Newsletter for AY 2012-2013
[Editor’s Note excerpt]:
Hi, SAer! Alam mo ba kung bakit may newsletter ngayong taon? Dahil astig tayo. Dahil ang nakalipas na dalawang semestre ay maituturing na “golden year” ng SA, pagkatapos ng halos dalawang taon. Dahil muling naging maingay sa loob ng tambayan; nagkakantahan na ulit ang mga tao, naglalaro na ulit ng mga cards, nagsisiksikan na ulit, at naglalaro na ulit ng badminton sa likuran. Dahil dumarami na ulit ang participants sa ating events; mapa-member man o hindi. Muli nanamang nararamdaman ang presensya ng SA sa unibersidad. Nakikilala na ulit tayo ng mga tao. Dahil napakaraming naging aplikante at bagong miyembro ngayong taon (lampas 30!!) at kahit papaano, hindi magiging problema sa susunod na taon kung meron pa bang magpapatuloy ng mga sinimulan ng mga naunang SAer noong 1979. -SEC VP