FilJap
Issue Number 1
The Filipino-Japanese Community Magazine
March - April 2012
M A G A Z I N E
Maiden Issue
IN FOCUS
Remembering 3/11
TRAVEL
Springtime in Japan
HEALTH
No to Kafunsho this Spring
Charice Way to Infinity
Free
Contents
Editor’s Note
Mar - Apr 2012
FEATURES
4 6 8 10 11 12
In Focus
Remembering 3/11 Philippine Adventures
Ilocos Sur Cover Story
Charice
Embassy News
Filcom Watch Travel Japan
Springtime in Japan
L
imang taon nang paghahatid ng impormasyon para sa mga kababayan natin sa Japan sa pamamagitan ng dalawang pinagkakapitaganan na publikasyon sa Filipino Community, ang Philippine Digest at Maharlika. At ngayon sa ikatlong pagkakataon, ako’y nagagalak na muling magbahagi ng mga balita at kaalaman sa pamamagitan ng FilJap Magazine. Para sa aming maiden issue, tayo’y ma-inspire sa rise to stardom story ng international pop sensation na si Charice Pempengco. Makalipas ang isang taon, ating gunitain ang ika-1 anibersaryo ng Great East Japan Earthquake na kumitil sa maraming buhay at nag-iwan ng malaking pinsala sa northeastern Japan. Siyempre pa, hindi dapat palampasin ang pinakahihintay ng lahat, ang spring season sa ating Travel Japan. Kung ang nais naman ay naiibang Philippine adventure, nariyan ang makasaysayang Ilocos Sur na mainam na dayuhin ngayong nalalapit na bakasyon at mahal na araw. Kilalanin din ang woman of the hour na si Grace Lee. Ilan lamang ito sa mga artikulong mababasa sa first issue ng FilJap Magazine. Lalabas once every two months, makakaasa kayo na ang bawat artikulo ay hitik sa kaalaman at mga impormasyong informative, interesting at entertaining. Hangad namin na magkaroon ng espasyo sa inyong mga abalang araw ang pagbabasa ng FilJap Magazine. Maraming salamat.
Mabuhay po kayo!
ENTERTAINMENT
14 15 18
TIPS
16
Showbiz Bits Spotlight
Grace Lee Zodiacs & Trivia
Health & Beauty
No to Kafunsho this Spring
FilJap M A G A Z I N E
Publisher: Yonei Toshikazu Editor-in-Chief: Florenda Corpuz Associate Editor: Nel Salvador Contributors / Photographers: Din Eugenio (Tokyo) Oliver Corpuz (Manila) Advertising Executive: Masashi Kan Judith Takahashi Distribution Executive: Genie Omata Layout Artist: VerJube Photographics 3-35-21-409 Shinden Adachi-ku 123-0865 Tokyo, Japan Telephone: 03-6903-2100 Fax: 03-6903-2101 E-mail: filjapmagazine@yahoo.com FilJap Magazine is published by FilJap Consulting. All rights reserved. No part of this magazine may be reproduced in any manner without the permission of the publisher. FILJAP MAGAZINE | MAR-APR 2012
3
IN FOCUS
Remembering 3/11: Surviving the Odds Isang taon na ang nakakalipas simula nang maganap ang trahedya sa Japan na ikinasawi ng libu-libong katao. Ito’y isang pangyayari na kahit ilang taon pa ang lumipas ay hindi makakalimutan dahil sa lungkot, sakit at hirap na idinulot nito sa bansa partikular sa Tohoku region.
M
arso 11, 2011 ang araw kung saan niyanig ng 9.0 magnitude na lindol ang Japan na sinundan ng tatlong metrong laki na tsunami na nasaksihan ng mundo nang may panghihina at pagkatakot.
pang ari-arian ang nasira dala ng trahedya. Hinarap din ng gobyerno ng Japan ang banta ng nuclear meltdown ng Fukushima Nuclear Power Plant kung saan nangamba ang marami sa pagtagas ng radiation.
Hindi aakalain na ang isang bansang tulad ng Japan na mayroong matatag na ekonomiya ay makakaranas ng ganitong hagupit ng kalikasan. Ayon sa Japanese National Police Agency, umabot sa 15,850 ang kumpirmadong patay sa trahedya, 6,011 ang sugatan at 3,287 pa ang nawawala sa halos 18 prefectures sa bansa. Bukod dito, humigit-kumulang sa 125,000 bahay, gusali at iba
Kung susumahin ang lahat ng nawala, aabot sa US$14.5 hanggang US$34.6 bilyon ang halaga ng pinsala bunsod ng lindol at tsunami na itinuturing na isa sa pinakamalalang trahedya na tumama sa kasaysayan.
