HANDBOOK
Para Patibayin ang Mabuting Pagtutulungan ng mga Komunidad at Edmonton Police Service
HANDBOOK para Patibayin ang Mabuting Pagtutulungan Balak ng handbook na ito na tulungan kang maunawaan ang tungkulin ng pagpulis sa Edmonton, sabihin sa iyo kung paano i-access ang mga serbisyo ng pulis, at ipaliwanag kung ano ang maaasahan kapag nilapitan ka ng pulis. Ipapaliwanag din nito ang mga karapatan at mga pananagutan ng kapwa mga miyembro ng komunidad at ng pulis. Makakatulong sa iyo ang maunawaan nang maigi kung paano ka matutulungan ng pulis, at mapapahusay rin nito ang mabuting pagtutulungan sa Edmonton Police Service.
Ano ang Tungkulin ng Pulis sa Edmonton? Tungkulin ng Edmonton Police Service ang magbigay ng proteksyon sa buhay at propiyedad, mintinahin ang kapayapaan at kaayusan, at hadlangan, tuklasin, at lutasin ang mga krimen. Kapag hindi mahadlangan ng pulis ang isang krimen, ang kanilang layunin ay ang imbestigahan at dalhin sa korte ang mga nagkasala. Ang mga tao sa Edmonton ay may karapatang makaramdam na sila’y ligtas sa kanilang mga tahanan at mga komunidad. Nauunawaan ng pulis ang mga problema sa kapitbahayan at nakikipagtulungan sila sa komunidad upang maiwasang maganap ang mga krimen. Ang layunin ay ang pahusayin ang kalidad ng buhay para sa lahat ng mga mamamayan sa ating lungsod.
Nais naming taos-pusong pasalamatan ang Citizenship and Immigration Canada para sa kanilang pinansiyal na tulong at ang Edmonton Police Service para sa kanilang partnership at pagiging dedikado sa pagsilbi sa Komunidad ng Edmonton na nagmumula sa iba’t-ibang mga bansa. Ang kani-kanilang paglahok ay nauwi sa paggawa ng handbook na ito.
Ang mga pulis ay may pananagutang gawin ang kanilang mga tungkulin nang propesyonal at magpakita nang tamang kilos sa lahat ng kanilang ginagawa. Ipinapahayag ng Edmonton Police Service na ang kanilang mga miyembro ay hindi mandidiskrimina laban sa sinumang tao dahil sa kanilang lahi, bansa o etnikong pinanggalingan, wika, kulay, relihiyon, kasarian, edad, pangkaisipan o pangkatawang kapansanan, sekswal na oryentasyon, o anumang ibang katulad na paktora.
Alliance Jeunesse-Famille de l’Alberta Society (AJFAS)
Ang trabaho ng EPS ay pinapatnubayan ng isang malinaw na set ng values: INTEGRIDAD - Ginagawa lagi ang mga tamang bagay para sa mga tamang dahilan. PANANAGUTAN - Nananagot para sa ating mga sariling desisyon at mga kilos. GALANG - Trinatrato ang iba tulad ng nais nilang matrato. INNOVATION - Pagiging mahusay at malikhain. KATAPANGAN - Minimintina ang lakas sa harap ng ating mga pinakamalaking hamon. KOMUNIDAD – Binibigyang-galang at dangal ang mga komunidad na binubuo ng iba’t-ibang mga bansa na Dedikado naming Prinoprotektahan at Ipinagmamalaki Naming Pinagsisilbihan.
