Vol.VII No.1 June 2008
Editorial
WHAT’S LEFT OF A RIGHT is a right and Education never a privilege. A seemingly timeworn
cliché and outcry in our university which is a general truth basing it on our country’s constitution. But with the way things are going, not only in our campus but also in our nation’s status quo, is it still applicable? With unfair and added increase on tuition, miscellaneous and other fees and threats to unjust antistudent policies and projects bombarding the freshmen, it is still a wonder if some items in the constitution are good use to its citizens. Labelled as the Poorman’s University, our university should stay true to its philosophy to use education as an instrument for the growth of the citizenry--especially its students who are majority sons and daughters of farmers and workers--and not a vessel for money-making, politicking and commercialism.
Welkam Freshmen
Anne Dominique delos Santos Hindi lang bigas, gasolina, kuryente o maging presyo ng mga pangunahing bilihin ang mga kasalukuyang kalbaryo ng mamamayang Pilipino. Dama maging ng mga mag-aaral ang patuloy na paniniil na ginagawa ng mga taong mapagsamantala. Naniniwala ako na ang edukasyon ay hindi isang oportunidad, ito ay karapatan ng mamamayan. Ngunit paano kung ang karapatang ito ay unti-unting ipinagkakait at ang edukasyon ay mistulang inilalako? Sa pagpasok ng akademikong taong 2008-2009, sinalubong na agad ng pagsubok ang mga freshmen. Matatandaan na sa naganap na pagpapatala o enrollment ng ating sintang paaralang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas nitong Mayo ay naisagawa na ang paniningil ng Developmental Fee na nagkakahalagang P250. Ang dagdag pasaning ito ay nasabing mapupunta sa Student Information System (SIS) upang mapabilis ang sistema ng enrollment at ang computerized system na pagsasaayos ng mga rekords ng mga magaaral. Bukod pa dito, nagsimula na rin ang paniningil ng Energy Fee na P800 sa mga mag-aaral ng College of Tourism, Hotel and Restaurant Management (CTHRM) at College of Nutrition and Food Science (CNFS). Ang mga iligal na bayaring ito ay isa lamang sa mga manipestasyon ng mga pasanin na kinaharap ng mga bagong miyembro ng komunidad ng PUP. “Ate, matagal po ba talaga mag-enrol dito?” tanong sa akin ng isang estudyanteng nag-eenrol. “Kasi po, pangatlong araw ko
na pong nag-eenrol ngayon e,” dagdag pa niya. Napabuntong-hiniga na lamang ako sa awa pati na rin sa hiya, dahil bakas sa mukha niya ang pagod at gutom. Bigla tuloy akong napaisip. Akala ko ba ang Developmental Fee ay upang mapabilis ang sistema ng enrollment? Bakit kaya umabot sa tatlo hanggang apat na araw ang pageenrol ng mga first year students na nakausap at nakilala ko? Nasaan na ang sinasabi nilang ”one-stop shop”, ang slogan ng bagong enrolment, kung Pila Ulit Pila ang natunghayan ng mga kawawang mag-aaral? Nakakalungkot. Nakakapanghinayang. Nakakapanglumo. Alam ko naman na tanging pagbabago lamang ang permanente sa mundo ngunit sana ang mga pagbabagong ito ay magdulot ng isang mas maayos, mas mabuti at mas epektibong resulta na ikabubuti ng nakararami. Hindi sana naging “paurong na pagsulong” ang naganap na enrollment kung naging bukas lamang ang administrayon sa mga hinaing ng mga mag-aaral at kung may tapat na hangaring mapaunlad ang kalagayan ng mga Iskolar ng Bayan. Ngunit gayumpaman, umaasa akong maitutuwid pa ang mga pagkukulang ng mga taong nasa likod ng gawaing ito. Binabati ko rin ang mga freshmen sa pagiging matatag at matiyaga na nagpapahiwatig na mayroon silang mataas na pagpapahalaga sa edukasyon.
Vol.VII No.1 June 2008
Dress code sa COC, napigilan Lalaine Panganiban Nathaniel Silvano
Editorial Board 2008-09
Isang memorandum patungkol sa dress code ang biglaang ipinatupad sa Kolehiyo ng Komunikasyon mula sa opisina ng dekano kasabay ng muling pagbubukas ng klase. Ang nasabing memo na may lagda ni Dr. Robert Soriano, dekano ng COC, ay nagbabawal sa mga COCians na magsuot ng sandals o tsinelas, shorts, sleeveless, pati na rin ng PE uniform sa loob ng kolehiyo. Mamarkahang lumiban sa klase ang di sumunod dito. Epektibo na di umano ang naturang dress code policy ngayong linggo bagay na hindi pa umaabot sa kaalaman ng lahat ng estudyante ng COC. Sa magkahiwalay na panayam kay Jordan Ga, Pangulo ng Konseho ng Magaaral-COC at Leorey Azcarraga, Student Attache; nagpahayag sila ng pagkagulat sa pagsulpot ng polisiya nang hindi man lang ipinagbibigay-alam sa kanilang tanggapan. Matatandaang noong nakaraang taon lamang ay mabilis na napigilan ang ganitong memo sa pamamagitan ng isang malawakang protesta at signature campaign na nagbigay laya sa mga estudyante na manamit ng anumang kasuotan batay sa kanilang kagustuhan at naaayon sa social norms, alinsunod sa PUP Student Handbook. Sa naganap na dayalogong dinaluhan ng The Communicator, Konseho ng Mag-aaralCOC, SAMASA at ni Dean Soriano, iginiit ng mga representante mula sa SAMASA na may memorandum nang naibaba mula sa administrasyon ng PUP na ibinabasura ang dress code na ipinatupad nang panandalian noong nakaraang semestre. Sa ngayon, tanging tsinelas o sandals lamang ang pinahihintulutang maisuot papasok ng kolehiyo alinsunod sa inilatag na bagong memorandum.
