LANI SCHOLARSHIP FUND P300 MILLION NA! Dahil sa patuloy na tagumpay ng programang nakatulong sa napakaraming mag-aaral ng Taguig, muling itinaas ng Taguig City government ang pondo para sa Lifeline Assistance for Neighbors InNeed (LANI) Scholarship Program. Mula sa P200 milyon noong nakaraang taon, ngayon ay naging P300 milyon na. Nagpasalamat si Mayor Lani Cayetano sa city council dahil nakita nito ang kahalagahan ng pondo upang matulungan ang libo-libong mag-aaral sa Taguig para makatungtong ng kolehiyo. Dahil dito, umaabot na sa 24,000 scholarships ang naipamahagi ng administrasyong Cayetano hindi pa man natatapos ang kanyang tatlong taong termino bilang pinakamataas na opisyal ng Taguig. “Wala tayong talo kapag namuhunan tayo sa edukasyon. Ang edukasyon ang susi sa pag-unlad ng ating lipunan,� ani Mayor Lani. Noong nakaraang administrasyon, tanging P5 milyon lamang ang inilaan sa scholarship para sa mga gustong makapagaral ng kolehiyo.
Ngunit pag-upo ni Mayor Lani, itinaas agad ito sa P100 milyon noong 2011 gamit ang pondong natipid mula sa kontrata sa basura. Matatandaang P500 milyon kada taon ang pondo ng nakaraang administrasyon para sa paghahakot ng basura. Binawasan ito ni Mayor Lani ng P100 milyon para sa scholarship. Sa halip na suportahan, idinemanda pa siya ni Vice Mayor Elias at ng kanyang mga kaalyadong konsehal. Noong nagdaang taon, itinaas ang pondo sa P200 milyon, at ngayong taon ay umabot na ito ng P300 milyon. Ang programang scholarship sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Lani ay may pitong kategorya: basic scholarship/ financial assistance, full, state universities and colleges (SUC) at local universities and colleges (LUC), premier/specialized schools, leaders and educators advancement and development (LEAD), review assistance program
for bar and board reviewees; at priority courses at skills training. Tumatanggap ang mga LANI scholars ng minimum na P5,000 at maximum na P100,000 bilang financial grant.