4
Subalit, totoo sa pagiging “Land of the Rising Sun” ay hinangaan ang Japan ng buong mundo sa ipinakita nitong katatagan ng loob sa pagharap
FILJAP MAGAZINE | MAR-APR 2012
sa pagsubok na ito. Ipinakita ng mga mamamayan nito ang disiplina ng bawat isa tulad ng pagpila nang maayos sa pagkuha ng relief goods, ang pagtanggi sa oportunidad na kumuha ng mga gamit na hindi sa kanila at ang pagiging mahinahon sa kabila ng lahat. “If there’s one best sign of hope for the “Land of the Rising Sun,” it is the hidden spirit of local responsiveness and camaraderie unleashed by the tragedy. The Japanese people impressed the world for their strength and composure amid the ruins,” pahayag ng Filipino student na si Chiden Balmes na nanalo ng “Prize of Excellence” sa essay writing contest
Photos by Din Eugenio
na inorganisa ng Japan Foreign Trade Council Inc. (JFTC). Sa isang taon na nakalipas ay masasabing unti-unting bumabangon ang Japan. Malaki na ang ikinabuti ng cleaning up efforts ng gobyerno lalo na sa mga lubhang apektado tulad ng Miyagi, Sendai, Fukushima at Iwate. Halos ÂĽ15 trillion ang inilabas ng Japan para sa rehabilitasyon sa mga nasirang gusali at ariarian. Marami pa rin pamilya ang hanggang ngayon ay wala pang tahanan at nakatira sa evacuation centers ngunit patuloy na umaasa na isang araw ay magkakaroon muli
sila ng sariling bahay. Ang mahalaga ay hindi sila pinapabayaan ng gobyerno dahil patuloy umano ang pagsuporta nito: nabigyan ng insurance benefits at trabaho ang marami, mayroon pa rin relief goods at iba pa na kailangan ng mga biktima. Sa ngayon, kontrolado na ang Fukushima nuclear plant ngunit patuloy pa rin ang pagbabantay dito para maiwasan ang nakaambang panganib na dala nito. Marami rin mga Pilipino ang piniling manatili sa bansa dahil sa kanilang pamilya. Marami kasi sa mga ito ay nakapagasawa ng Hapon kaya’t mas ninais nila na huwag umalis.
Hindi magiging madali ang pagbangong muli lalo na kung ikaw ay namatayan at nawalan ng mga bagay na matagal mong naipundar ngunit sabi nga na sa bawat pagsubok ay may maganda rin itong dulot. Sa gitna ng lahat ng ito, natutuhan ng mga tao ang halaga ng bawat isa, pagkakaisa, lakas ng loob, disiplina at ang pagpapahalaga sa ibinigay sa iyong buhay at mga bagay na mayroon ka. At higit sa lahat, ang pag-asa na namumutawi sa mga mamamayan ng Japan na sa kabila ng lahat ay mayroon pa rin pagkakataon na magsimula muli at harapin ang buhay.
FILJAP MAGAZINE | MAR-APR 2012
5
PHILIPPINE ADVENTURES
Ilocos Sur: Rich in History
6
FILJAP MAGAZINE | MAR-APR 2012
Photos by VerJube Photographics
Isa ang Ilocos Sur sa paboritong pasyalan sa hilagang bahagi ng bansa dahil puno ito ng magaganda at makasaysayang lugar. Kapag dumayo ka sa lugar, partikular na sa Vigan, ay parang naging bahagi ka rin ng mayamang kasaysayan ng bansa. Mamamangha ka rin sa makalumang arkitektura, sining, pagkain at mga produkto roon.
Heritage Village Matatagpuan sa Vigan, kapital ng Ilocos Sur, ang Heritage Village ay simbolo ng mayabong na kultura at sining ng Ilocandia. Dahil dito, napasama ang lugar sa UNESCO’s World Heritage List noong 1999. Magandang libutin ang Heritage Village sa pamamagitan ng pagsakay sa kalesa na nakapila malapit sa St. Paul Cathedral kung saan P150 kada oras ang bayad. Maaari rin na maglakad lalo na sa Calle Crisologo na maraming nagbebenta ng mga produkto na pwedeng
Pagburnayan Gawaan ng banga ang Pagburnayan na kung tawagin ng mga taga-roon ay burnay. Ginagamitan ito ng Bantog clay na ginagamit noon bilang sisidlan ng tubig, asin, basi (indigenous wine), tagapulot (brown sugar) at ng paborito ng mga Ilokano na bagoong. Maaaring hilingin sa mga manggagawa ng burnay na subukan ang paggawa nito. May mabibili rin sukang Ilokos at iba pang pampasalubong dito. Bantay Church and Bell Tower Ang St. Augustine Parish Church o mas kilala bilang Bantay Church ang isa sa pinakalumang simbahan sa Vigan na itinayo noong 1590 na Baroque at gothic inspired ang disenyo. Nasira ito noong World War II ngunit inayos na muli noong 1950.
pasalubong. Ilan sa makikita rito ay ang mga museo tulad ng Burgos Museum at Crisologo Museum. Ang Burgos Museum ay tahanan ng pamilya ni Padre Jose Burgos na nakatayo bago pa man ang Spanish era. Makikita rito ang mga lumang kagamitan, kwarto, silid-aralan at ilan pang memorabilia. Ilan pa sa makikita rito ay ang Plaza Salcedo, Crisologo Museum, Vigan Cathedral, Palacio de Arzobispado, Aklatang Panlalawigan ng Ilocos Sur, Aklatang Vigan, Aklatan ng PIA at ang Museo Quirino.