Acting Editor in Chief Jerome Philip Ricamata Acting Associate Editor Jan Meynard Nualla Acting Managing Editor Anne Dominique delos Santos Acting News Editor Karenina Claire Ramos Features Editor Edryan Lorenzo Literary Editor Kier Gideon Gapayao Culture Editor Michael Cabial Community Editor Patrick Jucutan
member College Editors Guild of the Lalaine Panganiban Philippines Nathaniel Silvano (CEGP) Roi Anthony Lomotan Alyansa ng Kabataang Demetrio Ragua Mamamahayag Joy Lauron (AKM-PUP) Babylyn Dilao WEBSITE Frecelynne Abegail Lambino http://www.dakom.tk Staff Writers EMAIL coc.dakom@yahoo.com Artists Kit Bernal Photojournalist Maricris Magno
Resolution to adopt new uniform, ipinawalang bisa
Pinuna ng The Communicator (Dakom) ang pagkuha ng mga pirma para sa “Resolution to adopt new uniform” ng COC Student Council (COC-SC) kasabay ng enrollment nitong nagdaang Mayo dahil sa umano’y ‘hindi sapat’ ang panukalang nailatag ng lokal na konseho sa naturang pagkuha ng mga lagda. Napag-alaman ng Dakom na ang nasabing proposal para sa bagong uniporme ay gagamiting Income Generating Project ng COC-SC. Sa nakuhang project proposal ng Dakom, maliwanag na nakapaloob dito ang pagkakaroon ng 23% ng COCSC sa bawat unipormeng mabibili. Ang kikitain ay para umano sa pagpapagawa ng Student’s Learning Center, at pagpintura sa COC building. Sa katunayan, unang naipaalam sa salita ni COC-SC President Jordan Ga ang pagkakaroon ng bagong uniporme sa COC noong Mayo 12, ngunit hindi niya naliwanag sa mga estudyante na bawal ang pagpapatahi sa labas ng COC ng nasabing uniporme at ito ay nagkakahalaga ng P650 bawat set. Nabanggit na lamang ni Ga ang tungkol sa presyo ng uniporme sa ikalawang araw ng enrollment kung saan mayorya ng mga incoming 2nd year students ay nakapirma na sa pinakakalap nilang signature campaign.
Walang Legal na Konsultasyon Sa patuloy pa ding pagiimbestiga ng Dakom lumitaw rin na ang mga proposal ay walang konsultasyon sa Internal Audit ukol sa IGP. Ayon sa Internal Audit, hindi nararapat na magtalaga ng agarang presyo para sa uniporme dahil magkakaroon pa umano ng bidding para sa mas mababang presyo ng pagbibilhan at upang maiwasan ang monopolyo kung saka-sakaling IGP nga ito. Dahil dito, hindi nag-atubili ang Dakom na makipag-usap sa Dekano ng COC na si Dr. Robert Soriano upang malinawan ang nagaganap na isyu at dito nagpayo ang dekano na magkaroon ng dayalogo sa pagitan ng Dakom at COC-SC upang malinawan ang usapin ukol sa bagong uniporme. Upang masiguro ang kaayusan at kalalabasan ng nasabing dayalogo ay humingi ng tulong ang Dakom mula sa Central Student Council (CSC) o ang Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM). Ang
nasabing pag-uusap ay pinangasiwaan naman ng Dekano ng Office of Student Services na si Jaime Gutierrez. Lumitaw sa dayalogo na hindi naikonsulta ang bagong uniporme ng COC sa nakaraang Student Council Assembly. “I think that the COC-SC must pass the resolution about the implementation of uniform through Student Council Assembly”, pahayag ni Aldrin Lunod, SKM Councilor. “Actually, I know that, na kailangang ipasa. But then again, we have to make the fast move na. Because many of the students are really complaining na gusto na nila mag-uniform. But then, oo, may mga minorities tayo na ayaw, kaya nga we made this signature para in the SCA, upon passing the resolution to you, may evidence kami na gusto talaga nila ng uniform” paliwanag ni Ga. Resulta ng Pag-uusap Naipawalang bisa ang ginawang pangangalap ng pirma ng COC-SC sa mga kasalukuyang 2nd, 3rd at 4th year students para sa “Resolution to Adopt New COC Uniform” matapos matugunan ng Office of Student Services at SKM ang dayalogo sa pagitan ng Dakom at COC-SC na kanilang dinaluhan sa Student Development Center noong ika-19 ng Mayo. Sa desisyon ni Dekano Gutierrez ng Student Services, kailangan muna umano ng wastong pagpapaalam at konsultasyon sa mga estudyante tungkol sa pagkakaroon ng bagong uniporme kabilang dito ang mga freshmen students. “Exalt all means of, forms of dissemination, in a form of RTR (room to room), in a form of dialogue, in a form of general assembly, by program, I do not know, i-exalt nyo lahat yun, para hindi naman unfair dun sa mga bata,” ani Guttierez. Maayos naman itong sinang-ayunan ng COCSC. At nito lamang nakaraang COC Freshmen Orientation na ginanap sa Bulwagang Balagtas, Ninoy Aquino Library & Resource Center (NALRC) noong Hunyo 17, ipinaliwanag ng COC-SC ang bago at wastong prosesong pagdaraanan upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng college uniform alinsunod sa utos ni Gutierrez. • Patrick Jucutan
KOMIKS . KOMIKS . KOMIKS. KOMIKS . KOMIKS. KOMIKS. KOMIKS . KOMIKS PILA ULIT PILA
Batista