Mga Telepono upang Matawagan ang Edmonton Police Service I-dial ang 9-1-1 para lamang sa mga emergency. Para sa mga hindi emergency, i-dial ang 780-423-4567 Ano ang ibig sabihin ng emergency? Kabilang sa emergency ang sunog, kasalukuyang nangyayaring krimen, o isang medikal na insidente o insidenteng maaaring makamatay at na nangangailangan ng ambulansiya. Ano ang ibig sabihin ng hindi emergency? Kabilang sa mga hindi emergency ang mga bagay tulad ng pagnanakaw, nawalang pasaporte, pandaraya, at mga aksidente ng sasakyan kung saan walang nasaktan. I-dial ang 780-423-4567 • Kung kailangan mong magpunta ang pulis sa iyong lugar • Kung kailangan mo ng payô tungkol sa kung paano gumawa ng isang criminal report
I-dial ang 9-1-1 para lamang sa mga EMERGENCY Kapag tumawag ka sa 9-1-1, sasagot ang operator at sasabihin niyang ‘Emergency. Kailangan mo ba ng Pulis, Fire, o Ambulansiya?’ Kung hindi nauunawaan ng 9-1-1 operator ang wika na sinasalita mo, magtatanong sila sa iyo upang malaman kung anong wika ang sinasalita mo. Kung hindi ka makapagsalita para sa anumang dahilan, kaagad na magpapadala ang operator ng pulis sa address kung saan naka-assign ang numero ng telepono. Kung matitiyak ng operator ang wika na iyong sinasalita, ikokonekta ka sa Language Line Service. Tutulungan ka ng isang interpreter na nagsasalita ng iyong wika na sabihin sa 9-1-1 operator kung ano ang iyong emergency at ipapadala sa iyo ang tulong na kailangan mo.
Ano ang Gagawin Pagdating ng Pulis sa Aking Bahay? Ang iyong bahay ay isang lubos na banal na lugar. Sa katotohanan ay kinikilala ng mga korte sa Canada ang pagkasagrado ng bahay ng isang tao. Mayroon kang karapatan sa pagka-pribado sa iyong bahay at ang pulis ay makakapasok lamang sa iyong bahay sa ilalim ng ilang mga kondisyon. Ang pulis ay makakapasok sa iyong bahay kapag: • Kinumbida mo silang pumasok sa loob o pinapasok mo sila sa loob • May emergency, tulad ng kapag tumawag ka ng 9-1-1 • Mayroon silang legal na dokumento na nagpapahintulot sa kanila na pumasok, tulad ng isang Search Warrant na inisyu ng huwes o hustisya. Kapag dumating ang pulis, kausapin sila at tandaan na ang priyoridad ng pulis ay ang panatilihin ang kaligtasan ng mga tao. Madalas ay maaaring hindi maunawaan o hindi alam ng pulis ang mga iba’t-ibang tradisyon ng iyong kultura. Mahalagang-mahalaga ang sabihin sa pulis ang iyong mga pangangailangan. Halimbawa, sabihin sa pulis kung mayroon kang nakatakdang lugar para sa pagdarasal. Huwag matakot magtanong kung mayroon kang hindi naiintindihan. At huwag kang matakot na magpaliwanag sa mga ispesipikong bagay na maaaring hindi nauunawaan ng pulis. Naroroon ang pulis upang tulungan ka at ang komunidad.
Paano Kung Hindi Ako Nagsasalita o Nakakaintindi ng Ingles? Ang Ingles ay pangalawang wika para sa marami sa komunidad. Kung hindi ka nagsasalita ng Ingles, dapat mong subukang magpatulong sa isang kapamilya o kaibigan sa mga bagay na may kinalaman sa pulis. Kung hindi ito posible, ang Edmonton Police Service ay may listahan ng mga empleyado ng pulis na nagsasalita ng ibang wika at na makakatulong sa iyo. Huwag kailanman pumirma ng isang kasunduan o anumang dokumento sa isang legal na bagay kung hindi mo lubos na naiintindihan kung ano ang sinasang-ayunan mo.