Ilang hakbang mula sa Bantay Church ay ang Bell Tower kung saan nakikita noon kung may paparating na mga kaaway dahil nakatayo ito sa ibabaw ng burol. Pagakyat mo rito ay makikita mo ang ganda ng buong bayan. Baluarte Open Zoo Pagmamay-ari ni Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, ang Baluarte Open Zoo ay may sukat na 80 ektarya na pinamamahayan ng iba’t ibang klase ng hayop. Dati ay bukas lamang ito bilang bakasyunan ng mga kaibigan ni Singson, ngayon ay binuksan na ito sa publiko dahil sa dami ng gustong lumibot dito. Ilan sa popular na hayop na makikita rito ay camel, ostrich, tiger, parrots. Mayroon din animal show kung saan ipinapakita ang mga kakaibang hayop na mayroon sa zoo tulad ng bear cat, python, golden at silver pheasant at marami pang iba. FILJAP MAGAZINE | MAR-APR 2012
7
COVER STORY
Charice:
Way to Infinity No one can deny Charice’s impeccable gift for singing, she’s born with it, and it’s only a matter of time before the world can see and appreciate what Filipino talent is all about.
T
he story of 19-year old international singing sensation Charice Pempengco may probably be likened to a fairy tale, only her prince charming happens to be in the form of a flourishing career – a dream she has worked hard for to fulfill.
Humble Beginnings Charice’s rise to fame isn’t something that was given to her in a silver platter. Coming from a poor family and being abandoned by his father at the age of three, Charice started joining singing contests, one after the other at the age of seven to help her mom Raquel make ends meet. Whether she wins or not in the contest, the most important thing for Charice then was the prize that can put food on the table. Never the one who easily gives up, she continues to hone her singing prowess and believes that one day this will be her ticket to stardom.
One of her biggest exposures happened in 2005 when she joined ABS-CBN’s “Little Big Star”, a singing contest hosted by Sarah Geronimo. Though she lost the title to Sam Concepcion, now a contract star of the said network, it was in this show where people took notice of her very powerful voice. The stint wasn’t enough to land her a career in the local music industry but that doesn’t mean it was the end 8 FILJAP MAGAZINE | MAR-APR 2012
of her story. In fact, it was just the beginning of something wonderful waiting to happen. In 2007, Charice became an instant YouTube sensation when an avid fan of hers, Dave Duenas, uploaded videos of her performances which garnered 15 million hits worldwide. This paved the way for her to be noticed internationally.
Charice was invited to perform in South Korea’s Star King talent show where she sang "I Will Always Love You" and "And I Am Telling You”. She won the admiration of the audience right away. Soon enough, she found herself guesting at “The Ellen DeGeneres Show” and later on “The Oprah Winfrey Show” where Oprah herself dubbed her as “the most talented girl in the world.” Oprah, believing in her talent, asked David Foster to take her under his wing and the music icon happily obliged. Charice was able to perform in shows that feature the biggest singing stars of Hollywood – Celine Dion, Josh Groban, Andrea Boccelli, and Justin Bieber among others. Looking up to Whitney Houston, Celine Dion, Michael Jackson and Mariah Carey as her musical influences, things can’t get any better for Charice. Her rise to stardom has began, her dreams has become a reality.
Her ‘Infinity’ Days Now, Charice is enjoying the spotlight, showing the world her gift of singing and representing the Philippines with so much pride. In 2010, she released her self-titled international debut album, which entered the Billboard 200 at number eight, making her the first Asian singer in history to land in the Top 10 of the Billboard 200 albums chart. Her single, “Pyramid” featuring Iyaz became popularly known the same time that she has landed a role in the hit American musical series “Glee”, as Sunshine Corazon. Her rendition of “Listen” and “Telephone” got positive responses from the fans of the show. Releasing her second album entitled “Infinity” which includes the song “Before It Explodes” written by Bruno Mars, “One Day” which was coproduced by Nick Jonas and “Louder” which is getting a lot of radio time, Charice is set to do an Asian Tour this March. She’ll have three concerts in Japan on March 14, 16 and 17 in Tokyo, Kobe and Nagoya, r e s p e c t i v e l y, which will surely be a hit in the country. Tr u l y, C h a r i c e has found her way to success. Photos courtesy of charicemusic.com FILJAP MAGAZINE | MAR-APR 2012
9
Embassy NEWS
Marubeni Corporation turns over Sendong donation to Philippine Embassy
M
arubeni Corporation, represented by Mr. Wataru Yoshida, Corporate Advisor, Senior Opera-ting Officer of the Global Strategy and Coordi-
nation Department, and Mr. Yasu-hiro Morimoto, General Manager for the Global Strategy Department of the Asia & Oceania Team, visited the Philippine Embassy in Tokyo last February 3 for
MGA DAPAT TANDAAN KAILAN ANG REGISTRATION PERIOD? Simula 02 November 2011 hanggang 31 October 2012 (Lunes hanggang Biyernes, maliban kung opisyal na holiday) SAAN MAGPAPAREHISTRO? Sa Philippine Embassy sa Tokyo, o kaya ay sa Philippine Consulate General sa Osaka (depende kung saan kayo nakatira sa Japan) ***. Wala pong “Registration by Mail”. Kailangan pong pumunta sa Embassy (personal appearance).
