Pula
biyahe Ang pampanitikang aklat ng Educators’ Gazette, ang opisyal na pahayagan ng mga estudyante ng TARLAC STATE UNIVERSITY- COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Tarlac City Reserbado ang lahat ng karapatan ©2021 Walang bahagi ng aklat na ito ang maaring gamitin o sipiin sa anumang anyo at pamamaraan nang walang nakasulat na pahintulot mula sa mga may akda maliban sa ilang siping gagamitin sa pagrerebyu. PABALAT NI Clarenz B. NARCISO PAGLALAPAT NINA Ray Allen C. DELA CRUZ at Roberto C. JOVENAL Jr. KUWENTO NG KABANATA NINA Lesly Joy F. MAREGMEN, Valerie Ann C. VALMONTE, Erika D. RAMILO, at Ray Allen C. DELA CRUZ
EDUCATORS’ GAZETTE ab uno disce omnes
PABALAT Silakbo at pagsusumamo ng liwanag na makawala sa kabila ng karimarimarim nakababaliktad-sikmurang inihahain sa atin.
Pagkatapos alipustahin ng tatlong dayuhan, hindi mga dayo kundi datu ng sarili niyang dugo ang gumahasa sa bayan. Tinatawag nating imoral ang amang nangmolestiya ng sariling anak, ngunit tatay ang tinawag natin sa lideratong lumaspag sa marami nating karapatan. Tama na. Ang pula ay hindi lamang kulay ng rebolusyong ilang daang taon na nating iginagapang. Sagisag ito ng pagnanasa nating kalayaan sa opresyon, diskriminasyon, pasismo, at rehimeng inalipusta ang karapatang pantao. Nais ng biyaheng ito na gisingin ka. Wala pa man sa istasyon ng tagumpay ay may pag-asa na… kung sasama ka lang sanang magmulat at maghayag. Kapatid, binaboy nila ang iyong lupa.
LESLY JOY F. MAREGMEN Punong Patnugot
Panata ng Educators’ Gazette ang magsilbing boses ng Panggurong Edukasyon sa Tarlac State University (TSU) na siyang magpapahayag ng mga damdamin at kalagayan ng mga mag-aaral sa mga isyu na kinakaharap ng bansa. Inilalahad ng pahayagang ito ang mga balita at istorya sa larangan ng politika, ekonomiya, tagumpay, kasawian, kalamidad at pandemya nang buong katapatan at husay kung saan papel ang entablado, panulat ang mikropono, tinta ang bibig at sulatin ang tinig. Walang banta o salapi ang makababali ng panatang ito ng Educators’ Gazette. Gamit ang pinagkaisang talento sa sining ng mga kawani ng Educators’ Gazette, binigyan ng kakaibang anggulo at atake ang pagtalakay sa mga isyu sa mundo - kuwento ng buhay mo. Ang literary folio na ito ay pinamagatang “PULA” at tumatalakay sa mga konsepto at simbolo na may bahid ng kulay na ito tulad ng rebolusyon, karahasan, katapangan, at pag-ibig. Gayumpaman, hindi lamang dito iikot ang mga paksa sapagkat ang literary folio na ito ay dadalhin ka sa iba pang pagkaunawa sa salita at kulay na pula. Ang bawat pahina ay mag-iiwan sa’yo ng palaisipan sa buhay at sagot sa iyong mga katanungan. Maraming delubyo ang naganap sa nagdaang taon na 2020, lokal at pandaigdigan. Naipabalita at umalingawngaw sa lahat ng panig ng mundo at nag-iwan ng takot sa puso. Sa panahong ito na mabigat ang ating pinagdaraanan, nais ng Educators’ Gazette na makapagbigay ng kaaliwan sa mga pusong nalulumbay, kalakasan sa mga nanlulupaypay at kapanatagan sa mga balisa ang buhay. Naglalaman ang Literary Folio ng mga akdang nakatutuwa, nakakakilig at nag-iiwan ng inspirasyon.
ERIKA D. RAMILO Patnugot sa Panitikan
“Kapag namulat ka sa katotohanan, kasalanan na ang pumikit” Madalas pilit kumakawala ang mga salita sa ating mga labi. Marahil, maaaring may saysay kaya’t ganon na lang kung kumalas ang mga ito. Kahit pa man pilit itikom ang ating mga bibig, may dahilan bakit hindi tayo nito pinapatahimik. Isang gabi, dinalaw ko ang isang himlayan ng mga yumao, tanging bitbit ko ay isang tanong at isang gasera. Pikit mata kong binalangkas ang bukid palayo sa nayong pinagkakait ang mahimbing na tulog Sa isang tabi, ramdam ko ang ginhawang dala ng pananahimik. Waring dinadala ka nito sa selyadong silid na walang takot, walang pangambang makakapasok. Ganito nga ba ang pakiramdam ng isang namayapa na? Walang bayan na aalahanin, walang buhay na handang sagipin? , Nakakatulog man ng hindi nabubulabog ng ingay ng baril, kinakatok ka naman ng mga bangkay sa iyong pintuan na habang pilit mong pinipikit ang iyong dilat na mata, unti-unti ka nang inuuod ng iyong konsensya. Hindi ko maatim ang matulog ng mahimbing sa gitna ng unos. Bitbit ko na lamang ang aking gasera sa aking pagbabalik sa nayon. Hindi man napagpag ang pangamba, dilat ko nang tinahak ang dilim. Walang alinlangan nang sasambitin mga salitang nais sabihin.
Ngayong taon, inihahandog ng Educators’ Gazette ang BIYAHE na maghahatid at magtatalakay sa totoong kalagayan ng lipunan sakay ang pampanitikang aklat na may temang PULA na nilikha gamit ang kapangyarihan ng peryodismo.
Kalakip ang mga akda, mga dibuho, at mga lawaran, ay mabigyan ng katwiran ang lahat ng naratibong maglalahad at magbibigay kuwento sa opresyon, pang-aalipusta, at pasismo na nag-ugat sa pang-aalipin ng rehimeng ito. Sapagkat kaisa ang publikasyon sa pagbibigay ng pag-asang may magandang bukas pang darating. Nawa, ay habang binabalangkas ang bawat istasyon ng aklat na ito, maihatid ang hustisyang inaasam.
ROBERTO C. JOVENAL JR. Patnugot sa Dibuho
RAY ALLEN C. DELA CRUZ Patnugot sa Balita/Pag-aanyo ng Pahina
Berdugo. Uhaw. Salarin. Pagdanak. Himagsikan. Pakikibaka. Opresyon. Pasistang pagmamanipula. Ilan sa mga sumasalamin sa isang lipunang nabahiran na ng pulang kondensasyon na nauwi sa mala-payasong pamamahala ng isang gobyerno na minsan mo nang pinagkatiwalaan. Ang folio na ito ay ang magpapakulo ng mga pulang likido mula sa inyong mga laman. Maaaring dilat ka nga, ngunit hindi ka pa mulat. Dadanak ang dugo… magsisimula ang isang himagsikan.
TIMOTHY RON JOHN S. DOMINGO Punong Patnugot, 2019-2020
I am finally scribbling another message for our literary Folio as a technical adviser. If my memory serves me right it has been a year or two since I last wrote a note of this sort. I am honored and privileged to congratulate our new breed of literary writers for resurrecting COEd now CTE Literary Folio (Biyahe) bearing the theme PULA that symbolizes blood, sacrifices, resentments, and defiance. I invite each and everyone to take time to turn the pages and intensely read every word in every line in every paragraph/stanza in every composition which discloses thoughts, feelings, advocacies, dreams and a lot more. Each translated in pieces of creative fruits of hard work that depicts what transcends imagination. Join us as we continue our journey (Biyahe) this time we promise a more comfortable seats for everyone. To all the editorial board, writers, contributors who made this possible KUDOS for all your sacrifices, for giving your time out of your busy schedules as full-time students, for sharing pieces of your creative minds, for showcasing your artistry, for your persistence to come BACK with a BANG! May this signal a smooth and uninterrupted road trip to the world of CREATION! Job well done!
PROF. ELIZABETH P. BALANQUIT Kasangguni, Educators’ Gazette
1 | BIYAHE
UNANG KABANATA:
Ang mga Sugat
T
uwing sasapit ang gabi kasabay ng rush hour, naging gawi na naming manggulo sa buhol-buhol na trapik sa EDSA.
Beep! Beep! Beep!
Sabay-sabay na pagbusina ng mga sasakyan na aming tinatapatan. Nakasanayan na rin naming mabulyawan ng mga pikon na motorista na halata ang hapo ng pagod at gutom sa trabaho kaya’t madaling nag-iinit ang ulo. Patuloy ang aming paglalakad sa gitna ng trapiko nang biglang nagsitakbuhan ang mga tao sa harap ko—badya nang pagdating nila, ang mga nakaunipormeng pulis. Lahat kami ay nagsipagtakbo, matulin pa sa pagsapit ng alas kwatro. Ngunit, kinapos yata ang ilan sa aking mga kasamahan sapagkat si Mang Boyet at Gilas ay tanaw kong dinampot ng kinauukulan. Nais ko sana silang balikan, ngunit alam kong parehong nangusap ang kanilang mata nang tumingin sa akin na animo’y nagsasabing huwag akong huminto sa pagtakbo. Bigat na bigat na ang mga binti ko at hindi ko na rin nahanap ang ilan sa aming mga kasamahan, kaya’t naisipan ko na lamang magpahinga muna sa gilid ng kalsada. Naisip ko rin si Mang Boyet, ano na lamang ang sasabihin ko sa kaniyang asawa pagkauwi? Tiyak ay mag-aalala siya sakanya, na dating public school teacher at ngayon ay walang dudang nasa piitan… sana.
BIYAHE | 2
Silakbo at pagsusumamo ng liwanag na makawala sa kabila ng karimarimarim at nakababaliktad-sikmurang inihahain sa atin. Tatayo na sana ako upang magpatuloy sa paglalakad para makauwi, nang biglang nagbadya ang buhos ng ulan. Wala akong payong. Unti-unti na sanang maglalaho ang pag-asa kong makauwi nang hindi nababasa sa patak ng ulan, nang makuha ng aking atensyon ang malaking karatula na kanina ko pa pala hawak. “Sahod ng mga guro, itaas!” Tila narinig ko ang kanina naming isinisigaw na hinaing sa gitna ng EDSA nang basahin ko ang nasa placard. *ituloy sa pahina 72
3 | BIYAHE BIYAHE
Dumanak 4 JULIE ANNE NATIVIDAD
Ilang dekadang nakakaraan, mula nang makamit ang Kalayaan sa kamay ng dayuhan ninakaw ang pagkakakilanlan, inalipin ang bayang sinilangan. Si Rizal na intelehensya kasama ang tanging pluma at papel ang ginawang sandata, At si Bonifacio na himagsikan ang ginawang paraan para sa pagkamit ng kalayaan, Ngunit ang hindi nila alam, Sa matapang na pakikibaka ni Supremo Sa kamay pa ng mga kapwa niya Pilipino nakamit ang kamatayan, sa kasagsagan ng himagsikan.
BIYAHE BIYAHE | 4
Pulang Asukal 4 MARIANNE CLAIRE RAMOS
pula ang asukal mula sa bukid ng hacienda panggigipit ang itinanim sa mga hapong magsasaka pang-aabuso ang ipinandilig sa mga pesanteng kaawa-awa pang-aalipusta ang gumapas sa buhay ng mga manggagawa pagkitil ang inani ng mga inosenteng mantutubo na hanggang ngayon ay sumisigaw ng hustisya. pulang-pula ang asukal mula sa bukid ng Hacienda
5 | BIYAHE BIYAHE
Dibuho ni CLARENZ NARCISO Digital Art
Sultada (Sa Saliw Ng Awiting “Manok Na Pula”)
4 LESLY JOY MAREGMEN
Nagsimula ang salpukan, (manok na pula) Biglang tinamaan; nag-gewang-gewang Sa isang iglap lang, kaniyang pinutukan Hindi na nakatayo—patay. Napuruhan. *Paghahanap ng hustisya sa pamilya Gregorio*
BIYAHE BIYAHE | 6
Ang Panawagan ni Magdalena at Maria Clara 4 HERALYN SAUL
Ako si Magdalena, kasuota’y halos kulangin sa tela Sanay nang sinisipulan at pinagpipiyestahan ng mga uhaw na mata ng kalalakihan Ngunit sa loob ako rin ay nasasaktan Sapagkat respeto’y tila binabase lamang sa kasuotan Magdalena, hindi ka nag-iisa sapagkat ako eto, si Maria Clara Mayumi kung gumalaw at balot ng napakahabang tela Subalit gaya mo rin, ako’y hindi ligtas sa marurumi nilang kaisipan Dahil ako rin ay nakararanas ng kabastusan mula sa lipunan Ano ba ang nararapat naming gawin? Kahit anong isuot ay may masasabi pa rin Kasuotan ba ang basehan upang kami’y respetuhin? O malawak na kaisipan ay dapat pairalin? Hindi madali ang maging Magdalena at Maria Clara Sapagkat sa kaligtasan kami ay nangangamba Kaligtasan mula sa mala-agilang mga mata Na handa kaming dagitin makakita lamang ng tsansa Respeto sana’y pairalin ng bawat isa Mapa-Magdalena o Maria Clara man siya
7 | BIYAHE BIYAHE
Dibuho ni CLARENZ NARCISO Digital Art
BIYAHE BIYAHE | 8
Red Flag 4 RAINE AGANON
Misunderstanding, Pride, Power These are what they are showing off Brave ones are crying Shouting their battle cries Other spirits are fighting Through their silent prayer But do we really need to do this instead of caring?
9 | BIYAHE BIYAHE
Dibuho ni GABRIEL CAPITULO Digital Art
Make-Up
4 MELVIN CORPUZ
Red lips, red cheeks, colorful eyes — sad life. I had written a lot of poems about you, yet I find myself still asking, why do you need to walk every day for someone without the assurance of its presence? Are you stuck to that person? Or the unending darkness of yesterday? Making yourself believe for that colorful life you never had. Is that the reason why you just let the colors live on your face?