Ano ang Dapat Kong Gawin Kapag Nilapitan Ako ng Isang Pulis sa Kalye? Karaniwang malalaman mo kung sino ang pulis sa pamamagitan ng kanilang uniporme. Minsan ay maaari kang makakita ng mga pulis na hindi nakasuot ng uniporme. Kung may duda ka na sila’y pulis, maaari mong hingin ang kanilang ID, kasama ang pangalan at badge number ng pulis. Maaaring tanungin ng pulis ang iyong pangalan, address, kung ano ang iyong ginagawa o kung saan ka pupunta. Sa ilang mga kaso, maaari nilang hilinging tingnan ang iyong ID. Sa karamihan ng mga kaso, hindi mo kailangang magpakita ng ID. Gayunman, maigi ang magbigay-galang at sumagot sa mga katanungan ng pulis. Kung tinanggihan mong sagutin ang mga tanong ng pulis, o sa palagay ng pulis ay mukhang ayaw mong sumagot, maaaring lalong magsuspetsa ang pulis at lalo tuloy itong mag-iimbestiga. Ang layunin para sa lahat ay ang makaabot sa isang resolusyon o lutasin ang krimen.
Sa karaniwan ay maaari kang ma-detain o arestuhin ng pulis sa dalawang sitwasyon: 1. Kung sinususpetsa o pinaniniwalaan nila na nagkasala ka 2. Kung nakita ka nila mismo na may ginagawang sala Kung na-detain o inaresto ka ng pulis sa isa sa dalawang sitwasyong ito, dapat mong ibigay ang iyong pangalan, address, at ID. Ang mga pulis ay may sinumpaang tungkulin na hadlangan at imbestigahan ang mga krimen at panatilihin ang kapayapaan. Kabilang sa mga tungkuling ito ang pag-interbyu sa mga maaaring naging saksi ng mga krimen at interbyuhin ang mga tao na, batay sa mga pangyayari, mukhang may ginawang masama. Kung maaaring malaman kung sino ang mga nagkasala sa pamamagitan ng itsura o kasuotan lamang nila, madali sanang maging pulis, pero sa katotohanan ay kailangang mag-imbestiga ang pulis. Ang ibig sabihin nito’y maaari kang hilingin ng pulis na makipag-usap sa kanila para sa mga dahilan na maaaring hindi mo kaagad mauunawaan. Huwag masamain kung nagtanong sa iyo ang pulis. Ginagawa lamang nila ang kanilang mga trabaho, hinahadlangan ang krimen at tumutulong na panatilihin ka at ang komunidad na ligtas.
Kailangan Ko Bang Sagutin ang mga Tanong ng Pulis o Magpakita ng ID?
Ano ang Dapat Kong Gawin Kapag Inutusan Ako ng Pulis na Humintô Habang Ako’y Nagmamaneho?
Sa pangkalahatan ay wala kang obligasyon na sabihin sa pulis kung sino ka. Gayunman, may mga eksepsiyon, kabilang ang sumusunod: • Kung ikaw ay nagmamaneho ng isang sasakyan • Kung ikaw ay nagkasala tulad ng liquor offence, trespassing offence, driving offence, o criminal offence.
Ang pulis ay may awtoridad na magpahintô sa isang sasakyan kahit kailan upang matiyak kung ang nagmamaneho ay uminom ng alak o gumamit ng mga droga, kung nasa mabuting mekanikal na kondisyon ang sasakyan, kung ang nagmamaneho ay may valid na lisensiya, at ang sasakyan ay may valid na insurance. Ang pinakamalamáng na dahilan ng pulis upang pahintuin ang isang sasakyan ay upang imbestigahan ang isang traffic offence o sala sa pagmamaneho.
Sa mga pangyayaring ito, mas maigi ang magbigaykooperasyon at sagutin ang mga tanong ng pulis. Kung sinususpetsa ng pulis na nagkasala ka o pinagsususpetsahan ka nila dahil sa iyong kilos, tatanungin nila sa iyo kung sino ka. Maraming dahilan kung bakit dapat mainam na sabihin sa pulis kung sino ka: 1. Kung may ibang taong hinahanap ang pulis, maaaring maiwasan mo ang ma-detain o maaresto kapag ipinakita mo na hindi ikaw ang taong iyon; 2. Kung naniniwala ang pulis na nagkasala ka, at hindi mo sinabi sa kanila kung sino ka, maaaring arestuhin ka nila at panatilihin ka sa presinto ng pulis hanggang nalaman nila kung sino ka; 3. Kung sa palagay ng pulis ay gumawa ka ng minor offence o nagkasala ka nang kaunti, at nakontento sila sa pag-identify mo sa iyong sarili, maaaring bigyan ka nila ng ticket o paunawa na nagsasabi sa iyo kung kailan pupunta sa korte sa halip na arestuhin ka.