Philippine Embassy in Tokyo Akita, Aomori, Chiba, Fukushima, Gunma, Hokkaido, Ibaraki, Iwate, Kanagawa, Miyagi, Nagano, Niigata, Okinawa, Saitama, Shizuoka, Tochigi, Tokyo, Yamagata, and Yamanashi Philippine Consulate General in Osaka-Kobe Aichi, Ehime, Fukui, Fukuoka, Gifu, Hiroshima, Hyogo, Ishikawa, Kagawa, Kagoshima, Kochi, Kumamoto, Kyoto, Mie, Miyazaki, Nagasaki, Nara, Oita, Okayama, Osaka, Saga, Shiga, Shimane, Tokushima, Tottori, Toyama, Wakayama, and Yamaguchi
ANO ANG DAPAT DALHIN? Valid Passport Mga karagdagang dokumento / papeles: • Kung kayo ay Dual Citizen, dalhin po ang Oath of Allegiance or Order of Approval • Kung kayo ay Seafarer, dalhin po ang Seaman’s Book
•
PARA SA MAY MGA KATANUNGAN Mag-email lamang po sa: oav@philembassy.net 10
a ceremonial turn-over of its ¥5 million donation to the victims of Typhoon Sendong (International Name: Washi) to Philippine Ambassador to Japan, H.E. Manuel M. Lopez. Marubeni Corporation’s donation was coursed through the Philippine Embassy account and will be turned over to proper authorities in the Philippines. The Embassy was also informed by Marubeni that it had earlier coursed another ¥5 million donation for the Sendong victims through National Disaster Risk Reduction and Management Council. Marubeni also extended assistance through the ABS-CBN
FILJAP MAGAZINE | MAR-APR 2012
Foundation. Marubeni is one of Japan’s largest “sogo shosha” (general trading companies) and is involved in diverse business interests including chemicals, energy, finance, logistics, IT, lifestyle, metals and mineral resources, real estate development, plant and industrial machinery, power projects and infrastructure and transportation machinery and has business presence in at least 70 countries. In the Philippines, Marubeni is involved in various sectors such as power/ energy, transportation, real estate, water, trading, among others.
Magparehistro bilang Overseas Absentee Voter
Filcom watch Enrique V. Olives
Jen Mariano
Managing Director
Founder and CEO
ABS-CBN Japan
GLAMorous Bags
On behalf of ABS-CBN Japan, we would like to congratulate FilJap Magazine on their maiden issue. We trust that this publication would become an essential tool in providing vital information to our Kapamilyas in Japan.
Congratulations, FilJap Magazine on your maiden issue! With a great team led by EIC Ms. Corpuz, I am certain that this magazine will give much delight to our Kapamilyas here in Japan. Good luck and more power!
Joseph Philip Q. Banal
Anita A. Sasaki
Founder
Founder
Dabawenyos’ Organized Society-Japan
CASTLE
My warmest congratulations to the publisher, editor and staff of FilJap Magazine! Your publication will surely become a good tool in disseminating important information to our kababayans here in Japan. Good luck and more power!
Greetings! I am sure that the stories written by the editors, writers and contributors of FilJap Magazine will touch the hearts of the readers. Congratulations and more power!
Rowena A. Gunabe
Atty. Reo S. Andarino
Former President
Landbank of the
Leyteños and Samareños in Japan
Philippines
Let me extend my hearty congratulations to the publisher and staff of FilJap Magazine. I hope that you take the role of being a bridge between FilipinoJapanese community, and make favorable contributions by providing our Kababayans and our Japanese friends with in-depth information illuminating our beautiful Filipino culture and heritage. I wish you a grand success and eternal progress in your new endeavor.
D
Be Published!
Tokyo Representative Office Congratulations to the movers behind FilJap Magazine! Its birth brings more color to the Filipino publishing industry in Japan as it joins the others in chronicling the lives, interests and concerns of our kababayans in the area. May it be able to carve its own niche and bring inspiration and information to its readers. Ultimately, may it become a bridge towards greater understanding and harmony between the two great Asian cultures of the Philippines and Japan. Cheers!
o you have the knack for writing? Do you have something in mind that you want to share? This is your chance to be heard! FilJap Magazine is inviting you, our valued readers, to submit informative, entertaining and interesting articles (must be written in 300-500 words, MS Word format) and photos (should be in high resolution, 100 dpi at the minimum), which are original and never been published in other newspapers or magazines. Announcements of events are also welcome. You can send them to filjapmagazine@yahoo.com.