BIYAHE BIYAHE |10
Sa Unahan ng Bahaghari 4 LESLY JOY MAREGMEN
Pinilit kong baguhin ang aking pagkilos, ang sabi nila’y MALI na si Adan ang manahan kay Eba, at si Eba naman ang kay Adan; kaya’t kumilos ako ng sabi nila’y “naaayon.” Matipuno nila akong nakita, na kung nag-iisa’y PILIT namumukadkad ang bulaklak sa aking pahina. BIGOTE ang tila sumukat sa aking kasarian, na nararapat daw bumuo ng pamilya at maging parte ng kalalakihan, ngunit nagdurusa’t ‘di kalayaan ang kumulong sa aking katauhan. Makabubuo ba ng pamilya ang taong nagnais ng Eba sa katawan niya, at hindi sa kaniyang asawa? 11| BIYAHE | BIYAHE
Dibuho ni CLARENZ NARCISO Mixed Media
BIYAHE | |12 BIYAHE
HITHIT BUGA Photo by: Jayson Balatbat
13 | BIYAHE 13| BIYAHE
A Reminder for a Girl Whose Heart is Made of Water 4 MELVIN CORPUZ
Love is really a hard thing to believe in; they might give it to you like a flower, but remember, a flower withers when cut leaving away from the roots on chest, then can grow some again and then give it to a new victim.
BIYAHE | |14 BIYAHE
If Red Can Speak 4 RAY ALLEN DELA CRUZ
If red can speak Perhaps, he would be red-tagged For saying what’s right And reporting people’s plight If red can speak He would amplify his voice As he cries for justice And true democracy If read can speak He would talk about oppression And the remarkably heinous crimes This regime had done If red can speak He would dedicate it to the masses To whom that are unheard And rights are already teared If red can speak It will surely be about hope That somewhere or someday Justice will be served 15 | BIYAHE 15| BIYAHE
MR. PERFECTLY FINE Photo by: Melvin Mina Corpuz
Seasonal
4 ALLYSA MARANOC
The sound of your promises creates a melody that my ears will never hear again ... until the next election
BIYAHE | |16 BIYAHE
Prisoned Innocence 4 CHERRY RACUYA
As I look through the window of this small, dark room, I can see the serenity of the dark sky contrary to my chaotic and hazy mind. That day keeps on haunting me—her bare face covered with tears, eyes swollen of crying telling me it’s fine though the situation speaks it’s not. Is it fine to be caught red-handed? Is it fine to witness her last breath? “You have the right to remain silent,” the police officer said before handcuffing my wrist with judgement, but being silent wasn’t my right; it is my grim nightmare. The next time I knew I am living behind the bars for killing my wife, but defending wasn’t my forte. I was arrested with no voice, but only sounds desperate to spill the truth. I was imprisoned for killing my wife—the person whom I offered my love and my life. I was falsely arrested without the justice of truth. I was arrested by the same person who raped-slain her—that person in uniform. I remained silent not because he threatened to kill me, but because my mute tongue froze my chance to speak—I can’t utter a single word. I can’t speak the truth for justice buried six feet under the ground.
17 | BIYAHE 17| BIYAHE
Dibuho ni KIM GLENN AQUINO Pen and Ink
World is Prison 4 MITZIE ROSE G. IBANEZ
Caged homes, Barred faces, Empty streets Places are still brimming with cases Causing humans to become hopeless. A once resting place, Now a jail cell to spend our days. Well-crafted faces, Now hidden from our gazes, Streets filled with noises, Now filled with deafening silence. Predators and preys cannot co-exist But it seems that latter will soon cease to exist As humans desperately try To mark their purpose before they die.
BIYAHE | |18 BIYAHE
Magdalena 4 ERIKA RAMILO
Andito tayo ngayon sa aking kuweba kung saan patay sindi ang ilaw na pula, at sa apat na sulok, may inuman, sayawan at kama, gabing walang pahinga sa pagkayod ng pera. Kailangang magpakitang gilas sa kalalakihang mapangahas. Para may ipantustos sa kumakalam na sikmura, para sa pamilyang umaasa sa salaping bigay ng kaluluwa. Magutom o prinsipyo, wala nang pamimilian pa.
19 | BIYAHE 19| BIYAHE
Dibuho ni CLARENZ NARCISO Mixed Media
BIYAHE | |20 20 BIYAHE
ALAS KUWATRO Photo by: Melvin Mina Corpuz
Langgam 4 RAINE AGANON
Tag-ulan na Ang kaibigang maliit ay nasa loob nanaman ng tahanan Ayan na naman sila, Nag-iimbak ng hahapo sa reklamo ng kalamnan Pero may isang bagay lang akong ikinamamangha Sama-sama sila’t nagtutulungan, Di tulad nating pinag-isa Upang magsiraan at magtaksilan.
21 | BIYAHE 21| BIYAHE
Bakas ng Laro 4 HERALYN SAUL
Magtatatlong oras ng hindi umuuwi ang pitong taong gulang na anak ni Aling Clara. Nagpaalam ang kaniyang anak na maglalaro lamang sa labas kanina ngunit hindi maiwasan ng ale ang mag-alala. Maya’t maya pa ay nasilayan na ng ina ang anak na humahangos pauwi sa kanila. Nabunutan ng tinik si Aling Clara subalit tila tumigil ang oras ng dumako ang kaniyang mga mata sa pambabang salawal ng anak. “Saan ka nanggaling anak? Bakit may bakas ng dugo ang iyong salawal?” batid man ng ina ang kahahantungan ng usapan ngunit nais niyang matuklasan ang nangyari sa anak. “Doon po sa bahay nila tito ina, niyaya niya po akong maglaro kanina,” wika ng inosenteng bata. Galit at pagkamuhi ang naramdaman ni Aling Clara subalit alam niyang ibang laro ang ginawa ng tiyuhin ng bata at tanging pagiyak at yakap na lamang sa anak ang kaniyang nagawa.
BIYAHE | |22 22 BIYAHE
Maling Moralidad 4 AIRA MAE PUYAWAN
Imoral daw ang magmura. Ang magsabing “walang hiya!” Ang magsalita ng “Putang*na ka!” Hindi raw para sa mga relihiyoso. Labag sa moralidad. Hindi nararapat. Ngunit, Alin nga ba ang mas imoral? Ang murahin ka ng harap-harapan O ang sirain at pagnakawan ang sarili mong bayan?
23 | BIYAHE 23| BIYAHE
TSINELAS NG MAY PEPE Photo by: Melvin Mina Corpuz
Magtatakip Silim 4 LESLY JOY MAREGMEN
Naglalakad. Pauwi. Makakauwi ba ako ng ligtas? Naglalakad. Pauwi. May hininga pa ba ako bukas? Naglalakad. Pauwi (na sana). Pinutukan ako ng marahan … Ako daw ay nanlaban, Paano ako manlalaban; Kung wala naman akong kalaban-laban?
BIYAHE | |24 24 BIYAHE
Dressed Animal 4 MELVIN CORPUZ
I met a wolf who desires a different prey. Each night, he hunts just so he could breathe— crying and begging for attention. Clueless on his identity— what he was or what he was supposed to be, and then he met a fox. Peculiar, strange, dangerous all written upon the orange coating he followed the fox everywhere it went. The wolf changed his fur so he could belong, so he could become a fox— the greatest deceivers.
25 |1BIYAHE 25| BIYAHE | BIYAHE
Dibuho ni CLARENZ NARCISO Mixed Media
BIYAHE | |26 26 BIYAHE
Fuego! 4 LESLY JOY MAREGMEN
“Fuego!” sigaw ng mga kastila nang kitilin si Pepe. “Eh kung tapusin kaya kita ngayon?” nang kitilin naman si nanay ng nakauniporme.
27 | BIYAHE 27| BIYAHE
Sworn 4 ALLYSA MARANOC
He endures a combat where life’s a fine line from death Whispers prayers—holy, pure then cries never showing a single tear armed with courage and strength —a photo of his little one whom will never get a chance to be held in his arms Finally, after years he’s home— enclosed inside a flag-covered white box.
BIYAHE | |28 28 BIYAHE
Hue 4 RAY ALLEN DELA CRUZ
Roses are red Violets are blue Stop the killings I argue
29 | BIYAHE 29| BIYAHE
1 | BIYAHE
Broken Sand 4 MELVIN CORPUZ
A savant of brokenness, talking of being antithesis around his friends. Commits heart turned into shattered sand, alone in his room is a hypocrite animal. How can you hurt a man thru sand? she asks even the unseen creature can hurt your eyes, he answered rivers of tears can flow off my sight— hurt because of you.
BIYAHE | |30 30 BIYAHE
Betadayn 4 LESLY JOY MAREGMEN
Alam mo, bilib ako sa mga bayaning nakidigma. Bukod sa tagumpay, iniisip ko ang mga sugat, gasgas, at butas sa katawan na idinulot ng bala ng mga dayuhan. Ano kayang panlanggas ang ginamit nila sa hapo ng digmaan? Malamang, pinakulong dahon ng bayabas lang ang nagpapatahan ng sakit at hapdi—wala pang betadayn noon ngunit nagawa nilang pagmanhidin ang mga sugat at lumaban sa opresyon ng tatlong dayuhan. Ikaw kaya? Ilang bulak ba ng panlanggas ang kailangan mo, bago mamanhid sa sugat na dulot ng gobyerno?
31 | BIYAHE 31| BIYAHE
DEVOTEE Larawan ni: Melvin Mina Corpuz
BIYAHE | |32 32 BIYAHE
WRETCHED HALL WAY Larawan ni: Melvin Mina Corpuz
33 | BIYAHE 33| BIYAHE
34 BIYAHE BIYAHE | |34
Peasants 4 RAY ALLEN DELA CRUZ
Beneath the soil Where crops are harvested Surrounds flesh and corpses Seeking for justice *for the victims of Hacienda Luisita Massacre*
35 |1BIYAHE 35| BIYAHE | BIYAHE
P(rose) 4 ALLYSA MARANOC
You thought of love as a rose— of its gentle petals and vibrant color—alluring. But then you forgot that the thorns are parts of it. You held it firmly, got wounded and bled. You threw the rose.
BIYAHE | |36 36 BIYAHE
Si Bantay 4 HERALYN SAUL
Ako si Bantay Sa aking amo’y parating naghihintay Tatahol ng malakas kapag ‘di kilala ang pumasok sa bahay Handang mangagat kung kawata’y sumalakay Isang araw, bigla na lamang akong nagising Sapagkat maruming tubig sa bahay ay unti-unting dumarating Nakita ko ang aking among nagkukumahog umalis Iwinagayway ko ang buntot ngunit mata’y lumihis, Sa paglipas ng oras ay walang among bumalik Pilit hinihila ang tanikala sapagkat sa pagkawala ay nananabik Ngunit ang kagaya kong bantay ay tinamaan nga naman ng lintik Dahil ako’y unti-unting nilamon ng bahang puno ng putik.
37 | BIYAHE 37| BIYAHE
RESTRAINED GUARD Larawan ni: Melvin Mina Corpuz
BIYAHE | |38 38 BIYAHE
Terorista 4 LESLY JOY MAREGMEN
Hindi ang mga aktibista ang kalaban ng masang Pilipino. Kung humahanap ka ng terorista, Tingnan ang mga naka-unipormeng nagmamartya.
39 | BIYAHE 39| BIYAHE
INK-KNITTED SCARS Larawan ni: Aira Mae Velasco
Maguindanao 4 ALLYSA MARANOC
Sa gunita ng mga paniniwalang iwinaksi ng plumang mapagsiwalat, dugo lamang ang makapupuno sa tintang hindi sasapat.
BIYAHE | |40 40 BIYAHE
GWD 4 CHERRY RACUYA
Mga bulag, pipi, at bingi Marami’y paralisado, ang iba’y pilay puro sablay Nagsisisihan, nagsisiraan, wala ng napagkasunduan Tama bang sila’y nahalal o tamang sila na’y humimlay Tila mga paralisadong hindi makagalaw Minsa’y bulag, hindi makita mga problema’t sakuna Madalas ay bingi, ayaw dinggin mga saklolo’t pagmamakaawa Laging pilay, paika-ika ang mga hakbang At sa tuwina’y pipi, sinasabi’y walang katuturan Puro kahunghangan at kamangmangan. Animo’y mga anghel, tuwing halalan Kulang nalang halikan ating mga talampakan Ngunit kapag sila’y nailuklok na sa panunungkulan Parang walang mga kamay, hindi kayang mag-abot tulong sa nangangailangan Pawang mga baldado tuwing sila ay kailangan Nagbubulag-bulagan sa dinaranas na paghihirap ng mga mamamayan Puro satsat, wala namang nagawang tama, walang naisasakatuparan Ah!, sila nga pala iyan, Ang GWD, GOVERNMENT WITH DISABILITY, Maaasahan sa matiwasay at progresibong bayan.
41 | BIYAHE 41| BIYAHE
AGONY Larawan ni: Melvin Mina Corpuz
BIYAHE | |42 42 BIYAHE
Cry Me A River Justice 4 RAY ALLEN DELA CRUZ
To a blameless newborn child Who wasn’t able to cry for justice, The world is cruel to you To a mother lamenting for her daughter’s demise While power is erroneously wielded to her, The world is cruel to you Injustice is a never-ending cycle And a recurring ellipsis, Change the world so it will not be cruel to you, again. *for all the victims of injustice and oppression inflicted by the regime
43 |1BIYAHE 43| BIYAHE | BIYAHE
An Activist’s Plea 4 CHERRY RACUYA
Ignored cries and pleas Cuffed while burying her child Justice, rights – denied.
BIYAHE | |44 44 BIYAHE
50 Shades Of Red 4 MARIANNE CLAIRE RAMOS
Huling klase na sa araw na ito, hindi magkamayaw ang lahat sa pag-uwi. Puno ng kaba ang aming mga dibdib dahil malapit na kaming mahusgahan ng aming grado. “Mabuti ka pa, Jean. Ang tataas ng grades mo. For sure, magtatapos kang Cum Laude niyan!” “Oo nga. Puro uno ba naman ang makikita sa records mo. Sana all!” Hindi ako matalino. Hindi ako magaling. Mas lalong hindi ako kasing-husay ni Jean. Isa lamang akong hamak na kolehiyalang nananatili ng 6 na taon sa unibersidad na ito. Huling subject na lang. Makapasa lang ako rito ay sure ball na ang pagdalo ko sa aming martsa. Ngunit mukhang alanganin pa yata dahil napakababa ng nakuha ko sa exam. “Natapos ko nang i-compute ang grades ninyo. May nakakuha ng tres at kwatro. Uno ang pinakamataas na ibinigay ko,” balita sa amin ni Sir Gab.
45 | BIYAHE 45| BIYAHE
RETAIL Larawan ni: Melvin Mina Corpuz
Hindi humupa ang aking kaba kaya nang sumapit ang uwian ay nagmadali akong makauwi na subalit bigla na lamang akong nakaramdam ng paghagod sa aking pang-upo. Pinukulan ko siya ng tingin at sinuklian lamang niya ako ng makahulugang ngiti na animo’y nagsasabing pasado ako.
Gumaan bigla ang aking loob.