Kailangan Bang Sabihin ng Pulis Sa Akin ang Dahilan Kung Bakit Ako Inaaresto? OO! Dapat sabihin ng mga pulis sa mga tao ang dahilan kung bakit sila inaaresto o nadedetain. Ito’y kinakailangang gawin sa ilalim ng seksyon 10(a) ng Canadian Charter of Rights and Freedoms o Karta ng mga Karapatan at mga Kalayaan ng Canada.
Ang mga traffic offence ay nasa dalawang mga pangunahing kategoriya: Moving Violations: Speeding, hindi humintô sa red light o stop sign, hindi tamang lane changes, o ang sobrang dumikit sa isang sasakyan. Non-moving Violations: Hindi nagsuot ng seat belt, sira ang brake lights, hindi makapagpakita ng driver’s licence, rehistrasyon ng sasakyan, o katunayan ng insurance para sa sasakyan. Iba pang mga dahilan upang pahintuin habang nagmamaneho: • Impaired driving (ibig sabihin, lasing habang nagmamaneho) at Checkstops • Delikado o walang ingat na pagmamaneho • Mga kriminal na imbestigasyon. Halimbawa, ikaw, ang iyong mga pasahero, at/o iyong sasakyan ay tumutugma sa paglalarawan ng taong hinahanap ng pulis. • Mga alalahanin sa kaligtasan Maraming dahilan kung bakit ang mga traffic stop ay ang pinakadelikadong bahagi ng trabaho ng pulis. Mas maraming mga pulis ang nasasaktan o napapatay habang nagsasagawa ng mga rutinang traffic stop kaysa sa anumang ibang trabaho. Dapat pagmasdan ng mga pulis ang mga kilos ng mga nakasakay sa sasakyan, at patuloy na imonitor ang ibang traffic. Para sa mga dahilang ito, ang mga pulis ay binigyan ng training upang gawin ang mga ligtas na pagpapahintô sa sasakyan sa pamamagitan ng pagsunod sa isang takdang pamamaraan. Maaaring mag-alala ka sa paraan ng paglapit nila sa iyong sasakyan, pero hindi ito ginagawa upang takutin ka.
Kung inutusan ka ng pulis na humintô habang nagmamaneho • Bagalan ang pagmamaneho at itabi nang husto ang sasaksyan sa kanang bahagi ng kalye. • Manatili sa loob ng iyong sasakyan maliban kung iba ang iniutos ng pulis. • Sundin ang sasabihin sa iyo ng pulis. • Panatilihin ang iyong mga kamay sa lugar kung saan makikita ito ng pulis at huwag kumilos biglâ. • Maghandang ipakita ang mga dokumento na hihilingin ng pulis. Bilang tagamaneho ng sasakyan, iniaatas sa iyo ng batas, kapag hiniling ng pulis, na magpakita ng isang valid driver’s licence, rehistrasyon, at katunayan ng insurance para sa sasakyan. • Kung ang dokumento ay nasa glove compartment, wallet, o purse, sabihin muna sa pulis na kukunin mo ang dokumento doon. • Kung binigyan ka ng ticket, tanggapin ito nang kalmado. Ang pagtanggap ng ticket ay hindi nangangahulugang inaamin mo na guilty ka. Bilang tagamaneho, ikaw rin ay mananagot para sa kilos ng iyong mga pasahero, lalo na kung magulo sila, nagtatapon sila ng mga bagay sa labas ng bintana, o nakabitin sila sa labas ng bintana. Dapat mong siguraduhin na laging naka-seat belt ang lahat ng mga pasahero.
