kalinaw.
BOLYUM 1, ISYU 1 FILIPINO SA PILING LARANG
kalinaw. (pangngalan). estado ng pagiging mahinahon sa paligid.
JOHN ETHAN CASELA LARA LOPEZ
MAYO 28, 2021
prologo B
ilang pagtatapos ng taong panuruan, malaking nais
ng mga estudyante na makuha ang kapalit ng buong
taon nilang pinaghirapan, maging ang paggantimpala sa sarili sa paraan ng pagbibili o kahit simpleng pahinga. Para sa may-akda, ang pinakahuling gawain ay tinuturing susi sa pinto ng pagtatapos ng kanyang asignatura, tungo sa mahinahon na paligid, tungo sa kapayapaan, tungo sa kalinaw. At ito ay ang naging inspirasyon sa
pamagat at disenyo ng portfolio na ito. Ang mga nilalaman ng portfolio na ito ay ang mga komposisyon ng may-akda sa asignaturang Filipino sa
Piling Larang, maging ang iilang mga awtput at mga kabuuang natutuhan ng awtor sa kurso. Naka-organisa ito sa malinis na pamamaraan upang magsilbing repleksiyon kung nais obserbahan ang lahat ng naging gawain ng may-akda nang malinaw, mabilis at madali. Nais rin pasalamatan ng may-akda ang guro ng asignaturang Filipino sa Piling Larang, na naging pundasyon sa pagpapatatag ng paggamit ng wikang Filipino maging sa mga akademiko at proposyonal na gawain. Dagdag rin dito ang kanyang mga kasamahan
sa paglikha ng ilan sa mga produkto na nasa portfolio, na bunga ng ilang buwan ng kanilang pagtitiyaga sa eskwelahan.
TALAAN NG
nilalaman 8
BIONOTE NG PERSONALIDAD
10
PANUKALANG PROYEKTO
20
ADYENDA NG PULONG
22
KATITIKAN NG PULONG
30
PIYESA NG TALUMPATI
8
MARIA JESSICA ASPINAS SOHO
9
bionote NG PERSONALIDAD
S
i Jessica Soho ay isang tanyag na Filipina broadcast journalist na kilala sa sari-saring mga parangal sa
Pilipinas maging sa ibang mga bansa mula sa kanyang mahigit tatlumpung (30) taon sa larangang journalism. Iilan sa kanyang mga parangal ay ang Ka Doroy Valencia at George Foster Peabody Awards. Siya rin ang
kaunaunahang Pilipinong pinarangalan ng Best Coverage of a Breaking Story sa New York Film Festival. Bukod pa rito, siya ay isa sa mga nagpatatag ng seryeng
dokyumentrayong I-Witness at ng kanyang kasalukuyang mga award-winning na programang Kapuso Mo, Jessica Soho at State of the Nation.
SANGGUNIAN: JESSICA SOHO. (2019). peoplepill.com. Nakuha mula sa: https://peoplepill.com/people/jessica-soho
10
PANUKALANG
proyekto
MGA SALITA NILA LOUIS FRANCIS BERIÑO PATRICK IAN BITUIN JOHN ETHAN CASELA FRANCINNE NICOLE DEL MORO ASHLEY JADE DY
11
FLOOD WALL SA ILOG SUSQUEHANNA, UNITED STATES
12
PANUKALA PAGPAPATAYO NG FLOOD WALL ORGANISASYON SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN PETSA AT LUGAR DISYEMBRE 9, 2021 HANGGANG DISYEMBRE 9, 2023 BARANGAY SAN LORENZO, NORZAGABAY, BULACAN
ANGAT DAM, NORZAGABAY, BULACAN
13
H
inagad sa panukalang
ang karagdagang
ito na makapagpatayo
pagpapalawak at pagpapabuti
ng mga flood wall sa
ng iba pang proyekto na may
Barangay San Lorenzo,
kaugnayan sa panukalang ito.
Norzagaray, Bulacan, kung saan sa mga nakaraang taon ay lubhang napinsala ng mga malalakas na bagyo.