Desperado na akong makapagtapos. Kung isang pulang marka ang bubungad sa akin ay hindi ko na kakayanin pa. Kaya naman pagbukas ko ng aking portal ay labis-labis ang aking pagkagulat. Uno. Unang pagkakataon na makakuha ako ng uno. Hindi ko na napigilan ang kasiyahan kaya’t nagtatalon ako sa aking silid kasabay ng pagtunog ng aking cellphone. Isang text ang aking natanggap mula sa isang hindi pamilyar na numero ngunit kilalang-kilala ko kung sino ito. “Salamat, Red. Napaligaya mo ako noong nakaraan. Napahanga mo ako. Sana hindi pa iyon ang huli. Congrats nga rin pala.”
Makakapagtapos na rin ako sa wakas.
BIYAHE | |46 46 BIYAHE
Gabriela 4 MARIANNE CLAIRE RAMOS
Tumindig ka, Gabriela. Ang iyong tindig ay tinig ng mga pinagkaitan ng hustisya. Manalig ka at isalba ang mga inabuso ng sistema. Magsilbi kang pag-asa ng iyong bayang inalipusta. Patuloy kang makibaka kahit tingin nila sayo’y terorista. Sa pagtatama ng bala ay mag-aalab ang tama. Hindi pa tapos ang laban, Gabriela.
47 | BIYAHE 47| BIYAHE
Dibuho ni CLARENZ NARCISO Pen and Ink
BIYAHE | |48 48 BIYAHE
ALMS, ALMS, ALMS Larawan ni: Melvin Mina Corpuz
49 | BIYAHE 49| BIYAHE
Pasador 4 CHERRY RACUYA
Nagdurugo, kailangang tapalan, Ika ni Ina, nang aking ipaalam. Ako’y napamaang, paano na iyan Mali ata Ina ang ‘yong pagkakaalam. Hindi ito dalaw lamang ng buwan, Ina Natakot kasi ako, ayaw ko ng gulo’t problema Akala ko’y ‘di magbubunga, akala ko lang pala Kasi maraming beses naman ng nangyari ‘to, lalo na’t palagi kang wala Ina, hindi pasador ang kailangan ko, nais ko’y hustisya Para sa anak kong anak rin ni Ama.
BIYAHE | |50 50 BIYAHE
Berdugo 4 LESLY JOY MAREGMEN
Ilalarawan ko pa ba kung si tatay na?
51 | BIYAHE 51| BIYAHE
Dibuho ni CHARLES ESPINOSA Digital Art
Alulong 4 VALERIE ANNE VALMONTE
Sa kabila ng kaliwa’t kanang tahol ng mga asong tila hayok na hayok makadawit ng butong maipanglalaman sa sikmura Nanatili pa ring nakapinid ang iyong pandinig at tila nabulag ng ibang salita.
BIYAHE | |52 52 BIYAHE
I Once Heard a Farmer 4 RAY ALLEN DELA CRUZ
I once heard a farmer In a monotone voice, Complaining, Not for the work he does Nor in the place he works. He breathes in Then breathes out. “What’s wrong about us?” The man uttered The landlord handed him his wages And he seemed totally upset “Until when will I receive this kind of amount?” Maybe, when injustice is still thriving I said in my mind.
53 | BIYAHE 53| BIYAHE
Dibuho ni KIM GLENN AQUINO Pen and ink
Undeserving Pleasure
4 MELVIN CORPUZ
It was an awful smell tattooed on my skin, red stain I got from your tongue. Feathers that once made me laugh, now making me scream in silence. I like it because it was pleasing, but I hate it because it wasn’t you.
BIYAHE | |54 54 BIYAHE
55| BIYAHE 55 | BIYAHE
NEVER APART; JOINED AT HEART Larawan ni: Aira Mae Velasco
BIYAHE | |56 56 BIYAHE
Middle Class 4 VALERIE ANNE VALMONTE
Ikatlong buwan ng taon Nang mistulang naging bilangguan Ang dapat sana’y tahanan. Mga hanapbuhay na mistulang lumipad Malaking palaisipan kung paano muling haharapin ang bawat umaga. Shet! Nariyan nga pala ang SAP (Social Amelioration Program), o baka naman Sino Ang Pwede?
57 |1BIYAHE 57| BIYAHE | BIYAHE
Puting Burak Sa Capital 4 VALERIE ANNE VALMONTE
Parang kay bilis ng iyong pag-alis Teka lang, teka lang, teka lang muna Masyado pang maaga ... para maanod ka.
BIYAHE | |58 58 BIYAHE
Stripes 4 MELVIN CORPUZ
He lights up a cigarette, yellow and black is what he wears— two colors for a confused man like him.
59 | BIYAHE 59| BIYAHE
A Night With Him 4 MELVIN CORPUZ
We planned for it, twice. Tasting each other’s paradise, Satisfying one’s wants. Rubbing hands off a stick, We started a fire— a war inside my room. We forget about the fire, caught by her. Death.
BIYAHE | |60 60 BIYAHE
Matang Nakapiring 4 HERALYN SAUL
Si Pepe, isang masunuring mamamayan Isang araw ay naglalakad sa daan Dumaan sa kanto at may narinig na sigaw Ngunit isinawalang bahala at mas binigyang atensiyon ang nagkukumpulang langaw “Tulong! Iligtas ninyo kami!” wika ng mga taong nagdurusa “Gawa, hindi puro salita!” ayon sa mga taong kailangan ng pagkalinga “Nasaan ang gobyerno sa oras ng pangangailangan?” sambit ng mga taong nagkukumpulan Napalingon si Pepe, kumunot ang noo, at malakas na winika “Puro kayo reklamo! Ano bang ambag niyo?” Mga salitang ibinato sa kapwa Pilipino
61 | BIYAHE 61| BIYAHE
Dibuho ni KIM GLENN AQUINO Pen and Inj
BIYAHE | |62 62 BIYAHE
SA LIKURAN Larawan ni: Melvin Mina Corpuz
63 | BIYAHE 63| BIYAHE
In the Withered Farm 4 RAY ALLEN DELA CRUZ
In the withered farm I see no life As the farmers continue to die While capitalists only thrive In the withered farm Comes the orange sun rays And a rice field to gaze upon Where all innocent lives have gone In the withered farm Lives all stories of chaos and pandemonium And resides narratives of peace Taken away from its dwellers In the withered farm Thrives a lost sanctuary Where killing spree flourished And became the resting place for buried bodies
BIYAHE | |64 64 BIYAHE
Malasang Kaban 4 ALYKKA MAE G. PUNSALAN
Kakaibang haplos ang aking naramdaman Malamig na tila ba nakakakiliti ng kalamnan. Bahagyang naimulat ang aking mata sa pagpisil mo rito ng marahan. Ako’y nagulat ng mukha mo ay nasilayan. “Nene” sambit mo na ngayon ay nasa itaas ko. “Baka marinig tayo” Walang magawa at nasambit nalang ay “wag po”. Bawat dampi ng labi ay nag-iiwan ng marka. Kasabay ng aking hikbi ang ingay ng kama. Pagtaas at pagbaba Labas-masok sandata mong walang awa. Ika’y nakapikit habang pinapasok mo nang pilit. Luha ko’y pumatak, hanggang sa malasahan ang pait. Pinatihaya, pinatuwad at pinadapa upang masambit “Nene, kapit”.
65 | BIYAHE 65| BIYAHE
SILENCE Larawan ni: Princess B. Junio
Isang mariin na pagsugod ang iyong ginawa. Naghihingalo at mabilisang iniluwa. Pulang likido ang sumilay sa kaban na naiwang nakangawa. Binti ko’y hindi na maramdaman; nais ko nang kumawala. Ulirat ko’y sumapi at sa kabila ng hapdi Tumayo nang dali-dali. Mula sa ibaba, naaninag ko ay pula. Malapot at tila malansa. “Kuya” sabit ko ng puno nang pagmamakaawa. Ako ay sampung taon at ito ang aking unang pagkakataon. “Nene, ikaw pala ay malasa” Walang bahid ng romansa sa taong puno ng pagnanasa.
BIYAHE | |66 66 BIYAHE
Bloodshots 4 MARVIN BRYAN N. VALENCIA
“You’re ashamed of me.” He made it clear in his tone that he was in fact offended. I heaved a breath. I could almost feel the weight of the eye contact he’d definitely dart at me once I finished turning on my heel to face him. Sharp. Intent. Honest. “No.” I replied. He didn’t say anything in return. His eyes were locked to mine and I couldn’t look away. There wasn’t a single muscle on his face that he allowed to move accordingly to the overwhelming emotion running in his veins. “I promise, I’m not!” I assured, though I sounded like I was trying to convince him of my honesty. Why was I trying to prove my honesty? I wasn’t lying after all. “Lose the glasses then.” he challenged. “I--” I immediately stammered. I was lying. The tinted glasses remained on. “That’s what I thought.” He scoffed. “Oh, come on.” I sighed. “No, you don’t get to lie to my face again!” “I’m not lying! I told you, I’m not ashamed of you!” “I don’t believe you.” “I’m telling you the truth!” I began taking steps toward him. “Take off the glasses.” “You know I can’t!” “What do you mean you can’t?” “I-I just can’t, okay?” 67 | BIYAHE 67| BIYAHE
“What do you mean you can’t?” “I-I just can’t, okay?” He raised a brow. “And that is your choice.” He was now yelling. I couldn’t blame him for that. “Because I don’t have a choice!” I yelled back. Heavy breathing followed my words. Okay? I. Don’t. Have. A choice!” I wasn’t angry though. I had no right to be angry. But I knew he was a delicate person and the way I just delivered those words definitely hurt him even more. I began to tear up. Guilt slowly crept into my bloodstream. “I am not ashamed of you.” “What is it then?” “I just…can’t.” “You can’t—” Disbelief cut him off. He began tearing up but he didn’t say anything more. He just looked at me, tears on the edge of his ducts ready to stream across his cheeks anytime. “I mean I-“ I didn’t know what I meant. I had no good reason. “It’s complicated.” I croaked. “Complicated?” He gasped. I didn’t have an answer. “But it’s not complicated for you to be seen with that?” His eyes shifted from my face to my hands. Only when I followed his stare, I knew he referred to my wrists. He blinked and both his eyes released teardrops. “You can’t afford to admit that you are embarrassed to have me but you can parade that to everybody?” “It’s not like that.” I tried explaining. He didn’t care. “How are those different from me, huh?” “You know that is a different story.” “It wasn’t when you got them.” He was right. Then it was a full minute of silence. I didn’t say a word. I couldn’t say a word. I just looked at him. BIYAHE | |68 68 BIYAHE
“You’re unbelievable” It was unbelievable. “I’m sorry.” I was sorry. “I’m really sorry.” “That’s what you always say.” “Because I am.” “Obviously.” We were both cut to a stop by the vibrating phone on my bed. We both looked at it. I didn’t realize the time until I had to check who was trying to reach me. It was my friend and I was running late. “Let’s talk about this again tonight. I’m late for school.” He didn’t say a word. “I promise to make it up to you.” Still nothing. I wanted to prove my apology more but I had to leave as soon as possible. I will miss the bus if I don’t. After I adjusted my glasses to my comfort, I picked up my bag that housed too few of what I actually needed for school. I didn’t want to carry the weight. I couldn’t carry the weight. I wanted to look at him and mouth another apology. But the stare alone would only be an insult to the injury. I resorted to my peripheral vision instead to catch a glimpse of him before I completely left the room. He was doing the same thing.
69 | BIYAHE 69| BIYAHE
Dibuho ni CLARENZ B. NARCISO Digital Art
BIYAHE | |70 70 BIYAHE
71 | BIYAHE 71| BIYAHE
IKALAWANG KABANATA:
Ang mga Panlanggas
N
akauwi akong basa sa buhos ng ulan. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto naming gawa sa pinagtagpi-tagping yero. Akala ko’y tagumpay ko nang napasok ang aming bahay ng hindi ginigising si nanay, ngunit mali pala ako.
“Basa ka na naman ng ulan, baka ka magkasakit. Hindi ba’t may pasok ka pa bukas?” Banayad na sabi ni nanay na bakas ang pag-aalala. Idedepensa ko sana ang sarili ko, pero niyaya niya na ako sa kusina at pinakain. “Nanggaling kanina dito si Vilma,” sabi ni nanay kaya’t saglitan akong napahinto sa pagsubo ng mainit na lomi. “Tinatanong kung nakauwi na kayo…” dagdag pa niya kaya’t minadali ko ang pagkain. Hindi pa ako handang sabihin ang nangyari kay Mang Boyet. Halos isubsob ko ang mukha ko sa mangkok at binilisan ang paglamutak sa lomi nang hinaplos ni nanay ang kamay kong may hawak na kutsara. “Dahan-dahan, Tupe. Bukas ka na lamang magkwento,” sabi ni nanay… na tiyak kong alam na ang nangyari. Kinaumagahan, mabilis akong naghanda sa pagpasok. Ramdam ko pa ang lamig ng hamog nang maglakad ako patungong eskwelahan kaya naman marahan kong pinagkikiskis ang aking mga palad at saka ihahaplos sa magkabilang braso upang madampian ng init ang aking katawan. Ilang saglit ng paglalakad ay nasa eskwelahan na ako. Umupo ako sa sulok ng klasrum at dahan-dahan kong isinubsob ang aking mukha sa matigas na mesa na tila pinaglumaan na ng panahon. Mararating ko na sana ang paraiso nang biglang nagsarado ang pinto kasunod ng pagtatayuan ng aking mga kamag-aral. “Magandang umaga, Binibining Flores!” sabay-sabay na pagbati nila habang pilit ko pang binabalik ang sarili sa huwisyo.
