sa pagpapaunlad”(There is always space for improvement). May pagsisikap ngayon na pagsamahin ang Buklod Tao Community-managed Climate and Disaster Risk Reduction (CMCDRR) at Disaster Risk Management Community Portal. Kung magkakagayon, mapapabilis ang pagbabahaginan at pag-uulat ng mga datos at mga sitwasyon bago sumapit, sa panahon, at matapos maganap ang kalamidad, hindi lamang para sa hanay ng mga non-governmental organizations (NGO), gayon din naman, sa punto ng mabilisang pagsasalin ng mga impormasyon mula sa mga kasapi ng komunidad. Sa kabuuan ang disaster management community portal na ito ay siyang magiging daan sa mga mahahalaga at napapanahong mga impormasyon na dapat ay palagiang mapapangalap ng iba’t ibang mga koponan ugnay sa disaster risk reduction and management. Makakatulong ito sa pagkakaroon ng mahusay na komunikasyon at pagtutulungan. Ang mga tao naman sa komunidad ay maliliwanagan hinggil sa kasalukuyang kalagayan, mga respondeng isinasagawa, at mga aktibidades ng mga NGO at ng LGU. Gayon din naman, magsisilbi itong aklatan ng mga mahahalagang impormasyon para sa mga mag-aaral sa paksang disasters, bantang panganib, bulnerabilidad at kapasidad. Nitong nagdaang labintatlong taon, may kasalatan sa hanay ng Buklod Tao CMCDRR , lalo’t higit sa panahon ng sakuna, kaugnay sa malinaw na pagsasalin ng mga mahahalagang impormasyon mula sa mga

laylayan na may presensiya ang samahan sa sa Banaba, San Mateo, Rizal. Walang direkta at mabilisang palitan ng datos (maliban sa text o sa two-way radio (circa 2006 onwards) na limitado ang sakop. Samakatuwid, walang tukoy at laang kaparaanan, gamit o instrumento ng komunidad para sa pagbabahagi ng impormasyon. Dahil dito, nagiging limitado ang kaalaman at pag-unawa hinggil sa sitwasyon ugnay sa bulnerabilidad (vulnerabilities), risgo (risks), bantang panganib (hazards), pagiging lantad sa panganib (exposure) at kapasidad (capacity). Kasama pa rin dito ang punto na ang ibinahaging impormasyon sa cell phone o narinig na lamang sa mobile radio o ulat berbal at, alalaong baga, ay walang mekanisimo sa pagpapanatili ng mga ito at maparating sa dakong huli sa mga partner NGOs, lokal o internasyonal. Ang kalagayang ito ay nagsisilbing banta sa integridad ng mga datos, pagiging ganap o buo , at kabuluhan ng mga datos. Sapagkat, ang hindi kumpleto at mga datos na hindi man lang na naibahagi ay magbubunga lamang sa walang saysay na mga datos. Ang ganitong payak na limitasyon ay maaring maka-apekto sa prosesong pagpapasiya ng Buklod Tao. Ang ganitong problema ay isang negatibong aspeto sa organisasyon sa dahilang ang pangunahing layuning makapagbigay ng lantay at buong impormasyon sa komunidad ay hindi makakamit. Tampok na karanasan pa rin ng Buklod Tao bunsod ng malaking baha ni Ondoy ay ang mga dokumento natin nitong nagdaang 17 taon ay lahat nangawala dahil nilamon na ng mga banlik. Samakatuwid, isang portal o web page ang kailangan bilang tugon sa mga talamak na mga suliraning isinalarawan.

Repleksiyon: Cash for Work ni Josefina Verbo May 3 pangkat akong hawak: Pangkat Kagubatan, Pangkat Karagatan at Pangkat Kabundukan. Bilang Area Coordinator sa Cash for Work, ako ay taos pusong nagpapasalamat sa pagkakataong ibinigay sa amin upang maibalik namin ang mga nasirang

mga kanal at kapaligiran. Si Dina Laudencio, kasapi ng Pangkat Karagatan, ay kanyang napa-repair niya ang kaniyang bahay at nakapagpakabit siya ng kanyang kuryente. Sina Jhon Rommel Agramon at Albert Vasquez ay napasimulan ang pagtatayong muli ng kanyang bahay.

Ang pinakamahirap na ginawa namin sa Cash for Work na ito ay ang paglilinis ng mga basura na tinapon ng MMDA sa Nangka River na buong tapang naming hinarap ang kapulisan Sunda sa huling pahina


Social Enterprise Capital Augmentation Program

General Framework 1. Restore and rebuild livelihoods affected by Ketsana. 2. Augment family income through diversified sources. 3. Promote value and practice of savings and investment. 4. Establish community calamity funds from proceeds (Principal and other incomes) of SECAP funds. 5. Strengthen local organizations by developing community enterprises, diversified economic activities and generate local jobs.