Ano ang Aking Mga Karapatan Kung Ako’y Inaresto? May inilaan ang Canadian Charter of Rights and Freedoms na ilang mga karapatan na nagproprotekta sa iyo kung ikaw ay inaresto o na-detain ng pulis. Kabilang sa mga karapatang ito ang sumusunod: • Ang karapatang masabihan kaagad ng dahilan kung bakit ka inaresto o na-detain. • Ang karapatang magkaroon at masabihan ang isang abogado kaagad at masabihan na may ganoong karapatan. Ang salitang “kaagad” ay nangangahulugang oras na ang sitwasyon ay napamahalaan na at nasisigurado ang kaligtasan ng lahat. • Ang karapatang tawagan ang sinumang abogadong gusto mo. • Ang karapatang humingi ng libreng payô mula sa isang legal aid na abogado. Kung ikaw ay wala pang 18 taong gulang, mayroon kang karagdagang karapatang makausap ang isang magulang o ibang angkop na taong nasa hustong gulang sa pinakamadaling panahon. Dapat ipaliwanag ng pulis ang mga karapatang ito sa iyo.
Paano Kung Inaresto Ako at Hindi Ako Nakapagsasalita ng Ingles? Kung ikaw ay inaresto o na-detain at hindi ka nakapagsasalita ng Ingles, dapat maghanap ang pulis ng paraan upang makipagkomunika sa iyo sa iyong wika, tulad ng gumamit ng interpreter. Ito’y upang masabi nila sa iyo nang angkop ang iyong mga karapatan, at maipaliwanag sa iyo ang mga kondisyon ng pag-release sa iyo mula sa custody.
Kailan Ka Maaaring Makapkapan ng Pulis? Sa karaniwan, ang kapangyarihan ng isang pulis na mag-search ay depende sa sitwasyon at mga paniniwala ng pulis. Kung ikaw ay inaresto, maaari kang ma-search ng pulis para sa mga armas, mga bagay na maaaring makatulong sa iyo na tumakas, at ebidensiya ng sala para kung saan ikaw ay inaresto. Karaniwan silang magsasagawa ng isang “frisk search”, kaya kakapkapan ng pulis ang iyong kasuotan, pati na ang iyong mga bulsa. Wala itong kasamang pagtanggal ng anumang kasuotan, maliban sa mga panlabas na kasuotan tulad ng mga jacket, hat, gloves, o mittens. Depende sa sitwasyon, maaaring mag-search sila sa iyong paligid, kasama ang iyong sasakyan, kung ikaw ay nasa loob nang ikaw ay inaresto. Kung ikaw ay pansamantalang na-detain para sa imbestigasyon, maaaring magsagawa ng “pat down” search ang pulis para sa anumang bagay na maaaring gamitin bilang armas. Ang ibig sabihin nito’y maaari ka nilang kapkapan gamit ang kanilang mga kamay upang masigurado na wala kang dalang anumang mga armas. Kung hindi ka inaresto o na-detain, maaari mong tanggihan ang search. Gayunman, maaaring pagpasiyahan mong pahintulutan ang pulis na kapkapan ka kung makakatulong itong mabawasan ang kanilang pagsususpetsa. Kahit na una mong pinahintulutan ang pulis na magkapkap, maaari mo silang hilinging humintô kahit kailan habang ginagawa ang search. Kung sa palagay mo’y hindi tama ang search, huwag makipag-debate sa pulis. Sa halip ay sundin ang proseso ng pagrereklamo na nakasulat sa polyetong ito o tumawag ng abogado.