BIYAHE | |72 BIYAHE
Si Binibining Flores. Tumanda na sa serbisyo. Patunay ang mga puting buhok na dinomina ang mga itim, ang mga matang kulay abo, kulu-kulubot na balat, at ako, na estudyante niya noong high school ay naging estudyante niya pa rin nang lumipat siya sa kolehiyo. Paanong hindi mo sila ipaglalaban? Silang nilaspag sa pagtuturo ngunit pinabayaan. “Bukas na ang umpisa ng practice teaching niyo,” pag-uumpisa ni Binibining Flores saka dahan-dahang lumapit sa akin. “Handa ka na ba, Tupe?” Dagdag pa niya na bakas ang kasabikan na sa wakas ay makatapos ako. “Opo, nanay” na lamang ang aking nasambit. *ituloy sa pahina 130
73| BIYAHE 73 | BIYAHE
Abot Kaya? 4 RAINE AGANON Kasama ng mga langaw at asong gala Ay silang may sikmurang pinatibay ng ‘di piniling kakapusan Bago ang bukangliwayway, Darating ang grasyang pagsasaluhan Ng mga mag-anak na napilitang tumangkilik Ipagpagpag ng sikretong pampalasa Ang mga bahid ng pagkalkal Sampung piso ang halaga
74 BIYAHE | |74 BIYAHE
In Between 4 RAINE AGANON Listen. From the loudest to the quietest voice, you’d ever heard. Stories are told in different ways Right now, close your eyes and be silent. Listen, From the ringing shout to the unspoken thoughts Listen, From the resounding tone of notion to the silent written insights Listen, From the blaring cries to the faintest sob Listen, From the giant ideas to the dwarf conceptions Listen, From the darkest mind to the most innocent ones Listen, not just for the sake of replying Listen, To learn To understand To act accordingly To be better Listen, Do not just be heard. Do not just hear, Listen. 75 BIYAHE | BIYAHE 75|
Dibuho ni Kim Glenn Aquino Digital Art
BIYAHE | |76 BIYAHE
Lihim mula sa lihim 4 SEAN KATE O. SUNDIAM
“PANAWAGAN!” kapansin-pansin ang unang bahagi ng liham na bumungad sa akin. “Ano kaya ang laman nito?” tila may bumubulong sa akin upang basahin ang nilalaman nito. Aba! Ito pala ay nagmula sa matalik na kaibigan ni Lolo. Naisinop pa pala ni lolo ang ibinigay na liham ng matalik niyang kaibigan. Gayon na lamang ang pagpapahalaga niya sa liham na ito. Dahan-dahan ko itong binuksan hanggang sa tuluyan ko nang makita ang nilalaman.
77 | BIYAHE 77| BIYAHE
Dumanak na ang dugo. LALABAN TAYO PARA SA BAYAN! Nawa’y maging boses ka ng mga taong pinagkaitan ng lakas upang magsalita. Nawa’y maging mata ka ng hindi magandang gawa. Nawa’y pakinggan mo ang hinaing ng bawat isa. Nawa’y maging kakampi ka ng bayan upang sugpuin ang ‘di makataong pagtrato. Huwag mong talikuran ang tawag ng tungkulin upang maglingkod sa Inang Bayan. TUMINDIG KA, PARA SAYO AT PARA SA IBA. MAKIALAM KA, PARA SA KASALUKUYAN AT PARA SA HINAHARAP! Ito man ang maging huling liham ko, asahan mo Katoto na lubos kong pinagsilbihan ang Bayan. Mawala man ako’y asahan mong nagampanan ko ang aking misyon sa buhay. Nawala man ang matalik na kaibigan ni Lolo dahil sa pakikipaglaban sa giyera noong panahon nila, binuhay naman niya ang kamalayan ko. Mula noon hanggang ngayon, iisa pa rin ang gampanin natin, ang paglingkuran ang bayan.
BIYAHE | |78 BIYAHE
Lihim mula sa lihim
Ni: Sean Kate O. Sundiam “PANAWAGAN!” kapansin-pansin ang unang bahagi ng liham na bumungad sa akin. “Ano kaya ang laman nito?” tila may bumubulong sa akin upang basahin ang nilalaman nito. Aba! Ito pala ay nagmula sa matalik na kaibigan ni Lolo. Naisinop pa pala ni lolo ang ibinigay na liham ng matalik niyang kaibigan. Gayon na lamang ang pagpapahalaga niya sa liham na ito. Dahan-dahan ko itong binuksan hanggang sa tuluyan ko nang makita ang nilalaman. Dumanak na ang dugo. LALABAN TAYO PARA SA BAYAN! Nawa’y maging boses ka ng mga taong pinagkaitan ng lakas upang magsalita. Nawa’y maging mata ka ng hindi magandang gawa. Nawa’y pakinggan mo ang hinaing ng bawat isa. Nawa’y maging kakampi ka ng bayan upang sugpuin ang ‘di makataong pagtrato. Huwag mong talikuran ang tawag ng tungkulin upang maglingkod sa Inang Bayan. TUMINDIG KA, PARA SAYO AT PARA SA IBA. MAKIALAM KA, PARA SA KASALUKUYAN AT PARA SA HINAHARAP! Ito man ang maging huling liham ko, asahan mo Katoto na lubos kong pinagsilbihan ang Bayan. Mawala man ako’y asahan mong nagampanan ko ang aking misyon sa buhay. Nawala man ang matalik na kaibigan ni Lolo dahil sa pakikipaglaban sa giyera noong panahon nila, binuhay naman niya ang kamalayan ko. Mula noon hanggang ngayon, iisa pa rin ang gampanin natin, ang paglingkuran ang bayan. 79 | BIYAHE 79| BIYAHE
Haciendero 4 AIRA MAE PUYAWAN “Anak, tingnan mo ang buong paligid” ang nakangiting paanyaya ng amang si Rody. “Napakalawak po, itay.” “Pagmasdan mong mabuti ang lupaing abot tanaw”. “Diyan ka magtatrabaho.” At iniabot ni Rody ang regalong gapas at salakot sa anak na nagdiriwang ng ika-labimpitong kaarawan.
BIYAHE | |80 80 BIYAHE
81 | BIYAHE 81| BIYAHE
TAYMPERS Larawan ni: Melvin Mina Corpuz
BIYAHE | |82 82 BIYAHE
Isang kurap: Isang pangusap 4 SIAN KATE SUNDIAM Isang kurap,
Tungo sa sagot na hinahanap. Isang pangusap, Sa sakit na nilalasap. Sa simula ng proseso, Tila lahat ay dehado. Sa bawat bugso ng laban, Tila ‘di alam ang kakapitan. Isang manunulat na handang hamakin ang lahat, Upang lahat ng tao ay sa katotohanan mamulat. Bakas ang takot sa mga matang pagod, Pero puso ang siyang kapahingahan ng tintang napudpod. Panulat ang sandata, Pero bakit dahas ang ibinalik nila? Panulat ang instrumento, Pero bakit umulan ng bala rito?
83 | BIYAHE 83| BIYAHE
SIDEWALK VOYAGERS Larawan ni: Melvin Mina Corpuz
Akala ko’y pula ang kulay ng kasiyahan, Ngunit pula rin pala ang kulay ng kamatayan. Takot, pagod, gutom at pangamba, Na sinuklian sa pagkitil sa buhay nila. Hindi kalabisan na hingin ang tulong ng mamamayan, Ito ay laban ko, laban mo at laban ng Bayan. ‘Wag mangamba sa bungo ng pag-aaklas, Sapagkat dito maipamamalas natin ang ating lakas. Kung pula ang kulay ng kamatayan, Pula rin ang simbolo ng pagkakaisa ng Bayan. Sama-sama tayo sa pag-unlad nitong Bayan, Bayan na titirhan ng susunod na henerasyon at kabataan. Isang kurap, sa matang nangungusap, Ituloy ang laban, na puso ang sangkap. Isang kurap: isang pangusap, Sa laban na tagumpay ang malalasap.
BIYAHE | |84 84 BIYAHE
Sa hapag ng Pandemya 4 LESLY JOY MAREGMEN
85 | BIYAHE 85| BIYAHE
Sa mesang lasap ang sarap, tila noche buena ang pagkaing nasa hapag. Amoy pa lang, nakakabusog na.
DIBUHO NI CLARENZ NARCISO Digital Art
Kadarating ni tatay kaya’t tiyak ang kalam ng kaniyang sikmura. Pagod niyang tinanggal ang kaniyang bitbit na bag bago hinalikan si nanay na naghahanda naman ng hapunan. Sinaluhan muna kami ni tatay sa aming kwentuhan— hinihintay ang masarap na hain ni nanay. Masaya kaming nagtatawanan sa mesa nang ayan na… paparating na si nanay dala ang pagsasalu-saluhan. BURP! Nakakabusog ang ulam. Mabuti na lamang at nakapagluto si nanay bago dumating si tatay. Laging ganito ang ulam mula nang mag-umpisa ang pandemya pero ayos na. Mabuti na lamang at nagkasya. Muli kong binuksan ang supot na galing sa barangay. Isa na lang pala ang natitira. Isang lata ng sardinas. BIYAHE | |86 86 BIYAHE
WARZONE Larawan ni: Melvin Mina Corpuz
Sa habag ng pandemya (Lesly Joy Maregmen)
Sa mesang lasap ang sarap, tila noche buena ang pagkaing nasa hapag. Amoy pa lang, nakakabusog na.
Grace Kadarating ni tatay kaya’t tiyak ang kalam ng kaniyang sikmura. Pagod
niyang tinanggal ang kaniyang bitbit na bag bago hinalikan si nanay na naghahanda naman ng hapunan. Sinaluhan muna kami ni tatay sa She’s olderaming than my time. kwentuhan— hinihintay ang masarap na hain ni nanay. Masaya She aged that evennagtatawanan milk wouldn’t sa likemesa to touch lips, kaming nangher ayan na… paparating na si nanay yet her mind stayed for her infinity childhood. dala ang pagsasalu-saluhan. Her name was the opposite of her life. What matters is that her smile cleanses the situation’s riot. BURP! 4 MELVIN M. CORPUZ
Nakakabusog ang ulam. Mabuti na lamang at nakapagluto si nanay bago dumating si tatay. Laging ganito ang ulam mula nang mag-umpisa ang pandemya pero ayos na. Mabuti na lamang at nagkasya. Muli kong binuksan ang supot na galing sa barangay. Isa na lang pala ang natitira. Isang lata ng sardinas.
87 | BIYAHE 87| BIYAHE
Red Wine 4 RECHELL MONTES
I am thirsty they say, I love the idea of being loved, but afraid of being drowned of its wave. I sip every wine, taste every glass I could lick, but never once let them into my fluid. It’s always the red one, the avoidable feeling, the one that makes you go insane and die to its core. It’s a frightening thought, how can a red wine poison you, and locks you in a position that takes perpetual to get out? Well, I must say, beware of red wines, they are the vicious ones.
BIYAHE | |88 88 BIYAHE
Limited power Turns Unlimited 4 SIAN KATE SUNDIAM
I am powerless, not brainless. Deep down my soul, is a brave human underneath my writings. A country of democracy, needs people to be the voice of voiceless. Not sure about the results? But be string to witness the success. Uncertainties are certain, So hold on and FIGHT! Let blood flow, for it shows braveness without flaws. Humans are not brainless, So FIGHT for what is RIGHT! Humans are not slaves, So have courage to win your battles. If there are abused, Be their Voice. If they are deaf, Keep that noise! We are people of powers,
89| BIYAHE | BIYAHE 89
Thus, remove the agony to defy the odds. We are humans of substance, So create form and be substantial. They are powerful, But you are more powerful than them. You are the change the world is waiting for. You are the hope that they have been waiting even before.
Dibuho ni REGINA MARIE ASIO Mixed Media
BIYAHE | |90 90 BIYAHE
Kumukulong dugo 4 ERIKA RAMILLO
“Tulong…” Isang bulong na gumising sa’king pagkakahimbing. Alam kong panaginip lang iyon kaya’t nagpatuloy ako sa pagtulog. “Tulungan mo ‘ko,”pag-uulit niya. Sa puntong ito ako’y natawagan. May kung anong lamig na dumaloy sa aking tainga at kabang umabot sa aking puso. Alas tres pa lang ng madaling araw. Wala pang gising kaya’t imposibleng may humingi ng tulong. Bumangon akong nakapikit ang mata. Sa aking pagkakatayo, lalo pang lumamig ang paligid ko. Idolo ko si Andres Bonifacio, matapang na tao, kaya nagtapang-tapangan ako. Minulat ko ang aking mata. ‘Di ako nagulat sa bumulaga, babaeng nakaputi at itiman ang ilalim ng mata.
91 | BIYAHE 91| BIYAHE
Dibuho ni KIM GLENN AQUINO Pen and Ink
Hindi ako natakot kun’di naawa—sa mukha niyang maga, katawang tadtad ng pasa. Halatang pinahirapan ngunit lumaban, lumalaban. Hindi pa man sumadsad sa aking isipan ang nais kong katanungan, nagsalita na si ate. “Ginahasa ako ng politiko, nagdemanda ngunit nabigo, ibinasura ng hukuman ang apela ko, ipinilit ko ngunit binalikan lang ng demonyo, nilagutan ang hininga upang sila’y bumango, at isinisi sa iba ang kasamaan ng mga tarantado.” Nanatili ang mga mata ko sa kaniya, ngunit nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. “Kailangan ko ng hustisya. Pakiusap, attorney.” Pagtatapos niyang bakas na uhaw sa hustisya. Tignan mo nga naman ang mundo. Kaytagal nang sarado ang kaso pero minumulto pa rin ako… sa krimen ng tatay kong politiko.
BIYAHE | |92 92 BIYAHE
Rosas 4 MARIEANNE ClAIRE RAMOS May mga kaakit-akit na rosas Sa isang sulok ng hardin Maraming nabighani Maraming pumansin Kaya isa-isa silang pinitas at kinuha. May isang nagdurugong rosas Sa isang sulok ng hardin Walang nabighani Walang pumansin Ngunit bigla na lang siyang nawala.
93 | BIYAHE 93| BIYAHE
DUGO SA TALULOT NG ROSAS Larawan ni: Jewel A. Garsuta
Rose 4 RECHELL MONTES Beneath my chamber window I heard her strum the whole night through Purifying my clod of misery into delight. Thorns she got, it’s the petals she lacks, beauty she unfolds, there is no unknown fact. Pure as red, such an alluring creation But a rose in disguise, meant to bloom for every nation — BIYAHE | |94 94 BIYAHE
STRONG-WILLED Larawan ni: Grace Tubera
95 | BIYAHE 95| BIYAHE
1 | BIYAHE
BABALA! 4 ERIKA RAMILLO
Kasabay ng pag-ikot ng pulang ilaw mula sa sirena ay ang patuloy namang pamumula nang bagyo na sasalanta. Batid kong ito ay tanda na kami ay signal number 3 na. Patuloy sa pag-ugong ang sirena. Tanda na oras na para lumikas. Naputol na rin ang linya ng kuryente. Ngayon pa naman na ang baterya ko ay nasa pula na. Pataas na nang pataas ang baha, sabi nila ay lumagpas na sa pula. Batid naming ang buhay namin ay namemeligro sa bagyong sunud-sunod kung sumalanta. “Kuya, bilis, hanggang dibdib na ang baha,” aligagang sabi ng kapatid kong nakasakay sa bangka. “Ito na, papunta na,” tugon ko sa kaniya habang humahagilap ng mga puwede pang maisalba. Plastic envelope lang ang aking nakuha—naglalaman ng dokumentong mahalaga. Sa pagsapit namin sa evacuation center sumalubong sa amin ang mga taong nakauniporme ng pula, nagbigay ng damit, pagkain at inumin. Di naman pala lahat ng pula, peligro ang babala. Lumipas ang ilang araw, humupa na ang baha ngunit ang delubyo ay nanatili pa. Sa pagkawala ng tubig, bumulaga ang mga kagamitang wala nang halaga. Nabalot sa putik ang lahat ng aming gamit maliban sa isa. Sirena.