FILJAP MAGAZINE | MAR-APR 2012
11
TRAVEL JAPAN
Springtime
Japan
in
12
FILJAP MAGAZINE | MAR-APR 2012
Photos by Din Eugenio
Spring o tagsibol, panahon ng maraming pagbabago sa bahay, trabaho at eskwela sa Japan. Ito rin ang pinakamainam na pagkakataon upang muling masilayan ang nakakabighaning ganda ng buong bansa dulot ng pamumukadkad ng mga cherry blossoms o “sakura� na pinakahihintay ng mga lokal at dayuhang turista.
B
ago pa man naging tourist attraction ang mga sakura, ito ay malaking bahagi na ng kulturang Hapon. World War II nang ito ay magsilbing inspirasyon para sa mga sundalong Hapones. Nakalarawan ito sa kanilang mga watawat at insignia. Ipininta rin ng mga piloto ang imahe ng sakura sa kanilang mga eroplano. Ito ay iniugnay din sa mga samurai at bushi. Dahil dito, itinuturing na isang mahalagang simbolo ng bansa ang sakura, mula noon hanggang ngayon. Aabot sa mahigit 400 na klase ng sakura ang makikita sa Japan. Ilan sa mga pinaka-popular sa mga ito ay ang Somei Yoshino, Ichiyo, Yamazakura at Chrysanthemum Cherry. Kaiba sa mga karaniwang cherry trees, hindi namumunga ng prutas ang mga puno rito. Simula pa noong 7th century, kaugalian na ng mga Hapon ang pagsasagawa ng flower viewing party o “hanami” sa tuwing namumulaklak ang sakura. Para sa kanila ito ay naghahatid ng pagkakasundo at mabuting pagsasamahan sa mga kapamilya’t kaibigan. Kaya naman inaantabayanan ng mga ito ang forecast ng Japan Meteorological Agency sa cherry blossoms front o “sakura zensen”. Dito ay malalaman kung saang lugar na sa bansa nag-uumpisang mamumulaklak ang sakura. Tumatagal nang sampung araw hanggang dalawang linggo ang pamumulaklak nito. Sa bahagi ng Tokyo, ito ay unang masisilayan sa Yasukuni Shrine. Ilan pa sa mga kilalang hanami spots dito ay ang Sumida River, Ueno Park at Shinjuku Gyoen Park. Sa tuwing may hanami party, asahan na ang masarap na kainan, inuman, kantahan at kwentuhan. Ilan sa mga madalas na pinagsasaluhan ay ang mga rice balls (onigiri), dumplings (dango) at rice wine (sake). Bukod pa rito, may iba’t ibang cherry blossoms festivals at kimono shows din na nagaganap. Umusad man ang panahon, ang gandang taglay ng sakura ay patuloy na uusbong sa tuwing sasapit ang buwan ng tagsibol. Cherry Blossom Forecast 2012 (Source: Japan Weather Station) Location
Opening
Tokyo Kyoto Kagoshima Kumamoto Fukuoka Hiroshima Osaka Nara Nagoya Yokohama Kanazawa Nagano Sendai Aomori Hakodate Sapporo
March 30 March 29 March 28 March 26 March 27 March 29 March 30 March 31 March 29 March 31 April 07 April 13 April 13 April 26 May 02 May 04
Estimated Best Viewing April April April April April April April April April April
05 to 14 05 to 14 05 to 14 03 to 12 04 to 13 05 to 13 06 to 14 06 to 14 06 to 13 06 to 13 April 12 to 19 April 18 to 25 April 18 to 25 May 01 to 08 May 06 to 13 May 07 to 14
FILJAP MAGAZINE | MAR-APR 2012
13
SHOWBIZ BITS
Charice, balik-concert
Lucy Hale bumisita sa bansa
Matapos ang pagluluksa sa pagkamatay ng ama, balik-concert scene na nga ang international pop sensation na si Charice. Nakatakdang magtanghal ng solo concert na pinamagatang “Infinity Tour” ang batang singer sa Dubai, Singapore, Indonesia, Hongkong, Philippines at Japan. Gaganapin sa Tokyo (March 14), Kobe (March 16) at Nagoya (March 17) ang kanyang Japan Tour. Para sa tickets, tumawag sa 0570-064-708.
Binisita kamakailan ng sikat na American singer/actress na si Lucy Hale ang Pilipinas para sa kanyang Bench endorsement. Sa kanyang tweet, hindi naitago ni Hale ang kasiyahang nadarama sa pagdating sa bansa “Philippines! I’ve arrived! And I’ve never felt more welcome.” Nakilala si Hale sa U.S. hit TV series na “Pretty Little Liars”.
