5 minute read
Makataong Kawilihan | Ang Bukas sa Malalim na Kaalaman
LITRATO AT SULAT NI MDPN. JULIUS CAESAR ALFARAS
Ang sambahayan sa kanayunan ng Mina ay mahimbing ng natutulog nang biglang may nakabubulabog na ingay ang bumasag sa nakabibinging gabi. Isang pares ng mga mata ang nakikipag-tagisan ng talim sa nagniningning na kutsilyo. Ang lahat ay labis na nabahala sa sumunod na pangyayari na tuluyang humiwa sa manipis na hanging bumabalot sa loob ng tahanang iyon.
Advertisement
Sabado—Isang payak na araw para sa mga karaniwang pamilya. Ang isa sa mga tanging araw upang magkaroon ng pagkakataong masulit sa isang linggo ng magkakasama. Subalit sa araw ring iyon pala magsisimulang magbukas ng isang kahon. Isang kahon ng mga mabibigat na dala-dalahing palihim na itinago hanggang sa ang mga laman nito ay kusa nalang bumulwak dahil wala ng lugar na mapaglalagyan pa.
Pabalik-balik sa paglalakad at tila hindi mapakali sa paghahanap sa loob ng bahay ang panganay na anak ni Gng. Dalia Ventura. Tila isang mahalagang bagay ang naiwala nito. Hanggang sa hindi na niya napigilang tanungin ang anak at naestatwa siya ng ilang segundo nang mapagtagpi-tagpi niya ang nais ng kanyang anak— lagim sa mga mata nito.
Nanlilisik ang mga mata ng 15 anyos na si Prince Xyrone Ventura habang hawak ang matalim na kutsilyo. Nakaukit sa hitsura nito ang labis na pagkagalit dahilan upang magdulot ng matinding takot sa kanyang mga magulang at mga nakababatang kapatid.
“Mabalos guid ‘ko. Du amo na ang nabatian ko sa iya sang gab-e nga nag-wild siya. Ginpang-tago namon ni papa ya ang mga kutsilyo kag iban pa nga mga sharp objects kay basi bala mag-self harm siya kapin pa ginapangita niya gid. Tapos gasinggit na siya sang mga bad words—nakibot kami eh pati ang mga libayon niya nahadlok man sa iya.”
Ayon kay Gng. Ventura, labis nalang daw ang kanyang gulat nang marinig niya mismo sa kauna-unahang pagkakataon na nagsalita ng mga hindi kaaya-ayang mga salita ang panganay nito. Lalo pa at isa siyang guro at hindi sila umano gumagamit ng mga masasamang salita o trashtalk sa loob ng kanilang bahay. Kaya napapaisip siya kung wasto nga ba ang pagtuturo niya sa kanyang mga anak na makipag-usap ng tama at may galang.
“Damo lang siya may ginapanghambal nga mga bad words inang mga ginahambal nila maghampang sang Mobile Legends (ML). Kag du nag-grabe na gid iya wild tungod gina-trashtalk man siya kuno sang mga upod ya nga nagahampang sang ML. Mga kung ano lang ang mga ginapang-wakal niya nga mga terms like ‘bonak, d*p*t* kag iban pa.”
Dagdag pa niya, bihira lang umano makipag-usap si Prince at kadalasang nasa malumanay na boses lamang. Kung kaya kapansin-pansin ang mga pagbabago sa pagsasalita at mga kilos na ipinapakita ng kanyang anak. Na ang dating malumanay na anak ay tila nawala sa sarili nitong pag-iisip. Dahil dito, napagdesisyonan nilang ipasuri sa espesyalista sa pag-iisip ang kanilang anak.
“Hambal ni Doc. Texon base sa behavior, may ara kuno Psychotic Disorder ang akon bata. Siguro nag-flared up gid siya tong napatay si Tiyo ya kag may nag-inaway. Didto guro nag-umpisa kay ang lola ya sadto nadalahig man pag-bulag niya pag-inaway.”
Ang Psychotic Disorder ay isang kondisyong mental na kung saan ang taong nakararanas nito ay kadalasang may problema sa pag-iisip nq nagiging bayolente kung hindi mabigyan ng tama at agarang lunas ng mediko-legal.