BIYAHE | |96 96 BIYAHE
Desired freedom 4 REGINA MARIE ASIO Craves for freedom still were unknown From their hold we suffer alone Thou shall not give up, freedom we seek For we ourselves only we can learn Can’t move forward because of the chains Like feeling hell throughout our veins Someone will hear us out in the abyss Effortless consideration will be enough, at least What is freedom, if there’s no will If that’s what we want, that’s what we should feel Though, true freedom in real life isn’t real At least we’ve got enough food for a meal Liberty, even so, were attained as we die Death will never be an option as we live by Even if any tribulation were endured and will continue The pain and suffering will somebody be lived through
97 | BIYAHE 97| BIYAHE
Dibuho ni REGINA MARIE ASIO Mixed Media
Sign of life: Red 4 THEA NATALINE J. MANALOTO
The excruciating pain that provokes blood to come out gushing The blazing sun that would always ascend every morning The inevitable urge to fight that surfaces when I’m hurting The scorching fire that gets fierier and fierier It’s telling that I got a feeling It’s showing me I always got chances It’s whispering that I must keep going It’s reminding me I am living
BIYAHE | |98 98 BIYAHE
Legal na Edad 4 JASMIN C. MAGCALAS
Malalim na ang gabi nang magpasya akong lumabas ng bahay at pumunta sa lugar kung saan natutulog ang taong nagkasala sa akin, si Mang Ernesto. Madali akong nakapasok sa kanyang silid dahil mag-isa lamang siya. Nagising siya ng makagawa ako ng ingay, sapagkakataon na iyon ay mabilis kong inilabas ang kutsilyong dala ko. Tumayo siya sapagkakahiga at nagtanong kung sino ako. Hindi ko siya sinagot bagkus ay lumapit pa ako, nasa pagitan naming ang kamang kanyang hinihigaan kanina. “Anong kailangan mo?” Sa pangalawang pagkakataon ay hindi ako sumagot ngunit inihagis ko ang kutsilyo sa direksyon niya. Sinadya kong padaanin iyon sa gilid niya at tumarak sa isa sa mga painting. Nakita kong napaatras siya nang maglabas akong muli ng kutsilyo. Nanginig siya sa takot kaya nagsalita ako. “Pinatay mo ang mga magulang ko! Ng dahil sayo ay naging rebelde ako, pero hindi ka nakulong! Nakuha mo pang angkinin ang mga bagay na dapat ay sa akin!” 99| BIYAHE | BIYAHE 99
Sa sobrang galit ko ay nagawa kong ihagis ang pangalawang kutsilyo, tumama iyon sa dibdib niya. Sa murang edad ay nasaksihan ko ang pagpaslang sa mga magulang ko at wala akong nagawa. Ika-18 kaarawan ko kahapon kaya ngayon lamang ako maniningil. Buhay ang kinuha mo, buhay din ang kukunin ko, buhay mo mismo. At ngayon, nakuha ko din ang hustisyang hinahanap ko sa loob ng maraming taon. Pero huwag kang mag-alala Mang Ernesto, pagbabayaran ko ang kasalanan ko sa loob ng bilangguan at hinding hindi ako gagaya sayo.
Dibuho ni CHARLES ESPINOSA Digital Art
BIYAHE | 100 100 BIYAHE |
Wang Wang 4 VALERIE ANNE VELMONTE Tinagurian akong REYNA ng mga kalsada't daan dala ay letrang pandigma at pusong pinasisiklab ang katarungan.
101 | BIYAHE 101 | BIYAHE
Malasakit 4 RAINE AGANON ‘wag lang puro salita Sana ang puso Konektado rin sa bunganga
BIYAHE | 102 102 BIYAHE |
Sa panulat 4 ZY DAQUIGAN Ako ay sumusulat para sa inyong kaalaman. Ipinamamahagi ko ang mga impormasyong dapat mong malaman. Aking iminumulat ang mata ng mga isipang pinapikit ng sistema. Nais ko lamang na iyong makita ang tunay na kalagayan nitong bansang ating sinilangan. Hinihikayat ko ang lahat upang tumindig para sa ating karapatan sa hindi bayolenteng paraan. Pluma at papel ang aking armas at kalasag. Ngunit... sa akin ay ibinuhos itong malamig na pintura upang ibahin ang aking anyo at linlangin ang aking bayan. Ang aking mga kamay at paa ay iginapos gamit ang batas na sa akin ay dapat na magtanggol. Pilit na tinakpan ang aking bibig ng mga maling paratang upang siraan ako sa mga mamamayan. Ako ay minarkahan. Ako ay hinabol ng mga kinauukulan. Nagtago ako, hindi dahil ako ay tunay na may kasalanan ngunit dahil kailangan kong ingatan ang buhay at maipagpatuloy ang pagsulat. Subalit ako ay kanilang natagpuan; pinaslang sa lugar kung saan ang hustisya ay ipinaglalaban. 103 103 | BIYAHE | BIYAHE
THE INNOSENCE OF OUTDATED CHILDREN Larawan ni: Jayson Balatbat
Sa aking mga letra na iyong palaging nakikita, magising sana ang iyong kaluluwa na nahihimbing sa pagtulog. Sa iyong pagsilay sa bukang liwayway, maalala mo sanang hindi sapat na ikaw ay gising lamang at mulat, ikaw ay dapat na kumilos. Hindi kailangan ng baril at itak upang bawiin ang karapatan na sa iyo ay inagaw. Boses mo ang iyong kayamanan upang itama ang mga maling gawang iyong nasusumpungan. Ikaw ay magparehistro at ipagtanggol ang karapatan mo. Huwag mong hayaan na matawag ang bansang ito na demokratiko nang hindi nararanasan na mapakinggan ang iyong tinig. Bumoto ka sa tamang tao at ituwid ang baluktot na mundo. Tayo ay tila tingting na hindi makapaglilinis ng kalat kung mag-isa; tayo ay nasa parehong panig, kailangan lamang na magsamasama upang ipaglaban ang kasarinlang hindi banyaga ang nagnakaw, ngunit ang kasakiman at pagbibingi-bingihan. BIYAHE | BIYAHE | 104
ALING DALISAY Larawan ni: Melvin Mina Corpuz
105 105 | BIYAHE | BIYAHE
Takipsilim 4 RAINE AGANON Nasubukan mo na bang sumubok ng bago’t iba? Tulad ng pagpinta. Minsan niyaya ko ang aking kaibigan upang sumubok ng bago. “Jasmine, samahan mo akong magpinta,” paanyaya ko sa kaniya bago kumunot ang kaniyang noo. “Pinta?” Aniya na parang hindi narinig ang sambit ko. “Bakit ka naman magpipinta?” Dagdag pa niyang may halo talagang alinlangan kaya’t ipinaliwanag ko ang aming takdang aralin. “.. kailangan daw ipakita ang bagong simula sa malikhaing paraan,” pagtatapos ko sa aking paliwanag. Muling kumunot ang noo ni Jasmine na tila lalong naguluhan. “ ’di ba hindi ka naman marunong magpinta?” pangmamaliit pa niya sa akin. Hinila ko na lamang siya bago pa lumalim ang aming pagtatalo. Magtatakipsilim na pala kaya’t malapit na rin magdilim. Inihanda ko ang gamit na parang isang eksperto. Branded na brush pa ang gamit ko kahit na hiniram ko lamang sa kapitbahay. Wala akong talento dito pero puspos pa rin akong nag-ensayo. Dahan-dahan kong inilabas ang mga pintura na hiningi ko rin sa kapitbahay— aba! Iba’t iba ang kulay. May berde, dilaw, pula, itim, asul… bahagyang bumitak ang ngiti sa labi ni Jasmine. Halatang tulad ko ay wiling-wili rin siya sa mga kulay. Marahan kong ibinuhos ang kakailanganin kong pintura bago gumuhit. Dahan-dahan ko pang inilalapat ang mga guhit at linya na dapat ay may kahulugan. Nang ibuhos ko na ang kulay pula sa dilaw na pintura ay sumigaw si Jasmine na animo’y nakikipagtalo sa korte. “…bakit mo naman hahaluan ng ibang kulay? Diba magpipinta ka patungkol sa bagong simula? Mas mainam kung dilaw na lang para sa simbolo ng kaligayahan.” Hindi ako nagpatinag sa mungkahi ni Jasmine at nagpatuloy sa pagpinta. Nakangiti kong itinaas ang obra nang matapos ko ito sabay sabing, “Hindi ito magmumukhang takipsilim kung hindi hahaluan ng pula… tignan mo, nangungusap ng pag-asa.” BIYAHE | BIYAHE | 106
Self-employed 4 ALLYYSA MARANOC
As we lie on the same warmth, white sheet of feathered cloth Your eyes sparkle like the glowing streets we've walked onto As if I took you where the stars and meteors are While you brought me where my bread and butter lie.
107 107 | BIYAHE | BIYAHE
Paso
4 JERICHO VITA Paso sa balat Markang ‘di mbubura Dulot ng silab
BIYAHE | BIYAHE | 108
Takbo, Neneng! 4 HERALYN SAUL “Takbo, Neneng!” mga salitang piping winiwika ng pitong taong gulang na babae Hinahabol man ang hininga’y ‘di maaring tumigil sapagkat siya’y maaaring mahuli Oo mahuli, sapagkat sa murang edad ay hinahabol ng grupo ng kalalakihan At ‘pag siya’y nahuli, tiyak puri ay kanilang dudungisan Tagaktak ang pawis at halos ‘di malaman ang pupuntahan Tanging nakikita’y madilim na daan Tila tumigil ang oras nang marinig ang malakas na tawanan mula sa kalalakihan “Wag kang matakot bata, sa una ka lang masasaktan” dahil sa narinig, balahibo niya’y biglang nagtaasan Ngunit sa gitna ng dilim ay may liwanag na umusbong Si Neneng ay nakakita ng pag-asang sa kanya’y makakatulong Liwanag mula sa sasakyan ay tuluyang bumulag sa kanyang paningin At di namalayang siya’y kalong na ng inang kanina pa hinahanap ang anak na si Neneng
109 109 | BIYAHE | BIYAHE
Dibuho ni KIM GLENN AQUINO Pen and ink
BIYAHE | BIYAHE | 110
GREATEST FAREWELL Larawan ni: Melvin Mina Corpuz
Luha
4 RAINE AGANON Pag-ihip ng malakas na hangin Tubig mula sa mga mata Ang unang rumagasa Habang nagdadasal Na maligtas sa parating na sakuna
111 111| BIYAHE | BIYAHE
Scars 4 RAINE AGANON Isn't it beautiful to find a scar? In every part of you Which reminds that everything has its time A time to get wounded A time to feel the pain A time to suffer And a time to heal
BIYAHE | BIYAHE | 112
Checkmate 4 MELVIN CORPUZ Pawns moved to obey the law, to keep the order, to maintain the peace. Disobedience could obliterate the system, so disobedience was dangerous. They move to the frontline to suffer the skirmish first so the law could be baked without the justice being served. Rooks thrived like castles inside the war of Wallstreet where pennies were bullets and papers were spell books. Bishops sat on their thrones and were catching holy fires. While some guided the night out the dark and into the day, some burned the eyes of every single chess piece that watched them.
113 113 | BIYAHE | BIYAHE
Knights in camouflage crawling across the checkered board. Bombs wake them up in the morning and guns put them to sleep forever, all for the number of tiles they swore to serve and protect.
PROGRESS, THEY SAY Larawan ni: Melvin Mina Corpuz
The King and The Queen of no kingdom and wore no crown but lived within the walls of mansions. A flick of a wrist, it will be done. A spit of a word, it will become. They oversee the entire land and overlook everything that wasn't shining. And there you were, standing outside the border, watching every scene collapse while you talk about how it all goes down to chaos. How can you say that it was all a dangerous play? That it wasn’t a matter or right or wrong, but a rule of black and white? How can you say that the system is rigged? You’re not even playing any part in it.
BIYAHE | BIYAHE | 114
Reina ng Rosas 4 ERLIN CLAR R. VINUYA
Naglalakad ako sa napaka aliwalas na hardin ng mga pulang rosas. Hindi ko magawang ngumiti kahit pa namumukadkad sa saya ang bawat pulang rosas na aking nakikita. Perpekto ang lugar kung ito’y masisilayan ngunit nababalot ito ng lungkot, pagod at pag asa. Dahil patuloy akong umaasa na balang araw siya ay muling magpapakita at tutupad ng kaniyang pangako. Sa aming tagpuan na aking pinagtrabahuhan upang mapaganda ito ng mapayapa. Habang ako ay nakatitig sa patubong rosas ay may nararamdaman akong papalapit sa akin. Hindi ko pa man ito nakikita alam ko sa sarili ko na katulad ng patubong rosas na aking nakikita ay mayroong mabubuong panibagong simula para sa aming dalawa. “Reina anak, bumalik na ako” sabi ng aking ina Tila bumalot sa aking katawan ang ilang araw, buwan at taon ng pangungulila kaya’t agad agaran ko siyang niyakap habang humahagulgol. “Salamat dahil tumupad ka” sabi ko “Ang tagal kong hinintay ang araw na ito. Libo-libong rosas na ang tumubo at namukadkad bago ka bumalik nay.” Iyak ako ng iyak dahil sa wakas bumalik na ang aking ina. Sa bawat araw na lumilipas ay may bagong rosas na tumubo. Ibig sabihin sa libo-libong rosas na aking nakikita ay ang mga araw na hindi kami magkasama. “Anak, wag ka nang umiyak pangako hindi na ako magtatrabaho pa sa malayong lugar hindi na kita iiwan.” Sabi niya
115 115 | BIYAHE | BIYAHE
Ang lungkot at pangungulila na nabalot sa loob ng maraming taon ay napalitan ng saya dahil sa pagbalik ng aking ina. Hindi na siya nagtrabaho sa ibang bansa at pinili naming umisip ng negosyo na magkasama. Ginawa namin itong pasyalan ng mga magkakaibigan, pamilya at iba pang tao. Upang maipakita ang hardin na nagumpisa sa lungkot at pangungulila na ngayo’y nagdadala ng saya at inspirasyon sa bawat tao. Ito ang aming tagpuan sa hardin ng napakaraming pulang rosas na aking itinanim upang magkaroon ng pagmamahal at pag asa.
BIYAHE | BIYAHE | 116
Payasong Manunulat 4 ALLYSA MARANOC Ikinulong ko na sa tula lahat ng nararamdaman ko sa mismong oras ng pagsasatitik. Iginapos na rin ng mga bantas ang hinagpis na hudyat ng aking paglisan. Ngunit, hindi isang tuldok ang magsasabi ng paalam. Kundi ang ritmo ng musikang tumigil na sa pagsaliw. Sapagkat walang bantas ang makapagtatapos sa bawat taludtod ng tulang ‘di pa naisulat.