Paano Kung Mayroon Akong Reklamo Tungkol sa Pulis? Inaasahan ng mga mamamayan ang isang mataas na pamantayan ng kahusayan mula sa ating mga pulis. Kapag may mga alalahanin at reklamo ang mga mamamayan tungkol sa kilos, dapat silang imbestigahan sa isang makatwiran paraan at mabilis na panahon. Ang EPS Professional Standards Branch ang mananagot para sa pag-imbestiga ng mga reklamo laban sa pulis sa isang makatwiran, lubos at walang kinikilingang paraan. Maaari kang magreklamo tungkol sa mga polisiya o mga serbisyo na ipinamamahagi ng Edmonton Police Service, o tungkol sa kilos ng isang pulis ng EPS. Ang reklamo ay dapat nakasulat at dapat pinirmahan ng taong nagrereklamo. Maaari mong isulat ang iyong reklamo sa isang sulat o maaari kang gumamit ng isang standard form, na maaari mong makuha mula sa anumang presinto ng EPS o mula sa Edmonton Police Commission. Dapat kang magreklamo sa loob ng isang taon pagkatapos mangyari ang insidente. Ang reklamo ay dapat ipadala sa mail, fax, o ideliver sa anumang EPS na istasyon ng pulis, sa EPS na pulis, o sa Edmonton Police Commission Office. Maaari mo ring tawagan ang Edmonton Police Service, Professional Standards Branch sa 780421-2676.
Upang makontak ang Edmonton Police Commission: Sa Edmonton, tumawag sa: Telepono: (780) 414-7510 Fax: (780) 414-7511 O sulatan ang: Edmonton Police Commission Suite 171, 10235-101 Street Edmonton, Alberta T5J 3E9 Ang Edmonton Police Commission ang mga civilian na nagmamasid sa Edmonton Police Service. Trabaho nilang siguraduhin na ang serbisyo ng pulis ay nagbibigay ng mabisa, mahusay, at may pananagutang pagpupulis sa lahat ng mga taga-Edmonton. Ang propesyonal at etikong pagpupulis ay mga bagay na minahalaga ng kapwa Edmonton Police Service at ng Commission. Sinisigurado ng Commission na binibigyang-pansin sa mahusay na paraan ang lahat ng mga reklamo para sa kabutihan ng lahat ng mga kasangkot na partido.
Paano Ako Maaaring Maging Pulis? Ang Edmonton Police Service ay aktibong naghahanap ng mga taong kumakatawan sa diverse communities ng ating lungsod upang maging pulis. Sa Edmonton, lumaki ang cultural mosaic at nais ng ating pulis na katawanin nang maigi ang komunidad na pinagsisilbihan nito. Upang maisaalang-alang para sa isang karera na maging pulis, dapat mong matupad ang ilang minimum requirements tulad ng nakalarawan sa Police Services Act.
Dapat matupad mo ang mga sumusunod: • Ikaw ay Canadian citizen o may permanent resident status sa Canada; • Kayang gawin ng iyong katawan at kaisipan ang mga tungkulin ng posisyon, habang isinasaalang-alang ang iyong kaligtasan at ang kaligtasan ng publiko; • Nakatapos ka ng grade 12 o ng katumbas nito (GED). Kapag nagtapos ka ng edukasyon sa labas ng Canada, kailangan ang isang International Qualifications Assessment Certificate. • May mabuting asal at mga kaugalian, ibig sabihin ay isa kang taong pinagkakatiwalaan ng mga tao at may integridad. • Mayroon kang valid driver’s licence para sa Alberta, nang may buong pribilehiyo ng lisensiya, at hindi hihigit sa anim na nakuhang demerit points; • Mayroon kang valid certification sa standard First Aid/CPR Level C pagdating ng panahon ng iyong Personal Disclosure Interview; • Makakapasá ka ng isang security clearance at background investigation, credit at reference checks.
Para sa karagdagang impormasyon: magpunta sa Edmonton Police Service website sa www.edmontonpolice.ca o tumawag sa 780-421-2233.
TAGALOG VERSION
Nais pasalamatan ng Edmonton Police Service ang Alliance Jeunesse-Famille de L’Alberta Society para sa paglikha ng konsepto na nauwi sa paggawa ng handbook na ito.
AJFAS’ main mission is to prevent crime amongst Francophone immigrant youths and families, as well as to help them find a sense of belonging in the Albertan society and workplace.