Napag-alaman sa mga pag-aaral na maliban sa ulan na dala ng mga bagyo, isa din na kadahilanan ng paglubog ng lalawigan ay ang pagpapakawala ng tubig mula sa iba’t ibang dams.
Sa pangkahalatan, ang panukalang pagpapatayo ng flood wall sa Barangay San
Lorenzo, Norzagaray, Bulacan ay ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pagkasira sa ari-arian at
kaswalti na naiidudulot ng bagyo at iba pang dala nito sa mga mamamayan ng lalawigan ng Bulacan.
Inalam din ng panukalang ito
Pamumunuan ang proyekto
ang mga gawain, iskedyul,
nito ng gobernador ng
responsibilad, at budget para
lalawigan, na may badyet na
sa kabuuang implementasyon
Php 100,000 at magsisimula
ng proyekto. Makatapos, ang
sa Disyembre 9, 2021 at
panuntunan sa pagmo-
inaasahang matatapos ng
monitor at ibalwasyon ay
Disyembre 9, 2023.
susuriin upang maipakita ang kabuuang benepisyo ng panukala sa mga mamamayan
ng Barangay San Lorenzo, Norzagaray, Bulacan, maging
14
TULAY BITBIT NORZAGABAY, BULACAN
15
Katwiran ng Proyekto
Dahil dito ay mataas ang posibilidad na maulit,
Isa ang lalawigan ng Bulacan
sapagkat ang lalawigan ng
ang dinagsa ng malalakas na
Bulacan ang naturingang
bagyo noong nakaraang
“taga-salo ng tubig” na
taong 2020. Isa na dito ang
pinakakawala ng tatlong
bagyong Rolly na iniwan ang
nasabing dams. Mahalaga ang
tatlumpong (30) nayon na
pagpapatayo ng flood wall sa
lubog sa tubig, pati na rin ang
Barangay San Lorenzo,
bagyong Ulysses na iniwan
Norzagaray, Bulacan. Kung ito
ang sampung (10) bayan na
ay maisasagawa, maiiwasan
lubog sa tubig at labing-apat
ang takot ng bawat
na libong (14,000) evacuees.
maninirahan sa Barangay San
Maliban sa ulan na dala mga
Lorenzo, Norzagaray, Bulacan
nabanggit na bagyo, ang
at mabawasan ang posibilidad
pagkakawala ng tubig mula sa
ng pagkakaroon ng lagpas na
Angat, Bustos, at Ipo Dams
tao na baha sa lugar at ang
ang siyang naging dahilan rin
mamamayan ay maaari nang
ng lubusang pagbaha sa
hindi lumikas sa panahon
lalawigan ng Bulacan.
ng bagyo.
16
Layunin Ang layunin ng inihandang proyekto ay upang makapagpatayo ng flood wall
na makakapagpabawas ng pagtaas ng baha sa lalawigan ng Bulacan. Dito, maiibsan ang kaisipan ng mga mamamayan na naninirahan doon at maiwasan ang mga kaswalti na naiidulot ng mga
bagyo. Sa paraan na ito, maasahan na bababa ang posibilidad ng paglikas at ang karaniwang bilang ng kaswalting dulot ng bagyo.
Target na Benepisaryo Ang target na benepisyaryo ng proyekto ay ang mga
mamamayan ng Barangay San Lorenzo, Norzagaray, Bulacan.
