Handog Kanyang tiniis ang malubhang sakit dahil ang tanging hangad ay mailuwal ka sa mundo at malaman ang lahat na mga kasagutan.
Ang sinulid at karayom ay nagsilbing lunas sa sugat na iyong binaon pero lahat ay napilitan ng tuwa’t galak noong mga luha sa mata ay unti-unting pumatak.
KARREN JAY ASGAR
Hangang kailan pa? Nakita kita na puno ng kasiyahan, Sa iyong mukha, ako'y nagandahan. Ang gandang tignan, ang gandang titigan. Hindi ko alam kung paano ka lalapitan. Ang iyong mga ngiti ay nakabibighani, Ang iyong mga mata, bituin sa langit, kumikinang kahit ang layo mo sa akin. Sana naman ako ay iyong mapansin. Naiinis sa aking sarili, dahil hindi ko alam kung paano ihahabi aking nararamdaman sa iyo, binibini.
Nakakalungkot, maraming pagkakataon ang sinayang Hindi man lang masabi ang nararamdaman. Nakakapagod, Nakakapagod nang maging ganito, isang duwag, takot na masaktan, hindi naman sinubukan. Hangang Saan? Hangang Kailan? Hangang kailan nalang kita titigan?
RYAN DAVE PORAL
13