General Framework 1. Individual Business Capital Augmentation (ICBA)

2. Group Business Tetra Pots Production Urban Container Gardening

Green Charcoal Trading See Page 3 Fiber Glass Boat Fabrication

Organic Compost Production

Continued from page 1 Topics discussed during the last module were Policy/ Legislative Advocacy, Balancing Legal & Metalegal, Negotiation Tactics, Disaster Risk Reduction Management, Advocacy Coordination, Networking, Monitoring progress of advocacy work and planning. -Ka Noli Abinales


Araw ng Pasasalamat, Pag-alala, at Pagkilala Unang Taon ng Pagsalanta ng Bagyong Ondoy

Up close

ni ROSALYN A. RAMOS

Maraming nagtatanong bakit pa kailangan alalahanin ang mga nangyari noong ika-26 Setyembre ng nakaraang taon gayong para itong sugat na kahit maghilom ay mag-iiwan ito ng pilat sa ating katawan. Na gaya ni Ondoy kailanman ang ating mga naranasan ay titimo sa ating mga isip at puso at magsisilbi itong bangungot para sa lahat. Subalit, ang araw na ito ay araw ng pagpapasalamat sa ating panginoon dito sa BaybayIlog Balikan nating lahat ang buong araw ng Setyembre 26, 2009. Tayo ay kinilala sa ibang lugar sa kadahilanang walang nabuwis na buhay ng araw na iyon muling pinatunayan ng panginoon na Siya ay buhay. Kasama natin sya habang tayo ay tumatawid sa ating mga bubong na halos abutin na tayo sa pagtaas ng tubig. Ang anak ko na si Ara nakita ko kung pano nya hinabol ang gatas ng kanyang pinsan ng mahulog ito ng aking pamangkin na si Joshua habang kami ay tumatawid sa bubong. Nakita ng aking mga mata na para lamang syang lumutang sa tubig habang pilit ng hinabol ang gatas na dedehin ni Miguel. Ang aming pagtawid sa mas mataas na bubong na wala man lang kaming gamit na puede naming gamitin ng bigla na lamang lumutang sa aming harapan ang isang hagdanan na yari sa kawayan. Ang hindi natin pag alintana sa ginaw sa buong araw na tayo ay nasa sa rooftop sapagkat ng mga oras na iyon ay niyayakap tayo ng panginoon sa kanyang mga bisig. Ang hindi natin naramdamang buong araw na gutom gawa ng wala tayong makain ngu-

nit binusog nya tayo ng kanyang pagmamahal ang lahat ng mga naganap na iyon ay dapat nating ibalik sa Kanya. Ang pasasalamat sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa ating kapwa. Pangalawa po ay ang pag alala, ano po ba ang dapat nating alalahanin? Ang lahat ng nangyari ay pawang masasakit sa ating lahat pero ang katotohanan ay ang pagkatuto natin sa nakaraan iyon ang magiging lakas natin upang maging handa sa darating na kinabukasan. Noong panahon po habang tumatawid tayo sa ating mga bubong, ang ma trap tayo dun sa rooftop, sa eskwelahan ng Charles Science Integrate School, hindi ba’t tayo-tayo ang magkakasama at nagdadamayan sinukat ng pangyayaring iyon kung paano magmalasakitan ang bawat isa? Walang sinuman ang tumulong sa atin kung hindi tayo-tayo lang, ang kapit-bahay na matagal na nating kaalitan hindi bat sa isang iglap ay nagbatian at nagdamayan? Meron pang isang kapitbahay na dadaanan ka lang kung s’ya ay papasok at uuwi na ng bahay pero nang makita nyang ikaw ay naiwan sa gitna ng bubungan di ba’t ika’y binalikan hanggang mailagay ka sa mataas na lugar? Iyan ang mga alaala na kailan man ay hindi mapapalitan. Dapat din po nating kilalanin ang mga taong tumulong sa atin ng mga oras na tayo ay nakiki-paghabulan sa kamatayan, lahat tayo ay naging bayani sa maliit nating paraan. Nagpapasalamat tayong walang nagbuwis ng buhay subalit may mga kapitbahay tayong biglang namaalam ng ‘di natin in Sundan sa huling pahina

Ms. Tess Belen

Ms. Francia Encinas

Ms. Belen De Guzman


Snapshots

1-2. Buklod Tao members’ regular meeting with their partner NGO Center for Disaster Preparedness (November 4, 2010).

by Michael Vincent Mercado

1 2

3 4

5

3-5. 12th of November marked the beginning of partnership with local community leaders as they were convened for a dialogue for the BDRR Project.

