Dakom Tomo X Blg. 1 (Pahayag)

Page 1

Dakom

PUPians nag-kilos protesta kontra sa budget cut COC, ipagdiriwang ang ika-isang dekada sa Agosto

HULYO 2011 | Tomo X, Blg. 1

─ pahina 2

PAHAYAG

renard bryan cabutin patnugot ANGTAGAPAGBALITA THECOMMUNICATOR Sa pagdiriwang ng ika-sampung anibersaryo ng Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aral ng PUP Kolehiyo pagkakatatag ng Kolehiyo ng Komunikasyon na may ng Komunikasyon temang "A Decade of Excellence," maraming gawain ang inilatag para sa magaganap na malawakang selebrasyon sa kabuuan ng akademikong taon 2011-2012. Ang taunang COC week ay opisyal na magsisimula sa ika-29 ng Hulyo sa hudyat ng isang Noong ika-5 ng Hulyo, opisyal nang natapos sa Thanksgiving Mass at ang mga gawain sa ika-1 ng panunungkulan bilang Pangulo ng Politeknikong Agosto sa pamamagitan ng float parade na kalalahukan Unibersidad ng Pilipinas si Dr. Dante Guevarra. ng mga mag-aaral sa unang antas. Samantala, ang mga Sa kanyang ilang taong panunungkulan, mag-aaral naman sa ikalawang antas ang naatasang Ariel Sese,Aljomar Amsah Patnugot samu’t saring anti-estudyanteng polisiya ang maglaan ng mga lobo para sa parada at ang mga nasa Naghain ng panibagongTemporary Restraining Order naipatupad. Matatandaang mapailang beses nang ikatlong taon ang nakatokang mangasiwa ng mga (TRO) si Dr. Dante Guevarra sa Court of Appeals naibalita sa media ang mga kilos-prostestang sponsorships. noong Hulyo 7, isang araw bago matapos ang 72 inilunsad ng mga iskolar ng bayan upang tutulan Sa unang araw din ng Agosto gaganapin oras na nilagdaan ng Korte na nagdedeklara ng ang mga pagtaas ng matrikula at ang patuloy na COC Community Bonding, at ang COC Idol kanyang pananatili bilang pangulo ng Politeknikong pagbaba ng badyet ng ating pamantasan. Taong (sa pangunguna ng COC Ensemble), kung saan Unibersidad ng Pilipinas (PUP). 2008 nang magkaroon ng mga dagdag-bayarin matutunghayan ang angking galing sa pag-awit ng Ayon kay Student Regent (SR) Romel ang mga papasok na freshmen tulad ng Student mga COCians. Susundan ito ng Painting Exhibit (sa Aguilar, nangyari ang naturang hain dahil wala Information System Fee, Developmental Fee at pangunguna ngArtKom),Photo Mosaic (sa pangunguna mismo sa ginanap na ebalwasyon si Guevarra Energy Fee. Nawala rin sa sistema ng bayarin ng Quadro) at Research Exhibit (sa pangunguna ng at hindi umano nagkaroon ng sapat na criteria ang The Catalyst at Student Council fees, na siyang CORE) sa ika-2 ngAgosto. ang Board of Regents (BOR) sa pagkakatalaga kay kumakatawan sa boses ng mga mag-aaral bilang Magkakaroon din ng Students' Night, Edicio dela Torre bilang officer-in-charge (OIC). mga institusyong binubuo ng mga estudyante. sa pamumuno ng Konseho ng mga Mag-aaral, Matatandaang itinalaga ng mga kasapi ng Makalipas ang 2 taon, tumaas mula 12 pesos at COC Concert sa Agosto 4. Ang Amazing Race BOR noong Hulyo 4 si dela Torre, sa pangunguna hanggang 250 pesos per unit ang binabayarang naman na taunang isinasagawa ng Communication ni Commission on Higher Education (CHEd) Chair matrikula ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Society ay magaganap sa Agosto 5 at sa araw ding Patricia Licuanan, bilang officer-in-charge (OIC) ng Teknolohiya. Sa hanay ng mga iskolar ng bayan, ito kokoronahan kung sino ang may taglay na PUP sa loob ng dalawang buwan. ang kasaysayang ito’y sapat nang katunayan katalinuhan at kagandahan sa Mr. and Ms. COC na Ayon sa blogsite ni dela Torre, kung para matawag na isang anti-estudyante si Dr. pangungunahan ngTeatro Komunikado. Guevarra at sapat na ring tuntungan para hilingin balita Pamumunuan ni Dr.Anna Ruby Gapasin, ang agarang pagbaba nito sa pagkapangulo ng tagapamahala ng Departamento ng Komunikasyong PUP. Editoryal Pangbrodkast, ang National Conference of Communication sa Setyembre. Sa pagtatapos naman ng unang semestre ay magkakaroon ng Faculty and Students' Outreach Program. Mayroon ding Dance Concert na gaganapin sa Nobyembre, Alumni Get-Together sa Disyembre at ang SIKAT Awards sa Pebrero, bilang pagkilala sa lahat ng mga nagkamit ng karangalan sa kolehiyo. *Lahat ng nakatala ay ayon sa nakuhang impormasyon hanggang sa press time.

Bawal ang “outsider” Bawal din ang anti-estudyante Guevarra, naghain ng panibagong TRO

2>>

Gapasin,bagong DBC Chair

Nahirang bilang bagong tagapamahala ng Departamento sa Komunikasyong Pangbrodkast si Dr. Anna Ruby Gapasin na nagsimula sa panunungkulan noong Hunyo 13. Sa pamamagitan ng pagnonomina ng mga guro ng nasabing departamento at ng mungkahi ng dekana ng Kolehiyo ng Komunikasyon Prof. Angelina Borican sa Vice President forAcademic Affairs, naitalaga ang bagong tagapamahala. Ayon kay Dr. Gapasin, nais niyang palaganapin ang ‘student-centered management’ kung saan katulong nya ang mga mag-aaral ng Batsilyer sa Komunikasyong Pangbrodkast sa

balita

2>>

3>>


2 Dakom Balita

HULYO 2011 PAHAYAG

Gapasin,bagong DBC Chair bungad 1<< bungad 1<< pagpapalakas ng kagawaran. Maniobra ng Malacañang

Guevarra, naghain ng panibagong TRO hindi niya matutugunan ang kanyang tungkulin bilang OIC dahil sa paghain ng TRO ni Guevarra, “PUP will be stuck indefinitely with an overstaying expresident.” “As I recalled the BOR meeting,my neurons start firing and a series of synapses form to linkTROs, judges, and gekkos,” dagdag pa ni dela Torre. Pagbatikos sa OIC Kasabay naman nito ang kabi-kabilang pagbatikos ng mga estudyante sa pagkatalaga ni dela Torre bilang OIC at ang paghain ng TRO bilang pangulo ni Dr. Guevarra. Naglunsad ng malawakang kilos protesta ang mga estudyante sa pangunguna ng Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan (SAMASA) kabilang ang ilan pang organisasyon upang kundinahin ang nasabing isyu.

Nilinaw ni SR Aguilar na hindi nahalal ng BOR si delaTorre, kundi itinalaga ito ni Licuanan gamit ang kanyang prerogative. Ayon kay AguiIar, isa diumano itong political plan ng Malacañang upang lalong mapalawig ang balak na pribatisasyon ng PUP. “Hindi ko siya tatanggapin bilang OIC ng PUP. Hindi ako payag sa pagtatalaga sa kanya kasi una, madaming mas qualified para sa posisyon. Pangalawa, walang alam si dela Torre sa kalakalan sa ating unibersidad.At pangatlo, hindi nagkaroon ng representasyon ang mga estudyante sa pagpili ng bagong OIC. ” pahayag ni Aguilar. Samantala, pinilit ng The Communicator na makipag-ugnayan sa opisina ni Guevarra ngunit nanatiling sarado ang opisina nito hanggang sa press time.

PUPians nag-kilos Aguilar, bagong PUP protesta kontra sa Student Regent Opisyal nang bahagi ng Board of Regents (BOR) budget cut si Rommel Teofilo Aguilar bilang pinakabagong

Jobelyn Bonifacio patnugot Sama-samang nag-walk out ang mga mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) Sta. Mesa noong Hulyo 19 upang kundenahin ang budget cut para sa mga State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa. Bilang tugon sa Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC), nagsuot ng mga puting t-shirt ang mga estudyante at nag-martsa patungong Mendiola kung saan isang programa ang isinagawa sa pangunguna ng Kabataan Party List, NUJP, Anakbayan, League of Fililipino Students at iba pang organisasyong pangkabataan. “Ito ay isang political statement ng mga kabataan na ‘di umano ay pinagsisilbihan ng gobyerno,” pahayag ni Rommel Teofilo Aguilar, Alyansa ng Nagkakaisang Konseho ng PUP (ANAK-PUP) Student Council Federation president at PUP Student Regent. Tinatayang 2,000 estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad, kabilang na ang Eulogio ‘Amang’ Rodriguez Institue of Science and Technology (EARIST), Philippine Normal University (PNU), Unibersidad ng Pilipinas Manila (UPM), National University (NU) at Far Eastern University (FEU), ang nakilahok. Idineklarang matagumpay ang malawakang pagkilos upang ipaglaban ang mataas na badyet para sa edukasyon. “Kitang-kita natin na sa araw na ito, tagumpay talaga itong ginawa nating pagkilos dahil nai-rehistro natin sa burokrasya ng gobyerno na hinding hindi titigil ang kabataan – hinding hindi matatakpan ang bibig ng mga lider-estudyante kasama ng hanay ng kabataan at estudyante para sa pagkamit ng pangdemokratikong kalayaan at kasarinlan kasabay ng panawagan para sa mataas na budget,” paliwanag ni Aguilar.

Student Regent ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) matapos makakuha ng 17 boto nang magtipun-tipon angAlyansa ng Nagkakaisang Konseho sa PUP (ANAKPUP) noong Abril 8. Sabay na naganap ang kauna-unahang pagdalo sa pagpupulong ng BOR at panunumpa ni Aguilar noong Abril 18 na pinamunuan ni Commission on Higher Education (CHEd) Chairperson Patricia Liquanan. Pangunahing tungkulin ni Aguilar na maging kinatawan ng mahigit 65,000 estyudante ng PUP sa mga mahahalagang bagay na pinagdedesisyunan sa mga pagpupulong ng BOR. “Obligasyon ko na maging maalam sa kalagayan ng mga constituents ko at yun ang mga estyudante. Kasi una sa lahat, naniniwala ako na kaya ako nandito ay upang maging kinatawan ng mga estyudante at katawanin ko sila,” ani Aguilar.

Dagdag pa niya, nais niyang sanayin ang mga mag-aaral hindi lang sa aspetong panteorya kundi pati sa paghahanda ng mga ito sa aktwal na buhay-pamamahayag sa labas ng kolehiyo sa pamamagitan ng kadalubhasaan ng mga propesor sa ilalim ng kagawaran. “My appeal to our Broadcast Communication students is that we’ll work hard to sustain academic excellence. I am as a chairperson together with the pool of DBC faculty to provide you competitive learning experience,” ani niya. Si Gapasin ay nagtapos ng kursong AB Communication Arts with specialization in Broadcast Communication sa Lyceum of the Philippines University, kumuha ng Master in Mass Communication sa PUP, natanggap bilang full fellow sa Ateneo de Manila Asian Center for Journalism Diploma in Radio Journalism at ngayon taon siya’y nagtapos ng Doctor in Educational Management. Bukod sa pagiging DBC chairperson, siya rin ang namamahala sa Open University ng Batsilyer sa Komunikasyong Pangbrodkast, Master of Communication program at Instructional Materials Development Office. Rose Valle Jaspe Tagapag-ulat Charina Claustro Tagapag-ulat Kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Nutrition and Dietetics si Aguilar na bukod sa pagiging pangulo ng konseho ng mag-aaral ng College of Nutrition and Food Science (CNFS) ay kasapi rin ng National Network of Agrarian Reform Advocates (NNARA) – Youth Sector, Kilometer 64 Poetry Collectives, Anakpawis Partylist at National Union of Students in the Philippines. Si Aguilar din ang convenor ng Ugnayang Multisektoral para sa Mataas na Badyet o UMAKSYON PUP. Nakatakdang buuin ng bagong student regent ang Student Trustees and Regents Federation of the Philippines sa darating na Agosto. jordeenE lagare tagapag-ulat

489 freshmen nagpatala sa Kolehiyo ng Komunikasyon

Umabot sa 489 estudyante mula sa iba’t ibang pampaaralang sekundarya ang nagpatala sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas – Kolehiyo ng Komunikasyon sa pagbubukas ng unang semestre ng akademikong taon 2011-2012. Ayon sa rekord na inisyu ng PUP ICT Center ngayong Hulyo, ang bilang ng estudyante sa bawat kagawaran ay ang mga sumusunod: Batsilyer sa Peryodismo - 38 lalake, 70 babae; Batsilyer sa Komunikasyong Pangbrodkast - 87 lalake, 187 babae; at Batsilyer sa Komunikasyong Pananaliksik - 27 lalake, 80 babae.

Kaugnay nito, ang Kolehiyo ng Komunikasyon ay patuloy na pinamumunuan ni Dekana Angelina Borican, na nagsimula noong Agosto ng nakaraang taon, sa pakikipagtulungan din nina tagapangulo ng Departamento ng Peryodismo Prof. Cherry Pebre, tagapamahala ng programang Komunikasyong Pananaliksik Dir. Racidon Bernarte at ang bagong hirang na tagapangulo ng Departamento ng Komunikasyong Pangbrodkast Dr. Anna Ruby Gapasin. Raffy bibera tagapag-ulat

Nagkaroon din ng pagkilos ang mga estudyante sa iba pang bahagi ng bansa kabilang ang UP Baguio, UP Visayas, at iba pang mga unibersidad at kolehiyo sa Ilo-Ilo at Davao. Ayon kay Aguilar, hindi maiibibigay

ng gobyerno ang mataas na badyet para sa edukasyon kung hindi makikilahok ang kabataan sa panawagan ng masa.“We need social change. At ang social change ay ‘di lamang dito nagtatapos,” aniya.


HULYO 2011 PAHAYAG

Ano ang iyong opinyon hinggil sa pagkakaappoint kay Edicio dela Torre bilang bagong OIC ng ating unibersidad?

"Kaunti lang ang alam ko about sa issue sa bagong OIC. Para sakin unfair sa part nating mga estudyante ang pag-appoint sa bagong OIC kasi wala man lang abiso o representante ang mga estudyante sa pagpili nito. Isa pa, isang businessman si dela Torre at hindi siya ganun ka-knowledgeable about sa kalakaran sa PUP. Since businessman siya, mas magiging malapit din siya sa corruption." ─ BBrC IV-2, Garcia "Ang akin kasi, dati si Pres. Dante Guevarra pinapatalsik, ngayon naman yung bagong appointed ng CHEd na OIC ayaw paupuin. Para sakin, hindi lang dapat yung side ng mga aktibista yung tinitignan; dapat yung opinyon ng mga estudyante as a whole. Napaka-judgmental namang sabihin na walang alam si dela Torre sa kalakaran dito sa PUP." ─ BJ3-1D, Glino "May nabasa na akong article before about sa pagtatapos ng termino ni Guevarra at ng bagong appointed OIC. Sa tingin ko madaming pagbabago ang mangyayari lalo na sa mga patakaran at bayarin." ─ BCR2-2D,Villanueva "Dapat man lang ay ipinaalam satin ang tungkol dito at hindi basta basta in-appoint kasi may malaking parte tayong mga estudyante sa mga ganitong usapin.” ─ BBrC2-3, Gamposilao "Nakakapanibago. Unusual kasi na mag-appoint ang Malacañang. Para sa akin okay lang si dela Torre, as long as magagampanan niya yung tungkulin bilang OIC." ─ BJ4-1N, Cortez "Hindi ako pabor sa bagong OIC kasi since businessman siya malaki ang chance na maging required ang ilang mga bayarin." ─ BCR2-2D, Jayme

Opinyon Dakom 3

Bawal ang “outsider” Bawal din ang anti-estudyante

Isang araw bago matapos ang mula sa komunidad ng PUP sa maliwanag na termino ni Dr. Guevarra, naganap ang isang kadahilanang mas dalubhasa ito sa bawat aspeto Board of Regents meeting upang mapag-usapan ng kalipunan ng pamantasan – pulitikal, kultural, ang itatalagang officer-in-charge ng unibersidad. pang-ekonomiya at iba pa. Sa gayon, mas Sa unang pagkakataon, nahirang bilang OIC ng magiging madali at epektibo ang pagpapatakbo PUP ang isang taga-labas ng akademya’t nagmula sa sistema ng unibersidad. sa pribadong sektor. Sa pagkakataong ito, Ikalawa: nagmula siya sa pribadong walang botohang naganap sa pagitan sektor. Sa kasalukuyang pamamahala ED I ng mga rehente. Sa pamamagitan ng ni Pangulong Noynoy Aquino, TOR kapangyarihan ni CHEd Chair Patricia nakalatag ang programang Public-Private IAL Licuanan, naluklok si Ginoong Edicio Partnership (PPP) kung saan isinusulong “Fr. Ed” dela Torre. ni PNoy ang unti-unting pagsasapribado Sa kabila ng pagtutol ni PUP Student sa mga serbisyong pampubliko tulad ng sa Regent Rommel Aguilar sa naganap na agarang transportasyon, pangkalusugan, at ang mga paghirang sa posisyon ng OIC at paggigiit sa State Universities and Colleges (SUCs). Sa agarang isang lehitimong OIC mula sa komunidad ng pagtatalaga kay G. dela Torre (na mula sa “private PUP, walo sa dumalong rehente ang tumalima sector”), makikita ang isang manipulasyon ng sa desisyon ni Chair Licuanan. administrasyon Aquino upang ang planong Sa artikulong nailabas sa Inquirer pagpapasapribado ng PUP ay hindi maging noong Hulyo 6, ibinalita ang naganap na kilos mahirap at imposible. protesta na inihanda ng mga mag-aaral upang Huli at ikatlo: sa tinagal-tagal niyang kodenahin ang pagiging OIC at pigilin ang naging bahagi ng Board of Regents, hindi siya pagpasok sa pamantasan ni dela Torre. Dagdag kailanman nagpakita ng suporta sa mga pa ang pagnanais umano ng mga mag-aaral panawagan at mga isyu ng mga iskolar ng na nag-kilos protestang ang panatilihin sa bayan. pamumuno si Dr. Guevarra – na marahil ay Sa kasalukuyan, binubuo ng isang maling impormasyon. Governing Board ang Search Committee para Ang pahayag na ito’y taliwas sa nais sa deliberasyon at pagpili ng mga maaring ng mga mag-aaral ng PUP sapagka’t kailanma’y kandidato o kwalipikado sa pagiging pangulo hindi sila makapapayag na manatili sa pwesto ang ng PUP. Sa komiteng ito, marapat lamang na isang anti-estuyanteng pangulo ng pamantasan. magkaroon ng partisipasyon at representante Sa kabila nito, hindi rin naman ang mga iskolar ng bayan sapagka’t kami ang sinusuportahan ng mga iskolar ng bayan ang pangunahing maapektuhan sa pagkakaroon ng di makatwirang pagtalaga kay dela Torre dahil bagong pinuno at sa magiging pamamalakad sa tatlong dahilan: una, si G. dela Torre ay hindi nito. nagmula sa loob ng Politeknikong Unibersidad At dahil kami rin ang may ng Pilipinas o sa kahit anong sangay o sudlong pinakamalaking bilang na bumubuo sa ng pamantasan. Ang may karapatan lamang sa komunidad ng Politeknikong Unibersidad ng posisyon ay isang opisyal o administrador na Pilipinas.


4 Dakom Samu’t sari

HULYO 2011 PAHAYAG

Pahapyawyaw

Josokan na naman and backlush to workaholic na ang entirety! So many ang mga bagong feces, este, peyses sa Pers Day Presnes ng Tuadro! Tienes na ulet ang noises, ang mga beauconerang wit nagbabayad sa mga ipish ng Dakom, ang She-oh-She weak kahit waley pa ang mga propesor! Anyway, to the thunders sa She-ohShe, na-miss niyo kametachi no? Knows-line namechi yan! Atuters na atuters na naman kayo sa mga latest chizmax na nasasagap ng aming antennae! Aminin! Infairness, na-miss din ng mga wingslet namin ang lumipadlipad dito sa She-oh-She. Kalurkey! Ilang monthsary pa lang ay may super daming mga pasabog na agad akez at ang mga sisterettes. Tara-tara boom, chika minute! Wa pakels na ang mga issue tungkol sa mga stujents na bekimon at bayola sa She-oh-She. Pero ‘wag ka teh! Pano kung ang macho-machuhang gromula mo pala ay pederasyon din? Oh my gulay! At wapak na wapak! Sinetch itey mga teh? Da who ang