Sarah G. Live! Masayang-masaya ang pop star princess na si Sarah Geronimo sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanyang kauna-unahang solo musical variety show, ang “Sarah G. Live” na mapapanood tuwing Linggo ng gabi sa Kapamilya network. Kasama niya rito sina Luis Manzano bilang co-host, Gab Valenciano at G-Force bilang dance performers. Ito ay sa direksyon ni Erick Salud.
Whitney Houston, pumanaw na sa edad 48 Valiente sa TV5 Markado ang naging pagbabalik ng isa sa pinakamatagumpay na dramaserye sa Philippine TV, ang Valiente na kasalukuyang mapapanood sa TV5. Ito ay pinagbibidahan ng mga Kapatid stars na sina Oyo Sotto, Nadine Samonte, Nina Jose at JC De Vera. Kasama rin sa cast ang orihinal na gumanap bilang Valiente na si Michael de Mesa. Itinatampok din dito ang natatanging rendisyon ng orihinal na theme song nito na inawit ni Vic Sotto. Ito’y sa direksyon ng multi-awarded director na si Joel Lamangan.
14
FILJAP MAGAZINE | MAR-APR 2012
Pumanaw na ang sikat na international singer na si Whitney Houston sa edad na 48. Natagpuang wala ng buhay ang katawan ng mang-aawit sa kanyang bathtub sa Beverly Hilton Hotel. Hindi pa mabatid ang sanhi ng kamatayan ng singer. Napabalitang nagkaroon ng problema sa alcohol at drugs si Houston. Ilan sa mga awiting kanyang pinasikat ay ang “I Will Always Love You” at “Greatest Love Of All”.
SPOTLIGHT
Grace Lee:
Woman of the Hour Kung dati rati ay ang TV host na si Grace Lee ang nag-iinterview sa mga sikat na artista, pulitiko at iba pang personalidad, ngayon naman ay tila nabaligtad na ang kanyang mundo. Laman ng mga pahayagan at news programs si Grace simula nang aminin ni Pangulong Benigno Aquino III na sila ay nagde-date.
H
indi kaila sa marami ang laki ng interes ng publiko sa love life ni P-Noy, na sa edad 52, ay tinaguriang “most eligible bachelor” ng bansa. Kaya naman ng ibunyag ni P-Noy ang pagtatangi sa 29-taong-gulang na si Grace ay hindi na siya tinantanan ng media. Sa loob ng limang taon na paghohost sa iba’t ibang programa tulad ng “The Sweet Life”, “Balitanghali” at “24 Oras Weekend”, ngayon ay interesado ang marami sa kanyang bawat galaw. Nagsimulang ma-link ang dalawa ng tawaging “gwapa” o maganda sa Tagalog ni P-Noy si Grace nang maging host ito sa isang event ng Korean Electric Power Corporation (KEPCO) Hunyo noong nakaraang taon sa Cebu. Matapos noon ay wala
ng narinig na balita ukol sa dalawa. Nabuhay na lamang muli ang tsismis tungkol sa dalawa ng tuksuhin si Grace ng kapwa radio disc jockey ng Magic 89.9 na si Mo Twister sa Twitter kamakailan lamang. Simula noon ay naging mainit na sa media at sa mata ng publiko si Grace. Matalino, masipag, maalaga at marespeto ang paglalarawan ni Grace sa Pangulo. Subalit, paglilinaw niya na nasa getting-to-know-you stage pa lang sila ngunit malaki umano ang tsansa ng Pangulo na mapasagot siya. Kasabay ng kaliwa’t kanang interview na kanyang pinaunlakan at mga balita tungkol sa pagde-date nila ni P-Noy ay dagsa rin ang mga negatibong komento sa kanya. Imbes na magpaapekto ay nanatili si Grace
na kalmado sa gitna ng atensyon. “I'm sure people will say that about me, but as long as my family and the people I love around me believe and know who I am, I can live with myself,” paliwanag ni Grace. “I'm in this industry. I'm in this business. So, hindi maiiwasan yun. I try to accommodate and be polite to everyone as much as I can and I hope that my politeness will not be used against me.” Ipinanganak si Grace o Lee Kyung Hee sa Seoul, South Korea ngunit lumaki sa Pilipinas nang lumipat ang kanyang pamilya sa bansa sa edad na 10. Nagtapos siya ng high school sa St. Paul College Pasig at kumuha ng communication arts degree sa Ateneo de Manila University.