6 7

8 9

6-8. BT Pres. Rosalyn Ramos & BDRR Project Manager Mayfourth Luneta handed out rescue equip- and electric lamps to the community leaders on December 8, 2010. 9. Meet the graduates ment to the of Saligan’s Paralegal Advovacy Training. community


Sa Ating Mga Kabataan ni Rechiel Mandigma Marahil nagtataka tayo sa mga nangyayari sa ating kapaligiran, lalo na sa pagkawasak ng kalikasan. Maraming mga mapagsamantala ang patuloy na gumagawa ng masasamang gawain na nakasisira at nakapipinsala sa kapaligiran. Patuloy nilang pinuputol ang mga puno, tinatapunan ng basura ang mga ilog, at pinapatay ang mga hayop. Total destruction ang ginagawa sa kapaligiran. Ngunit may ginagawa ba tayong aksyon laban sa mga ito? Hindi lingid sa ating mga kaalaman na tayong mga kabataan ang siyang makikinabang sa mga likas na yamang ito na bigay ng Maykapal sa darating na bukas. Tayo na mismo ang

dapat ba mangalaga nito, dahil tayo anbg makikinabang sa mga ito sa araw ng bukas. Huwag sana nating hayaang maglaho ang yamang ito sa ating paningin at ipagkait sa ating magiging mga anak na makita ang tunay na kagandahan ng ating kapaligiran. Ngayon na, mga kapwa kabataan ko, ang tamang panahon upang simulang putulin ang masasamang gawain at pagsirang ito sa ating kapaligiran. Batid kong hindi naman tayo papayag na mawalan ng sariwang hanging malalanghap at punongkahoy na masisilungan. Samakatuwid, gawin na natin ang ating responsibilidad sa ating komunidad. Kahit sa murang gulang , simulan na nataing baguhin ang tanawin sa ating kapaligiran.

Mula sa pahina 2... aasahan. Sa pamilya nina Sonny, Berong at Kuya Obet, hindi lang kayo nawalan, kami din. Nawalan kami ng isang mabait na kapitbahay. Si Berong, Rescue Team member ng Buklod Tao SL2, na di na kailangang tawagin pa kapag sumasampa na ang tubig ng ilog - ay nakasakay na siya sa rescue boat ng Buklod Tao, at tumutulong sa mga pamilyang magsisilikas. Si Kuya Obet na makulit. Ang inyo pong pagluha ay pagluha din po naming lahat dito. Tayo po ay muling nagsamasamang lahat pero hindi na sa ibabaw ng bubong kundi sa harap ng altar ng Panginoon sa Banal na Misang ipinagdiriwang natin ngayon. Sa lahat po ng tumulong sa aming lahat tulad ng Center for Disaster

Preparedness, Christian Aid, Oxfam, Association of Filipinos in East Timor, Myanmar priest, sisters and laymen in the Philippines, Ateneoville Homeowners Association, Filipino-Chinese Association, HEKS, Swiss Solidarity, Disaster Emergency Committee, at si Dr. Mel Luna. Kina Ma’am Cloei at Sir Raul sa Katharina Werk sa muli po naming pagbangon at sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na muli silang makapag-aral upang ituloy ang kanilang mga pangarap na hindi po kayang ibigay ng kanilang mga magulang. Kay Prof.Elmer Ferrer at sa lahat ng kanyang mga estudyante lalo napo kina Glennis at ate Mina at sa lahat lahat po ng tumulong, marami pong salamat sa inyong lahat!

Isipin na lamang natin na kung tayo’y nabubuhay sa ganitong sitwasyon - parang paraiso ang ating kapaligiran - maaring di natin nanaising pumanaw sa buhay na mala-paraiso. Lubos akong umaasa na tayong kabataan ang siyang susi upang manumbalik muli ang likas na yaman, sapagkat naniniwala pa rin akong tayo ang tanging pag-asa ng bayan. Bibiguin ba natin si Inang Kalikasan na humihingi ng tulong sa atin? Kung gayon, simulan na natin ang pagkilos habang may natitira pang panahon! Bago mahuli ang lahat, dahil ang pagsisisi ay alam nating nasa huli. Rechiel is a member of Buklod ng Kabataan. Mula sa Pahina 2... ng Marikina at Barangay Nangka gawa ng ayaw nilang ipaalis ang mga basura na itinapon nila sa Nangka River. Pero hindi kami natinag/natakot sa kanila. Kasama namin ang Imbestigador ng isang mass media group (GMA-7) at si Ka Noli.

ERRATUM Inadvertently missed to mention in the line-up in the first issue of Bukluran released on 13th of August 2010 is one more participating organization during the stakeholders’ consultation: SAMAKABA.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.