NORZAGABAY, BULACAN
17
Iskedyul Gawain
Iskedyul
Responsibilidad
Pagsasagawa at pagapruba ng planong pambadyet
Disyembre 9 – 30, 2021
Tagapamuno ng proyekto *
Pagsasagawa ng area study sa potensyal na mga lugar
Enero 1 – Enero 31, 2021
*
Pebrero 1 – Hunyo 31, 2021
Tagapamuno ng proyekto, opisyal ng barangay at lalawigan **
Pagpupulong, pag-apruba at Hunyo 1, 2021 – pagpili ng kontraktor Hulyo 31, 2021 sa proyekto
Tagapamuno ng proyekto, opisyal ng barangay at lalawigan, tagapamuno ng kompanya ***
Pagprodyus ng proposal sa lalawigan at barangay na sakop ang lugar ng proyekto
Pagpapatayo ng flood wall sa inaprubahang lokasyon
Agosto 1, 2022 – *** Nobyembre 30, 2023
Pagmo-monitor ng daloy o prosidyur sa flood wall
Disyembre 1 – 9, 2023
**
18
Badyet Gastusin
Halaga
Planning - Area study - Project proposals
Php 10,000.00
* Blueprint * Scale model Construction at Implementasyon - Bayad sa kontraktor
Php 90,000.00
- Materyales - Bayad sa buwis KABUUANG HALAGA
Php 100,000.00
19
Pagmomonitor at Ebalwasyon Matapos itayo ang flood wall, inaasahan na magbibigay proteksyon ito sa Barangay San Lorenzo, Norzagaray,
Bulacan upang makapagbawas ng pagpasok ng tubig-baha. Pagtutuunan ito ng pansin ng mga eksperto at imo-monitor kung maayos ba ang implementasyon ng flood wall. Sa paraang ito ay
maisusulat din o mabigyan ng record ang mga katangiang na-obserbahan. Sa pagtatala ng mga na-obserbahan ay malalaman nila kung ano pa ang dapat baguhin sa proyekto. Ang mga dokumentasyon ay maaaring gamiting gabay sa pagpapalawak at pagpapabuti ng iba pang mga proyekto na
konektado sa proyektong ito. NORZAGABAY, BULACAN
20
21
adyenda NG PULONG
LOKASYON MICROSOFT TEAMS CHANNEL PETSA ABRIL 29, 2021 ORAS 2:00 N.H. HANGGANG 3:00 N.H. TAGAPANGASIWA FRANCINNE NICOLE DEL MORO
!.
Introduksyon
II.
Pagtatala ng mga dumalo
III. Pagprepresenta at pagtatalakay ng adyenda 1.
Pagprepresenta ng iminungkahing panukala a.
Paglalahad ng suliranin
b.
Pagbibigay-katuwiran sa iminungkahing panukala
2.
Paglalahad ng mga detalye ng minungkahing
panukala a.
Paglalahad ng iskedyul ng implementasyon ng proyekto
22
katitikan NG PULONG
23
PETSA ABRIL 29, 2021 ORAS 2:00 N.H. HANGGANG 2:30 N.H. MGA DUMALO LOUIS FRANCIS BERIÑO PATRICK IAN BITUIN JOHN ETHAN CASELA FRANCINNE NICOLE DEL MORO ASHLEY JADE DY
24
Paksa
Pagtatayo ng Flood Wall,
Pagpapatayo ng Flood Wall
Norzagabay, Bulacan.
1.
A
Pagtatalakay ng layunin ng proyekto
ng pulong ay nag-
D
1.1
1.2
umpisa sa panalangin
na pinangunahan ni Bb. Francinne Nicole Del Moro.
1.3
2.
Paglalahad ng target na benepisaryo, suliranin, at katwiran ng proyekto
2.
2.
2.
Diskusyon
1. Inilahad ni G. Patrick ang layunin ng proyektong pagpapatayo ng flood wall.
25
Desisyon o Aksyon Binigyang-pansin ng lahat.
2. Binigyang-diin din ang isa sa mga layunin na makakapagpabawas ito ng pagtaas ng baha sa lalawigan ng Bulacan.
3. Isa na rin sa mga layunin na nabanggit ay ang maiibsan ang pag-aalala ng mga mamayanan ng Bulacan sa maaaring kaswalti na maiidulot ng pagbaha.
.1. Ang target na benepisaryo ay ang Sumang-ayon ang lahat at naintindihang mabuti ang mamamayan ng lalawigan ng mga natalakay. Bulacan ayon kay G. Patrick.
.2. Dumako naman si Bb. Ashley sa pagtukoy ng suliranin, at ito ay ang pagdagsa ng malakas na bagyo sa lalawigan ng Bulacan noong taong 2020. Nabanggit din ni Bb. Ashley na ang pagkakawala ng tubig mula sa Angat, Ipo, at Bustos Dams ang siyang naging dahilan rin ng lubusang pagbaha sa lugar.
.3. Sinundan naman ito ni G. Louis, at tinalakay ang kahalagahan ng pagsagawa ng iminumungkahing proyekto.
26
Paksa
D
Pagpapatayo ng Flood Wall 3.
Paglalahad ng badyet, iskedyul, at ebalwasyon.
3.
3.
3.
Diskusyon
27
Desisyon o Aksyon
.1. Nabanggit ni G. Ethan ang badyet Nagtanong din si G. Francis at na nakalaan para sa G. Patrick kung sapat ba ang nakalaan kinakailangangang flood wall. na badyet para sa flood wall. At inilahad naman ni G. Ethan ang kanyang katuwiran kung bakit sapat na ang nilaang badyet para sa proyekto.
.2. Nilahad ni G. Ethan ang mga iskedyul para sa pagsasagawa ng flood wall.
.3. Ibinahagi ni Bb. Francinne ang ebalwasyon na gagawin para malaman ang kainaman ng proyekto.
Sinangguni ni Bb.Francinne na dapat mayroon panuto ng sistema sa pamamahagi para makita ang mga gawain na karapat dapat sa proyekto. Sinangguni din niya kung sapat ba ang araw na nilaan para sa pagpapatayo ng Flood Wall. Hindi sumang-ayon ang karamihan, kaya naman ay napagdesisyunan ng grupo na simulan ang proyekto ng mas maaga ng isang taon.
Nagtanong din si Bb. Ashley kung may napili nang kontraktor ang proyekto na ito. At inilahad ni G. Ethan ang listahan ng pagpipiliang kontraktor.
28
Paksa Natapos ang pulong sa ganap na 2:28 ng hapon.
D
Oryentasyon para sa mga bagong miyembro 1.
Hatian ng gawain
INIHANDA NINA: PATRICK IAN BITUIN ASHLEY JADE DY
1.1
1.2
1.3
2.
Iskedyul
2.
Diskusyon
1. Binigay ni Bb. Francinne ang mga nakatakdang gawain sa bawat miyembro.
2. Binigyang-diin niya na ang mga dapat gawin ng mga miyembro at mga katanungan na kinakailangang bigyang pansin.
3. Ang mamamahala naman sa nilalaman ng presentasyon ay si G. Francis.
.1. Nabanggit din ni Bb. Francinne na ang oriyentasyon ay sa ganap na 2:00 n.h. sa darating na Abril 29, 2021.
29
Desisyon o Aksyon
Binigyang-pansin ng lahat.
30
talumpati PIYESA
A
lam ko na hindi naging lihim ang hamon ng ‘di-
inaasahang pandemiya sa Pilipinas, lalo na sa
larangan ng edukasyon. Ngunit hindi naman natin ito kasalanang mga estudyante, pero bakit tayo pa rin ang mas nahihirapan? Noong nakaraang araw lamang ay naglabas ng pahayag ang Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon, na ipagpapatuloy na ang sistemang flexible learning bilang normal na pamamaraan ng ating edukasyon kaysa sa tradisyonal na setting. Sa mga kapwa kong estudyanteng nakararamdam ng pagkabigo, kalungkutan, o galit, hindi
kayo nag-iisa. Bilang isang estudyante, nasaksihan ko ang aking mga kamag-aral na hindi makapasok sa online na klase, hindi makahabol sa mga aralin dahil hindi sapat ang kagamitan. Nasaksihan ko ang dimabilang na kapwa estudyanteng kinakailangang magtrabaho sa gitna ng pandemiya upang makabili ng sapat na kagamitan. Iba’t ibang mga gadyet, internet modem, at mga modyul
para lamang makahabol sa kanilang mga
31
Subalit, hindi lamang tayong mga estudyante ang
nakakaranas nito. Ang mga edukadong gumagabay rin sa amin, aming mga magulang, aming mga guro, dahil sila ang napilitang magbago sa ganitong sistema upang makapagturo, dugo’t pawis na naglilikha pa rin ngayon ng materyales para sa bawat estudyante. Para sa mga hindi pa rin nakakaalam o hindi pa rin nakakaranas, ang laban naming estudyante ay laban niyo rin, ang laban ng
kinabukasang Pilipino. Tulad ng paulit-ulit na sinasabi nila, kung hindi ka pa nagagalit, kailan pa?
