|
MAKATAONG KAWILIHAN
|
Ang Bukas sa Malalim na Kaalaman LITRATO AT SULAT NI MDPN. JULIUS CAESAR ALFARAS
MGA MATANG NAKAKAPAGPABAGABAG. Malayo ang tingin ni Prince habang pilit na binabaon sa nakaraan ang pangyayari sa gabing iyon.
A
ng sambahayan sa kanayunan ng Mina ay mahimbing ng natutulog nang biglang may nakabubulabog na ingay ang bumasag sa nakabibinging gabi. Isang pares ng mga mata ang nakikipag-tagisan ng talim sa nagniningning na kutsilyo. Ang lahat ay labis na nabahala sa sumunod na pangyayari na tuluyang humiwa sa manipis na hanging bumabalot sa loob ng tahanang iyon.
Sabado—Isang payak na araw para sa mga karaniwang pamilya. Ang isa sa mga tanging araw upang magkaroon ng pagkakataong masulit sa isang linggo ng magkakasama. Subalit sa araw ring iyon pala magsisimulang magbukas ng isang kahon. Isang kahon ng mga mabibigat na dala-dalahing palihim na itinago hanggang sa ang mga laman nito ay kusa nalang bumulwak dahil wala ng lugar na mapaglalagyan pa. Pabalik-balik sa paglalakad at tila hindi mapakali sa paghahanap sa loob ng bahay ang panganay na anak ni Gng. Dalia Ventura. Tila isang mahalagang bagay ang naiwala nito. Hanggang sa hindi na niya napigilang tanungin ang anak at naestatwa siya ng ilang
segundo nang mapagtagpi-tagpi niya ang nais ng kanyang anak— lagim sa mga mata nito. Nanlilisik ang mga mata ng 15 anyos na si Prince Xyrone Ventura habang hawak ang matalim na kutsilyo. Nakaukit sa hitsura nito ang labis na pagkagalit dahilan upang magdulot ng matinding takot sa kanyang mga magulang at mga nakababatang kapatid. “Mabalos guid ‘ko. Du amo na ang nabatian ko sa iya sang gab-e nga nag-wild siya. Ginpang-tago namon ni papa ya ang mga kutsilyo kag iban pa nga mga sharp objects kay basi bala mag-self harm siya kapin pa ginapangita niya gid. Tapos gasinggit na
siya sang mga bad words—nakibot kami eh pati ang mga libayon niya nahadlok man sa iya.” Ayon kay Gng. Ventura, labis nalang daw ang kanyang gulat nang marinig niya mismo sa kauna-unahang pagkakataon na nagsalita ng mga hindi kaaya-ayang mga salita ang panganay nito. Lalo pa at isa siyang guro at hindi sila umano gumagamit ng mga masasamang salita o trashtalk sa loob ng kanilang bahay. Kaya napapaisip siya kung wasto nga ba ang pagtuturo niya sa kanyang mga anak na makipag-usap ng tama at may galang. “Damo lang siya may ginapanghambal nga mga bad words inang mga ginaham-
The DOLPHIN | NOVEMBER 2021
47