FILIPINO 3 Aralin 30 Guro: Karen A. Ubial Ikatlong Baitang
Pangalawang Araw
Tukoy Alam: Sino ang makakagamit ng tatlo hanggang apat na pangungusap sa makukuwento muli ng ating kuwento kahapon?
Paano mo ipinagmamalaki na ikaw ay isang Pilipino?
Kayamanan sa Pagsulat
Kayamanan sa Pagsulat
May mayamang tradisyon sa pagsulat ang mga Pilipino. Patunay rito ang napakaraming tulang nalikha noong unang panahon para sa iba’t ibang pangyayari sa buhay. Ginamit ng mga sinaunang Pilipino ang tula upang maghatid ng aral. Ginamit din nila ang tula upang ipasa ang mga sinaunang kaalaman.
Hindi lang basta isinusulat ang mga tulang ito. Madalas ay binibigkas o kaya inaawit ito sa mga pagtitipon. Maaaring tuwing kapistahan, kasalan o kaya sa pag-alaala sa namatay binibigkas ang mga tula. Sa malakas na pagbigkas o pag-awit ng mga tula rin naipapasa ng matatanda ang kanilang paniniwala at kultura sa mga nakakabata.
Ang mga tula at awitin na binibigkas batin hanggang sa kasalukuyan ay patunay kung ano ang ating pinagmula, kaugalian, at mga paniniwala. Ito ay buhay na paalala ng ating sariling kultura na dapat nating pagyamanin at ikarangal.
Itanong:
> Ano ang pinag-uusapan sa teksto? > Saan-saan ginagamit ang tula? > Paano naisasalin sa mga bata ang kultura sa pamamagitan ng tula? > Paano mo ikararangal ang pagiging mayaman ng Pilipinas? > Ano ang pangunahing ideya ng teksto? > Ano-ano ang mahahalagang impormasyon na nakuha sa teksto?
Kumpletuhin ang pangungusap Ang ____________ ay tungkol sa ___________. Ayon sa teksto, ang __________________, ______________________, __________ at __________________.
Linangin Natin:
Sumulat ng tatlong pangungusap tungkol sa natutuhan mo sa binasang sanaysay
Tanong:
Ano ang dapat tandaaan sa pagbibigay ng buod ng isang teksto?
Tandaan Ang buod ng isang teksto ay ang pinaikling nilalaman ng isang kuwento o babasahin. Ito ay maaaring tatlo o higit pang pangungusap.
Pumili at basahin ang isang maikling kuwento o story book na sinulat sa wikang Filipino. Isulat ang buod ng kuwentong binasa sa iyong kuwaderno. Gawing may tatlo hanggang apat na pangungusap ito