PAMAGAT PARA SA KINABUKASANG PILIPINO MGA SALITA NI JOHN ETHAN CASELA
epilogo S
a pagsulat ng mga nakitang awtput ay naranasan ng may-akda na posible pa rin na magampanan ang
mga tungkuling pangtrabaho o akademiko gamit ang wikang Filipino. Bukod sa pagpapalaganap ng paggamit
ng nasabing wika, nakatulong rin ang mga gawain sa may-akda upang maging maalam patungkol sa mga prinsipyo, responsibilidad, at mga gawain sa mga panggrupong gawain sa eskwelahan o ang opisina at pati
na rin ang mga paraan kung papaanong makipag-ugnayan, Sa kabuuan, naging pundasyon ang asignaturang Filipino
sa Piling Larang para sa awtor sa pagbabahagi ng impormasyon at pakikipag-ugnayan sa mga kasamahan gamit ang wikang Filipino. Nais ng may-akda na gamitin ang mga nakuhang kaalaman sa totoong buhay, lalo na sa kanyang magiging kinabukasang trabaho at papasukang mga unibersidad.
rubriks SA PAGGRADO
Organisadong naitala ang lahat ng akademikong sulatin a.
Infographics
b.
Bionote
c.
Panukalang Proyekto
d.
Adyenda
e.
Katitikan ng Pulong
f.
Piyesa ng Talumpati
10 puntos
Gumamit ng wastong salita at gramatika
10 puntos
Maayos ang daloy ng bawat nilalaman ng portfolio
10 puntos
Nakakasunod sa proseso ng pagsulat
10 puntos
Kinakitaan ng pagkamalikhain
10 puntos
KABUUANG PUNTOS
50 puntos
bionote NG MAY-AKDA
JOHN ETHAN CASELA ESTUDYANTE, DLSU-D
S
i John Ethan Casela ay isang mag-aaral mula sa
seksyong ABM22 ng Pamantasan ng De La Salle
Dasmariñas (DLSU-D) Senior High School. Kinikilala siya sa kahusayan sa larangan ng akademiks,
bilang isa sa mga pinarangalan ng akademikong rekognisyon na “With High Honors” sa kanyang pagtatapos ng Junior High School sa Benedictine Institute of Learning. Kabilang dito, ipinagpapatuloy niya pa rin ang pagtanggap ng ganitong parangal mula ikalabing-isang baitang hanggang sa unang semestre ng kasalukuyang baitang ng Senior High School. Dagdag pa rito, isa rin siya sa mga aktibong tumutulong sa pamantasan ng Senior High sa paghahatid ng importanteng impormasyon sa opisyal na publikasyon na
La Estrella Verde, bilang kasalukuyang News Editor at Editor in Chief ng organisasyon. Sa ngayon, siya ay nagtatapos ng pag-aaral ng Senior High School sa Pamantasan ng De La Salle-Dasmariñas – Senior High School sa strand na Accountancy, Business and Management. Sa paraan na ito ay nais niyang kumuha ng kurso na Bachelor of Science in Accountancy sa kolehiyo at maging isang propesyonal na accountant balang araw. Ito ay upang magamit niya ang nakuhang kaalaman at karanasan sa paggawa at pagbahagi ng
wastong impormasyon sa mga nangangailangan na taumbayan sa larangan ng finance.
kalinaw.