1 minute read

Handog

Next Article
Cat Valley

Cat Valley

Kanyang tiniis ang malubhang sakit dahil ang tanging hangad ay mailuwal ka sa mundo At malaman ang lahat na mga kasagutan.

Ang sinulid at karayom Ay nagsilbing lunas sa sugat na iyong binaon Pero lahat ay napilitan ng tuwa’t galak Nung mga luha sa mata ay untiunting pumatak.

Advertisement

Karren Jay Asgar

Hangang kailan pa?

Nakita kita na puno ng kasiyahan, Sa iyong mukha, ako'y nagandahan. Ang gandang tignan, ang gandang titigan. Hindi ko alam kung paano ka lalapitan.

Ang iyong mga ngiti ay nakabibighani, Ang iyong mga mata, bituin sa langit, kumikinang kahit ang layo mo sa akin. Sana naman ako ay iyong mapansin.

Ngunit ito ako, naiinis! Naiinis sa aking sarili, dahil hindi ko alam kung paano ihahabi aking nararamdaman sa iyo, binibini.

Nakakalungkot! Nakakalungkot lang isipin, maraming nang pagkakataon ang sinayang Hindi man lang masabi ang nararamdaman.

Nakakapagod! Nakakapagod nang maging ganito, isang duwag, takot na masaktan, hindi naman sinubukan.

Hangang Saan? Hangang Kailan? Hangang kailan nalang kita titigan?

Ryan Dave Poral

drowned in misfortune gone in misdirection,

the wheel of fortune

rolling fates, cycles of life

This article is from: