22 February 2012 Press Statement

Page 1

INTERROBANG: Talk is cheap here

S

tudent politics comes in full gear once again as election season tension builds up. A new color has risen up amidst the long-standing rivalry between two colors in the college. Certificates of candidacy have been filed; campaign period has been concluded. What follows, typically, is a ‘miting de avance,’ dubbed as the final campaign rally, wherein candidates deliver their general plans of action to appeal to the good nature of voters before election day. In this college, however, which they call the College of Communication, a ‘miting de avance’ for the local student council elections has never taken place. Despite the persistence of the official student publication to push through with the ‘miting’, even changing the mechanics to adjust with the parties’ conditions, two continued to resist even though their voters apparently hoped for the ‘miting’ to transpire in the college for the first time. Whatever happened to the “change” that each of the political parties pledge to bring to this college of frapuccino-guzzling, apathy-tolerating and shit-talking students? Now of course we don’t exclude ourselves from that statement, lest you, dear reader, deem us holier-than-thou. To reiterate our side, The Communicator was informed of the ‘miting’ only the night before, quite a short notice that elicited violent reactions from the members of the editorial board, then again it occurred to us that it’s the opportune time to blaze the trail for change, right there and then. A pioneering spirit swelled up the institution’s determination to alleviate the exacerbating socio-political ignorance in the college, believing that this event shall spearhead the wanted “change,” hoping that the aspiring student leaders share the same leaning. All the mechanics and motions for the ‘leaders’ debate’ were fully prepared overnight, prepped with caution lest the muddle of last year’s USC ‘miting de avance’ be repeated. On the day of the ‘miting,’ however, two parties withdrew from the event, insisting that they weren’t well-informed beforehand, that the time wouldn’t be enough to prepare for a mass presentation juxtaposed with all the partylists, despite the students’ call for it. Several discussions with the paralegal officers brought out various reasons behind the refusals: that candidates are not complete, that

the parties need to prepare to avoid mistakes, that they have filled the last campaign day’s schedule with room-to-room visits, .that they believe most students would not pay attention, let alone attend, to such an event. Which is just sickly ironic, since the ones they’ve inconspicuously labelled as uncivilized they might not be able to ‘handle’ are the same students whose votes will decide who will be inducted into office. The same students who they swear to serve and care with promises proven to be empty with the alibis they’ve spoken and reiterated. Does the presence of the president or the entire party matter more than the presentation of platforms? Are we to assume then that these candidates still don’t know their goals and platforms even after filing for candidacy and campaigning for days? Moreover, what reason is there that these two parties, who refused to partake in the ‘miting,’ have to depend on the desicion of one another? Laying out several reasons, including “equitability,” to evade their unanimity only helped them in disproving the notion that they are both independent. As students, we’re given the idea that the only things these people could say are the same regurgitated words they spew during roomto-room campaigns. They said declining to attend the ‘miting’ doesn’t signify that they are afraid of something, but... well then, The Communicator wishes them luck with their political endeavors. Likewise, just what would happen if the future council officers would suppress the power of media to serve you, dear reader? You probably wouldn’t see anything like this in the coming years. But wouldn’t it be ironic, yet again, for a college purportedly nurturing future media practitioners to take a student publication for granted? In a time like this, when campaign posters are dotted with candidates Straight and Wisely, The Communicator is hoping that you’d prefer the latter than the former, otherwise, none at all. •

A

“Ano’ng masasabi niyo sa ‘di pagkakatuloy ng miting de avance sa COC SC Elections dahil sa pagtangging makilahok ng ilang partido?

“D

ismayado, unang una, hindi po nag-roomto-room ang mga partido sa klase namin. Paano po kami boboto kung hindi namin kilala ang mga tatakbo para sa SC natin? Ikalawa, hindi po namin alam ang hangarin nila sakaling manalo po sila. At ikatlo, hindi po namin alam kung anong partido at plataporma ang sa tingin namin pumapatungkol direkta sa aming karapatan. Sana natuloy nalang, ngayon pa’t na ang mga kumakandidato nagyon ay nadadaan sa palakasan at pasikatan na lamang, at ayaw naming padala sa ganung kalakaran.”–BJ 2-1N agsisilbing isang kakulangan sa isang eleksyon ang ‘di pagkakaroon ng “miting de avance.” Kung hindi ito maisasakatuparan, paano malalaman ng mga botante ang mga plataporma ng bawat partido na dapat isahapag sa publiko? Paano namin malalaman kung ano ang dapat naming asahan? Bagamat nakakalungkot, e wala na tayong magagawa dahil nangyari na.” – BJ 1-1N ara sa akin, hindi ganoon kahalaga ang miting de avance. Dito kasi ay malalaman mo lang ang plataporma ng bawat partylist ngunit wala rin namang kasiguraduhan kung maisasagawa nila ang mga ito kapag sila ang nanalo sa eleksyon. Sa ngayon ay pinag-iisipan ko pa rin kung sino o sino-sino ang dapat na iboto. May iba kasi na buhay na buhay lang at mararamdaman lang kapag nalalapit na ang eleksyon.” –BBRC 2-2 ung hindi matutuloy ang pagkakaroon ng “miting de avance” paano malalaman ng bawat mag-aaral ang mga plataporma o layunin ng mga tumatakbong partido. Paano makapipili ng mga taong dapat iluklok sa pwesto kung hindi pa lubusang makikilala ng mga ito. “ – BCR 1-1

“N

“P

“K

ng may utang sa Dakom sa ikalawang semestetre: BJ 2-1N | BJ 3-1D | BJ 3-1N | BJ 4-1N | BCR 3-1 | BCR 1-1 | BCR 1-2 | BCR 2-1 | BCR 4-1 | BCR 4-2 | BBRC 1-4 | BBRC 2-4 | BBRC 3-1 | BBRC 3-1N | BBRC 4-1 | BBRC 4-1N | BBRC 4-2 | BBRC 4-3 | BBRC 4-4 Walang special treatment. Ano ngayon kung ‘di ka nagbabasa ng Dakom; at least hindi ka nakauniform na mainit sa mga unventilated classrooms. Ano ngayon kung SA ka ng admin o kandidato para sa pagka-SC—estudyante ka pa rin ng COC at nakikibasa ng diario. May utang ka pa ring bente! •


Press Statement 22 February 2012

Kabalintunaan

G

inaganap tuwing Pebrero ang Valentine’s Day, National Arts Month, ang paggunita sa EDSA People Power Revolution, at ang pagdedesisyon ng kapalaran mo sa susunod na taon. Sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, tuwing Pebrero rin pinagde-desisyunan ang paggraduate sa Mayo ng mga magtatapos, at pagpili ng mga uupong estudyante sa mga konseho ng magaaral ng mga mananatili. Ang mga konseho ng mag-aaral ang institusyong nagsisilbi at kumakatawan sa mga mag-aaral upang maipaabot ang kanilang mga pangangailangan at hinaing sa administrasyon ng kolehiyo o unibersidad. Isa itong uri ng unyon ng mga mag-aaral na tungkuling pagsilbihan at ipaglaban ang mga batayang karapatan at pangangailangan ng bawat estudyanteng nasasakupan. Bahagi ng taunang eleksyon ang ‘miting de avance,’ ang final campaign rally kung saan inilalatag ng mga partido ang kanilang mga plataporma. Taunang kaganapan ito sa Mabini ilang araw bago ang botohan, subalit hindi kailanman sa apat na taong pananatili ng mga magtatapos sa Kolehiyo ng Komunikasyon. Kawalan ng ‘miting de avance’ ukod sa pang-unibersidad na ‘miting de avance,’ wala sigurong estudyante ang nakasaksi ng MDA sa COC. Nabubuhay ang mga nangangampanyang partido sa pagru-room-to-room, campaign posters at kasikatan ng mga kandidato sa mag-aaral. Subalit hindi ito sapat para makilala ng mga estudyante, lalo ng mga hindi alintana (deadma) ang mga sosyopolitikal na kaganapan, at mahikayat silang pumili ng mamumuno sa kolehiyo. Hindi rin nakukumbinsi ng ganitong uri ng bugtong at sauladong pangangampanya ang ilan, na nag-aambag sa kapuna-punang paliit na paliit na bilang ng mga botanteng estudyante. Ang tangkang pagkakaroon ng ‘miting de avance’ ay para punan ang malaking butas sa taunang eleksyon. Isang malaking salik ang pagtatapat-tapat ng mga naglalabang partido sa isang pampublikong pagtitipon para sagutin ang katanungan ng mga botante nang walang paghahanda—isang uri ng

B

paglalatag ng plataporma na galing sa kaibuturan ng mga naghahangad na lider-estudyante. Ito rin ay magsisilbing pagkakataon para maipakilala ang isang partidong umusbong, hahalo sa tradisyong labanan ng dalawang kulay (cue: Buklod / Bamboo - Tatsulok) sa kolehiyo, at kukumpleto ng kulay ng bandera ng Pilipinas. Pagsubok at pagkabigo ag-iisang linggo pagkatapos ng ‘Araw ng mga Puso’ at konsiyerto ni Engelbert Humperdinck, tinangka ng The Communicator ang pagsulong ng ‘miting de avance.’ Kaso, tulad ng pangongolekta ng pondo at relasyong Hayden-Vicky, FAIL. Ika-16 ng Pebrero, Huwebes, nang mapag-usapan ng ART MARCH (CommSoc, KM 64, Liga ng mga Kabataang Propagandista, at iba pa) ang pagdaraos ng isang MDA sa COC. Biernes nang ideklara na Dakom ang magsisilbing tagapamagitan ng dakilang pangyayari, at 5.3M ang maaaring mapanalunan sa MegaLotto na pupunan sa mga utang na pub fee ng mga estudyante. Lunes ng hapon ang itinalagang panahon, bilang sa susunod na araw na rin noon naman ang pang-unibersidad na MDA. Bagama’t Linggo ng gabi na nakarating sa mga patnugot ang balita, ginawan pa rin ito ng paraan at natapos ang mga kailangan kinabukasan. Subalit parehas man ang kalagayan ng mga partido at ng Dakom, dalawa mula sa tatlong partido ang hindi nagpahintulot sa pakikilahok sa ‘miting.’ Umaga nang magbigay ulit ng abang paanyaya ang Dakom upang simulan ang “pagbabagong” taun-taon na lang sinasambit sa mga nire-rephrase na taglines at acronyms. Tanghali na ng mapulong ang mga paralegal officers ng mga partido. Dalawa ang tumangging makiisa sa kadahilanang hindi sila nasabihan nang mas maaga, na wala ang pangulo, na kulang sila ng kandidato, na may nakatalang iskedyul para sa huling araw ng pangangampanya, na ayaw nilang magkamali sa paglalatag ng plataporma at pagsagot sa mga katanungan, sa hindi nila nais makilahok kung hindi lang din naman makikilahok ang lahat (translation: ayaw nila ng one on one lang), et cetera, et cetera. Matapos ang ilang beses na pangungumbinsi at paulit-ulit na pagtanggi ng dalawang partido, nauwi na lamang sa pangangalap

M

D ako m L iterar y F olio “Lualhati ng unang pagniniig...” Last day of submission of entries is on February 29, 2012. For further inquiries, kindly visit The Communicator like page in Facebook, or feel free to message Arbee through 0917-915-3420.

ng pirma ang Dakom, ang ultimate sole survivor na nagsusulong ng MDA, para matuloy ito sa itinakdang araw na sa huli’y nabale-wala lang din naman. Namagitan ang COMELEC sa huling pagpupulong ng Dakom, ilang miyembro ng ART MARCH (CommSoc lang sa katunayan), at ng mga partido. Sinubukan nilang magtakda muli ng ‘miting’ kinabukasan bago ang pang-unibersidad, subalit nanatiling “hindi” ang kasagutan ng dalawang partido na itinatago nila sa mga rasong hindi ito makatwiran kung kulang-kulang ang mga kandidato, hindi sila handa (paano raw nila mapagsisilbihan ang mga estudyante kung hindi nila mauunang pagsilbihan muna ang kanilang sarili—HA! [insert interrobang]), karapatan nilang tumanggi ayon sa Election Rules and Regulations (subalit karapatan din, hindi ba, ng mga estudyante ang masaksihan ang ‘miting’— kaninong karapatan ang dapat nilang bigyangdaan?), at iba pang rason na nagbibigay-liwanag sa kabalintunaan ng kanilang pagiging totoo sa kanilang mga ‘adbokasiya.’ Tugon ng The Communicator ilang mga kabataang mamamahayag, dapat lamang na alam ng The Communicator, ng mga kandidato, at ng mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Komunikasyon ang kahalagahan ng isang ‘miting de avance’ sa anumang uri ng eleksyong pampulitika. Isa itong klase ng “information dissemination” na may malaking papel na ginagampanan sa pangangampanya ng mga partido at sa pagdedesisyon ng mga botante. Bukod sa lumiliit na bilang ng mga bumobotong iskolar ng bayan sa COC, hindi rin naman maganda kung ang mga boto ay pinipili dahil sa kasikatan o dating ng mga rumarampa sa kada kwartong mapapasukan hanggang sa pagwawakas ng campaign period. Bunga nito’y nais iparating ng Dakom sa mga botante na ang mga dahilang tulad ng HINDI HANDA O KUMPLETO ANG MGA KANDIDATO ay hindi katanggap-tanggap na rason para hindi makilahok sa ‘miting de avance,’ Hindi ito kailangang paghandaan ng tatlong linggo o makumpleto sa entablado ang mga miyembro ng partido para mailahad lang mga platapormang paulit-ulit nang isinasambit sa mga RTR. Kung tunay ang kanilang mga ipinaglalaban, hindi ito ineensayo; kaya nila itong ilahad anumang oras, anuman ang kaganapan. Para na rin nilang sinasabi na hindi sila handa nang sila ay maghain ng kandidatura. Sa ganitong pagkakataon, nais iparating ng The Commmunicator sa bawat iskolar ng bayan na piliing mabuti ang mga iboboto, at sa bawat liderestudyante na dapat ay laging nakahanda sa salita’t gawa sa mga pakikibakang kahaharapin ng bawat mag-aaral ng kanilang nasasakupan. •

B


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.