gromula na itey na witit ko masay ang pak na pak na WRONG GRAMMING epek. Dyoskelya, major major postura pa naman ang drama niya. Hmmm??? Ano rin itech na new na magpapaouch sa mga wingslet naming mga ipis at ng mga pocketeers ng mga stujents? Hindi lang yan, may mga thunders sa She-o-She na wit mo maji-jisip na lalaki pa palang gecko! Pumophotocopy ng planners ng stujents. Wit niyo ba knows ang photocopyright at plajiyo? At many manny more prizes! Kung may chizmax kayo, chika na mga bekloo sa mga ipish ng Dakom na naglulunggaers nearsighted sa mga beauconerang urinals sa second floorlets. Then wait mo na lang ang next nametching paglipad. Pasabog ever na naman itechiwa! Gora na for now.

Ikaw.

Ikaw nga.

Ikaw na nga ang aming hinahanap! MAGBAYAD KA NA KASI NG PUB FEE! O kung bayad ka na’t nais mong mag-ambag o mailathala ang iyong mga kuhang litrato, mga likhang pampanitikan o may nais kang iparating sa mga patnugot ng Dakom, ipadala lamang ang mga ito sa coc.dakom@yahoo. com/dakompips@gmail.com. Basta ikaw ay isang lehitimong mag-aaral o kasapi pamunuan ng Kolehiyo ng Komunikasyon, humayo na’t ipadala na ang mga nais mong ibahagi.

Ang puwang na tulad nito sa pahayagan ay maaaring lagyan ng maririlag na mga litrato. Isa ka bang mag-aaral na litratista? Basta’t galing sa isa sa tatlong kurso ng Kolehiyo ng Komunikasyon, huwag mag-alangang magprisinta sa aming tanggapan dala ang iyong registration card, 1x1 ID photo at muwestra sa potograpiya. Hihintayin ka namin.

Pagbati sa mga pumasa sa The Communicator Qualifying Exams! Isa ka nang Dakompip! Abanes, Mariel Anne Bongcales, Irene Carta, Joshua Elisha Demdam, Julie Ann R Lopez, Mark Daniel Peñaloza, Glecy Revistual, Jonel Carl Roque, Jazon Santoalla, Jhon Vince Santos, Grace Joy Santos, Ma. Donna Serrato, Franz Ivan Valenzuela, Rodel Jr.

No Entry ni Madame

MANGKOKOLUm

The Communicator

Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-Aaral ng PUP Kolehiyo ng Komunikasyon 2/F COC Bldg., Anonas St., NDC Cmpd., Sta. Mesa, Manila

Punong Patnugot Emilyn Nuñez Kapatnugot Maui Irene Felix Tagapamahalang Patnugot Mary Ann Villaflores Patnugot sa Balita Mary Grace Mora Patnugot sa Lathalain Jobelyn Bonifacio Patnugot sa Kultura Ariel Sese Patnugot sa Panitikan Renard Bryan Cabutin Patnugot sa Komunidad Aljomar Amsah Patnugot sa Dibuho Joecen Kevin Dalumpines Mga Tagapag-ulat Rose Valle Jaspe | Charina Claustro | Raffy Bibera | Jordeene Sheex Lagare Kasapi College Editors Guild of the Philippines (CEGP) | Alyansa ng Kabataang Mamamahayag (AKM-PUP) E-Mail coc.dakom@yahoo.com | dakompips@gmail.com

BJ I-1D BJ I-1D BBrC II-1N BJ I-1D BBrC I-2 BJ III-1D BBrC I-2 BJ I-1D BBrC II-1N BBrC I-2 BJ I-1D BBrC I-2 BJ I-1D


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.