117 117| BIYAHE | BIYAHE
Dibuho ni CLARENZ NARCISO Mixed Media
BIYAHE | 18 BIYAHE | 1118
Bistidang Pula 4 ZY DAQUIGAN
“Para sa inyong huling requirement, kailangan ninyong magpahayag ng isang talumpati sa harapan. Maghanda ang bawat isa at sumulat ng sariling talumpati, maaaring ito ay patungkol sa pagtatagumpay, buhay, pag-ibig, at iba pa. Magsuot kayo ng presentableng damit para sa inyong talumpati,” mga paalala ng aming guro bago matapos ang klase. Paglabas ng mga estudyante ay sari-saring mga bulungan ang naganap ukol sa paparating na aktibidad. Mga planong kasuotan, paksa, at iba pang uri ng paghahanda.
Tulad ng dati, ako nanaman ang tampulan ng tukso.
“Wag ka na magbihis ng maganda, hindi bagay sa iyo.”
“Wala ka nang kailangan na paghahanda, walang eepekto sa’yo.”
“Mag-absent ka na lang.”
“Anong sasabihin mo sa talumpati, kung paano ka naging ganiyang kapangit?” At iba pang uri ng panlalait ang aking narinig. Papasok sa kaliwa at lalabas sa kanang tainga ang kanilang mga salita. Siguro dahil sa buong buhay ko, sanay na ako sa ganitong mga salita. Habang naglalakad pauwi, aking nadaanan ang walang katao-taong tindahan ng mga damit ngunit may isa lamang ang umakit sa aking mga mata, ang bistidang pula. 119 119 | BIYAHE | BIYAHE
Tila ako ay hinihila at binubulungan na suotin ko siya. Ang ganda niyang kabigha-bighani. Mga kumikinang na batong nakalagay rito. Ang kaniyang sukat ay tama upang maipakita ang hubog ng katawan. Kusang naglakad ang aking paa palapit sa maliit at lumang gusali at hanggang sa makarating sa bistida. Akin itong kinuha at iniabot sa tindera. “Nais ko pong bilhin ang damit na ito at maging maganda,” aking masiglang saad.
Natawa ang matandang tindera sa aking nasabi.
“Ija, hindi damit ang sa iyo ay magpapaganda. Kundi iyan,” saad nito habang nakaturo sa akin dibdib na animo’y pinupunto ang aking puso. Ako ay naguluhan sa kaniyang tinuran at napakamot nalang ng ito ay tumalikod. “Ang ganda ay nasa mata ng nakakakita, ang kapangyarihan naman nito ay nasa nagdadala,” dagdag pa nito na siyang lalong nagpagulo sa aking isipan. Inabot nito sa akin ang damit kapalit ang salapi. Paglabas sa gusali, patuloy parin akong binabagabag ng kaniyang mga salita, tila may nais iparating. Kinabukasan, sa aking pagpasok sa aming silid, akin na ngang inihanda ang sarili para sa aking talumpati. Pagkasuot sa aking ng bistidang pula, aking nakita ang sarili sa salamin. Ngayon, naintindihan ko na ang bawat salita na kaniyang sinabi. Ako ay taas-noong lumabas at nagpakita sa mga tao habang suot ang bistidang pula at ang kumpiyansa sa sarili. Lahat ay nagulat sa aking itsura at aking enerhiyang inilalabas. Tunay nga na ang pula ay simbolo ng kapangyarihan, at itong bistidang pula ang nagturo sa akin ng salitang pag-asa. BIYAHE | BIYAHE | 120
SA MAY BAHAY Larawan ni: Melvin Mina Corpuz
Stripes 4 JERICHO VITA
Stripes marked at your back Brought healing to humankind Saved from death and wrath
121 121| BIYAHE | BIYAHE 1 | BIYAHE
Dibuho ni GABRIEL CAPITULO Digital Art
Poem 4 JERICHO VITA She cries every night, People laugh from left and right, There is nothing she can do, With the judgements the society threw. Her stains as a teenager, Is what they always remember, One day her grief is gone, Her pain is finally done.
BIYAHE | BIYAHE | 122
SILENCE AND GRIEF Larawan ni: Andria M. Daileg
123 123 | BIYAHE | BIYAHE
Dreadful Lies 4 KEN RENDELL S. NOOL Eyes never lie, our fate is twisted now Eerie to the mind, a sorrowful grief Wounds scar and bleed my heart, what a foul Just friends or lover? Solicitude thief No lies escape the sight of all knowing Piercing through the stance of a brave soul Like a vanishing drive of fate passing It cannot be under our own control Persistent lies of yours isn’t new to me Like an open book, I know your fibs Eyes of wise lets the guard down, see through thee Raging thoughts, I got you myself on dibs A sweet shadow of us, pursuant fate Living with lies, loving with desired traits
BIYAHE | BIYAHE | 124
Makabansa 4 MIKAELLA L. BONDOC
Pulang bandila para sa kalayaan ng bansa Pulang likido para sa kapayapaan ng bawat isa Pluma at tinta para mamulat ang mga nabulag Malaya na nga ba ang bayan mula sa pagkabihag? Pag – ibig na ipinaglaban Siya ring pag – ibig na kinalimutan Kalayaang pinaghirapan Siya ring kalayaang pinagsasamantalahan Mahalaga pa ba ang nakaraan Kung ipagpapalagay ang kasalukuyan? Mahalaga nga ba ang kasalukuyan Kung ibinaon na ang nakaraan? Umaalab na damdamin noon Na unti – unti nang natutupok ngayon Masidhing pangganyak noon Na unti – unti nang kumukupas ngayon Ang kanilang mga alaala Ay bumubulong na lamang sa hangin Ang kanilang inakalang pag -asa Ay tila hindi pa rin nagigising 125 125 | BIYAHE | BIYAHE
Pinalaya nga ba tayo ng kalayaan? Nakalaya nga ba tayo mula sa nakaraan? O itong kasarinlan din naman Ang siyang mas nagpabulag sa mamamayan? Ang kanilang mga gawa ay nakasulat sa mga aklat Ang kanilang sakripisyo ay minsang pinapalabas Ngunit ang diwa ng pag – ibig sa bayan ay kinalimutan At ang karamihan ay nananatiling nasa ibabaw lamang Nasa ibabaw lamang ng pagkakaunawa Sa paglaban ng mga bayani gamit ang pulang bandila Sa nais iparating ng kanilang mga akda Sa dumanak na dugo para sa bayang tinitingala Wala na ang mga dayuhan Ngunit para pa rin tayong nakukulangan Dahil siguro nga tayo ang salarin Sa hindi pagkilala ng sariling atin Linangin ang pag ibig sa bayan Kasarinlan ay pahalagahan Pinalaya tayo upang maging malaya Hindi para pagsamantalahan ang bansa Magsilbi kang tinig ng kanilang alaala Magsilbi ring ilaw tulad nila Huwag maging sariling tanikala Huwag maging dahilan sa pagdaing ng bansa Alalahanin ang pulang bandila Namnamin ang bawat salita sa kanilang mga akda Alalahin ang pulang likidong nilamon ng lupa At pag – alabin ang pag – ibig na minsang nawawala BIYAHE | BIYAHE | 126
Hopiang Pula 4 THERESA NICHOLE E. GALULU
Aminin na natin na madalas nating hindi napapansin ang maliliit na bagay. Madalas nating hindi mapansin ang takbo ng oras, magugulat na lang tayo, kumakagat na pala ang dilim at umidlip na ang araw. Nasusubaybayan lang naman natin ang takbo ng mga segundo kapag tayo ay may hinihintay, at ngayon patuloy ang pagsubaybay ko sa bawat minuto sapagkat nandito ako sa harap ng gusali ng trabaho mo. Tatlong oras na ako rito, ngunit kahit anino mo’y hindi natanaw ng paningin ko. At wakas, sa ilang oras na paghihintay ko ay binabagtas mo na ngayon ang landas papalabas ng gusali niyo. Kamisetang pula ang suot mo, maong na pantalon naman ang iyong pambaba at puting converse na kahit kailan ay ‘di nawawala sa uso. Paglingon mo sa direksyon ko, kumaway agad ako sa ‘yo, at katulad ng inaasahan, at wala akong napala kun’di ang nakakabinging katahimikan. Malayong-malayo ang eksenang ito sa nakasanayan nating senaryo. Noon, pagyapak ko sa mismong espasyong ‘to, matulin na agad ang lakad mo papalapit sa akin. Unat na pahalang ang iyong mga braso upang makolekta at makulong ako ng yakap mo. Palagi rin nating hinihintay ang takipsilim sa kanlurang bahagi ng lugar na ‘to, hawak natin ang baso ng papel at sabay na magwiwika ng, “tara, kape tayo,” bibili ng tinapay sa panaderya para mas kompleto ang pahinga natibn habang lasap natin ang presensya ng isa’tisa. Masaya tayo noon, simple at hindi komplikado, bago pa tayo tumanda at binuhat ang mga responsibilidad na sa ati’y nakadagan. “Yes, everything is settled, congratulations,” nang matanggap ko ‘to mula sa ahensya, sinimulan ko na ring limbagin ang sulat ko para sa ‘yo. 127 127 | BIYAHE | BIYAHE
Naduwag akong magpaliwanag at ayaw mo rin akong makita dahil iniisip mo na pinagpalit kita sa trabaho. Sumapit na ang araw ng pag-alis ko, hindi man lang tayo nagkita at tuluyan nang naligaw ang pag-asa ko. Hawak ko ang liham hanggang sa paglapag ng eroplano, nakatala ito sa kulay pulang tinta. Bukod sa ito ang paborito mong kulay, ay isa rin sa prinsipyo mo na ang kulay pula ay simbolo ng katapangan at hindi masisiil na katapatan. Kaya siguro sa t’wing makikita ko ang kulay pula, parang naririnig na rin kita. Matibay ang paninindigan mo sa kulay na ‘to, kaya palagi mo ‘kong pinupuri kapag nakasuot ako ng pula, bukod sa bagay ito sa aking balat ay madalas mong sinasabi na, kagaya ng pula, ang pagmamahal mo sa akin ay matapat at ‘di madaling magapi. Kaya kung lumisan man ang pag-ibig sa pagitan nating dalawa, palagi lang mananatili ang paborito mong kulay pula. Bakit kasi hindi mo maintindahan? Mahal kita, pero hindi kayang ibangon ng “Mahal kita” mo ang buhay ng pamilya ko. Kahit sandamakmak na “Mahal kita” pa ang sabihin mo ay hindi nito mapag-aaral ang kapatid kong nasa kolehiyo. Walang “Mahal kita” ang makakabayad ng mga pangunahing pangangailan ko. Mahalaga ka sa ‘kin, pero isinantabi muna kita para sa pangarap ko. Sa puntong ito, hindi ko na hahayaang mawaglit ka sa paningin ko, nang mag-iwas ka ng tingin ay kumaripas ako ng takbo papunta sa ‘yo. Hinihingal ako nang marating kita, ngunit desido at kalmado ang sistema na sa oras na ‘to ay sigurado akong sa pagitan nating dalawa mahahanap ang naligaw nating pag-asa. Ngunit bago ko pa man isarado ang natitirang espasyo para maabot ka ay may narinig akong boses na tinatawag ka. Kaya imbis na pag-asa ang aking nadama, ay nagpahiwatig sa akin ang paniniwala mo sa kulay pula, na kung dati’y ang pagmamahal mo sa akin ay matapat at ‘di madaling magapi, ngayon nama’y natuklasan ko na ang pagibig ko rin sa ‘yo ay pula, sapagkat matapang akong aatras, hindi dahil naduwag akong muli ngunit nakita kong kumislap ang ‘yung mata at may posibilidad na masaya ka na ngayon na kasama siya BIYAHE | BIYAHE | 128
129 129 | BIYAHE | BIYAHE
IKATLONG KABANATA:
Ang Paghilom
M
Mabilis natapos ang araw. Walang masyadong nangyari maliban sa mga imahinasyong bumabagabag sa akin na para bang ayaw akong patahimikin. Sabay na kaming umuwi ni nanay upang may katulong siyang magbitbit ng mga papel sa eskwelahan. Malapit na kami sa bahay nang nagsalita siya, “Hindi pa rin nakakauwi si Boyet,” pag- uumpisa niya ng usapan na dahilan para huminto ako sa paglalakad.
Huminga na muna ako nang malalim bago nagpakawala ng salita, “tingin niyo po ba’y katulad ng kay tatay?” Pagtatanong ko, ngunit gaya ng dati… ng mga nakalipas na buwan at taon, tuwing may mga hindi nakakauwi sa aming mga kasamahan at itatanong ko ang parehong tanong, hindi kikibo si nanay— magpapatuloy lamang siya sa paglalakad na parang walang sasaguting katanungan. Pagkauwi ay nagbihis ako at inilatag ang karton saka kinuha ang pintura. Pipinta na naman ng bagong karatula para sa pakikibaka bukas sa EDSA. “Hindi ka pa ba maghahanda para bukas? Unang araw mo sa practice teaching…” saad ni nanay na kanina pa pala nakatingin sa akin. Alam ko na ang nais niyang sabihin, nagtatago ito sa malumanay ngunit mapag-alala niyang habilin. “Sasama po ako bukas sa EDSA,” sagot ko sa kaniya habang ipinipinta ang unang letra sa karton. Bumuntong hininga si nanay saka umupo sa harap ko, hinawakan ang pisngi ko at sa unang pagkakataon, muling lumuha ang mga mata niya buhat noong mawala si tatay. Ngunit, hindi tulad ng para kay tatay, ang luha niya sa akin ay luha ng pagmamakaawa. BIYAHE | BIYAHE | 130
“Paano kung may nangyari sa iyo? Mag-isa na lang ako…” hihikbihikbing tanong ni nanay. Iniwas ko ang aking tingin at tinanggal ang kaniyang kamay sa aking mukha. “Ipagdasal na lang po natin na pakikinggan po tayo ngayon,” wika ko na lamang sa kabila ng kaba na pilit kong nilalabanan. Tuwing sasapit ang gabi kasabay ng rush hour, naging gawi na namin noon pa man na manggulo sa buhol-buhol na trapik sa EDSA. Sabay-sabay pa rin ang pagbusina ng mga sasakyan. Mayroon pa ring mga nakikibaka, ngunit kasama na ngayon si nanay na dati ay nag-aalala lang sa bahay. Nakapangluksa siyang damit at may bahid ng pangungulila. Sa halip na placard, litrato naman ni tatay ang yakap niya, saka maluha-luhang isinisigaw ang hustisya para sa mga nawawalang aktibista. Hindi ko na natupad ang pangarap ni nanay na makapagtapos ako sa kolehiyo, ngunit natupad ko naman ang pangarap ni tatay at ilang mga guro, dahil Enero nang nakaraang taon, umusad nang kaunti ang kanilang sweldo. Simula pa lamang ito ng napakahaba at walang kapagurang pakikibaka para sa mga inaapi at niyurakan ng karapatan. Lumipas man ang panahon, ang pinagsama-samang boses ang mananaig sa mga daing at hikahos ng bayan.
Hindi pa tapos ang laban.
131 131 | BIYAHE | BIYAHE
Alat 4 RICCA G. CURA
Sobrang kinis ng iyong balat Paborito kong sinasalat salat Samahan pa ng mala sutla mong kulay Mga mata ko’y napupungay Sa tuwing ikay nasisilayan Diwa ko ay nagaganahan Nais kitang kapares sa gabi, tanghali lalo na sa agahan Kasama ka sa mga kamayang handaan Hindi ko maramdaman sa iba ang iyong timpla Namumukod tangi walang kapareha Kaya alukin man ako ng iba Ikaw parin pipiliin ko sinta At sa wakas handa Nakong angkinin ang lahat ng iyo Bibibiyakin, hahatiin at nanamnamin kang buo Tapikin ng asin Kamatis ay lamasin Tunay na ikaw ay kakaiba Sarap moy diko maranasan sa iba At muli matitkman ka Munting “Itlog na Pula”.
BIYAHE | BIYAHE | 132
Negatibo 4 RAINE C. AGANON
Habang naglalakad ay nanghihina, paubo-ubo ka pa nang mahina. Pagpasok sa pintuan ay ‘di mapakali, ito ba ay pinakahihintay na sandali? Sinalubong ka ng babae na balot ng puting damit. Pumasok sa isang kwarto, maupo ka raw saglit. Maya-maya ikaw ay tila isa ng lantang-talong, sabay pagpasok ng manipis na bagay sa iyong mga ilong Buti na lang at negatibo, ang resulta ng swab test mo
133 133 | BIYAHE | BIYAHE
Bakat
4 AIRA MAE PUYAWAN
Paulit ulit na nahihirapan at nasasaktan tuwing pilit na iniipit at tinatago ang umbok sa pagitan ng mga hitang naglalakihan.
BIYAHE | BIYAHE | 134
135 135 | BIYAHE | BIYAHE
FOUND THE END Larawan ni: Melvin Mina Corpuz
BIYAHE | BIYAHE | 136
Dalawang Guhit 4 LESLY JOY MAREGMEN
Paano na lang kung nakita ‘to ni Nanay? Garantisado, walang dudang isisisi na naman niya sa mga barkada ko. Madalas akong pagsabihan ni nanay tuwing susunduin ako upang gumala. “Nariyan na naman ang mga kaibigan mong hithit buga!” laging sigaw ni nanay tuwing paparating na sila. Mapapakamot-ulo na lamang ako sa hiya. Lagi akong napapagalitan. Mali daw ang landas na aking dinaraanan. “Hindi ka makakapasa ng kolehiyo kung sila lagi ang kasama mo.” Parang sirang plakang ulit-ulit iyan na sinasabi ni nanay tuwing darating ako ng madaling araw galing sa bahay ng kaibigan. Parang boteng nabasag sa kawalan ang naramdaman ko nang may biglang kumatok sa pinto. “Ano ba? Kanina ka pa riyan, hindi ka pa rin tapos magbawas? Ihing-ihi na ako!” sigaw ng kaibigan kong nagmamadaling pumasok sa kubeta. Ilang minuto na ba ang nakaraan? Kakaisip ko sa sasabihin ni nanay, hindi ko namalayan. Mahigit bente minutos na pala akong nakatitig lang sa dalawang pulang guhit sa parihabang puti. Paano na lang kung nakita ‘to ni nanay? “Hindi ka makakapasa sa kolehiyo kung sila lagi ang kasama mo,” ‘yan malamang ang sasabihin niya kapag nakita niya ‘to. Katapusan na ng pangarap ko. Pagkatapos ng mga gabing puno ng saya, dalawang pulang guhit ang bunga nito…
137 137 | BIYAHE | BIYAHE 1 | BIYAHE
Dalawang pulang guhit … sa kulay puting parihaba. Dalawang pulang guhit sa parihabang papel, nabilugan rin na animo’y isinasampal ang resulta. Anak ng tokwa. Eleven out of fifty ako sa exam.
BIYAHE | BIYAHE | 138
Toast 4 RAINE AGANON
The clock tic toc! Are you ready for another year? Cheers for new beginning! Love the ending Cheers for happiness! Cherish the misery Cheers for hope! Let’s keep the memories and learn from it Cheers! The new adventure awaits Keep fighting!
139 139 | BIYAHE | BIYAHE
Lipstick
4 ALLYSA MARANOC
“Lotlot, bakit madalas kang may pantal sa leeg?” nagtatakang tanong ni inay sa akin. Hindi pa nga niya alam na allergic ako sa lipstick.
BIYAHE | BIYAHE | 140
141 141 | BIYAHE | BIYAHE
INFINITE DESIGN John Morris C. Asuncion Digital Arts
BIYAHE | BIYAHE | 142
Thicker Than Water 4 FRENZ DARYL O. ESPINO
A LOUD DEAFENING NOISE OF IMPACT. BAM!!! Back, far back, In the mists of time when the world was very young. A Pale Princess on her balcony stared at her lifeless, bland, and colorless Castle. “I wish more than this,” she uttered with a hopelessly hopeful tone. Never did she ever saw any hue in her life; she now has learned to put a grudge with colors. While on her balcony, a romantic idea popped in her mind. a solution for the low life castle. “I know that a blood of a royal will lift this castle from this pale and gray miserable state,” thinking out loud, she supposed. A need of a search for royal blood, so she commanded the guards to open up the gates to offer herself to her suitors. The line goes up and down seven hills. Still, none of those are of royalties— rejection after rejection over the hundreds of men wanting the princess’s hand. The night has come, yet still, no one passed her standards. In exhaustion, she called it a night. The Next Day a Colorful Royal Prince Ride in a Colorful Stallion in the spectrum of iridescent came.
143 143 | BIYAHE 1| |BIYAHE BIYAHE
And as the Colorful Prince Bestride, He Spreads colors around the Castle and over the Hills. He is like a rainbow giving colors to the gray sky. Then finally He came to her, she’s in awe as to the Prince is just the Quintessential Man She always needed, she considered her wish answered. But only her who is not pervaded by colors. *sighs in satisfaction. Because the princess still in a vendetta with colors. She instantly feels besotted. Then her world turned colorful like of the Prince’s, wonders she’d never encountered before. The princess slowly developed tinges, and as the days go by, the hues have gone vivid. The pale gray princess is now the colors of the rainbow, with flushed cheeks and lips. The Castle became so lively that they have festivals every day after every color’s name. ----She opened her eyes after centuries in rest— a light above the head is with dazzling glare, so she is dazzled. Then a slow beating noise caught her ears—she looked to the source of the sound, and there she saw a life monitor. There’s Talutah, pale and anemic, a pallid looking girl with an orthopedic cast in her left arm. She started feeling pain all over her body. She then saw her mother by her side sleeping and tried to move her body, but she couldn’t until she BIYAHE | BIYAHE | 144
began moving her fingers after gaining motion with her hand. She touched the head of her mother, which woke her up. Subsequently, their eyes gently accumulated tears on the verge of dripping; like mother like daughter, both of their chins are quivering. ~~~ “finally, someone donated an AB- blood,” her Mother exclaimed at the top of her lungs with great gratitude. And Talutah is in tears of pure shock with ecstasy because she had found the blood type she needed. That small pint of blood is a personification of the grim reaper coz that decided whether she’ll still live; it gave her hope of living a colorful life. While in the process of transfusion. She remembered the car crash, where she bumped into a wild deer, and her car gone three hundred and sixty degrees mid-air. at that moment, her life flashes before her eyes. — scared up to her soul, that might be her last memory before death ingurgitates her body— it is actually a miracle that she is still alive. She cried in a mix of gratitude, and fear, fear of the trauma. She lurched while reminiscing every shock and impact of the incident. Every drop of blood entering her body; And now flowing on her that travels forty-five seconds of circulation, that flows from heart to heart gives her more and more hope. After weeks of healing. the blood that is streaming in the veins of Talutah remains in obscurity. And did some investigation and questioning about the one who spares Talutah life. Weeks later, not a single sign was seen. 145 145 | BIYAHE | BIYAHE
Two years later. She bumped into a guy. “Hi, I’m Gerald Sevilla, why do I feel like I know you?” a guy said with curiosity as much as the curiosity that could kill a cat. with his deep manly voice. Two months later. Sitting in the park as they watch the sun go down, sending farewell with their company’s satisfaction and love that cry aloud passionate emotion. Out of the blue, Talutah said. “did you know? That if not for a blood donation I wouldn’t be right here with you looking at each other’s eyes, that’s why I am in debt, so I donate blood every 56 days.” “ I am also a volunteer; in the name of my sister who passed away because no one is compatible with her except me, but I’m on the other side of the world at that time. And then there, I solemnly vowed that I will donate blood yearly, so then maybe someone’s sister will be saved,” Gerald, on the edge of his tears, muttered. “thanks to the people like you, so many lives are saved. Thank you, I love you” in comfort, she said. This story’s title is “thicker than water,” Directed by Infinitespino, based on the life of Talutah Oneida. Juan Dela Cruz, you won 300-peso worth of load. Lastly, this is Gina Garcia saying, life is beautiful as you make it.
BIYAHE | BIYAHE | 146
Red Mark 4 HAROLD LEE SARMIENTO
Isang portal na nagbibigay kutob sa lahat— delubyo sa mga ‘di pinalad, sakit sa utak sa mga sawing palad, kilabot naman sa mga inosenteng utak. Dahan-dahan mong binubuksan ang pintuan tungo sa iyong kinabukasan, ngunit unti-unti naman itong sinasara ng mga grado mong pasang-awa. Mga numero ang basehan kung ano ang iyong pinagdaanan— madugo ang iyong sinapit, kung singko ang sa iyo ay humagupit Puyat sa kakagawa, ngunit ang sasalabong sa iyo ay gradong pasang-awa. Nakakadismaya kung babalik tanawin— ang iyong pinagpaguran ay napupunta sa wala Kung panaginip man ang lahat, ako sana ay gisingin. Umaasa muli na sa susunod na pagbukas Uno naman ang bumulaga sa akin 147 147 | BIYAHE | BIYAHE
PEDICURE Larawan ni: Melvin Mina Corpuz
Lamang-Loob 4 AIRA MAE PUYAWAN
“Wala pong bumili ng barbekyu.” Hihikbi-hikbing usal ni Junjun. “Pinaalalahanan na kita kahapon hindi ba? Hindi bale’t tatlong araw natin uulamin ‘yan magsawa ka sa laman loob. Pagkatapos natin kumain samahan mo ako at marami tayong trabaho ngayong gabi.” At matapos ngang makakain ay gumayak na ang mag-amang embalsamador.
BIYAHE | BIYAHE | 148
School Encounters 4 SHANE C. ILDEFONSO
Sneaking out of the room while examinations are ongoing was easy for her but walking on the dark hallways was not something worth conquering for. She clutched into her stomach as she tried to take a deep breath because the battle for survival is not yet far from over. Her knees began to wobble when she entered the unlit hallways but she had to do it. She needs to make it in time because if all else fails, calling a friend might be the only option. The eerie silence and flowing curtains inside abandoned rooms across the hallway created shadows of bedtime story tales, sometimes a fantasy but sometimes dressed as people. “Take your time buddy.”, she whispered to herself as she tiptoed quietly while laughing like a lunatic and making her way into the zone of comfort, where gossip circulates and crime happens. The suffocating air made her lungs about to explode and her heart beating harshly against her chest does not help increase her chance for survival either. She managed to hold her breath as she raised her hands, not to gagged at the unbearable smell of toxic waste but to cover her mouth as she heard the metal door creaked followed by slow and heavy footsteps. She looked at the time on wristwatch. “8:45 PM”, she whispered. “So much for skipping classes.”. Then a large shadow crossed her peripheral vision causing her to hold on to her sanity. “Who’s there?”, she croaked. Fear was etched across her face but more than anything else, the pain of constant rumbling on her stomach always mattered. A shadow on the door stayed silent. She knew, that she wasn’t alone and she needs to act fast before it’s too late. The frustrating feeling of not being able to do what she needed to do, mixed with the fear and humiliation of being caught made her curse at herself for being too reckless. A loud thud startled her and made her realize that there’s no time for 149 149 | BIYAHE 1| |BIYAHE BIYAHE
her curse at herself for being too reckless. A loud thud startled her and made her realize that there’s no time for blaming at her stupidity. “Who’s there?!”, she repeated. Then it went dead silent. “You need to stop because it’s not funny!”, she bravely shouted but it sounded weak and scared that it could be mistaken as a plea than a command. She was about to go near the metal door where the noise came from and throw away her chance of having her moment of peace but then she felt it coming. She felt it rumbling and finding its way down the path of victory. She quickly went inside one of the cubicles attempting to close the door even with a broken lock but the lights went off. “What the?!”, she exclaimed under her breath. The constant beating of her heart made her rib cage about to be ripped wide open. She thought about her evening class. She would end up being left behind by the shuttle if she won’t do it. She had to do it. She needed to do it. Her breathing became ragged, hair rising at the back of her nape, sweat trickling across her forehead and temple and heart’s racing like an endless marathon. The formula of concentration and calmness doesn’t work right at the moment and being cornered with zero chance of escaping is close to impossible. But then, she began to shake as if heavens forbid but still granted her prayers even though she was the least favorite. She cried her heart out as the excruciatingly slow and painful release was all she needed, like a woman who have experienced revival for the first time. “Success!”, she silently exclaimed. The glorious joy made her momentarily forget that someone’s going to open the door any second, waiting for a chance to end her daydreams of being an accomplished woman. She had no time to think but to quickly reached for a roll of tissue on her side pocket in order to wipe the remnants of her crime but it was just a roll of paper. “Shoot!”, she cursed because no amount of adjective would describe her situation right now. She knew that she’s desperate and sometimes crazy but does the twisted world needs to be mercilessly cruel to her as well? She had no idea because none of that mattered right now. “Miss, the shuttle is leaving. You need to get out now.”, someone spoke. She froze and dropped the roll of paper on the floor. “I’m doomed.”, she whispered. BIYAHE | BIYAHE | 150
Sari-Sari 4 ALLYSA MARANOC
“UTANG” ang isinulat ni lolo sa pabalat ng pulang notebook na nakaipit sa pagitan ng kaniyang istante at mga kaha ng sigarilyo. Talaan iyon ng mga tila naglalahong paninda na ipinangakong babayaran din sa kinsenas at katapusan. Pagsapit ng kinsenas ay may na-stiff neck dahil tuwing mapapadaan sa tindahan ay hindi na kayang lumingon. Ang iba nama’y biglang nagka-Alzhiemer’s disease at mukhang walang naaalala pagdating ng katapusan.
151 151 | BIYAHE | BIYAHE
PATAK NG ORASAN, PATAK NG KABUHAYAN Larawan ni: Jayson Balatbat
Tabing
4 VALERIE ANN VALMONTE
Sariwa pa sa aking alaala Noong tahakin ko ang landas papunta sa labas. Tila ba ako ay artista kung kanilang pagmasdan. May dumi ba ako sa mukha? Parang wala naman. Pagdating sa Palawan ako’y agad tinanong ng gwardiyang bantay doon “Bakit wala kang face shield?”
BIYAHE | BIYAHE | 152
Santa Claus 4 ERIKA RAMILO
Ilang buwan pa bago ang kapaskuhan, ngunit si Santa ay nandito na— namimigay ng ayuda at aginaldo sa mga nasalanta. Madalang na lamang siyang magpula, ‘di na rin siya ganoon kataba. Maikili ang buhok at ahit ang balbas— presentable ang itsura sa pagharap sa kamera. ‘Di mo na kailangan pang sumulat sa kaniya, manawagan ka lang sa social media, at kung masuwerte ka tiyak tatawagan ka; kailangan mo lang kantahan si Santa. May pagkapilyo lang si Santa, prangka kung magsalita ngunit sagana kung magbiyaya. ‘Di mo na kailangan pang magtiis ng antok, Isindi mo lang ang telebisyon at tumutok Suwerte mo kapag si Santa tumawag sayo.
153 153 | BIYAHE | BIYAHE
Dibuho ni CLARENZ NARCISO Mixed Media
Wishes and Wells 4 ALLYSA MARANOC
A dream into the wishing well Goes deep and deeper when it fell Not with the coin but with the will To leave the faith for fate to tell A heart’s desire won’t melt in time It stays underneath in the dime The wishing well has kept it fine Neither idle nor burnt on fire
BIYAHE | BIYAHE | 154
WARMTH OF AFFECTION Larawan ni: Aira Mae Velasco
155 155 | BIYAHE | BIYAHE
BIYAHE | BIYAHE | 156
Markahan 4 ZY DAQUIGAN
Sabik na mabuksan ang pahina upang masilayan ang bunga ng pagsisikap. Nakita na ang palatandaang konting panahon na lamang ay lalabas na ang mga numerong aking pinakahihintay. Eto na nga, bumungad sa akin ang mga markang hindi inaasahan. Sa dulo ay sumilip ang kulot na numero, tila nagsasabing hindi pa sapat ang aking pagod at sakripisyo. Ang ngiti sa aking labi nung ako ay naghihintay ay naglaho at napalitan ng habag at lungkot para sa sarili. Sa wari mo’y kulang ang aking mga pagpapagal, ako nga ay napagal na. Pagod na ako sa ganitong tagpo kung saan ang lahat ay tila malabo. Pinilit ko naman na sumabay sa makabagong panahon ngunit hindi sapat ang aking abilidad. Walang pag-aatubiling itinali ang lubid sa sira-sirang kisame. Sa kapirasong papel ay isinulat ang huling mga salita.
“Patawad, bagsak na. Hindi ko kinaya.”
Tatadyakan ko na sana ang upuang tanging tungtungan ng buhay at kamatayan nang muli kong sulyapan ang portal… Mula sa numerong tres sa ibaba ay pataas kong tinignan. Ako ay itinulak ng sumisikil na ekspektasyon, sa taas ng numerong kulot ay may “UNIT” na nakalagay.
157 157 | BIYAHE | BIYAHE
Dibuho ni CLARENZ NARCISO Digital Art
Sigaw
4 AIRA MAE PUYAWAN
Dali-dali akong umakyat sa ikalawang palapag dahil kanina pa niya tinatawag ang aking pangalan. Naalala ko, ako lang pala ang mag-isa sa bahay.
BIYAHE | BIYAHE | 158
Paralisado 4 JOSHUA GAPASIN
Napapanahon at patuloy na pinaguusapan Pilit nating pinaglalaban, pinagtatalunan Ang malaking tanong May HUSTISYA nga ba o wala? Lumilipas ang panahon Sisikat ang araw sa silangan Lulubog muli sa kanluran Nalalanta ang mga dahon Kasabay ng pagka-paralisa ng bawat pag-asa ng mga kaluluwang patuloy sa paghingi ng hustisya Bubuhos ang malalakas na ulan Kasabay ng mga isinawalang bahalang luha Tumutulo ang dugo sa mga madilim na mangkok Paralisado Walang makakakita Walang makakaalala Ngunit darating ang panahon, Mabibigla ang lahat, Aba, ito na pala ang hustisya.
159 159 | BIYAHE | BIYAHE
Dibuho ni KIM GLENN AQUINO Digital Art
BIYAHE | BIYAHE | 160 BIYAHE | 2
Dalaw
4 MARIANNE CLAIRE RAMOS
Kanina pa ako gising ngunit nandito pa rin ako sa aking higaan at nakapikit ang mga mata. May kaba sa aking dibdib ngunit mas nangingibaw ang aking pagkasabik. Ito na ang pinakahihintay kong araw sa aking buhay. Noong ako ay bata pa, mabilis akong magsawa sa paglalaro ng bahay-bahayan at lutu-lutuan. Hindi ko gaanong hilig ang paglalaro ng piko at chinese garter. Mas lalong hindi ako nag-eenjoy sa paglalaro ng mga manika. Mas gusto ko ang mga hilig ng aking mga ate kaya gusto ko agad na lumaki. Labis-labis ang aking inggit sa kanila. Una, nakapagsusuot sila ng mga seksing damit. Minsan ko nang sinuot ang napakaiksing short ni Ate Lea. Hindi niya ako pinansin ng dalawang linggo dahil pakielamero raw ako. Pangalawa, nakapaglalagay sila ng mga kolorete sa mukha. Isang beses ay isinama ako ni Ate Maya upang bumili ng make-up kit niya. Pag-uwi ng bahay ay sinubukan ko ang pulang lipstick ni Ate. Ipinakita ko ito sa kanya ng may buong pagmamalaki dahil bagay na bagay ito sa akin ngunit isang kurot sa singit ang naging sagot niya. Panghuli, puwede nang magboyfriend sina Ate. Si Ate Sarah may Kuya John samantalang si Ate Tanya ay may Kuya Bryan. Ako? Hanggang crush lang at pangongolekta sa mga magazines na may cover ni Daniel Padilla.
161 161 | BIYAHE | BIYAHE
Kaya gusto ko nang lumaki. Gusto ko nang maranasan ang mga ginagawa ng aking mga Ate. At heto na ang araw na iyon. Isa na akong ganap na babae.
Dali-dali kong minulat ang aking mga mata at dumiretso sa banyo.
“Aaaaaaaaaaahhhhhhh!” Napasigaw na lamang ako sa saya.
“Anong nangyayari?” Sigaw ng aking Mama pagkapasok niya sa banyo.
“Ma! Ma! Dalaga na ako! Dalaga na ang bunso mo!”
Tanging iling at batok lamang ang nakuha ko sa kanya nang ipakita ko ang brief kong may dugo.
BIYAHE | BIYAHE | 162
Katok 4 LESLY JOY MAREGMEN
Tatlong kalapag sa pinto ang narinig ko,
Mag-isa ako sa bahay kaya’t tiyak kong ako lamang ang dapat magbukas. Unti-unting namuo ang pawis sa aking noo’t ilong—pamilyar ako sa ganitong klase ng nerbyos. Unti-unti akong tumayo sa kinauupuan upang buksan ang pintong muling kinalapag ng tatlong beses… Wala akong sandatang panablay sa naniningil na katok sa pinto. Alam kong dala ni mama ang lahat ng maaaring sandata. Gayumpaman ay naglakas-loob akong buksan ang pinto. “Kayo po ba si Miranda Cruz?” napatango na lamang ako sa tanong ng lalaki kasabay ng pagpunas ko sa namamawis kong noo. “Shopee delivery po, Ma’am,” sabi ng lalaki na alam kong pamilyar na sa mukha kong walang pambayad.
163 163 | BIYAHE | BIYAHE
Routine
4 ALLYSA MARANOC
Alam kong ‘di niya ako kayang iwan mag-isa Ramdam ko iyon sa init ng haplos niya sa aking braso At sa kaniyang mga tingin na para bang ako lang ang tanging Nakikita ng kaniyang mga mata Isa na naman ito sa mga ‘di ko malilimutang tagpo Na mas lalo pang pinasidhi nang bigkasin niya ang mga Katagang lalo pang nagpakaba sa akin “Te, pembarya.”
BIYAHE | BIYAHE | 164
Reverie 4 ALLYSA MARANOC
Away from this catastrophe I do believe my fantasy Illusion of your warm embrace While kissing me till sunset’s gaze As fiction pulls me through your arms We feel each other’s breath and warmth In a glimpse, you want me badly All this world’s imaginary
165 165 | BIYAHE | BIYAHE 1 | BIYAHE
Dibuho ni CLARENZ NARCISO Mixed Media
Paruparo 4 JJOSHUA GAPASIN
Gaya ng isang munting paruparo Darating din ang umagang walang hanggan Walang dilim na masisilayan Mahahanap ang mga daliring nawala Karapatang pantao ay makakamtan At malalabanan ang mga mapanlinlang nilang bulong Tanging tilaok ng manok at huni ng mga ibon ang mapapakinggan sa parang. Paru-parong walang takot ipakita ang tunay na kulay Paru-parong hindi takot lumipad Mga paru-parong masayang nagliliparan Hindi huhulihin at ikukulong ng walang laban Hindi pahihirapan, hindi paglalaruan Upang pakpak ay ‘di mapunit at di masugatan.
BIYAHE | BIYAHE | 166
Soon Rise 4 RAINE AGANON
The sun sets too early Too early that it wasn’t seen And not as majestic as it has ever been The eyes toward the vast darkness That used to be the wide luminous space Now suddenly, Going home was the choice of everybody Dim lights carried by each This chaos is here to teach Sad endings, new beginnings Hunger, then there’s power But if there’s death There is still birth See first how the light of home gives you warmth Then see how the smiles and laughter of souls give joy And then witness how old stories can be as new as the one you are currently making
167 167 | BIYAHE | BIYAHE
HEALTH IN DANGER FOR FOOD AND SHELTER Larawan ni: Aira Mae Velasco
Look in between look within And then look above Take your time Rest, Reflect, React Then after a long time Open the door happily Feel the breeze that sways the tree And then walk slowly Watch how the sun rise Not too late, not too early
BIYAHE | BIYAHE | 168
169 | BIYAHE
BIYAHE 170 |
171| BIYAHE
BIYAHE 172 |
173 | BIYAHE
BIYAHE 174 |
EDUCATORS’ GAZETTE
Editorial Board and Staff (2020-2021) EDITOR-IN-CHIEF Lesly Joy F. Maregmen ASSOCIATE EDITOR Valerie Ann C. Valmonte MANAGING EDITOR Aira Mae A. Puyawan ASSOCIATE MANAGING EDITOR Melvin M. Corpuz NEWS/LAYOUT EDITOR Ray Allen C. Dela Cruz FEATURES EDITOR Raine C. Aganon SPORTS EDITOR Harold Lee R. Sarmiento LITERARY EDITOR Erika D. Ramilo DEV. COM. EDITOR ZY S. DAQUIGAN CORRESPONDENTS Jericho S. Vita | Sean Kate O. Sundiam | Heralyn L. Saul Cherry Mae V. Racuya | Joshua P. Gapasin | Allysa Maranoc Marianne Claire M. Ramos | Julie Anne C. Natividad LAYOUT ARTISTS Rechell D. Montes | Regina Marie M. Asio GRAPHIC ARTIST Roberto C. Jovenal Jr. PHOTOJOURNALISTS Jayson C. Balatbat | Grace T. Tubera | Aira Mae O. Velasco CARTOONISTS Charles G. Espinosa | Gabriel B. Capitulo | Clarenz B. Narciso TECHNICAL ADVISERS Prof. Elizabeth P. Balanquit | Mr. Sonny Frenz S. Tongol
175 | BIYAHE
Pasasalamat Walang pagsidlan ng galak ang nararamdaman ng Educators’ Gazette sa matagumpay na pagkakabuo ng aklat na ito na may temang PULA. Mahalaga para sa pahayagan na maisakatuparan ang hangaring makapagbigay inspirasyon, maimulat ang mga mambabasa sa mga kaganapan sa bansa, at maging paa ng mga kabataan na siyang tatayo laban sa naaagnas na sistema sa pamamagitan ng panitikan at sining. Bunsod nito, taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng Educators’ Gazette sa mga sumusunod na indibidwal na naging kabahagi ng tagumpay na ito. Ang kanilang walang humpay na suporta, at hindi matatawarang tulong at kontribusyon sa literary folio ay marapat lamang gawaran ng pagkilala. Sa bumubuo ng Kolehiyo ng Panggurong Edukasyon, maging ng Unibersidad, lubos ang pasasalamat sa pagmulat sa mga isipan ng lupon ng pahayagan, maging ang suportang walang katumbas. Sa mga tagapayo ng pahayagan, Gng. Elizabeth P. Balanquit at G. Sonny Frenz Tongol, lubos ang pasasalamat ng Educators’ Gazette sa pagpursigi at paghikayat sa lupon na ipagpatuloy ang paggawa ng makabuluhang aklat na ito. Sa mga kapuwa-mamamahayag ng Unibersidad at mag-aaral ng Kolehiyo, na patuloy ang suporta’t pagsubaybay sa serbisyong maka-estudyante at maka-masa. Padayon! Higit sa lahat, walang kapantay na pasasalamat ang iniaalay ng Educators’ Gazette sa Poong Maykapal sa pagkakaloob ng determinasyon, talento at kaalaman. Ang aming tagumpay ay iniaalay namin sa Iyo.
BIYAHE 176 |
SA MAY BAHAY Larawan ni: Melvin Mina Corpuz
Simula pa lamang ito ng napakahaba at walang kapagurang pakikibaka para sa mga inaapi at niyurakan ng karapatan. Lumipas man ang panahon, ang pinagsama-samang boses ang mananaig sa mga daing at hikahos ng bayan. Hindi pa tapos ang laban.
EDUCATORS’ GAZETTE 177 | BIYAHE
2020-2021
BIYAHE | 2