“Sang wala pa siya nakapatan-aw kag naparesitahan sang bulong, nagauba na siya. Indi siya kasaho magsuksok sang bayo kay nainitan siya kuno… siguro nagsaka ang hangin kapin pa pirmi lang siya gina-utot. Ginresitahan lang siya sang pampatulog nga Olanzopine, Ascorbic Acid kag ang Vitamin B-complex.”
Ang mga resetang gamot na ito di umano ay magsisilbing maintenance niya sa loob ng anim na buwang gamutan. Subalit ang Olanzopine o mas kilala bilang antipsychotic drug na maaaring inumin (ingestion) o di kaya ay sa pamamagitan ng ineksyon (injection) ay ginagamit panglunas sa schizophrenia at bipolar disorder—mga kondisyong dulot ng psychotic disorder.
Ngunit ang pag-inom nito ay may pangalawang epekto sa kalusugan. Maaaring mawala ang pang-unawa at kakayahang intelektwal ng pasyenteng iinom nito kung kaya kailangan talaga ng reseta ng doktor. Mahalaga rin ang tamang oras ng pag-inom at tamang dosage nito.
“Du nagbalik gid sa pagkabata iya nga batasan sang pag inom niya sang bulong. Sang una ayawan gid ‘ko kapilit paimnon siya pro maayo lang kay ara ang man ang Amay ‘ya nag-ulo ulo sa iya. Kung ako lang guro naubos na pasensya ko. May bata pa ko nga 11 months old kag mga libayon pa niya nga gina-atipan man kag may responsibilidad man ko sa eskwelahan bilang maestra.” Dagdag pa ni Gng. Ventura.
Batay sa pinakabagong datos na inilathala ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF), tinatayang humigit isa sa pitong kabataang may edad 1019 sa buong mundo ay sinasabing naipasuring mayroong sakit sa pag-iisip. Sa katunayan, pumapangatlo ang Pilipinas sa may pinakamataas na porsyento ng may naipasuring may kinakaharap na problema sa pag-iisip. Maaaring sanhi ng pataas nito ay ang stigma na mayroon ang lipunan kung kaya natatakot mahusgahan ang mga taong nakararanas ng mga kondisyong mental pati na rin ang kakulangan sa pondo na matugunan ang mga pangangailangan sa mga medikal at pasilidad.
“Na-pressure siya guro sa mga inugpasa nga modyul sa school kapin pa Science Technology Engineering (STE) class siya tapos na-call out pa ang name niya sa mga wala pa kapasa sang activities. Ang style niya abi karun niya lang ubrahon kag nagakadangtan nalang siya tig-alas kwatro sa kaagahon… amo pa lang na pagtulog niya. Kag siguro sa sobra na man ka hampang sang ML tapos gainom pa sang 3 in 1 coffee kag soft drinks amo na guro nagsupot-supot na.” Ani Gng. Ventura.
Bagamat maraming sanhi ng pagkakaroon ng problema sa pag-iisip, mabuting mabigyang linaw ang mga anglo na maaaring magturo sa pinagkaugatan ng mga kondisyong mayroon ang isang tao. Ayon sa mga dalubhasa sa mga karamdamang kinakaharap sa sikolohikal, maaaring ang pagkakaroon nito ay namamana (hereditary), hormonal imbalances, genetics, substance intoxication, adiksyon at hindi magandang ugnayan sa lipunan, pamilya at mga kaibigan at iba pa.
Sa kabilang banda, posibleng maibsan ang pagdami ng kaso ng pagkakaroon ng problema sa pag-iisip. Maaaring makatulong ang positibong pakikipagkapwa-tao, pag-iihersisyo, tamang nutrisyon, sapat na oras ng pagtulog at pag-iwas sa sitwasyon at mga bisyong nakasisira ng utak.
Hindi na bago sa lipunan ang ganitong uri ng karamdaman lalo na at patuloy na bumibigat ang mga dalahin sa buhay. Sino mang tao, ano man ang katayuan sa buhay, bata man o matanda—lahat ay dumadaan sa mga pagbabago na minsan ay nagdudulot ng matinding marka sa kanilang pagkatao.
Markang dulot ng mariin na pagkakatanim ng makabagong pag-iisip sa pagpapayabong ng kaalamang hindi lang sa talim ng mga nagtitirik na mga mata kundi sa lalim ng pag-unawang ang malusog na pag-iisip ay nagsisimula rin sa malusog na kaisipan.