FILJAP MAGAZINE | MAR-APR 2012
15
Health and beauty
Glowing Skin
in Time for Spring Paniguradong dry na dry ang inyong balat matapos ang lamig na dulot ng winter season. Kaya isa sa magandang gawin ngayong spring ay ang bigyan ng sapat na atensyon ang balat. 1. Use sunscreen. Marami pa rin ang pinagpapawalang-bahala ang paggamit ng sunscreen lotion. Hindi man gaano kataas ang araw tuwing spring, kailangan pa rin gumamit nito. SPF 15 o SPF 30 ang dapat na tinataglay ng lotion na gagamitin arawaraw. Bukod sa mapoprotektahan ang sarili sa skin cancer, magkakaroon ka pa ng younger looking skin. 2. Moisturizer. Iba’t iba ang klase ng moisturi zer o lotion na ibinibenta depende sa skin type at maging sa season. Tuwing winter, heavier cream ang ginagamit dahil sa sobrang dryness na idinudulot nito. Kaya may mga lotion na kapag ginamit tuwing spring na parang ang lagkit-lagkit sa katawan. Senyales ito na kailangan mo ng lighter lotion product para sa iyong balat. 3. Spa. Siyempre, wala ng hihigit pa sa pag-pamper sa iyong katawan sa pamamagitan ng pagpunta sa spa salon. Foot spa, body scrub, facial massage at iba pang spa services ang pwede mong i-avail para sa iyong sarili. 4. Daily Routine. Nakakatamad na kumilos kapag winter season kaya minsan napapabayaan na ang facial cleansing or pag-a-apply ng nakagawiang beauty products sa mukha. Ngayon spring, ibalik ang inyong daily skin care habit para sa lalong pagganda ng inyong balat. Source: www.about.com
Homemade Beauty Recipe Narito ang dalawang homemade beauty recipe na pwede niyong gawin ngayong spring.
Egg Face Mask Maganda ang itlog sa pagpapawala ng dry skin dahil sagana ito sa protein at lecithin na natural na langis para sa balat. Sangkap: 1 itlog 1 kutsara ng honey 1 kutsara ng sour cream Paraan: Paghaluin ang lahat ng sangkap at pagkatapos ay ipahid sa mukha at leeg sa loob ng 15-20 minuto. Banlawan ito pagkatapos gamit ang maligamgam na tubig. Royal Rose Toner Natural astringent ang rosas na nakakatanggal ng dumi at oil sa mukha. Sangkap: 1 kutsara ng dried rose petals 1 tasa ng white wine vinegar ½ tasa ng rosewater Paraan: Ihalo ang rose petals sa vinegar at hayaan ito sa loob ng dalawang linggo.Pagkatapos ay strain ito at ihalo ang rosewater. Gumamit ng cotton balls para ipahid ito sa mukha. Source: www.totalbeauty.com
16
FILJAP MAGAZINE | MAR-APR 2012
Health and beauty
NO N
to Ka f u n s h o this Spring
Isa sa mga usong sakit tuwing sasapit ang spring season ay ang hay fever o “kafunsho�. Noong nakaraang taon, tinatayang 30% ng mga Japanese ang nagkaroon nito kung saan ang dahilan ay ang pollen na nagmumula sa cryptomeria at cypress.
asal congestion, runny nose, sneezing, sore eyes , loss of the sense of smell and taste ang mga sintomas na dala ng kafunsho na kalimitan ay nauuso sa kalagitnaan ng Marso hanggang Abril. Bukod dito, maaari rin mauwi sa sinusitis at asthma ang seasonal hay fever kung hindi agad maaagapan. Sinasabing ang pollen ang isa sa mga dahilan ng hay fever na nagmumula sa mga puno ng cryptomeria at cedar na namumukadkad tuwing panahon ng tagsibol. Sagana ang Japan sa mga punong ito dahil matapos ang World War II ay nagtanim ang Japan ng mga punong ito na kailangan para sa konstruksyon at rehabilitasyon. Binabarahan ng pollen ang nasal lining tissues at iba pang
bahagi ng respiratory system kaya nagkakaroon ng allergic response ang sinumang tatamaan nito. Madaling sabihin na iwasan ang sanhi ng sakit na ito ngunit hindi ito madali dahil ang pollen ay kumakalat dala ng hangin. Kapag tinamaan na ng sakit at hindi gaanong malala, mayroong gamot na nabibili over-thecounter tulad ng antihistamines, nasal corticosteroids, at decongestants. Kapag naman malala na ito at nakakasagabal na sa mga gawain, magpatingin na sa doktor upang mabigyan ng prescription drugs. Ayon sa website ng Mayo Clinic, mayroong ilang mga bagay na maaaring gawin upang kahit paano ay makaiwas sa sakit na ito. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Ugaliing nakasara ang
pintuan at mga bintana tuwing panahon ng tagsibol. 2. Huwag magsampay sa labas ng bahay para hindi kapitan ng pollen ang mga damit, tuwalya at iba pa gamit. 3. Gumamit ng airconditioner sa loob ng bahay. 4. Iwasan ang paglabas sa bahay sa umaga dahil ito ang oras kung saan mataas ang bilang ng pollen. 5. Magsuot ng mask kung aalis ng bahay. 6. Iwasan na maglinis ng mga nalaglag na dahon dahil malamang na marami itong kasamang pollen. Bukod dito, ugaliing alamin ang detalyadong impormasyon na ibinibigay ng Japan Weather Association partikular na sa pollen counts sa iba’t ibang lugar sa bansa.
