3 minute read
BAGONG ATRAKSYON
Stand-up paddleboarding inilayag sa Iloilo River
Advertisement
NI RAY ANGELO JAGNA-AN
Matapos umani ng atensiyon sa social media, pormal na inilahad ni Coach Gary Benedicto, Head Coach ng Iloilo Stand Up Paddle team, sa opisina ng city mayor ang pananaw at mga plano ng kaniyang grupo para sa pagpapaunlad ng stand up paddleboarding sa lungsod, Hunyo 28.
Sa isang panayam ng GMA Regional TV early edition, ibinahagi ni Benedicto na umpisa pa lang ng pandemya ay binuo at inorganisa niya na ang bagong aktibidad sa Iloilo River.
“Before sang pandemic, mga November sang 2019, ang isport nga stand-up paddle boarding pwede pagahiwaton nga naga-layuanay sa isa kag isa, nakita ni namon nga oportunidad nga i-develop sa Iloilo river biskan may pandemya kay safe ini. From then, daw damo na gid may nanamian mag-paddle (Bago ang pandemya, noong Nobyembre ng taong 2019, ang isport na paddle boarding ay maaaring gawin ng nakalayo sa isa’t isa, nakita namin ang oportunidad na pagyabungin ito. Mula noon, marami na ang nagpapakita ng interes dito,)” sambit ni Benedicto.
Bukod pa rito, ang hangad ng grupo sa pag-organisa ng aktibidad ay ang pagtaguyod ng youth paddle sport development program at environmental awareness.
Dagdag pa ni Benedicto, ang aktibidad na ito ay makatutulong sa pagpapaunlad at pagpapalakas ng buong katawan ng mga paddlers habang hinahasa rin ang kamalayan nila sa pagpapanatili sa kalinisan ng ilog.
Kasama ang Iloilo City Government at Iloilo Sports Team, inaasam ng grupo na makapagtatag ng national at international stand-up paddle games sa lungsod. C
INQUIRER.NET MAINIT NA DOMINASYON. Buong-loob na hinarap nina Jovelyn Gonazaga at Dij Rodriguez ang mga kopunan mula sa iba’t ibang bansa sa Beach Volleyball Tour Championship, Brisbane, Australia, March 27.
PH Beach Volley, nagpasikat sa Australia
Nagpakitang-gilas ang PH Beach Volleyball team sa Brisbane nang ito ay mangolekta ng dalawang ginto, isang pilak, 2022 Australia Beach Volleyball Tour Championships, Coolangta Beach, Brisbane, Australia, March 27.
Dominasyon ang ipinakita nina Jovelyn
Gonzaga at Dij Rodriguez nang kanilang lampasuhin ang buong torneyo kung saan hinarap nila ang local favorites na sina Alice
Zeimann at Anna Donlan sa Championship match at matagumpay na naisukbit ang ginto kasabay sa pagreverse–sweep dito, 18-21, 21-19, 15-13, Women’s Challenge Division I.
“Sobrang napakaoverwhelming yung feeling tapos maganda siyang motivation upang maibaon sa darating na SEA Games at sa totoo lang ay maganda siyang simula lalo pa’t kababalik ko lang muli sa Beach Volleyball scene at ngayon ko lang rin makapasama si Diji... at dahil nakakuha kami ng medalya sa Australia nang ‘di inaasahan, nagiging extra push ito sa akin para pagbutihan pa lalo sa SEA Games,” ayon kay Gonzaga sa isang interview ng The Chasedown ng One Esports.
Ginulantang din ng tandem nina Ranran Abdilla at Jaron Requinton ang Men’s
Challenger Division I nang maglista ito ng 5–0 na record sa buong torneyo at hindi na binigyang pagkakataon pa sina Issa Batrane and Frederick Bialokoz sa finals match na makaahon sa pagkalugmok upang maglista ng isa pang karagdagang ginto para sa grupo, 22-20, 21-17.
Kinapos naman ang duo ni Sisi Rondina at Bernadeth Pons sa championship match nang makaharap sina Nikki Laird at Phoebe Bell, 18-21, 12-21, na ihinulog sila sa ikalawang pwesto, Women’s Elite Group habang napagtagumpayan naman nila Nene Bautista at Ges Espalor ang kanilang deciding match kontra Saskia De Haan at Lisa-marie Moegle upang makahabol sa ikatlong pwesto, 21-13, 21-19, Women’s Challenger Division.
Kukumpleto sa listahan ang tanso nila Pemie Bagalay at James Buytrago na inagaw kina Thomas Heptinsdall at Jed Walker, 21-17, 21-12, habang ang samahan ni Jude Garcia at Krung Arbasto ay nakaabot ng quarterfinals, Men’s Challenger Division I.
READ MORE ON 31, AUSTRALIA
Golden Lions humataw sa Bacolod
Nanalasa ang CPU Golden Lions Junior High School Badminton Team sa Bacolod City nang humakot ang mga ito ng tatlong ginto at apat na pilak sa singles at doubles categories, Boost Juniors Badminton Invitational, March 2022.
Winalis ni Emman Ebacuado at Andrei Jaravat ang Boys’ Doubles, 19 under category upang masiguro ang gintong medalya kung saan kanilang pinauwi ang tandem nina Aj Jorada at Christian Ramos ngunit nabigo itong maipagpatuloy ang momentum sa Boys’ Singles, 19 under at Men’s Singles Open Category kung saan siya ay naglista ng karagdagang dalawang pilak.
“Makakaya ko pa sanang makuha ang ginto sa Men’s Open Singles kung nabigyan lang ako ng oras para makapagpahinga sapagkat katatapos ko lang din maglaro,” ayon kay Ebacuado.
Naglista ng dalawang ginto at dalawang pilak si Abbygail Barcelona, ginto sa Girls’ Singles, 17 under habang pilak naman sa 19 under at dagdag pa dito ang nasukbit ni Barcelona kaagapay si Bless Rhianne Sindingan nag into sa Girls’ Doubles, 17 under at pilak sa Women’s Doubles Open Category.
“Sa tingin ko nga nagkaroon ng wrong call sa 19 under Finals sa huling parte ng laro kung saan akala ko ay outside na ang call na magbibigay puntos sa akin para maselyuhan ang laban ngunit inside ang tinawag ng line judge at nabigyan ng momentum ang kalaban, 23-21,” wika ni Barcelona.
Pumapalo din ang mga manlalarong ito sa iba’t –ibang mga palaro sa Rehiyon katulad ng The Riverside Badminton Cup, Dumaguete City, 1st Mayor Juris B. Sucro Badminton Cup, Kalibo, Aklan, Year-End Badminton Tournament, Iloilo City, kung saan sinukbit ni Ebacuado ang unang pwesto sa mga ito.
“Kasabay ng pagkabigo ko sa dalawang Championship match sa Bacolod, napagtanto ko na mas akmang limitahan ko ang mga kategoryang aking sasalihan lalo pa’t hindi din lubusang naihanda ang aking katawan ng mga araw na iyon,” dagdag pa ni Ebacuado. C