FILJAP MAGAZINE | MAR-APR 2012
17
ZODIACS & TRIVIA
Cancer
Aries
Taurus
(March 21 -April 20) Magandang pagkakataon ito upang simulang gawin ang isang bagay na matagal nang binabalak. Magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa isang kapamilya ngunit ito’y maaayos din. Umiwas sa mga komprontasyon.
(April 21-May 21) Pag-isipang mabuti ang mga salitang bibitawan nang hindi makasakit ng mahal sa buhay. Huwag basta maniniwala sa sabi-sabi at iwasan ang magpadalusdalos. Isang proyekto na matagal nang hinihintay ang mapapasakamay.
Gemini (May 22-June 21) Isang pag-ibig mula sa nakaraan ang magbabalik. Iwasan ang pagbiyahe nang malayo sa mga panahon na ito, mainam na manatili lamang sa malapit at pamilyar na lugar.
(June 22-July 23) Makakabuti kung maghihinayhinay muna sa pakikipagbarkada at gimikan. Magnilay-nilay kung ano ba talaga ang mga plano sa hinaharap. Magkaroon ng focus at matutupad ang balak.
Leo (July 24 -August 22) May isang kaibigan na mangangailangan ng tulong. Hindi magaatubili na ito ay nadamayan. Makulay ang buhay pag-ibig. Ingatan ang kalusugan.
Capricorn Libra (September 24 -October 23) Matutupad ang inaasam na bakasyon. Iwasan ang pag-iisip sa mga bagay na hindi pa nangyayari. Isang balita tungkol sa trabaho ang magpapasaya sa iyong mood.
Scorpio (October 24 -November 22) Tuparin ang pangako sa minamahal upang maging maayos ang relasyon. Isang nakaraang pag-ibig ang maghuhudyat ng pagbabalik. Malilito ngunit mapapagtanto na ito’y nakalipas na.
(December 22 -January 20) Sagittarius May mga bagong (November 23 pagsubok na -December 21) darating. Ngunit Ang labis na pag- kaakibat nito’y aalala ay magoportunidad na dudulot ng anxiety magdudulot ng at panic attacks labis na kasiyahan kaya’t makakabuti sa propesyonal na kung magre-relax. aspeto ng buhay. Isang katrabaho ang magpapakita ng pagkagusto.
Aquarius (January 21 -February 19) Huwag hayaan na maapektuhan ng mood swings ang kasiyahan na nararamdaman. Isang malaking proyekto ang gagawin na magbubukas ng magandang oportunidad sa trabaho.
Virgo (August 23 -September 23) Makakatanggap ng papuri mula sa boss at mga katrabaho. Ilang mapagsamantalang tao ang aabuso sa kabaitan. Matutong tumanggi kung kinakailangan.
Pisces (February 20 -March 20) Kung may iniindang problema, tandaan na may mga kapamilya at kaibigan na maaasahan. Huwag magatubiling humingi ng payo at tulong sa mga ito. Ingatan ang katawan at bigyang-pansin ang kalusugan.
Dinosaur Bridge?!
I
sa sa pangunahing rason kung bakit itinayo ang Tokyo Gate Bridge ay upang tumaas ang tsansa ng Tokyo na mapili bilang host country sa darating na 2016 Summer Olympics. Subalit, kahit na sa Rio de Janeiro gaganapin ang susunod na Olympics ay pinagpatuloy pa rin ng Japan ang pagpapatayo rito. Tinaguriang “Dinosaur Bridge” dahil sa disensyo nito na tila may magkaharap na dragon, inaasahan na masosolusyunan nito ang trapiko sa lungsod. Sa katunayan, positibo ang mga awtoridad na mababawasan ang traveling time ng mga motorista. Halimbawa, magiging 10 minuto na lamang mula sa 19 minuto ang traveling time kung magmumula sa Shin-ba district. Pinondohan ang four-lane bridge na ito ng
18
FILJAP MAGAZINE | MAR-APR 2012
gobyerno ng ¥113 bilyon, may habang 2,618 metro at may kapasidad na 32,000 sasakyan kada araw. Tantiya ng mga awtoridad na malaki man ang ginastos sa pagpapagawa nito ay malaki din naman ang kikitain na nasa ¥19 bilyon kada taon. Earthquake-proof din ang tulay na ito na binuksan sa publiko kamakailan lamang. Mayroon din nakalaan na daanan para sa mga pedestrians at magkakaroon din ng ring road at two larger loops na nakatakdang matapos sa 2014. Itinatayo rin ang isang container terminal. Naniniwala ang gobyerno ng Japan na makakatulong din ito upang umangat ang turismo sa bansa bukod pa sa magiging tanyag din ito tulad ng Golden Gate Bridge sa San Francisco, U.S.A.
FILJAP MAGAZINE | MAR-APR 2012
19
20
FILJAP MAGAZINE | MAR-APR 2012